You are on page 1of 5

FIL 117 ANG PAGLINANG NG KURIKULUM

Ano ang kurikulum?

– Ang kabuuan ng nilalaman ng isang pinag-aaralan, mga gawain at mga


pinagbatayan na puspusang pinili, isinaayos at ipinatupad sa mga paaralan sa
natatanging gawaing pantao bilang isang institusyon ng katarungan at
makataong pagpapaunlad. Sakop ng kurikulum ang kabuuang tuon o layunin, na
dapat isakatuparan ng mga paaralan at maabot ang mga tiyak na tunguhin ng
pagtuturo.

– Ayon kina Ragan at Shepherd ang kurikulum ay isang daluyang magpapadali


kung saan ang paaralan ay may resposibilidad sa paghahatid, pagsasalin at
pagsasaayos ng mga karanasang pampagkatuto.

– “Curriculum is the instrumentality by which school seek to translate mans hope


for education into concrete reality.” 

Ang kurikulum ay isang plano ng mga gawaing pampaaralan at kasama rito ang
sumusunod:

– ang mga dapat matutuhan ng mga mag-aaral,


– ang paraan kung paano tayahin ang pagkatuto,
– ang katangian ng mga mag-aaral kung paano sila matatanggap sa
programa, at
– ang mga kagamitang pampagtuturo

Mga sangkap ng isang mahusay na kurikulum:

– ang saklaw ng asignatura paksa at mga gawain kasama rito.


– ang pagkasunod-sunod at organisasyon ng paksa at
– mga estratehiya at pamamaraang gagamitin upang matamo ng mga mag-
aaral ang layunin.

ANG PAG-UNLAD NG KURIKULUM SA PILIPINAS


Ang bawat panahon sa kasaysayan ng Pilipinas ay kakikitaan ng iba’t ibang tuon ng
kurikulum.

Panahon Bago Dumating ang mga Kastila


– Pagtuturo sa loob ng tahanan ng mga pangunahing gawain upang patuloy na
mabuhay.
– Goal: Integration of individuals into the tribe
– Focus: Customs and traditions
– Method: oral immersion
– Course of Study: None
– General Characteristics: Not formal; community-based; no educational system

Panahon ng Kastila
– Sa unang panahon ng Kastila ginamit na paaralan ang mga kumbento at mga
pari ang mga guro. Ginamit nila ang dala nilang mga akdang dayuhan at isinalin
sa wikang katutubo upang palaganapin ang Kristiyanismo. Ginamit din nila ang
mga isinalin upang turuang bumasa, sumulat at bumilang ang mga katutubo.
– Sa panahon ng rebolusyon, ang panitikan ay nakatuon sa pagiging makabayan.
– Goal: Spread of Christianity
– Focus: Religion
– Method: rote memorization; use of corporal punishment
– Course of Study: flexible
– General Characteristics: no grade level; church-based; no educational system

Panahon ng mga Amerikano


– Sa unang panahon ng mga amerikano, naitayo ang mga paaralang pampubliko,
naging guro ang mga kawal na Amerikano, ginamit nilang aklat ang mga dalang
babasahin at naging palansak ang pagsasaling-wika upang ituro ang Wikang
Ingles. Itinuro rin ang pagbasa, pagsulat, pagbilang, paghahalaman,
pangkalusugan, at iba pa. Binigyang-diin din ang paghahanda sa mga Pilipino
para sa sariling pamamahala at ang matibay na pagsasakatuparan ng
paghihiwalay ng simbahan sa pamahalaan.
– Goal: Spread of democracy
– Focus: Academic English Language and Literature
– Method: Democratic English as medium of instruction
– Course of Study: uniform; centralized
– General Characteristics: Existence of an educational system

Panahon ng Hapon
– Nang dumating ang mga hapon, ipinagbawal ang pagtuturo ng Wikang Ingles at
sa halip ay ang pagtuturo ng Niponggo at pagtuturo ng Wikang Filipino. Isinama
rin ang pagtatalakay sa patakaran ng co-prosperity sphere at pag-aalis ng
kaisipang U.S Imperialism.
– Goal: Spread of the new Asian order
– Focus: Principles of the new order
– Method: Rote memorization; use of the threat and punishment
– Course of Study: uniform; centralized
– General Characteristics: Not formal; community-based;

Panahon ng Martial Law at 1986 Rebolusyon


– Ipinatupad sa panahong ito ang bilingual education, population education at
family planning, taxation at land reform, pagpapatibay sa pagpapahalagang
Filipino

Kasalukuyang Panahon
– Ang kasalukuyang paanahon ay nakilala bilang panahon ng makina. Naging
bahagi ng kurikulum ang komputer at ang makabagong teknolohiya. Binigyang-
diin din ang pagpapaunlad ng wikang bernakular, ang Wikang Ingles, Inclusive
Education, Special Education, makabagong pamamaraan sa pagtuturo gaya ng
Multiple Intelligences, Learning Syles, at marami pang umuusbong na isyu.

Mga Batayang Legal at Opisyal na Paggamit ng Filipino Bilang Wika ng


Edukasyon

Artikulo XIV, Sek. 7 ng 1987 konstitusyon


– ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles

DECS Order 25, s. 1974


– “Panuntunan sa Pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinguwal.” Ang
patakaran na naglalayong linangin ang magkatimbang na kasanayan sa Ingles at
Pilipino, ay para sa lahat ng mga paaralan, elementarya, sekondarya, at
tersyarya.

 DECS Order No. 50, s. 1975


– “Supplemental Implementing Guidelines for the policy on Bilingual Instruction at
Tertiary institutions.”
DECS Order 25,
- binigyan ng opsyon ang mga institusyon sa antas tersyarya na magdebelop ng
kanilang sariling iskedyul ng pag-implementa sa programa.

MEC Order No. 22, s. 1978


– “Filipino as Curricular Requirement in the Tertiary Level”
– Bilang pag-alinsunod sa patakarang bilingguwal at sa iniaatas ng DECS Order
50, s. 1975, nagtakda ng tiyak na programa ng pagtuturo ng Pilipino sa antas
tersyarya. 

DECS Order 52, s. 1987


–  Bilang pagtugon sa mga probisyong pangwika ng konstitusyon ng 1987, nirebisa
ang patakarang bilingguwal at ipinagkalat ang impormasyon tungkol dito sa
pamamagitan ng dalawang kautusan.
– “Filipino and English shall be used as media instruction, the use allocated
to specific subjects in the curriculum as indicated in DECS Order No. 25, s
1974.”
– “…Tertiary level institutions shall lead in the continuing intellectualization
of Filipino. The program ofintellectualization, however, shall also be
pursued in both the elementary and secondary levels…”

 CHED Memo Order 59, s. 1996 


– “New General Education Curriculum (GEC).”

CHED Memo 04, s. 1997


–  Nang sumunod na taon, muling nagpalabas ang CHED ng bagong
memorandum, ang CM No. 04, s 1997, na pumapaksa sa mga patnubay sa
Implementasyon ng CMO 59, 1996.

CHED Memo Order 11, s. 1998


– Muli naming nagrebisa ng kurikulum ang mga HEI, partikular ang Teacher
Education Institutions ang ilabas ng CHED ang bagong kautusan tungkol sa
minimum na rekwayrment ng general education para sa magiging guro.

PANANAW SA WIKANG FILIPINO


– “ Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay,
ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika sa ebolusyon
ng iba’t ibang varayti ng wika para sa iba’t ibang sitwasyon sa mga nagsasalita
nito na may iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at
iskolarling pagpapahayag.” (KWF Resolusyon Blg. 96-1, Agosto 26, 1996).

– Ang Kurikulum sa Edukasyong Elementarya Upang maging makabuluhan ang


pagtatalakay ng mga aralin sa Filipino, nararapat na sundin ng mga guro ang
tatlong prinsipyo na:

A. INTEGRATIBO
B. INTERAKTIBO
C. KOLABORATIB

Ang Filipino sa Antas Elementarya


– Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa Filipino.
– Mga Inaasahang Bunga Mithiin: Nagagamit ang Filipino sa mabisang
pakikipagtalastasan (pasalita at pasulat); nagpapamalas ng kahusayan sa
pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para
sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto upang
makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Ang Kurikulum sa edukasyong Sekondarya


– Itinakda ng Batas Pambansa 232 na kilala rin sa tawag na Education Act of 1982
ang sumusunod na layunin ng Edukasyong Sekondarya:

1. Maipagpatuloy ang pangkalahatang edukasyon na sinimulan sa elementarya.


2. Maihanda ang mga mag-aaral para sa kolehiyo.
3. Maihanda ang mgga mag-aaral sa daigdig ng pagtatrabaho.

Ang Layunin ng Filipino sa Kurikulum


– 1. Madebelop ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng mataas, kritikal
at masining na pag-iisip, at sa mas malawak na pagkaunawa at gawaing
pagpapahayag sa iba’t ibang tunay na sitwasyon.

– 2. Mapalawak ang siyentipiko at teknolohikal na kaalaman at kakayahan bilang


daan sa pagpapalago ng mga nakatagong kalakasan para sa sariling pag-unlad
at pagtataguyod ng kagalingang panlahat.

– 3. Madebelop at maliwanagan ang mga mag-aaral sa kanilang pangako sa


pambansang mithiin sa pamamagitan ng pag-unawa, pagpapanatili, at
pagpapaunlad ng mga kaaya-ayang tradisyon at pagpapahalaga ng lahing
Pilipino.

– 4. Makapagtamo ng produktibo at entreprenyurial na kakayahan, kagandahang-


asal sa trabaho at kaalamang pangkabuhayan na mahalaga sa matalinong
pagpili at pagpapakadalubhasa sa magiging propesyon.

– 5. Magtamo ng mga kaalaman, makahubog ng mga kanais-nais na pag- uugali at


matutunan ang mga moral at ispiritwal na pagpapahalaga sa pagkaunawa sa
kalikasan at hangarin ng tao sa sarili, kapwa tao at sa iba pa, kultura at lahi sa
sariling bansa at maging sa komunidad ng mga nasyon.

– 6. Mapataas ang sariling kakayahan at pagpapahalaga sa sining at isports.

Mga Inaasahang Bunga:


Layunin: Nakadebelop ng mga mag-aaral na nagtataglay ng sapat na mga
kaalaman, kakayahan at kasanayan sa paggamit ngg akademikong wika sa
pakikipagtalastasan upang masabing mahusay at mabisang komyunikeytor sa
Filipino.

Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya 


– Alinsunod sa Republic Act No. 7722 o Higher Education Act of 1994, ang
komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) ay naatasang ipatupad ang
sumusunod na katungkulan: 
– A. Itaguyod ang mahusay o de kalidad na edukasyon.
– B. Gumawa ng hakbang upang masiguro na ang gayong edukasyon ay
matamo o para sa lahat (accessible to all); mapaunlad ang responsible at
epektibong pamamahala, patingkarin ang karapatan ng mga guro sa
pagsulong na propesyunal at mayaman ang kasaysayan at kulturang
minana.
Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya Republic Act (RA) No. 7722
(Higher Education Act of 1994)

– CHED Memo Blg. 59, S. 1996


• Binuo ang “New General Education Curriculum”

– CHED Memo Blg. 4, S. 1997


• Implementasyon ng CHED Memo Blg. 59

• Humanities, Social Sciences, communications – 9 na yunit sa Filipino at 9 na yunit


sa Ingles

• Math, Science and Technology, Vocational – 6 yunit sa Filipino at 9 yunit sa Ingles


• Literatura 1 – ituturo sa Ingles at Filipino

• Literatura 2 – depende sa Higher Education Institute

Ang Filipino sa Binagong Kurikulum na General Education (CHED Memo Blg.


30, S. 2004)
– Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino
– Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
– Filipino 3: Masining na Pagpapahayag
– Literatura 1: Ang Panitikan ng Pilipinas
– Literatura 2: World Literature

You might also like