You are on page 1of 53

PAGSUSURI NG MGA

TULA

INIHANDA NINA:
KRISTEL JANE R. CABANTUGAN
JERICO P. NUESTRO
ISANG DIPANG
LANGIT
NI: AMADO V. HERNANDEZ
ISANG DIPANG LANGIT
NI: AMADO V. HERNANDEZ

Ako’y ipiniit ng linsil na puno Kung minsan, ang gabi’y biglang


hangad palibhasang diwa ko’y piitin, magulantang
katawang marupok, aniya’y pagsuko, sa hudyat – may takas! – at asod ng
damdami’y supil na’t mithiin ay supil. punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang
Ikinulong ako sa kutang malupit: batingaw,
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; sa bitayang moog, may naghihingalo.
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
Sa munting dungawan, tanging abot- sampu, dalawampu, at lahat ng taon
malas ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may
Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
sugat,
at batis pa rin itong aking puso:
watawat ng aking pagkapariwara.
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
Ang tao’t Bathala ay di natutulog
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
at di habang araw ang api ay api,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang
Ang maghapo’y tila isang tanikala gaganti.
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong
At bukas, diyan din, aking matatanaw
luksa
sa sandipang langit na wala nang luha,
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
Kung minsa’y magdaan ang payak na
yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

I. A. PAMAGAT
 Isang Dipang Langit

B. MAY-AKDA
 AMDAO V. HERNANDEZ
Si Amado V. Hernandez ay makata, nobelista, mandudula at peryodista. Itinanghal na orden ng
mga Pambamsang Alagad ng Sining sa larangan ng panitikan. Nagsulat din siya sa ilalim ng
pangalang Herinia dela Riva, Amanta Hermani at Julio Abril.
Isinilang siya noong 13 Styembre 1903 sa Tondo, Maynila. Siya ay supling nina Juan Hernandez
at Cara Vera. Napangasawa niya si Honorata”Atang” dela Rama at tinaguriang “Reynang
Kundiman” na napabilang din sa Orden ng Pambansang Algad ng sining. Nagsimula niyang
tangkilikin ang pagsusulatbilang journalist at editor ng pre-WWII tagalong newspaper, gaya ng
watawat, Pagkakaisa, Mabubuhat, Sampaguita, at iba pa. Naging kaibigan din niya sina Jose
Corazon de Jesus, Florentino Collantes at Deogracias Rosario.
Ang ilan sa kanyang tulang katha ay “Sariling Hardin “ sa pagkakaisa mula 1926-1932,” Kung
Tuyo Na Ang Luha Mo Aking Bayan”, at iba pa.Siya ay nanalo rin ng maraming beses. Noong
1925 tinagurian siyang “Makata ng Ilaw at Panitik”.

C. SANGGUNIAN
https://www.tagaloglang.com/tula-isang-dipang-langit/

II. BUOD NG KATHA


Ang tulang ito ay nagsasalaysay sa mga karanasan ng isang taong nakulong. Ito rin ay
nagpapakita ng mga pinagdadaanan ng mga bilanggo sa araw-araw nilang buhay kasama na
ang pagdurusa ito’y dahil sa pagtukoy ng kanyang mga karanasan habang nasa loob ng
kulungan. Umiikot ang tula sa tunay na karanasan ng mga taong nasa bilangguan matapos
siyang makulong ngwalang sala. Ang loob ng bilangguan ay tila isang libingin ng mga buhay
na tila nilamon na ng karimlan ang pag-asa ng mga taong nasa piitan. Subalit naiiba sa lahat
ang damdamin ng pangunahing tauhan sa kwento sapagkatsa gitna ng kawalang pag-asa siya
ay lubos paring umaasa na darating ang panahon at siya’ymakakalaya sa kulungang rehas na
iyon.
III. PAGSUSURI

A. PAGPAPALIWANAG SA BAWAT SAKNONG

Sa unang saknong mapapansin agad na ang tauhan sa


Ako’y ipiniit ng linsil na puno kwento ay nakapiit mula sa salitang ipiniit na ibig sabihin
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
ay hindi makawala. Sa mga naka bold na salita, ipinapahayag nito ang kanyang saloobin kung
bakit madali siyang napiit mula sa mga salitang diwa ko’y piitin at katawang marupok na ibig
sabihin ay mahina.

Inilalarawan sa saknong na ito kung saan siya ipiniit


Ikinulong ako sa kutang malupit: mula sa paglalarawan ng lugar gayon din ang sitwasyon.
Patunay ang mga salitang naka bold sa kanyang
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; pagpapalarawan sa lugar ang kutang malupit na puro
lubos na tiwalag sa buong daigdig pasakit marahil ang dadanasin at bato, bakal, punlo,
balasik ng bantay na kay tibay at mahirap takas an.
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa punto ng saknong na ito, inihahayag ng tauhan sa


Sa munting dungawan, tanging abot- kwento ang kanyang pagdadamdam sa nararanasan
malas niya sa mga sandaling iyon patunay rito ang mga
ay sandipang langit na puno ng luha, katagang “tanging abot-malas ay sandipang langit
na puno ng luha” anupa’t sa sandaling iyon pighati
maramot na birang ng pusong may sugat, ang nararamdaman.
watawat ng aking pagkapariwara.
Mula sa pagkakapiit nito, pansing inaalam at
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, nakikiramdam sa bawat paligid nito patunay rito ang
mga katagang naka bold na inilarawan niya kung
sa pintong may susi’t walang makalapit;
gaano kahigpit ang tanod sa pagbabantay gayon din
sigaw ng bilanggo sa katabing moog, ang naririnig niyang sigaw ng kapwa niya bilanggo.

anaki’y atungal ng hayop sa yungib.


Inilalarawan rito sa una at ikalawang talutod ang
Ang maghapo’y tila isang tanikala
maghapong karanasan ng tauhan. Sa ikatlo at
na kala-kaladkad ng paang madugo huling taludtod ay inihahayag nito ang kanyang
pakabalisa at pagdaramdam buhat ng
ang buong magdamag ay kulambong kalungkutang nadarama.
luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Sa saknong na ito inilarawan ng may akda ang


Kung minsa’y magdaan ang payak na
nangyayari sa pamamagitan ng paggamit ng
yabag,
mabubulaklak na salita, sa paglalarawan nito sa
kawil ng kadena ang kumakalanding; ikatlo at huling taludtod naihahayag kung gaano
karami ang nagbabantay sa bilangguhan.
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi’y biglang Sa saknong na ito inilalarawan ang
magulantang nangyayari sa gabi, ang alingawngaw ng
batingaw sa hindi inaasahang pangyayari ta
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
maaari’y halo ng pakiramdam sa takot sa
kung minsa’y tumangis ang lumang bawat sandali ng gabi.
batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.

Inihahayag sa saknong na ito ang


At ito ang tanging daigdig ko ngayon – pagdaramdam na doon siya habang buhay
hanggang sa mapigtal ang kangyang hininga
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
patunay rito ang mga katagang naka-bold.
sampu, dalawampu, at lahat ng taon Kanya rin dinadamdam na wala ng
pagkakataong makalabas pa.
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal

inihahayag ng may akda sa saknong na ito na


Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa anumang
at batis pa rin itong aking puso: pasakit mananalitiling payapa ang puso patunay
rito ang huling saknong na siya ay hindi susuko.
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tauldtod nanBathala


Ang tao’t aka-bold
ay ay naghahayag na
di natutulog
anuman ang pagdaanan nariyan ang Diyos,
anumanat di
anghabang araw ang ay
nararanasan api ay api, pang
hindi
habang buhay ito’y maaaring magbago.
tanang paniniil ay may pagtutuos,
Anumang pasakait ay may tutulong.
habang may Bastilya’y may bayang
gaganti.

Inihahayag sa saknong na ito ang patunay na


At bukas, diyan din, aking matatanaw baling araw ay makakamit din ang paglaya, ang
araw na hindi na siya luluha dahil sa hirap ng
sa sandipang langit na wala nang luha,
pinagdaanan sa loob ng bilangguan. Bukas din
sisikat ang gintong araw ng tagumpay… ang isipan ang positibong pag-iisip ng may
akda na siya ay makakalaya at pagkaramdam
layang sasalubong ako sa paglaya! ng tuwa sa sandaling iyon.
B. URING PAMPANITIKAN

Ang tulang ito ni Amado V. Hernandez na Isang Dipang Langit ay isang tulang pandamdamin o
tulang liriko sapagkat ito ay nagpapahayag ng masidhing damdamin na nagtatampok ng kungkot,
agam-agam at hinanakit. Sa bawat taludtod ng tula mararamdaman ang bawat emosyong nais
iparating ng akda.

C. ISTILO NG PAGLALAHAD

Ang istilo ng may-akda ay di pangkaraniwan sa iba. Ang daloy ng tula ay parang isang maikling
kwento at sadyang kapanapanabik ang mga pangyayari. Itoy lumalalim ng lumalalim habang
papalapit na sa katapusan. Malakas ang emosyong nakabalot sa bawat salita ng tula na tila ito ay
tumatagos sa puso ng mambabasa.

Pagbibigay Katuturan

Sapagkat binigyang halaga nito ang bawat pangyayari sa buhay ng tao gayon din ang dinarama
nito.

D. PAGSUSURING NABABATAY SA PANLIPUNANG SULIRANIN

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –


bilangguang mandi’y libingan ng buhay

Ang dalawang talutod na ito ay madalas inhahalintulad sa ating lipunan sapagkat alam natin ang
bilangguan ay lugar ng mga taong nagkasala kung saan ang ilan ay doon na tatanda at
mawawalan ng hininga. Ito’y nasasalamin sa panlipunang suliranin sapagkat patuloy dumarami
ang mga taong nasasangkot sa krimen at gayon din ang bilangguan bilang bayad sa kanilang
kasalanan.
sa bitayang moog, may naghihingalo

ang taludtod na ito ay hindi nalalayo sa suliranin sa ating lipunan sapagkat ay mga tao ang
nakikitil dulot ng kanilang kasalanan ngunit may ilang na nakikitil ng walang kasalanan.

E. TAYUTAY
1. Pagtutulad
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod
(ika-4 na saknong, 1 taludtod)

Ibig sabihin katakot-takot ang mga mata ng tanod.

2. Pagmamalabis
Anaki’y atungal ng hayop sa yungib
(ika-4 na saknong, 4 na taludtod)

Ibig sabihin nito ay isang malakas na pag-iyak o paghagulhol.

3. Pagwawangis

At ito ang daigdig ko ngayon


bilangguan mandi’y libingan ng buhay
(ika-8 saknong, 1 at 2 na talutod)

Nangangahulugang hindi kaaya-ayang lugar at tiyak na mahihirapan ka.

4. Pagpapalit- saklaw

sanlibong aninong iniluwa ng dilim.


(ika-6 na saknong, 4 na taludtod)

Ibig sabihin maraming tanod ang paparating mula sa dilim.

F. SARILING REAKSIYON
1. Tauhan
Ang tauhan sa tulang ito ay ang mismong may akda at mga taong
nagtitiis sa hirap ng buhay sa loob ng kulungan.

2. Istilo ng Awtor
a. Tugma
Gumamit ang may akda ng tugmaang patinig at katinig kitang kita naman iyon sa
hulihan ng bawat linya ng bawat saknong, Napansin naming ito’y hindi diriktang
tugmaan ngunit kung inyong sisisyasating mabuti makikita ang kariktan ng mga tugmang
ginamit, sadyang nakamamangha ang hiwaga nito.
Hango sa ika-limang saknong ng tula(Tugmaang patinig)
at ika-anim na saknong ng tula (Tugmaang katinig).

Ang maghapo’y tila isang tanikala


na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,


kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

b. Sukat
Ang tulang ito ay nagtataglay ng lalabindalawahing pantig, mula sa umpisa
hangang sa dulo.
Hango sa una’t huling saknong ng tula (upang ipakita
ang iisang bilang ng pantig)

I.
A/ko’y/ i/pi/ni/it /ng/ lin/sil/ na/ pu/no
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

han/gad/ pa/lib/ha/sang/di/wa/ ko’y/ pi/i/tin,


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10/11/12

ka/ta/wang/ ma/ru/pok/, a/ni/ya’y/ pag/su/ko,


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

dam/da/mi’y/ su/pil/ na’t/ mit/hi/in/ ay/ su/pil.


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

XI.
At/ bu/kas/, di/yan/ din/, a/king/ ma/ta/ta/naw
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Sa/ san/di/pang/ la/ngit/ na/ wa/la/ nang/ lu/ha,


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Si/si/kat/ ang/ gin/tong/ a/raw/ ng/ ta/gum/pay…


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
3. Galaw ng Pangyayari
La/yang/ sa/sa/lu/bong/ a/ko/ sa/ pag/la/ya!
1 2 34 5 6 7 8 9 10 11 12
Sadyang di pangkaraniwan ang paglalahad ng bawat bitawang salita ng may akda
sa bawat linya ng tula animoy isang maikling kwentong detalyado ang mga pangyayari sa
iilang kataga lamang na siyang nakakapanabik sa mga sususnod na mangyayari. Noong
una ay paglalarawan sa unang paghihirap na dinaranas ng tauhan, hangang sa kalagayan
niya sa loob ng bilangguan ang pagdurusa, pagsisi’t pagtitiis. At sa huli ay ang paghingi
ng tawad sa nakatataas at ang paniniwala sa kakapiranggot na pag-asang
pinanghahawakan.

G. PAGLALAPAT NG TEORYA
Teoryang Realismo – Kapansinpansin ang makatutuhanang sitwasyon sa tula,
isinalaysaya at inilarawan ng may akda ang mga pangyayaring nakabatay sa totoong
buhay at kalimitang tianatamasa ng mamayan sa kanyang lipunang ginagalawan.
Ipinamalas ang hubad na katutuhanan sa likod ng mga kwento o karanasan ng mga
nabibilanggo ang paksang ito’y karaniwang nakapokus sa sosyo-politikal na kalagayan,
kung saan makikita ang katarungan para sa mga naapi.
Teoryang Sosyolohikal- tulad ng nabanggit ito ay sumasalamin sa mga gusot sa
lipunan. Mga paghihirap at pagpapakasakit.

H. BISANG PAMPANITIKAN
1. Bisa sa Isip
Ikinintal ng tulang ito sa aming isipan na sadyang darating sa punto ng ating buhay na
tayo malulugmok at mahihirapan sa mga pagsubok na darating dahil di naman lahat oras tayo ay
nasa matiwasay at masarap na buhay. Ngunit ipinapaalala rin ng tulang ito na matuto tayong
bumangon sa pagkakadapa, manalig at magtiwalang makakaahon. Panghawakan maging ang
pinakamaliit na pag-asa kahit isang dipang langit pa ang susuuing problema.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas Ang tao’t Bathala ay di natutulog


ay sandipang langit na puno ng luha, at di habang araw ang api ay api,
maramot na birang ng pusong may sugat, tanang paniniil ay may pagtutuos,
watawat ng aking pagkapariwara. habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa pintong may susi’t walang makalapit; sa sandipang langit na wala nang luha,
sigaw ng bilanggo sa katabing moog, sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
anaki’y atungal ng hayop sa yungib. layang sasalubong ako sa paglaya!

Hango sa ika’tlo at ika-apat (nasa unang kahon) at ikasampu at ikalabing-isang saknong ng tula(ikalawang
kahon). Na nagpapakita pagkadama at pag-ahon.

2. Bisa sa Damdamin
Damang dama namin ang kalungkutang dinaramdam ng tauhan sa pagkakabilanggo,
gayundin ang awa sa kaniyang kalagayan sa pagnanais na makalaya. Maaring ang lahat ng tao ay
nakagagawa ng mga kasalanan, mga maling pagpapasya at desisyon sa buhay kung kaya
naliligaw ng landas, ano’t ano pa naniniwala pa rin kaming gaano man kasama ang isang tao ay
sa maliit na sulok ng kanyang pagkatao ay may kabutihan paring namumuo at likas iyon sa
pagiging tao natin. Kung tayo man ay nasa lihis na landas wag nating kakalimutang itama o
ituwid ito, nariyan ang mga magulang natin, kaibigan, mga minamahal at higit sa lahat ang Diyos
na handing magpatawad sa atin at muli tayong tanggapin kung tayo’y magbabalikloob.

Ang maghapo’y tila isang tanikala Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
na kala-kaladkad ng paang madugo sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
ang buong magdamag ay kulambong luksa kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
ng kabaong waring lungga ng bilanggo. sa bitayang moog, may naghihingalo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
kawil ng kadena ang kumakalanding; bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sa maputlang araw saglit ibibilad, sampu, dalawampu, at lahat ng taon
sanlibong aninong iniluwa ng dilim. ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Hango mula sa ikalimang saknong hangang sa ikawalang saknong ng tula, na kung saan madarama
moa ng paghihirap at kalungkutang kanilang dinaranas.

3. Bisa sa Kaasalan
Inihayag sa tulang ito ang pagkakabilanggo ng tauhan, sa madaling sabi siya’y nakagawa
ng kasalanan at naligaw ng landas. Ipinapahiwatig hangat maaga pa lamang ay ayusin na an
gating pag-uugali, lagging isaisip ang mabubuting gawain at huwag ang kasamaan. Maaring
hindi maganda ang kinahantungan ng tauhan sa tulang ito aral na sana’y matutunan ng marami
na hangat maari’y umiwas sa maka mundong tukso at baluktot na paniniwala’t masamang
hangarin.

Ako’y ipiniit ng linsil na puno Ang tao’t Bathala ay di natutulog


hangad palibhasang diwa ko’y piitin, at di habang araw ang api ay api,
katawang marupok, aniya’y pagsuko, tanang paniniil ay may pagtutuos,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil. habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

Hango sa una’t ikasampung saknong ng tula, na nagpapakita ng kinahantungan ng


kaasalang masama at pagbabago ng paniniwala.
LUMANG
SIMBAHAN
NI: FLORENTINO T. COLLANTES

ANG LUMANG SIMBAHAN


Ni: Florentino T. Collantes

Sa isang maliit at ulilang bayan,


Pinagtampuhan na ng kaligayahan,
Ay may isang munti at lumang simbahang
Balot na ng lumot ng kapanahunan;
Sa gawing kaliwa, may lupang tiwangwang
Ginubat ng damo't makahiyang-parang,
Sa dami ng kurus doong nagbabantay
Makikilala mong yaon ay libingan.

Sa gawing silangan ng simbahang luma,


May isang simboryong hagdanan ma'y wala,
Dito ibinitin yata ng tadhana
Ang isang malaki't basag na kampana;
Ito raw'y nabasag anang matatanda,
Noong panahon pa ng mga Kastila,
Nang ito'y tugtugin dahilan sa digma,
Sa lakas ng tugtog bumagsak sa lupa.

Sa lumang simbaha't sa kampanang basag,


Ay may natatagong matandang alamat,
May isang matanda akong nakausap,
Na sa lihim niyo'y siyang nagsiwalat;
Ang Lumang Simbaha'y nilimot ng lahat,
Pinagkatakutan, kay daming nasindak,
Umano, kung gabi ay may namamalas,
Na isang matandang doo'y naglalakad.

Ang suot ay puti may apoy sa bibig,


Sa buong magdamag ay di matahimik,
Ngunit ang hiwagang di sukat malirip,
Kung bakit sa gabi lamang na mamasid?
Kung araw, ang tao, kahit magsaliksik
Ang matandang ito’y hindi raw masilip.
Ngunit pagdilim na't ang gabi'y masungit,
Ano't ang simbahan ay lumalangitngit?

Magmula na noo'y pinagkatakutan,


Ayaw nang pasukin ang Lumang Simbahan;
Saka ang isa pang sa baya'y gumimbal,
Ang kampanang basag na bahaw na bahaw,
Kung ano't tumunog sa madaling araw,
At ang tinutugtog agunyas ng patay;
Saka nang dumating ang kinabukasan,
May puntod ng libing sa harap ng altar.
Lumaki ang ahas sa mga balita'y
Lalong di pinasok ang Simbahang Luma,
Kung kaya ang hindi makurong hiwaga'y
Nagkasalin-salin sa maraming dila,
Hanggang may nagsabing sa gabing payapa,
May mga hinaing doon nagmumula,
Tagho’y ng maysakit na napaka-lubha.
Himutok ng isang papanaw sa lupa.

Ngunit isang gabi ay may nagmatapang,


Mag-isang pumasok sa lumang Simbahan;
Datapwa't hindi pa siya nagtatagal,
Karimot ng takbong nagbalik sa bahay,
Saka namalitang nagkakandahingal:
"Ako po'y mayroong multong natagpuan,
Ang suot ay puti at nakabalabal,
Gayong binaril ko'y ano't di tinablan."

Lalo nang nag-ugat sa bayan ang lagim;


Ang Lumang Simbaha'y ayaw nang pasukin;
Taong naglalakad sa gabing madilim,
Ni ayaw lumapit, ni ayaw tumingin.
Pati nang naroong sakdal gandang Birhen,
Wala ni sinumang pusong manalangin.
Kaya't sa simbaha'y wala nang pumansin
Tulad ng ulila't tiwangwang na libing.

Ngunit isang gabing kadilima'y sakdal,


Ang simbahang Luma'y ano't nagkailaw
May isang binata't isang paraluman
Na nangakaluhod sa harap ng altar.
Ang dalawang ito ay magkasintahang
Sa galit ng ama ay ayaw ipakasal,
Kaya't ang dalawa'y dito nagtipanang
Sa harap ng Birhen ay magpatiwakal.

Ang ama raw nitong magandang dalaga,


Kung sa kayamana'y walang pangalawa.
Ang binata nama'y isang magsasaka,
Mahirap, kung kaya aayaw ng ama.
Ngunit sa babaing tapat ang pagsinta,
Ang yaman sa mundo ay walang halaga,
Kaya't nagkasundong magpatiwakal na,
Sa langit pakasal, doon na magsama.

Sa harap ng birhen ang magkasing-liyag,


Ay nagsisidaling luha'y nalalaglag;
Matapos ang dasal, dalawa'y nagkayakap,
Sa pagmamahala'y parang pahimakas.
Dalawang sandatang kapwa kumikislap
Ang sa dibdib nila'y kapwa itatarak;
Yayamang sa lupa'y api ang mahirap,
Sa langit na sila magiisang palad.

Ngunit ang binata ay may naisipan,


Bago nagkasundong dibdib ay tarakan,
Ay humukay muna sa harap ng altar,
Saka sa gagawing malalim na hukay,
Ay doon na sila magsamang mamatay;
Kung mamatay silang wala sa libingan,
Baka kung ibaon ay magkahiwalay.

Humanap ng palang panghukay sa lupa,


Itong sawing-palad na aping binata;
Habang humuhukay ang kaawa-awa,
Sa habag sa sinta'y nanatak ang luha.
Ngunit ano ito? Kaylaking hiwaga!
Ang nadukal-dukal mga gusing luma,
Saka nang iahon, oh! Laking himala!
Puno sa salapi at gintong Kastila!

Ang magkasinggiliw ay nagitlahanan,


At nalimot tuloy ang magpatiwakal;
Ang mutyang dalaga ang siyang nagbilang.
Oh, daming salapi! laking kayamanan,
Libo’t laksa-laksa itong natagpuan,
Kaya’t sa malaki nilang kagalakan,
Lumuhod sa Birhen at nagsipagdasal.

At sila’y umuwi pasan ng binata,


Nagkakayang-uyad sa malaking tuwa …
Ang Lumang Simabahan ay ipinagawa,
At ipinabuo ang kampanang sira;
At saka nagdaos ng pistang dakila,
Tugtog ng musiko’y sampung araw yata;
Inalis ang takot sa puso ng madla,
Ang inihalili’y sayang di-kawasa.

Sa ginawang bago na Lumang Simabahan,


Ang magkasing ito ang unang nakasal;
Nang sila’y lumuhod sa harap ng altar,
Ang lahat ng tao ay nagsipagdiwang;
Dito na nabatid ng takot na bayan,
Ang simbahan pala ay pinagtaguan,
Ng isang matandang puno ng Tulisan,
Na may ibinaon doong kayamanan.

Ngayo’y di na takot kundi saya’t tuwa,


Ang madudulang mo sa Simbahang luma,
At sa Birhen doong kay-amo ng mukha,
Oh! Kayrami ngayong nagmamakaawa.
Ito’y katunayan: Na ano mang gawa,
Dapat isangguni muna kay Bathala,
Sa awa ng Diyos nagtatamong pala.

I. A. PAMAGAT
 Lumang Simbahan

B. MAY AKDA
 Florentino T. Collantes

Si Florentino Tansioco Collantes ay kilala sa tawag na ”kuntil-butil”, siya ay isa


sa mga magagaling namanunulat at makatang Pilipino. Kinilalang duplero ng kanyang
panahon at nahirang na Ikalawang Hari ng Balagtasan, sa murang gulang palamang nito
ay nakapag ambag na ito ng mga akdang pampanitkan at nagging pangunahing katungali
ni Jose Corazon de Jesus sa larangan ng balagtasan. Ginamit niya ang tula sa mga
political na kritisiso noong panahon ng Amerikano.

Sa pagbigkas ng tula ay may sarili siyang paraan na sinasabing tatak Collantes.


Ang kanyang mga tulang nasulat ay inuri sa tatlo -tulang liriko, tulang pasalaysay at
tulang pambalagtasan. Higit na kinilala ang kanyang kahusayan sa pagsulat ng mga
tulang pasalaysay. Halimbawa ng kanyang mga tulang liriko ay Ang Magsasaka,
Pangaral sa Bagong Kasal, Patumpik-tumpik; sa tulang pasalaysay naman ay Lumang
Simbahan at Ang Tulisan; sa pambalagtasan naman ay ang Balugbugan, Aguinaldo vs.
Quezon, isang tulang pantuligsa sa larangan ng politika. Ang mga tula ni Collantes ay
halos tungkol sa tao kaya karaniwan at madaling unawain.

C. SANGGUNIAN
https://tl.wikipedia.org/wiki/Florentino_Collantes
https://www.facebook.com/MAKATAPAT/posts/pahabol-sa-undasang-lumang-
simbahanni-florentino-t-collantesisa-

II. BUOD NG KATHA

Ipapahayag ng tulang ito ang wagas na pag mamahalan ng dalawang magkasintahan.


Sa isang abandonadong lumang simbahan, sa isang maliit na bayan na kung saan ito’y
nalimot na ng kapanahunan. Ang itsura nito’y waring libinagan dahil sa mga damong
dito’y gumagapang. Sa bandang silangan ng simbahan matatagpuan kampanang basag na
nagmula pa sa kapanahunan ng mga kastila. Ang sabi, nabasag raw ito sa kapanahunan
ng digmaan, bumagsak sa lupa kaya ito’y nabasag ito’y paniniwala ng mga matatanda.
Doon daw sa lumang simbahan ay may nakatagong isang matanda na sa tuwing gabi
lamang namamalas.

Kinatatakutan ito ng mramin dahil sa tuwing sisilip sila ay wala naming matanda.
Lumaki pa ang balita sa taong bayan kaya ang lumang simbahan wala ng naglakas loob
na pumasok dito at nang isang gabing payapa mayhinaing na nanggagaling sa lumang
simbahan na parng tanghoy ng isang may lubhang sakit ngunit isang gabi may isang
taong nagtapang-tapangan at mag isang pumasok sa lumang simbahan. hindi pa nga ito
nagtatagal sa loob ay dali dali itong lumabas at ang sabi niya’y mayroon siyang nakitang
multo na puti ang suot at binaril niya ngunit di ito natablan. Sa ganoong pangyayari ay
lalong pumutok sa taong bayan ang nakagigimbal na balita tungkol sa lumang simbahan.
Ngunit nabago ito dahil sa natuklasan ng magkasintahan at sa pamamagitan na iyon ay
binago nila ang lumang simbahan gayon inalis ang takot sa mga taong bayan.
III. PAGSUSURI

A. PAGPAPALIWANAG NG SAKNONG

Sa unang saknong inilalarawan dito ang itsura


Sa isang maliit at ulilang bayan, at kung saan matatagpuan ang lumang
Pinagtampuhan na ng kaligayahan, simbahan. Pinatunayan ito ng salitang naka-
Ay may isang munti at lumang simbahang bold sa paglalarawan. Kung iisipin sa
Balot na ng lumot ng kapanahunan;
paglalarawang ito matutukoy na walang taong
Sa gawing kaliwa, may lupang tiwangwang
pumupunta dahil sa natabunan na ito ng
Ginubat ng damo't makahiyang-parang,
panahon.
Sa dami ng kurus doong nagbabantay
Makikilala mong yaon ay libingan.
Sa ikalawang saknong inilalarawan dito ang
Sa gawing silangan ng simbahang luma, pinagdaanan ng basag na kamapana
May isang simboryong hagdanan ma'y pinatunayan ito dahil ng salitang naka-bold
wala, kung ang panahon ng kastila. Alam natin ang
Dito ibinitin yata ng tadhana panagon ng kastila ang panahon kung saan ito
Ang isang malaki't basag na kampana; ang pinaka mahabang nasakop ang Pilipinas.
Ito raw'y nabasag anang matatanda, Idinitalye dito ang dahilan ng pagkakabasag ng
Noong panahon pa ng mga Kastila, kampana.
Nang ito'y tugtugin dahilan sa digma,
Sa lakas ng tugtog bumagsak sa lupa
Sa lumang simbaha't sa kampanang basag,
Ay may natatagong matandang alamat,
May isang matanda akong nakausap,
Sa ikatlong saknong isinalaysay rito ng may
Na sa lihim niyo'y siyang nagsiwalat;
akda kung bakit
Ang Lumang kitatakutan
Simbaha'y anglahat,
nilimot ng lumang
simbahan ng huling taludtod
Pinagkatakutan, kay daming nasindak,na nagging
dahilan kung gabi
Umano,kung bakit walang
ay may nagtatangkang
namamalas,
pumasok
Na isangroon dahil sadoo'y
matandang nakakasindak
naglalakadnitong
kwento.

Sa ika-apat na saknong inilantad ng may akda


Ang suot ay puti may apoy sa bibig,
ang pag-iisip sa matandang lalaki kung bakit sa
Sa buong magdamag ay di matahimik,
gabi lamang ito nagpapakita at ang lumang
Ngunit ang hiwagang di sukat malirip, simbahan sa gabi lamang nakakasindak.
Kung bakit sa gabi lamang na mamasid? Pinatunayan ito ng mga naka bold tanong na
Kung araw, ang tao, kahit magsaliksik nagbigay sa kanila ng matinding pag-iisip.
Ang matandang ito’y hindi raw masilip.
Ngunit pagdilim na't ang gabi'y masungit,
Ano't ang simbahan ay lumalangitngit?
Dahil sa kasindak sindak na kwento
Magmula na noo'y pinagkatakutan,
pinatunayan sa saknong na ito sa una at
Ayaw nang pasukin ang Lumang Simbahan;
ikalawang taludtod na walang sinuman ang
Saka ang isa pang sa baya'y gumimbal, nais pasukin ang lugar. Inilahad rin sa naka
Ang kampanang basag na bahaw na bahaw, bold na salita sa lima at ika-anim na taludtod
Kung ano't tumunog sa madaling araw, ang ibang dahilan bumalot sa lumang
At ang tinutugtog agunyas ng patay; simbahan tuwing gabi.
Saka nang dumating ang kinabukasan,
May puntod ng libing sa harap ng altar.
Dahilan nga ng kwento-kwento na nagpasalin-
Lumaki ang ahas sa mga balita'y salin pinatunayan sa saknong na ito na walang
Lalong di pinasok ang Simbahang Luma, ni isa ang naglakas ng loob pumasok lumang
Kung kaya ang hindi makurong hiwaga'y simbahan at tunay na nga na iba ang
Nagkasalin-salin sa maraming dila, impluwensya ng kwento sa tenga at kaisipan
Hanggang may nagsabing sa gabing payapa, ng mga tao.
May mga hinaing doon nagmumula,
Tagho’y ng maysakit na napaka-lubha.
Himutok ng isang papanaw sa lupa
Ngunit isang gabi ay may nagmatapang, Sa saknong na ito isinalaysay ng may akda ang
Mag-isang pumasok sa lumang Simbahan; larawan ng isang taong pumasok mag-isa sa
Datapwa't hindi pa siya nagtatagal, lumang simbahan na malamang ay takot na
Karimot ng takbong nagbalik sa bahay, takot sa mga nakita, na pinatunayan ang kwento
Saka namalitang nagkakandahingal: kwento mula sa mga katagang naka- bold ay
"Ako po'y mayroong multong natagpuan, totoo.
Ang suot ay puti at nakabalabal,
Gayong binaril ko'y ano't di tinablan."

Sa saknong na ito idinetalye ang epekto ng Lalo nang nag-ugat sa bayan ang lagim;
kababalgahang bumabalot sa lumang simbahan Ang Lumang Simbaha'y ayaw nang pasukin;
sa mga tao at sa bayan. Inilarawan sa iaktlo at Taong naglalakad sa gabing madilim,
ika-apat na talutod ang takot na nararamdaman Ni ayaw lumapit, ni ayaw tumingin.
ng mga tao sa lumang simbahan. Pati nang naroong sakdal gandang Birhen,
Wala ni sinumang pusong manalangin.
Kaya't sa simbaha'y wala nang pumansin
Tulad ng ulila't tiwangwang na libing.
Ngunit isang gabing kadilima'y sakdal,
Ang simbahang Luma'y ano't nagkailaw
May isang binata't isang paraluman Isinalaysay dito ng may akda ang dalawang
magkasintahan na hanggang sa dulo ng
Na nangakaluhod sa harap ng altar.
Ang dalawang ito ay magkasintahang
Sa galit ng ama ay ayaw ipakasal,
Kaya't ang dalawa'y dito nagtipanang
Sa harap ng Birhen ay magpatiwakal.
kanilang buhay ay sila’y magkasama, pinatunayan ito ng ika-pito at huling saknong kung paano
at saan sila natagpuang walang buhay.

Ang ama raw nitong magandang dalaga, Sa saknong na ito binigyang detalye kung
Kung sa kayamana'y walang pangalawa. bakit nagpatiwakal ang magkasintahan.
Ang binata nama'y isang magsasaka, Mababasa sa ika-anim na talutod na anumang
Mahirap, kung kaya aayaw ng ama. yaman sa mundo ay hindi mahalaga, hindi
Ngunit sa babaing tapat ang pagsinta, nito mapapantayan ang tunay na pag-ibig
Ang yaman sa mundo ay walang halaga, dahil ang kayamanan ay tunay na
nakakasilaw, lalo’t na ang mahihirap sila’y
Kaya't nagkasundong magpatiwakal na,
kinakahiya.
Sa langit pakasal, doon na magsama.

Sa saknong na ito isinalaysay ng may akda ang


Sa harap ng birhen ang magkasing-liyag,
tagos na pagmamahalan ng magkasintahan, ang
Ay nagsisidaling luha'y nalalaglag;
emosyon at pag-iibigan ang nangingibabaw sa
Matapos ang dasal, dalawa'y
mga sandaling iyon. Sa huling taludtod
nagkayakap,
mararamdaman na ang pagmamahalan nila’y
Sa pagmamahala'y parang pahimakas. tutol man sa lupa ngunit sa itaas ay hindi na.
Dalawang sandatang kapwa kumikislap
Ang sa dibdib nila'y kapwa itatarak;
Yayamang sa lupa'y api ang mahirap, Inilahad rito ang pag plano ng magkasintahan
Ngunit ang
Sa langit nabinata ay may naisipan,
sila magiisang palad. bago nila ituloy ang pagpapatiwakal. Sa ikatlo
Bago nagkasundong dibdib ay tarakan, hanggang limang taludtod naisaad kung paano at
Ay humukay muna sa harap ng altar, saan nila nais mamatay ng magkasama.
Saka sa gagawing malalim na hukay,
Ay doon na sila magsamang mamatay;
Kung mamatay silang wala sa libingan,
Baka kung ibaon ay magkahiwalay.

Humanap ng palang panghukay sa lupa,


Itong sawing-palad na aping binata;
Habang
Sa humuhukay
saknong ang kaawa-awa,
na ito isinalaysay ng may akda
Sa habag sa sinta'y nanatak ang luha. ngunit
ang paghahanda ng kanilang lilibingan
Ngunit ano
mababasa naito?
sa Kaylaking hiwaga! napili ay
lugar na kanilang
Ang nadukal-dukal
mayroong nakabaong mgasalapi
gusing luma,
na mula sa
kanilang bagsak
Saka nang iahon,naoh!
luha ay pagkahiwaga
Laking himala! ang
mararamdaman.
Puno sa salapi at gintong Kastila!

Ang magkasinggiliw ay nagitlahanan,


At nalimot tuloy ang magpatiwakal;
Ang mutyang dalaga ang siyang nagbilang.
Oh, daming salapi! laking kayamanan,
Libo’t laksa-laksa itong natagpuan,
Mararamdaman rito ang naghalu-halong emosyong ng magkasintahan kung saan nalimutan ang
kanilang plano mapapatunayan ito sa ikalwang taludtod. Sa huling saknong mababasa na sa
panginoong pa rin ipinapaubaya ang lahat.

Sa saknong na ito mararamdaman ang galak sa


At sila’y umuwi pasan ng binata,
magkasintahan ganun din ang nais na
Nagkakayang-uyad sa malaking tuwa … pagbabago. Inilahad rin ang pagbabahagi ng
Ang Lumang Simabahan ay ipinagawa, magkasintahan sa kanilang nakitang salapi,
At ipinabuo ang kampanang sira; mapapatunayan ito sa pamamagitan ng
At saka nagdaos ng pistang dakila, pagpapa-ayos ng lumang simbahan at ng sirang
Tugtog ng musiko’y sampung araw yata; kampana.
Inalis ang takot sa puso ng madla,
Ang inihalili’y sayang di-kawasa
Isinalaysay rito ang nagging pagbabago sa
Sa ginawang
bayan, sa mgabagotao naat Lumang Simabahan, ang
ng magkasintahan,
Ang magkasing
dating nabalot sa ito takot
ang unang nakasal;
ngayon ay puno ng
Nang sila’y lumuhod sa harap ng altar,
kulay. Idinitalye rin kung bakit mayroong
nakatagong
Ang lahat ng salapi sa nagsipagdiwang;
tao ay lumang simbahan.
Dito na nabatid ng takot na bayan,
Ang simbahan pala ay pinagtaguan,
Ng isang matandang puno ng Tulisan,
Na may ibinaon doong kayamanan
Ngayo’y di na takot kundi saya’t tuwa, Mula sa mga katagang nak-bold
mapapatunayan na walang imposible sa
Ang madudulang mo sa Simabahang luma,
panginoon. Ang mga desisyon na dapat
At sa Birhen doong kay-amo ng mukha, Oh!
nating gawin dapat isangguni sa kanya dahil
Kayrami ngayong nagmamakaawa.
sya lamang ang nakaka-alam kung ito ba ay
Ito’y katunayan: Na ano mang gawa, tama o mali.
Dapat isangguni muna kay Bathala,
Sa awa ng Diyos nagtatamong pala.

B. URING PAMPANITIKAN
Ang akdang “Ang Lumang Simbahan” ay sinulat sa anyong tulang pasalaysay ito ay nag lalaman
ng bakas ng kolonyalismo sa ating bansa mababasa rin nating sa akda ang impluwensyang
naiwan ng mga banyaga na kalaunan ay naging parte nan g pamumuhay ng mga Pilipino.
Inilalahad din dito ang mahahalagang tagpo sa buhay ng tao tulad ng pag-ibig, pagkabigo at
tagumpay mula sa kahirapan.
C. ISTILO NG PAGLALAHAD

Ang istilo ng paglalahad sa lumang simbahan ay nagbibigay ng katuturan sa mambabasa


sapagkat nagbibigay ito ng linaw sa pagpapahalaga sa isang bagay o tao at pangyayari gaya ng
lumang simbahan na bingyang halaga matapos malaman ang kasaysayan nito at pinagdaanan nito
sa nakaraang panahon. Makikita din sa isitilo unti-unting pagbabago ng kwento mula sa
pagkabigo hanggang sa tumungo sa tagumpay at magandang pagtatapos.

D. PAGSUSURING NABABATAY SA PANLIPUNANG SULIRANIN

“Nagkasalin-salin sa maraming dila”


(5 saknong, 4 na taludtod)
Bahagi ng kultura ng Pilipinas gayon din ng lipunan ang saling dila ditto makikita ang tibay ng
kultura ng isang istrorya at ng tao. Kadalasan ang pagsasalin-salin ng kwento sa maraming dila
ay nagbibigay din ng negatibong epekto, maaaring ang kwento ay hindi na totoo o di kaya naman
ay gagawa na lamang ng sinuman gaya na lamang ng nangyari sa akda ng lumang simbahan,
kinagisnan ito mula sa salin-salin na kwento.
“Kung sa kayamana'y walang pangalawa.
Ang binata nama'y isang magsasaka,
Mahirap, kung kaya aayaw ng ama.”
(11 na saknong, 2-4 na taludtod)

Ang salapi o kayamanan ay tunay na nakakasilaw sa mata ni kaligayahan ng tao ay nakukuha.


Nagging bahagi ito ng panlipunang suliranin sapagkat nakatanim na sa ating isipan na ang
mayaman ay para lang sa mahirap at ang mahirap ay mananatiling mahirap. Mababasa sa mga
taludtod na ang tao ay nagiging sakim dahil sa kayamanan at ang estado sa buhay ng mahihirap
ay natatapakan.

“Kayrami ngayong nagmamakaawa.


Ito’y katunayan: Na ano mang gawa,
Dapat isangguni muna kay Bathala,
Sa awa ng Diyos nagtatamong pala.”
(17 na saknong, 4-7 na taludtod)

Ang gawi ng tao kung kailan may kailangan saka lamang lumalapit sa panginoon at ang mga
agam-agam ay isasangguni. Sa mga kilos ay hindi iniisip kung ano ang maaari nitong epekto sa
kapwa, kaya naman anumang gawin alam ng tao na ang panginoon ay nariyan ngunit dapat hindi
sa oras lamang tayo sumasangguni ngunit maging sa importanteng bagay ay nariyan tayo upang
magpasalamat.
E. TAYUTAY
1. Pagtutulad
“Tulad ng ulila't tiwangwang na libing.”
(hango sa ikawalong saknong, ikawalong linya)

-na ang ibig sabihin ay napabayaan/pinabayaan na

2. Personipikasyon

“Pinagtampuhan na ng kaligayahan”
(hango sa unang saknong ikalawang linya)

-na ang ibigsabihin ay wala ng buhay o sigla, malungkot at kahabaghabag ang


katayuan.

3. Pasintunog

“ang kampanang basag na bahaw na bahaw


kung ano’t tumunog sa madaling araw.
at ang tinugtog agunyas ng patay”
(hango sa ikalimang saknong apat-anim na taludtod)

-gumagamit ito ng mga salitang kung ano ang gamit o tunog ay siyang kahulugan.

F. SARILING REAKSYON
1. Tauhan
Sa tulang ito gumamit ang Awtor ng mga piling tauhang gagampanan ang
kabuuhan ng tula. Ang pangunahing tauhan ay ang magkasintahang Babae (umiibig sa
isang magsasaka) at Lalaking iniibig ng babae, mayroon ding isang Matandang
nagmumulto sa Lumang simbahan at ang panghuling tauhan ay ang mga taong
naninirahan sa baying iyon na pinangingilagan ang lumang simbahan.

2. Istilo ng Awtor
a. Tugma
Gumamit ang may akda ng tugmaang patinig at katinig na makikita sa hulihan ng
bawat linya ng bawat saknong, Napansin namin ang pananatili patinig na “a” sa ilang
saknong ng tula at pagkaka-iba-iba naman ng mga katinig sa iilan ring saknong na
nagpapaindayong sa ganda ng tugmaang makikita sa tula .

(hango sa ikalawang saknong (nagpapakita ng patinig na tugmaan) at


ikatlong saknong ng tula (nagpapakita ng katinig na tugmaan

Sa gawing silangan ng simbahang luma,


May isang simboryong hagdanan ma'y wala,
Dito ibinitin yata ng tadhana
Ang isang malaki't basag na kampana;
Ito raw'y nabasag anang matatanda,
Noong panahon pa ng mga Kastila,
Nang ito'y tugtugin dahilan sa digma,
Sa lakas ng tugtog bumagsak sa lupa.

Sa lumang simbaha't sa kampanang basag,


Ay may natatagong matandang alamat,
May isang matanda akong nakausap,
Na sa lihim niyo'y siyang nagsiwalat;
Ang Lumang Simbaha'y nilimot ng lahat,
Pinagkatakutan, kay daming nasindak,
Umano, kung gabi ay may namamalas,
b. Sukat Na isang matandang doo'y naglalakad.

Sa ilang ulit na pagbibilang ng sukat nitong tula, nagkaisa kaming nasa


lalabindalawahing sukat ang bawat saknong nito mula sa umpisa hanggang sa kawakasan
nito. Lubha nakamamangha ang bilang ng mga pantig na ginamit, sapagkat lalo nitong
pinagaganda ang tugma ng bawat linya higit pa roon ay sadyang lumabas ang
pagkamalikhain ng may akda sa magsisiwalat ng mga nais niyang sabihin sa limitadong
bilang ng salita.

(hango sa una at hulihang saknong ng tula na siyang nagpapatunay na may iisang sukat ang
tualang ito)

I.
Sa/ i/sang/ ma/li/it/ at/ u/li/lang/ ba/yan,
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Pi/nag/tam/pu/han/ na/ ng/ ka/li/ga/ya/han,
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Ay/ may/ i/sang/ mun/ti /at/ lu/mang/ sim/ba/hang
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Ba/lot/ na/ ng/ lu/mot/ ng/ ka/pa/na/hu/nan;
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Sa/ ga/wing/ ka/li/wa/, may/ lu/pang/ ti/wang/wang
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
3. Galaw ng Pangyayari
Sadyang pilingpili ang mga salitang ialalapat sa bawat ltaludtud ng tulang ito.
Nakamamangha ang kariktan ng tulang ito bagaman ay may kahabaan. Ginawa namang
makatawag pansin ang pagsasalaysay ng awtor. Ito ay madaling maintindihan ng mga
mambabasa, kahit paman may kalaliman ang ibang mga salitang ginamit sa akda.Ito ay
hindi naging hadlang upang madaling maunawaan at tangkilikin ng mga mambabasa.
Ang akdang ito ay hindi lamang naka sentro sa isang paksa na isa sa mga naging dahilan
ng pag kakaiba nito sa ibang mga akdang patula.
Sa simula ay inilarawan ng Awtor ang sinasabing “Lumang Simbahan” sa wangis
nito at sa iilang dahilan sa pagkakaabanduna, gayundin ang papel na ginagampanan ng
Lumang Simbahan sa tula, sa iilang saknong sa kalagitnaan ay may namuong mga haka
haka tungkol rito, ang mga kababalaghang nasaksihan ng iilang sumubok na pasukin ang
lumang simbahan. Bago pa man sa katapusan ng tula ay ibinahagi ang kwento ng
dalawang magkasintahan sa kalagitnaan ng kariktan ng mga taludturan. Sa huli pag-ibig
ang siyang namutawi sa puso’t isipan ng lahat maging sa mga taong walang pananalig.
G. PAGLALAPAT NG TEORYA
Ang akdang ito ay nag tataglay ng mga kaisipang hango sa mga totong pangyayari sa
tunay na buhay na nakapaloob sa Teoryang Realismo. Kung saan itinalakay ng may akda ang
katatagan ng dalawang mag kasintahan na ipaglaban ang kanilang pag mamahalan kahit tutol pa
man ang marami sa kanilang pag iibigan at ang kanilang matibay na pananalig Inang Berhen
Maria. Itinalakay rin ng may akda ang mga katatakutan di umano’y ng yayari sa naturang
simbahan.
Ito rin ay karaniwang sumasalamin sa katayuan ng maraming nagmamahlan sa
kasalukuyang panahon. Ang tulang ito ay nagpapakita ng wagas na pag-iibigan ng dalawang
magkasintahan.
H. BISANG PAMPANITIKAN
1. Bisa sa Isipan
Kakintalan sa isipan ang laging layunin ng Awtor para sa kanilang mambabasa.
Sadyang wagas na pag-ibig ang siyang magtatagumpay sa huli, gayun rin ang taimtim na
paniniwala’t pananampalataya. Itinatak sa isipan naming kung gaano kahalaga ang pagiging
(hango
matatag sa lahat ng sa ikalabing-apat,
pagsubok at lumabanlabinglima
sa paraang at ikalabing-anim
nararapat at naayon na saknong,
sa nais ng nasanaitaas.
sadyang kikintal sa isispan ng sinuman.)
XIV
Ang magkasinggiliw ay nagitlahanan,
At nalimot tuloy ang magpatiwakal;
Ang mutyang dalaga ang siyang nagbilang.
Oh, daming salapi! laking kayamanan,
Libo’t laksa-laksa itong natagpuan,
Kaya’t sa malaki nilang kagalakan,
Lumuhod sa Birhen at nagsipagdasal.
XV
At sila’y umuwi pasan ng binata,
Nagkakayang-uyad sa malaking tuwa …
Ang Lumang Simabahan ay ipinagawa,
At ipinabuo ang kampanang sira;
At saka nagdaos ng pistang dakila,
Tugtog ng musiko’y sampung araw yata;
Inalis ang takot sa puso ng madla,
Ang inihalili’y sayang di-kawasa.
XVI
Sa ginawang bago na Lumang Simabahan,
Ang magkasing ito ang unang nakasal;
Nang sila’y lumuhod sa harap ng altar,
Ang lahat ng tao ay nagsipagdiwang;
Dito na nabatid ng takot na bayan,
Ang simbahan pala ay pinagtaguan,
Ng isang matandang puno ng Tulisan,
Na may ibinaon doong kayamanan.
2. Bisa sa Damdamin
Ang tulang ito ang nagpadama sa amin ng natatanging paghanga sa mga tauhan,
damang dama naming ang pagnanais nila sa isat-isa, ang pilit na pagngiti ng sugatang pusong
pilit nalumalaban at ang kasiyahang namutawi matapos ang unos. Gayundin ang takot, sa
paglalarawan sa kababalaghan ng simbahan, at takot para sa dalawang may wagas na pag-ibig na
mabigo ngunit sadyang nakamamangha ang talinhagang hatid ng tula. Napagtanto naming kung
tunay at dalisay ang pag-ibig sa isa’t isa ay walang balakid na makahahadlang.

(hango sa ilang saknong na sadyang nakakabagbagdamdamin)

X
IX
Ang ama isang
Ngunit raw nitong
gabing magandang dalaga,
kadilima'y sakdal,
Ang simbahang Luma'y ano't nagkailaw
Kung sa kayamana'y walang pangalawa.
May
Ang isang nama'y
binata binata't isang
isangparaluman
magsasaka,
Mahirap, kung kaya aayawngngaltar.
Na nangakaluhod sa harap ama.
Ang dalawang ito ay magkasintahang
Ngunit sa babaing tapat ang pagsinta,
Sa galit ng ama ay ayaw ipakasal,
Ang yaman sa mundo ay walang halaga,
Kaya't ang dalawa'y dito nagtipanang
Kaya't nagkasundong
Sa harap ng Birhen aymagpatiwakal
magpatiwakal.na,
Sa langit pakasal, doon na magsama.
XI
Sa harap ng birhen ang magkasing-liyag,
Ay nagsisidaling luha'y nalalaglag;
Matapos ang dasal, dalawa'y nagkayakap,
Sa pagmamahala'y parang pahimakas.
Dalawang sandatang kapwa kumikislap
Ang sa dibdib nila'y kapwa itatarak;
Yayamang sa lupa'y api ang mahirap,
Sa langit na sila magiisang palad.
XIV
Ang magkasinggiliw ay nagitlahanan,
At nalimot tuloy ang magpatiwakal;
Ang mutyang dalaga ang siyang nagbilang.
Oh, daming salapi! laking kayamanan,
Libo’t laksa-laksa itong natagpuan,
Kaya’t sa malaki nilang kagalakan,
Lumuhod sa Birhen at nagsipagdasal.

3. Bisa sa Kaasalan
Tago man ang mensahing manalig tayo at magtiwala sa Diyos Ama. Sa ating
pagiging tagasunod niya patuloy lamang tayong maniwala’t maging mabuting tao di lamang sa
sarili’t kakilala kundi maging sa lahat. Maging patas sa lahat ng oras. Ang tula ring ito’y
tinuturuan tayong lumaban at makipagsapalaran sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Sa
madaling sabi gawin moa ng lahat ng kayang gawin sa mabuting paraan at ang Diyos na ang
bahala sa pagpapala.

REPUBLIKANG
BASAHAN
NI: TEODORO AGONCILLO
Republikang Basahan
Teodoro Agoncillo

Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?


Ang tingin sa tanikala'y busilak ng kalayaan?

Kasarinlan baga itong ang bibig mo'y nakasusi,


Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?

Ang buhay mo'y walang patid na hibla ng pagtataksil


Sa sarili, lipi't angkan, sa bayan mong dumaraing!

Kalayaan! Republika! Ang bayani'y dinudusta.


Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba!

Kasarinlan pala itong ni hindi mo masarili


Ang dangal ng tahanan mong ibo't pugad ng pagkasi.

Malaya ka, bakit hindi? Sa bitaya'n ikaw'y manhik,


At magbigting mahinahon sa sarili na ring lubid!

Kalayaan - ito pala'y mayron na ring tinutubo


Sa puhunang dila't laway, at hindi sa luha't dugo!

Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap,


Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.

Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may kalansing,


Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing!

Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin,


Subalit ang iniisip ay huwag mong bibigkasin!

Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay,


Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung mamatay.

Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika,


Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi't gawa.

Republika na nga itong ang sa inyo'y hindi iyo,


Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!

Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi?


Sa patak ng iyong luha'y malaya kang mamighati!

Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok,


Palipasin mo ang sukal ng loob mong kumikirot.

Kasarinlan! Republika! Kayo baga'y nauulol,


Sa ang inyong kalayaa'y tabla na rin ng kabaong?

Repblika! Kasarinlan! Mandi'y hindi nadarama,


Ang paglaya'y sa matapang at sa kanyon bumubuga!

Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng Kalayaan


Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng libingan!

Ang paglaya'y nakukuha sa tulis ng isang sibat,


Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapwa tabak.

Ang paglaya'y isang tining ng nagsamang dugo't luha,


Sa saro ng kagitinga'y bayani lang ang tutungga.

Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay habulin,


Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim!
I. A. PAMAGAT
 Republikang Basahan

B. AKDA
 Teodoro Agoncillo

Si Teodoro A. Agoncillo (1912 – 1985) ay isang Pilipinong historyador at manunulat na kilala sa


kanyang mga mahahalagang kontribusyon sa pagsulat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nakapagsulat siya ng mahigit na 20 aklat at mga artikulo ukol dito. Nagsulat din siya ng mga
tula at sanaysay na naglalaman ng mga nasyonalistang pananaw sa kasaysayan. Siya ay
tinuturing bilang “Ama ng makabansang pananaw sa pagsulat ng kasaysayan”.
Kabilang sa ilang mga akademikog nakakamit ng antas sa pagiging isang propesor ng
unibersidad, isang pang-akademikong antas na ibinibigay lamang sa mga mahuhusay na kasapi
ng kagawaran na may labis na kaalaman sa higit sa isa sa mga tradisyunal na aspektong
akademiya (Agham at Teknolohiya; Agham Panlipunan; at Sining at Humanidadidad) sa
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Nagawaran din siya ng Doctors of Letters, Honoris Causa ng
Pamantasan ng Gitnang Pilipinas, taong 1969.
Siya ay hinirang bilang isa sa "Ten Outstanding Young Men (TOYM)", ng Junior Chamber of
the Philippines noong 1963 at bilang "Distinguished Scholar of the University of the Philippines"
noong 1968. Nagkamit si Teodoro Agoncillo ng iba pang mga parangal tulad ng Republic
Cultural Award (1967), UNESCO Prize for Best Essay (1969), at ang Diwa ng Lahi (1982)—ang
pinakamataas na parangal na iginagawad ng Lungsod Maynila. Tinanghal siyang Pambansang
Alagad ng Agham ng Pilipinas noong 1985 para sa kanyang kilalang mga kontribusyon sa
larangan ng kasaysayan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ilang buwan matapos ang
kanyang pagpanaw

C SANGGUNIAN
https://tl.wikipedia.org/wiki/Teodoro_Agoncillo
https://www.scribd.com/document/419452895/REPUBLIKANG-BASAHAN
II. BUOD
Ang akda ay patungkol sa pang-aalipin sa atin ng mga dayuhang sumakop sa sa bansang atin.
Sila'y walang pusong umapi at pinigil ang ating bayan na tumikim ng kaonting kalayaan. Para
tayong nasa kandungan ng isang bayan ubod na tinik at ang tinik na iyon ang unti-unting
gupagapos sa ating pagkatao hanggang sa hindi mo na matutunang manlaban o makawala dahil
masasaktan ka lamang. lisa lamang ang nais iparating sa atin ng tulang ito iyon ay ang matinding
hinagpis at pagnanais natin na maging malaya mula sa mga dayuhan. Subalit paano ito
pasisimulan kung walang sino man ang gustong kumampi o maglakas ng loob ang halos ang
lahat ng tao'y tikom ang bibig at may takot. Sa ibang aspekto ng buhay ay may karapatan at
kalayaan kang lumuha, iluha ang lahat na iyong pasakit at mga bagay na hindi makakamit, iyon
lamang ang kalayaan natin noon ang tumangis.

III. PAGSUSURI

A. PAGPAPALIWANG NG BAWAT SAKNONG


Sa unang saknong inihahayag ng may akda
Republika baga itong busabos ka ng rito ang suliranin sa kamay ng mananakop,
dayuhan? ang kanyang pagtataka at pagtatanong sa
Ang tingin sa tanikala'y busilak ng sitwasyong kinakaharap kasabay nito ang
kalayaan? pagkagalit sa mga kaganapan sa mga
sandaling iyon.
Inilarawan rito ng may akda ang ang walang
Kasarinlan baga itong ang bibig mo'y kakayahang makasalita dahil sa kontrolado
nakasusi, at hawak ng dayuhan ang bibig ng nais
magsalita. Gayun din ang mga mata ng naapi
Ang mata mong nakadilat ay bulag na di na walang naiintindihan.
mawari?

Ang buhay mo'y walang patid na hibla ng


Sa pagtataksil
ikatlong saknong nabanggit ng maykda ang
salitang pagtataksil
Sa sarili, lipi't naangkan,
Malaki ang
sa epekto
bayan samong
buhay
ng dumaraing!
tao gaya sa akda na sila’y na sariling bayan
ngunit pinagtaksilan sila dulot ng kaganapan.
Sa
Kalayaan! Republika! Ang bayani'y ika-apat na saknong inihahayag sa tula ang
dinudusta. pagnanais na kalayaan. Ang maling pagdanas
Kalayaan pala itong mamatay nang abang- ng kalayaan at ang pagpasakit sa bayani.
aba!
Sa saknong na ito ang naka-bold na taludtod ay
inilalahad na makamit man ang kasarinlan
Kasarinlan pala itong ni hindi mo masarili nariyan pa ring hawak ng dayuhan ang kilos at
Ang dangal ng tahanan mong ibo't pugad ng pag-iisip ng inaapi.
pagkasi.

Sa saknong na ito inihahayag ng may akda na


ang bitay ang maghahatid ng kalayaan ang Malaya ka, bakit hindi? Sa bitayan ikaw'y
sariling lubid na nagbabadya ng iyong buhay. manhik,
At magbigting mahinahon sa sarili na ring
lubid!

Sa saknong na ito, binanggit ng may akda sa


mga naka bold na pahayag na kalayaan ay
Kalayaan - ito pala'y mayron na ring
umuusbong ito ay sa dila’t laway na laging
tinutubo
isinisigaw at boses ng pagnanais ngunit hindi sa
Sa puhunang dila't laway, at hindi sa luha’t dugo na marahila ng ibig sabihin ay
luha't dugo! karahasan at kalungkutan.

Sa saknong na ito ayon san aka bold na


taludtod inihahayag na sa panaginip lamang Humimbing kang mapayapa, mabuhay
mararansan ang kalayaang ninanais ngunit sa kang nangangarap,
pag-aasam na iyon binabaliw lamang ang Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa
sarili. magdamag.

Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may Sa saknong na ito inilalarawan ng may akda ang
kalansing, isang tao na marahil ay bahagi ng katwan niya
ang kadena at ang paglalarawan nito sa
Na sa taynga ng busabos ay musikang kalansing ng kadena kung saan ay malimbing.
naglalambing!

Inihahayag ng may akda sa naka bold na


Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay tauldtod na limutin ang nagdaan o lumipas
taglayin, marahil tinutukoy nito ang nararansang hirap sa

Subalit ang iniisip ay huwag mong


bibigkasin!
kamay ng mga dayuhan at ang sarili ay angkinin, ang saraili lamng ang nagmamay-ari sa sarili
wala nang sinuman.

Inilalarawan ng mak akda ang kahihinantnan ng


Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at tauhan sa hinaharap pagkat ang dalawang
paghukay, saknong na ito ang patunay na hinahanda na
ang sarili na ang paghihirap na nararansan ay
Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung hanggang kamatayan.
mamatay.

Purihin mo ang bayaning may dalisay na


adhika,
Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi't
gawa.

Inihahayag ng may akda sa saknong na ito na dapat ay kilalanin ang mga bayaning mayroong
hangarin sapagkat tama na pinupuri natin ang ang mga bayaning pinipiling tulungan ang kapwa
niya mamamayan.

Sa saknong na ito, inilalahad ang baliktad na


pangyayari ng tauhan sa tula pinatunayan ito
Republika na nga itong ang sa inyo'y hindi
ng naka bold na taludtod na ang taong inaapi sa
iyo,
kanyang sariling bayan ay walang karapatan at
Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan ang mga dayuhan ang nagmamay-ari ng bayan.
mo!
Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit
hindi?
Sa patak ng iyong luha'y malaya kang
mamighati!

Dito sa saknong na ito, maiging inuudyok ang kalayaan ngunit sa malungkot na paraan dahil sa
makikita sa mga luha ang pammimighati.
Sa saknong na ito isinasalaysay ng may akda
Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga ang mga sandali na nakadarama ng sama ng
bundok, loob ay hayaang himiwalay mo na sa katawan at
isip at haying liparin ion g hangin.
Palipasin mo ang sukal ng loob mong
kumikirot.

Kasarinlan! Republika! Kayo baga'y


nauulol, Sa saknong na ito, kapansin- pansin
pagkagulumihanan ng may akda sa salitang
Sa ang inyong kalayaa'y tabla na rin ng naka bold nawawaring ito’y nagiging hangal
kabaong? sapagkat di mawari kung sa kanila’y ibibigay
ang kalyaan o hindi.

Saknong na ito inihahayag na ang kalayaan ay


Repblika! Kasarinlan! Mandi'y hindi hindi nila makuha, ang pagnanais na makalaya
nadarama, sa matapang na dayuhan at lakas ng kanyon.

Ang paglaya'y sa matapang at sa kanyon


bumubuga!

Sa saknong na ito ipinapaliwanag na sa bawat


Bawat hakbang na gawin mo sa Templo ng subok mong hangrin na makuha ang kalayaan
Kalayaan ay parang inilalapit mo ang iyong sarili sa
hukay
Ay hakbang na papalapit sa bunganga ng
libingan!

Ang paglaya'y nakukuha sa tulis ng


Sa saknong na ito, inihahayag ng may akda na
isang sibat,
ang pagnanais makuha ang kalayaan ay
makakamtan
Ang tabak kung
ay ika’y gagamitsangpingki
tumatalim pataliim
ng at
karahasan lamang
kapwa tabak. tanging maging daan sa
kalayaan.

Ang paglaya'y isang tining ng nagsamang Sa saknong na ito, ang kalayaan ay pasakit at
dugo't luha, paghihirap, ang dugo naghahayag ng
karahasan at luha na naghahayag ng
Sa saro ng kagitinga'y bayani lang ang kalungkutan.
tutungga.
Ang huling saknong ay naglalahad ng
Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay isang hindi natatapos na pagtahak sa
habulin, kalayaaan sa salitang naka bold
Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng sinasabi nito na huwag huminto,
patalim! habulin hanggang sa makuha ito.

B. URING PAMPANITIKAN
Ang akdang “Republikang Basahan” ay sinulat sa anyong tulang pandamdamin sapagkat ito ay
nagtataglay ng karanasan, kaisipan at parangarap. Sa akdang ito matutunghayan ang mga
karanasan ng tao sa ilalim ng mga dayuhang nang-aapi at pagnanais na makawala sa kahirapan
dulot nito at kalungkutan. Mararamdaman din ang hinaing sa akdang ito pagnanais na makalaya
sa paghihirap na sinapit.

C. ISTILO NG PAGLALAHAD

Ang istilo ng paglalahad sa lumang simbahan ay nagbibigay ng katuturan sa mambabasa


sapagkat nagbibigay ito ng linaw sa pagpapahalaga sa isang bagay o tao at pangyayari gaya ng
republikang simbahan ito’y naglalaan ng katuturan na malaman ang sinapit ng kapwa nating
mamamayan sa may ng mga dayuhan.
D. PAGSUSURING NABABATAY SA PANLIPUNANG SULIRANIN

“Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?”


(unang taludtod sa unang saknong)
Ang taludtod na ito ay nagbubukas ng panlipunang suliranin sapagkat ang sa isang republikang
bansa ang mamamayan ang mahalaga, boses nila ang dapat pakinggan ngunit dahil sa mataas ang
tingin natin sa mga dayuhan ang mga kapwa mamamayan ay nasasantabi. Mas binibgyang
pansin ang mga banyaga kapsa sa mamamayan ng bansa na kadalasan humanhontong sa pang-
aabuso ng dayuhan at walang magawa ang bansa sa mamamayan nito.

Republika na nga itong ang sa inyo'y hindi iyo,


Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!
(ikalabing tatlong saknong)
Sa sariling bayan mistulang walang karapatan ang ilang mamamayan lalo’t na salapi ang
naghuhusga sa buhay at antas sa buhay ang may kapangyarihan. Isa ito sa panlipunang suliraning
kinakaharap sapagkat ang mamamayan ay hindi napakikinggan at ang buhay nila’y tuluyang
naghihirap. Sa sariling bayan kadalasan hindi binibgyang halaga, napapansin lamang kapag
sila’y kailangan.

Ang paglaya'y nakukuha sa tulis ng isang sibat,


Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapwa tabak.
(labing-siyam na saknong)
Sa saknong na ito na nagpapakita ng panlipunang suliranin, ito’y mahahawig sa suliraning
krimen. Kadalasan ang pagnanais ng mga kriminal na maka-iwas sa panghuhuli ng batas ay
pinipili nilang lumaban para lamang makalaya sa sitwasyon ngunit sa praang kanilang pinili ay
mas lalong pinahihirapan lamng nila ang pagkamit sa kalayaan. Pinipili ang karahasan kaysa sa
magandang paraan.

E. TAYUTAY

1. Pag-Uyam
Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap,
Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.
(ika walong saknong)
-ibig sabihin sa imahinsayon malayang mangarap ngunit sa pa-iisip sa bagay na hindi
magaganap ay parang ginagawang mangmang lamang ang sarili.

2. Pagsasatunong
Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may kalansing
Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing!
(ika siyam na saknong)
-gumagamit ng mga tunog sa instrument o sa isang bagay.
3. Pagtawag
Kasarinlan! Republika! Kayo baga'y nauulol,
Sa ang inyong kalayaa'y tabla na rin ng kabaong?
(ikalabing anim na saknong)
- Nakikipag-usap gaya sa sa isang buhay na tao kung saan kinaki-usap ang republika at
kasarinlan na sa kanila’y hindi pagbigyan.

F. SARILING REAKSYON

1. Tauhan
Sa tulang ito gumamit ang Awtor ng mga piling tauhang gagampanan ang kabuuhan ng tula. Ang
pangunahing tauhan ay ang inaapi na dumaranas ng kahirapan at dayuhan na tinutukoy sa tula na
silang nagpapasakit at nagpapahirap.

2. Istilo ng Awtor
a. Tugma
Gumamit ang may akda ng tugmaang patinig at katinig na makikita sa hulihan ng
bawat linya ng bawat saknong, Napansin namin ang pananatili katinig sa ilang saknong
ng tula.

(mga tugmaang katinig sa tula na hango sa ikawalo hanggang ikalabing isang


saknong)

Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap,


Sa ganyan lang mauulol ang sarili sa magdamag.

Lumakad ka, hilain mo ang kadenang may kalansing,


Na sa taynga ng busabos ay musikang naglalambing!

Limutin mo ang nagdaan, ang sarili ay taglayin,


Subalit ang iniisip ay huwag mong bibigkasin!

Magsanay ka sa pagpukpok, sa pagpala at paghukay,


Pagkat ikaw ang gagawa ng kabaong kung mamatay.

Kapansin pansin din ang biglang pagsingit ng tugmaang katinig sa tugmaang patinig sa ilang
saknong.
(hango sa ikalabing dalawang saknong hanggang ikalabong pito na saknong)

Purihin mo ang bayaning may dalisay na adhika,


Ngunit huwag paparisan ang kanilang gawi't gawa.

Republika na nga itong ang sa inyo'y hindi iyo,


Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!

Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi?


Sa patak ng iyong luha'y malaya kang mamighati!

Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok,


Palipasin mo ang sukal ng loob mong kumikirot.

Kasarinlan! Republika! Kayo baga'y nauulol,


Sa ang inyong kalayaa'y tabla na rin ng kabaong?

Repblika! Kasarinlan! Mandi'y hindi nadarama,


Ang paglaya'y sa matapang at sa kanyon bumubuga!

b. Sukat
Sa ilang ulit na pagbibilang ng sukat nitong tula, nagkaisa kaming nasa lalabin-anim na sukat
ang bawat saknong nito mula sa umpisa hanggang sa kawakasan nito. Lubha nakamamangha
ang bilang ng mga pantig na ginamit, sapagkat lalo nitong pinagaganda ang tugma ng bawat
linya higit pa roon ay sadyang lumabas ang pagkamalikhain ng may akda sa magsisiwalat ng
mga nais niyang sabihin sa limitadong bilang ng salita.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Re/pub/li/ka ba/ga i/tong bu/sa/bos/ ka /ng da/yu/han?
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Ang/ ti/ngin/ sa/ ta/ni/ka/la'y/ bu/si/lak/ ng/ ka/la/ya/an?
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Ka/sa/rin/lan/ ba/ga/ i/tong/ ang/ bi/big/ mo'y/ na/ka/su/ si,
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Ang/ ma/ta/ mong/ na/ka/di/lat/ ay/ bu/lag/ na/ di/ ma/wa/ri?
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Ang/ bu/hay/ mo'y/ wa/lang/ pa/tid/ na/ hib/la/ ng/ pag/ta/tak/sil
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Sa/ sa/ri/li/, li/pi't/ ang/kan/, sa/ ba/yan/ mong/ du/ma/ra/ing!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Ka/la/ya/an/! Re/pub/li/ka!/ Ang/ ba/ya/ni’y/ di/nu/dus/ta.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Ka/la/ya/an/ pa/la/ i/tong/ ma/ma/tay/ nang/ a/bang/a/ba!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Ka/sa/rin/lan/ pa/la/ i/tong/ ni/ hin/di/ mo/ ma/sa /ri/ li/
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Ang/ da/ngal/ ng/ ta/ha/nan/ mong/ i/bo't/ pu/gad/ ng/ pag/ka/si.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Ma/la/ya/ ka/, ba/kit/ hin/di?/ Sa/ bi/ta/ya’n/ i/kaw’y/ man/hik,
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
3. Galaw ng Pangyayari

Sadyang pilingpili ang mga salitang ilalapat sa bawat ltaludtud ng tulang ito.
Nakamamangha ang kariktan ng tulang ito kahit maikli lamang. Ginawa namang makatawag
pansin ang pagbibigay ng mensahe ng awtor. Ito ay hindi madaling maintindihan ng mga
mambabasa ngunit kung paulit-ulit na babasahin ay makukuha ang nais na mensahe nito. Ang
akdang ito ay may mga salitang hindi madaling maunawan na nangangailangan na malalim na
pagbabasa.
Inilarawan ng Awtor ang nararanasang pamimighati sa pagnanais ng kalayaan, sa
nararanasang pasakit at kakahuntangan ng pagnanais na makuha ang kalayaan. Ang panawagan o
hinaing ng inaapi sa bayan ang kalayaan at republika ay di maangkin.

G. PAGLALAPAT NG TEORYA

Ang akdang Republikang Basahan ay nagtataglay ng teoryang historikal sapagkat sa naging


paglalahad ng awtor sa tula ang mga ito ay bahagi ng ating kasaysayan kung saan ang ating mga
ninuno at ating bansa ay sinakop noon ng mga dayuhan, pinahirapan at tinanggalan ng kalayaan.
Nagtataglay rin ito ng teoryang realismo sapagkat tunay na nangyari ito sa ating lipunan kung
saan ang tinitingala ang dayuhan at tayo ang nagtatrabaho para sa kanila.

H. BISANG PAMPANITIKAN
1. Bisang Pangka-isipan
Ang akdang Republikang Basahan ay nag-iiwang ito ng kakintalan sa mambabasa kung saan sa
pagtatapos ng tula ay may kakapulutan ng aral at pagbabago sa pananaw. Nagbibigay daan
upang mabuksan ang mga kaisipan tungkol sa mga pangyayari sa buhay na lalo’t bahagi ng
pagkakilanlan.

Republika baga itong busabos ka ng dayuhan?


Ang tingin sa tanikala'y busilak ng kalayaan?

Kasarinlan baga itong ang bibig mo'y nakasusi,


Ang mata mong nakadilat ay bulag na di mawari?

Ang buhay mo'y walang patid na hibla ng pagtataksil


Sa sarili, lipi't angkan, sa bayan mong dumaraing!

Kalayaan! Republika! Ang bayani'y dinudusta.


Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba!

Kasarinlan pala itong ni hindi mo masarili


Ang dangal ng tahanan mong ibo't pugad ng pagkasi.

2. Bisang Pangdamdamin
Ang tulang ito ay nagpadama ng natatanging emosyon sa mambabasa lalo na’t sa paggamit ng
mga salitang nagbigay indayog upang lalong maramdaman ang mensahe. Tagos sa puso at sa
isipan ang mga kaganapan sa tula na naghahatid ng malaking epekto sa mambabasa lalo na’t
ginising nito ang natutulog na damdamin sa nakaraan.

Republika na nga itong ang sa inyo'y hindi iyo,


Timawa ka at dayuhan sa lupain at bayan mo!

Kalayaan! Malaya ka, oo na nga, bakit hindi?


Sa patak ng iyong luha'y malaya kang mamighati!

Sa simoy ng mga hangin sa parang at mga bundok,


Palipasin mo ang sukal ng loob mong kumikirot.

3. Bisa sa Kaasalan
Ang akda ay hindi lamang nilikha upang magbigay ng dunong sa mambabasa. Nilikha rin ito
upang magbigay-aral at humubog ng katauhan. Mula sa mga pangyayri sa tula ito’y naghahatid
ng magandang aral para sa mambabasa.

Ang paglaya'y nakukuha sa tulis ng isang sibat,


Ang tabak ay tumatalim sa pingki ng kapwa tabak.

Ang paglaya'y isang tining ng nagsamang dugo't luha,


Sa saro ng kagitinga'y bayani lang ang tutungga.

Bawat sinag ng paglayang sa karimlan ay habulin,


Isang punyal sa dibdib mo, isang kislap ng patalim!

MANIKA
NI: CIRIO H. PANGANIBAN
MANIKA
ni: Cirio H. Panganiban
Ikaw? Para kang hiwaga!
Ang sabi ng aking inang minumutya,
Ikaw raw ang kanyang matandang manika.
Aywan ko kung tunay ang sabi ni Inang…

Nagkaroon daw siya noong siya’y bata


Ng isang magandang manikang may sula,
Hanggang sa pumikit, hanggang sa ngumiti ay nakakamukha
Ng iyong pagngiti’t ng iyon pagpikit ng nakatutuwa;
Kulot daw ang buhok, mapula ang pisngi’t matulis ang baba,
Para daw tsinitang kapag tumatawa, mata’y nawawala…

Nasabi sa akin
Ng Inang kong giliw,
Na ang ibig niya ay muling mahagkan
Ang kanyang manikang pinakamamahal.
Parang pagbabalik Ng dating pag- ibig,
Sa puso ni Ina’y muling dumadalaw

Ang panahong musmos ng kaligayahan;


Nagunita niyang noong kami’y mga batang walang malay,
Mga bunso niyang kapilas ng puso’t larawan ng buhay,
Ay minsan ding naging manikang maliit
Sa kanyang kandungan!

Ngunit ngayon kami’y mangagsilaki na sa gitna ng layaw


Sa ulilang bisig ng mutya kong Ina’y wala nang maduyan.
Ngayong hinahanap manika niyong kabataan.
Matandang manikang kulot daw ang buhok, mapula ang pisngi’t, matulis ang baba
At parang tsinitang kapag tumawa, mata’y nawawala
Ang ibig ko sana, sintang minamahal
Yamang kamukha mo ang kanyang manikang laon ng mamatay.

Hanggang sa pumikit, hanggang sa ngumiti ay nakakamukha


Ng iyong pagngit’t ng iyong pagpikit ay nakatutuwa.
Ay pahagkan kitang hiyas ng buhay ko sa Ina kong hirang
Na parang bulaklak sa harding sarili ng aking magulang;
At iibigin pa hanggang sa ilalim ng aking libingan…

Ngunit… ikaw?
Para kang hiwaga!
Kung manika ka mang matatawag- tawag,
Manika ka yata ng lahat ng aking paghihiraphirap.
Kung iyong kamukha
Ang sa aking Inang manikang matanda
Alinlangan ako na baka ang kanyang manika’y ikaw nga;

Na, dahil sa ikaw ay napabayaan


Nang magdalaga na ang Ina kong hirang,
Ngayon , ang gawa mo’y naghihiganti ka
At ako ang iyong pinaghigantihan kahit walang sala,
Kahit alam mo na ikaw ang tanging aking iniibig,
Tawagan man kita ay parang hindi mo ako naririnig;
Hilingan man kita ng kahit isang mailap na titig,

Ang mga mata mong sula niring buhay ay ipinipikit;


Umaawit Kaman ng lahat ng iyong panaginip,
Pakinggan man kita’y sinususian mo ang iyong mga bibig;
Maghirap man ako’y kinukuyom mo na ang langit mong dibdib!

Manika!... Manika! Para kang hiwaga!


Buhay ang dugo mo’t sariwang sariwa
Ang mga laman mong may balot ng sutla;
Kulot ang buhok mo, mapula ang pisngi’t , matulis ang baba
Para kang tsinitang pag tumatawa mata’y nawawala…

Ngunit kung ikaw man ay napakaganda’t kahanga- hanga,


Manika kang taong ayaw magsalita
Sa di mo pagkibo espinghe ka yata…
Pikit ang mata mo, Umid ang labi mo,
Marmol ang puso mo!
I. A. PAMAGAT.
 Manika
B. MAY AKDA
 Cirio H. Panganiban

Si Cirio H. Panganiban ay isang manananggol at naging malaking bahagi sa kasaysayan ng


panitikang Pilipino. Isa siyang makata, kwentista, mandudula, mambabalarila at guro pa ng wika. Sa
kanyang pagiging kuwentista ay naiambag niya sa panitikan ang kanyang kuwentong Bunga ng
Kasalanan na nalathala sa Taliba noong 1920. Ito ang naging palatandaan na nauunawaan na ng mga
manunulat na Pilipino ang tunay na kaanyuan ng isang maikling kuwento. Ito rin ang naging dahilan
upang tanghalin si Panganiban na kuwentista ng taong 1920 dahil sa boto ng mga mambabasa ng
magasing Liwayway.
Sa larangan ng dula ay napabantog ang kanyang iisahing yugtong dula na may pamagat na
Veronidia noong 1927 kung saan ginamit niya ang sagisag sa panulat na Crispin Pinagpala. Itinanghal
ang dulang ito sa Dulaang Zorilla sa pamamahala ng Samahang Ilaw at Panitik. Sinasabi ng mga kritiko
na ang Veronidia ay nagpasigla at nagbigay-halaga sa dulang Tagalog. Ang Sa Kabukiran ay isang
dulang-awit na mula rin sa panulat ni Cirio H. Panganiban.
Bilang makata kung saan siya higit na klnilala ay naipamana niya ang katipunan ng mga tulang
kanyang nasulat sa isang aklat na binlgyan ng pamagat na Salamisim na pinagsikapang ipalathala ni
Teodoro Gener nang si Cirio H. Panganiban ay patay na. Naging alagad siya ni Balagtas sa pagsulat ng
tula. Tradisyunal ang istilo nlya sa pagbuo ng tula subalit ng malaunan ay nagbago na rin ng istilo. Unang
nakita ang pagbabagong anyo sa kanyang tula sa kanyang mga tulang Manika, Sa Habang Buhay at Three
O'Clock in the Morning.

C. SANGGUNIAN
https://tl.wikipedia.org/wiki/Cirio Panganiban

II. BOUD NG KATHA

Ang tulang ito ay nagsasalaysay ng pag-ibig ng isang binata sa dalagang labis niyang
iniirog, inihalintulad niya ang manika sa laruan ng ina niya noong ito ay bata pa. Sa una bahagi
ay inilahad ng anak ang pagkakatulad ng manika at ng kanyang iniirog ayun sa sinasalaysay ng
ina niya. Ang matinding pagkagusto ng binata sa dalaga ay humantong sa pagkakataong handa
niyang gawin lahat para sa pag-ibig na hinahangad niya, ngunit sadyang di sila ang nakatadhana
ano pa man ang gawin niya’y sarado na ang puso’t isipan ng sinisinta sa tulad nya.

III. PAGSUSURI
A. PAGPAPALIWANAG NG SAKNONG
Ikaw? Para kang hiwaga! Sa unang saknong mapapansin ang
paghahalintulad ng ina na sinasambit ng anak
Ang sabi ng aking inang minumutya, para sa napupusuang dalaga, nabanggit ang
linyang “para kang hiwaga” na para bang ang
Ikaw raw ang kanyang matandang manika. laki ng pag nanasa.
Aywan ko kung tunay ang sabi ni Inang…

Nagkaroon daw siya noong siya’y bata Sa ikalawang saknong ay


Ng isang magandang manikang may sula, sinasalaysay ng anak ang mga kwento sa
Hanggang sa pumikit, hanggang sa ngumiti ay kanya ng kanyang ina noon. Gumamit ang
nakakamukha may akda ng malalim na paglalarawan sa
Ng iyong pagngiti’t ng iyon pagpikit ng manikang nabanggit. Kung baga ang
nakatutuwa; pagtutulad sa manika at sa dalagang sinisinta
Kulot daw ang buhok, mapula ang pisngi’t ay walang pagkakaiba ayon sa wangis nila.
matulis ang baba,
Para daw tsinitang kapag tumatawa, mata’y
nawawala… Sa ikatlong saknong inihahayag ang
matinding pananabik ng ina sa kanyang
matandang manika. Ang pagnanais ng ina sa
manika ay inilarawan ditto bilang sukdulan
dahil dinaig pa nito ang pagbabalik ng dating
pag-ibig.

Ang panahong musmos ng kaligayahan; Sa saknong na ito ay inilahad ang pagbabalik


Nagunita niyang noong kami’y mga batang tanaw sa buhay ng ina noon. Sa panahong
walang malay, sila’y maliliit pa ay minsan ng naging
Mga bunso niyang kapilas ng puso’t manikang minamahal ng ina. Kung baga
larawan ng buhay, nawala man ang pinakamamahal ng manika ng
Ay minsan ding naging manikang maliit ina noon ay pumalit naman ang bunsong anak
Sa kanyang kandungan! niya

Ngunit ngayon kami’y mangagsilaki na sa gitna


Ngunit sa paglipas ng panahon ay sadyang
ng layaw
nagbabago ang lahat. Sinasabing noong sila ay
Sa ulilang bisig ng mutya kong Ina’y wala nang
nagsilakihan na ay nawala na ang manikang
maduyan.
minamahal ng ina. Inihayag na doon nagsimula
Ngayong hinahanap manika niyong kabataan.
ang pananabik ng ina sa kanyang manika. Na
Matandang manikang kulot daw ang buhok,
siyang ginagawang dahilan ng Anak sa sinisinta na
mapula ang pisngi’t, matulis ang baba At parang
tsinitang kapag tumawa, mata’y nawawala
kung maari sila ay magsama upang bumalik yaong
Ang ibig ko sana, sintang minamahal ligaya sa puso ng ina.
Yamang kamukha mo ang kanyang manikang
laon ng mamatay. Hanggang sa pumikit, hanggang sa ngumiti ay
nakakamukha
Ng iyong pagngit’t ng iyong pagpikit ay
nakatutuwa.
Ay pahagkan kitang hiyas ng buhay ko sa Ina
kong hirang
Na parang bulaklak sa harding sarili ng aking
magulang;
Muling inihayag sa saknong na ito ang pagtutulad ng anak sa sinisinta at sa manikang
minamahal ng ina. Inihayag rin ang labis na pagmamahal ng anak sa kanyang ina at handing
gawin ang lahat para sa ikasasaya nito.

Sa saknong na ito inihayag ang mga


sapantaha ng anak sa iniibig niya. Ang
paglalahad sa matinding pagnanais ay
nagpapakita ng sukdulang pagkagusto sa
isang tao, masasbi kong baliw sap ag-ibig ang
taong ito, ngunit sadyang ganoon lahat ay
hahamakin para sa pagibig na hinahangad
kapalit man nito ay pasakit at pahirap lahat ay
susuungin.

Sa saknong na ito, malinaw na


ipinahihiwatig na walang anumang pagtingin
ang sinisinta niya sa kanya. At para sa kanya isa
iyong paghihiganti dahil sa kapabayaan niya
kahit wala siyang sala. Sadyang may mga
pagkakataong hindi tao gusto ng ating ginugusto
kahit na mamalimos pa tayo ng kakarampot na
atensiyon at pagmamahal di iyon mangyayari.

Ang mga mata mong sula niring buhay ay


ipinipikit; Inihahayag sa saknong na ito,
Umaawit Kaman ng lahat ng iyong panaginip, na kahit ano pa man ang gawin ng binate
Pakinggan man kita’y sinususian mo ang iyong para sa sinisinta ay wala ng saysay, sarado
mga bibig; ang puso’t isipan nito para sa kanya.
Maghirap man ako’y kinukuyom mo na ang
langit mong dibdib!
Manika!... Manika! Para kang hiwaga! Sa saknong na ito ang ilang linya at
Buhay ang dugo mo’t sariwang sariwa kataga ay naulit lamang sa mga nauna na
naghahayag ng paglalarawan sa sinisinta
Ang mga laman mong may balot ng sutla;
at sa manika, ang pagkakaiba lamang ay
Kulot ang buhok mo, mapula ang pisngi’t ,
may buhay ang tinutukoy ng anak at ang
matulis ang baba
manika ay wala.
Para kang tsinitang pag tumatawa mata’y
nawawala…

Ngunit kung ikaw man ay napakaganda’t


Sa huling saknong na ito maaring
kahanga- hanga,
napagtanto o natauhan na ang anak na
Manika kang taong ayaw magsalita
kahit anong gawin niya ay wala nikatiting
Sa di mo pagkibo espinghe ka yata… na pag-asang mapasakanya ang
Pikit ang mata mo, Umid ang labi mo, minamahal na kahawig ng manika ng ina.
Marmol ang puso mo !
B. URI NG PANITIKAN

Ang tulang ito ni Cirio H. Panganiban na Manika ay isang tulang pandamdamin o tulang
liriko sapagkat ito ay nagpapahayag ng masidhing damdamin na nagtatampok ng lungkot, labis
na pagmamahal, mga agam-agam at pagkabigo. Sa bawat taludtod ng tula mararamdaman ang
bawat emosyong nais iparating ng akda.

D. ISTILO NG PAGLALAHAD

Ang istilong ginamit ay pagsasalaysay sa paraang inilalarawan ang lahat ng detalye. May
ilang linyang halos makatatlo beses niyang inulit sa ibang sakno ngunit sadyang
kamanghamangha ang pagpapahayag na iyon dahilsa bawat pag uulit ay nabibigyang linaw ang
nais iparating ng tula. At ang abwat taludtud ng tulang ito ay sadyang nagtatago ng iilang
mensaheng maging ako ay hirap hanapin iyon, ngunit kung makailang uli itong basahin ay
nakasisigurado akong lubos na mauunawaan ang mag linyang inilalatag ng mag akda.
Naguumapaw ang emosyon ng tulang ang masidhing damdaming sa matinding pagkagusto sa
isang tao at ang masakit na pagkabigo.

Pagbibigay Katuturan
Binibigyang halaga ng tulang ito ang pagmamahal sa kapwa ngunit di
maganda ang labis. Dapat rin nating mahalin ang ating sarili at ibaling ang
atensyon sa iba pang masmahalagang bagay.

D. PAGSUSURING NABABATAY SA PANLIPUNANG SULIRANIN

“Ngunit ngayon kami’y mangagsilaki na sa gitna ng layaw


Sa ulilang bisig ng mutya kong Ina’y wala nang maduyan.”
(ika-apat na saknong: Una at ikalawang Taludtod)
Ang dalawang taludtod na ito ay naghahayag sa suliraning panlipunan kung saan ang
liang sa atin bilang mga anak ay nakalilimot na sa ating mga magulang. Di na natin nabibigyan
sila ng atensyon at pagmamahal marihil ay masyado tayong abala sa sariling buhay na ating
hinaharap ngunit sana ay magkaroon rin tayo ng panahon para sa mga taong tunay na
nagmamahal at nakauunawa sa atin.

“Manika ka yata ng lahat ng aking paghihiraphirap.”

(ikapitong saknong: ika-apat na taludtod)

Tunay ngang kung tayo ay may ninanais sa buhay ay gagawin natin ang lahat para
makamit ito, ang pagtitiis at pagpapakahirap sa mga bagya na alam naman nating walang saysay
sa huli ay dapat ng itigil sa umpisa pa lamang. Kung minsan sa labis na pagmamahal natin ay
nagagawa na nating saktan an gating sarili. Sa kabilang banda naman kung sadyang may
patutunguhan ang mga bagay na ating ninanais ay magpatuloy tayo at sumugal kahit walang
kasiguraduhan ang mahalaga ay nasa tama at walang tinatapakang ibang tao.

“Manika kang taong ayaw magsalita


Sa di mo pagkibo espinghe ka yata…
Pikit ang mata mo, Umid ang labi mo,
Marmol ang puso mo!”
(Huling saknong: ikalawang taludtud hangang ikalima)

Ang apat na taludtud na ito ay di lamang sumasalamin sa pag-iibigan, ito ay


maihahalintulad rin sa pamahalaan. Sa iilang may katungkulan na bingi at bulag sa katutuhanan,
sarado ang puso’t isip sa hinanaing ng taong bayan. Maari ring patungkol sa mga ayaw makialam
sa anumalyang naikikita, ayaw magsalita para sa ikagiginhawa bagkos ay takot at bayad ang
bunganga.

E. TAYUTAY
1.Pagtutulad

“Ikaw? Para kang hiwaga!”


(Unang saknong, unang taludtod)

Ibigsahin itinuturing niyang isang mahalagang lihim ang isang tao


“At parang tsinitang kapag tumawa, mata’y nawawala”
(ikalimang saknong, ikalimang taludtod)

Inahahalintulad ang isang tao sa babaeng singkit ang mata


2. Pagwawangis
“Hanggang sa pumikit, hanggang sa ngumiti ay nakakamukha”
(Ikalawang saknong, ikatlong taludtod)

Ibigsabihin ay magkamukha ng-magkamukha ang dalawa kahit saang anggulo

“Marmol ang puso mo!”


(huling saknong, huling taludtod)

Ibigsahin matigas ang puso, walang nararamdaman o manhid

F. SARILING REAKSYON
1. Tauhan
Ang tauhan sa tulang ito ay ang anak (na nasa unang panauhan), ang ina at ang
sinisinta ng anak.

2. Istilo ng Awtor
a. Tugma
Gumamit ang awtor ng tugmaang patinig at katinig na nagiindayog sa
ganda ng tula. Ang mga salita sa hulihan ng bawat taludtod ay naghahatid ng
kariktan sa pagbabasa ng tulang ito.

(Hango sa Ikalawa at ikatlong saknong ng tula na nagpaqpakita ng tugmaang


patinig at katinig)
II
Nagkaroon daw siya noong siya’y bata
Ng isang magandang manikang may sula,
Hanggang sa pumikit, hanggang sa ngumiti ay nakakamukha
Ng iyong pagngiti’t ng iyon pagpikit ng nakatutuwa;
Kulot daw ang buhok, mapula ang pisngi’t matulis ang baba,
Para daw tsinitang kapag tumatawa, mata’y nawawala…
III
Nasabi sa akin
Ng Inang kong giliw,
Na ang ibig niya ay muling mahagkan
Ang kanyang manikang pinakamamahal.
Parang pagbabalik Ng dating pag- ibig,
Sa puso ni Ina’y muling dumadalaw
b. SukatTulang ito ay walang tinataglay na kaisahasang sukat, marahil ay naging malaya ang
awtor sa pagsulat ng tulang ito.

(Hango sa ikalima at ikalabing-isang saknong ng tula)

Ngu/nit/ nga/yon/ ka/mi’y/ ma/ngag/si/la/ki/ na/ sa/ git/na/ ng/ la/yaw


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18
Sa /u/li/lang/ bi/sig/ ng /mut/ya/ kong/ I/na’y/ wa/la/ nang/ ma/du/yan.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18
Nga/yong/ hi/na/ha/nap/ ma/ni/ka/ ni/yong/ ka/ba/ta/an.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15
Ma/tan/dang/ ma/ni/kang/ ku/lot/ daw/ ang/ bu/hok/, ma/pu/la/ ang/ pis/ngi’t/, ma/tu/lis/
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21
ang/ ba/ba
22 23 24
At/ pa/rang/ tsi/ni/tang/ ka/pag/ tu/ma/wa/, ma/ta’y/ na/wa/wa/la
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17
Ang/i/big/ ko/ sa/na/, sin/tang/ mi/na/ma/hal
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Ya/mang/ ka/muk/ha/ mo/ ang/ kan/yang/ ma/ni/kang/ la/on/ ng/ ma/ma/tay.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18

XI
Ngu/nit/ kung/ i/kaw/ man/ ay/ na/pa/ka/gan/da’t/ ka/ha/nga/- ha/nga,
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17
Ma/ni/ka/ kang/ ta/ong/ a/yaw/ mag/sa/li/ta
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Sa/ di/ mo/ pag/ki/bo/ es/ping/he/ ka/ ya/ta…
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Pi/kit/ ang/ ma/ta/ mo/, U/mid/ ang/ la/bi/ mo,
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Mar/mol/ ang/ pu/so/ mo!
1 2 3 4 5 6
3. Galaw ng Pangyayari
Malayang inilahad ng awtor ang kwento sa kanyang tula, isinalaysay niya ang
bawat taludtod sa paraang paglalarawan o pagbuo ng imahe sa isipan ng mga mambabasa. Sa una
ay inihalintulad niya ang kanyang iniibig sa laruang manika ng kanyang ina upang maihayag
iyon ng mas kaaya-aya gumamit ang awtor ng mga katagang naglalarawan sa dalawa. May
sadyang inuulit na taludtod ang awtor upang maihayag ang galaw ng pangyayari at mabigyang
kulay ang tual.

G. PAGLALAPAT NG TEORYA
Ang tulang ito ay nagtataglay ng Teoryang Romantisismo kung saan ipinapakita
ang wagas nap ag ibig ng binatang anak sa kanyang iniibig. Alam naman natin na di lahat ng
wagas nap ag-ibig ay nasusuklian rin ng katumbas nito. Maaring bigo man sa pagibig ang tauhan
sa tulang ito ay naipakita parin ang dalisay na pagmamahal na handing gawin ang lahat para sa
hinahangad na pag-ibig.
Gayundin ang Teoryang Realismo na sumasalamin sa totoong pangyayari sa
lipunan. Kung minsan dumarating ang panahong tayo’y ay lumalaki at nakakalimutan na an
gating mga magulang na silang nag-aruga’t nagmahal sa atin.
H. BISANG PAMPANITIKAN
1. Bisa sa Isipan
Ikinintal ng tulang ito sa isipan namin na di lahat ng gusto natin ay makukuha
natin sa anumang paraang naisin natin. Maganda ang naging asal ng tauhan sa paglalarawan ng
kanyang pagmamahal ngunit matuto sana tayong sukuan ang mga bagay na sa una pa lamang ay
alam na nating talo tayo at wala itong patutunguhan.

(Hango sa ikawalong saknong ng tula)

Na, dahil sa ikaw ay napabayaan


Nang magdalaga na ang Ina kong hirang,
Ngayon , ang gawa mo’y naghihiganti ka
At ako ang iyong pinaghigantihan kahit walang sala,
Kahit alam mo na ikaw ang tanging aking iniibig,
Tawagan man kita ay parang hindi mo ako naririnig;
Hilingan man kita ng kahit isang mailap na titig,

2. Bisa sa Damdamin
Sadyang kung minsan bulag ang pag-ibig, damangdama ang labis na pagmamahal
na ipinakita ng tauhan sa tula. Ikinintal nito sa puso’t damdamin naming na kung talagang mahal
mo ang isang tao ay handa kang suungin kahit pa bagyo, ngunit napagtanto din naming ang
pagmamahal ng labis ay sadyang nakakasakit rin. Kung kaya’t marapat na magtira tayo ng
pagmamahal sa ating sarili. Tanggapin ang katutuhanan, irespeto’t igalang ang disisyon ng iba at
magpatuloy sa buhay.

(Hango sa ikapitong saknong ng tula)


Ngunit… ikaw?
Para kang hiwaga!
Kung manika ka mang matatawag- tawag,
Manika ka yata ng lahat ng aking paghihiraphirap.
Kung iyong kamukha
Ang sa aking Inang manikang matanda
Alinlangan ako na baka ang kanyang manika’y ikaw nga;
3. Bisa sa Kaasalan
Sa kaasalang ipinakita ng anak para sa kanyang ina ay tunay ngang
kahangahanga. Di maiiwasang malayo tayo sa ating mga magulang ngunit tulad sana ng anak sa
tualang ito na ninais nyang maibalik ang dating sigla ng ina. Sa kabilang banda maling mali na
pabayaan natin ang ating magulang kahit na maging abala man tayo sa ibang bagay at ito ang
kumintal na kaasalang dapat gawin o tularan ng mga anak.

(hango sa ikalima at ika-anim na saknong ng tula)


Ngunit ngayon kami’y mangagsilaki na sa gitna ng layaw
Sa ulilang bisig ng mutya kong Ina’y wala nang maduyan.
Ngayong hinahanap manika niyong kabataan.
Matandang manikang kulot daw ang buhok, mapula ang pisngi’t, matulis
ang baba
At parang tsinitang kapag tumawa, mata’y nawawala
Ang ibig ko sana, sintang minamahal
Yamang kamukha mo ang kanyang manikang laon ng mamatay.

Hanggang sa pumikit, hanggang sa ngumiti ay nakakamukha


Ng iyong pagngit’t ng iyong pagpikit ay nakatutuwa.
Ay pahagkan kitang hiyas ng buhay ko sa Ina kong hirang

You might also like