You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

PAMANTASAN NG SULTAN KUDARAT


Kolehiyo ng Edukasyong Pampagtuturo
ACCESS, EJC Montilla, TacurongCity

ANG PAGLINANG NG
KURIKULUM
Inihanda ni: G. Edmar L.Penuela
Ano nga ba ang
Edukasyon?

P inaninwalaan ng mga dalubhasa sa larangan


ng pagtuturo na ang edukasyon ay isang proseso
kung saan ang lipunan ay naglalaan para sa pag-
unlad ng mamamayan.
Ano naman ang
kurikulum?
A yon kina Ragan at Shepherd ang kurikulum
ay isang daluyang magpapadali kung saan ang
paaralan ay may resposibilidad sa paghahatid,
pagsasalin at pagsasaayos ng mga karanasang
pampagkatuto.
A ng kurikulum ay isang plano ng mga
gawaing pampaaralan at kasama rito ang
sumusunod:

 ang mga dapat matutunan ng mga


mag-aaral,
 ang paraan kung paano tayahin ang
pagkatuto,
 ang katangian ng mga mag-aaral
kung paano sila matatanggap sa
programa, at
 ang mga kagamitang pampagtuturo
M ga sangkap ng isang mahusay na
kurikulum:

1. ang saklaw ng asignatura paksa


at mga gawain kasama rito.
2. ang pagkasunod-sunod at
organisasyon ng paksa at
3. mga estratehiya at pamamaraang
gagamitin upang matamo ng mga
mag-aaral ang layunin.
ANG PAG-UNLAD NG
KURIKULUM SA PILIPINAS
A ng bawat panahon sa kasaysayan
ng Pilipinas ay kakikitaan ng iba’t ibang
tuon ng kurikulum.
1. P anahon Bago Dumating ang mga Kastila
Pagtuturo sa loob ng tahanan ng mga pangunahing gawain
upang patuloy na mabuhay.

2. P anahoon ng Kastila
Sa unang panahon ng Kastila ginamit na paaralan ang mga
kumbento at mga pari ang mga guro. Ginamit nila ang dala nilang
mga akdang dayuhan at isinalin sa wikang katutubo upang
palaganapin ang Kristiyanismo. Ginamit din nila ang mga isinalin
upang turuang bumasa, sumulat at bumilang ang mga katutubo.

Sa panahon ng rebolusyon, ang panitikan ay nakatuon sa


pagiging makabayan.
3. P anahoon ng mga Amerikano
Sa unang panahon ng mga amerikano, naitayo ang mga paaralang
pampubliko, naging guro ang mga kawal na Amerikano, ginamit nilang
aklat ang mga dalang babasahin at naging palansak ang pagsasaling-wika
upang ituro ang Wikang Ingles. Itinuro rin ang pagbasa, pasgulat,
pagbilang, paghahalaman, pangkalusugan, at iba pa. Binigyang-diin din
ang paghahanda sa mga Pilipino para sa sariling pamamahala at ang
matibay na pagsasakatuparan ng paghihiwalay ng simbahan sa
pamahalaan.

4. P anahoon ng Hapon
Nang dumating ang mga hapon, ipinagbawal ang pagtuturo ng Wikang
Ingles at sa halip ay ang pagtuturo ng Niponggo at pagtuturo ng Wikang
Filipino. Isinama rin ang pagtatalakay sa patakaran ng co-prosperity
sphere at pag-aalis ng kaisipang U.S Imperialism.
5. P anahoon ng Martial Law at 1986 Rebolusyon
Ipinatupad sa panahong ito ang bilingual education, population
education at family planning, taxation at land reform, pagpapatibay sa
pagpapahalagang Filipino

6. K asalukuyang Panahon
Ang kasalukuyang paanahon ay nakilala bilang panahon ng makina.
Naging bahagi ng kurikulum ang komputer at ang makabagong teknolohiya.
Binigyang-diin din ang pagpapaunlad ng wikang bernakular, ang Wikang
Ingles, Inclusive Education, Special Education, makabagong
pamamaraan sa pagtuturo gaya ng Multiple Intelegences, Learning Syles,
at marami pangumuusbong na isyu.
TAPATAN
at
BALITAKTAKAN

You might also like