You are on page 1of 2

Loger Kent Bernabe

BSEd 3-B

Gawain: Ang face-to-face na proseso ng pagtuturo ay isang klasrum diskors na isang


komunikasyong nagaganap sa loob ng klasrum sa pagitan ng titser at estudyante. Ngayong
panahon ng Pandemya na tinatawag na “New Normal” ng paraan ng pag-aaral na ginamitan
ng makabagong teknolohiya, masasabi bang may klasrum diskors pa rin na nagaganap?

New Normal: New Classroom Discourse?

Malaki ang naging epekto ng pandemya hindi lamang sa buhay at kabuhayan ng


maraming tao, lubos din nitong naapektuhan maging ng paraan ng ating pamumuhay. Isa sa
lubusang naapektuhan ng pandemyang ito ang paraan ng pag-aaral na talaga namang isang
malaking dagok at problemang patuloy kinakaharap ng mga mag-aaral at guro. Sinisikap
punan ng teknolohiya ang apat na sulok ng kaalaman at ginagawa naman ng mga mag-aaral at
guro ang lahat ng kanilang makakaya upang upang sumabay at umangkop sa sitwasyong ito.
Sa mga pangyayaring ito, sumasagi sa aking isipan kung kaya nga bang punan ng Online
Classroom ang klasrum diskors o proseso ng pagtuturo na face-to-face.

Malinaw na binigyang pakahulugan o katuturan ni Graham Nuthall na ang klasrum


diskors ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng mga guro at mag-aaral upang makipag-usap sa
bawat isa sa silid aralan. Ang pakikipag-usap, o pag-uusap, ay ang daluyan kung saan
nagaganap ang karamihan sa pagtuturo, kaya't ang pag-aaral ng diskurso sa silid aralan ay pag-
aaral ng proseso ng harapan na pagtuturo sa silid aralan. Sa katuturang ito ni Nuthall malinaw
na hindi na nagaganap ng tinatawag na klasrum diskors o nagaganap man ngunit hindi na
kasing komprehensibo tulad ng klasrum diskors na nagaganap sa loob ng literal na silid aralan.
Kanikanilang mga bahay ngayon ang nagsisilbing silid aralan ng mga mag-aaral at laptop,
smartphones at computer naman ang kanilang pisara,aklat at kwaderno na sumasalungat sa
katuturang ibinigay ni Nuthall sa klasrum diskors. Mas malakinang inilalaang panahon ng mag-
aaral sa pakikinig at kakaunti lamang sa pagsasalita.

Nabanggit ko na kung mayroon nagaganap na klasrum diskors sa mga Online Classrooms


ito ay hindi na tulad ng diskors na nagaganap sa isang tunay na silid na aralan dahil sa ilang
suliraning base sa aking pananaw. Halimbawa nalang kapag nagtatalakay ang mga guro o isang
mag-aaral sa kanilang Online class, mapapansin na naka-mute ang ilang mga mag-aaral
hanggang sa matapos ang isang klase. Napakalayo ng ganitong senaryo sa isang literal silid
aralan sapagkat hindi nakikita ang mga kausap sa kadahilanang nakasarado ang kanilang mga
kamera hindi natitiyak kung sila ba ay tunay nakikinig, walang nakaka-alam kung ano nga ba
nagaganap sa likod ng mga bilog na larawan ng mga mag-aaral sa google meet. Dahil sa
ganitong sitwasyon napansin ko na nawawala o hindi na naisasagawa ang komprehensibong
klasrum diskors. Tanging pakikinig nalang ang nakikita kong nagaganap sa mga mag- aaral na
muli nanamang sumasalangat sa klasrum diskors sa loob ng paaralan na punong-puno ng
palitan ng mga kuro dahil lahat ay may kakayahang at karapatang magsalita ano mang oras ng
talakayan.

Sa mga puntong aking inilahad masasabi ko na mayroon paring nagaganap na klasrum


dirkors ngunit hindi na tulad ng klasrum diskors na nagaganap sa isang literal na silid- aralan
ang nagaganap sa kasalukuyan at kung susundin naman ang katuturang ibinigay ni Nuthall
hindi tumutugma ang mga pangyayari ngayon sa paliwanag na kaniyang binigay sa klasrum
diskors. Iba na ang klasrum diskurs na nagaganap ngayon sapagkat malayo na ito sa normal na
klasrum diskors na ating nakasanayan. Ito na marahil ng epekto ng "new normal", ito narin
marahil ang New Classroom Discourse sa konteksto ng Online learning. Ito ang klasrum
diskors na nagaganap sa isang online classroom at tanging pakikinig ang kasanayang
napapaunlad sa mga mag-aaral.

You might also like