You are on page 1of 8

ARALIN 1: LEKSYON 3: KATUTURAN NG PONEMA

I. Layunin
a. Naipapakita ang tamang paraan ng tamang pagbigkas ng mga letra.
b. Nagagamit ang mga tunog ng letra sa pagbuo ng salita.
c. Makikita ang kooperasyon sa klase.

II. Paunang Gawain

Ikanta mo!

Bawat estudyante ay pupunta sa harapan at bubunot ng letra na bibigyan ng salitang nagsisimula


sa letrang kanilang nabunot at kakantahin ng dalawang beses at sa dulo ng mga salita ay
bibigkasin ang tunog ng letrang nabunot.

Halimbawa: A- ( aso, aso A, A, A) B- (baboy, baboy B, B, B )

III. Talakayan

Ang isang makabuluhang tunog sa isang wika ay tinatawag na ponema. Ang bawat wika
ay tiyak na dami ng mga ponema o makabuluhang mga tunog. Sa 21 ponema ng wikang
Pilipino, pinangkat ito sa dalawang ponema. Ito ay ponemang katinig (16)-b, k, d, g, h, l, m, n,
ng, p, r, s, t, w, y, at (?) o impit sa dulo ng salita. Lima (5) naman sa ponemang patinig–a, e, i, o,
at u.

PONEMANG SEGMENTAL ay pag-aaral sa mga tunog na may katumbas na titik o letra para
mabasa o mabigkas. Binubuo ito ng mga patinig, katinig, klaster at diptonggo at iba pa.

Mga Uri ng Ponemang Segmental

1. Ponemang Katinig

Ponemang Katinig ay iniayos sa dalawang artikulasyon- ang punto at paraan ng


artikulasyon. Ang paraan ng artikulasyon ay naglalarawan kung paano ipinatutunog ang mga
ponemang katinig sa ating bibig. Samantala, ang punto ng artikulasyon ay nagsasabi kung saang
bahagi ng bibig ang ginagamit upang makalusot ang hangin sa pagbigkas ng isang ponema.

Limang Punto ng Artikulasyon

Nagsasabi ang punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng mekanismong pambigkas


isinasagawa ang pagbigkas na ponema na maaaring panlabi, pangngalangala, panlalamunan, at
ang pag-ipit ng tunog na ginagawa sa pagsasara ng glottis sa pagitan ng babagtingang tinig.

Ang mga sumusunod ay iba’t ibang punto ng artikulasyon.


Panlabi

Ang mga ponemang /p/, /b/ at /m/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit ng ibabang
labi sa itaas na labi.

Panlabi- Pangngipin

Ang mga ponemang /f/, at /v/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit ng labi sa mga
ngipin sa itaas.

Pangngipin

Ang mga ponemang /t/, /d/, at /n/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit ng dila sa
likuran ng mga ngipin sa itaas.

Panggilagid

Ang mga ponemang /s/, /z/, /l/ at /r/ ay binibigkas sa ibabaw ng dulong fila na dumidiit sa
punog gilagid.

Pangngalangala

Ang ponemang /ñ/ at /y/ ay binibigkas sa punong dila at dumidiit sa matigas na bahagi ng
ngalangala.

Panlalamunan

Ang mga ponemnag /k/, /g/, /s/, /n/, /j/ at /w/ ay binibigkas sa pamamagitan ng ibaba ng
punong dila na dumidiit sa malambot na ngalangala.

Glottal

Ang /h/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit at pagharang ng presyon ng papalabas


na hininga upang lumikha ng glottal na tunog.

Limang Paraan ng Artikulasyon

Pasara

Ang daan ng hangin harang at binibigkas ng walang tinig at may tinig. /p/, /b/, /t/, /d/, /k/
at /g/

Pailong

Ang mga katinig ay binibigkas sa paraang dumadaan sa ilong at tunig kapag


binibigkas. /m/, /n/, /ñ/ at /ng/

Pasutsot
Ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ngalangala o
kaya’y mga babagtingang pantinig. /f/, /v/, /s/, /z/ at /h/

Pagilid

Ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadikit sa
punong gilagid. /l/

Pakatal

Ang hangin ay ilang ulit na humaharang at pinapabayaang lumabas sa pamamagitan ng


ilang bese na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila. /r/

Malapatinig

Dito’y nagkaroon ng galaw mula sa isang posisyon ng labi o dila patungo sa ibang
posisyon. /y/ at /w/

TSART NG MGA PONEMANG KATINIG:

Ang Pilipino ay binubuo ng labing-anim (16) na ponemang katinig. Sa ibaba ay makikita


ang tsart ng ponemang katinig na isinaayos batay sa paraan at punto ng artikulasyon.

PUNTO NG ARTIKULASYON
Panlabi/ Pang-
PARAAN NG Pang- Pang-
Panlabi pangngipi ngala- Velar Glottal
ARTIKULASYON ngipin gilagid
n ngala
p t k
Pasara ?
b d g
Pailong M N (ñ) ng
(f) s
Pasutsot H
(v) (z)
Pagilid l
Pakatal r
Malapatinig y w

2. Ponemang Patinig

Ang wikang Pilipino ay binubuo ng limang ponemang patinig. Ang mga ito ay maaari
ring malayos batay sa kung anong bahagi ng dila ang gumagana sa paglikha ng tunog (harap,
sentral, likod) at kung ano ang posisyon ng nabanggit na bahagi sa pagbigkas (mataas, gitna o
mababa).

TSART NG PONEMANG PATINIG


Harap Sentral Likod
Mataas I U
Gitna E O
Mababa a
3. Diptonggo

Ang diptonggo ay tumutukoy sa pinagsamang tunig ng isang patinig at malapatinig sa


loob ng isang pantig. Likas sa mga Filipino ang may diptonggo sa mga pantig, inisyal, midyal, o
punal mang posisyon.

Harap Sentral Likod


Mataas iw, iy Uy
Gitna Ey Oy
Mababa aw, ay

4. Klaster

Ang klaster ay tumutukoy sa magkasunod na tunog-katinig sa isang pantig, karamihan sa


mga salitang hiram ay may klaster. Ang mga katinig na maaaring maging pangalawang katinig
ay ang /s/, /l/, /r/, /w/ at /y/. Samantala, ang katinig na t ay maaari lamang na maging unang
katinig kapag kasama na s.

-r -l -w -y
prito plawta pwersa
pyansa
P prutas plano pwede
pyano
pribado plantsa pwet
trahedya
tyan
T trumpo twalya
tyo
tren
krus klima kwento
kyuteks
K krimen klase kwentas
kyosko
krema klerk kwarto
braso blosa bwisit byuda
B bronse bloke bwitre byahe
brusko blangko bwelo byulin
drama dyip
dwende
d dragon dyanitor
dweto
droga dyet
gripo glorya gwantes
G grado glab gwardiya
grasa globo grwapo
F flora
swerte sya
S sweldo syensya
swapang syokoy
hwes
H hwag hya
hweteng
nyan
N nwestra
nyog
mwelye
M myamya
mwebles

PONEMANG SUPRASEGMENTAL ay ang pag-aaral kung saan ang mga tunog na ito ay
hindi kinakatawan ng mga simbulo o letra upang maigkas o mabasa at sa halip ay notasyong
penomiko ang ginagamit upang matiyak ang paraan ng pagbigkas.

Mga Uri ng Ponemang Seprasegmental

1. Diin

Ito ay ang bigat o lakas ng pagbigkas ng mga pantig sa isang salita sa pamamagitan ng
diin, nagkakaroon ng kahulugan ang isang salita kaya ito ay sinalitang ponema.

2. Tono, Intonasyon, at Punto

Ito ay ang nagsasabi kung saang bahagi ng salita nagkakaroon ng pagtaas at pagbaba ng
tinig na maaaring makapagbigay at makapagpabago sa kahulugan ng salita o pahayag.

 Tono – ang pagsasalita na nagpapahayag ng matinding damdamin.


 Punto – tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent. Halimbawa, iba ang ppunto ng mga
taga-Ilocos sa mga taga-La Union bagamat parehong Iloco ang kanilang wika.

3. Hinto

Ito ay paraan ng paghahati-hati sa isang pahayag. Sa paraan ng paghinto, mabibigyan ng


ibang kahulugan ang isang salita. Sa maikling hinto, panandang / ang ginagamit. Samantalang
panandang // naman sa mahabang hinto.
IV. Pagsasanay na Gawain

Pagsasanay

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa kahon.

Ponema Ponemang segmental Panlabi Pangngipin

Ponemang Katinig Pasara Ponemang Patinig Klaster

Diptonggo Ponemang suprasegmental

_____________ 1. Ito ay isang makabuluhang tunog sa isang wika.


_____________ 2. Ito ay pag-aaral sa mga tunog na may katumbas na titik o letra para mabasa o
mabigkas.
_____________ 3. Ang mga ponemang /p/, /b/ at /m/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit ng
ibabang labi sa itaas na labi.
_____________ 4. Ang mga ponemang /t/, /d/, at /n/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit ng
dila sa likuran ng mga ngipin sa itaas.
_____________ 5. Ito ay iniayos sa dalawang artikulasyon- ang punto at paraan ng artikulasyon.
_____________ 6. Ang daan ng hangin harang at binibigkas ng walang tinig at may tinig. /p/,
/b/, /t/, /d/, /k/ at /g/.
_____________ 7. Ang mga ito ay maaari ring malayos batay sa kung anong bahagi ng dila ang
gumagana sa paglikha ng tunog (harap, sentral, likod) at kung ano ang
posisyon ng nabanggit na bahagi sa pagbigkas (mataas, gitna o mababa).
_____________ 8. Tumutukoy sa magkasunod na tunog-katinig sa isang pantig, karamihan sa
mga salitang hiram ay may klaster.
_____________ 9. Tumutukoy sa pinagsamang tunig ng isang patinig at malapatinig sa loob ng
isang pantig.
_____________ 10. Ito ay ang pag-aaral kung saan ang mga tunog na ito ay hindi kinakatawan ng
mga simbulo o letra upang maigkas o mabasa at sa halip ay notasyong
penomiko ang ginagamit upang matiyak ang paraan ng pagbigkas.
V. Pangkatang Gawain

Ayusin mo ako!!!

Panuto:

May apat na pagpipilian na envelope ang mga mag-aaral,ang kanilang gagawin ay ilagay nila sa
tamang ayos ang mga letra sa chart bibigkasin nila ito ng maayos pagkatapos ay bubuo sila ng
salita at gagamitin nila ito sa pangungusap.

Palatuntunin:

1. Mahahati sa apat na pangkat ang mga mag-aaral magsisimula silang magbilang sa likod
mula sa harapan.

2. Ibibigay ng guro ang envelope sa mga mag-aaral at sisimulan na ng mga apat na pangkat
na gawin ang gawain.

3. Ang unang matatapos ay pupunta sa harapan para ipresenta ang kanilang ginawa at
mabibigyan ng puntos.

4. Magsisipalakpakan ang mga mag-aaral.

VI. Karagdagang Gawain

A. Panuto: Ilagay ang tama kung ang pangungusap ay totoo at Mali naman kapag ang
pangungusap ay hindi totoo.

1. Ang isang makabuluhang tunog sa wika ay tinatawag na ponema.

2. Ang Ponemang segmental ay tumutukoy sa pag-aaral sa mga tunog na may katumbas na


titik o letra para mabasa o mabigkas.

3. Ang ponemang katinig ay iniayos sa tatlong artikulasyon.

4. Ang wikang pilipino ay binubuo lamang ng limang ponemang patinig.

5. Ang diptongo ay tumutukoy sa magkasunod na tunog-katinig sa isang pantig.


B. Panuto: Kompletuhing ang mga sumusunod na tsart.

TSART NG PONEMANG KATINIG

PUNTO NG ARTIKULASYON
PARAAN NG Panlabi/ Pang-
Pang- Pang-
ARTIKULAS Panlabi pangngipin ngala- Velar Glottal
ngipin gilagid
YON ngala
Pasara
Pailong
Pasutsot
Pagilid
Pakatal
Malapatinig

TSART NG PONEMANG PATINIG

Harap Sentral Likod


Mataas
Gitna
Mababa

VII. Takdang Aralin

Magbigay ng limang halimbawa ng diptonggo at klaster.

You might also like