You are on page 1of 5

Edelwin Joy D.

Navarro
BA Film
2015-13647
Ang Wika ng Kabataan ng Ika-20 na Siglo
Introduksyon
Ang kabataan ngayon ang laging napupuno dahil di umano sa pagkasira ng wikang
ginagamit sa makabagong teknolohiya. Mahilig makipagtext ang kabataan at ang text ang
nakakapanira sa wika. Sa ganitong teknolohiya, kinakailangan ng pagmamadali o kayay
mabilisang pagresponda kaya naman hindi naipoproseso nang maayos ang impormasyon at
kasabay na rin nito ang pag-iiba ng pagbabaybay ng mga salita. Ang naidudulot ng hindi pagunawa ng impormasyon ay ang hindi maayos na komunikasyon. Ang mensaheng nais iparating
ay hindi naipapahiwatig nang maayos. Mayroon ding epekto ang ganitong teknolohiya o kayay
sistema ng komunikasyon sa pag-aaral ng mga kabataan.
Maaaring masira ng ganitong paraan ng paggamit ng wika ang kasalukuyang wika, oo
nag-iiba pa ang kanyang porma dahil sa pinagdaanang impluwensiya mula sa Espanya at
Amerika at iba pang bansa, ngunit mayroon na siyang maayos na syntax. Ang text at social
media ang nagiging imbakan ng impormasyon ng mga tao kaya kung sakaling magkaroon ng
madilim na panahon o kaya sa paglipas ng panahon, ito ang magiging artepakto ng ating
henerasyon. Ito ang magiging naisusulat na dokumento at dito ibabase ng mag-aaral ng panahon
natin kung anong klaseng kultura ang mayroon tayo. Hindi gugustuhin ng isang taong siyay
masabihan na pulos mabababaw na post sa facebook ang kanyang kultura. Kailangang maipagigting ang magagandang akdang naisusulat ng mga kabataan.
Ayon sa pag-aaral ni Amanda Lenhart noong nakaraang 2012, 26% ng mga kabataan ang
kumakausap sa kanilang mga kaibigan sa pamamagitan ng social media. Ibig sabihin malaking
bahagi ng mga kabataan ang gumagamit ng ganitong teknolohiya para sa pagkokomunika.
Malaki ang impluwensiya ng ganitong industriya sa kabataan at malaking porsyento ng lipunan

ang kabataan. Maaaring mabigyan interpretasyon ito bilang malaki ang impluwensiya ng
teknolohiya sa lipunan.
Ayon sa pag-aaral ni Monojit Chodhuory, mayroon lamang 57.7% na tamang
pagbabaybay sa wika ng pagtetext. Ibig sabihin ay kalahati sa mga mensaheng ipinapadala ng
mga tao ay mali ang pagbabaybay. Itoy makakaapekto sa kaalaman ng mga kabataan na nagaaral pa lamang magbaybay o di kayay nahuhulma pa lamang ang kanilang wika. Ganito rin ang
kalagayan ng mga kabataang lumaki sa ibang bansa at iba ang wikang kinagisnang gamitin.
Mahihirapan silang unawain ang mga akademiko o kayay pormal na pananalita ng mga
lumaking maayos ang wikang Tagalog.
Pagpapahayag ng mga Katanungan
Nais masagot ng pag-aaral na ito kung nakakasama nga ba ang makabagong teknolohiya
sa wika. Naiiba ba nito ang nais ipahayag na damdamin at mga teoryang nais mabuo ng mga
salitang naipagtagpi-tagpi ng mga kabataan. Hindi tatalakayin ng pag-aaral na ito ang epekto ng
pagteteks sa magiging kalagayan ng wika. Tatalakayin naman ang mga kasalukuyang sumisikat
na pamamaraan ng pagsulat o kaya pannalita katulad na lamang ng wika na conyo. Maaaring
sambitin nito ang magiging kalabasan ngunit hindi nito mabibigyan ng depenisyon ang hinaharap
ng wika. Magbibigay diin ang pag-aaral na ito sa Wikang Tagalog at ang epekto ng makabagong
teknolohiya sa kabataang Pilipino.
Layunin
Malilinaw na mayroong epekto ang wika sa pakikipag-ugnayan ng sangkatauhan. Nais ng
pag-aaral na ito ang mapanindigan na mahalaga ang pagpreserba sa wika. Ang mga nais nating
iparating ay hindi naipapahiwatig nang maayos kung hindi tayo gagamit nang wikang tama ang
syntax at sistema. Nais magsilbing babala ang pag-aaral na ito sa hinaharap ng ating wika.
Maaaring maging balbal at wala ng disiplina ang paggamit ng wika sa mga dokumento at mga
akda ng ating kapnahanunan. Hindi magiging madali ang pagbibigay kaalaman sa mga tao o
kaya ang pagpredikta ng tinatahak na landas ng wika kaya dapat bigyan ang mga tao ng isang
konkretong mapanghahawakan at paalala para alam ng tao ang kanyang gingalawnag mundo.

Nais rin mabigyang pansin ng pag-aaral na ito ang kultura na ng mga kabataan sa panliligaw at
ang konekyson ng makabagong teknolohiya sa ganitong pamamaraan ng pagsisimula ng mga
relasyon.
Kaugnay na Literatura
Maraming positibong epekto ang teknolohiya ngunit katulad ng kahit anong bagay ay
mayroon itong masamang epekto sa tao. Isa nga rito ang paulit-ulit na nabanggit ay ang
posibilidad ng maaaring pag-iiba ng baybayin o kayay paraan ng paggamit ng wika.
Ang kabataan ay mayroong paraan ng pagkokomunika o pagpapahayag ng kanilang nais
sabihin. Hindi lahat ng kabataan ay mayroong kamalian pero ito ang lumalabas na imahe ng
kabataan sa mata ng nakakatandang madla. Marahil na rin siguro sa impluwensiya o sa lakas ng
puwersa ng kabataan.
Sa text na rin madalas nagliligawan ang kabataan. Nakakahulma ng pagkakaibigan o
kayay mga relasyon ang mga pinagtagpi-tagping salita ng kabataan. Sa akda ni Rain Malicsi na
Ang Pagpapahiwatig ng Nararamdaman sa Salita at sa Gawa kanyang binigyang pansin ang
pagpapahayag ng damdamin sa wika at sa mga aksyon o pagkilos ng isang tao. Nireitera niya na
mahalaga ang salita at mahalaga rin ang pagkilos dahil sa panliligawa o kayay sa pag-ibig ay
ibinibigay mo ang lahat upang maipakita ang sinseridad ng iyong layunin.
Dito nagkakaroon ng miskomunikasyon. Minsan maaaring maging malapit ang relasyon
ng dalawang kabataan sa text ngunit di naman sila malapit sa totoong kalagayan. Pulos salita
lamang at walang koneksyon sa gawa. May kapangyarihan ang mga salita na mag-udyok ng
damdamin sa tao. Ito ang laging nangyayari kaya naman hindi na nakikita ang sinseridad o
halaga ng mga simpleng pagpapahayag ng damdamin.
Ibang-iba ito sa makalumang panliligaw na kung saan pisikal na pinupuntahan ng lalake
ang babae. Isa itong pag-gegeneralisa sa tradisyon ng panliligaw na ang lalake lamang ang
maaaring magpahayag ng damdamin sa unang parte ng isang relasyon. Ngayon, maaari na ring

magpahiwatig ng damdamin ang mga babae. At minsan sila rin ay nababansagang malandi o
kaya haliparot.
Ang harana ay isang gawaing nakagisnan na ng mga Pilipino at naging tanyag mahabang
panahon na ang nakaraan. Noong araw, karaniwan na sa mga taga-nayon ang makarinig ng tinig
ng binata habang hinaharana ang dalagang kanyang sinisinta. Ito ay isang pagpapahayag ng
binata sa napupusuan niyang dalaga ng kanyang pag-ibig. At kapag siya ay magiliw na pinatuloy
ng dalaga sa tahanan nito, itoy isang tanda na siyay may pag-asa sa puso ng babaeng sinisinta.
Ang panghaharana ng binata kadalasan ay sinasagot din ng dalaga sa pamamagitan ng pag-awit.
Sa matiyagang pagdalaw ng binata kalakip ang masuyong pangungusap, nakakamit nito ang
pagmamahal ng dalagang iniibig.
Kamakailan lamang, sumikat ang conyo language. Nagkaroon ito ng ebolusyon at
komplikadong syntax. Kung nais mong tanungin ang isang kaibigan kung nais niyang sumama sa
isang lakad ay maaari mong gamitin ang RUG? Ang pagbabaybay nito ay katunog ng
pangungusap na Are you g? at ang ibig sabihin naman ng g sa pangungusap ay game.
Ganito rin ang PICS. Ang pics ay pagpapaiklit sa salitang pictures. Kapareho ng kahulugan
ang picture sa salitang image at ang salitang image ay mapapaikli sa IMG. Katunog din ng
IMG ang pangungusap na I am g. Ito ang isasagot sa RUG kung ikaw ay sasama sa lakad
ng magkakaibigan.
Bukod sa text ay mayroon di ng tinatawag na memes na sumikat sa social media. Ang
wikang ginagamit dito ay hindi diretso at nagpapahiwatig lamang ng mga ideya sa madla.
Daglian ang mga pangungusap na ginagamit o kayay parirala na lamang minsan ang ginagmit
dito. **FACTS**
Ayon kay Dianne August, ang mag kakaunting bilang ng wikang sinasalita ay mas mataas
ang pagkakataong hindi na lamang mag-aral.
Sanggunian
August, Dianne (Disyembre 2004). English Language Learners: Developing Literacy in SecondLanguage LearnersReport of the National Literacy Panel on Language-Minority Children and Youth.

.Chodhuory, Monojit (Oktubre 24, 2007). Investigation and Modelling of the structure of
texting language. International Journal of Document Analysis and Recognition (IJDAR).
Garvida, M. M. (2012). Conyo Talk: the affirmation of hybrid identity and power in
contemporart Philippine discourse.
Gurrea, Michael Allen (2013). Recognizing Syntatic Errors Written in Philippine English.
Lenhart, Amanda (Marso 19, 2012). Teens, Smartphones & Texting . Pew Internet Project.
Maggay, Melba Padilla (1999). Understanding Ambiguity in Filipino Community Patterns.
Quezon City: Institute for Studies in Asian Church and Culture.
Malicsi, Rain (Hulyo 20, 2011). Ang Pagpapahiwatig ng Nararamdaman sa Salita at sa Gawa.
Rymes, Betsy (2014). Communicating Beyond Language. Routledge.
Steinberg, Laurence (2014).Dropping Out Among Language Minority Youth.

You might also like