You are on page 1of 13

ARALIN 1: KAHULUGAN AT DEPINISYON NG PANITIKAN

Ano ang panitikan?


Pagpapahayag ng damdamin, panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa
maganda, makahulugan, at masining na mga pahayag. Pagpapahayag ng damdamin,
panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan, at masining
na mga pahayag.

Sa aklat ni Atienza, Ramos, Salazar, at Nazal na pinamagatang Panitikang Pilipino,


ipinahahayag na ang Panitikan ay yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti
niya sa reaksiyon sa kanyang pang araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya
sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa kaniyang pagsusumikap na Makita ang Maykapal.

Ayon naman kay Bro. Azarias ay nagsabing "ang panitikan ay ang pagpapahayag ng
damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa, at sa Dakilang
Lumikha.

Ayon naman kay Webster, sa kaniyang pinakabuod na pakahulugan, anumang bagay raw na
naisatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao, maging itoy totoo,
kathang-isip, bungang tulog lamang ay maaring tawaging panitikan.

Ayon kay Maria Ramos, Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Sa
panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guniguni
ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan,
matalinghaga at masining na pagpapahayag.

 Ang panitikan ay isang salamin, isang larawan, isang repleksiyon o representasyon


ng buhay/ karanasan/lipunan/kasaysayan.
 Ang Panitikan bilang isang likhang-isip na ginagamitan ng magandang salita o mga
talinghaga upang ipamalas ang aliw-iw at galaw ng buhay.

DEPINISYON AT TUNGKULIN NG LITERATURA

Pana-panahon ay may lumalabas na mga akdang pumapaksa sa mga problemang


kinahaharap ng lipunan, kung kaya't nararapat lamang na maisulat na panitikan ay yaong
sumasagot sa pangangailangan ng kasalukuyan ( Reyes 1988)
Tinukoy din Almario (sa Reyes 1988) na ang kasalukuyan ay nangangailangan ng mga
akdang makapupulso sa pangarap at aspirasyon ng sambayanang Pilipino.

Ang Panitikan ay tulad ng bahagi ng sining ay isang Utopia. Ang panitikan ay maari pang
maging Bernardo Carpio, na wala nang panahong mamahinga sa tungkuling pigilin ang nag-
uumpugang bato.

Ang panitikan ay pakikipaglaban- isang rebolusyong saglit lamang na magtitindig ng mga


haligi upang sa susunod na daluyong ay muling maguho, mamahinga, maguhong muli at sa
metamorphosis ay mag-iwan ng mga sabog na utak ipokrisya, ng mga bangkay ng sanggol
ng mga pangarap sa isang hindi mailwasang pagluluwal ng mga bagong supling , na sa
paglaki't paybubunga ay muling papatayin (Yu 1980)

Ang panitikan sa tunay nitong kahulugan ata paglawak nitong saklaw ay nagiging
deskripsyon, interpretasyon at ekspresyon ng
kagandahan, kalungkutan, kasiyahan,kasalatan at kapayahan sa pamamagitan ng matalas at
mayamang guniguni o imahinasyon ng tagagawa ng panitikan ( Lopez 1936)

Sa bawat panahon ay may lumalabas na mga akdang pumapaksa sa mga problemang


kinahaharap ng lipunan, sapagkat nararapat na maisulat na Panitikan ay yaong sumasagot sa
pangangailangan ng kasalukuyan (Reyes 1988).

MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN

Ang pag-aaral g panitikan ay naglalayong:


1.Maipakilala sa mga mag-aaral ang iba't ibang uri ng panitikan mula sa panahon bago
dumating ang mha Kastila hanggang sa kasalukuyan.
2.Mapalalim ang pag-unawa tungkol sa mga paraan ng pagbibigay-buhay sa mga saloobin,
pagnanasa at paniniwalang Pilipino sa pamamagitan ng panitikan bilang produkto ng lipunan
at kasaysayan.
3. Makatulong sa paglikha ng kritikal na pananaw sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
layunin ng panitikan maging salamin ng buhay, sumang-ayon o bumalikwas sa
namamayaning kalagayan.
Ang Commission on Higher Education (CHED) ay nagpalabas ng kautusan na nagsasaad ng
mga layuning dapat ipatupad at mga pangangailangang dapat gawin sa pag-aaral ng
panitikan.

Makilala ang iba't ibang anyong pampanitikan. Bago pa matapos ang termino, nakabasa na
dapat ang estudyante ng lang tekstong kumakatawan sa mga rehiyo ng bansa, sa mga
panahon ng ating kasaysayang pampanitikan, at sa mga anyong pampanitikan.

Makasulat ng isang term paper na hindi kukulangin sa sampung (10) pahina na sumusuri sa
sinulat ng isang manunulat na ¡pinangana» sa kani-kanilang pinagmulang rehiyon o kaya
naman kung saan matatagpuan ang kolehiyo o pamantasang pinapasukan.

ARALIN 2: MGA ELEMENTONG LUMIKHA NG MGA AKDANG

PAMPANITIKAN

Ang mga akdang pampanitikan ay nilikha at nabubuo sa pamamagitan ng iba't ibang


elementong gumaganap ng mahalagang tungkulin upang ang mga obra-maestro sa larangang
ito ng sining ay magkakaroon ng buhay.

Katulad ng iba pang sining, ang panitikan ay patuloy sa pagsulong at pag-unlad sa


pamamagitan ng iba't ibang dahilan.
Ano-ano nga ba ang mga elementong masasabi nating nakatutulong upang lumikha ng mga
akdang maipagmamalaki natin bilang mga Pilipino?

Kapaligiran
 binibigyang pansin ang isang pook. Kasama ang iba't ibang sangkap na kalikasan
katulad ng klima, mga likas na yaman, mga pisikal na kapaligiran at mga kaugnay
nito. Maraming mga tula, maikling kwento, nobela at iba pang akda ang sumilang at
nilikha na ang ginamit na paksa ay ang kapaligiran at ang kalikasan.
Karanasan
 Isang lunsaran ng mayamang paksa ang karanasan ng tao. Dito maraming napupulot
na pangyayari, sitwasyon at banghay nq mapaghahanguan ng paksa sa iba't ibang uri
ng akda. Bawat kasaysayan ng isang tao ay maaaring maging batayan para sa isang
akdang magbibigay sa mga mambabasa ng pagkakataong. Makita ang kanyang
binabasa, ganitong paraan nakagagawa siya ng pagkakataong pag-ibayuhin ang
kanyang pagsisikap tungo sa isang makabuluhang pamumuhay. 

Salik na Panlipunan at Pampanitikan


 Ang mga gawaing may kaugnayan sa lipunan gayundin at sa pulitika ay isang
malaking bahagi sa pagdadala ng mga kaugalian, karanasan, kalinangan at
kabihasnan g isang tanging pook o bansa. Dito ay may mga akdang tunay na
kakatawan sa kaisipan, damdamin at paniniwala ng mga mamamayan sa pook na ito.
Salik na Panrelihiyon
 Maraming mg akdang nakilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig ang
pumapaksa sa salik na ito. Hindi natin matatawaran na ang pananampalataya na
natutunan natin sa mga dayuhan ay nagkakaroon ng malaking impluwensiya upang
ang ating mga manunulat sa iba't ibang panahon ay makasulat ng mga obra-
maestrang panghabang panahon.
Edukasyon
 Ang pilosopiya ng edukasyon na ituturo sa atin ay lalong nagpapalawak sa
kalinangan at karunungang taglay natin. Sa pamamagitn ng mga naituro sa atin sa
mga institusiyon sa ating bansang kinagisnan, higit na nagkaroon ng puwang sa
ating puso ang makalikha ng mga akdang magpapakilala ng uri ng lipunan at
edukasyong naghatid sa atin sa kinalalagyan.

IMPLUWENSIYANG PANITIKAN SA BUHAY NG TAO

1.Ito'y nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinangagalingan


n panitikan.

2. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga damdamin at
kaisipan, nagkakaunawaan at nagkakatulungan.

Ang Mga Akdang Pampanitikan Nagdadala Ng Malaking Impluwensiya Sa

Daigdig. 

Ang Ilan Sa Mga Ito 'y Ang Mga Sumusunod:


1.Banal na kasulatan
 nagiging batayan ng pananampalatayang Kristiyano.
2. Koran- (Arabia)
 Bibliya ng mga Muslim.
3. Iliad at Odyssey ni Homer ( Gresya)
 siyang kinatutuhanan ng mga alamat at mitolohiya.
4. Mahabharata( India)
 Ito ang ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman ito ng
kasaysayan ng pananampalataya.
5.Divina Comedia-miDante (Italya)
 nagpapahayag ng moralidad, panapampalataya at pag-uugali ng mga Italyano.
6. Aklat ng mga Araw ni Confucious (Isina)
 nagiging batayan ng kslinangan at pananampalatayang Intsik.
7. Aklat ng mga Patay( Ehipto)
 Kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng mga taga- Ehipto.

8. Counterburry Tales ni Chaucer Inglatera)


 naglalarawan ng mga ugaling Ingles nang kanilang pananampalataya.
12. Five Classics at Four Books ( Isina)
 na kinatitikan ng magandang kaisipan at pilosopiya ni Confucius. Naging batayan
ang mga aklat na ito ng pananampalataya, kalinangan ng kasaysayan ng mga Intsik
na nakakapekto sa atin.

ANG MGA KASANGKAPANG PAMPANITIKAN NA NAGBIBGAY ANYO SA

AKDA
Ang salitang Estetika ay nanggaling sa salitang Griyego "aesthesis nanangangahulugang
''pakiramdaman” o dating ng anumang persepsiyon sa mga sentido (panlabas at panloob) ng
tao". Kung baga sa makikita, ang estesis ay yaong uri ng pakiramdam at reaksiyon ng tao na
nakikita (ng kahit anuman iyon).

ARALIN 3: PANGKALAHATANG KATANGIAN NG LITERATURA SA MGA

ANYONG TULUYAN

Maikling kwento
 Ito"y isang salaysay na ginagalawan ng isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at
kakintalan.
Sanaysay
 Pagpapahayag ito n kurokuro o opinion ng may-akda tungkol sa isang suliranin o
pangyayari.
Nobela
 Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari rito' y
hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao, sumasaklaw ng mahabang panahon
at ginagalawan g maraming tauhan.
Alamat
 Karaniwang hindi batid kung sino ang may- akda o sumulat nito. Ito'y nagpasalin-
salin sa bibig ng ating mga ninuno upang maihatid sa mga tao sa kasalukuyang
panahon.
Anekdota
 Ito"y batay sa mga totoong pangyayari na ang layunin ay magbigay ng aral.
Pabula
 Tungkol sa imga hayop ang karaniwang paksa nito. Layon nitong gisingin ang
interes ng mga bata at makapagbigay ng aral.
Parabula
 Ito'y salaysaying hango sa Bibliva. Layon din nitong makapagbigay-aral sa mga
mambabasa.
Balita
 Isang paglalahad sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan sa araw-araw tungkol
sa pamahalaan at sa lahat ng isyung maaaring makapaapekto sa indibiduwal o sa
nakararaming mga tao sa isang komunidad o bansa.
Talumpati
 Karaniwang ito'y binibigkas sa harap ng mga tao. Layunin nitong humikayat,
magpaliwanag at magbigay ng opinion ukol sa isang pangyayari o paksa.
Talambuhay
 Nahahati ito sa pansarili o pang-iba. Ito"y tala ng kasaysayan sa buhay ng isang tao.

MGA LITERATURA SA MGA ANYONG PATULA

Apat na uri ang mga akdang patula:


 Tulang pasalaysay
 Tulang liriko o pandamdamin
 Tulang pandulaan
 Tulang patnigan.

Tulang Pasalaysay
 ito ay pumapaksa sa mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay, ng kagitingan at
kabayanihan ng tauhan. Kabilang sa uring ito ang:

1.Awit at Korido
 na pumapaksa sa mgapakikipagsapalaran at karaniwang ginagalawan g mga tauhang
prinsipe at prinsesa ( ang halimbawa ng awit ay Florante at Laura st ang kurido
naman ay Ibong Adarna).

2. Epiko
 na tungkol pa rin sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan at
ang mga pangyayaring nakapaloob ditto ay kagila-gilalas at hindi kapani-paniwala.
3. Balad
 Ito ay mau himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw. Ito ang
nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ay napapasama na ito sa tulang
kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.

Tula ng Damdamin o Tulang Liriko


 Ang uring ito ay nagpapahayag ng damdaming maaring sarili ng sumulat o ng ibang
tao, o kaya y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata na batay sa
isang karanasan. Karaniwang maikli, likas, at madaling maunawaan ang mga ito. 

MGA URI NG TULANG LIRIKO

1.Awiting bayan
 Ang karaniwang paksa sa uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati,
pangamba, kaligayahan, pag asa at kalungkutan.
2. Someto
 Ito y tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may
malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, itoy naghahatid ng aral sa
mambabasa.

3. Elihiya
 nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya' y tula ng
pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
5.Pastoral
 Ito'y layuning maglarawan ng May tunay na buhay sa bukid.
6. Oda
 Nagpapahayag ng isang papuri panaghoy, o iba pang masiglang damdamin; walang
tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa sang saknong.

TULANG DULA O PANTANGHALAN

1.Melodrama
 itoy isang karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musical, kasama na ang
opera. Ngunit ngayon ito ay may kaugnayan sa trahediya tulad din ng parsa sa
komediya. Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit nagging kasiya-
siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula.
2. Komedya
 Isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong
pukawin ang kawilihang manonood Nagwawakas ito nang masaya. Ang tunggalian
ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundong mga tauhan na siyang
nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood.

3. Trahedya
 Angkop ang uring itong dula sa mga tungalang nagwawakas sa pagkasawi o
pagkawasak g pangunahing tauhan.
4. Parsa
 Isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga
pangyayaring nakatatawa.
5. Saynate
 Ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook.
TULANG PATNIGAN

1.Karagatan
 Ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa
hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga
binatang may gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa dagat at ang makakakuhay' y
pakakasalan niya. Sa larong ito, isang kunwa'y matanda ang tutula hinggil sa dahilan
ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o tabo na may tandang puti at
sinumang matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang tatanungin ng dalaga ng mga
talinghaga.
2. Duplo
 Ito ang humalili sa karagatan. Ito'y paligsahan ng husay sa pagbigkas at
pangangatwiran nang patula. Ang mga pangangatiwiran ay hango sa Bibliya, sa mga
sa wikain at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan.
3. Balagtasan
 Ito ang pumalit sa duplo at itoy sa karangalan ng Siesne ng Panginay na si Francisco
" Balagtas" Baltazar. Ito' y tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang
pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.

ARALIN 4

MGA PAMANTAYANG NILALAMAN


1. Natatalakay ang mga dulog na ginagamit sa pag-aaral ng panitikan.
2. Nagagamit sa pagsusuri ang mga pangunahing katangian ng bawat dulog.
3. Nakapagsasaliksik n mga pilosopo na nasa likod ng bawat dulog g bawat dulog na
ginagamit sa pagsusur ng pampanitikan.

Romantisismo
 Umanoy naniniwala ang Romantisismo na ang daigdig ay hindi isang walang
Kahulugang kasalimuotan na kaaway ng tao- may pagkakasundo at layunin sa
kabuuan ang sandaigdig na nilikha ng Makapangyarihan at marunong sa lahat at
itinataguyod ng katarungan at pag-ibig. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig
sa tao o baying napupusuan.
Eksistensivalismo
 Ito ay hindi teorya kunod paniniwala- paniniwalang hindi tunay ang buhay kung
nakakulong sa Sistema ng paniniwala. Ang layunin ng panitikan ay ¡pakita na may
kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro kanyang pananatili sa mundo (human existence).

Istrakturalismo
 ang pangkalahatang pananaw, lisa ang simulain nito- ang pagpapatunay na ang wika
o lengwahe ay hindi lamang hinuhubog ng kamalayang panlipunan kundi
humuhubog din sa kamalayang panlipunan. nito, nakabaon ang panlipunang
kamalayan sa paggamit ng wika o paggamit sa mga salita ayon sa mga kinikilalang
tuntunin at pagsasapraktikang panlipunan.

Dekontruksyon
 winawasak nito ang kabuuan ng Sistema ng wika at binubuo lamang muli ito bilang
kamalayan na may kalakip na teorya ng realidad. Ang layunin ng panitikan ay
ipakita ang iba"t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng
ilang pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag udyok sa May akda
na sumulat kundi ang pinaghalu halong pananaw na ang nais iparating ay ang
kabuuan ng pang tao at mundo.

Moralistiko
 sa ganitong oryentasyon, ¡pinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang
maglahad o magpahayag hindi lang ng literal na katotohanan kundi ng mga
panghabambuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di mapapawing
pagpapahalaga (values).

Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba't ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng
isang itao- ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din ditto ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kam lian ng isang kilos o ugali ayon sa nagsasaad
sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa
madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan.
Historikal
 Hindi ang teksto bilang teksto ang lubusang pinagtutuuan ng pansin kundi ang
kontekstong dito y nagbigay-diin hindi ang particular na kakanyahan lamang ang
sinusuri kundi ang mga impluwensiyang dito ay nagbigay- hugis ang talambuhay ng
awtor, ang political na sitwasyon sa panahong naisulat ang akda; ang mga tradisyon
at kombensyon na maaring nakapagbigay sa akda ng mga katangian.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasamalamin sa kapaysayan ay bahagi ng kanyang ng kanyang pagkahubog. Nais din
nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Arketipal
 katulad ng sikolohikal na pananaw, nakapako ang atensyon nito sa paraan ng
pagkalikha at ang epekto nito sa mambabasa. Ang layunin ng panitikan ay ipakita
ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo.

Realismo
 ang teoretikal na batayan nito ay ang paniniwalang may taglay na kapangyarihan
ang teskto at ang manunulat ng akda, na suriin ang masalimuot na realidad (mga
emperikal na datos) at gamitin ang mga ito sa paglikha ng kanyang akda na sa tingin
niya ay representasyon ng realidad.
Klasismo/ Klasisismo
 Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-jibigan, karaniwan ang daloy ng
mga pangyayari, matipid at piling- pili sa paggamit ng mga salita at lagging
nagtatapos nang may kaayusan.

Humanismo
 Ang layumin na panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay
binibigyang-ton ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talent
atbp.

Imahismo
 ang layunin ng panitikan ay gumamit ng inga imahen na higit na maghahayag sa
mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda
na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa
halip ns paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang
totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
Feminismo
 Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at jangat ang pagtingin ng lupain sa mga kababaihan. Madaling matukoy
kung ang isang panitikan ay feminism sapgkat babae O sagisag babe ang
pangunahing tauhan as ipinahahayag ang mabubuti at magagandang katangian ng
tauhan.
Formalismo/ Formalistiko
 Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit
ang kanyang tuwirang panitikan. Samatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa
kanyang panitikan amg siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa- walang labis at
walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri't pang-unawa.

Saykolohikal/Sikolohikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagkakaiba ng mga
salig( factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw,
pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang fao ay
nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag- udyok na
mabago o mabuo ito.

Markismo/Marxismo
 Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may
sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot n pang-ekonomiyang
kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon
mula sa kalugmuan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Sosyolohikal
 Ang layunin ng panitikan ay jpakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng
lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipapakita rito ang pamaraan ng mga
tauhan sa pagsugpo sa suliranin O kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa
mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.

Bayograpikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng
may-akda. Ipinshiniwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng
may-akda na siya niyang pinakamasaya. pinakamahirap. pinakamalungkot at lahat
ng mea "pinaka" na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo.

Kultural
 Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi
nakaaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyo
minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito ang bawat lipi ay
natatangi.

Feminismo- Markismo
 Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba't ibang paraan ng kababaihan sa
pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala
sa prostitusiyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito y
kasamaan at suliranin Ng lipunan.

You might also like