You are on page 1of 40

KABANATA I

Ang tula ay isang malayang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan na


ginagawang masining at marikit sa pamamagitan ng mga salitang ginagamit, ng
tema at kaisipan at istruktura nito. Para sa mananaliksik, ang tula ay buhay,
nasusulat dito ang iba't- ibang pangyayari sa buhay ng isang tao, maaaring may
katha mismo o mga tao sa paligid niya.
Sa pananaliksik na ito, susuriin ang sampung (10) tula ni Dr. Jose Rizal.
Layunin ng pag- aaral na ito na matugunan ng mga sumusunod na suliranin.
1. Ano ang magiging kontribusyon ng pag -aaral na ito sa pagpapaalala sa mga
kabataang Pilipino sa kahalagahan ng Panitikang pilipino?

2. Paano maipababatid ng pag- aaral na ito ng bawat tula ni Dr. Jose Rizal sa
kasalukuyang henerasyon na ang mga pagpapahalaga sa bawat tula ay
nananatili pa rin at dapat isa- buhay ng mga mamamayan ng ating bansa?
2.1 Pinatutula ako
2.2 Sa Kabataang Pilipino
2.3 Isang Alaala ng aking Bayan
2.4 Ang Ligpit Kong Tahanan
2.5 Kundiman
2.6 Sa mga Bulaklak ng Heidelbeirg
2.7 Awit ng Manlalakbay
2.8 Huling Paalam
2.9 Ang Awit ni Maria Clara

2.10 Sa Aking Mga Kababata

3. Ano ang magiging kontribusyon ng pananaliksik na ito upang ang mga


kabataan ng bagong henerasyon na karamihan ay nahuhumaling na mga
gawang teknolohiya ay magkaroon ng pagpapahalaga at oras upang bigyang
pansin ang iba't- ibang akdang pampanitikan?

4. Paano naging iba ang pag- aaral na ito sa iba pang mga pananaliksik na
nauna ng iimprenta?

5. Paano mabibigyang solusyon ng pag- aaral na ito ang kakulangan ng mga


sanggunian at kalipunan ng mga tula ni Dr. Jose Rizal? Paano ito makatutulong
sa pagtuturo, pananaliksik bilang kaugnay na literatura at sa pagpapaunlad ngn
panitikan?
Isa sa mga suliraning nabanggit na nais matugunan ng pag- aaral na ito ay
kung ano ang magiging kontribusyon ng pag- aaral nma ito upang ang mga
kabataan ng bagong henerasyon na ang karamihan ay nahuhumaling sa mga
gawang teknolohiya ay makapag- ukol ng panahon at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikan katulad ng tula. Sa pananaliksik na ito, maipakikita ang
kahalagahan at kagandahan ng isa sa mga kinikilalang uri ng akdang
pampanitikan, ang tula.
KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA

Ang mga kaugnay na literatura at pag- aaral sa pagsusuri ng elemento


at istruktura ng tula ay matatagpuan sa kabanatang ito. Malaki ang magiging
gampanin ng mga literaturang ilalahad upang maisagawa at mabuo ang pagaaral.

LITERATURANG KONSEPTWAL

Kasaysayan ng Panitikan

Ang panitikan ay may malaking ambag sa kabihasnan at kultura ng


iba't- ibang bansa lalo na't higit sa ating bansang kinagisnan, ang Pilipinas. Ito
ay mananatiling buhay sa habang panahon sa anyong pasulat at maging sa
anyong pabigkas o pasalita. Ito rin ay isang walang kamatayang ilaw na
tumatanglaw sa kabihasnan ng tao. Sinasariwa ng panitikan ang anumang
pangyayari sa kasaysayan, nag- iingat ng mga tradisyon, karanasan at mga
pangyayari at malayang bumubuo ng mga mithiin ng sinuman ukol sa
hinaharap, mga pangarap o ambisyon na nais bigyang katuparan. Ito,
samakatuwid, ay isang salamain na nagbibigay ng repleksyon ng buhay ng
ninuman, mga karanasan, saloobin at mga pangarap.

Ang Pilipinas o ang mga Pilipino, bago pa man dumating ang mga
kastila, sa paggamit ng Alibata, ay mayamang mayaman na sa Panitikan. Ito
ang uri ng panitikang tinatawag na Pasalindilang Panitikan. Ang katawagang
pasalindila ay mula sa dalawang salitang pinag- isa o pinagsama na lamang:
pasalin: naglalarawan ng paraan ng pagbabahagi, pagtuturo, paglalahad o
pagpapalaganap, dili kaya'y paglilipat ng karunungan ng naunang henerasyon
sa sumusunod at dila: isang pinakamagandang bahagi ng katawan, ispisipiko ng
bibig na isa sa pinakakasangkapan sa pagbuo ng salita o pagsasalita. Ang
dalawang salitang ito ay bumubuo ng isang kahulugang batay rin sa kanyakanyang tanging kahulugan, isang paraan ng pagbabahagi o paglilipat sa
karunungan sa pamamagitan ng dila.

Ang pasalindilang panitikan, bagamat payak sa katutubong kaanyuan at


nilalaman, na nang dumating ang mga kastila ay nagkaroon na ng pagbabagomula sa anyong pasalita ay naging pasulat na, ay puno ng mga matatandang
kaaralan na nagsisilbing patnubay ng mga tao noong unang panahon.
Nasasalamin dito ang mga magagandang kaugalian, saloobin, paniniwal o
prinsipyo at ang mga bagay na may kaugnayan din sa simple at walang
pagkukunwari nilang pang- araw- araw na pamumuhay at pagpapahalaga sa
kanilang pagkalahi.

Ang katutubong uri ng panitikang ay nalikha at naipalaganap ayon na


rin sa kanilang mga sari- sariling pangangailangan na magkaroon ng
kapanatilihan at kapamalagian ang mga inaakala nilang maganda o
makagaganda pa, mahalaga o makapagbibigay kabuluhan pa sa kanilang
sariling katauhan, sa kanilang paghubog sa mga batang kaisipan, sa kanilang
pamumuhay atsa kanilang lahi.

Kalakip ng kanilang hanagarin na ito, hanagad din nilang


maipaliwanag sa iba at sa mga kabataan ang mga misteryo o kahawigaang
namamasid o nagaganap sa kanilang kapaligiran lalo na ang kalikasan ayon sa
aboy ng kanilang nalalaman at pananaw. Nagsisilbi rin itong pagganyak sa mga
okasyong ang lahat ay nagkakatipun- tipon upang magkasayahan at
magkapalitan ng kanilang kaisipan, o kaya'y pang- aliw lamang sa kanilang
pag- iisa o pagkainip tulad ng mga kantahing bayan, o pagpapalubag ng sama
ng loob sa mga panahon ng pagdadalamhati tulad ng epiko at ang awiting
dungaw, kaya ang panatikan noon ay malaganap.

At dahil na rin sa kagandahan ng kalikasan na kusang nagpapamangha


sa guniguni ng mga ninuno, natuto silang lumikha ng pansarili o
pangkalahatang interpretasyon hinggil dito upang pakinabangan ng lahat.

Ang mga pasalindilang panitikan ay napapangkat sa mga sumusunod

na uri ayon sa anyo ng pagkakalahad ng mgab ito: kantahing bayan,


kasabihan, bugtong, salawikain, sawikain, sabi- sabi, palaisipan at mga
kwentong bayan, na naglalarawan ng kanilang katutubong katalinuhan,
kaalaman at karanasan, at nagsasalaysay ng kanilang mga pinagmulan, buhay
ng mga katutubong bayani, pananampalataya, pag- ibig, mga karanasan,
pananaw at iba pa.

Ang Panitikan sa Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral,


umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan sa bansang
Pilipinas. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng
mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng
mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa.
Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino, ang Panitikan ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino, sapagkat


kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng
ibat ibang wika sa Pilipinas. Bagamat ang mga ito ay nanatili pa rin, unti- unti
na rin itong nawawala at nakakalimutan at nagkakaroon ng mga pagbabago at
nasusulat na ang ilan, hindi natin kailan man maitatatwa na sa mga ito
nasasalamin ang tunay na pagkatao at pagkalahi ng mga Pilipino at makabansa
ng bayang Pilipinas. Ang pasalindilang panitikan ay tunay na pamana sa atin ng
lahi at dapat ariing kayamanan ng kulturang Pilipino. (Panitikang Pilipino:

ANTOLOHIYA, Binagong Edisyon nina Arogante et al.,)

Ang Panulaang Pilipino


Ang Panulaang Pilipino ay humantong sa maraming panahon. At bawat
panahon ay nagdulot ng unti- unting pag- unlad at pagbabago.

Ang kasaysayan ng tula ay nagsimula bago pa man ang pagdating


ng mga Kastila sa Pilipinas ngunit ang mga tula sa panahong ito ay wala pang
tiyak na kaanyuan. Ang mga tula sa panahong ito ay masasabing nasa anyong
salawikain, bugtong, palaisipan at kasabihan. Naiiba ang paggamit sa mga
anyong panitikan sa panahong ito sapagkat .ginagamiot nila ito sa
pagpapahayag ng kanilang mga katutubong kaugalian, mga gawain at
gayundin, ng kanilang mga kalinisang budhi.

Likas sa mga Pilipino ang pagtula. Kahit sa tahanan, humihimig sa


anyong patula ang ating mga ninuno. Tuwing nagkakatipun- tipon,
nagpapaligsahan sila ng kanilang mga talinhaga sa anyong patula. Maging sa
pagtutuksuhan nila ay mga talinhaga ang kanilang ginagamit.

Sa mga panahong ito, makabuluhan ang mga pang- araw- araw na


usapan sapagkat ito ay nagtataglay ng mga talinhaga at kaisipan na maging sa
ngayon ay mapapansin nating ginagamit pa rin. Mula sa mga karunungang

bayan ay sumilang ang mga kantahing bayan na inaawit ng ating mga ninuno
sa saliw ng mga makalumang instrumento o kagamitang pantugtog. Tunghayan
ang kundimang nasa ibaba na isang awiting bayan ng mga tagalog ukol sa pagibig:
Noong unang panahong ako'y bata pa
Natitisod mo ma'y 'di mo alintana
Nang ako'y lumaki at naging dalaga
Tila sa wari ko'y may pagbabanta ka

Kasaysayan ng Tula
Ang tulang Pilipino, sariling atin o hiram na panitikan. Ang kasaysayan ng
tulang Pilipino ay nababahagi sa limang importanteng mga panahon. Una, ang
Matandang Panahon. Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating
ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong 1521. Pangalawa, ang Panahon ng
mga Kastila na nagmula noong taong 1521 hanggang sa taong 1876. Pangatlo,
ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat. Ito ay panahon ng himagsikan.
Pang-apat, ang Panahon ng mga Amerikano na nag-umpisa noong taong 1898
hanggang sa pagkatapos ng panahon ng digmaan. At ang huli'y ang Panahong
Patungo sa Pambansang Krisis.

Ang Matandang Panahon


Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas ay

nagmula sa mga magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkakaagwat.na dumating. Ang mga unang tao na dumating sa Pilipinas ay ang mga
Negrito o Aeta. Sumunod naman ang grupong Indones at mga Malay. Dahil
dito ang sinaunang kabihasnan ay may sarili nang sistema ng pagsulat at
pasalita. Ang unang ebidensiya na mayroon nang sariling panitikang pagsulat
ang mga pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang taga-kanluran ay ang
Baybayin na binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig. Ang mga simbolong
ito ay nakasulat sa mga dahon at balat ng mga punong-kahoy na ang gamit
naman sa pag-ukit ay ang mga matutulis na bato at kahoy din. Mayroon na ring
panitikan na pasalita ang mga sinaunang tao. Ang panitikang pasalita ay may
anyong panulaan, tuluyan, at dula.

Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at kasabihan,


tanaga, tulang pambata, bulong, awiting bayan, at epiko. Ang mga ito'y
nakasulat din ngunit ng dumating ang mga Kastila marami ang sinunog na mga
literatura at saka dahil marami ang nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay
natunaw pagkalipas ng maraming taon. Bagamat magkakaiba ang lengguaheng
gamit ng mga sinaunang tao ang kanilang panitikan ay may iisang mensahe at
layunin.

Ang matandang panulaan ng Pilipinas ay masasabing karugtong ng mga


unang kultura ng Timog Silangang Asya. Karaniwan sa mga kantahin at berso

ay tungkol sa mga gawaing maka- Diyos, tahanan, bukid, dagat, kaligayahan,


kasaganaan at iba pa. Masasabing likas na mga makata ang ating mga ninuno.
May mga tula at awit sila sa lahat ng okasyon ng kanilang buhay. Patula nila
kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain at maging mga
kasabihan. Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay siyang kaunaunahang katutubong tula. Ito'y ang paghahanay ng mga piling salita na
nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula. Ang
salawikain at mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga
paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan. Panahon
ng Kastila Nang matuto ang mga misyonerong Kastila ng wikang Tagalog, una
nilang pinagtuunan ng pansin ang pagsusuri ng mga panitikang nakasulat ng
ating mga ninuno. Pinili nila ang mga panitikang sa kanilang palagay ay
makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang ang
mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig din silang
umawit kaya ang lahat halos ng mga pang-araw-araw nilang mga gawain ay
naisasagawa nila nang may angkop na awitin. Dahil dito, ang mga tula ang
unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis. Ang mga sinulat na tula ng mga
paring Kastilang misyonero ay maiikli sa simula ngunit habang tumatagal ang
mga ito ay nadagdagan ng mga taludtod. Nagsimula sa dalawang taludtod
hanggang sa umabot nang lilimahing taludtod. Nanatili ang sukat at tugma sa
kanilang mga tula kaya hindi nawala ang indayog sa panulaan nang panahong
ito. Ang dating mga tulang katutubo na nakasulat sa matandang baybaying

Alibata ay sinulat ng mga misyonero sa alpabetong Romano. Kasabay ng


pagsulat sa alpabetong Romano ng mga tulang katutubo ay pumasok na rin sa
panulaang Tagalog ang ilang mga salitang Kastila. Nawala ang talinghaga sa
panulaan dahil sa layuning huwag maipagkamali ng mga mambabasa ang
mensaheng panrelihiyon at pangkagandahang-asal.

Panahon ng Kastila
Ang Pilipino ay may sarili nang tula na mayaman sa uri, paksa, at
estraktura bago pa dumating ang mga dayuhang Espanyol. Subalit nang
dumating ang mga Espanyol ang tulang Pilipino ay nagkaroon ng maraming
pagbabago at karagdagan lalo na sa uri at paksa. Noong nag-settle ang mga
dayuhan sa ating bansa karamihan nila'y mga maimpluensiyang prayle. Ang
mga prayleng ito ay hindi lang nagpe-preach kundi sila rin ay mga iskolar ng
lengguaheng Espanyol kaya madali nilang nai-spread ang Kristianismo at ang
kulturang espanyol. Ito ay posible dahil ang mga dayuhan ay nagpakitang tao
sa pamamagitan ng pag sang ayon sa pagkatuto at pag-unawa sa ating mga
katutubong kultura, baybayin, sining, pulitika,at panitikan. Nang mapailalim
tayo sa kanilang mga kamay ang ating mga puso't isipan ay sumunod din. Dahil
dito ang mga katutubong Pilipino o ang mga Indio na madaling silang tawagin
ay madali na nilang nabago ang anyo ng mga katutubong tula.

Ang mga pagbabago ay pagdaragdag sa mga paksang panrelihiyon,

pangmoralidad,

etika,

panlibangan,

pangwika,

at

pangromansa.

Mga

katangiang marami na sa Europa. Ang mga uri namang dinagdag sa katutubong


panulaan ay ang mgaTugma, Pasyon, Dalit, at ang Awit at Korido.
Ang Tugma. Ang tugma ayon sa depinisyon ay ang huling saknong ng tulang
ito ay magkakatugma. Actually, ang uring ito ay ginagamit na nang mga Indio
noon ngunit ang mga Espanyol ay nagdagdag ng isa o marami pang saknong.
At saka, ang dapat na nilalaman o paksa ay ayon sa bagong pananampalataya
sa Panginoong HesuCristo.
Halimbawa:
Quintilla

Umulan man sa bundoc


houag sa dacong laot,
aba si casampaloc
nanao nang dico loob
ualang bauonang comot.

Ang pasyon ay marahil ang pinakatanyag na anyong tula noong panahon


ng ,mga Kastila dahil dito sinasalaysay ang buod ng buhay ng Panginoong
HesuCristo. Ito ay ikinakanta at nagsasalaysay ng kaniyang buhay mula noong
siya ay ipinanganak, dakpin, ipinako sa krus hanggang sa kaniyang muling
pagkabuhay. Isang halimbawa ng pasyon sa isang saknong o taludtod:

O Diyos sa kalangitan
Hari ng Sangkalupaan
Mabait, lubhang maalam
At puno ng karunungan.

Ang dalit gaya ng pasyon ay inaawit din nguanit ito'y nagsasalaysay sa


buhay ni Birheng Maria. Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng
puri siya ay hinahandugan tuwing buwan ng Mayo. Ito ngayon ay tinatawag na
flores de Mayo.

Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa pangromansa. Ang Korido
ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang
malabayani na punung-puno ng kababalaghan. Ang awit nama'y salaysay sa
pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang
sangkap na kababalaghan.

Sa kapanahunang ito marahil ay wala ng hihigit pa sa gawain ni Francisco


"Balagtas" Baltazar. Siya marahil ang mga unang makata na nag-expose laban
sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive work ay sa anyong
Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula
na naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas

censura dahil nagbalat-kayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila.
Ngunit sa mga totoong mambabasa ito'y may maraming tema una laban sa
Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa imperiyalismong espanya.

Sa pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas, matagal na nabalam ang


panulaang Pilipino hanggang sa pagdating ng taong 1610 (Salazar, et.al.1995).
Bagamat nabago ang istilo ng paglikha ng tula sa panahong ito nang dahil sa
rehiyon at pagsasama ng dalawang wika- tagalog at kastila, mananatili pa ring
buhay sa mga labi ng mga Pilipino ang likas na uri nito. Sinikap ng mga Kastila
na pag- aralan ang mga tulang Pilipino. Isang pag- aaral at pagsusuri sa mga
tulang tagalog ang isinagawa ni Padre Francisco Buencuchillo sa kanyang aklat
na "Ante Poetico Tagalo" noong 1895 (Sauco, et. al. 1997) Sa mga aklat na ito,
unang nabasa ng mga Pilipino ang tulang may tugon at sukat. Higit na naibigan
ang mgta ito ng mga mambabasa dahilan sa magandang bigkasin at pakinggan.
Tunghayan ang dalawang halimbawang saknong.

Puso co i nababaliw
sa casalanang naguiliw
Poon tolongin homigil
Mahal mapansit, panimdim
Yayaman saganan, aquin
Ticacot nasa, i gomaling

Magkapatid man pala


Magcarogtong bitoca
Cun ang ysa i, guinhawa
Hindi na magquilala

Ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat


Maiksi man ang panahong ito ang mga tulang nasasailalim ay marahil
pinaka-importanteng mga literary works. Dahil ang mga paksang ipinapahayag
sa mga mambabasa ay mapalaya mula sa koloniyalismong mentalidad, at
ilantad ang mga problema buhat ng pagkasakop ng mga Indio sa mga
Espanyol. Ang mg katangian ng mga paksa sa panahong ito ay naglalaman ng
paksang makabayan, paglalarawan sa mga kapaligiran gawa ng mga dayuhang
sumakop.

Ang panahong ito ay nahahati sa dalawang maimpluwensiyang grupo,


pangpropaganda at panghimagsikan. Ang unang layunin ng propaganda ay
naglalayong humihingi ng reporma na manggagaling sa mga Espanyol. Ang
pinakakilalang propagandista ay ang ating bayabing si Dr. Jose Rizal. Si Dr.
Rizal ay naghangad na mapasigla ang mga tao upang labanan ang mga sakit ng
lipunan at ang mga mabaluktot na paghahari ng mga Kastila. Sinulat niya ang
popular na tulang pinamagatang Mi Ultimo Adios. Dalawa pang pangunahing

propagandista ay sina Graciano Lopez-Jaena at si Antonio Luna.


Nang hindi makamtan ng grupong Pangreporma ang kanilang layunin at
demands sa Espanya at ng mga Kastilang namumuno sa Pilipinas nabuhay o
kaya'y

nabuo

ang

bagong

kilusang

Panghimagsikan.

Ang

kilusang

Panghimagsikan ay naglalayong gumamit ng dahas upang makamtan na ng


ating Inang Bayan ang hinihinging kalayaan sa mga Kastila at iba pang mga
oppressors ng ating bayan. Ang pangunahing pinuno ng kilusang himagsikan
ay si Andres Bonifacio.

Panahon ng Amerikano
Ang panulaang Pilipino noong panahon ng mga amerikano ay ang
makikitang paggamit ng tatlong wika. Ang wikang kastila, tagalog, at ingles.
Ang mga Amerikano ay lumayon na bigyan ng kalayaan ang mga makata at
manunulat tungkol sa mga paksang makabansa, demokrasya, relihiyon,
sosyalidad, at pampulitika. Ang kinikilalang makata sa panahong ito ay si Jose
Corazon de Jesus. Siya ay kilala rin sa pangalang Batute. Si Batute ay isa sa
mga unang makata na gumamit at lumayo sa mga tradisyong anyo ng
pagsusulat.Si Batute ay masasabing kampeon ng mga taong mabababa ang
kalagayan sa pamayanan. Ang kaniyang mga gawain ay makabayan matimbang
sa kaniyang isip and kapakanakan ng mga maliliit at ang kalayaan sa kamay ng
mga dayuhan (Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino, p. 36). Ang
mga tulang siya'y kinikilala ay ang Bayan Ko at Ang Pamana.

Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdulot ng panibagong kabiguan sa


mga Pilipino sa pagkakamit ng kalayaan kung kaya't nanatiling binabalot ng
pag- ibig sa bayan at paghahangad ng kalayaan ang paksa ng mga makata sa
panahong ito. Kahit na mabilis na lumaganap sa panahong ito ang tradisyong
Amerikano ay iginiit pa rin ng mga manunulat na Pilipino ang sistema ng
panulaang Pilipino at ang tradisyong Pilipino. Pinanatili pa rin ang sukat at
tugma sa mga tula. Bagamat higit na umunlad ang sarswela kaysa sa tula sa
panahong ito, dito sumibol ang mga bkinikilalang makata ng panahon.
Nababahagi sa tatlo ang makata ng panahong ito (Sauco, et. al. 1997). Sa
pahayag ni Balmaceda, ito ay nahahati sa makata ng puso, makata ng buhay at
makata ng dulaan. Sa panahon ding ito, ayon pa rin kay Sauco, umunlad ang
pagtatalong patula na tinatawag nating "Balagtasan". Dito sumikat at nakilala
ang mga batikan at pinakamahuhusay na makata. Dahil dito, nagkaroon ng
tinatawag na "Hari ng Balagtasan. Si Jose Corazon de Jesus ang unang nakilala
sa panahon na ito.

Ang mga makata sa panahon ng amerikano ay sina Padre Francisco


Blancas de San Jose. Kinilalang Ama ng tipograpiya sa Pilipinas sapagkat aklat
niya ang unang nalimbag sa paraang tipograpiko (isang uri ng paglilimbag). Si
Alonzo de Santa Ana naman ang may-akda ng aklat ng Explicacion de la
Doctrina Cristiana en la Lengua Tagala na nagtataglay ng mga tugmang

nagpapaliwanag sa mga aral ng Diyos na nakapaloob sa aklat na Doctrina


Cristiana. Ang kanyang mga tula ay ganap na umiwas sa talinghaga upang
maihatid nang tiyak ang diwang nais iparating ng tula. Kinilala niya ang
pagiging maanyo at masining ng tula kaya siya ay kumilala sa sukat at tugma
ng panulaang Tagalog. Si Pedro de Herrrera ay isang makatang nakilala dahil
sa kanyang mga dalit. Samantala, ang mga tula naman naman ni Fernando
Bagongbanta ay napalimbag at natipon sa Memorial de la Vida Cristiana
kasama ng mga tula ni Blancas de San Jose. Isa si Bagongbanta sa mga tinawag
na ladino noong panahong iyon. Ama ng limbagan sa Pilipinas, si Tomas
Pinpin, ay binabanggit pa rin bilang isa sa mga ladinong kasama nina Blancas
de San Jose at Bagongbanta. Ang Como con Dios ay isa sa mga tulang nasulat
ni Pinpin.. Samantala, ipinalalagay naman na unang makatang Tagalog si Pedro
Suarez Osorio na napatala sa kasaysayan ng panitikang Tagalog noong mga
panahong ito. Nakilala rin siya sa pagsulat ng mga dalit. Si Felipe de Jesus
naman, isang makatang Tagalog mula sa San Miguel, Bulacan. May makikitaan
ng pagpapahalaga sa kasaysayan ng panitikan dahil sa kanyang "Dalit na
Pamucao sa Tauong Babasa Nitong Libro" na ang tinutukoy ay ang Barlaan at
Josaphat. Si Felipe de Jesus ang nagpakita ng muling pagbabalik ng talinghaga
sa panulaang Tagalog. Tula niya ang Ibong Camunti sa Pugad. Ang may-akda
ng Arte Poetico Tagalo na lumitaw noong ika-18 dantaon, si Francisco
Bencuchillo ay nakilala sa panahong ito. Sa aklat na ito ay tinalakay ni
Bencuchillo ang iba't ibang sukat at taludturan ng tulang Tagalog.

Bunga ng pag-unlad ng produksyon sa pagsasaka at pagsulong ng


pakikipagkalakalan sa ibang mga dayuhan, ang pagkaunlad ng kabuhayan ay
nakabuo ng pangkat na mga Pilipinong nakilala sa tawag na "Ilustrado" at sa
tawag na "Middle Class". Sa pamamagitan nito, lumitaw ang henerasyon ng
mga kabataang namulat ang mga kaisipan sa di pagkakapantay-pantay ng mga
mananakop at sinasakupan. Sila ang mga Pilipinong nagising ang kamalayan sa
pagiging api. Nang mga panahong iyon, tayo'y sunud-sunuran sa mga
dayuhang panginoon, kahit na nakatataas ang kabuhayan ng ilan sa atin. Dahil
sa mga pangyayaring ito, tinangka ng mga "ilustrado" na magpasok ng mga
pagbabago. Ito'y hindi sa pamamagitan ng armas kundi sa pakikipagtagisan ng
katuwiran sa katuwiran sa pasulat na pamamaraan. Isa ang tula sa naging
kasangkapan sa pagpapahayag ng mga propagandista. Dito nailalahad nila ang
kani-kanilang mga kuru-kuro o pala-palagay, damdamin at maging ang
kanilang mga karanasan. Ang karaniwang tinutuligsa nila ay ang mga ginagawa
ng mga prayle na sana'y yaong talagang masasabing kaugnay ng simbahan.
Hindi lubhang nanuligsa sa mga taong pamahalaan dahil sa mga layunin
lamang ng Propagandista ay pagbabago sa pamamalakad ng simbahan kaya't
ang damdaming laban sa mga prayle ang nangibabaw dahil sila ang higit na
may kapangyarihan kaysa mga taong pamahalaan.

Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas Panahon ng Himagsikan Ang

panahong ito'y nahahati sa dalawa - Pnahon laban sa Kastila at Panahon laban


sa Amerikano. Bagama't maikli ang panahong nasasakop, maraming mga
pangyayari ang naganap at naging makasaysayan sa bayan. Kabilang sa mga
ito'y ang pagkakaroon ng pagpapalit ng pamamahala sa pamahalaan. Bigo ang
mga hangarin ng mga propagandista. Bingi ang pamahalaang Kastila sa mga
kahilingan sapagkat noong mga panahong iyon ay abala sa pansariling suliranin
ang Espanya. Dahil dito'y patuloy pa rin ang pang-aapi at pandudusta,
pagsasamantala at paghihigpit ng pamahalaan at simbahan sa mga Pilipino.
Lumala ang ugnayang Kastila-Amerikano dahil sa mga tunay na pangyayaring
naganap, ipinahayag ng mga Amerikano ang pormal na pakikidigma sa
Espanya noong Abril 25, 1898. Inanyayahan ni Almirante Dewey ang mga
Pilipino upang makipagtulungan sa mga Amerikano.

Ang mga manunulat na sumibol at kinilala sa panahong ito ay sina Andres


Bonifacio may akda ng Katapusang Hibik ng Pilipinas at Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa, Emilio Jacinto may akda ng Sa Anak ng Bayan, Apolinario
Mabini may akda ng El Verdadero Decalogo ( Ang Tunay na Sampung Utos) at
Jose Velasquez Palma may akda ng Himno Nacional Filipino (Pambansang
Awit ng Pilipinas) panahon ng amerikano

Ang mga tulang nasulat pagkatapos ng naganap na Lakas ng Bayan o


"People's Power sa Edsa ay nagpakita ng kalayaan sa pagpapahayag at maging

sa paksa. Pinaksa ng mga tula sa panahong ito ang mga nagaganap sa


kapaligiran at sariling mga damdamin ng mga makatang nagsisisulat ng tula.
May mga tula ng pagpupuri at panunuligsa sa mga nanunungkulan sa
pamahalaan at mga katiwaliang nagaganap sa lipunan. Sa madaling salita,
patuloy ang kamalayang panlipunan ng mga makata sa panahong kasalukuyan.
Nilayon ng mga tula sa kasalukuyang panahon ang maging kasangkapan sa
minimithing pagbabago ng lipunang Pilipino. Sa istilo ng pagsulat ng tula ay
nanatili pa rin ang dalawang paraan - may nagsisulat ng mga tulang may sukat
at tugma at may nagsisulat sa malayang taludturan. Pangunahing layunin ng
tula sa panahong ito ay makapaghatid ng mahalagang mensahe sa mga
mambabasa. Bibihira ang mga tula ng pag-ibig ngunit unti-unting nabubuhay
na paksa sa panulaan ang tungkol sa kalikasan lalo pa't may mga kampanyang
inilulunsad ang pamahalaan sa pangangalaga ng kalikasan. Ang pagtula sa
ibabaw ng tanghalan ay bihira nang mangyari maliban na lamang kung ito ay
hinihingi ng isang pangyayari sa isang palatuntunang idinaraos. Ang indayog
ng tula sa panahon nina Balagtas, Jose Corazon de Jesus, at Florentino
Collantes ay wala na sa tanghalan. Ang Balagtasan ay bibihira na ring marinig
kung kaya't nakalulungkot na kapag tinanong ng guro ang mga mag-aaral kung
nakarinig na sila o nakapanood na ng Balagtasan, ang marami sa kanila ay
hindi pa ang sagot. Ang pagbigkas ng tula sa tanghalan ay pinalitan ng pagawit. Ang awit ay isa ring akdang nasa anyong patula na nilapatan ng himig. Ito
ay nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng may-akda. Sa kasalukuyan,

ang mga awitin ay pumapaksa hindi lamang sa pag-ibig, kundi sa lahat ng mga
nangyayari, nakikita at nararanasan ng tao sa kanyang pang-araw-araw na
buhay. Katulad din ng mga karaniwang tula, ito ay maaaring pumupuri at
nanunuligsa sa mga gawain at kaugalian ng tao. May mga awiting gumigising
sa damdamin at nangangaral sa mga kabataan. Ang isang uri ng awitin na
palasak sa kasalukuyan ay ipinalalagay na epektibo sa paghahatid ng mensahe
sa mga mamamayan ay ang "rap" nina Francis Magalona at Andrew E. May
mga awitin din na naririnig at nakikita sa telebisyon na habang inaawit ay
ipinakikita naman ang mga tagpong may kaugnayan sa isinasaad ng awit. Ang
Pambansang Awit ng Pilipinas ay inaawit sa telebisyon sa ganitong paraan. Ang
"Magkaisa", isang awiting inawit sa Edsa noong naganap ang "People's
Power."

Panahon ng mga Hapones


Dahil sa kawalan ng ganap na katiwasayan, kakaunti lamang ang
nakabasa ng mga nailathalang tula. May mga tula na nahahati sa liwayway na
nahahati sa tatlong katangian: a.) pagtataglay ng nilagyo ng kabiguan at
kawalan ng pag- asa. b.)nagtataglay ng himig panakip butas o panlibang sa
tunay na damdaming hindi nasusulat. c.) yaong nagpapatangay sa agos ng
digmaan (Lopez, et. al. 2002). Magkagayon man, kakaiba ang mga anyo ng
tula ang naibigay ng panahong ito, pawang may malalayang taludturan. Isa rito
ang haiku, tunghayan ang halimbawa.

Pag ibig
Hatid ay saya
Sa pusong sumisinta
Irong, halika

Kalikasan
Biyaya'y taglay
Kaloob ng may kapal
Anyaya'y buhay

Ang isa naman ay Tanaga,

Palay
Palay syang matino
Nang humangi'y yumuyuko
Ngunit muling tumatayo
Nagbubunga ng ginto

Ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis


Krisis sa pulitika ang pangunahing paksa sa panahong ito na buhat ng ating
pagkakaloob sa mga Amerikano at ang pagpapatuloy na pag-angkin sa
koloniyalismong mentalidad na minana natin sa mga Kastila. Ngunit ang mga

pangunahing taga-panglaban ay ang mga kilusan ng mga kabataang mag-aaral.


Sila ay nagbibigay kritisismo sa taong may pera at kapangyarihan tungkol sa
kanilang pamamalakad ng gobyerno. Ang kanilang hinihingi ay reporma na
mapabago ang lipunan dulot ng kapitalismo, imperyalismo, at piyudalismong
paraan ng pamumuno. Si Amado Hernandez ang kinikilalang makata sa
panahong ito.

Panahon ng Bagong Kalayaan


Ito ang panahon ng mga makabagong manunulat. Ang mga makata sa
panahong ito ay nagbagona ng paksa sa kanilang panitik. Sa pangunguna ng
Surian sa Wikang Pambansa nangkaroon ng pagganyak o pang akit sa mga
manunulat. Si Amado V. Hernandez ay nagkamit ng Gawad ni Balagtas Award
at Republic Cultural Award sa kanyang aklat na katipunan ng kanyang mga tula
na may pamagat na "Isang Dipang Langit". At nagpatuloy ang pagsulat ng mga
makata sa saliw ngh iba't- ibang paksa.

Ang mga tula sa panahon ng bagong lipunan ay Romantiko ngunit


Rebolusyonaryo. Ang mga ito'y lantarang tumutuligsa sa mga nagaganap sa
ating

pamahalaan

sa

pananalitang

maapoy,

marahas,

makulay

at

mapagtungayaw. (Salazar, et. al. 1995). Sa panahon ding ito lumaganap ang
popularidad ng mga islogan na ginagamit upang maiparating sa mga
mamamayan ang mensahe sa patulang paraan. Tunghayan ang halimbawa.

Sa ikauunlad ng bayan
Disiplina ang kailangan

Kasalukuyang Panahon

Patula pa rin ang kinagigiliwang paraa ng pag papahayag ng mga


Pilipino sa panahong ito. Kahit ang mga babala, paalala at paksa ng mga
pagdiriwang ay nasa anyo pa rin ng patulang pagpapahayag. Karaniwang
mababasa sa mga dyipning pumapasada ang mga ganitong mga kasabihan:
(Sauco, et.al. 1997)

"Bayad muna, bago baba".


"Kapag seksi, libre. Kung mataba, doble"
"Iyong sigarilyo ay huwag hithitin,
pagkat iyong usok yay masamang hangin"

Kapag ang panulaan ay sintanda ng kasaysayan at gamiting- gamitin na


sa tuwing lilitaw ay nagpapakita ito ng katamisan, kagandahan at kalamyusan.
Ang kariktan ng tula ay wala sa pagganit ng malalalim na salita kundi sa ganda
ng mensaheng nakapaloob dito. Wala rin sa ikli at haba ang ikinaririkit ng
anumang uri ng panulaan kundi ay nasa kakayahan nitong amgbigay ng
inspirasyon o aral sa makababasa. Narito ang bahagi ng tulang sinulat ni Jesus

Manuel Santiago.

Kung ang tula ay iisa lamang


Puspos ng mga salita
Nananaisin ko pang ako'y bigyan
Nang isang taling kangkong
Dili kaya'y isang bungkos
Ng talbos ng kamote
Na pinupol sa kung aling pusalian
O inumit sa bilao ng kung sinong manggugulay
Pagkat ako'y nagugutom
At ang bituka'y walang ilong walang mata.

Ayon kay Alejandro sa pahayag ni Villafuerte (2000: 12) ang


paglalahad ay isa ring pagsusuri sapagkat sinisiyasat dito ang mga katangiang
lihim ng isang tula. Pinaghihiwa- hiwalay ang mga sangkap ng mga bagay na
sinusuri at ipinaliliwanag ang kaugnayan. Ang kaalamang hinihingi sa
pagsusuri ay higit na kaalaman sa pag- uuri- uri. Dagdag pa, kailanagang
alamin ang napapaloob na sangkap, ang panloob at panlabas ng sangkap. Sa
panloob na sangkap, kailangan masuri ang damdamin, guni- guni, at
kagandahan ng tula at nag panlabas ay yaong aliw- iw, sukat at tugma na
bumubuo sa tula. (Lopez, et. al. 2002)

ANG PANITIKAN
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga
damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang
pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang pang-titik-an na kung


saan ang unlaping pang ay ginamit at hulaping an. At sa salitang titik
naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing
sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at


mga karanasang may kaugnay ng ibat ibang uri ng damdamin tulad ng pagibig,

kaligayahan,

kalungkutan,

pag-asa,

pagkapoot,

paghihiganti,

pagkasuklam, sindak at pangamba.

Ang panitikan ay maaring uriin sa dalawa, ang kathang- isip o fiction at


ang hindi kathang isip. Ang kathang isip o fiction ay isang uri ng panitikan
kung saan ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang
imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento, at
pabula at iba pa. Ang ikalawang uri ng panitikan naman, ang hindi kathang isip
ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga panulat na batay sa tunay na
pangyayari katulad ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang

mga akdang pangkasaysayan.

May dalawang anyo rin ang panitikan. Ito ay maaaring tuluyan o prosa o
patula o panulaan. Ang tuluyan o prosa (prose) ay gumagamit ng mga salita sa
isang pangungusap na walang kinakailangang pagtutugma o pagbilang ng mga
pantig upang magkaroon ng parehong tunog sa huli ng tauludtod.Ang patula o
panulaang anyo naman ay pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng
salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at
nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugmatugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

Ang mga halimbawa ng tuluyan o prosa ay ang Alamat, Anekdota, Nobela,


Pabula, Parabula, Maikling kwento, Dula, Sanaysay, Talambuhay, Talumpati,
Balita at kwentong bayan. Samantalang ang patula naman ay ang Awit at
Korido, Epiko, Balad, Sawikain, Salawikain, Bugtong, Kantahin at Tanaga.

Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagkukuwento


tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang
nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at
pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.Kaugnay ang alamat ng mga
mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang
"legend" ng ingles. Samantala, ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na

tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang


kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa
totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga
ginagawa ng mga tao. Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay naman ay
isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.
Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Ang pabula, sa
kabilang dako, (Ingles fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na
panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan. May natatanging kaisipang mahahango mula sa
mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang
mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral. Ang
talinghaga, talinhaga, o parabula naman ay isang maikling kuwentong may aral
na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na
maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo
hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o
relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos
at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong
naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba
pang bagay. Samantala, Ang maikling ay isang maiksing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may
iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng

panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung
ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring
naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na
"Ama ng Maikling Kuwento." Ang dula naman, bilang isa sa mga uri ng
tuluyan o prosa ay nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang
mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay
tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo. Samantala, ang
sanaysay naman ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng
personal na kuru-kuro ng may-akda. Maaari itong uriin sa dalwa ang pormal
ang hindi pormal. Isa pa sa mga uri ng tuluyan o prosa ay ang talambuhay(mula
sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na may diwang "tala ng buhay")
o biyograpiya. Ito ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng
buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon.
Isang halimbawa rin ng tuluyan ang talumpati. Ito ay isang buod ng kaisipan o
opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng
isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. At
ang huli ay ang kuwentong-bayan o polklor. Ito ay mga salaysay hinggil sa mga

likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan,


katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na
babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

Sa Patula o panulaan naman, nabibilang ang Awit at Korido. Nakapaloob sa


kategoryang ito ang iba't ibang uri ng awit at korido na nalathala sa Pilipinas.
Karaniwang nakasaad ang lagom ng akda, ang halaga niyon sa panitikan, at ang
mga kritikang lumabas hinggil sa naturan. Ang Epiko, isang tulang pasalaysay
na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya'y buhat sa lipi ng
mga diyos o diyosa ay isa rin sa mga halimbawa ng panulaan. Ang paksa ng
mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang
paglalakbay at pakikidigma. Samatala, ang balad naman ay tulang inaawit
habang may nagsasayaw. Ginawa ito noong matagal nang panahon. Mayroon
itong anim hanggang walong pantig. Isang halimbawa nito ay balitaw. Ang
balitaw ay debateng awit at sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at
isang lalaki. Ang isa pang akdang pampanitikan na nabibilang sa anyong
panulaan ay ang Sawikain. Ito ay kilala rin bilang idyoma, isang pagpapahayag
na ang kahulugan ay hindi komposisyunal, moto, parirala na nagpapahiwatig
ng sentimyento ng isang grupo ng mga tao. Ang sunod naman ay ang
Salawikain. Ito ay isang uring ng panulaan na ang mga pangungusap ay maiiksi

lamang ngunit lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa


ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.
Tingnan ang mga Halimbawa,

Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.


Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang
huli ay humahantong din ito sa kasalan.

Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.


Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat
siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at
maging payak sa pamumuhay.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.


Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi
nakalaan para sa iyo.

Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang uri ng panitikan na nabibilang


rin sa panulaan. Dito, ang pangungusap o tanong ay may doble o nakatagong
kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang
bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga o enigma, bagaman
tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang

metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat


na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga
tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot. Ang
sumunod ay ang kantahin na binubuo ng mga payak na salita at sukat. Nahahati
ito sa ilang taludturan, maikli at tiyakan. Ang damdamin ay maaaring pansarili
at panlipunan. Ang mga kantahing itoy nagpapalipat-lipat sa bibig ng ating
mga ninuno. Sapagkat ang pag-awit ay pangunahing libangan ng ating mga
ninuno kayat halos lahat ng gawain at damdamin ay inaangkupan nila ng
kantahin. Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na
nabibilang sa panulaan. Ito na naglalaman ng pang-aral agimas at payak na
pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. May
estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.
Katumbas nito ang haiku ng mga Hapones.

Kahalagahan ng Pag- aaral


Ang pag- aaral ng panitikan ay mahalaga. Una, upang makilala ang
kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at
taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan. Pangalwa, upang matalos
natin na tayoy may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa
mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa ibat ibang mga
bansa. Pangatlo, upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at
makapagsanay. Pang- apat, upang maiwasto ang mga ito.pang malaman an

gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at


mapaunlad. At

pang

lima,

bilang

mga

Pilipinong

mapagmahal

at

mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating


panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.

Ang Tula
Ang Tula bilang isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin
ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo
ng mga taludtud. Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat
magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. Sinasabing may
magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa
dito. May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay
piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa.

Ang tula ay may mga uri. Ang Tulang Liriko, Tulang Pasalaysay, Tulang
Patnigan at Tulang Pantanghalan.

Ang Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) ay nagtataglay ng


mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at ibat-ibang damdaming
maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ito ay maikli at payak lamang.
Ito ay maaari ring uriin bilang Awit kung saan ang karaniwang pinapaksa ay
may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at

kaligayahan. Pangalawa ay ang Soneto. Ito ay nagtataglay ito ng mga aral ng


buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at
kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. Ang isa pa ay ang
Oda. Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng
mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig
sa bawat taludtod. Ang Elehiya naman ay tulang may kinalaman sa guniguni
tungkol sa kamatayan samantalang ang Dalit naman ay tulang nagpaparangal sa
Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.

Ang pangalawang uri ay ang Tulang Pasalaysay (narrative poetry). Ito ay


naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig,
pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng
mga bayani sa pakikidigma. Maaaring Uriin ang Tulang Pasalaysay sa Epiko at
sa Awit at Kurido. Ang Epiko ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang
kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan.
Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na
kababalaghan. Samantalang ang Awit at kurido naman ay tungkol sa mga
paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga
kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang
dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo. Ang mga
awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.

Ang ikatlong uri ng panulaan ay ang Karaniwang Tulang Pasalaysay na ang


paksa ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay. At ang ika- apat
naman ay ang Tulang Patnigan (joustic poetry) Kabilang sa uring ito ang
karagatan, duplo at balagtasan.
Ang istruktura ng tula ay may mga sangkap na nakapagpapaunlad sa
kagandahan nito. Ang una ay ang Sukat. Ito ay bilang ng pantig sa bawat
taludtod sa isang saknong. Ang bawat taludtod ay maaaring magkaroon ng
walo, labindalawa, labing-anim, o labingwalong pantig. Ang pangalawa naman
ay ang tugma. Ito ay pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa bawat
taludtod. Mayroong dalawang uri ng tugma, ang Karaniwang tugma (ordinary
rhyme) na kung ang bigkas na malumay at mabilis o malumi at maragsa ay
magkasama sa huling pantig ng mga taludtod sa isang saknong, ito ay
karaniwang tugma. Ang Ganap na tugma (exact rhyme). Sa ganap na tugma,
ang huling pantig ng bawat taludtod ay nagtatapos sa isang tunog. Ang
sumunod na sangkap na naman ay ang Kariktan. Ito ay kagandahan ng isipan at
diwang inilalarawan sa tula. Kasama na rin ditto ang kagandahan ng mga
pananalitang pinili ng makata upang iangkop sa isipan o diwang ipinahahayag
ng mga taludtod. At ang Talinghaga. Ang talinghaga ay mga pahayag na may
mga nakatagong kahulugan o di-tuwirang tinutukoy. Maaaring ang sinasabing
naggagandahang bulaklak sa hardin ang aking daigdig ay ang magagandang
dalaga sa kanyang ginagalawang lipunan.

Konotasyon at Denotasyon
Isa pa sa nagpapaganda ng istruktura ng tulaa ay ang mga salitang
nakapaloob dito. Ang Denotasyon o ang Literal ang kahulugan at ang
Konotasyon o ang malalim ang kahulugan ng salita ay kabilang sa mga
mahahalagang sangkap ng isang tula. Pinalalalim at ginagawang masining nito
ang pagpapahayag. Tingnan ang mga halimbawa,
PULANG ROSAS
Denotasyon: pulang Rosas na may berdeng dahon
Konotasyon : Ito ay simbolo ang passion at pag-ibig

KRUS
Denotasyon: Ang kayumanging krus
Konotasyon: Ito ay simbolo ng relihiyon

ang litrato ng puso


Denotasyon: ito ay nagrerepresinta karton na puso
Konotasyon: Ito ay simbolo ng pagmamahal at pag-ibig

Elemento ng Tula
Ang tema, ito ang paksa ng tula. Ito ay maaring tungkol sa pag-ibig,
nasyonalismo, kabayanihan, kalayaan, katarungan, pagmamahal sa kalikasan,
Diyos, bayan, sa kapwa at marami pang iba. Ang tugma naman ay ang
pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog ng huling salita sa bawat saknong.

Ang sukat, ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Maaari itong
wawaluhin, lalabindalawahin,lalabing- animan o lalabing waluhin. Ang imahe
ay tampok o na kunan nalarawan sa isang tula habang binabasa mo ito.
Nagkakaroon ka ng interes dahil ito ang nagsisilbing lantayan ng isang tula.
Tinatawag itong Imagery sa ingles. Ito ang mga salitang kapag binabanggit sa
tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Ang
isa ay ang persona na tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Ang tono naman ay ang
namamayaning damdamin sa loob ng tula. Ito ay nangungutya, naglalahad at
natuturan. At ang simbolismo. Ito ay mga makabuluhang salita na nagpasidhi
sa guni-guni ng mga mambabasa.

Tayutay
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang
isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng
talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin
ang kanyang saloobin.

May mga uri ang tayutay. Maaaring ito ay Simili o Pagtutulad. Ito ay di
tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng
mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-,
magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles. Metapora o
Pagwawangis, isang tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng

pangatnig. Samantalang ang pagpapahayag ng paghahambing na nakalapat sa


mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing ay
tinatawag naming Metaphor sa Ingles.

Ang Personipikasyon o Pagtatao naman ay ginagamit upang bigyangbuhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga
bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng
kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. Tinatawag itong
Personification sa Ingles. Ang Apostrope o Pagtawag ay isang panawagan o
pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Nariyan din ang Pag-uulit o
Aliterasyon. Dito ng unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
Anapora naman kapag ang gag-uulit ng isang salitang ay nasa unahan ng
isang pahayag o ng isang sugnay. Ang paggamit ng salita sa unahan at sa
hulihan ng pahayag o sugnay ay tinatawag naman na Anadiplosis. Ang Epipora
naman, sa kabilangdako ay ang pag-uulit ng isang salita sa hulihan ng sunudsunod na taludtod. Empanodos o Pabalik na Pag-uulit ang tawag kung ito ay
pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag. Ang Katapora naman ay paggamit
ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala
na binanggit sa hulihan.
Pagmamalabis o Hayperbole naman ito kung lagpas- lagpasang
pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan ang

ipinahahayag ng pahayag. Ang Panghihimig o Onomatopeya, ito ang paggamit


ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. Onomatopoeia ito
kung tawagin sa Ingles. Ang Pag-uyam naman ay isang uri ng ironya na
ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng
damdamin.
Senekdoke o Pagpapalit-saklaw ang tawag kung ang isang bagay, konsepto
kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga
katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. Ang Balintuna, isang uri ng
ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli. Pasukdol, pataas na
paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa
pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas. Ang Pagtanggi o
Litotesnaman ay gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng
pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang
kabaligtaran ng ibig sabihin.

You might also like