You are on page 1of 1

MGA GAWAING PAMPAGTUTURO NA UMAALINSUNOD SA MONITOR MODEL

            Isang maikling buod ni Krashen ay ang pananalig na matatamo ang mga istrukturang
pangwika (W1 o W2) sa isang mahuhulaang pagsusunod-sunod kung may
natatamong comprehensible input at kung mababa ang affective filters at maluwag na
makakapasok ang input.
            Pagtatamo vs. Pagkatuto. Ang bahagyang komprehensyon at di-kumpletong
pagsasalita ay tinatanggap.
            Natural Order. Inaasahang tatanggapin ng mga guro na ang pagbubuo sa isipan ng
mga pangungusap ay hindi nagsisimula sa payak patungo sa mas kompleks na mga
pangungusap.
            Monitor.Maaaring maglaan ng mga karagdagang pantulong sa pamamagitan ng
mga mungkahi o tuwirang tuntuning gramatikal.
            Comprehensible Input. Ang pinagaang wika gaya ng caretaker speech ay maaaring
epektibo sa ibang mag-aaral.
            Ang Affective Filter. Mapabababa ng mga guro ang affective filter sa pamamagitan
ng isang pagkaklase na relaks ang lahat ng bata, may paggalang ang bawat bata.

You might also like