You are on page 1of 49

KABANATA 03

PAG-UNLAD NG PANITIKAN - PAHAPYAW NA


PAGTALAKAY
PAKSA
• Pre-Kolonyal
• Kolonyal
• Propaganda at Himagsikan
• Amerikano
• Hapon
• Kalayaan
• Bagong Lipunan
• Kontemporaryo
Panahong
Pre-Kolonyal
Pre-Kolonyal

Ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikan bago


pa dumating ang mga Kastila dito sa Pilipinas.

Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan ng ating


lahi, mga kwentong bayan, alamat, epiko, kantahing
bayan, salawikain, kasabihan, bugtong, palaisipan at iba
pa.
Ang Katutubong Abakada
Pre-Kolonyal

Ang BAYBAYIN ay “spelling” sa ingles. Sa Filipino, sa kung


ano ang bigkas, siya ring baybay nito kapag isinusulat.
Ang mga baybayin ay mula sa alibata ay nagmula pa sa mga
lahing Malay tulad ng bansang Vietnam at Cambodia.

Ang mga talang pampanitikan ng matatandang Pilipino ay


sinunog ng mga unang prayle na lumunsad sa Pilipinas.
Kabilang sa mga hindi nasunod ang mga kantahing bayan
sapagkat ang mga ito’y nagpasalin-salin lamang sa bibig ng tao.
Ginagamit nila ang mga biyas ng kayawan sa pagsusulat.
Pre-Kolonyal

Ang mga unang Kastila na nanakop sa Pilipinas ay


nagpapatotoong ang ating mga ninuno ay mahilig sa mga tula,
awit, kwento, bugtong, bulong at palaisipan na magpahanggang
ngayon ay nagdudulot sa atin ng kasiyahan.

Ang mga unang nanirahan sa ating pulo ay ang mga negrito, na


kilala sa tawag na ita, agta o baluga. Sila ay mga kalinangan
ngunit walang pamahalaan, panulat, walang sining, walang
sensya pero sanay sa paggamit ng busog at pana sa
paghahanap ng pagkain.
Pre-Kolonyal

Maraming dayuhan ang nag-iwan ng impluwensya sa ating


kultura at panitikan. Ito ay ang mga Indonesyo, Manggugusi,
Bumbay, Arabe at Persa na nagpalaganap ng Mahomatismo sa
ating pulo.

Ang mga Malay ay may malaking impluwensya sa ating


panitikan. Nakuha natin sa kanila ang ang alpabetong ALIBATA.
Nagmula rin sa kanila ang lahi ng mga BISAYA, BIKOL,
TAGALOG, KAPAMPANGAN, PANGASINAN at ILOKO.
Ang mga Instik ang nagpamana sa atin ng ating talasalitaan.
Pre-Kolonyal

Ang mga unang tumira sa kapuluang Pilipinas noong


kapanahunan ng mga Alamat, bagamat masasabing hindi
tahasang gala, ay walang permanenteng tahanan. Nagsisitigil sila
sa isang pook nang pangkat-pangkat na may sariling
pamahalaang kasundo o kaaway ng mga kalapit-pangkat.

Ang panitikan noon ay saling-dila o lipat-dila, na ang nag-iingat


at nagpapahayag ay ang mga apo (matatanda) na karaniwang
puno ng barangay o pinakapari nh kanilang relihiyon.
Pre-Kolonyal

Sinasamba nila ang kalikasan, araw o punungkahoy at mga


kababalaghang gawa ng mga mabubuti at masasamang espiritu
na tinatawag niang “anito”.

Ang panitikan noon ay binubuo ng bulong na pangmahiya


(incantations), Kwentong-bayan (folk tale), mito (mythology) at
alamat (legend) na karamihan ay batay sa pananampalataya at
pamahiin.
Panahong
Kolonyal
Panahong Kolonyal

Noong 1521, dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Ang layunin


nila’y hindi lamang pananakop bagkus mapalaganap ang
kristiyanismo sa mga unang Pilipino. Ito ang dahilan kung bakit
kasama ng mga konkistador ang mga prayleng misyonerong
dumating sa Pilipinas. Ang mga parinig ito’y nag-aral ng mga wikain
sa Pilipinas na naging daan ng mabilis na pagsakop sa puso’t isipan
ng mga Pilipino. Ginamit ng mga Kastila sa panulat ang alpabetong
Romano bilang kapalit ng abakadang Alibata o baybayin.
Panahong Kolonyal

Nagdulot ng mabilis ng pagkatuto ng mga katutubo sa


bumasa’t sumulat sa mga wikain ng Pilipinas at sa Kastila
dahil na rin sa pagkakatatag ng ilang paaralang Katoliko
sa Maynila, sa Bisaya at sa Luzon.

Ayon kay Dr. Eufronio M. Alip, isang mananalaysay at


edukado na Pilipino, may limang daang iba’t ibang aklat at
babasahin ang naglimbag ng Limabagan ng Pamantasan
ng Santo Tomas. Ang limbagang ito ang kinikilalang
kauna-unahang limbagan sa Pilipinas.
Katangian ng Panitikan sa Panahong Kolonyal

Tatlong anyo ng panitikan ang lumaganap noong panahon ng


mga Kastila.
Ito’y ang patula, tuluyan at dula.

Sa PATULA: berso, awiting-bayan, dalit, dasal, pasyon at awit


at korido.

Sa TULUYAN: nobena o talambuhay ng mga santo,


mahahabang salaysay at kuwento.
Katangian ng Panitikan sa Panahong Kolonyal

Ang mga dula ay inantas sa tatlo:

DULANG PANLANSANGAN: pangangaluwa, tibag,


panunuluyan at salubong.

DULANG PANTANGHALAN O ENTABLADO: senakulo,


moro-moro, komedya, aninong gumagalaw at karilyo.

DULANG PANTAHANAN: pamanhikan, panubong, duplo,


karagatan at huego de prenda.
Propaganda at
Himagsikan
Propaganda at Himagsikan

Mabilis ang paglaganap ng mga akdang pampanitikan sa panahon


ng Kastila. Ang mga katutubong panitikan ng mga Pilipino ay nabihisan
ng kulturang Kastila at paksaing panrelihiyon. Mahigpit na gumapos ito
sa puso’t diwa ng mga unang Pilipino hanggang tuluyang sakupin at
umabuso sa kapangyarihan ang mga nandayuhan.
Hindi lamang sa panulat nagsikap ang mga propagandista bagkus
gumamit din sila ng mga dulang panlansangan at pantanghalan tulad
ng aninong gumagalaw, karilyo, sarsuwela, at balagtasan na ang
tanging paksa’y pagkamakabansa at pagpapahalaga sa kalayaan at
karapatan sa sariling bayan.
Propaganda at Himagsikan

Naging tahanan ng mga babasahing propaganda ng mga


Pilipino ang iba’t ibang pahayagan sa loob at labas tulad ng
Diaryong Tagalog sa Maynila, La Solidaridad sa Espanya at iba
pa.
Natuklasan ng mga Kastila ang ganitong hangarin ng mga
Pilipino kaya lalong naghigpit ang Censura Permanente ng mga
kastila kaya pinaghanap ang mga propagandistang manunulat.
Ang tatlong paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto
Zamora ay pinagtibay ng mga Kastila sa pamamagitan ng
“garote” sa salang pamumuno sa mga propagandista at
paglabag sa batas ng mga Kastila.
Katangian ng Panitikan sa Propaganda at Himagsikan

Nanatili ang mga anyo ng Panitikan mula sa patula


hanggang sa tuluyan sa panahon ng propaganda at
himagsikan. Ang tanging nagbago sa panitikan sa
panahong nabanggit ay ang layunin ng mga manunulat sa
pagbubuo ng bawat akdang pampanitikan at mga paksaing
ginamit nila. Nasusulat ang mga akda noong panahong ito
sa Kastila at Tagalog.
Naglalayon ang bawat akda sa panahon ng propaganda’t
himagsikan na pukawin at mamulat ang mga Pilipino sa
katotohanan.
Katangian ng Panitikan sa Propaganda at Himagsikan

Nangunguna sa mga makabayang Pilipino na sumulat ng


mga akdang pampanitikan sina Jose Rizal, Marcelo H. del
Pilar at Graciano Lopez Jaena. Sila ang kinilalang
pinakataluktok ng mga propagandista.

Ang mga paksang pagtuligsa at paglaban sa mga Kastila


ay natunghayan din sa mga akda nina Padre Jose Burgos,
Pedro Paterno, Emilio Jacinto, Andres Bonifacio, Apolinario
Mabini, Antonio Luna at Jose Palma.
Propaganda at
Amerikano
Panahong Amerikano
Nagkaroon ng kaganapan ang pangamba ng maraming Pilipino na may isang
malakas na bansa ang sasakop sa Pilipinas sa naramdaman nilang patuloy na
panghina ng lakas ng pamahalaang Kastila dito at sa iba pang nasasakupan
nilang bayan. Pulu-pulutong ang himagsikan sa iba’t ibang panig ng kapuluan at
nangyayari sa iba’t ibang panahon.

Ginamit ang sandata at panulat sa pagbabagsak ng kapangyarihan may 365


taon ding lumupig at lumingkis sa samabayanang Pilipino. Lalong tumalim ang
dila at sumugat ang mga magkasabay na paghahamon ng mga maghihimagsik ng
sandata at panulat lalo na nang maramdaman nilang di makakabangon ang
tinaguriang Inang Bayan ng pilipinas, ang Espanya. Mayo 1, 1898 nang dumaong
ang dalawang puwersa nang magbalik si Hen. Emilio Aguinaldo mula sa
Hongkong nang itatag niya ang Pamahalaang Rebolusyonaryo.
Panahong Amerikano
Likas sa mga Pilipino ang pagiging palaaral at umunlad sa pamamagitan
ng edukasyon kaya’t agad nilang binago ang Sistema nito. Ipinagamit ang
wikang Ingles sa lahat ng antas ng edukasyon at nagbukas ng mga
paaralan sa liblib na pook.
Ginamit ng military sa pagtuturoo kaya’t tinagurian silang “dough boy
teacher”.
Ang wikang Kastila ay unti-unting nanamlay sa pagpasok ng bagong
wika, ang Ingles. Dahil dito’y napadali ang daloy ng kaisipan at kaunlaran
at ang epekto ng impluwensiyang pangkalinangan ay nakapagpatigbaw sa
kalooban ng mga Pilipino upang kalabanin ang bagong kapangyarihang
kolonya. Mababanaag sa ating panitikan sa panahong ito ang pagpasok
ng bagong kultura na di-naglaoy lubusang lumukob sa katauhan ng higit
na nakakaraming Pilipino.
Katangian ng Panitikan
1. Namayani ang diwang makabayan o nasyonalismo – ang unang dekada ng
pananakop ay karugtong ng panahong propaganda at himagsikan.
2. Maramdamin ang mga manunulat na dulot ng nakaraang karanasan.
3. Mababakas pa rin ang kawalan ng karunungan sa larangan ng kabihasnan
likha ng nakaraang pamahalaan.
4. Nadama ang pagpasok ng panahon ng Romantisismo sa sumunod na dekada
na noo’y siyang namalasak sa Europa at Amerika.
5. Napangkat sa tatlo ang mga manunulat noon:
a. Wikang kastila ang ginamit ng mga sumusunod sa yapak ni Rizal, Del Pilar at
Jaena (mga propagandista)
b. Tagalog ang ginamit ng mga nanalig na higit na mauunawaan ang akda kung
dadaloy sa ugat ng wikang kinagisnan.
c. Ingles ang ginamit ng mga makabagong manunulat upang subukin ang sarili
sa Wikang Internasyonal.
Propaganda at
Hapon
Panahon ng Hapon

Ang kainitan ng panitikang Pilipino mula noong 1935-1941 ay biglang


nanlamig sa pagdating ng mga Hapones. Ang kalayaan sa pagsulat ay
nahalinhan ng takot. Sino sa mga makasusulat o magsusulat sa
panahong ang hanap ng mga ato’y kaligtaan sa kamay ng mga Hapones
na balita sa kalupitan? Nagsara ang mga palimbagana maging Ingles at
Tagalog. Subalit pagkalipas ng ilang buwan, pagkatapos pumasok ng
mga Hapones, pinahintulutan din buksang muli ang lingguhang magasing
Liwayway sa pangangasiwa ni Kinishi Ishikawa, isang Hapones na may
malawak na kabatiran sa layunin at tunguhin ng panitikan.
Panahon ng Hapon

Sumusunod na ring binuksan ang pahayagang Taliba sa labis na


kagalakan ng mga manunulat. Ang panulaan sa panahong ito’y nagkaroon
ng karagdagang anyo – ang malayang taludturan o “free verse”. Lumabas
rin ang ilang tulang Tagalog na nahahawig sa “haiku” o "hokku” ng mga
Hapones.

Ang “haiku” ay higit na maikli kaysa tanaga. Binubuo ito ng 17 pantig na


ikinalat sa tatlong taludtod na 5-7-5. Ang tanaga’y nabuhay na muli. Ito’y
may apat na taludtod na ang bawat taludtod ay may pitong pantig.
Katangian ng Panitikan

1. Naging paksain ang mga katutubong ugali 3. Naging Malaya ang lahat ng manunulat
sa bukid at pakikipagsapalaran sa sap unto ng porma, teknik ng pagsulat at
lungsod bunga ng pagpapalaganap ng anyo bagama’t naging maingat sa pagsanggi
simulating dinala rito ng Hapon na ang sa pagmamalabis ng abgong nandayuhan.
Asyano ay para sa Asya. 4. Ginawang tagapag-agdong buhay lamang
2. Nabigyan ng pagkakataon ang mga ang pagsulat kung kaya’t karamihan sa mga
bagong manunulat na pumaimbulog sa akda ay huwad lamang at kapos sa ilalim ng
larangan ng panitikan, sumulat ng kahit tunay na pagpapakahulugan sa buhay gayon
na anong paksa maliban sa pulitika at din sa makatas na daloy ng pananagalog.
sasang=ayon sa panuntunan ng censor
–Anag Manila Shimbun-sha.
Katangian ng Panitikan

5. Bagama’t may mangilan-ngilang akdang


nakalusot sa sensor na naglalarawan ng tunay na
kalagayan sa buhay ng panahong iyon, ang mga
katanungan walang katapat na kasagutan tungkol sa
patuloy na paglambong ng kanilang hinaharap ay
naroon pa rin.

6. Muling pinabuksan ang Sunday Tribune


Magazine, noong 1943. Naglathala ng mga tula,
kuwento at mga unang lathalain sa Niponggo. Ang
mga paksain ay pawing pumupuri sa kadakilaan ng
mga Hapones.
Panahon ng
Kalayaan
Panahon ng Kalayaan

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig itinatag


ang ikatlong Republika ng Pilipinas. Sa panahon ni
Pangulong Manuel A. Roxas nagkaroon ng maraming
suliranin ang pamahalaan dulot ng nakaraang digmaan.
Pangunahing problema nito’y ang pagtatag na muli na
kabuhayang pambansa at pagpapanumbalik ng
katahimikan at kaayusan ng bansa.
Panahon ng Kalayaan

Kung naging popular si Carlos P. Garcia sa kanyang


patakarang “Pilipino Muna”, at Reporma sa Lupa naman kay
Diosdado Macapagal sa panahon ng kanilang pagka-pangulo,
ang pamahalaan ay hindi rin nakaligtas sa mga pagtuligsa ng
mga mamamahayag pagkat patuloy ang pagbaba ng piso.

Ang pagkahalal ni Ferdinand E. Marcos noong 1965 ay hindi


lumagot sa tanikala ng mga “mayroon” sa pagsasamantala at
pagmamalabis sa mga wala o “have-nots”. Ang suliranin ng mga
nakaraang administrasyon ay naragdagan pang lalo sa panahon
ni Pangulong Marcos.
Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Kalayaan

Sa panahong ito, ang mga intelektwal ay humantad at naglantad ng mga


kaliwalian at kabulukan ng pamahalaan sa kalye, sa paaralan at sa
pahayagan.

Ang mga huling taon ng dekada 70 ay humingi ng malawak na


pagbabago sa Sistema. Ang tanawin sa Kamaynilaan ay pinatingkad ng
madugong demonstrasyon ng mga intelektuwal, estudyante at mamamayan
mula sa katiwalian at iba pang sakit ng pamahalaan.

Noong 1971, ginanap ang Constitutional Convention upang bumuo ng


bagong konstitusyon sa gitna ng kahuluhan at pagbagsak ng kabuhayang
pambansa.
Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Kalayaan

Lalong tumibay ang paghingi ng mga radikal na pagbabago nang


maganap ang pagbomba sa miting ng Partido Liberal sa Plaza
Miranda pagkay maraming namatay at nasugatang pulitiko o
mamamayan.

Sinuspindo ang “writ og habeas corpus” ng pangulo at dahil ditto,


maraming propesor, mamamayan at estudyante ang inaresto at
ibinilanggo.

Nang magpatuloy ang karahasan at kaguluhan, nagpasya ang


Pangulong Marcos na ipailalim sa Batas-Militar ang buong bansa sa
bisa ng Proklamasyon Bilang 1081 noong Setyembre 21, 1972.
Panahon ng Bagong
Lipunan
Panahon ng Bagong Lipunan

Nang ilunsad ni Pangulong Marcos ang Batas Militar noong


Setyembre 21, 1972, sumilang ang Bagong Lipunan. Kasabay nito,
sumipot ang mga kabataang mapaghimagsikan kaya ang panahong
ito ay naging panahon din ng aktibismo.
Sa panahon ding ito inilunsad ang bagong palatuntunan ng
Ministri ng Edukasyon at Kultura, ito ay ang bilinggwalismo. Ito ay
pagtuturo sa pamamagitan ng dalawang wika: sa Pilipino at Ingles.
May tatlong mahalagang layunin ang bansa sa ilalim ng Bagong
Lipunan:
(1) kaunlarang pangkabuhayan,
(2) Bagong Lipunan,
(3) kaunlarang pangkalinangan.
Panahon ng Bagong Lipunan

Nagkaroon ng iba’t ibang pagbabago ang pamahalaan upang


maipatupad ang mga nasabing layunin. Ito ay binuod sa acronym ng
PLEDGES.

P – Peace and Order o Kapayapaan


L – Land reform o Reporma sa Lupa
E – Economic reform o Reporma sa Pangkabuhayan
D – Development of Moral Values o Kalinangan ng Kahalagahang Moral
G – Government reforms o Reporma sa Pamahalaan
E – Educational reform o Reporma sa Paaralan
S – Social reform o Reporma sa Lipunan
Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan

Nang muling pahintulutan ang paglalathala at naging normal ang


kalagayan ng bansa, ang mga manunulat at mga makata ay naharap
sa isang malaking pananagutan. Isang pananagutan kung paano sila
makatutulong sa pagpapaunlad ng mga pamayanan sa buong
kapuluan.
Dahil dito, ang pamahalaan at pribadong sector ay nagtaguyod ng
mga seminar ukol sa paglalathala. Kasabay nito ang pagbibigay ng
mga guidelines o bagay sa dapat taglayin sa paglalathala ng mga
pahayagan, magasin, komiks at mga pahayagang pampaaralan.
Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan

Nagpatuloy ang Liwayway, at mga komiks sa kanilang layuning


magbigay ng aliw sa kanilang tagatangkilik. Iniiwasan ang mga
artikulong nakasirang-puri sa isang pangkat o indibidwal, buhay man o
patay.

Muling umusbong ang panitikang kapupulutan ng magagandang ara


sa buhay. Dumami ang kabataang manunulat sa Ingles at Filipino, na
ang mga panulat ay kababasahan ngayon ng buhay Pilipino,
damdaming Pilipino ay diwang Pilipino.
Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan

Sa ilalim ng Batas Militar ang pamahalaan ng Pang. Marcos sa


pamamagitan ng Unang Ginang ay naglalayong pasiglahin maging bahagi ng
pagbabago ng bansa ang sining, kaya’t sumigla ang paglikha ng mga awiting
Pilipino, ang lingguhang pagtatanghal ng mga konsiyerto, ballet at mga dula
sa Cultural Center of the Philippines, gayundin ang lecture series sa sining at
panitikan.

Sa pamamagitan din ni Kalihim Francisco Tatad Jr. ng Kagawaran ng


Pabatirang Madla (DPI) tiniyak sa mga manunulat na ang paglalantad ng
katotohanan ay karapatang pantao at samakatuwid Malaya ang lahat na
sulatin ang paksang kanyang gustuhin subalit ito ay dapat umayon sa mga
layunin ng bagong Lipunan na nakapaloob sa PLEDGES.
Panahon ng
Kontemporaryo
Panahon ng Kontemporaryo

Pagkaraan ng walong taong pagpapasailalim sa bansa sa


Batas-Militar at sa paniniwalang nagbalik na ang normalisasyon sa
buong kapuluan, ibinaba ng pangulong Marcos ang isang kautusan na
nag-aalis ng Batas-Militar noong Enero 17, 1981. Kasabay nito ay ang
pagsilang ng Bagong Republika.

Dahil sa pagtatatag na ito ng Bagong republika, inaasahan ang higit


na maunlad na Pilipinas sa darating pang mga taon at ang sentro ng
pag-unlad ay ang TAO. Inaasahan ang isang mamamayang may
tiwala sa sarili, produktibo lumalahok sa mga gawaing panlipunan at
pampamahalaan.
Panahon ng Kontemporaryo

Sa harap ng ganitong pag-asam, inilunsad ang bagong palatuntunan ng


pamahalaan, ang simulang Isang Bansa Isang Diwa. Ito ang siyang
kabuuan ng Ideolohiyang Pilipino na nais palaganapin sa Bagong
Republika. Ang bagong adhikaing ito na maituturing na karugtong ng
napasimulan na sa Bagong Lipunan sa panahon ng Batas-Militar, ay
naglalayon na magkaroon ang bawat tao ng pagkaunawa at bagong
pagkilala sa lipunan ginagalawan at sa mga suliraning dito ay nakapaligid.

Napaslang noong Agosto 21, 1983, si dating Senador Benigno "Ninoy"


Aguno Jr. Dito nagsimula ang panibagong suliraning unti-unting naging
dahilan upang mawala ang tiwala ng mga mamamayan sa nanunungkulang
pamahalaan.
Panahon ng Kontemporaryo

Ang mga manunulat na Pilipino, maging sa Ingles o sa wilkang


pambansa, ay muling nagpanguna sa paglikha ng mga akdang pumupuna
at nagpapakita ng tunay na larawan ng lipunan noon ay namamayani.
Ang mga tula, maikling kuwento, nobela, dula at maging ang mga awitin
ay nagpakilala ng naghihimagsik na damdaming Pilipino na nadarama
noon.
Naging Karaniwang tanawin na sa buong kapuluan ang mga mag-aaral,
guro, manggagawa, mga propesyonal na nagpapahayag ng kanilang mga
hinaing at pagghihimagsik laban sa sumasamang pamamalakad sa
pamahalaan. Dito tumanyag at nakilala ang "parliament of the street.
Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Kalayaan

Sa pagpapairal ng mga simulain ng pamahalaan para sa Bagong


Republika, ang mga manunulat na Pilipino ay muling naharap sa isang
malaking pananagutan.
Naisip nila ang kahalagahan kung paanong sa pamamagitan ng kanilang
panulat ay makatulong sila sa pagtatatag ng isang maunlad na bansa.
Ninanais nila na makahubog ng mga mamamayang magiging malawak
ang pananaw sa mga aspetong panlipunan, pampulitika, pangkabuhayan,
pansining, at iba pang larangan upang tuluyang maitanghal ang bansa sa
kanyang nararapat na pedestal.
Nagpatuloy pa rin ang Liwayway sa paglalathala ng mga akdang likha ng
ating manunulat, lalo't higit iyong mga nagsisimula pa lamang sa
larangang ito ng pagsulat.
Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Kalayaan

Maging ang mga komiks magasin ay nagkaroon ng mga pagbabago sa


kanilang porma at nilalaman at umayon sa hinihingi ng mga simulain ng
bagong Republika.

Gayundin, ang mga dulang Pilipino ay nagkaroon ng higit na ningning


sapagkat tuluyang nag-ibayo ang pagtatanghal ng mga ito sa ibat ibang
pook-tanghalan mula sa mga paaralan hanggang sa CCP, Metropolitan
Theater, Dulaang Raha Sulayman, San Miguel Auditorium, Insular Life,
Philamlife at sa pagtataguyod ng Bulwagang Gantimpala, Teatro Pilipino,
Repertory Philippines, at ng mga iba pang tagatangkilik ng mga akdang
Pilipino.
Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Kalayaan

Ang nag-aalab na damdamin ng mga manunulat na makalikha ng mga


obra-maestra ng kasalukuyang panahon ang nagbunsod ng Writers
Union of the Philippines (ngayon ay UMPIL na o Unyon ng mga
Manunulat sa Pilipino) upang ilabas ang Mithi. Ito ay igang magasing
inilathala upang makatugon sa pagkauhaw ng, mga mambabasa sa mga
akdang tunay na naglalarawan ng buhay-Pilipino sa kasalukuyang
panahon.
Sa ilalim ng panunungkulan nina Aquino, Ramos, Estrada at Arroyo,
natamo ng mga manunulat ang lakas at kalayaang matagal na nilang
inaasam na makamit. Ang tunay na diwa ng demokrasya ay nadama ng
mga Pilipinong may puso para dito.
Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Kalayaan

Nagkaroon ng panibagong sigla sa larangan ng panitikan. Lalong


napayaman ang ating wika sa pamamagitan ng pagpapalabas ng
bagong alpabetong Pilipino na iniayon sa pangangailangan ng panahon.
Nagpatuloy ang pagpapayaman sa ating wika lalong higit nang
ipalabas ng Pangulong Aquino ang Executive Order No. 335 noong
Setyembre 1988.
Ito ay nag-uutos sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan at iba pang
sektor sa lipunan na payamanin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng
tahasang paggamit nito sa mga liham korespondensiya, memorandum,
mga pulong at maging sa sesyon ng Senado at Kongreso.
SALAMAT!

You might also like