You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY


Roxas Avenue, Roxas City, Capiz 5800
GRADUATE SCHOOL – MAT

______________________________________________________________________________

FILIPINO 414
PANULAANG FILIPINO (FILIPINO POETRY)

ELVIE A. AMBITO GNG. MARIBEL N. BUENAVIDES


Taga- ulat Propesora

ANO NGA BA ANG TULA?

• Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni,


pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw. Ito ay
naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng
mga salita, pagbilang ng mga pantig, at paggamit ng magkakatugmang salita upang madama
ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat.

• Ang mga taludtod ay hindi pumpon lamang ng mga salita kundi manapa’y salamin ng
pansariling daigdig ng mga karanasan, mithiin, adhikain at kapalaran ng tao sa kanyang
paligid.

ANO ANG TULA AYON KAY JULIAN CRUZ BALMACEDA?

Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, “Ang Tula ay isang


kaisipan na naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at
kadakilaan; ang tatlong bagay na kailangan magkatipun-tipon sa
isang kaisipan upang maangkin ang karapatang matawag na
tula”. Walang tula kailanma’t ang isa sa tatlong ito’y nawala.
Maaring magandang bigkasin ang isang hanay-hanay na mga
talatang tugma-tugma ang mga dulo at sukat-sukat ang bilang ng
mga pantig, ngunit di tula, kapag di nagtataglay ng mga dakilang
uring dapat taglayin ng isang tunay na tula.
Julian Cruz Balmaseda
Si Julian Cruz Balmaceda ay itinuturing na isa sa mga haligi ng panitikang Pilipino dahil sa
malaking kontribusyon niya sa sariling panitikan. Siya ay isang makata, mandudula, kuwentista,
mangangatha, nobelista at mananaliksik-wika. Naging patnugot siya ng Surian ng Wikang
Pambansa.
Isinilang si Balmaceda sa Orion, Bataan noong 28 Enero 1895. Nag-aral siya sa Colegio de San
Juan de Letran. Natapos siya ng dalawang taong pag-aaral ng Batas sa Escuela de Derecho.
Sa gulang na labing-apat ay nagwagi na sa isang timpalak ang kanyang dulang Ang Piso ni
Anita, isang dulang musikal na ang paksa ay tungkol sa pagtitipid. Pinaksa rin ni Balmaceda sa
kanyang mga dula ang pilosopiya ng sosyalismo, kagalingang-bayan at pangkasaysayan.
Sa kanyang mga dula ay lalong kilala ang Sa Bunganga ng Pating, tumutuligsa ito sa mga
nagpapautang na labis magpatubo. Mula rin sa kanyang panitik ang Sangkwaltang Abaka,
Dahil sa Anak, Budhi ng Manggagawa, Musikang Tagpitagpi, Ang Bagong Kusinero, at iba pa.
Sa nobela ay mababanggit ang Himagsikan ng mga Puso at Tahanang Walang Ilaw. Ang
katipunan ng mga tulang kanyang nasulat ay tinawag niyang Pangarap Lamang. Kasama sa
katipunang ito ang Marilag na Guro, Sa Bayan ni Plaridel, Magsasaka, Nasaan Ka, Bakit, Ulila,
Anak ni Eba, at marami pang iba. Ginamit niya ang sagisag na Alpahol sa kanyang pagsusulat.
Ang huli niyang naisulat ay isang tula na ang pamagat ay Punungkahoy.
Siya ay binawian ng buhay noong 18 Setyembre 1947 sa gulang na 52.

Halimbawa ng mga tula ni Julian Cruz Balmaceda

KUNG MAMILI ANG DALAGA


ni Julian Cruz Balmaceda

Nang may labinlimang Disyembre pa lamang


ang dalagang aking naging kaibiga’y
ganito ang laging kanyang bulay-bulay
“Pagka’t ang ganda ko’y di pangkaraniwan
ay pipili ako ng isang liligaw na
bata, makisig, mabait, mayaman.”
Nang dumalawampung taon ang dalaga
at ang pinipili’y di pa rin makita’y
ganito ang kanyang nagunita tila:
“Hindi kailangan kundi man pustura
o kaya ay hindi sagana sa k’walta
kung bata’t mabait ay maaari na.”

Nang magdalawampu’t lima at hindi rin


yata sumisigid ang isda sa pai’y
ganito ang kanyang parating dasalin:
“Ang gulang? Hindi ko aalumanahin,
may kabaitan lang na maituturing
kahit matanda na’y puede na sa akin.”
At nang tumatlumpu’t ni sinoman wari’y
wala nang mabuyong sa kanya’y gumiri
tahas na sinabing wa(ang pagkabali:
“Ngayon kahit sino’y walang tangi-tangi
huwag lang di mayrong sa aki’y bumati.

Ang Magsasaka
ni Julian Cruz Balmaceda
Sa maghapong singkad ikaw’y nasa-linang
Sulong mo’y ararong batak ng kalabaw.
Di mo pinapansin ang lamig at ginaw,
Ang basal ng lupa’y mabungkal mo lamang.

Iyong isinabog ang binhi sa lupa


Na ikalulunas ng iyong dalita;
Tag-ani’y dumating sa dili-kawasa
Lahat ng hirap mo’y nabihis ng tuwa.

Anupa’t ang bawat butil


Ng bigas na naging kanin
Sa isip at diwa nami’y
May aral na itinanim.

Iya’y tunay na larawan


Ng lahat mong kapaguran
Bawat butil na masayang
Ay pintig ng iyong buhay.

Kaya nga’t sa aming puso’t dilidili,


Nakintal ang isang ginintuang sabi;
Sa lahat at bawat bayaning lalaki
Ikaw, magsasaka, ang lalong bayani.
ANO ANG TULA AYON KAY JOSE VILLA PANGANIBAN?

Ayon kay Jose Villa Panganiban (1954:1),” Ang paraan ng


pagpapahayag ay iniaayos sa iba’t-ibang karanasan at lagay
ng kalooban at kaluluwa na nababalot ng pag-ibig o
pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba”. Ang tula o
panitikan ay isang payak na salitang nahihiyasan ng iba-iba at
malalim na kahulugan. Para sa mga manunulat, ang tula o
panitikan ay isang malinaw na salamin, larawan, repleksyon o
representasyon ng buhay, karanasan, lipunan, at kasaysayan
(Reyes, 1992). Isa rin itong pinakamabisang sangkap sa isang
bansa upang malaman ang pagkakakilanlan ng kakanyahan o
identidad nito. Maging pasalita o pasulat man ang kaanyuan nito,
malinaw na masisinag sa panitikan o tula ang mga mithiin,
damdamin, layunin, adhikain, pangarap, at landas na gustong
tahakin ng bansang ito.

Halimbawa ng tula at maikling kwento ni Jose Villa Panganiban

Isip-Tao
Nadukal ng tao ang laman ng lupa
naarok ang lihim ng dagat at sapa,
at natunton pati ang landas ng tala,
subalit ang langit ay daan ng luha.

Nasakop ng dunong ang buong daigdig,


Madaling nanuklas ng lunas ng sakit
Sa pamamagitan ng masusing masid,
Lihim ng kaluluwa’y di mahagip-hagip.

Nahimay sa sama ng mabuting gawi,


Nguni’t may masamang minabuti wari
at may kabutihang sa sama inuri,
ang diwang bathala’y hindi maugali.

Nga-ipon ng lakas ng kapangyarihan,


nalikhang makina’y pangawa’t aliwan,
madaling masakal sa kamal ng yaman,
nguni’t di matanto ang dahil ng buhay,

Paham na maningning, pantas na mahayap


ngunit ang hiwagang di mapaliwanag
ay itinago sa mga sagisag
nang di mapahiya ang isip hamak.
Paano’y talagang walang katapusan
ang mga hiwaga at kababalaghan,
sa bawat himaton ng sangkalikasan
sanlibutang himala yaong nabubuksan!

Tila mabuti’y ang tayong isip


ay huwag palaging parang may binarik:-
bayaang sa puso’y manaha’y pag-ibig
at nang makapasok ang ilaw ng langit.

Sapagkat sa dilim na hindi matuhog


Ng dunong ng tao sa lumping himasok
Ay tibok ng puso’t batas ng pag-irog
Ang makahahawi…. Sa marahang luhog.

Buod ng Maikling Kwento ni Josie Villa Panganiban


Vicenteng Bingi

Dahil sa kapilyuhan ng aking kabataan, sa galit ng aking ama'y di-maikakailang


pinagtangkaan niya akong parusahan ng palo. Tuwing hahampas ng palo ang aking ama,
si Vicenteng Bingi ay biglang lumulukso sa aking piling.
Ngunit ako noo'y may paslit na isip at may pusong di-marunong umunawa sa
kahalagahan ng pag-ibig at pagmamahal ng tao sa kapwa tao.
Minsa'y nagtago ako sa paghithit ng tabako sa kasilyas. Nagkamali akong ang
nagniningas na palito ay sa dingding na kugon naitapon. Nasunog ang kasilyas. Itinuro
ko si Vicenting Bingi na siyang may kasalanan. Nang bugbugin siya ang aking ama,
lumuhod siya't nagsubsob ng ulo sa sahig at pahagulgol na nagsabi,"Tawad pu! Tawad
pu!"
Kaytigas at kaylupit ng aking loob noon!
Isang gabi, sa lutrina ng mga bata parang sinalihan yata ako ng maligno. Bawat
masundan kong batang babae ay sinusulsulan ko sa buhok ng kandilang may ningas.
Nagkagulo sa lutrina. Nang ipahuli ako sa pulis, si Vicenting Bingi ay humarang at
nanlabang katakut-takot sa mga pulis at sa maraming tao. Sa pagkakagulo at pagkasira
ng lutrina ay nalimutan tuloy ang panununog ko ng buhok. Ang naharap ay ang pagdakip
at pagbibilanggo kay Vicenting Bingi.
Sa laki ng galit ng aking ama, dinala niya ako sa Seminario de San Javier sa Maynila at
doon ako pinag-aral ng maraming taong walang kabaka-bakasyon. Dahil sa muling pag-
aasawa ng aking ama, ako'y inilabas sa seminario at pinahintulutang makauwi sa
Paniqui. Halos nalimutan ko na si Vicenting Bingi, ngunit pagtuntong ko sa lupang
Paniqui ay siya ang una kong itinanog: Nasaan si Vicente?
Ang itinuro sa akin ay ang kanyang libingan, nang makalabas daw si Vicenting Bingi sa
pagkabilanggo niya dahil sa iskandalo sa lutrina at hindi ako dintanan sa amin, lumayas
siya't isang buwang nawala. Nagbalik siya sapagkat walang mapasukang trabaho at
gutom na gutom. Gayon man, wala siyang inatupag sa amin kundi ang magpastol ng
sisiw na kasabay niyang dumating sa amin. Dumami ang mga kambing at marami siyang
gatas na naipagbili araw-araw, ang sisiw ay lumaking inahin kantunis, mabilis mangitlog
at mamisa, at pinanggalingan ng makapal na manukang pinakinabangang mabuti ng
Papa ko. Ngunit si Vicenting Bingi ay di nakihalo, di nakipag-usap kanino man, kahit sa
aking ama. At kahit sa pagkain, kapag walang ibang tao sa kusina, saka lamang siya
papasok upang kumain.
Isang bagyong malakas ulit ang nagdaan. Nagkahiwalay ang mga kambing at mga
manok. Sa kalupitan ng ulan ay isa-isang hinuli ni Vicente ang mga kambing at mga
manok hanggang sa matipong lahat sa silong ng kusina. Ngunit kinaumagahan,
natagpuan siya ng aking ama sa piling ng mga kambing at manok, at nagmamangmang
sa taas ng lagnat. Kinapitan siya ng pulmonya. Sa paghihingalo raw ni Vicente'y ganito
ang bilin: "Sabyan yo pu kang sinyurito Pipitu, dalawin ang hukay ko." Mga isa o
dalawang patak na luha at kaunting kirot ng damdamin ang tanging naiukol ko kay
Vicenting Bingi sa sandaling yaong tumindig ako sa tabi ng kanyang libingan…libingang
hinukay at tinabunan ng lupa. Sa krus ng palatandaa'y walang nakasulat kundi: Vicente.
Walang apelyido. Walang nakaalam ng apelyido ni Vicente at ayaw ng Papa ko ang Bingi.

Sanggunian:
Cite this Article as:
Balmaseda, Julian Cruz,
(2015). In V. Almario (Ed.),
Sagisag Kultura (Vol 1).
Manila: National Comission
For Culture and the Arts.
Retrieved from https://philippineculturaleducation.julian-cruz
https://www.tagaloglang.com/when-a-woman-chooses
https://www.poemhunter.com/poem/ang-magsasaka
Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
https://brainly.ph/question/2113881#readmore
https://wilmarvillarinalcoser.blogspot.com/2015/05/buod-ng-mga-maikling-kuwento.html

You might also like