You are on page 1of 32

Pamukaw Sigla

A M E R I K A N O Hanapin mo
ako!
T U L U Y A N O P

A T S K A S B Q E
Alamin
L D H V F T R S A natin!
U X A B S I C Z E Kahulugan
T I P P Q L V U I ng
Panitikan
A F O W N A E F M
Ang
P A N I T I K A N
panitikan ay
ginagamit ng
tao upang ipahayag ang kanilang kaisipan, damdamin, karanasan, mga hangarin at
diwa ng mga tao sa pamamagitan ng pagsulat o pasalita.
Ang Panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,
mga karanasan, hangarin, at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Nagsasalaysay din ito
sa pamahalaan, lipunan at mga pananampalataya at mga karanasang may kaugnayan
ng iba't- ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,
pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak, at pangamba.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan
ang unlaping "pang" ay ginamitan ng hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay
nangangahulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na littera
na nangangahulugang titik. ( Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban)

Pagpapakahulugan sa panitikan ng mga dalubhasa.


Ayon kay Arrogante, (1983) ang panitikan ay talaan ng buhay sapagkat dito
nasisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang ulat ng kanyang buhay, ang buhay ng
kanyang daigdig, at ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap.
Ayon naman kay Sugui, (2013) ang panitikan ay sumasalamin ng tunay na
katotohanan ng tunay na larawan ng buhay o pangyayaring inuulat na nagtataglay ng
magandang mithi, hindi sapat na lumabas na marikit o maganda lamang, kundi
kailangang magkaroon ng tiyak na kapakinabangan upang malunasan ang mga sakit
ng bayan.
Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ang salitang “panitikan” ay galing sa
salitang ugat na

1
“titik” dinagdagan ng panlaping (pang at an) kaya naging “Panitikan”.

URI NG PANITIKAN
Dalawang uri ng panitikan
TULUYAN- Ito ay mas natural na pagkakasulat o tuloy-tuloy. Walang
binibilang na mga salita o tunog na kinakailangang itugma sa iba pang salita.
Narito ang dalawang halimbawa ng akdang tuluyan, ang alamat at ang maikling
kwento.

Ang Alamat ng Rosas


Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na
nagngangalang Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa
kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya't pinagkakag- uluhan si Rosa ng mga
kalalakihan.
Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang
mga manililigaw na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at humihing ng
pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay masaya naman siyang pinayagan ng
mga magulang ni Rosa at dahil na rin sa rason na si Antonio lamang ang lalaking
unang umakyat ng ligaw sa kanila. Ang kinakailangan lang naman na gawin ni
Antonio ay ang mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasiyahin ito.
Iyon ang naghimok kay Antonio, kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya
ni Rosa sa pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni Rosa,
lalong-lalo na ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang loob sa masugid na binata.
Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw
ay doon rin siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na
pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang marining niya ito habang kausap ang
kanyang mga kaibigan. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa sa kanyang
narining. Nadurog ang kanyang puso sa kanyang unang pag-ibig. Hindi tumigil ang
pag-iyak ni Rosa habang siya ay bumalik sa kaniang bahay. Nag-aalala naman siyang
tinanong nang kanyang mga magulang pero hindi sumagot ang dalaga. Kinabukasan
ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa susunod na mga araw.
Isang araw, ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang
tagpuan nina Rosa at Antonio. Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay
nang bulaklak ay nagsisilbing paalala sa mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba
lamang ay ang tinik na napapalibot sa halaman na pinapaniwalaan na si Rosa na
nagsasabing wala sinumon ang makakakuha sa magandang bulaklak na hindi
nasasaktan.

2
Halaman ng Pagmamahal
Ang tagpuan ng magkasintahang Malvar at Rosa ay isang malaking puno ng
duhat. Sa lilim nito sila’y nagkukwentuhan. Sa tabi ng puno may isang balon na yari
sa mga batong adobe. Ang labi ng balon ay halos pantay sa lupa. Bawal sa mga bata
ang tumayo o maglaro sa tabi nito.

Isang araw, sa buwan ng Abril, nakita ni Malvar ang maraming bunga ng duhat.
Kumikintab ang maitim na balat ng mga hinog. Kay lalaki pa! Umakyat si Malvar
upang pagdating ni Rosa ay may ipapasalubong siya. Maraming mga hinog na duhat
sa dulo ng maliliit na mga sanga. Sa pagnanasa ni Malvar na mapitas iyon, napayapak
siya sa isang sangang marupok. Nahulog siyang tuloy-tuloy sa balon. Nawalan siya ng
malay tao. Kaya, kahit na mababaw lamang ang tubig sa balon, si Malvar ay nalunod.

Di nagtagal dumating si Rosa. Dati-rati ay dinaratnan niya si Malvar na laging


nauuna sa kanya. Bakit ngayon ay wala pa siya? Nakita niya ang maraming duhat na
nakakalat sa lupa. Mukhang bagong pitas. Tumingala siya. Wala namang nakaakyat.
“Pupulutin ko nga,” ang sabi ni Rosa sa sarili. “Makatas ito at matatamis.”
Kumuha muna siya ng dahon ng saging. Kapag puno na ang kanyang mga
kamay, inilalagay niya ang mga duhat sa dahon ng saging. May mga duhat na nahulog
sa tabi ng balon. Lumapit doon si Rosa. Nang yumuko siya upang damputin ang mga
bunga napansin niya ang tao sa ilalim ng balon.
“Panginoon ko!” ang sigaw niya, “Si Malvar! Si Malvar!” Hinimatay siya. Sa
kasamaang palad, sa bunganga ng balon pa bumagsak ang katawan ni Rosa.
Nang hindi umuwi ang dalawa, naghanap ang kanilang kamag-anak at mga
kapitbahay. Kinabukasan natuklasan ang mga bangkay. Doon na rin sa balon sila
inilibing. Pinuno ng lupa ang balon.
Pagkaraan ng may isang taon may tumubong halaman sa ibabaw ng balon.
Walang bulaklak ngunit napakabango ng mga dahon.
“Nabuhay na muli sina Malvar at Rosa,” ang sabi ng mga taong nakakaalam sa
mga nangyari, “Sila’y naging isang halaman.”
Ang halaman ay tinatawag nilang Malvarosa. Ang mabangong dahon nito ay
isinasama sa rosas na isinasabit sa kasuotan ng mga dalaga.

3
PATULA- Ang patula naman ay ang pagsulat sa pamamagitan ng mga
may sukat, bilang, tugma-tugma, taludturan at saknong.

Narito ang dalawang halimbawa ng akdang patula, ang tula at epiko.

Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito
ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod Ito ay
may sukat at tugma. Malaya man ang isang tula ay nararapat na magtaglay ng
magandang diwa at sining ng kariktan. Sinasabing may magandang diwa ang isang
tula kung may makukuhang magandang halimbawa dito. May sining ng kariktan
naman kung ang mga pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting
panlasa.

Ang Habilin ni Ama


ni: Avon Adarna

Pumipintig lagi sa aking unawa,


Ang habilin ninyo sa aking gunita,
Hindi mahalaga itong gantimpala,
Higit na mainam - itong ating kapwa.

“Ikilos ang lingap, igawa ang kamay,


Sa unos at bagyo’y sumagip ng buhay
H’wag alalahanin ang premyo at alay,
Na matatamasa sa iyong pagdamay.

Yakapin ang kapwa sa pamamagitan,


Ng bukas na palad ng pagtutulungan,
Itong mga taong nangangailangan,
Sagipin sa luha, kusang saklolohan.

Laging isaisip na makabubuti,


4
Ang magsilbing lugod sa nakararami,
Magbigay ng sinag kahit pa nga munti,
Mas mainam kaysa sa yamang malaki!

Ang ngiti’t halakhak sa dibdib at puso,


Ihain sa ibang may luhang bumugso,
Tiyak magagalak ang Langit at Berbo,
Paglalaanan ka nitong paraiso.

Ang kasaganaan malunod man ngayon,


Umasa ka pa ring may dahil ang gayon,
Di man makalangoy sa imbay ng alon,
Makakamit pa rin sa huling panahon!

Kaya nga piliting umiba ng landas,


Itong mga kamay, gagapin ang palad,
Akayin mo sila sa langit ng pantas,
Upang malasahan ang tamis ng katas!

Maging alipin kang pinakamababa


Ng ating dakilang Poon at Bathala
Tangi mong ibigin na maisagawa
Aymaging tulayan sa anumang hidwa!”

Kahulugan ng Epiko
Ang Epiko o Epic sa wikang ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba-
ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao a mga tao laban sa mga kaaway no halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan

5
Kuwento ito ng kabayanihan noong unang panahon no punung-puno ng mga
kagila-gilakas na pangyayari. Ang mga pangunahing tauhan dito ay
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay
buhol sa lipi ng mga diyos at diyosa,
Ang Epiko ay galing sa salitang Griyego na "epos" na ang kahulugan ay
'awit'. Ang mga ito ay naso anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba iba at
bukod tangi sa bawat rehiyon at hindi makukumpara sa mga kanluraning
epiko.

BUOD NG BIAG NI LAM-ANG

Sina Don Juan at Namongan ay mag asawang naninirahan sa Nalbuan.


Mayroon silang isang anak na lalaki na nagngangalang Lam-ang. hago
ipanganak si Lam- ang, umalis at nagpunta sa bundok si Don Juan upang
sugurin ang mga kalabang Igorot.
Wala pang siyam na buwang nasa sinapupunan ay ipinanganak na si Lam-ang.
Pagkalabas na pagkalabas ni Lam-ang ay agad na itong nakakapagsalita.
Sinabi niya sa kanyang ina na "Lam-ang" ang ipangalan sa kanya at siya na rin
ang pumili ng magiging ninong niya sa oras na siya ay binyagan.
Nagtanong si Lam ang sa kanyang ina kung nasaan ang kanyang ama dahil sa
mga oras ng siya ay ipinanganak wala sa tabi niya ang kanyang ama. Nang
sinabi ni Namongan kung saan naroroon si Don Juan, nagpasya si Lam-ang na
puntahan ang kanyang ama ngunit ayaw itong payagan ng kanyang ina.
Nagpulit itong umalis kaya wala pa ring nagawa si Namongan.
Habang naglalakbay si Lam-ang sa kabundukan ay nagpasya itong
magpahinga muna hanggang sa ito'y makatulog. Habang siya ay natutulog,
napanaginipan
Nang makarating ito sa Nalbuan, ipinahanda niya ang kanyang magagarang
damit dahil pupuntahan nito si Doña Ines Cannoyan. Bago ito umalis ay
ipinahalalanan ito ng kanya ina na maraming maliligaw si Ines. Habang
papunta si Lam-ang sa Calanutian, nakasalubong nito ang isang kaaway, si
Sumarang. Si Sumarang ay isa sa manliligaw ni Ines. Habang nagkakaroon ng
diskusyong sa pagitan ng dalawa, sumilip naman si Ines mula sa bintana
upang tingnan ang kanyang mga manliligaw. Pagkatapos ng paghaharap ni
Lam-ang at Sumarang dumiretso si Lam-ang sa bahay ni Ines Cannoyan. Nag
usap sina Lam-ang at ang mga magulang ni Ines. Napagpasyahan ng magulang
ni Ines na papayag lang silang pakasalan ni Lam-ang si Ines kung magbibigay
siya ng kasing pantay ng yaman ng mga magulang ni Ines. Hindi naman nag

6
alinlangan si Lam-ang at pumayag ito. Pagkauwi ni Lam-ang sa Nalbuan,
sinabi niya sa kanyang ina na ikakasal na siya kay Ines. Pagkatapos ng kasal
nila, naatasan naman si Lam-ang na sumisid ng isang uri ng lamang dagat o
'rarang. Bago pa man gawin ni lam-ang iyon. napanaginipan niyang may
masamang mangyayari sa kanya kaya nagbilin siya sa kanyang asawa na si
Ines, na kapag ang hagdan ay umaga ng malakas at ang kusina ay nasira, ang
ibig sabihin lang nito ay may nangyaring masama na kay lam-ang.

Kinaumagahan, naghanda na si lam-ang para umalis. Pagkarating niya sa


kanyang destinasyon ay agad na itong nagtanggal ng damit at agad na sumisid.
Nabigo siyang makakuha ng rarang sa unang pagkakataon kaya sumubok ito
ulit. Sa pangalawang pagkakataon, nakain na siya ng pating. Dahil sa nangyari
kay Lam-ang, nangyari din ang mga sinyales na binigay ni Lam-ang kay Ines.
Humingi ng tulong si Ines kay Marcos na isang maninisid para hanapin si lam-
ang. Namatay si Lam-ang pero nahanap ang mga buto nito at muling nabuhay
sa tulong ni Marcos at ng Tandang.

Pagkakatulad ng dalawang uri ng panitikan: Ito ay parehong nasusulat sa


masining na pamamaraan, ito rin ay tungkol sa kasaysayan, mga relihiyon,
buhay ng tao at iba pa.

PALAWAKIN PA NATIN!

KAHULUGAN NG NOBELA
Ang nobela ay isang masalimuot na akdang naglalaman ng malalim na
paglalarawan ng mga karakter, mga pangyayari, at mga suliranin na kadalasang
kinapapalooban ng mga suliranin ng mga personal na karanasan, kulturang
panlipunan, at pagsasalaysay ng awtor. Nakukuha nitong ilarawan ang mga
pangyayari at mga sitwasyong may katapat sa aktuwal na buhay dahil na rin sa
kaniyang maluwag at malayang anyo.
Mayroon itong 60,000-200,000 o higit pang salita at 300-1,300 pahina o higit
pa.

7
Bakit tinawag na malayang anyo ang nobela?
Sa nobela naglalagay ang mga imahinasyon ng manunulat hindi sa daigdig ng
kababalaghan kundi sa daigdig na ginagalawan ng karaniwang tao sa isang tiyak na
lipunan.

PAGKAKAIBA NG MAIKLING KWENTO SA NOBELA


Ang maikling kwento ay may kaunting karakter lamang at nakatuon ito sa
pangunahing pangyayari , samantalang ang nobela ay maraming mga karakter o
tauhan at mas maraming pangyayari at insidente.

PAGKAKATULAD NG MAIKLING KWENTO SA NOBELA


Ito ay parehong halimbawa ng akdang pampanitikan at nasusulat sa masining
na pamamaraan. Nagbibigay damdamin sa pagkukuwento o pagsasalaysay sa
pamamagitan ng pagsusulat sa paraan ng maikling kwento o isang nobela. Parehong
nagbibigay ng aral o mensahe sa mga mambabasa.
Napakarami na ng naisulat ng mga tanyag na manunulat noon at ng mga
bagong henerasyon ngayon, bahagi ang nobela sa pag usbong ng panitikan sa
Pilipinas, maging ito ay umusbong din.

Ano nga ba ang mga banyagang akda na nakaimpluwensiya sa pagsulat ng


nobela ng mga Pilipino?
Virgilio S. Almario, naging impluwensiya sa ilang mga nobelistang Pilipino ang
sumusunod na mga akdang banyaga.

 Conde de Montecristo (1844-1846)

Ang kwento ng pelikula na ito, Count of monte Cristo ay isa sa mga kwentong
naging inspirasyon ni Jose Rizal upang isulat ang kaniyang nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo. Maraming bahagi ng pelikula ang halinutlad sa
nobelang El Filibusterismo. Ang paraan ng paghihiganti ni Dantes ay hindi naiiba sa
paraan ni Simon sa El Filibusterismo. Matutuhan sa nobelang ito na ang
pananampalataya sa Dios ay isang matibay na pag-asa ng tao upang mapayapa ang
kaniyang buhay. Si Dantes ay hindi naniniwala sa Dios, ngunit nang makilala niya
ang Panginoon ay natutunan niyang gamitin ang mga bagay sa mabuting paraan. Ang
karunungan ay nagpapayaman sa tao. Gaya ni Dantes, hindi man siya mayaman
noong una ay isa siyang masikap na tao. Ngunit sa kabilang ng kaniyang kamang-
mangan ay hindi siya nawalan ng pag-asa na magsikap upang maghiganti sa mga
taong nagpiit sa kaniya sa kulungan. Nananatili pa rin sa tao ang kabutihang-asal dahil
kahit na matindi ang damdamin ni Dantes na maghiganti, ay hindi niya ginagawang

8
pagtangkaan ng masamang kaniyang mga kaaway bagkus sa paghihiganti niya ay
ipinakita niya sa madla ang tunay nilang mga ugali. Isang magandang pelikula ang
Count of Monte Cristo, isang napakagaling na manunulat ni Alexander Dumas. Hindi
maisusulat ni Rizal ang kaniyang nobela kung hindi niya nabasa ang akdang ito.

 La Dama de las Camellias (1848)


Ang nobelang ito ay nagkukuwento ng isang batang aristocrat. Sa
piksyon ay wala siyang kapalaran na umiibig siya sa isang courtesan.
(Margaret ang courtesan) Sa sukat na pinaplano lumipat sa kanya, sa kabila ng
pagtutol ng kanyang Ama at ang mga pagkiling sa lipunan. Kase ang batang
ito ay may mataas na pangalan o pamantayan sa lipunan at siya ay walang
karapatan na magmahal ng courtesan sapagkat ayaw ng kanyang Ama dahil sa
pamantayan nila sa lipunan.

KASAYSAYAN NG NOBELA SA PILIPINAS

Panahon ng kastila
Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula sa panahon ng kastila na
may paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang asal, nasyonalismo, at pagbabago.
Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang
pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglabag sa
pamahalaang kastila.

Mga uri ng nobela sa panahon ng kastila:

 Nobelang panrelihiyon- nagbibigay diin sa kabutihang-asal


 Nobelang mapanghimagsik- nagbibigay diin sa kalayaan, reporma,
pagbabago, at diwang nasyonalismo.
 Nobelang Didaktibo- nangangaral o nagtuturo ng mga kabutihang loob at
kagandahang asal.

Mga nobela sa panahon ng kastila


Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Ito ay naglalaman ng konsepto, karanasan, kaganapan, o suliranin na kinakaharap ng
mga mamamayan na nabibilang sa isang lipunan at kinapapalooban ng mga isyong

9
kinakaharap ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop o nasa pamamahala tayo ng
kastila. Makikita rito ang pagmamalupit ng mga kastila sa Pilipino sa iba’t- ibang
aspeto o pamamaraan.
Ang Barlaan at Josaphat, (1712) Ang akdang ito ay naitalang mahabang
akdang panrelihiyon na naglalaman ng mga aral na tunay na totoong aakay sa mga
tao sa mga gawaing banal sa pamamagitan ng mga gawa ng mga pangunahing tauhan
sa nobela na sina Barlaan at Josaphat.

BUOD NG BARLAAN AT JOSAPHAT

Ang buod ng barlaan at josaphat ay umiikot sa nabigong pagsisikap ng isang hari


na mailayo sa kristyano ang anak na prinsipe. naituro ni tomas Apostol ang aral ng
diyos sa indya, na pinaghaharian noon ni abenir. Dahil sa hulang magiging kristyano
ang kanyang magiging anak na lalaki, sinikap na ibukod ng tirahan at kapaligiran ang
prinsipeng Josaphat sapul noong isilang ito. sa paglaki ni Josaphat. Narinig nya ang
tungkol sa kamaharlikaan ng bagong relihiyon. Natutuhan niyang pag-isipan ang
buhay ng kamatayn nang matanaw niya ang isang taong kahabag-habag.
Nabalitaan ng matandang paring si Barlaan, na nasa Senaar, ang tungkol sa mabuting
kalooban ni Josaphat. Nagpanggap siyang isang tagapagtinda kya nakatagpo niya si
Josaphat, na nahikayat niyang magpabinyag. Lahat ng ito'y lingid sa kaalaman ni
haring Abenir hanggang sa makaalis na sa palasyo si Barlaan.
Nang matuklasan ni haring Abenir ang nangyari sa ank, iniutos niyang dakpin si
barlaan, ngunit di ito matagpuan. May pinapagpanggap na Barlaan ang hari at siyang
dinakip. Sa gayon, sa pag- aakalang malagim ang kararatnan ng kaibigang pari,
nagtapat si Josaphat sa hari. Ngunit ang ganito'y nagging daan para pagsikapan ni
Josaphat na hikayatin ang ama. Napagkillala ni Abenir na kailangang paghimok ang
gamitin sa anak at hindi pagbabanta. Sa gayon, hinamon ni Abenir ang anak saka ang
mga kapanalig nito sa isang pagtatalo, at kung mananalo si Josaphat at Barlaan
Magpapabinyag ang hari at ang mga kampon nito. Nanalo sina Josaphat.
May tauhan ang hari na nahikayat nang una ni Josaphat kya nagalit ang hari. Pinalitan
niya ng mga Mapanuksong babae ang mga tagasilbi sa palasyo. Nagdamdam si
Josaphat sa ama dahil sa tangkang pagbubulid nito sa kanya sa kasamaan.
Iminungkahi ng ministro ni Abenir na hayaang mamuno sa isang hiwalay na kaharian
si Josaphat. Pumayag si Abenir. Subalit maraming tao ang lumipat sa kaharian ni
Josaphat,kya naisip ni Abenir na marapat lang na pabinyag siya. Iniwan niya ang
kaharian kay Josaphat at namuhay siya nang tahimik hanggang sa mamatay. Ibig din
naming manahimik ni Josaphat kya iniwan niya ang kaharian sa isang tapat na tauhan,
si Barachias, at hinanap niya si Barlaan hanggang sa matagpuan niya ito.

10
Minsan tinawag ni Barlaan si Josaphat at sinabing malapit na siyang mamatay.
Pinasundo niya kay Josaphat ang mga monghe sa di-kalayuang monesteryo. Nagmisa
si Barlaan bago mamatay.
Nanaginip minsan si Josaphat at nakita niya ang dalawang korona: isa para sa kanya
at isa para sa ama. Sinabi niyang hindi marapat ang kanyang ama. Lumitaw sa
pangitain si barlaan at sinisi siya nito. Nagsisi si Josaphat. Namuhay siya bilang
ermitanyo. Nang mamatay siya, inilibing siya sa puntod ni Barlaan.
Nang mapag-alaman ni Barachias na namatay na si Josaphat, pinahanap niya ang
libingan nito. Nang hukayin nila ang puntod, natagpuan nilang buo ang mga mabango
pang bangkay ng dalawa, na napabantog mula noon, kya naman marami pa ang
nagpabinyag.

1-2. Dalawang banyagang akda na nakaimpluwensiya sa pagsulat ng nobela ng mga


Pilipino?
3. Ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na
walang ano mang paglabag sa pamahalaang kastila.
4. Nobelang nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang
nasyonalismo.
5. Nobelang nangangaral o nagtuturo ng mga kabutihang loob at kagandahang asal.
6. Nobelang nagbibigay diin sa kabutihang-asal.
7-10. Magbigay ng tatlong (3) nobela sa panahon ng kastila.

Tukuyin Mo!

Panahon ng mga Amerikano (1900-1940)


Sa simula ng pananakop ng mga Amerikano hindi nagkapuwang ang pagsulat ng
nobela, sa halip mga sanaysay at talumpati ang naging behikolo ng pamamahayag
para magsilbing propaganda pampaalab sa damdamin at kaisipan ng mga
mamamayang Pilipino, upang magkaroon ng kaisipan sa pagtuligsa sa di kanais-nais
na pamamalakad ng mga bagong pinuno ng Amerikano.
Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng
Amerikano.

Panahon ng Aklatang Panahon ng ilaw at Panahon ng malasariling


Bayan panitik Pamahalaan (1934-1942)

11
(1900-1921) (1922-1934) Pangulong Manuel L.
Pangulong tagapagtatag: Quezon
Rosauro Almario

Bakit tinatag ang aklatang bayan?


Upang mapadali at mapalaganap ang panitikan. Noong panahon ng aklatang bayan
naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksang tungkol sa pag-ibig,
paghihimagsik, buhay lalawigan at karanasan.
Ilinalathala sa mga pahayagan ang mga nobela na payugto-yugto o hinahati sa
parte ang nobela sa mga kabanata. Si Lope K. Santos ang Ama ng “Balarilang
tagalog” ang nagsimula ng ganitong paglathala.
Narito ang mga nobelang nailathala ng mga pahayagan.

 Salawahang pag-ibig ni Lope K. Santos kauna-unahang nobelang


patuluyang nasusulat sa wikang tagalog sa pamamagitan ng diyaryong “ang
kaliwanagan” de serye o kaba-kabanata o dugtungan nitong tunghayan at
labasan ng taong bayan. Tumatalakay ang Salawahang Pag-ibig sa paksain
tungkol sa reporma, pag-ibig ugaling pilipino at pamilya.

 Nena at Neneng- itinuturing na obra maestra ang nobelang Nena at Neneng


ni Valeriano-Pena na kinilalang Ama ng Nobelang Tagalog. Umiikot ang
istorya kina Nena at Neneng sa mga pagsubok na kailangan tiisin kanilang
pagkakaibigan, at sa magkaibang kapalaran nila nang magpakasal sa kani-
kaniyang kasintahan.

BUOD NG NOBELANG NENA AT NENENG

Matalik na magkaibigan si Nena at Neneng kapwa mananahi ang


kanilang hanapbuhay. Nagkaroon ng kasintahan ang dalawang dalaga. Unang
naging kasintahan ni Nena si Miguel ngunit di nagtagal ang pagsibol ng
kanilang relasyon. Kaya nanligaw si Miguel kay Chayong kasintahan naman
ng pinsan si Narciso o Sochong. Ginahasa niya ito. Si Miguel ay sugapa sa
sugal, bukod sa singungaling at na bilanggo dahil sa kasamaan hanggang
mabulok saka namatay sa bilibid. Nagkaanak si Chayong at si Narciso ang
naging ninong. Isang araw na dinalaw ni Narciso ang inaanak, nakabangga
niya si Neneng na maghahatid ng tahi para kay Chayong. Ito ang simula ng
pagkakilala ng dalawa na humantong sa pagiging magkasintahan. Si Nena ay
umuwi sa kanilang nayon dahilan ng pagkamatay ng kanilang amain. Dito
niya nakita muli ang kababatang si Deogracias, nagkaibigan sila at di nagtagal
ay nagpakasal. Inimbitahan ni Nena ang magkasintahang Neneng at Narciso.
Sa kasalan, dito nakita ni Isko si Neneng na sa unang tingin pa lang ay

12
sumibol ang pag-ibig ni Isko para kay Neneng, na agad namang tinutulan ni
Neneng dahil mayroon siyang kasintahan. Nagpakasal sina Neneng at Narciso.
Hindi parin tumugil sa panunuyo si Isko, lumuluwas pa rin siya sa Maynila
paraligawan si Neneng na taliwas sa kaalaman ni Narciso. Dahil sa isang
liham ni Isko para kay Neneng na nabasa ni Narciso, at minsang umuwi si
Narciso sa tahanan nila nakita niyang tumalon mula sa bintana si Isko. Dahil
sa pagkaseloso’y humahangga sa kawalan ng bait. Inakala ni Narciso na
nagtataksil sa kanya si Neneng kaya nilayasan niya ang asawa.Dinamdam ni
Neneng ang pag-iwan ng asawa. Umuwi siya kina Nena at salikod ng pag-aliw
ng kaibigan, nagkasakit si Neneng at tuluyang namatay.Si Narciso ay di
mapalagay kaya bumalik siya sa kanilang tahanan. Ngunit hulina ang lahat,
nabatid na yumao na si Neneng dahil sa pagkasiphayo sa pag-ibig.Nang
malaman niya mula kay Nena na patay na ang asawa at mabasa ang liham ni
Neneng na nagpapaliwanag na wala itong kasalanan sa bintang nito sakanya.
Nagmamadaling nanaog ng bahay si Narciso upang magtungo sa libingan ni
Neneng para humingi ng tawad, sa kanyang pagmamadali nadulas siya sa
hagdanat sa pagkakahulog tumama ang kanyang ulo sa bato upang maging
sanhi ng kanyang pagkamatay.

 Ang Mag-inang mahirap Valeriano Hernandez Pena at ito ay nailathala sa


“Huling pagsilang.” Ang nobela ni Hernandez Pena ay hitik sa sapin-saping
pangyayaring may hibo ng realism, na nagpapamalas ng kuwento sa loob ng
mga kuwento, at ang wakas ay hindi nangangako ng maalwang bukas.
Nililinang sa akda ni Hernandez Pena ang konsepto ng “hustisya” sa iba’t-
ibang paraan, at maiuugnay ito sa pananaw sa kahirapang hindi lamang
madarama sa pisikal na antas bagkus maging sa moral at emosyonal na antas.

BUOD NG MAG-INANG MAHIRAP


Valeriano H. Pena

Walang naiwang testamento ang mga magulang nina Martin at Mamerto. Dahil
dito’y kinamkam ni Martin ang mana ni Mamerto. Madaling nagawa ito ni Martin
sapagkat siya’y nag-aral at si Mamerto’y hindi.
Ang kasakiman ni Martin ay hindi dito natapos. Kinamkam din niya pati ang
lupang sariling pundar ni Mamerto. Ito sana ang mana ni Aling Munda kaya’t ito’y
hinabol niya sa husgado. Subalit natalo si Aling Munda sa usapin at namatay pa ang
kanyang asawa. Noo’y dalawang taon pa lamang si Pilar.

13
Upang makapagtawid-gutom silang mag-ina, si Aling Munda’y nandamo sa
bukid, nangapa ng isda sa ilog, at nag-araw sa pagtatanim at paggapas ng palay.
Mismong si Kapitan Martin ang nagbigay sa mag-ina ng bansag na ‘Mag-inang
Mahirap.
Ngayo’y dalaga na si Pilar at patay na si Kapitan Martin at si Martinang asawa ni
Kapitan Manuel. Nakasilip si Aling Munda ng pag-asang makaahon sa kahirapan
dahil sa pakitang-tao ni Kapitan Manuel. Subalit nauwi sa wala ang lahat. Pinalabas ni
Kapitan Manuel na nakasangla sa napakataas na halaga ang mga lupang mana ni
Aling Munda.
Samantala’y sumiklab ang rebolusyon ng mga katipunero laban sa mga Kastila.
Tumakas mula sa bilangguan sina Alberto, Limbas, at Halimaw at sumapi sa
Katipunan. Si Alberto’y natanyag bilang puno ng isang maliit na pulutong ng mga
katipunero.
Matapos lagdaan ang Kasunduang Biak-na-Bato, mistulang bayaning nagbalik si
Alberto sa nayon ng B… upang makipag-isang dibdib kay Pilar. Subalit si Alberto’y
inagaw ng isang Julia. Dala ng pagsisisi, nagpakamatay si Alberto at si Julia nama’y
namatay sa panganganak.
Isinumpa ni Pilar na siya’y miminsang umibig. Subalit pinakasuyo ni Juan si
Aling Munda. Bilang pagtanaw ng utang na loob dito (hinango ni Juan si Pilar sa
bilangguan) at upang mahango silang mag-ina sa kahirapan, hinikayat ni Aling
Munda si Pilar na pakasal kay Juan.
Pumayag si Pilar sapagkat utang niya ang kanyang buhay sa kanyang ina. Gasino
nang magpakasal sa isang lalaking hindi niya minamahal?
Idinaos ang kasalan. Lumulutang sa kaligayahan si Juan, subalit tumatangis ang
puso ni Pilar. Sa gitna ng masayang salusalo matapos ang kasal, inatake sa puso si
Pilar. Natapos ang kasaysayan sa pagtangis ni Aling Munda sa bangkay ni Pilar.

 Ang Sampaguitang walang bango (1918) Inigo Ed Regalado. Dumating


ang panahon ng Ilaw panitik hindi naging maunlad ang nobela at nahalina
ang mga manunulat na sumulat ng tula at maiklingkwento.

Buod ng Sampagitang Walang Bango


Ni Inigo Ed Regalado
Si Nenita at Paquito ay dating magkasintahan nang sila’y nasa haiskul pa. Labis
silang nagmamahalan subalit magkaiba ang kanilang daigdig. Si Paquito ay mahirap
14
samantalang si Nenita ay nakaririwasa. Dahil dito’y naisip ni Paquito na gumawa ng
paraan upang sila ay magkasira. Pinaselos niya si Nenita sa panliligaw kay Liling, isa
nilang kamag-aral. Sumama ang loob ni Nenita at hindi na ito nagpatuloy sa pag-
aaral. Upang makalimot ay sinagot niya si Don Bernardino Deala na kilala sa palayaw
na Bandino. Siya’y isang matagumpay na mangangalakal. Natakda ang kanilang
kasal. Ang pag- aasawa ni Nenita ay lubhang dinamdam ni Paquito at ibuhos na
lamang niya ang kanyang panahon sa pag-aaral. Nakatapos siya ng abogasya at
naging matagumpay. Sa isang pagdiriwang sa Malakanyang na handog ni Gobernador
Harisson na nagsisibuo ng lehislatura ay muling nagkita ang dalawang
magkasintahan. Abalang-abala si Nenita sa dami ng nakikipagsayaw at
nakikipananyam sa kanya. Dito niya nakasayaw si Paquito at muli silang
nagkabalitaan.
Namahinga sila sa bintana sa dakong ilog at dito’y naikwento ni Nenita na si Bandino,
ang kanyang asawa ay mahilig na masyado sa babae. Naawa si Paquito sa kanya at
muling nagkapalagayan sila ng loob. Sila’y nagkayaring magkikitang muli. Sina
Bandino at Nenita ay may kapitbahay, si Don Diego. Humahanga siya kay Nenita.
Mapalad daw si Bandino sa pagkakaroon ng asawa na bukod sa maganda ay
mapagkakatiwalaan pa. Lagi niyang inaalalahanan si Bandino na ang ginagawa nito’y
maaari ring magyari sa kanya kung hindi siya hihinto sa kapilyuhan. Samantala, sina
Nenita at Paquito ay patuloy sa pagtatago at ang kanilang pag-iibigan ay lalong
naging makulay. Lingid sa kanilang kaalaman sa isa nilang pagkikita ay napansin sila
ni Don Diego na noon ay namamasyal din. Nasira ang kanyang pagpapahalaga kay
Nenita. Si Liling naming kasintahan ni Paquito ay nakabalita na rin tungkol sa
dalawa. Sumulat siya kay Paquito upang sila’y magkasira na. Nagkasundo sina
Paquito at Liling na mag-usap sa pagdiriwang sa tahanan ni Collantes. Sa
pagdiriwang ay naging tampok si Liling dahil sa kanyang kagandahan at kahinhinan.
Ito ay ikinatuwa ni Paquito at habang sila’y mag-uusap nangunit ipinatawagsiya si
Nenita. Tumutol si Paquito at sa takot na may makapansin sa kanila’y nanaig din
Nenita. Sa gayon ay nagpatuloy ang madalas na pagkikita nina Nenita at Paquito.
Hanggang sa sila’y natuklasan ni Lijukom, ang matalik na kaibigan ni Bandino.
Ipinagtapat niya lahat kay Bandino ang lahat ng kanyang nalalaman. Hindi
makapaniwala si Bandino kaya’t napagkasunduan nilang subaybayan si Nenita.
Napatunayan niya ang katotohanan tungkol sa pagtataksil ng dalawa. Naging paksa ng
usap-usapan sina Bandino at Paquito. Kinabukasan sa pag-uwi ni Bandino ay
nadatnan niyang natutulog si Nenita at ang kanilang anak na si Neli. Niyakap niya si
Neli na ikinabigla nito. Nagising si Nenita at sila’y nagkaharap. Nalaman ni Nenita na
batid na ni Bandino ang kanyang kataksilan. Humingi ng tawad si Nenita at sinabing
nagawa niya ito dahil sa pagpapabaya at pambabae ni Bandino. Gusto nang utangin
ang buhay ng asawa subalit nagpigil siya alang-alang sa anak nila. Naisip ni Bandino
na magpakamatay na lamang. Nagtungo sa hardin si Bandino at akmang kakalabitin
na lamang ang gatilyo ng baril nang biglang yumakap ang kanyang anak.
Pumutok ang baril at walang natamaan. Kumalat ang balita sa buong Maynila.
Nabalitaan ito ni Liling at ito’y nakipagsira kay Paquito. Sa sama ng loob ay nagtungo

15
si Paquito sa Mindanao. Ipinalagay ni Nenita na kahinaan ng loo bang pagtalilis sa
kanya sa kanyang oras ng pangangailangan. Si Bandino naman ay nagpasyang
mangibang bansa kasama si Neli upang makalimot. Ang paglayo nila ay ipinagdusa at
pinagsisihan ni Nenita. Hinahanap-hanap niya ang kanyang anak na labis niyang
minamahal. Ang akala ng iba’y katangi-tangi ang kagandahan at kadalisayan ni
Nenita iyon pala’y isa siyang Sampagitang Walang Bango.

Panahon ng Ilaw at Panitik


Ang panahon ng pagpapalaganap o popularisasyon, kinawiwilihan ng mga
mambabasa ang kwentong patungkol sa pag-ibig, lalo na ang mga tapat na dakilang
pag-ibig.
Ang paglabas ng Liwayway noong taong 1922 ang siyang higit sa lahat ay nagpasigla
sa mga sangay ng panitikang Pilipino lalo na sa tula.
Ang Liwayway ay isang magasin na naglalaman ng mga maikling kwento at
sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para sa paglago ng
kamalayan ng mga Pilipino.
Ang mga halimbawa ng nobela sa panahon ng ilaw at panitik

 Mutyang Itinapon-ni Rosalia Aguinaldo, isa sa mga akda ng pag-ibig.


Meron itong uri ng isang sangkap ng nobelang Popular katulad na lamang ng
mahirap sa mayang pag-iibigan, may mga magulang na tutol sa pag-iibigan,
naging kayo at pinagtagpo ng kapalaran, at kapatawaran sa isa’t-isa.

 Magmamani- Teofilo Sanco


Sa kabila ng ilang imposibleng pangyayari sa nobela, at marahil sa maselang
pagpili ng nasabing ng insidente, ang Ang Magmamani ay naging pinaka sikat
na nobelang popular noong ikatlong dekada.

Buod ng ANG MAGMAMANI"


NI TEOFILO E. SAUCO

Tampok sa nobelang Ang Magmamani (1924) ni Teofilo E. Sauco ang


pakikipagsapalaran ng mag-inang pinaghiwalay ng tadhana ngunit
pagbubuklunin muli dahil sa pag ibig sa isang lalaki. Si Tentay (Vicenta
Gomez) na mula sa alta susyedad ay nabuntis ng kaniyang kasintahang si
Ventura Villaroman, ngunit napilitang paampon ang kaniyang sanggol sa

16
solterang si ingkang Pinong na taga-Baliwag, Bulakan Sisikaping palakihin ni
Ingkang Pinong ang bata, na sa paglipas ng panahon ay magiging marikit na
dalagang tatawaging si Ninay
Pagtatanim at pagtitinda ng mani at iba pang gulay ang ikinabubuhay ni
Ingkong Pinong, at balang araw ay kakatuwangin niya si Ninay sa pagtitinda
ng mani. Hahangaan naman u Ninay sa sapag nita't bait, at pagnanasahan ng
mga binata. Ngunit walang makapangahas makapanligaw sa kariya dahil sa
pangingilag kay Pinong, hanggang makilala ni Ninay ang binatang si Luis na
taga-Maynila. Pinakyaw ni Lois ang tindang mani ni Ninay, hahabulin ang
dalaga, at pagkaraan ay yayayaing pakasal. Subalit may isang balakid. May
isang babaeng kinakasama si Luis, at iyon ay s si Tentay na dating mananayaw
sa kabaret sa Santa Ana. Matutuklasan ni T Tentay ang retratong kuha ni Luis
kay Ninay, at maghihinuha si Tentay na anak niya ang dalaga dahil kahawig
na kahawig niya ito
Hahanapin ni Tentay ang kinabobaliwan ni Luis, at nang matiyak kay ingkong
Pinong na si Ninay ay anak nga niya, kukurnbinsihin ni Tentay ang matanda
na pumayag na sa pagpapakasal ng magkasintahan. Lalayo si Tentay at
papasok sa kumbento upang mapalayo kay Luis. Samantala, hihimukin at
paaaralin naman ni Luis si Ninay na pumasok sa kolehiyo at nang makatapos
makapag-aral. Makilala ni Ninay si Tentay sa loob ng kumbento, at
magtuturingang mag-ina, subalit mananatili ang lihim hangga't hindi
nakakasal si Ninay kay Luls.
Sa dakong hull'y magkakasakit nang malubha si Tentay na nagtatago sa
ngalang Madre Victoria Fuentes. Mangungumpisal siya sa pari, ngunit
pinagtiyap naman ng pagkakataong ang nasabing pari ay siya pala niyang
dating kasintahang si Villaroman. Matutuklasan din ni Padre Villaroman na
anak niya si Ninay na ipinaampon sa matandang Pinang, at ang babaeng
pakakasalan ni Luis. Ang pangungumpisal ni Tentay ang sukdulan ng
kuwento, dahil doon mabubunyag ang lahat ng lihim na kipkip ni Tentay
mulang pagdadalaga hanggang pagiging
baylarina tungong pagiging kahit ni Luis hanggang pagsisikap maging madre
para tuwid ang mga pagkakamali
Makakasal sina Luis at Ninay, samantalang magkakapatawaran sina Padre
Villaroman at Tentay. Mamamatay si Tentay dulot ng karamdaman, at
pagkaraan niyon ay lalasapin naman ng mag-asawang Luis at Ninay ang
bagong buhay at saganang pagsasama. Aalagaan nila si Ingkong Pinong, ut
ipasasaka sa iba ang lupain nitong lean sa pagtatanim ng mani. At magbabalik
sina Ninay at Luis sa Tisong, Baliwag, Bulakan upang magbigay-galang sa
amang s Padre Villaroman, at sanwain ang nakaraang "hindi na babalik sa
kanila kailan man.
Ang Kwentong Magmamani ay isang ROMANTISISMONG PAGDULOG dahil sa
kwento, pinairal og mga tauhan. ang tungkol sa kanilang damdamin at damdamin ng
ibang tao.

17
Panahon ng Malasariling Pamahalaan
Noong panahon naman ng mala sariling pamahalaan, bumaba ang uri ng
nobela dahil sa pagkakahilig ng mga tao sa mga tula at maikling kwento at sa
pagbabago ng panahon.
Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging
tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang
nagpabagsak sa pamahalaang Kastila. Ito ang panahon ng Komonwelt, na sa
panahong ito ay naipatupad ang wikang opisyal.

Panahon ng mga Hapon (1941-1945)


Noong unang panahon ng hapon ay hindi din naging maunlad ang nobela
dahil sa kakulangan ng materyales na papel. At dahil dito niliitan ang mga letra sa
pamahayagang liwayway
Ang nobela noong Panahon ng Hapon ay hindi naging maunlad. Kung mayroon mang
mga nalimbag ay ginamitan lamang ito ngmaliliit na titik sa pagimprinta. Ito’y dahil
narin sa kakulangan ng materyales. Sinunog din ang mga akdang nasusulat sa wikang
Ingles.

Halimbawa ng nobelang sa Panahon ng Hapon:

 3 Maria ni Jose Esperanza Cruz

BUOD NG TATLONG MARIA


Ni Jose Esperanza Cruz
Ito ay patungkol sa pagiibigan at sa pamilya. Pagkakaiba ng paninirahan sa
lungsod at sa nayon.
Mga nakatagong mensahe: Ito ay isang masamang klase at estilo ng pamumuhay
na hindi dapat tularan dahil sa pagkakaiba ng ugali ng 3 magkakapatid.
Sina Maria Fe at Esperanza ay magkapatid habang si Maria Caridad ay kapatid
lamang sa Ama. Ang Ina ng dalawang Maria ay pumanaw na. Si Donya Pilar ay ang
Ina ni Caridad. Pantay-pantay ang pagmamahal ni Donya Pilar sa tatlong maria.

18
Ikakasal dapat si Caridad kay Andres. At pumunta ang dalawa. Hindi para dumalo ng
kasal. Kundi para tutulan ang kasal .At sabihing paghatian na ang ari-arian na naiwan
ng kanilang Ama. Nang hindi matuloy ang kasal. Niyaya ng dalawang Maria si
Caridad upang pumunta ng Maynila. Kung saan sila ay puro pagsasaya. May
ipinakilalang milyonaryong lalaki kay Caridad. At nagkagusto ito sakanya ngunit
ayaw ni Maria. Isang araw ay sinadya ni Andres si Caridad sa Maynila upang sabihin
na ang kanyang Inang siDonya Pilar ay nanghihina na. Sumama si Caridad pabalik ng
lalawigan. Sa sobrang saya ni Donya Pilar ay ipinakasal niya ang dalawa, si Maria
Caridad at Andres.Di kalaunan ay pumanaw narin si Donya Pilar. Masaya silang
namuhay ng simple. Nagtatrabaho si Andres sa kanilang bukirin. Ngunit, isang araw
ay may isang estranghero ang kumatok sa kanilangan tahanan para sabihin nasila ay
kinakailangan ng umalis sa loob ng sampung araw. Nalaman nilang ibinenta pala ni
Maria Fe ang lupa. Kung kaya’t sinadya nilang puntahan si Maria Fe sa Maynila
upang kausapin ukol dito. Ngunit bigo ring bumalik ng lalawigan. Nang magbago ang
kapalaran. Ang dalawang Maria naman ang nahirapan. Bumalik sila ng lalawigan.
Pinatawad at tinanggap naman silang buong puso ni Caridad. Araw ng pagtatag ng
(Ikalawang) Republika nang magsilang ng malusog na sanggol si Maria Caridad.

 Sa Pula, sa Puti- pinakatanyag ni Francisco Soc Rodrigo

Realismo. Ang nobela ay pumapaloob sa teoryang realismo sapagkat ang mga


pangyayari sa kwento ay makatotohanan sa mga pangyayari sa tunay na buhay ng
mga tao. Halimbawa nito ang pandadaya ni Kulas at Castor na siyang patuloy na
nangyayari sa hanggang ngayon na hindi maganda ang naidudulot sa bawat isa. Sa
pagkalululong na rin sa sugal ay ang halimbawa nito.

Buod ng Sa Pula, Sa Puti


Ni Francisco Soc Rodrigo

Si Kulas at Celing ay ang magasawang hindi masyadong mayaman o mahirap,


katamtaman lang ang katayuan nila за buhay. Kaya lamang ang asawa nitong si Kulas
ay nalululong sa bisyo ng pagsasabong ng manok. Namomroblema itong si Celing sa
asawa sapagkat lagi nalang tale kung umuwi ang anawang si kulas galing sa sabong.
Kung kaya ay umisip siya ng paraan para hindi sila tuluyang mabaon sa kahirapan.
Valihim niyang pinapupusta ang engot na kasambahay na si Teban sa manok ng
kalaban upang kahit manalo man o matalo si kulas sa sabong ay wala pa ring talo.
Nagpatuloy ang ganoong gawain hanggang sa isang araw ay para yatang nawawalan
nang pag-asa itong si Kulas sapagakat hindi naman daw pabor sa kanya ang suwerte
kung kaya ay nakapagdesisyon siyang iwan na ang pagsasabong. Ngunit nagbago na
19
lamang ang kanyang isip ng siya ay mapagpayuhan ni Castor, kasamahan rin niya sa
sabongan, sa mga sandaling iyon ay tinuruan ni Castor si Kulas sa mga nararapat
nitong gawin na nga estratehiya upang manalo si kulas. Sa katagsian ng kanilang pag-
uusap, hanggang sa muli nanamang nabuhayan Itong al Kulas a mananalo siya sa
Subukan Nyo!
sabong sa pagkakataong ito. Muli ay nanghingi siya perang pamusta sa sabong kay
Celing sabay nangakong kung matatalo pa siya sa pagkakataong Lyon ay malaya na si
Celing na Thawin ang lahat ng kanyang Tinali at nangako rin siyang kakalimutan na
niya ang sabong.
Sumapit na nga ang oras ng pagsasabong at pumunta ng palihim si Kulas na pumusta
sa manok ng Kalaban gaya ng Itinuro ni Castor sa kanya. Pinapusta rin ni Aling
Celing si Teban sa manok ng kalaban. Ngunit sa di Inaasahang pangyayari ang manok
ni Kulas na sadyang tinusok ng karayom ang paa upang sadyang humina at tuluyang
matalo ay siya palang mananalo sa labanan ng mga tinali. Sa pagkakataong Lyon ay
kapwa natalo sa augal ang mag-asawang Kulas at Castor at wala man lang silang
nakuha kahit ni katiting na kusing. At natupad ang kasunduan ng mag-asawa na
ilhawin ang lahat ng tinali at magbabago na si Kulas sa kanyang bisyo ng pagsusuga.

Bumuo ng tatlong (3) pangkat sa loob klase at magsagawa ng dulaan patungkol sa


pangyayari sa tunay na buhay ng mga tao, maaring ito ay patungkol sa pagsusugal,
pagnanakaw, alitan ng mag-asawa o kaya naman ay kalagayan o estado ng
pamumuhay sa isang lipunan.

Panahon ng Republika (1946-Kasalukuyan)


Noong panahon ng ikatlong republika ng pilipinas,walang pagbabago sa sistema
ng pagsulat ng nobela at ito ay naging tradisyonal, tumatalakay ang mga paksain
tungkol sa nasyonalismo,isyung panlipunan at naglalayong mangaliw ng mga
mambabasa.
Halimbawa ng nobelang sa panahon ng Republika.

 Binhi at bunga Lazaro Francisco

Ang pagpapahalaga sa disiplina na tulad lamang ng ginawa ni David, pinapakita nya


kung gaano sya kabuting anak at at studyante na kahit anong gawing pangungutya sa
kanya ay nagagawa nya paring sumunod sa kanyang mga magulang.

 Pinaka sikat na Dekada 70 ni Luwalhati Bautista

Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip


sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970. Tinatalakay nito kung paano

20
nakibaka ang isang mag-anak na nasa gitnang antas ng lipunan at kung paano nila
hinarap ang pagbabago sa pamahalaang Marcos.

 Luha ng Buwaya (1962) ni Amado V. Hernandez

Ito ay kinapapalooban ng dalawang pangunahing paksang diwa. Una na rito ay


ang kasakiman ng isang mayamang angkan ng sampilong. Pangalawa naman ay ang
pagkakaisa ng mga magsasaka at iskuwater tungo sa pagbabago.

Buod ng Luha ng Buwaya


Ni: Amado V. Hernadez

Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng


lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon
matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni
Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na
nagbakasyon muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng
malaking handaan sina Don Severo at Donya Leona Grande, ang mga
pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina
Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa
Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka ,
at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila'y
lagging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga
mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw
matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi
pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang
pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa.
Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na
magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang
mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong
nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng
mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at
tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay 'Tambakan' o 'Bagong
Nayon' at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di
nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng
kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang
dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa
pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa
kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng
Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng

21
hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande.
Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip
ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-
sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.

 Daluyong ni Lazaro Francisco

Ang mga “Daluyong” sa buhay ay may mga pagsubok lamang na naglalayong


patibayin ang loob at bigyan ng aral ang isang tao. Pagsisikap at diterminasyon ang
auai upang mapaunlad ang buhay ng isang tao. Dito pa lamang sa paksang diwa ay
malalaman na natin kung tungkol saan ang nobela.

Buod ng Daluyong
Ni: Lazaro Francisco

Nang umagang iyon ng Mayo 21,1955 habang nakaupo sa isang kareta sa


ilalim ng punong kawayan ay pinagmamasdan ni Lino ang kanyang bukid, bukid na
hinuhulugan niya taun-taon. Balo na siya at naisip na ipamana niya ito sa kanyang
anak na si Ernesto. Batid niya na napakalaki ng utang na loob sa mga taong tumulong
sa kanya (Padre Amando, Ms. Sachez at Koronel Roda). Naisip niya na anyong siya
ay nakabayad tulungan si Koronel Roda na paibigin si Ms. Sachez kahit batid niyang
huli ay may pagtingin sa kanya.
Malapit sa bukid ni Lino ang bahay nina Huli, mayuming dalaga na
nililigawan ni Bidong. Ayaw ng mga magulang nito sa huli sa kadahilanang ito ay
mahirap at sa masamang pagkakakilala rito.
Samantala, si Padre Amamdo ay pinangunahan ang pagbuwag sa sistema ng
pakikisama sa sakahan o tenancy system. Maraming mga negosyate ang tumutol ditto
at isa na rito si Don Tito.
Isang umagang patungo siya sa bahay ni Ms. Sachez ay kanyang nasalubong
ang kanyang kaibigan si Albino, na katiwala ni Don Tito sa bakahan. Sinabi ni Albino
na nais ni Don Tito na gawin siyang katiwala ng kanyang asyenda. Maruhat at pinuno
ng mga bodyguard ni Dr. Benigo Sityar, na anak nito. Tinutulan ito ni Lino dahil sa
nalaman niyang isa si Don Tito sa mga tumututol sa mga balak ni Padre Amando.
Sa kanyang pagdadalaw-dalaw sa anak na si Ernesto ay kanyang nahalata na
may pagtingin din it okay Ms. Sachez. Naisip niya na limutin na lamang ang pag-ibig
niya rito dahil sa alangan siya rito. Humanap siya ng ibang mapag-uukulan at ito ay

22
kanyang natamo kay Didang isang dayo sa Maruhat. Sa mismong araw ng kaarawan
ni Ms. Sachez, natamo ni Lino ang kasagutan ni Didang.
Pagkatapos nito, ay dumalas ang dalaw ni Lino rito. At sa bawat pagdalaw ng
una ay unti-unti naming naipagtatapat ang kanyang nakaraan. Tinanggap naman ito ni
Lino ngunit ang babae na rin ang nagsabing binibigyan niya ito ng hanggang Agosto
20 upang magbago ito ng pasya.
Samantala, parang nagpipiyesta ang mga tao sa pnyahan nang palagdain sila ni
Padre Amando sa kasunduan sa Pamumuwisan na simula ng pagbuwag ng tenancy
system. Ang bagay na ito ay lubos na nakaligalig kay Don Tito.
Sa minsang pagdalaw ni Lin okay Didang ay iniwanan niya si Bidong ng baril
at sinabing maging handa. Pagbalik niya ay hindi niya ito dinatnan dahil ito pala ay
nangharang ng bus ang nakuhang salapi ay ipinamigay sa mga dukha ng Maruhat.
Hinangad ni Lino na ito ay pagtakpan.
Sa kabilang dako, sa hangad na mapaglubag ang loob ni Don Tito at ang anak
nito ay ibinigay niya si Bidong bilang kapalit nbiya sa pagiging bodyguard. Nalalapit
na noon ang Linggo ng Wika at naghahanda ng palatuntunan si Ms. Sachez.
Pinadalhan ni Ms. Sanchez ng paanyayahan si Lino sapagkat mananalumpati ang
kanyang anak na si Ernesto. Ngunit nakatanggap ito ng balita sa kanyang kaibigang si
Albino na nanganganib ang buhay ni Bidong.
Hindi nakadalo si Lino sa palatuntunan. Sa halip hinanap niya si Bidong na
tumakas sa asyenda ni Don Tito. At nakita buya ang pagtugis at pagpatay rito. Ang
bangkay ni Bidong ay dinala ni Lino sa simbahan at pinagpayuhan siya ni Padre
Amando na huwag maghiganti.
Pagkatapos ng libing ni Bidong ay umuwi si Lino kasama si Albino sa
kanyang bukid. At Kanilang nakita ang panununog na ginawa ng di kilalang mga tao.
Kanilang tinugis ang mga ito.
Samantala, dahil sa pagpunta ni Lino sa usapan nila at nagp[asya si Didang na
lumisan na lamang. Nang malaman ito ni Lino, ito ay kanyang sinundan ngunit hindi
niya ito nakita.
Si Ms. Sanchez naman ay palubha ng palubha dahil sa hindi niya pagkita kay
Lino. Dahil ditto, hiniling ni Padre Amando na hanapin si Lino at bago mamatay si
Ms. Sachez ay kanyang nasilayan si Lino.

Dekada 50
Lumaganap sa panahong ito ang problema sa lupa at insureksiyon kung
kaya, lumutang ang mga paksang may kinalaman sa mga suliraning panlipunan at
kakaibang larawan ng buhay sa nobela.

23
Halimbawa ng Nobela noong Dekada 50:

 “Maganda pa ang Daigdig” (1955) Lazaro Francisco

Ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang


kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan, at
diskriminasyon.

 Ang Tondo man ay may langit din ni Andres Kristobal Cruz

Ito ay maaaring tawaging isang love story o kwentong pag-ibig, ngunit ang nobelang
ito ay may mas malawakan pang sakop. Tinatalakay rin ang aklat na ito ang mga
suliraning panlipunan, pang-edukasyon, nasyonalistiko, panggobyerno, at pansarili.

 Mga Ibong Mandaragit Amado V. Hernandez

Tumatalakay sa kalagayan ng mamamayan sa lipunan. Ipinakita ang iba’t ibang


suliranin kinakaharap ng bansa; ang diskriminasyon sa pagitan ng mahihirap at
mayayaman, ang kahirapan na hanggang sa kasalukuyan ay tinatamasa pa rin natin, at
ang kawalian ng pamahalaan o ng antas ng tao sa lipunan.

Dekada 60
Tinatayang sa panahong ito nagsimula na ang kabi kabilang protesta laban sa bulok na
sistema ng pamahalaan.
Sa unang 3 taon ng Dekada 60 ay nanantili ang mga nobelang romansa. Samantala sa
kalagitnaan ng dekada ay nagsimula na ang pakikilahok sa paguulat tungkol sa mga
problemang kinakabaka ng karamihang mamamayan.

Halimbawa ng nobela noong Dekada 60

 Daluyong ni Lazaro Francisco

Ang mga “Daluyong” sa buhay ay may mga pagsubok lamang na naglalayong


patibayin ang loob at bigyan ng aral ang isang tao. Pagsisikap at diterminasyon ang
auai upang mapaunlad ang buhay ng isang tao. Dito pa lamang sa paksang diwa ay
malalaman na natin kung tungkol saan ang nobela.

 Luha ng Buwaya (1962) ni Amado V. Hernandez

24
Ito ay kinapapalooban ng dalawang pangunahing paksang diwa. Una na rito ay ang
kasakiman ng isang mayamang angkan ng sampilong. Pangalawa naman ay ang
pagkakaisa ng mga magsasaka at iskuwater tungo sa pagbabago.

 Ang Maynila sa Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes

na kung saan ang pangunahing paksa ng istorya ay nagpapahayag ng mga isyu ng


lipunan na hinaharap ng mga pangunahing tauhan na maaari rin harapin ng mga tao sa
kasalukuyan.
Manila na sumisimbolo nito ang mailap na pangako ng kaginhawaan at lingsod ng
pangarap at kasawian.
Kuko na kung saan sinisimbulo nito ang kasawian, karahasan at bangis.

Dumako naman tayo sa Dekada 70

Nagpatuloy sa dekadang ito ang paglalathala ng mga nobela. Isa sa mga


namayagpag na magasin ay ang liwayway.
Sa magasing ito nalathala ang karamihan sa mga nobelang nabanggit sa
dekada sisenta. Ang lantarang pagwagayway ng banderang pula ay lumaganap sa
panahong ito.
Kabi-kabila ang mga rally at protesta ng mga estudyante, manggagawa at magsasaka
sa kalsada hanggang sa ipinatupad ni Ferdinand Marcos ang batas militar, natahimik
ang mga lansangan, nabusalan ang bibig ng mga mamamayan at halos mapuno ang
mga kulungan sa mga bilanggong politika, naging maigting ang pamumuna ng mga
nobelista sa lipunan.
Halimbawa ng nobela noong Dekada 70

 Mga Buwaya sa Lipunan at Satanas sa Lupa ni Celso Al Carunungan

Ang Buwaya sa lipunan ay patungkol sa mga sakim na pulitiko habang ang Satanas sa
Lupa naman ay kinatawan sa paghingi ng pagbabago sa lipunan.

 Madilim ang Langit sa Bayan ko ni Jose Mercedes

Ipinahiwatig ng nobelang ito ang mga masaklap na pangyayri sa bansa.

25
Dekada 80

Ang nobela sa panahong ito ay karamihang nasa pamantayang komersyal, lalo na


iyong sinukat na ang pananaw ay nakatuon sa pagkapili nito upang maisapelikula.
Muling naibalik ang Romantisismo sa mga nobelang lumabas sa liwayway at ang mga
manunulat na may layunin ay nawala .

Halimbawa ng nobela noong Dekada 80

 Gapo ni Lualhati Bautista

Buod ng Gapo
Ni: Lualhati Bautista

Nagsisimula ang kwento sa Freedom Pad, isang night club sa Olongapo. Doon
kumakanta si MichaelTaylor Jr., at madalas ang kanyang mga kinakanta na mga kanta
ay may anti-American message perodahil Tagalog nag wika na gingamit niya sa
pagkanta ay hindi nagagalit ang mga ‘kano na pumupunta doon, at sa halipay
tumatawa pa ng mga ito dahil sa nakikisabay sila sa mga tawa ng ka-table nila
nahostess.
Si Magda ay nakakilala ng isang ‘kano na nagngangalang Steve Taylor, ipinakilala
niya ito kay Mike at, sa laking tuwa niya, naging magkaibigan ang dalawang ito.
Si Modesto, na nagtatrabaho sa Base, ay madalas na tinatawag na “yardbird” o patay
gutom ni Johnson,isang ‘kanong sundalo. Hindi na nakayanan ni Modesto ang
pangaabuso ni Johnson at nakipagsagutanna siya, ito ay nauwi sa sapakan na
ikinamatay ni Modesto.
Si Ali naman ay naging kasintahan ng isang ‘kano na nagngangalang Richard
Holloway. Sa umpisa ay mabuti ang dalawa sa isa’t isa, ngunit hindi pala totoo na
mahal ni Richard si Ali at gusto lamang nito nakawan ang bakla. Ninakawan niya si
Ali kasama si Igna, ang katulong ni Ali, at binugbog nila si Ali. Dahil sa mga
nangyari ay lalong na galit si Mike sa mga ‘kano, pero dahil kay Steve ay naniwala si
Mike na nakatagpo na siya ng isang ‘kano na hindi tulad ng iba. Lahat ng ito ay
nagbago noong malaman niya na nabuntis nito si Magda, na hindi pala nito mahal si
Magda at may pamilya pala ito sa Estados Unidos. Ang mas masaklap pa ay gusto
nito na ipa-abort ang bata. Dahil sa mga sinabi ni Steve ay naalala nito ang masakit na
mga alaala niya bilang isang GI baby na hindi nakakilala sa kanyang Ama. Hindi na
niya napigilan ang kanyang sarili at hinataw si Steve hangang sa mamatay ito.
Pagkatapos ay nakulong siya. Isang araw, dinalaw ni Magda si Mike at pinagpaalam
26
sa kanya na ang ipapangalan niya sa anak niya ay Michael Taylor III. Dito
nagwawakas ang istorya.

 Tutubi-tutubi, wag kang papahuli sa masamang salbahe ni Jun Cruz Reyes

Buod ng Tutubi-tutubi, huwag kang magpapahuli sa masamang salbahe


Ni: Jun Cruz Reyes

Ang nobelang “Tutubi, Tutubi, „Wag Kang Papahuli Sa Mamang Salbahe” ay


umiikot sa buhay, pananaw sa buhay at lahat ng nangyayari sa buhay ng bida na si
Jojo, noong panahon ng pagsisimula ng pagdidikta ni Dating Pangulong Ferdinand
Marcos. Si Jojo ay isang estudyane sa kolehiyo na napatigil sa pag-aaral dahil sa
biglaang pagsasara ng kaniyang paaralan, ang Philippine School for Science and
Technology dahil sa kabababa lamang na batas militar. Kinuwento ni Jojo ang
kanyang karanasan nang subukan niyang bumisita sa kanyang paaralan. Inilarawan ni
Jojo ang kanyang mga nakita tulad ng mga papel na naka poste sa ding-ding na
nagsasabing: “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan” na may kasama pang
ibon na walang paa, hanggang sa kanyang personal na karanasan nang siya na ang
iinspeksyunin ng mala-robot na guwardiyang nagbabantay upang makapasok sa
paaralan. Nang si Jojo na ang iniinspeksyunan, lahat ng maaaring makwestiyon sa
kanya ay kinuwestiyon ng nagbabantay tulad ng kanyang suot, - Bakit raw hindi siya
naka uniporme, kanyang ID - Kung siya raw ba ito, kanyang libro, ang awtor nito at
kung sino siya – kung siya ay isang komunista. At dahil dito, siya ay dinala sa isang
kuwarto kung saan siya ay tinanong nang tinanong at sa bawat sagot na hindi
nagustuhan, ay binabatukan siya ng lalaking nagngangalang Gardonet. Si Gardonet ay
nilarawan ng awtor sa pamamagitan ng kanyang pagsasalita: nagIingles ngunit barok,
pero nalaman rin na ito ay Pilipino dahil nag wikang Pilipino sa dulo. Pagtapos siyang
tanungin at batuk-batukan, siya ay tinanong kung may mga kilala siyang iba pang
komunista. Dahil wala naman siyang kilala, siya ay nag-imbento na lamang. Natawa
si Jojo rito dahil nauto niya si Gardonet. Ngunit bago pa siya lalo pinahirapan sa
paglilinis ng sasakyan, si Jojo ay ginupitan ng buhok para raw hindi n siya
magmukhang komunista. Biglang dumating ang kaniyang kaibigan na si Kulas at tila
mayroong sinasabi ngunit hindi niya maintindihan sapagkat naroroon pa sina
Gardonet. Paalis na si Jojo nang marinig niya ang isang sigaw na inasahan na lamang
niya na hindi ang kaniyang kaibigan na si Kulas. Tahimik na umasa na lang si Jojo na
hindi ang kaibigan niya ang narinig at nagpatuloy na sa paglalakad. Pagkatapos
paglinisin si Jojo ay napilitan siyang maglakad pauwi sapagkat lahat ng pera niya ay
ipinangbayad niya sa naggupit ng kaniyang buhok. Nang naglalakad na pauwi si Jojo,
mayroong isang Amerikanong pastor na nag-abot ng isang papel kay Jojo at siningil
siya para rito. Nang pinilit siyang magbayad at nagbayad na si Jojo, lumayo na ang

27
“pastor” at pumunta sa Tambunting habang pinag-iisipan ang relos na ibinigay ng
kanyang ama na isasangla niya. Naisangla ni Jojo ang relos at bumili siya ng sigarilyo
at kumain sa isang restawran. Narinig na ni Jojo ang kampana at nagmadali na siyang
umuwi pero bago siya umuwi ay dumaan muna siya sa Simbahan at pumila sa
milagrosang imahen ni Maria. Naisipan na rin ni Jojo na magsimba ngunit nainis
lamang siya sa sermon ng pari na paulit-ulit lamang. Pagkaalis ng simbahan naalala
niya ang mga unang araw sa eskwela at pagbabago ng paniniwala sa talino. Kapareho
nito ang mga kabarkada niya na sina Kulas, Minyong, Joey, Herbi, Lib at si Mr.
Kabayan na mga aktibista. Nagkuwento siya tungkol sa mga kuwentu-kuwento
tungkol kay Ma‟am Spermatozoa.

 Kulang ng isa sa Sandusena Bat di pa magkasya sa Labing-isa nalang ni


Victor Francisco

Dekada 90
Sa panahong ito ay mas maunlad na ang nobela. Sapagkat, hindi na ito
nagtatagal na naka-sulat o naisasatitik. Ito ay agarang ginagawan na ng serye o
telenobela, hindi kana masyadong makakapagbasa sa mga nakalimbag na aklat dahil
sa mga teknolohiya
Mga nobela sa panahon ng Dekada 90

 Ang kaulayaw ng Agila ni Lilia Santiago

Ang nobela ay hinanap sa Palawan, dito matatagpuan ang mga Philippine


Eagle. At ang mga rainforest kung saan sila matatagpuan, ang Samahan na
kinabibilangan ni Maya ay totoo, subalit ang mga tauhan sa nobelang ito ay kathang
isip lamang. Maaaring sila ay totoo ayon sa ating mga Obserbasyon at Karanasan

Buod ng Ang Kaulayaw ng Agila


Ni: Lilia Santiago
Nagumpisa ang kuwentong ito sa trabaho ng pangunahing tauhan na si Maya.
SiMaya ay isang maka-kalikasan. Nauugnay ang trabaho niya sa kanyang hilig. Kaya
ngsinabihan siya na isa siya sa napili upang pumunta ng Palawan at hanapin ang Agila
na nais padamihin ay hindi siya nagdalawang isip na sumama. Nagpaalam siya sa
kanyang ina, naang tawag niya ay Mamang upang sumama sa grupo. Sa umpisa ay
ayaw siyang payaganng kanyang mamang na sumama sapagkat dadalawa nalang sila
sa bahay at tiyak namalulungkot ang kanyang mamang kung siya ay aalis
pa.Samantala sa Palawan naman ay may isang lalaki na itinuring nang katutubo
saSanta Magdalena. Siya ang tinatawag na taga-pag-alaga ng mga hayop sa banding

28
iyon ngSanta Magdalena. Nagpakita na rito ang agila na ang pagkakalam ng mga
katutubo aymahiwaga at mapalad si Muanmar o Amar na pinagpakitaan ng agila. Sa
Maynila namanay nagkita ang matagal ng mag-kaibigan na si Mando at Maya. Inalok
ni MAndo si Mayana kunin ang apartment na malapit ditto sa building na tinitirhan
niya. Nagkagustuhan angdalawa at bago pa man tumulak si Maya papuntang Palawan
ay may namagitan sa kanila niMando.Si MAndo naman ay isang Inhinyero. Mayroon
siyang sekretarya na madalasniyang kasama. Si Tess, mayroon na itong tatlong anak
at asawa kung kaya hindi sahinagilap ni Mando na magkakagusto ito sa kanya.
Hanggang sa tulungan niya si Tess sa problema nito sa asawa. Sinabi kasi ni Fred,
asawa ni Tess, na siya ay bakla.Pagkarating ni Maya sa Palawan, nakilala niya si
Muanmar, kasama ang dalawaniyang kasamahan na sina Mel at Ran ay nilibot nila
ang kagubatan upang hanapin angagila. Hindi naman sila nagbigo at nahuli ni
Muanmar ang agila. Habang hinahanap nila ang agila naging mag-kaibigan sina Maya
at Muanmar. Nasabi ni Muanmar ang problema niya kay Maya at tinulungan siya
upang mahanap ang asawa niyang nawawala.Ang asawa ni Muanmar ay si Sharaya
buntis ito ng umalis at hindi si Muanmar ang tatayng bata kundi ang ama ni
Muanmar.Pagpunta nila ng Cotabato ay mayroong namamagitang away sa lahi ni
Sharaya atMuanmar. Hindi nagpakita si Muanmar sa kanyang pamilya, bagkus ay
nakibalita lamang.Pagkabalik nila sa Palawan ay nagpaalam na si Maya pauwing
Maynila dahil nakatanggapito ng telegramang nagkasakit ang kanyang ina.
Pagkarating niya ng Maynila ay sinundosiya ni MAndo. Hindi niya ipinaalam ditto
agad na buntis siya. Sa Mamang muna niya itonasabi.Dumaan pa ang maraming
pagsubok sa pagsasama nina Mando at Maya. Si Tess,si Muanmar, subalit para itong
bulang nawala, dahil na rin sa pagmamahal nila sa isat-isa.Hindi pa rin mapilit ni
Mando na magpakasal sila ni Maya dahil alam niyang hindinaniniwala sa kasal si
Maya. Hanggang sa namatay ang ama ni Maya bago pa manmahatulan ang
pakikipaghiwalay ng mamang niya sa papang niya. Ito ay inakusahangnang-rape at
habang iniimbestigahan ay inatake at namatay.Ibinurol ang papang niya sa kanila at
ditto niya nalaman ang buong pagkatao ngkanyang papang. Mula sa mga kamag-anak
at pati narin sa mga magulang nito. Nalulungkot man ay pinatawad ni Maya ang
kanyang ama at hinarap ang bukas sa kabilang kanyang mga natuklasan. Nanganak si
Maya at bumalik sila ng anak niyang babae na pinangalanan niyang Amihan sa
Palawan upang duon saksihan ang unang paglakad ng anak kapiling ang mga
katutubo. Naiwan si Mando at laking gulat ni Maya ng magsimula at serimonyas ng
dumating si Mando, doon sila ikinasal at pati ang unang paghakbang ng kanilang anak
ay kanilang nasaksihan.

 Bulaklak ng Maynila ni Domingo Landicho

Ito ay tungkol sa madilim at mapanganib na realidad ng buhay ng mga


mahihirap at kung paano sila mas magiging matatag sa buhay. Tungkol ito sa
dalawang babae na parehong maganda ngunit sila ay hirap, kaya ginamit nila ang

29
kanilang mga mukha at katawan upang mabuhay sa dumi, kalupaan at dungis ng
lungsod.

Dahil sa makabagong teknolohiya ngayon, may naimbentong ibang


pamamaraan ng pagsulat ng nobela. Ito ay tinatawag nating wattpad. Ang wattpad ay
naimbento nina Allen Lau at Ivan Yuen. Sila ay parehong empleyado ng opisinang
Tira Wireless.
Halimbawa ng nobela galing sa wattpad na ginagawang pelikula.

 Diary ng Panget
 She’s dating the gangster
 Talk back and You’re dead

Mayroon din namang ginawang serye.

 My App Boyfie
 My Tag Boyfie

Napakasayang balikan kung paano nagsimulan ang nobela dito sa Pilipinas hanggang
sa kasalukuyan.

Gawain:
Maging malikhain🎨
Bumuo ng Historical Ladder tungkol sa kasaysayan ng nobela simula sa panahon ng
Kastila hanggang sa Kasalukuyan.

Mga Sanggunian:
https://youtu.be/1yie-SsL37E?si=pHgMtarG7dDDbLdE

https://www.coursehero.com/file/p3n2kj2f/ANG-NOBELANG-TAGALOG-Pagtitiyak-na-
Layunin-Pagkatapos-ng-araling-ito-dapat-mo/

https://aralinpanglipunan.wordpress.com/2013/01/27/%E2%88%9Epanahon-ng-
malasariling-pamahalaan%E2%88%9E/

https://www.slideshare.net/JemmelIntaligando/ilaw-at-panitik-258294386

https://www.coursehero.com/file/87292320/ilaw-at-panitikppt/

https://www.google.com/search?q=Nobela+noong+dekada+90&client=ms-android-
vivo&sca_esv=573777804&biw=360&bih=630&sxsrf=AM9HkKmdlsmEUpYK_WJ3BljJHlbulZ1l
BQ%3A1697461117513&ei=fTMtZcXgHoKZ4-

30
EPioScqAg&oq=Nobela+noong+dekada+90&gs_lp=EhNtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1zZXJwIhZOb2Jl
bGEgbm9vbmcgZGVrYWRhIDkwMgQQIxgnMgQQIxgnMgUQIRigATIFECEYoAFIvjNQyiRYiSlwA
XgBkAECmAGhB6AB2BKqAQsyLTEuMC4xLjEuMbgBA8gBAPgBAcICChAAGEcY1gQYsAPiAwQY
ACBBiAYBkAYI&sclient=mobile-gws-wiz-serp

https://www.slideshare.net/Davis_1304/maganda-pa-ang-daigdig-45527978

https://www.scribd.com/doc/111191909/Kasaysayan-Ng-Nobela-Sa-Pilipinas

Gawain:

Mga Sanggunian:

31
32

You might also like