pagbabagong ngaganap sa /ng/ sa pusisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito. Tulad ng tatlong ponemang pailong, /m, n, ng/, ang ginagamit batay sa kung ano ang punto ng artikulasyon ng kasunod na ponema upang maging magaan at madulas ang pagbigkas ng salita. May dalawang uri ng asimilasyon Asimilasyong parsyal o di-ganap Asimilasyong ganap Ang asimilasyong parsyal o di-ganap ay yaong karaniwang pagbabagong nagaganap sa pailong na /ng/ sa pusisyong pinal ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog. Ang /ng/ ay nagiging /n/ o /m/ o nananatiling /ng/ dahil sa kasunod na tunog. Bukod dito ay wala nang ibang pagbabagong nagaganap. Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ng/ at ito’y ikinakabit sa isang salitang-ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, nagiging /m/ ang /n/. Halimbawa: [pang-]+paaralan = pampaaralan [pang-]+bayan = pambayan Ang huling ponemang /ng/ ng isang morpema ay nagiging /n/ kung ang kasunod ay alinman sa mga sumusunod na ponema: /d, l, r, s, t/. Halimbawa: [pang-] + dikdik = pandikdik [pang] + taksi = pantaksi Sa asimilasyong ganap, bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/ ayon sa punto ng artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema. Halimbawa [pang-]+palo=pampalo = pamalo. [pang-]+tali=pantali = panali