You are on page 1of 18

KABANATA 5

PANAHON NG AMERICANO
(1900-1941)
PANIMULA

 Nagkaroon ng isang di-mapasusubaliang wakas ang mahigit na tatlong daan


taong pananakop ng mga kastila at masasabing “nakatikim” ang sambayanang
Pilipino ng kalayaang sibil.
LARAWAN NG PANAHON

 Nang panahong iyon ay hindi gaanong naging mahalaga sa mga manunulat na


Pilipino kung hindi pa rin sila ganap na malayang makasulat ng talagang nais
nilang isulat.
BATAS NG SEDISYON

 Hindi maaring magsulat nang lantaran ni sa paraang pahiwatig ng kahit na anong


makapagpapaalab sa damdaming makabayan laban sa Americano
NAHATI ANG PANAHON NG
AMERICANO SA TATLO

 Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan


 Ang Romantisismo sa Panitikan
 Panahon ng Malasariling Pamahalaan (Mga samahan ng mga Manunulat).
A. PANAHON NG PAGHAHANGAD NG
KALAYAAN

 Nabigyan ng kalayaan ang mga Pilipino subalit may katakatakang may malaking
balakid na humadlang sa pagsupling ng panitikang makabayan.
PAGTUTURO NG INGLES

 Ito ay ang mabilisan at malawakang pagtuturo at pagpapagamit ng mga


Americano ng wikang Ingles sa pamamagitan ng mga malalaganap nilang
paaralang publiko.
B. ANG ROMANTISISMO SA PANITIKAN

 Naging isang mabisang kasangkpan ng mga Americano ang pagpapalaganap ng


romantisimo sa kanilang lahatan at mabilisang pagbabago sa katutubong
kamalayang Pilipino.
 Kung tutuusin hindi naging lubhang mahirap para sa mga Americano ang
pagpapangibabaw ng romantisimo sa panitikang Pilipino sapagkat ito’y
napasimulan na ng mga kastila.
KATANGIANG ROMANTIKO NA
NAPALOOB SA MGA PAMPANITIKANG
SULATIN NOON:

 Unang-una, masasabing nagasgas nang husto ang paboritong paksa, ang pag-ibig. Sa
tuwi-tuwina’y, binibihisan lamang ng iba’t-ibang anyo at kulay, ito’y tungkol sa pag-
iibigan ng isang mahirap at mayaman.
 Isa pang katangian ng panitikang romantiko ay ang pagpaksa sa katutubong buhay sa mga
lalawigan, lalung-lalo na sa malalayong nayon.
 Sa ibabaw ng lahat ng ito, ang panitikang romantiko ay yaong nag bibigay ng aral batay
sa mga ipingangaral ng relihiyong kristiyanismo. Sa tuwi-tuwina, ikinikintal sa isipan na
ang masama’y pinarurusahan at ang mabuti’y tumatanggap ng karapatang gantimpala
C. MGA SAMAHAN NG MGA MANUNULAT

 PANAHON NG AKALATANG-BAYAN (1900-1921)


1. MAIKLING KATHA- ang maikling katha o kuwento ay isang sangay ng
panitikan na nagsasaad ng tungkol sa buhay ng isang pangunahing tauhan
-Ang unang manunulat na lumikha ng maikling kuwento bilang isang
masinang na sangay ng panitikan ay si Edgardo Allan Poe. Siya ang tinaguriang
“Ama ng maikling kuwento”
ANG KASAYSAYAN NG MAIKLING
KUWENTO

A. ANG PAGSINGAW AT DAGLI


 PASINGAW- ito ay kadalasang tungkol sa mga dalagang hinahangaan, nililigawan,
sinasamba nang lihim o pinarurungngitan dahil sa nais tawagan ng pansin ang kapintasan sa
pag uugali o hitsura.
 DAGLI- ay isang maikling salaysay na nangangaral, namumuna, nagpapasaring at
nanunuligsa. Ito’y nagtataglay kadalasan ng mga banghay na ang tinatalakay ay ang
pagpipingkian ng dalawang lakas, ng masama at ng mabuti na sabihin pa’y laging ang mabuti
ang nagtatagumpay at namamayani.
B. ANG MGA ALAMAT, SALA-SALAYSAYIN, PANGA-PANGARAL AT MAIKLING
KASAYSAYANG PAMPATAWA

 Ang anyong ito ng panitikan na tumatalakay sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay at mga
lugar-lugar ay di maikakailang siyang unang namalasak sa mga tao. Kasama na rin dito ang
mga sala-salaysay ng iba’t-ibang pangkat ng mga tao at ang mga panga-pangaral ng
matatanda na posibleng inilulan sa maikling salaysay na nagbibigay-aral.
C. ANG PAGSILANG NG MAIKLING KATHA
 Namalasak ang tungkol sa kagandahang asal, at ang kahinhinan at
kayumian ng babaing Pilipina, ang kanyang kaisa-isang pag-ibig, ang
matamis na pagsasamahan at pagpapalagayan ng magkaibigan at
magkakapitbahay, ang kabanalan ng mga sumpang binitawan, ang
paggalang sa mga matatanda, ang matamis at matapat na
pagsuladar sa isang panauhin, ang pag- alinsunod sa mga kaugalian
at tradisyon ng bayan.
2. ANG TULA SA PANAHON NG AKLATANG
BAYAN

 Ang tula ay maituturing na isa sa lalong kabigha-bighaning sangay ng panitikan ng


kahit anong wika.
 Ang isang makata’y naglalarawan ding katulad ng paglalarawang ginagawa ng
isang pintor sa bisa ng pinaghalu-halong pintura.Ito’y isinasakay sa mga salitang
ay indayog at aliw-iw, may haplos at taginting na hindi karaniwang naarama.
 At ang pangunahing layunin ng makata’y tulad din ng sa ibang manunulat sa ibang
sangay ng panitikan ito ay ang pukawin ang damdamin at ilipad ang katauhan at
kaluluwa ng tao tungo sa lalong pinakamabuti at lalong pinakamaganda sa buhay.
 Kaya naman masasabing yumabong ng husto ang tula sa panahong ito ng
Aklatang-Bayan. Masasabi pa ngang sa lahat ng sangay ng panitikan ng
panahong iyon ay sa tula nanaig ng ganap na ganap ang romantisismo.
ANG TRADISYONG PAMANA NI FRANCISCO
BALAGTAS SA LARANGAN NG TULA.

 Francisco Balagtas, Abril 2, 1788 - Pebrero 20, 1862


“Prinsipe ng mga Manunulang Pilipino” ( ate dinhi na part butangi ta picture ni
farncisco balagtas)

 Sa kanyang mga sinulat ay lutang na lutang ang mga damdaming ibinubulalas sa batis ng
mga luhang nanunukal; ang mga dinanas na kasakit-sakit at kapigha-pighati; ang mga
kalumbayang namumutiktik di lamang sa pagkaulili sa minumutya kundi gayon din sa
sariling magulang, mga kaibigan at nagdaang kahapon.
 Sinasabing ang makata’y may tiyak na tungkulin sa kanyang lipunan at kanyang panahon hindi
lamang sa kanyang pansariling hangarin na mabigyang-laya ang diwang nagpupumiglas sa kanyang
katauhan. Sinasabing siya’y bahagi ng lipunang ang tungkulin ay mabigat sapagkat tagliw iya ang
kapangyarihang magpahayag ng nialaman ng kanyang diwa sa paraang masining, nakakaaliw,
nakakaantig, at nakakapagbago.
 ay isa sa mga pangunahing “misyon” ng manunulat. Kailangang tunay na malakas ang kanyang
kamalayan sa kanyang paligid at sa mga pabagobagong nagaganap o dapat maganap upang
magampanan niya ang misyong ito.
 Ang mga pangunahing makata sa panahon ng Aklatang-Bayan ay buong layang sumusunod sa bakas
na iniwan ni Francisco Balagtas sa Tradisyong Romantiko.
 Patricio Mariano, Pedro Gatmaitan, Carlos Gatmaitan, Cirio H. Panganiban, Florentino Collantes,
Francisco Laxamana subalit ang pinanakalutang at pinakatampok sa kanilang lahat ay sina Jose
Corazon de Jesus at Lope K. Santos.
ANG MGA MANUNULAT NG PANAHON

Jose Corazon de Jesus (1896-1932) ang “Makata ng Puso”


 Masasabing si Jose Corazon de Jesus ang siyang higit kaninuman ay nakamana ng korona’t
setro, ng pinsel at papel ni Francisco Balagtazar. Siya ay tinaguriang “Hari ng Balagtasan
 Huseng Batute ang “Makata ng Puso”
 Taglay ng kanyang mga tula ang masaganang aloy ng luha at maramdaming tagulaylay ng
Florante at Laura.Maramdaming-maramdamin ang kanyang mga paglalarawan. Ang mga
saknong niya’y binabalot ng mga kalunos-lunos na kalagayan ng sariling buhay at kahapis-
hapis na wakas.
 “Isang Punungkahoy” ay klasikong halimbawa ng lahat ng ito: maramdaming paglalarawan,
malungkot na panawagan, marubdob na pakikipag-usap sa sarili, pagbabagong-bihis bunga
ng mga pagkamulat ng mata sa mga katotohanan ng buhay.
 Katulad ni Balagtas, si Jose Corazon de Jesus ay isa ring produkto ng kanyang
kapanahunan. Kung susuriin ang kanyang kalipunan ng mga tula ay mapapansin
ang lagi nang moralistikong himig. Ang pangangaral niya’y madalas na ni hindi
itinago kundi lantad na lantad at tuwina’y malinaw na nilalagom sa huling
taludtud na may paliwanag pang boud at diwang saligan.

You might also like