You are on page 1of 3

FIL 117 MINAMASID

PAKITANG-TURO

• Noong unang panahon, natututo ang mga bata sa pamamagitan ng pagmamasid


at panggagaya sa mga nakatatanda. Pinanonood ng anak ang ina o ama habang
nagtatrabaho. Pagkatapos gagayahin ng anak ang anumang nasaksihan niya.
• Sa paaralan, ang saing paraan ng guro sa pagtuturo ay sa pamamgitan ng
pakitang-turo.

Panuntunan na dapat sundin sa pakitang-turo


• Subukin munang gawin ng sarilinan ng guro ang ipapakitang-turo bago ipakita sa
klase.
• Ihanda ang mga gagamitin bago magpakitang-turo
• Pukawin ang interes ng mga mag-aaral upang magtanong sila sa kanilang
minamasid. Kapag nagising ang kanilang interes, maaaring makabuo sila ng
mga katanungan. Ang kasagutan ay makukuha rin sa pakitang-turong ginagawa.
• Pag-usapan ang mga namasid ng mga mag-aaral; sagutin ang kanilang mga
katanungan; bumuo ng paglalahat batay sa pakitang-turo; at ipagawa sa mga
bata ang kanilang nakita at natutuhan sa pakitang-turo.

Mga ginagamit sa pakitang-turo


1. Ang Pisara
ang silid-aralang walang pisara ay tulad ng isang dyip na walang gasoline. May
kulang sa pagtuturo ng guro kung walang pisarang masusulatan ng mga pliwanag at
ilustrasyon.

Magandang bentahe ng pisara


• Kagyat at agad-agad na magagmit
• Nabubura kaagad ang mali
• Naitatakda ang bilis o bagal ng pakitang turo na hindi nagagawa sa
demonstrasyon sa pamamagitan ng sine o telebisyon.
• Nagkakaroon ng masiglang pakikilahok ang mga mag-aaral na pumunta sa
pisara at isulat ang sagot o ang hinihingi ng pakitang-turo.

2. Ang Paskilang Pranela o Pelt


ito ay isang kagamitang tnaw-dinig na dikitan ng mga bagay. Para dumikit ang mga
ito, kailangan ang paskilan ay nabablutan ng pranela o pelt o mga lumang istaking, at
ang likod naman ng mga bagay tulad ng mga cut-out, larawan at bilang ay kailangang
nadidikitan ng papel de liha

PAGLALAKBAY O ESKURSYON
• Ang paglalakbay ay isang binalak na gawaing edukasyunal na ang hangarin ay
matuklasan ang mga kasagutan tungkol sa pinag-aaralan o aktwal na
maranasan ang pinag-aaralan sa pamamagitan ng paglabasa sa apat na sulok
ng silid-aralan at pagpunta sa tiyak na lugar na kakikitaan ng pinag-aaralan.
• Ang paglalakbay bilang istratehiya sa pagtuturo ay mabisa sa pagkakamit ng
kauna-unahan at mga bagong kaalaman at kasanayan o “first hand information”
tungkol sa isang tiyak na paksa.
• Ang panapos na mga gawain ng pamamaraang paglalakbay ay maaaring
pagpapahalaga o ebalwasyon ng mga kaalaman, karanasan, kasiyahan at
kahalagahang natamo sa paglalakbay; maaaring sa porma ng proyekto; at maari
ring sa pamamagitan ng pagpapasulat ng komposisyon, liham o kuwento tungkol
sa naganap na paglalakbay.
Dahilan sa pag-uulik-ulik ng mga guro:
• Nanganagilangan ito ng mahabang pagbabalak at paghahanda;
• Mahabang oras ang ginuguguol sa pagbabalak kaysa karaniwang oras ng
pagtuturo
• Magastos para sa guro at mag-aaral
• Nangangailangan ng karagdagang atensyon sa panig ng guro
• Maaaring may masama o di-inaasahanag mangyayaring magaganap na
makasasama kapwa sa guro at mag-aaral;
• Isang karagdagang responsisbilidad ito sa panig ng guro; at
• Pagwawalang-halaga sa panig ng administrasyon.

EKSIBIT
• Ang eksibit ay ang maayos na pagtatanghal ng mga bagay o kaisipan sa isang
tanging lugar o lalagyan upang mamasidng balana.
• Ito ay may layuning mangganyak, magturo o magpaalaala ng mga pangyayari.

Ilang Porma ng Eksibit


• Displey na Yari ng Guro at Mag-aaral
ito ay mga bagay na ginawa ng guro at ng kanyang mga mag-aaral. Unang
itatanghal ng guro ang kanyang mga ginagawang bagay o proyekto. Magsisilibing
halimbawa ito sa mg abata at gagawa rin sila ng kanila.

• Museo
ito ay isang lugar na kakikitaan ng pagtatanghal ng mga bagay na may kinalaman
alinman sa mga sumusunod: siyensiya, kultura, heograpiya, kasaysayan, mga
kagamitang luma ng ating mga ninuno at iba pa.

• Bulitin Bord
ito ay isang kagamitang tanaw na katularin ng pisara at ginagamit bilang tanghalan
o paskilan ng mga bagay na may relasyon sa aralin at pag-aaral.

• Takbord
magkatulad na magkatulad ang gamit ng takbord at bulitin bord bilang tanghalan at
paskilan. Nagkakaiba lamang sila sa paraan ng pagpapaskil.

• Poster
sa mga paaralan, gingamit ang poster bilang kagamitang tanaw. Nakapaskil ang
mga ito sa pisara, bulitin bord o dingding ng silidaralan. Nagsisilbi itong pagganyak,
paalala at patnubay sa mga mag-aaral hinggil sa liksyong kanilang pinag-aaralan.

• Timeline
ito ay pisi o kawad na gingamit bilang sabitan. Pinapasukan ito ng mga sipit upang
maging sabitan ng mga larawan o iba pang bagay.

• Dayorama
ito ay yari sa kahon. Inaalis ang itaas at harap na bahagi ng kahon at sa halip, ang
pinapalit ay plastic.

• Mobil o Pabitin
anumang kagamitang tanaw-dinig na itinatanghak sa pamamagitan ng pagsabit.
Ang parol ay magandang halimbawa ng mobil.
MGA MIDYANG PANG-EDUKASYON
• Telebsiyon
isa sa mga bantog na imbensyon ng tao. Naghahatid ito ng aliw, kaalaman, balita at
pangyayari sa iba’t ibang panig ng daigdig. Sa silid-aralan, mabisa itong kagamitang
tanaw-dinig.

• Sine
sa pamamagitan ng sine, nalalaman ng mag-aral ang mga bagay na hindi nila
naranasan ng tuwiran.
sa ganitong uri ng kagamitang tanaw-dinig, kailangan lamang na maging lubhang
mapamili ang guro sa sineng papanoorin ng mga bata.

• Radyo
sa pamamagitan ng radio, nalilinang ang kasanasyan sa pakikinig ng mga mag-
aaral; naghahatid ito ng dagliang impormasyon; pinasisigla nito ang iba’t ibang gawain
ng mga bata; nagbibigay-kawilihan ito at nagpapatyog ng imahinasyon.

• Prodyektor
ito ay aksangkapang ginagamit upang magmukhang malaki ang isang maliit na
larawan, guhit o bagay na may ipinapakita sa telon.

You might also like