You are on page 1of 24

ONLINE NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO AT KASANAYAN SA

PAGSULAT NG TULA NG MGA MAG-AARAL SA IKATLONG

TAON NG KOLEHIYO NA NAGPAPAKADALUBHASA

SA FILIPINO SA OCCIDENTAL MINDORO

STATE COLLEGE

Iniharap sa Kaguruan ng College of Teacher Education

OCCIDENTAL MINDORO STATE COLLEGE

San Jose Campus

MAIRA ARMIELA S. HERRERA

IVAN T. CINCO

CHERYL S. DIANO

REZZA MAE Q. DE MESA

LOGER KENT C. BERNABE

Enero 2021
KABANATA 1

SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

Panimula

Sa patuloy na paglaganap ng COVID 19 at pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay siya

ring nagpabago sa globalisasyon. Ang pandemyang nagpalugmok hindi lamang sa ekonomiya

kundi pati na rin sa edukasyon sa buong mundo. Bawat pamamaraan o uri ng pagtuturo ay

mayroong kalakasan at kahinaan kung titingnan sa iba't ibang anggulo ng pagkatuto. Dahil sa

patuloy na pagkalat ng sakit na Covid 19, hindi na ligtas dating nakasanayang face-to-face na

pagtuturo sa mga paaralan. Bunsod nito, inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang

‘new normal’ o ‘learning from home’ bilang alternatibong paraan na nangangailangan ng

pagsasanay upang maiwasan na hindi makasabay sa mga pagbabagong magaganap. Nagdulot ito

ng pangamba dahil sa maaring pagbaba ng kalidad ng edukasyon bunsod ng ‘distance learning’.

Ang implementasyon ng online classs na siyang naging alternatibong paraan upang

maiipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng internet at

teknolohiya. Naging pamantayan sa edukasyon ang online learning at mas ginagamit pa sa

panahong ito upang matuto. Hindi lamang pagsulong ng teknolohiya ang benepisyo nito bagkus

ipinakikilala rin nito ang iba't ibang pang-edukasyong kagamitan na magagamit tulad ng digital

library at mga e-books. Ang pagsulong ng edukasyon sa krisis na kinakaharap ng mundo sa

kasalukuyan na naging sanhi ng pagkakaroon ng lamat sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-

aaral ng makrong kasanayan. Ang pagsulat ay isang kasanayang dapat linangin sa mga mag-aaral

na magiging guro upang magamit sa kanilang pagtuturo sa hinaharap. Upang malinang ang

kasanayang ito sa panahon ng pandemya, inilunsad ang online learning upang mapadali ang pag-
aaral, palitan ng ideya, kuro-kuro at aralin sa pagitan ng guro at mag-aaral. Alam nating hindi ito

madali sapagkat bago ito para sa ating lahat subalit kinakailangan ito upang makasabay ang mga

kabataang Pilipino at mapunan ang patlang sa daloy ng edukasyon na umiiral sa buong mundo.

Ang online learning na inilalarawan bilang '' E-Learning (Eletronic Learning o Elektronikong

Pag-aaral)'' na tumutukoy sa paggamit ng internet upang ma-access ang nilalaman ng mga aralin

sa pamamagitan ng iba't ibang apps na nagbibigay daan sa mga mag-aaral at guro upang

mapabuti ang proseso ng pag-aaral at pagkatuto bilang alternatibo sa tradisyunal na edukasyong

pangsilid-aralan.

Nabanggit sa isang sulatin na sa bansang Japan nahihirapan ang mga mag- aaral ng isang

unibersidad sa pagtangkilik ng online learning sa kasagsagan ng pandemya at dahil ay bumagsak

sa ang 44% bahagdan ng mga lokal na unibersidad ang nagpatuloy ng online learning batay sa

isinagawang online survey. Mula Abril hanggang Agosto ng taong 2020 ay nagkaroon ng

kabuuang 11,411 na mga mag-aaral ang hindi tinapos ang mga kursong kanilang mga kinukuha,

(Shoji, 2020). Tulad ng bansang Japan, hindi rin naging madali para sa bansang Pilipinas ang

paglipat mula sa tradisyunal na face-to-face na paraan ng pagtuturo patungo sa Online learning

na pamamaraan dahil sa iba't ibang kadahilanan. Sa isang artikulo na isnulat ni Gunigundo

(2020), nagbigay siya ng dalawang pangunahing dahilan kung bakit hindi magiging matagumpay

ang online learning sa Pilipinas. Una, mabagal ang internet ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa

tulad ng japan at pangalawa, hindi lahat ng mga Pilipino ay kayang sumabay sa ganitong

pamamaraan dahil narin sa kahirapan.

Ang mga impormasyong nabanggit sa itaas ang naging batayan ng mga mananaliksik

upang isagawa ang pananaliksik. Ang pag-aaral ay isasagawa upang matukoy ang bisa ng online

na paraan ng pagtuturo sa pagpapahusay ng mga kasanayan sa pagsulat ng tula ng mga mag-aaral


na nasa ikatlong taon sa kolehiyo na kumukuha ng kursong Batsilyer sa Sekundaryang

Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa Filipino na kumuha ng asignaturang Panulaang FILIPINO

sa Occidental Mindoro State College.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral ay isinagawa upang matukoy ang bisa ng online na pagtuturo sa

pagpapahusay ng mga kasanayan sa pagsulat ng tula ng mga mag-aaral sa Ikatlong taon ng

kolehiyo na nagpapakadalubhasa sa Filipino na kumuha ng asignaturang Panulaang Filipino sa

Occidental Mindoro State College. Ang pag-aaral ay sasagutin ang mga sumusunod na mga

tanong:

1. Ano ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tula bago maisagawa ang

makabagong pamamaraan ng pagtuturo?

2. Ano ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tula pagkatapos maisagawa

ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo?

3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiiba sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral bago

at matapos silang turuan gamit ang online na paraan ng pagtuturo?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag- aaral ay may layuning alamin ang maaring maging bisa ng online na paraan ng

pagtuturo sa pagpapahusay ng mga kasanayan sa pagsulat ng tula ng mga mag-aaral sa Ikatlong

taon ng kolehiyo na nagpapakadalubhasa sa Filipino na kumuha ng asignaturang Panulaang

FILIPINO sa Occidental Mindoro State College. Sa pagtatapos ng pananaliksik, inaasahang:


1. Matukoy ang ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tula bago

maisagawa ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo.

2. Matukoy ang ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tula pagkatapos

maisagawa ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo.

3. Matukoy ang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa

pagsulat ng tula bago at pagkatapos maisagawa ang makabagong pamamaraan ng

pagtuturo.

Haypotesis

Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kasanayan sa pagsulat ng tula ng mga

mag-aaral sa Ikatlong taon ng kolehiyo na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Occidental

Mindoro State College bago at pagkatapos ng pagsasagawa ng online na pamamaraan ng

pagtuturo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag- aaral ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:

Tagapamahala ng Paaralan. Ang pananaliksik ay maaaring gamitin upang maging

gabay sa pagpaplano ng mga programang magpapahusay sa kasanayan ng mga mag-aaral.

Guro sa Filipino. Gamiting reperensiya sa paghahanda ng iba't ibang estratehiya sa

pagtuturo ng tula gamit ang online ng pagtuturo.


Mag-aaral. Sila ang higit na makikinabang sa pananaliksik. Ang kalalabasan ng pag-

aaral ay maaaring magamit upang mas mapa-unlad pa ang kanilang kasanayan sa pagsulat ng

tula gamit ang online na paraan nang pagtuturo.

Mananaliksik. Ang pag- aaral ay maaring nagsilbing sanggunian sa mga pananaliksik na

mga kaugnayan sa pag-aaral na. Maari din itong magsilbing gabay para sa nga mananaliksik na

nais pang payabungin ang pananaliksik.

Saklaw at Hangganan ng Pag-aral

Ang pag-aaral ay nakapukos lamang sa pagtuklas sa makabuluhang pagkakaiba ng

kasanayan sa pagsulat ng tula sa online na pamamaraan ng pagtuturo ng 20 mag-aaral sa Ikatlong

taon ng kolehiyo na nagpapakadalubhasa sa Filipino na kumuha ng asignaturang Panulaang

Filipino sa Occidental Mindoro State College, sa taong 2020-2021. Ang mga kalahok ay pipiliin

sa pamamagitan ng Purposive Sampling. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng panimulang

pagtataya (pre test) at pangwakas ng pagtataya (post test) sa pagkalap ng mga kakailanganing

mga datos. Ang mga datos na nakapalap ay bibigyang pakahulugan gamit ang isang scoring

rubric at napiling estadistika.

Maingat at masusing susuriin ng mga mananaliksik ang kanilang makukuhang mga datos.

Ang anumang mga parameter o kalagayan na hindi nabanggit sa itaas ay hindi kasama sa pag-

aaral.
Balangkas Teoretikal

Sa pagbago ng panahon ay patuloy rin ang pag-unlad sa iba’t ibang antas ng pamumuhay,

pagkilala o pananaw sa buhay ng isang tao. Kaalinsabay nito ang pagbabago sa iba’t ibang

aspeto ng pagkatuto at pag-unawa sa ating buhay. Ang pag-aaral ay nakaangkla sa teorya nina

Goodman (1985) at Smith (1994) na Teoryang Itaas-Baba (Up-Down), Flesch, et.al (1985), na

Teoryang Ibaba-Pataas (Bottom-Up) at Rumelhart, et.al (1985) na Teoryang Interaktibo. Ayon

kina Goodman at Smith (1985), ang Teoryang Itaas-Baba (Top-Down) na ang pag-unawa ay

nagmumula sa isipan ng mambabasa na mayroon ng dating kaalaman at karanasan at ang daloy

ng impormasyon ay nagsisimula sa itaas patungo sa ibaba. Ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay

sa kahulugan ng teksto. Sa pamamagitan ng dating kaalaman (prior knowledge) at panibagong

kaalaman na nabuo sa kanyang isipan ay maiuugnay niya ang mga ideyang nakapaloob sa akda.

Ang mambabasa ang sentro sa halip na ang teksto sapagkat ang mambabasa ay mayroon ng

dating kaalaman sa paksa. Ang Teoryang Ibaba-Pataas (Down-Up) nina Flesch, et.al (1985) na

siyang kabaliktaran ng Teoryang Itaas-Baba (Top-Down) na ang pag-unawa ay nakabatay sa

mga nakikita nito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram at iba pang simbolo. Ang

sentro ng prosesong ito ay ang teksto sapagkat sa tulong ng mga nakikita ng mambabasa sa

teksto ay naitatak sa isip ang mga kaalaman sa pamamagitan ng mata at utak. Ayon kina

Rumelhart, et.al (1985) ang teoryang Interaktibo naman ang siyang kombinasyon ng Teoryang

Itaas-Baba (Top-Down) at Teoryang Ibaba-Pataas (Bottom-Up). sa pamamagitan nito ay

nagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng mambabasa at teksto. Mabubuo ito mula sa kaalaman

at ideyang mayroon ang mambabasa. Nagkakaroon ng epektibong interaksyon ang mambabasa at

teksto sa pamamagitan ng paggamit ng mambabasa sa dating kaalaman at pananaw. Gagamitin

ng mga mananaliksik ang mga teoryang ito upang malaman ang kasanayang mayroon ang mga
mag-aaral na nasa Ikatlong taon ng kolehiyo na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Occidental

Mindoro State College.

Konseptwal na Balangkas

Input Kinalabasan
Proseso
Mga mag-aaral ng Bisa ng Online na
 Panimulang
Occidental Mindoro paraan ng pagtuturo
pagtataya
na nasa Ikatlong taon sa pagpapataas ng
 Pangwakas na antas ng kasanayan ng
ng kolehiyo na
pagtataya mga mag-aaral sa
nagpapakadalubhasa
 Scorin rubrics pagsulat ng tula.
sa Filipino
 Interpretasyon ng
mga nakalap na Iba pang pamamaraan
datos na maaring ipanukala.

Larawan 1.

Paradigma ng pag-aaral

Ang pag-aaral may layuning alamin ang maaring mga bisa ng online na paraan ng

pagtuturo sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tula. Ginamitan ito ng

mga mananaliksik ng input-proseso-kinalabasan na modelo upang ilarawan ang pagkasunod-

sunod na hakbang na ginawa ng mga mananaliksik. Ang mga mag-aaral mula sa sa Ikatlong taon

ng kolehiyo na nagpapakadalubhasa sa Filipino ng kumuha ng asignaturang Panulaang Filipino

sa Occidental Mindoro State College ang naging input ng pag-aaral sapagkat sila pinagkunan ng
mga datos na ginamit sa pag-aaral. Para naman sa proseso, naghanap ang mga mananaliksik ng

akmang scoring rubrics na ginamit para makuha ng mga mananaliksik ang target na mga datos

sa isinagawa nilang panimulang pagtataya at pangwakas na pagtataya, ang mga datos na kanilang

makakalap ay kanilang bibigyang interpretasyon gamit ang mga estadistikang pagtalakay sa

pagtatapos ng pag-aaral, inaasahan ng mga mananaliksik na matukoy ang bisa ng online na

paraan ng pagtuturo sa pagpapaunlad ng antas ng kasanayan ng mga mag- aaral sa pagsulat ng

tula. Hahanap ang mga mananakliksik ng iba pang panukalang pamamaraan kung sakali mang

walang nakita bisa sa online na paraan ng pagtuturo.

Katuturan ng mga Termino

Para sa lubusang pagkakaunawa sa pag-aaral, sinikap ng mananaliksik na bigyang

katuturan ang mga sumusunod na katawagan ayon sa pagkakagamit ng mga ito sa pag-aaral.

COVID-19. Ito ang virus na lumalaganap sa iba’t ibang panig ng mundo na siyang

naging dahilan kung bakit naging popular ang pagkakaroon ng online na paraan ng pag-aaral at

pagtuturo na siyang ginagamit sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa ikatlong taon ng kolehiyo na

nagpapakadalubhasa sa Filipino na kumukuha ng asignaturang Panulaang Filipino sa Occidental

Mindoro State College.

Online Class. Ito ay isang pamamaraan ng pag-aaral na isinasagawa ang klase gamit ang

internet.

Pagsulat. Ito ang makrong kasanayan na pinag-aaralan ng mga mananaliksik na may

malaking kaugnayan sa pagsulat ng isang tula. Ito ang magsisilbing isa sa mga baryabol ng pag-

aaral.
Tula. Ito ang panitikan na nais pag-aralan ng mga mananaliksik upang matukoy ang

kabisaan ng online ng paraan ng pagtuturo sa pagpapaunlad ng mga kasanayan ng mga mag-aaral

sa pagsusulat ng panitikang ito.

Baryabol. Ito ang mga katangian o mga pinag-aaralan sa ginagawang pag- aaral ng mga

mananaliksik. Maaring ito ay independent o dependent baryabol.


KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Nakatulong nang malaki sa mananaliksik ang pagbabasa at pananaliksik ng mga kaugnay

na literatura sa pag-aaral. Ang lahat ng nalikom sa iba’t ibang aklatan at mga napatunayan ay

siyang nagbigay liwanag at kaalaman sa mahahalagang aspeto tungkol sa paksang pinag-aaralan.

Ito rin ang nagbigay ng matibay na pundasyon sa pananaliksik na isinagawa. Inilahad sa

kabanatang ito ang mga lathalain at pag-aaral sa Online na Pagtuturo at Kasanayan sa Pagsulat

ng Tula.
KABANATA 3

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag- aaral at paglalarawan

sa mga hakbang na isasakatuparan sa pagkuha ng mga datos. Matatagpuan sa kabanatang ito ang

disenyo, lugar, kalahok at instrumento ng gagawing pananaliksik.

Disensyo ng Pananaliksik

Quasi-Experimental Design (pre-test and post-test) ang pamamaraan na ginamit ng mga

mananaliksik sa isinagawang pag- aaral. Ayon sa aklat ni Thyer (2012), ang disenyong ito ang

pinakaepektibong gamitin upang makakuha ang mga mananaliksik ng tiyak at mas mainam na

mga impormasyon at datos mula sa mga kalahok. Gamit ang pamamaraang ito, ang mga

mananaliksik ay nangalap ng mga impormasyon o datos upang matukoy ang bisa ng online na

pagtuturo kasanayan sa pagsulat ng tula ng mga mag-aaral sa ikatlong taon ng kolehiyo na

nagpapakadalubhasa sa Filipino na kumukuha asignaturang Panulaang Filipino sa Occidental

Mindoro State College.

Lugar ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay isinagawa sa mataas na paaralan ng Occidental Mindoro State College na

matatagpuan sa San Jose, Occidental Mindoro.


Larawan 2. Lugar ng pag-aaral

Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga mag-aaral na nasa Ikatlong taon ng kolehiyo na nagpapakadalubhasa sa Filipino

sa Occidental Mindoro State College ang nagsilbing tagatugon sa isinagawang pag-aaral ng mga

mananaliksik. Ang mga tagatugon ay pinili ng mga mananaliksik sapagkat sila ang may kursong

Panulaang Filipino. Purposive Sampling ang gagamitin na paraan ng mga mananaliksik sa

pagpili ng mga kalahok o tagatugon sa isinagawang pag-aaral.

Instrumento ng Pananaliksik
Ang mga pamamaraan o instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral ay

scoring rubrics. Sa tulong ng instrumentong ito ng pananaliksik mas mapapadali ang

pangangalap ng tiyak o totoong datos mula sa mga tagatugon. Ginamit ang rubric upang

matukoy ang maaring maging bisa bago at pagkatapos isagawa ang online na paraan ng

pagtuturo sa mga tagatugon o kalahok. Ito ang gagamiting paraan upang alamin ang kaukulang

puntos na makukuha ng bawat napiling tagatugon sa isinagawa na panimulang pagtataya at

pangwakas na pagtataya.

Mga Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay hihingiin ang pahintulot sa Dekana ng Kolehiyo ng Pagtuturo

sa Occidental Mindoro State College, San Jose Campus. Pagkatapos humingi ng pahintulot sa

Dekana, tutungo naman ang mga mananaliksik upang humingi ng pahintulot sa gurong maaring

maabala sa pagsasagawa ng pangangalap ng datos. Nagbigay ang mga mananaliksik sa mga

napiling tagatugon ng panimulang pagtataya at pangwakas na pagtataya upang makuha ang mga

datos na kinakailangan ng mga mananaliksik. Gumamit ang mga mananaliksik ng scoring rubrics

upang mabigyan ng kaukulang iskor ang bawat pagsasanay na ginawa ng mga kalahok. Ang mga

datos na nakalap ang bibigyang pakahulugan ng mga mananaliksik sa kanilang estadistikang

pagtalakay.

Estadistikang Pagtalakay

Ang nakalap na datos ay sinuri upang mas mapadali ang pagtataya rito. Ginamit ang

mean na makukuha sa mga makukuhang iskor ng mga tagatugon batay sa rubric upang
ipaliwananag ang mga datos na nakalap mula sa mga respondante. Ginamit ng mga mananaliksik

ang T-test para sa dependent samples upang mapagkompara ang mga datos na mukukuha.

Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga mag-aaral na nasa ikatlong taon ng kolehiyo na nagpapakadalubhasa sa Filipino

na kumukuha ng asignaturang Panulaang Filipino sa Occidental Mindoro State College ang

nagsilbing tagatugon sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik. Ang mga tagatugon ay

pinili ng mga mananaliksik sapagkat sila ang mas angkop ng pagkuhanan ng mga datos dahil sila

ay kumukuha ng isang asignaturang patungkol sa pagsulat ng tula gamit ang online na paraan ng

pagtuturo. Purposive Sampling ang ginamit na paraan ng mga mananaliksik sa pagpili ng mga

kalahok o tagatugon sa isinagawang pag-aaral. Ito ang ginamit ng mga mananaliksik sapagkat

ang mgamananaliksik ay sumubok na magkaroon ng sampol na magpapakita sa kanila ng

representasyonng populasyong saklaw ng pag-aaral at may kaukulang kaalaman sa pagsulat ng

tula.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga pamamaraan o instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik sa pag-aaral ay

scoring rubrics. Sa tulong ng instrumentong ito ng pananaliksik mas mapapadali ang

pangangalap ng tiyak o totoong datos mula sa mga tagatugon. Gagamitin ang rubric upang

matukoy ang maaring maging bisa bago at pagkatapos isagawa ang online na paraan ng

pagtuturo sa mga tagatugon o respondante. Ito ang gagamiting paraan upang alamin ang

kaukulang puntos na makukuha ng bawat napiling tagatugon sa isasagawang post at pre-test.


Mga Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay humingi ang pahintulot sa Dekana ng Kolehiyo ng Pagtuturo.

Pagkatapos humingi ng pahintulot sa Dekana, humingi naman ang mga mananaliksik pahintulot

sa gurong maaring maabala sa pinagsagawaan ng pangangalap ng datos. Nagbigay ang mga

mananaliksik sa mga napiling tagatugon ng post at pre-test upang makuha ang mga datos na

kinakailangan ng mga mananaliksik. Gagamit ang mga mananaliksik ng scoring rubrics

mabigyan ng kaukulang iskor ang bawat pagsasanay na gagawin ng mga respondante. Ang mga

datos na makakalap ang bibigyang pakahulugan ng mga mananaliksik sa kanilang estadistikang

pagtalakay.

Estadistikang Pagtalakay

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito. Gagamitiin ang

mean na makukuha sa mga makukuhang iskor ng mga tagatugon batay sa rubric upang

ipaliwananag ang mga datos na nakalap mula sa mga respondante. Gagamit ang mga

mananaliksik ng T-test para sa dependent samples upang mapagkompara ang mga datos na

mukukuha.

KABANATA IV
RESULTA AT DISKUSYON

Inilalahad ng kabanatang ito ang pagsusuri at interpretasyon ng mga nakalap na datos

upang sagutin ang mga problemang nailahad sa papel na ito.

Kasanayan sa Pagsulat ng Tula

Talaan 1: Ang antas ng mga kasanayan ng mga kalahok sa pagsulat ng tula bago at matapos ang

online na pagtuturo.

Marka F % Interpretasyon
0 – 2.5 0 0 Nangangailangan ng

Pagsasanay
2.6 – 5.5 0 0 Katamtaman
5.6 – 8.5 6 37.50 Mahusay
8.6 – 10 10 62.5 Napakahusay
Total 16 100
Mean Score 8.38 Mataas

Pananda: 0.00 – 2.50 = Napakababa

2.60 – 5.50 = Mababa

5.60 – 8.50 = Mataas

8.6 - 10 = Napakataas
Ipinakita sa Talaan 1 ang antas ng kasanayan ng mga kalahok sa pagsulat ng tula matapos

maisagawa ang panimulang pagtataya. Anim (6) sa mga mag-aaral o 37.50% ay mahuhusay na

sa pagsulat ng tula. Ang sampu (10) naman o 62.5% ay napakahuhusay na sa pagsulat ng tula.

Nakakuha ng mataas na mean na 8.38 ang mga kalahok. Bilang mga mag-aaral na

nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino, ang mga kalahok ay mayroon nang dating

kaalaman o karanasan sa pagsulat ng tradisyonal at malayang tula. Likas na ang pagbabasa ng

mga ak dang pampanitikan lalong-lalo na ang tula. Ayon sa isang artikulo ni Ki (2020),

Magbasa ng Tula ng Iba – Hindi ka magiging marunong na manunulat kung hindi ka natututo sa

iba. Sa pagbasa mo ng ibang tula, maaring makakita ka ng ibang paraan ng pagsulat na puwede

mong mapagkunan ng inspirasyon.

Kasanayan sa Pagsulat ng Tula

Talaan 2: Ang antas ng kasanayan ng mga tumugon sa pagsulat ng tula matapos ang

online na pagtuturo.

Marka F % Interpretasyon
0 – 2.5 0 0 Nangangailangan ng

Pagsasanay
2.6 – 5.5 0 0 Katamtaman
5.6 – 8.5 4 25.00 Mahusay
8.6 – 10 12 75.00 Napakahusay
Total 16 100
Mean Score 8.59 Mataas

Pananda: 0.00 – 2.50 = Napakababa


2.60 – 5.50 = Mababa

5.60 – 8.50 = Mataas

8.6 - 10 = Napakataas

Matapos maisagawa ang online na pagtuturo at ang pangwakas na pagtataya, bumaba sa apat (4)

o 25% ang mahuhusay sa pagsulat ng tula. Tumaas naman ang bahagdan ng labindalawa o 75%

sa napakahuhusay na mga kalahok sa pagsusulat ng tula. At tumaas din ang bahagdan ng mean

sa panimulang pagtataya mula 8.38 (mataas) at naging 8.59 na may panandang mataas sa

pangwakas na pagtataya. Bahagyang tumaas ang mga marka sa ginawang online na pagtuturo.

Ayon kina Guevarra et al. (2013), sa pag-aaral na E-Learning: Digital Logic Design for

Freshmen, ang paggamit ng teknolohiya upang makabagong modal ng pagkatuto ay nagdudulot

ng magandang epekto sa mga estudyane at guro. Ang konsepto ng internet na nag-uugnay sa

edukasyon ay mas napabuti at napayabong sinabi din nila na may mahalagang papel ang e-

learning sa mga kolehiyo. Ang mga pag-aaral ay malinaw na nagmumungkahi na ang online at

offline na paraan ng pagtuturo ay madalas na mayroong maliit na pagkakatulad sa positibong

resulta sa aspetong pangkognitibo. (Means, et. al., 2009; Sitzmann, 2006)


Paghahambing sa Mean Scores ng Kasanayan ng mag-aaral sa Pagsulat ng Tula bago at

pagkatapos ng Online na Pagtuturo

Ipinapakita ng Talaan 3 ang resulta ng pag-analisa ng t-test sa mga marka ng mag-aaral

sa pagsasanay matapos ang ginawang online na pagtuturo.

Baryabol t-value p-value Interpretasyon


Marka ng panimula

at pangwakas na -0.940 0.362 Hindi Makatuturan

pagtataya.

Pananda: p-value < 0.05 = Makatuturan

Talaan 3. Pag-analisa sa T-test ng mean score ng kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng tula

matapos maisagawa ang online na pagtuturo.

Ang pinagkumparang pag-aaral sa marka ng mag-aaral sa pagsasanay bago at pagkatapos ng

online na pagtuturo ay nagpapakita ng maliit na pagkakaiba sa pagitan ng dalawa (t-value =

-0.9731, p-value = 0.17297). Ito ay nangangahulugang walang malaking pagbabago sa marka ng

mga mag-aaral matapos ang isinagawang online na pagtuturo. Ito ay maaaring dahil sa ang mga

mag-aaral ay meron ng kaalaman sa pagsulat ng tula bago pa man maisagawa ang online na

pagtuturo kaya maliit na lamang ang naging pagtaas ng mean score sa pagsasanay pagkatapos ng

online na pagtuturo.

Sinang-ayunan ng pag-aaral ni Barboni (2019) na ang halaga ng face-to-face na pagtuturo

ay hindi nabawasan ngunit ang maaaring magamit ang e-learning tulad ng tradisyunal upang

makapagbigay ng mahusay at epektibo sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng


kalidad na edukasyon. Sinuportahan pag-aaral ni Barboni ang resulta ng pananaliksik na walang

makabuluhang pagkakaiba bago at pagkatapos ang online na paraan ng pagtuturo dahil na rin sa

salik na mayroon ng dating kaalaman (prior knowledge) ang mga mag-aaral.

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito nakapaloob ang mga lagom, konklusyon at rekomendasyon na

nagpapakita ng mga krusyal na detalye at kinalabasan ng isinagawang pag-aaral.

Lagom

Ang pag-aaral na ito na ay naglalayong malaman ang maaring maging bisa ng online na

paraan ng pagtuturo sa pagpapahusay ng mga kasanayan sa pagsulat ng tula ng mga mag-aaral sa

Ikatlong taon ng kolehiyo na nagpapakadalubhasa sa Filipino na kumuha ng asignaturang

Panulaang FILIPINO sa Occidental Mindoro State College. Upang makuha ang kasagutan

gumamit ang mga mananaliksik ng panimula at pangwakas na pagtataya (pre-test & post-test) na

naglalaman ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng tula (diona, haiku, tanaga, at malayang taludturan).

Matapos makalap ang kanilang mga tugon sa ginawang panimula at pangwakas na pagtataya ay

maayos itong minarkahan gamit ang isang rubrik. Matapos nito ay maayos itong sinuri.

Mga Natuklasan

Ang mga sumusunod ay ang mga natuklasan sa pag-aaral matapos maisagawa ang:
1. Bago maisagawa ang online class

Bago maisagawa ang online class na pag-aaral ay nakakuha ang mga mag-aaral

ng mean na 8.38 na nagpapahiwatig na mataas ang nakuhang marka ng karaniwang mag-

aaral sa Ikatlong taon ng kolehiyo na nagpapakadalubhasa sa Filipino na kumuha ng

asignaturang Panulaang FILIPINO sa Occidental Mindoro State College.

2. Matapos maisagawa ang online class

Nagkaroon ng kaunting pagtaas sa mean score na nakuha ng mga mag-aaral na

ang dating 8.38 na nagpapahawatig na mataas ay tumaas pa ng 8.59 na malapit na sa

panandang napakataas. Gayunpaman ay wala pa ring pagbabago hindi pa rin nito nakamit

ang 8.6 na pananda upang maging napakataas.

3. Mula sa t-value na -0.940 at p-value na 0.362 sa ilalim ng 0.05 na antas ng kahalagahan,

walang makabuluhang pagkakaiba bago at pagkatapos ng pagsasagawa ng online na

pamamaraan ng pagtuturo sa antas ng kasanayan sa pagsulat ng tula ng mga mag-aaral sa

Ikatlong taon ng kolehiyo na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Occidental Mindoro

State College.

Konklusyon

Ang mga nabuong konklusyon ng mga mananaliksik ay batay sa resulta ng online na

paraan ng pagtuturo upang makita ang kasanayan sa pagsulat ng tula ng mga mag-aaral na nasa

Ikatlong taon ng Kolehiyo ng Pagtuturo na nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino sa

Occidental Mindoro State College.


1. Ang kasanayan sa pagsulat ng tula ng mga mag-aaral sa Ikatlong taon ng kolehiyo na

nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Occidental Mindoro State College bago isagawa ang

online na pagtuturo ay “mataas”.

2. Ang kasanayan sa pagsulat ng tula ng mga mag-aaral sa Ikatlong taon ng kolehiyo na

nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Occidental Mindoro State College matapos

maisagawa ang online na pagtuturo ay “mataas”.

3. Walang makabuluhang pagkakaiba bago at pagkatapos ng pagsasagawa ng online na

pamamaraan ng pagtuturo sa antas ng kasanayan sa pagsulat ng tula ng mga mag-aaral sa

Ikatlong taon ng kolehiyo na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Occidental Mindoro

State College.

4. Walang banta sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Ikatlong taon ng Kolehiyo na

nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Occidental Mindoro State College ang online na

paraan ng pagtuturo.

5. Sa kabuuan, ang pananaliksik na isinagawa ay nagpapahiwatig na ang online learning ay

katapat rin ng face-to-face learning na maaaring mangyari sa kahit anong oras o lugar.

Ang Online na paraan ng pagtuturo ay may abilidad na tanggalin ang mga hadlang sa

pagkatuto ng mga mag-aaral na nabuo dahil sa pandemyang COVID-19.

Rekomendasyon

Ang mga sumusunod na rekomendasyon ay batay sa mga konklusyon ng mga

mananaliksik mula sa mga resulta at natuklasan ng pag-aaral na ito.


1. Linangin pa ng mga mag-aaral ang kasanayan sa pagsulat ng tula sa pamamagitan ng

patuloy na pagsusulat ng iba pang mga akda (sanaysay, kwento at marami pang iba) dahil

magagamit nila ito (Makrong Kasanayan) lalong-lalo na sa kanilang magiging propesyon.

2. Magsagawa pa nang ibang mga pag-aaral upang patuloy na mapalawak at makatuklas ng

iba pang metodo at mahahalagang datos na makatutulong sa pagpapalawak ng proseso ng

pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa Online na paraan ng pagtuturo at paglinang

ng makrong kasanayan. Ang mga mahahalagang impormasyon na mula sa pag-aaral ay

maaaring magamit ng mga guro at ng paaralan upang makapagbigay ng mas epektibong

edukasyon online.

3. Magsagawa ng mga palihan-seminar para sa mga guro’t mag-aaral upang mapalawak pa

ang kaalaman sa paggamit ng teknolohiya na maaaring magamit sa para sa kanilang

sariling pag-aaral.

You might also like