You are on page 1of 19

WIKA AT WIKAIN SA PILIPINAS

CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2021-2022

PANGALAN/PANGKAT: CUTIEE (RAWR) Petsa: 21 OKTUBRE 2021


Miyembro:
ALMADEN, EZEKIEL Modyul #
BEDIA, MARVIN JOHN
BELARDO, CHARROL KHAYE
CADORNA, JANICE

PAMAGAT NG GAWAIN: ULAT-PAPEL

DISIPLINAL NA LAPIT: SEMIYOTIKA AT SEMANTIKA


MGA LAYUNIN AT TUNGUHIN:
Sa pagtatapos ng talakayang ito, inaasahang makakamit ang mga
sumusunod na layunin:
1. Mabibigyang-kahulugan ang semiyotika.
2. Mahihinuha ang kahalagahan ng senyas sa pag-aaral ng wika.
3. Makauunawa sa iba’t ibang teorya ng semiyotika.

INTRODUKSIYON:
Ang mundo ay puno ng mga simbolo at senyales. Na kung saan ito ay
nagsasaad o nagpapahiwatig ng mga kahulugan, mga kahulugan na maaaring
bigyan natin ng subhetibo at obhetibong pag-unawa. Sa talakayang ito ay ihanda
ang inyong sarili sapagkat matututuhan natin ang disiplinal na lapit na tumatalakay
sa pag-aaral ng mga simbolo at senyales na ipinapahiwatig o nakalakip sa mga
salita. Tuklasin natin ang hiwaga ng paksang ito.
PAGGANYAK:
Panuto: Piliin sa Hanay B ang mga angkop na salitang may kaugnayan sa mga
larawan na nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot.
A B
1. a. masipag
b. doktor
k. traydor
d. bata
e. sunog

2.

3.

4.

5.
A. SEMIYOTIKA
Ang katawagang semiotic ay nagmula sa salitang griyego na “semeioun” na
ang ibig sabihin ay sign at kalaunang naging semeiotikos. Ito naman ay may salin na
“semiotics” sa Ingles.

Ayon sa Media Studies, ang Semiyotika ay pag-aaral ng mga tanda (sign) at


ang kahulugan nito sa isang lipunan. Ang isang tanda ay nagpapahiwatig sa isa
pang bagay.

Ang Semiotics ay ang pag-aaral ng mga palatandaan. Hindi lang sa mga


roadsigns, ngunit isang bagay na mas pangkalahatan. Ito ay ang pag-aaral ng
paggawa ng kahulugan at makabuluhang komunikasyon.

Ang Semiotics ay nauugnay sa lingguwistika, ang pag-aaral ng wika, ngunit


nililimitahan nito ang sarili sa mga palatandaan at simbolo na bahagi ng
komunikasyon. Hindi iyan sinasabi na ang lahat ay visual. Ang mga salita at numero
ay palatandaan kasama ang mga larawan, icon, at mga roadsigns. Ang anumang
may kakayahang kumatawan sa ibang bagay ay isang palatandaan. Anumang
bagay na lumilikha ng kahulugan ay isang palatandaan.

Ang semiotics ay kilala rin bilang semiology, semasiology, at semeiology.


Ang isang taong nag-aaral o nagsasagawa ng semiotics ay kilala bilang isang
semiotician. Marami sa mga tuntunin at konsepto na ginamit ng mga
kontemporaryong semioticians ay ipinakilala ng Swiss lingguwista na si Ferdinand
de Saussure.

Mga Teorya ukol sa Semiotics

I. Ferdinand de Saussure (Nobyembre 26, 1857 – Pebrero 22, 1913)

Isang Swiss Linguist at Semiotician. Kilala rin siya bilang


Ama ng Modernong Linggwistika. Ang kanyang mga ideya ay
naging pundasyon ng maraming makabuluhang pag-unlad sa
parehong lingguwistika at semiolohiya noong ika-20 siglo.
Tinawag ni Saussure ang pag-aaral sa mga tanda bilang
“Semiology”.

Si Saussure ay isang linggwistang pranses na isa sa mga


unang nakabuo ng teoryang semiotic habang nagtatrabaho
noong unang bahagi ng 1900’s. Ayon kay Saussure ang semiotics ay pag-aaral ng
"buhay ng mga palatandaan sa loob ng lipunan." Si Sassure ay nagsabi na ang
lingguwahe ay isang sistema ng mga ‘signs’ kung saan siya ay may ‘dyadic’ o isang
model na may dalawang parte. Ang ‘sign’ ay nahati sa:
A. Signifier - the sound pattern (markersound image).
Signifier refers to something that is in a material form (physical), explicitly exist
and can be distinguished by human senses.

-ito ang katauhan o anyo na kinukuha ng ‘sign’.

B. Signified - the concept (the outcome/ the interpretation/ conception of the


signifier).
Signified denotes to something literally and physically does not exist, which is in
abstract basis.
-ito ang konseptong pinahihiwatig ng ‘sign’.

Halimbawa:

Ang mga halimbawang ito ay isang arbitrary sign, kung saan wala namang
natural na koneksyon ang signifier sa signified ngunit alam natin ang ibig sabihin
sapagkat ito ay napagkasunduan o istandard na sa lipunan.

Iginiit din ni Saussure na ang relasyon sa pagitan ng signifier at signified ay


itinatawag na signification system at ang dalawang konsepto ay hindi maaaring
paghiwalayin.
Kung merong relasyon ang mga linggwahe, mayroon din ang mga ‘signs’ na
bumubuo nito. Ito ay tinatawag na Paradigm at Syntagm.

Pansinin ang talahanayan sa baba.

Ang Syntagmatic na relasyon ng mga salita ay tumutukoy sa ayos nito sa


isang pangungusap, ng mga pangungusap sa isang kabanata at kung ano pa. Ang
Paradigmatic na relasyon ay umuukol sa pagkakaroon ng mga salitang
magkapareho ng gamit at maaring ipaghaluhalo. Ang bawat indibiduwal na yunit ay
may paradigmatic na relasyon, tulad ng letrang ‘B’ sa salitang ‘Basa’. Ito ay maaring
palitan ng ibang letra, halimbawa ‘T’ at ang kalalabasan ay ‘Tasa’. Pansinin na iba
ang kahulugan ng ‘Basa’ sa ‘Tasa’ nguni’t ito ay magkapareho ng grupo ayon sa
gamit ng salita. Ang mga letra at ang mga numero ay walang paradigmatic na
relasyon.

Ano ang pagkakaiba ng Paradigm at Syntagm?

Ang paradigm at syntagm ay dalawang konsepto sa semiotics na nagdidirekta


kung paano nauugnay ang mga palatandaan sa isa't isa. Ang parehong mga
konsepto na ito ay ginagamit sa pagsusuri ng teksto sa mabisang komunikasyon
gamit ang mga palatandaan. Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng paradigma
at syntagm ay ang mga paradigma ay tungkol sa pagpapalit samantalang ang
mga syntagms ay tungkol sa pagpoposisyon. Ang dalawang salitang syntagmatic
na relasyon at paradigmatic na relasyon ay nagmula din sa syntagm at paradigm at
tumutukoy sa ugnayan sa iba pang mga syntagms at paradigma, ayon sa
pagkakabanggit.

Halimbawa:
Pinatay ni Anne ang isang lamok. – Paradigm

Dito, ang lamok ay maaaring mapalitan ng iba't ibang mga salita na maaaring
magpahiwatig ng magkatulad na kahulugan. Maaaring pinatay ni Anne ang isang
gagamba, bug, langgam o ibang insekto. Ang bawat isa sa mga salitang ito ay
nabibilang sa isang halimbawa ng mga hayop o insekto na maaaring pinatay ni
Anne.

Isang lamok ang pumatay kay Anne. – Syntagm

Ang mga nasa itaas na pangungusap ay gumagamit ng parehong mga salita


(syntagms), ngunit ang pagkakaiba sa pagkakasunud-sunod (pakikipag-ugnay na
syntagmatic) ay nagbibigay ng dalawang magkakaibang kahulugan.
II. Charles Sanders Pierce (Setyembre 10, 1839 – Abril 19, 1914)

Isang Amerikanong dalubhasa sa pilosopiya’t agham,


kilala siya bilang imbentor ng pragmatism. Tinawag ni Pierce
ang pag-aaral na ito bilang “Semiotics”.
Sa teorya naman ni Pierce, nagbigay siya ng tatlong
dimension ng semiotics, ang:
A. Tanda/ Signos (Representamen)
B. Bagay (Referent)
C. Kahulugan (Interpretant)

1st Correlate 2nd Correlate 3rd Correlate


1stness Qualisign Icon Rhema
2ndness Sinsign Index Dicent
3rdness Legisign Symbol Argument

Ang unang correlate ay tumutukoy sa mismong tanda/sign. (Representamen)

Ang ikalawang correlate ay tumutukoy sa pagitan ng tanda/sign at ang bagay


na nirerepresenta. (Referent)

Ang ikatlong correlate ay tumutukoy sa relasyon ng tanda/sign, bagay at ang


nagbibigay kahulugan. (Interpretant)

Sa tatlong correlates, ang ikalawa ang pinakatanyag at ginagamit ng mga


semiotician.
Binuo rin ni Pierce ang teoryang semiotic, sa parehong panahon ng pag-aaral
ni Saussure, noong unang bahagi ng 1990’s. Ayon kay Pierce ang semiotics ay
isang relasyon sa pagitan ng Symbols, Icons, at Index.

A. Icon
- has a physical resemblance to the signified, the thing being represented. A
photograph is a good example as it certainly resembles whatever it depicts.
- Ang icon ay ang pinakasimple dahil ito ay isang pattern na pisikal na kahawig ng
kung ano ang 'kumakatawan'.
Halimbawa:
Ang isang larawan ng iyong mukha ay isang icon mo.
Ang maliit na parisukat na may larawan ng isang printer sa iyong
computer screen ay isang icon para sa pagpapa-print.

B. Index
– the sign and object are connected in a logical way. A good example is using an
image of smoke to indicate fire.
Halimbawa:
Ang mga titik ng isang alpabeto ay isang magandang halimbawa ng mga
simbolo. Ang hugis ng bawat letra at ang tunog na kinakatawan nito ay walang
pisikal na koneksyon sa bawat isa.
Tulad ng mga salita o signal ng trapiko
C. Symbol - has no resemblance between the signifier and the signified. The
connection between them must be culturally learned. Numbers and alphabets are
good examples. There’s nothing inherent in the number 9 to indicate what it
represents. It must be culturally learned.

III. Roland Gérard Barthes (Nobyembre 12, 1915, Cherbourg, France—Marso 25,
1980, Paris)
I.
French essayist at kritiko sa lipunan at pampanitikan na
kung saan ang mga akda sa semiotics, pormal na pag-aaral ng
mga simbolo at mga palatandaan na pinangunahan ni Ferdinand
de Saussure, ay nakatulong sa pagtatag ng istruktura at ang
Bagong Kritikismo bilang nangungunang mga kilusang intelektwal.

5 Codes of Barthes Semiotic Theory

1.) Semantic codes - mga espisipikong elemento ng isang produkto ng media


na nauunawaan natin bilang isang madla ay mayroong “extra layer” ng
kahulugan o nakatagong kahulugan.

2.) Symbolic codes - paggamit ng isang imahe upang kumatawan ng


kahulugan.

3.) Proairetic codes or action codes - ang mga ito ay mga elemento sa loob ng
isang text sa media na ginagamit upang magpahiwatig na mayroong
mangyayari.

4.) Hermeneutic codes o enigma codes - ang mga code na ito ay gumagamit
ng imahen upang ipakita ang misteryo at sa gayon ay maakit ang isang
manonood.

5.) Referential codes or cultural codes - ang mga code na ito ay gumagamit ng
mga elemento sa media na mayroong “cultural reference” at sa gayon ay may
“appeal” sa mga tao ng isang tiyak na kultura, edad, kasarian, lahi, atbp.

KONKLUSYON
Bilang pampinid, ang pag-aaral ng semiyotika ay komplikado at masalimuot,
maaaring magbunga ito ng kalituhan kung walang wasto at sapat na kaligirang
mapagbabatayan. Hindi maitatanggi na may mga pagkakaiba tayo sa dalumat na
aspekto buhat ng iba't ibang pananaw, bagkus kung sisikapin natin itong aralin at
bigyang pansin, maaari nating maiwasan ang hindi pagkakaintindihan. Naiiba man
tayo sa paraan ng ating pakikipagkomunikasyon, iisa pa rin ang ating tunguhin at
layunin, na tayo'y magkaunawaan na siyang SENYALES ng ating pagkakaisa at
SIMBOLO ng ating pagiging DALUBWIKA.

B. SEMANTIKA
MGA LAYUNIN AT TUNGUHIN:
Sa pagtatapos ng pag-uulat sa mga paksang nakapaloob sa ulat-papel na ito,
inaasahang makakamit ang mga sumusunod na layunin;
1. Mababatid at mauunawaan ang kahulugan ng Semantika.
2. Mailalahad at maipaliwanang ang Tono at Antala.
3. Matutukoy kung ano ang pinagkaiba ng Konotasyon at Denotasyon.

INTRODUKSYON
Likas sa isang tao ang makipag-usap, makipagpalitan ng ideya, paniniwala,
saloobin at mga kaisipan sa kanyang kapwa. Ito’y isang paraan ng
pakikipagkomunikasyon na ginagawa ng tao. Subalit, may mga pagkakataong sa
ating pakikipagkomunikasyon o pakikipag-usap ay nagkakaroon tayo ng ‘di
pagkakaunawaan sa isa’t isa.
Ayon kay Quito, sa aklat ni San Juan et al. (2007)“. Maraming pilosopo sa
wika ang nagsasabi na kadalasan, ang puno’t dulo ng kasalimuutan ay ang di
wastong paggamit ng mga salita. Sa sandaling maituwid ang ating paggamit ng wika,
lahat ng pilosopiya ay malulunasan na.”
Upang higit na maging dalisay ang daloy ng komunikasyon ay kinakailangang
ayusin ang anumang gusot na lumilikha ng ‘di pagkakaunawaan sa pagitan ng
nagsasalita at sa tumatanggap ng mensahe. Madalas nagaganap ang ‘di
pagkakaunawaan sa mga pagkakataong ‘di tayo sigurado kung ano ang tiyak na
kahulugan ng bawat salitang ating nababasa at naririnig. Kaya upang maibsan ang
mga sagabal na ito sa ating pakikipagkomunikasyon. Ating tuklasin, ano nga ba ang
semantika? Paano nito mabibigyan nang lubos na pagpapakahulugan ang isang
salita o mga salita tungo sa mabisang pakikipag-unawaan?
SEMANTIKA
Ang semantika ay nagmula sa salitang Griyego na "semaino" na ibig sabihin
ay "nangangahulugan". Ayon kay Tayag (2016) ang semantika ay pag-aaral kung
paano masusuri ang isang salita at mabibigyan ng pagpapakahulugan.
Ayon kay Gonzales (1992) ang semantika ay proseso ng pag-iisip, kognisyon
at konseptwalisasyon. Ang semantika ay tumatalakay kung paano nabibigyang
kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o sa pahayag.
Dagdag pa rito, ayon kay Marquez (2010) nakapokus ang semantika sa pagbibigay
ng kahulugan sa mga salita,parirala o pangungusap.
Sentro sa pag-aaral ng komunikasyon ang semantika. Ito rinay pag-aaral,
kung paano ang isang salita masusuri at mabibigyanng pagpapakahulugan. Saklaw
rin nito ang pag-aaral na maykaugnayan sa relasyon o ugnayan ng mga salita sa
isangpangungusap. Ito rin ay isang pag-aaral kung paano nabibigyangkahulugan
ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag.Ayon nga sa
pagpapakahulugan ni Lydia Fer Gonzales, ang semantika ay itinuturing na sentrong
daluyan ng iba't ibang larangan ng isipan,at disiplina ng pag-aaral tulad ng
linggwistika,pilosopiya at sikolohiya.
Batay sa pagkakaiba sa pagitan ng mga kahulugan ng mga salita at ang
kahulugan ng mga pangungusap, makikilala natin ang dalawang pangunahing
dibisyon sa pag-aaral ng semantika: Lexical semantics at Phrasal semantics. Ang
leksikong mga semantika ay ang pag-aaral ng kahulugan ng salita, samantalang ang
phrasal semantics ay ang pag-aaral ng mga prinsipyo na namamahala sa pagtatayo
ng kahulugan ng mga parirala at pangungusap na nangangahulugan ng mga
compositional combinations ng mga indibidwal na lexemes.

Ayon kay Lianko (2015), sa tuwing iba ang tunog at antala ng sinasabi natin
ay nagbibigay ito ng ibang kahulugan para sa mga taong kausap natin.

1.Tono - ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang


salita.
Halimbawa:
Ikaw. (May katiyakan)
Ikaw? (Nagtatanong o hindi sigurado)

2.Antala- ito ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at
mabisa ang kaisipang ipinahayag.

Halimbawa:
Basahin at huminto kapag nakita ang /.
Hindi siya si Jomar//
Hindi/ siya si Jomar
Hindi siya/ si Jomar//
Sa tuwing iba ang intonasyon ng mga sinasabi natin, nagbibigay ito ng ibang
kahulugan para sa mga taong kausap natin. Kapag masaya ang pangungusap ang
ating sasabihin dapat ay masaya rin ang pagkabigkas ng mga ito, gayundin kapag
ang sasabihin ay malungkot.

Halimbawa:
Napakasaya ng araw na ito!

Nakikiramay ako.
Ano ang Pangungusap?
Ito ay lipon ng mga salita na may kumpletong diwa. Pag sinabibi nating kumpleto,
buo ang kanyang diwa
Karaniwan at di-Karaniwang ayos ang ayos ng Pangungusap.
Karaniwang ayos ito kung nauuna ang Panaguri kaysa sa Simuno. Hindi
gumagamit ng panandang “ay”.
Di-Karaniwang ayos kapag nauna ang Simuno kaysa Panag-uri at gumagamit ng
panandang “ay”.
Halimbawa:
Mabilis tumakbo ang bata – Karaniwang ayos
Ang bata ay mabilis tumakbo – di karaniwang ayos
Uri ng Pangungusap
1. Payak- Nagpapahayag ito ng isang kaisipan lamang.
Halimbawa:
Si Jaye ay mabait
(payak na simuno)
Si Jaye ay mabait at masunurin
(payak na simuno at tambalang panag-uri)
Sina Jaye at Eduard ay mapagmahal
(tambalang simuno at payak na panag-uri)
Sina Jaye at Eduard ay mababait at mapagmahal
(Tambalang simuno at panag-uri)
Anyo ng Pangungusap
1. Tambalan – Nagpapahayag naman ito ng dalawang magkaugnay na
kaisipan na pinagtatambal sa tulong ng pangatnig At, ngunit, samantalang, habang
Kadalasang ginagamitan ng tuldok kuwit (;)
Halimbawa:
Si Erwin ang nagluluto at si Thelma ang tagahanda ng sangkap.
Ako ang tagapagsalita at ikaw ang tagapasunod.
Ako’y makikinig muna ng mga awitin habang nag-aaral ka.
2. Hugnayan- Nagpapahayag ng punong pangkaisipan o sugnay na makapag-iisa at
isa pang pantulong na kaisipan o sugnay na di makapag-iisa.
Nagpapakita ito ng kondisyong kalalabasan, kondisyon o kadahilanan.
Halimbawa:
Magiging maganda ang pagsasama natin kung magbabago ka na.
Matataas ang grado nila sa klase sapagkat nag-aaral sila.
Mapapansin na gumamit ng kung at sapagkat
3. Langkapan- Tumutukoy sa isang punong kaisipan may isa o dalawa pang
pantulong na kaisipan / kombinasyon ng tambalan at hugnayan.
Halimbawa:
Si Andrea ay nagsasaulo ng iskrip samantalang si Derick ay naghahanda ng mga
costume na susuotin dahil may shooting na gaganapin.
Pangungusap ayon sa layon/tungkulin
Paturol o Pasalaysay / Declarative – pangungusap na nagsasabi o nagpapahayag
ng isang katotohanang bagay o pangyayari.
Ang bantas na ginagamit sa pangungusap na pasalaysay ay tuldok. Ito ay maaaring
nasa karaniwang ayos na gaya ng mga pangungusap na sumusunod.
Halimbawa:
a. Siya ay dapithapon dumating.
b. Huli na ang lahat nakaalis na siya.
c. Maraming magagandang pook sa Pilipinas.

Patanong/ Interrogative – pangungusap na nagtatanong ng isang bagay o mga


bagay. Gumagamit ng tandang pananong (?)
Halimbawa:
Kailan ang kaarawan mo?
Saan nagtungo si Karla?
Dadalaw ka ba sa ospital?

Pautos / Imperative – pangungusap na nag-uutos upang gawin ang isang bagay.


Ito ay may dalawang uri.
Halimbawa:
Allan, tawagin mo si Susan.
Samahan mo si Sam, Karen.

Ang ikalawang uri ng pangungusap na pautos ay yaong nakikiusap na gawin ang


isang bagay.
Ang uri ng pautos na ito’y karaniwang gumagamit ng panlaping ipaki at ng salitang
maaari.
Halimbawa:
Pakibigay mo nga ang abanikong ito kay liwayway.
Maaari bang buksan mo ang pinto, Josefa?
Padamdam- Nagpapahayag naman ito ng masidhing damdamin. Tuwa, lungkot o
gulat gumagamit ng (!)
Pangungusap na walang paksa
Pangungusap na Eksistensyal – nagpapahayag ng pagkakaroon ng isa o higit
pang tao, bagay, at iba Pinangungunahan ito ng may o mayroon.
Halimbawa: May mga turista ngayon sa Baguio.

Pangungusap na Pahanga -nagpapahayag ng damdamin ng paghanga.


Halimbawa:
Kay ganda ng paligid.
Ang talino mo pala.

Mga Maikling Sambitla – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na


nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa: hala! Aba! Aray! Aruy! Ay!

Mga Pangungusap na Pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon.


Halimbawa: alas-dos, malamig ngayon, umaaraw, tanghali na

Pormulasyong Panlipunan -mga pagbati, pagbibigay-galang, at iba pa na


nakagawian na sa lipunang Pilipino.
Halimbawa: Magandang gabi po. Tao po. Mano po. Makikiraan po.

Modal – Nangangahulugan ng gusto/nais/ ibig


Halimbawa: Nais kong makapiling ka.
Gusto ko sana sumama.

Penomenal – nagsasaad ng pangyayari sa kalikasan.


Halimbawa: Babaha na naman sa bayan.
Sinalanta ng bagyo ang Bicol.

Ka-Pandiwa – nagsasaad ng katatapos na kilos


Pautos-Sinusundan ng panghalip na mo.
Panawag- Ginagamit sa malapit na kaibigan o kamag-anak Halimbawa: Uyy,
manang, tara, alis.

Pangungusap Pampalawak
Mga paningit o ingklitik
Ang tawag sa mga katagang isinasama sa pangungusap upang higit na maging
malinaw ang kahulugan nito.
Halimbawa:
Ba, na, pa, lamang, muna
Kasi naman, din lang sana
Kaya, nga, ho, man, tuloy, Yata

Mga Panuring
Dalawang kategorya na mga salita ang magagamit na panuring, ang pang-uri na
panuring sa pangalan o panghalip at ang pang-abay.
Halimbawa: Ang magaling na mag-aaral ay laging una sa klase.
Sa aklat nina Cardenas, Austero et. al. tinukoy nila ang kahulugan ng salita sa
pamamagitan ng:

Konotasyon

Ito ay tumutukoy sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita depende


intension o motibo ng taong gumagamit nito. Ito rin ang kahulugang ibinibigay sa
mga salita, parirala o pangungusap na hindi tuwirang isinasaad. Sa madaling salita,
malalim ang kahulugan ng salita.
Ito rin ay tumutukoy sa mga implayd (implied) o 'suggested meaning' kasama
ng lahat ng emosyonal, pabor na tono na walang katiyakan at kaiba sa tunay na
kahulugan. May mga pangyayari na sa pagbibigay ng konotasyon, may ilang gulo
itong nalilikha sapagkat maaaring iba ang gustong 'palitawing kahulugan' kaysa sa
tunay nakahulugan ng salita.Sa madaling salita ito ay mayroong malalim na
kahulugan.
Halimbawa:
Ina/Nanay – Ilaw ng Tahanan
Buwaya – Korap
Ahas- isang taong traydor o tumitira ng patalikod

Denotasyon
Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong kahulugan ng
mga termino. Ito ang literal na kahulugan ng mga salita. Kung tawagin ito ay
'dictionary meaning' na ang ibig sabihin ay tahas, aktwal, tiyak, tuwirang kahulugan.
Tinatawag din itong 'core meaning' ni ‘G. Porter at G. Perrin, isang dalubwika,
sapagkat may paniniyak at walang pasubali kinikilala, tinatanggap at sinasang-
ayunan ng mga tao.
Halimbawa:
Ina/Nanay – babae
Buwaya – uri ng hayop na pwedeng manirahan sa lupa at tubig
Ahas- isang uri ng hayop na makamandag at paused kung lumakad.
Iba pang halimbawa ng Konotasyon at Denotasyon:

Salita Konotasyon Denotasyon


Itim Kamatayan Kulay
Nagsusunog ng kilay Nag aaral nang mabuti Sinusunog ang kilay

Balitang kutsero Gawa-gawang storya o Balita ng kutsero


chismis

Nagpantay ang paa Patay na Pantay ang paa

Buhay alamang Mahirap Buhay na alamang

Sa ating mga Filipino ay hindi na bago ang pagbitaw ng mga salita na iba ang
gustong ipahiwatig o ipabatid sa ating kapwa. Nakasisira ito ng komunikasyon kapag
hindi inaayos ang intonasyon ng isang pahayag dahil may mga pagkakataon na
ibang mensahe ang matatanggap ng ating kausap at kapag patuloy pa rin ang
paglabag sa tuntuning pansemantika, maaaring magiba ang interpretasyon ng ating
mga kausap sa mga bawat pahayag. Kaya mahalaga ang semantika dahil dito natin
nalalaman ang kahulugan ng bawat salitang binibitawan ng ating mga kausap.

PAGLALAPAT:
DISIPLINAL NA LAPIT: SEMIYOTIKA
I.
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawang nasa ibaba at tukuyin kung ito ay Icon,
Symbol, o Index batay sa teorya ni Pierce. Pagkatapos matukoy, ibigay ang
Signified at Signifier ng bawat larawan ayon sa teorya ni Saussure. Panghuli,
ipaliwanag ang kahulugan ng mga larawan gamit ang napiling code mula sa 5
Codes of Barthes Semiotic Theory.

1. 3.

2.

DISIPLINAL NA LAPIT: SEMANTIKA


PAGLALAPAT:
Panuto: Ibigay ang Denotasyon at Konotasyon ng bawat salita.

Salita/ Idyoma Denotasyon Konotasyon


Ilaw ng tahanan.
Isang kahig, isang tuka.
Kalimbahin
Makabagbag-damdamin
Bukas-palad

PAGTATAYA:
1. Sa pag-aaral ng wika at wikain, ano ang papel na ginagampanan ng
semiyotika at semantika?

2. Kung tayo ay may iba’t ibang interpretasyon sa pagbibigay-kahulugan sa


mga simbolo na ating nakikita, ano ang magiging sanhi nito at paano
malulutas ang suliranin na maaaring mag-ugat sa maling pagkakaunawa sa
mga palatandaan?

3. Bakit mahalaga na tayo ay may wastong kaalaman sa estruktura at balarila


ng gramatika kahit ito ay maaaring deskriptib o preskriptib
MGA SANGGUNIAN

ORITO, R. (WP) Semantiks. Na retrieve sa link na


https://www.academia.edu/9397803/semantiks noong Oktubre 28,2020
TAYAG (2016) Semantika:Wastong gamit ng mga salita at pagpapahulugan. Na
retrieve sa link na
https://prezi.com/chd4cfefslsk/semantika-wastong-gamit-ng-mga-salita-at-ang-
pagpapa hulugan/ noong Oktubre 28,2020

LANZONES (WP) Semantiks REPORT. Na retrieve sa link na


https://www.coursehero.com/file/28396937/Semantiks-REPORTpptx/ noong Oktubre
28,2020

LIANKO, P. (2015) SEMANTIKA. Na retrieve sa link na


https://prezi.com/rpeaxke_1msj/semantika/?
frame=6a858750d7a8446f783f0ce402131f5 b2f1df7f9 noong Oktubre 28,2020

FREGIL, M. (2019) Ang Semantika Sa Dimensyonal Na Pagpapakahulugan. Na


retrieve sa link na
https://idoc.pub/download/ang-semantika-sa-dimensyonal-na-pagpapakahulugan-
6ngex zk0yjlv noong Oktubre 28,2020

WALANG AWTOR (2018) Semantika - Mga Kahulugan at Mga Halimbawa – 2020.


Na retrieve sa link na https://tal.lifehackk.com/94-semantics-linguistics-1692080-383
2 noong Oktubre 28,2020

SOLOMON, J (WP) Mga halimbawa ng Denotasyon at Konotasyon. Na retrieve sa


link na
https://www.scribd.com/document/419503264/Mga-Halimbawa-Ng-Denotasyon-at-
Kono tasyon noong Oktubre 28,2020

MGA SANGGUNIAN:

Creative Tap. (2019). Roland Barthes Semiotic Theory Explained. Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=8Ho2j973bbA

Media Studies (No Date). Semiotics. Retrieved from


https://opentextbc.ca/mediastudies101/chapter/semiotics/
Merriam Webster. Semiotics. Retrieved from https://www.merriam-
webster.com/dictionary/semiotics#other-words

Hashemi, Ali (Hulyo 19,2011). Icon, Index, Symbols. Retrieved from


http://semitopia.blogspot.com/2011/07/icon-index-and-symbols_8301.html?m=1

Lanir, Lesley (Hulyo 15, 2019). Ferdinand de Saussure: The Linguistic Unit — Sign,
Signified and Signifier Explained. Retrieved from
https://medium.com/@llanirfreelance/ferdinand-de-saussure-the-linguistic-unit-sign-
signified-and-signifier-explained-a7e361b5a2f3

https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-sem-ntica

ICON, INDEX and SYMBOL (Short Version), (2000). Kinuha mula sa


https://legacy.cs.indiana.edu/~port/teach/103/sign.symbol.short.html

Ki (2020). Mga Halimbawa Ng Denotatibo At Konotatibo Na Mga Salita. Kinuha mula


sa https://philnews.ph/2020/08/13/denotatibo-at-konotatibo-halimbawa-at-kahulugan/

Pagkakaiba sa pagitan ng Paradigm at Syntagm (2020). Kinuha mula sa


https://tl.mort-sure.com/blog/difference-between-paradigm-and-syntagm/

S M R Bautista (n.d). Semiotics (Filipino). Kinuha mula sa


https://www.academia.edu/11382065/Semiotics_Filipino_?
email_work_card=thumbnail

Steven Bradley (2016). Icon, Index, and Symbol — Three Categories of Signs.
Kinuha mula sa https://vanseodesign.com/web-design/icon-index-symbol/

Steven Bradley (2016). An Introduction to Semiotics — Signifier And Signified.


Kinuha mula sa https://vanseodesign.com/web-design/semiotics-signifier-signified/

The Editors of Encyclopaedia Britannica (n.d). Semiotics study of signs. Kinuha mula
sa https://www.britannica.com/science/semiotics

Retrieved Nobyembre 18, 2020 from https://philnews.ph/2019/09/10/kahulugan-ng-


antropolohiya-depinisyon-at-iba-pang-alamin-dito/

Vanhove, J. (2014). The Critical Period Hypothesis in Second Language Acquisition:


A Statistical Critique and a Reanalysis. Plos One. Retrieved Nobyembre 25, 2020
from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3723803/

You might also like