You are on page 1of 5

KATUTUBONG BAYBAYIN

(Rachelle)

I.

Mga Sinaunang Pamamaraan ng Pagsulat

mga dahon, palapa, saha, banakal at balat ng iba't ibang prutas, at pinakakaraniwan ang
kawayan papel noong unang panahon
matutulis na patalim o sundang, o ibang maliliit na piraso ng bakal- panulat
Kapag inukit na ang mga titik sa kawayan, pinahiran nila ito ng abo upang lalong madaling
makita. Ginamit nila ang mga matulis na patpat ng kawayan kasama ng kinulayang dagta
ng halaman upang masulatan ang maseselang bagay tulad ng mga dahon. Sapagkat hindi
pangmatagalan ang mga ginawang sulatin ng mga sinaunang Filipino, hindi sila gumamit ng
lalong matitibay na sulatan tulad ng bato, luwad, o bakal. Nang dumating ang mga
Espanyol, nagsimulang gamitin ng mga Filipino ang papel, pluma at tinta.
(Kent)

II.

Ang Pinagmulan ng Baybayin

Baybayin- isang katagang pangkalahatan sa wikang Tagalog na tinutukoy ang lahat ng titik
na ginagamit sa pagsulat ng isang wika.
-

isang alpabeto subali't mas kahawig ito ng isang "syllabary" o palpantigan.

- baybay- nangangahulugang ispeling

Isa ring pangalan ng baybayin ang alibata, na nilikha sa ika-20 dantaon lamang ni Paul
Versoza, isang kasapi ng dating National Language Institute. Nagbigay paliwanag si Versoza
sa kaniyang aklat na Pangbansang Titik nang Pilipinas noong 1939.
Maraming alpabeto sa Timog-Silangan Asya ang nagmula sa mga lumang sulat ng India
mahigit sa 2000 taon na ang nakaraan. May pagkakahawig ang baybayin at ang mga
naturang alpabeto sa ilang mahalagang katangian. Halimbawa, ang lahat ng mga katinig ay
binibigkas nang may tunog na a at napapalitan ang tunog na ito sa pamamagitan ng maliliit
na tanda. Sa kabila nito, walang ibang ebidensiyang nagpatotoong gayon nga katanda ang
baybayin.
May kaunting pagkakahawig ang mga titik ng baybayin at ang mga titik ng Kawi, ang
lumang sulat na ginamit sa Java, Indonesia hanggang sa siglong 1400. Subalit, ayon sa
mga ulat ng mga Espanyol na binanggit sa itaas, ang pagkakaroon ng baybayin sa Filipinas
ay itinuring na isang pangyayaring hindi pa natatagalan noong ika-16 na dantaon at
pinaniniwalaan pa ng mga Filipino noon na ang baybayin ay galing sa Borneo.

KATUTUBONG BAYBAYIN

(Geof)
Nagsimulang sumulat sa papel ang mga Filipino noong panahon ng mga Espanyol. Isinulat
nila ang mga talaang nauukol sa kanilang mga ari-arian at negosyo, at sinabi ni Pr. Marcelo
de Ribadineira noong 1601 na ang mga Kristiyanong Filipino ay gumawa ng maliliit na aklattalaan o notebooks, sa kanilang titik o pagsulat, na pinagsulatan ng kanilang mga aralin
na itinuro sa simbahan. Ang mga titik baybayin ang karaniwang ginamit ng mga Filipino sa
kanilang paglagda sa mga kasulatang Espanyol at maraming halimbawa ng mga ito ang
nananatili pa rin sa mga aklatan sa Filipinas, Mexico at Espanya. Mayroon ding dalawang
titulo ng lupa na nakatitik sa sulat baybayin sa University of Santo Tomas.
Upang samantalahin ang kakayahan ng mga katutubong tao sa pagbasa, ang mga pare ay
nagpalathala ng ilang aklat na naglalaman ng sulat baybayin. Nauna sa mga ito
ang Doctrina Christiana, en lengua espaola y tagala na inilimbag noong taong 1593. Ang
bahaging sinulat sa wikang Tagalog ay ibinatay sa isang sulatin ni Pr. Juan de Placencia. Ang
mga pare na sina Domingo de Nieva at Juan de San Pedro Martyr ang nangasiwa sa
paghahanda at pagpapalimbag ng aklat. Isang manggagawang Chino ang siyang naglimbag
ng Doctrina ngunit hindi naitala ang kaniyang pangalan para sa mga sumunod na salinlahi.
(Jaster)
Ang Doctrina ay itinuturing ng mga kasalukuyang dalubhasa na tila isang Rosetta
Stone dahil ito'y naging susi upang suriin ang pagsulat ng baybayin at ang pagsasalita ng
wikang Tagalog noong ika-16 na dantaon. Ang bawat kabanata ng aklat ay may tatlong
bahagi: ang una ay nasa wikang Espanyol, ang ikalawa ay isina-Tagalog at nakasulat sa
alpabeto ng mga Espanyol, at ang ikatlong bahagi ay Tagalog din ngunit nakasulat sa
baybayin. Sa kasalukuyan, ang Doctrina ay naglalaman ng pinakalumang halimbawa ng
baybayin. Ito rin ang nag-iisang halimbawa ng baybayin mula sa siglong 1500. Makikita rin
sa aklat kung paano nagsalita ang mga sinaunang Tagalog bago nagkaroon ng malaking
pagbabago ang kanilang wika dahil sa impluwensiya ng wikang Espanyol.
Ang Doctrina ng 1593 ay inilimbag sa pamamagitan ng malalaking blokeng kahoy. Ang
bawat pahina ay inukit sa isang bloke. Ang bloke ay pinahiran ng tinta at saka nilatagan ng
manipis na papel sa pamamagitan ng isang brutsa upang mailipat sa papel ang larawan na
inukit sa kahoy. Hindi pantay-pantay at pabago-bago ang hugis ng mga titik baybayin sa
ganitong paraan ng paglilimbag

KATUTUBONG BAYBAYIN
(Arnel)

III.

Ang Direksiyon ng Pagsulat ng Baybayin

Inakala ng ilang tao na dapat basahin ang baybayin mula sa ibaba pataas sa loob ng mga
patindig na tudling na nagsimula sa kaliwa patungo sa kanan dahil gayon ang ginawa ng
mga sinaunang Filipino sa pag-ukit ng kanilang mga titik sa kawayan. Subalit iyon ang
bunga lamang ng pag-iingat ng mga Filipino sa matutulis at matatalas na pang-ukit kung
kaya ang kawayan ay nakatutok palayo sa sarili at ang direksiyon ng pag-ukit ay palayo rin
sa katawan. Ganito pa rin ang ginagawa ng mga Mangyan ngayon. Oo nga at tila sumusulat
sila mula sa ibaba pataas ngunit hindi naman talagang masasabing ganito rin dapat a ng
pagbasa nito.
(Kent)

IV.

Ang Pamamaraan ng Pagsulat ng Baybayin

Ang baybayin ay isang papantig o syllabic na paraan ng pagsulat. Ibig sabihin, ang bawat
titik ay katumbas ng isang buong pantig sa halip ng isang payak na tunog gaya ng sa ating
kasalukuyang alpabeto. May 17 titik noon: tatlong patinig (vowels) at 14 na katinig
(consonants), ngunit kapag nilagyan ang mga ito ng kudlit, ang maliit na tanda na
nakapagbabago sa mga patinig, ang bilang ng mga titik ay tumaas hanggang sa 45. Ang
tawag sa ganitong paraan ng pagsulat ay isang abugida. Kapag binaybay ng isang tao ang
isang salita nang pasalita o kung binigkas niya ang buong baybayin, ang tawag sa mga titik
noon ay bab, kak, dad, at patuloy pa nang ganiyan, bagamat iba ang pagkakasunodsunod ng mga titik noon kaysa sa ngayon. Ang sinaunang hanay ng mga titik ay itinala sa
Tagalog na Doctrina Christiana.

a. Ang mga Katinig at mga Kudlt


Ang bawat katinig ay katumbas ng isang pantig na binigkas nang may patinig na a. Kung
lalagyan ng isang tuldok, maliit na guhit o iba pang tanda ang isang titik, mapapalitan ang
taglay na patinig a. Ang tawag sa maliliit na tandang ito ay mga kudlt, o diacritics sa
wikang Ingles. Isang kudlit ang inilagay sa itaas ng mga titik na katinig upang ipahiwatig
ang tunog ng mga patinig na i o e. Kapag ito'y nasa ibaba naman ng titik ang taglay na
patinig ay naging u o o.

KATUTUBONG BAYBAYIN
(Kathrina)

b. Ang mga Patinig

Ang tatlong titik na patinig ay ginamit sa simula lamang ng mga salita o pantig. Tatlo
lamang ang mga patinig dahil hindi binigyang pansin ng mga sinaunang Filipino ang
kaibahan ng bigkas sa i at e, at sa uat o sa karamihan ng kanilang mga wika bago nila
hiniram ang mga salitang Kastila. Hanggang ngayon, mapagpapalit ang mga patinig na ito
sa mga salita tulad ng lalaki/lalake, babae/kababaihan, uod/ood, puno/punungkahoy, at oyaye/oyayi/uyayi (duyan o panghehele).
Sa katotohanan, ang mga titik na patinig ay katumbas ng mga patinig na nauunahan ng
isang pag-iimpit sa lalamunan o glottal stop. Karaniwan ang ganitong pagbigkas noong
panahong bago dumating ang mga Espanyol ngunit nagbago ito sa paglipas ng mga siglo
dahil sa impluwensiya ng mga wika ng kanluran. Makikita ang pagbabagong ito kung
ihahambing natin ang mga lumang sulatin, tulad ngDoctrina Christiana, sa ating
kasalukuyang
wikang
Filipino.
Halimbawa
ang
bigkas
natin
sa
mga
salitang ngayon at gagawin at ganito: nga-yon at ga-ga-win. Subalit makikita sa baybayin
ng Doctrinana iba ang bigkas sa mga ito noon unang panahon. Ang salitang ngayon ay
isinulat sa baybayin nangngay-on at gagawin naman ay ga-gaw-in.
(Jero)

c. Ang Titik Nga


Isang titik lamang ang ginamit noon sa pagsulat sa pantig na nga. Mayroon pa ring
titik ng ang kasalukuyang alpabetong Filipino ngunit dalawang titik ang kailangan upang
maisulat ito. Ang ng ang tanging nalalabing kaugnayan ng kasalukuyang alpabeto sa
lumang baybayin.

d.

Mga Bantas

Hindi pinaghiwalay ang mga salita sa baybayin; ang mga titik ay isinulat nang tuloy-tuloy at
walang agwat-agwat sa pagitan ng mga salita. Ang mga bantas (punctuation) noon ay isa o
dalawang guhit na patayo lamang. || Ang paggamit sa mga guhit ay katulad ng isang kuwit
(comma) o tuldok (period). Maaaring sabihing ginamit din ang mga guhit katulad ng
paggamit ng anumang bantas sa ating pagsulat ngayon. Bagama't laging ginamit ang mga
guhit sa wakas ng mga pangungusap, ginamit din ang mga ito upang paghiwalayin ang ilang
salita. Tila walang patakarang hinggil dito noong unang panahon. Paminsan-minsan ay
pinaghiwalay ang isang salita sa pagitan ng dalawang guhit subalit kadalasan ay inilagay
lamang ng manunulat ang mga guhit kung saan niya maibigan. Ito ang dahilan kung bakit
ang mga pangungusap ay nahati-hati nang may iba't ibang bilang ng salita sa bawat bahagi.

(Denzel)

KATUTUBONG BAYBAYIN
V.

Ang Pagkawala ng Baybayin

Bagama't mabilis ang paglaganap ng baybayin sa Filipinas noong siglong 1500, nanghina
nang pumasok ang 1600 sa kabila ng mga ginawang pagsisikap ng mga prayleng gamitin
sa pagtuturo ng kanilang pananampalataya. Ginamit pa rin ng mga Filipino ang mga titik
baybayin sa pagsulat ng kanilang mga pangalan sa ika-17 dantaon hanggang sa simula
ika-18 dantaon, kahit maraming sulatin na ang nasa wikang Espanyol noon.

ito
ito
ng
ng

(Justin)

VI. Natuklasan muli ang Baybayin


Sa totoo, hindi nawala ang baybayin sa ilang bahagi ng Filipinas. Sa halip umunlad pa ito at
naging tatlong bukod-tanging uri ng pagsulat. Natatandaan pa rin ng mga taong Tagbanuwa
sa Palawan ang kanilang sulat ngunit bihira na nilang ginagamit ito ngayon. Ang mga Buhid
at lalo na ang mga Hanuno sa Mindoro ay nagsusulat pa rin gaya ng mga sinaunang
Filipino 500 taon na ang nakaraan, sa kanilang pakikipag-ugnayan at panulaan.

http://www.mts.net/~pmorrow/baybay1.htm

You might also like