You are on page 1of 12

Isang Dipang Langit

jesa luntao
BEED-1
Akda:Amado V. Hernandez
Si Amado V. Hernandez o mas kilala bilang “Ka
Amado” at pambansang alagad ng sining sa panitikan noong
1973 ay kilala bilang makata ng mga manggagawa. Sa
kanyang mga tula masasalamin natin ang marubdob na
pagmamahal sa mga dukhang manggagawa. Para sa kanya,
ang tula ay halimuyak, taginting, salamisim, aliw-iw. Ang
panitik ay makapangyarihan at ayon sakanya pati hari ay
mapapayukong panitik. Sumakatuwid siya ay maraming
akdang naihandog.
kabilang dito ang tulang “Isang dipang langit”.
Ang isang "dipang langit" ay isang metafora na
karaniwang ginagamit upang ilarawan ang mga
katangiang tulad ng pagiging lipos sa pag-asa, pagkawala
ng direksyon, pagdurusa, at kahirapan.
Ito ay maaaring tumukoy sa isang tao na tila nawalan ng
pag-asa o hindi makamit ang kanilang mga pangarap, na
nagdudulot ng pangamba at pagdurusa.
"Isang Dipang Langit,"
Ako'y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko'y piitin,
katawang marupok, aniya'y pagsuko,
damdami'y supil na't mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:


bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi't walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo'y tila isang tanikala


na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,


kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang
sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;
kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon -


bilangguang mandi'y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.

Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap


at batis pa rin itong aking puso:
piita'y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao't Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya'y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay...
layang sasalubong ako sa paglaya!
Ang uri ng panitikan ng Isang Dipang Langit ay
Patula dahil ito ay nabubuo sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga
taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at
pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga
taludtod sa bawat saknong.
Layunin ng may akda:
Ang layunin ng may akda ay maipahatid sa mga
mambabasa na sa kabila ng dilim ay may liwanag.
Nararapat lamang na tayo ay huwag mawalan ng pag-asa
dahil habang may buhay may pag-asa. Sabi nga niya sa
kanyang tula na “ang tao’t Bathala ay hindi natutulog at di
habang araw ay ang api ay api”.
Ang paksa ng akda sa Isang Dipang Langit ay tungkol sa
mga bilanggo na wari’y nagdudusa sa lungkot. Sila ay ang
hindi tunay na may sala sumakatuwid sila lamang ay
pinaratangan ng walang malay sapagkat sila ay isang api at
nasa baba.
Ang mga tauhan din sakanyang akda ay mga tao sa lipunan
na nag-titiis sa hirap at pighati sa bilibid.
Umiikot ang istorya sa panahon na kung saan ay ang mga
api o mga mababang tao sa lipunan ay walang karapatan.
Na kung hanggang kaylan gusto ng mga nasa itaas na sila’y
hatulan sa kasalanang kanilang gawa ay kaya nilang alipinin
at ikulong ang mga naaapi.
Gumamit ang may-akda ng Daloy ng Kamalayan diretso ang
lahat ng patutunguhan ng istorya kaya mas naiintindahan
ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Kaya ang nais
maipabatid ng may akda sa mga mambasa ay mas
naiintindihan. Mas nadama ang damdamin at emosyon sa
tula.
Ang kaisipanng taglay ng akda:
Ang kaisipanng taglay ng akda ay isang akdang pampanitikan
na nagtataglay at nagpapaliwanang sa mga kaisipang umiiral,
tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o
karanasan. Ito ay mga makatotohanang unibersal, likas sa tao
at lipunan, sistema ng mga ideya o paniniwalangkumokontrol
sa buhay. Ang may akda ay naghahatid ng may kagandahan sa
kapangitan. Na ang tula ay nararapat na tumalakay hindi
lamang sa tamis ng pagmamahalan, kagandahan ng kalikasan,
kirot ng kabiguan sa pag-ibig, at init ng katawan kundi dapat
din nitong lamanin ang mapapait na karanasan ng mga tao sa
isang lipunan
A MAT !
S A L

You might also like