You are on page 1of 3

ARALIN 1: LEKSYON 1: ANG PONOLOHIYA O PALATUNUGAN

I. Layunin

a. Nabibigyang kahulugan ang ponolohiya.

b. Nagagamit ang mga letra sa wastong pagbuo ng salita.

c. Nakakalahok ng masigla sa klase.

II. Paunang Gawain

Ano ang nasa kahon?

Ang mga mag-aaral ay bubunot ng larawan sa kahon at kanilang bibigkasin sa harapan.

III. Talakayan

Ang ponolohiya o palatunugan ay isang mahalagang sangkap ng wika na malaking


tulong sa pagtamo ng kasanayan sa pakikinig at pagsasalita, gayon din sa pagbabasa.
Napapaloob dito ang pag-aaral sa mga ponema (tunog). Paghinto (juncture), pagtaas-pagbaba ng
tinig (pitch), diin (stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/ lengthening).

Ipahahayag din ng ponolohiya na ang bawat wika ay may kabuuang arbitraryo sa lahat ng
tunog na ginagamit nito. Ang mga katinig at patinig na mga tunog sa Filipino.

 Pag-aaral ng ponolohiya
- Ang Filipino ay may 28 letra
- 15 - katinig - b, d, g, h, k, l, m, n, p, r, s, t, w, y, ng
- 5 – patinig – a, e, i, o, u
- 8 – hiram na letra – c, f, j, q, v, x, z, ñ
Hal. /ba:so/ vs /ma:so/
 May 7 diptongo sa Filipino
- Ay, ey, iy, oy, uy, aw, iw
Hal. bahay, giliw, aruy
 May klaster o kambal- katinig- ito ang magkakasunod na katinig sa loob ng isang pantig.
Hal. kwento – kuwento
 Ang pares minimal- ito ay pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit may katulad
ng bigkas maliban sa isang ponema sa parehong posisyon.
Hal. pala – bala
IV. Pagsasanay na Gawain

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ito ay tama ekis (X) naman kung ito ay mali.

_____ 1. Ang Ponolohiya ay isang mahalagang sangkap ng wika na malaking tulong sa pagtamo
ng kasanayan.
_____ 2. Ang Klaster ay ang magkakasunod na patinig sa loob ng isang pantig.
_____ 3. Ang Diptonggo ay ang pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit may katulad ng
bigkas maliban sa isang ponema sa parehong posisyon.
_____ 4. Ang bawat wika ay may kabuuang arbitraryo sa lahat ng tunog na ginagamit nito.
_____ 5. Ang Filipino ay may 30 letra.
_____ 6. May 6 na diptonggo sa Filipino.
_____ 7. .Napapaloob dito ang pag-aaral sa mga ponema (tunog). Paghinto (juncture), pagtaas-
pagbaba ng tinig (pitch), diin (stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/
lengthening).
_____ 8. May walong hiram na letra sa Filipino ito ay c, f, g, q, v, x, z, ñ.
_____ 9. May limang patinig ang Filipino ito ay a, e, i, o, u.
_____ 10. Ang ponolohiya ay tinatawag din palatunugan.

V. Pangkatang Gawain

Kaalaman mo ,susubukin ko!!!

Panuto:

Ang mga mag-aaral ay pipili sa apat na ibat ibang kulay ng kahon , kailangan lang nilang
gawin ay pipili sila sa apat na kahon at sa loob nito may mga ibat ibang larawan na kung saan
bubuuin nila ito,sasabihin kung ano ang tunog at bubuo sila ng salita gamit ang tunog na
nabanggit.

Palatuntunin:

1. Mahahati sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral magsisimulang magbilang ang nasa harap
hanggang sa likod.

2. Pupunta sa harapan ang bawat representa ng grupo para pumili ng kahon.

3. Magsimulang gawin ng mag- aaral ang kanilang gawain at bubuo sila ng bilog bawat pangkat.

4. Pagkatapos matapos ang kanilang gawain iprepresenta nila ang kanilang ginawa sa harapan.
VI. Karagdagang Gawain

Panuto: Tukuyin ang mga ipinapahiwatig ng mga sumusunod.

_____________ 1. Ito ay tumutukoy sa isang mahalagang sangkap ng wika na malaking tulong


sa kasanayan sa pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.

_____________ 2. Nakapaloob dito ang ang pag-aaral ng mga tunog.

_____________ 3. Ito ay tinatawag ding kambal katinig.

_____________ 4. Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig at malapatinig sa


loob ng isang pantig.

_____________ 5. Ito ay pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit may katulad ng


bigkas maliban sa isang ponema sa parehong posisyon.

Panuto: lagyan ng tsek () ang mga salitang makapagkikitan ng klaster, at ekis (x) kapag hindi.

_____ 1. Tsuper
_____ 2. Karinyo
_____ 3. Doktrina
_____ 4. Himagsikan
_____ 5. Tsart
_____ 6. Bulwak
_____ 7. Prutas
_____ 8. Gwantes
_____ 9. Disiplina
_____ 10. Taksil

VII. Takdang Aralin

Magbigay ng 3 halimbawa ng klaster pares minimal at gamitin sa pangungusap.

You might also like