You are on page 1of 15

IKALAWANG KABANATA

Panahon Bago Dumating ang mga Kastila

Kaligirang Kasaysayan

Noong pa mang hindi pa dumarating sa ating kapuluan ang mga Kastila, at maging ang

iba pang mga dayuhan, ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikang nagtataglay ng

kasaysayan ng ating lahi.

Panitikan ang nagpapahiwatig ng tunay na pagkalahi natin. Nagsisilbi itong wika ng

Pilipino na nagbubunyag ng panlipunan at bakas sa mga kuwentong bayan, alamat, epiko,

kantahing bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan, sinaunang dula, at maikling kuwento.

Mayroon na rin ang ating ninuno noon ng sariling baybayin o alpabetong kaiba sa

kasalukuyang ginagamit na dinala ng mga Kastila. Ito ay ang alibata – ang abakadang kahawig

ng Malayo-Polinesyo, na unang ginamit ng ating ninuno.

Anumang talang pampanitikan ng ating mga ninuno ay sinunog lahat ng mga naturang

pari sa paniniwalang ang mga iyon ay likha ng diyablo. Maliban sa katuwirang’ yun, nabuo sa

kanilang sarili na magiging sagabal ang mga talang nakuha nila sa madaling pagpapalaganap ng

pananampalatayang Katoliko.

Subalit mayroong mga talang di pa rin nasunog. Kabilang sa mga ito ay ang mga

kantahing bayan na siya naming magpapatunay ng pagkakaroon natin ng sariling kalinangan.

Mabilis itong nagpasalin-salin sa bibig ng mga katutubong mamamayan hanggang sa dumating

ang mga palimbagan na nagkaroon ng interes na ipalimbag ang mga napulot na talang

pampanitikan ng matatandang Pilipino.


Ang mga ninuno natin ay gumamit ng biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog, at

dahoon at balat ng mga punungkahoy bilang sulatan. Ang mga panulat ay matutulis na kawayan

o kahoy, dulo ng lanseta, at matutulis na bato at bakal. Kahit na ang bumbong na pansalok ng

inumin ay tinatalaan nila ng mahahalagang pangyayari sa buhay.

Pinatutunayan ng mga Kastilang nanakop sa Pilipinas na ang ating mga ninuno ay

talagang mahihilig sa mga tula, awit, kuwento, bugtong, at palaisipan na magpahanggang ngayon

ay nagdudulot pa sa atin ng kasiyahan at nagiging tagapagbadya sa salinlahi ng tunay na

kalinangan at kultura ng ating lahi.

Mga Bahagi ng Panitikang Filipino Bago Dumating ang mga Kastila

Bago pa dumating ang mga kastila, ipinalalagay na ang ating mga ninuno ay mayaman na

sa mga alamat, kuwentong bayan, epiko, awiting bayan, mga karunungang bayan ng bugtong,

sawikain, salawikain, palaisipan, at bulong. Mayroon na rin silang tula at dula noong panahong’

yon.

Ang Alamat

Ay isang uri ng panitikang tuluyan, na ang karaniwang paksa ay nagsasalaysay ng

pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan. Ang mga pangyayari ay likhang-isip

lamang, salat sa katotohanan at tunay na di-kapanipaniwala. Ang layunin nito’y manlibang.


Halimbawa:

Ang Alamat ng mga Tagalog

Dinala ni Ilog ang sawa kay Simang “Para sa iyo, mahal ko.” wika niya. Noon naman ay

dalawang sundalong Espanyol ang dumating, napansin nila ang kaguluhan. Lumapit sila upang

mag-usyoso ngunit hindi nila napansin ang pinagkakaguluhang sawa na hawak ni Ilog.

Ang napansin nila’y ang kagandahan ni Simang. Lumapit pa ang mga dayuhan kay

Simang. Itinanong nila sa dalaga ang pangalan ng lugar na iyon. Ngunit hindi sila napansin ni

Simang (Itinanong nila sa dalaga) dahil sa buong paghanha itong nakatingin kay Ilog.

Itinaas ni Ilog ang ulo ng sawa saka binitiwan ng isang kamay ang buntot nito. Biglang

nilingkis ng sawa si Ilog. “Eeek!” sigaw ni Simang. “Ilog tagain mo!” Hinugot ni Ilog ang itak sa

kaniyang baywang at tinaga ang sawa. Naputol agad ang buntot ng sawa. Tumalsik ang

masaganang dugo, ngunit tila buhay na gumagalaw-galaw pa ito.

“Eeeek!” muling sigaw ni Simang “Taga Ilog, taga Ilog!” sa kabila ng kaguluhang

naganap hindi naalis ang pagkatitig ng mga Espanyol sa dalaga. Muli tinanong nila si Simang.

Sumigaw si Simang, “Taga Ilog, taga Ilog!”

Kuwentong Bayan
Ang kuwentong-bayan madalas nangyayari sa loob at labas ng ating lugar. Ito aya

nagpasalin-salin sa mga bibig ng mga tao, kaya’t ang katotohanan sa kuwento ay mahirapa

tukuyin. Ang mga kuwentong bayan ay binubuo ng mga kuwento tungkol sa buhay,
pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katakutan, at katatawanan na kapupulutan ng mgagandang aral

sa buhay.

Halimbawa:

“Si Bulan at si Adlaw”

(Ito ay Isang Kuwentong Bayan ng Tinggiyan)

Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting pagpapasunuran at

pagmamahalan. Sila'y sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming bituin. Napansin ni

Adlaw na lubha ng masikip sa kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan.

Kinausap ni Adlaw si Bulan at sinabi sa asawa na pagpapatayin nila ang iba nilang mga

anak upang lumuwag ang kanilang tirahan.Tinutulan ni BUlan ang mungkahi ni Adlaw at ito ang

naging dahilan ng mainit nilang pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa kanilang bahay

sapagkat halos araw-araw ay nag-aaway sila. Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya niyang

makipaghiwalay sa asawa na lalo namang ikinagalit ni Adlaw. Hindi nagtagal ay pumayag na rin

si Adlaw na makipaghiwalay sa kasunduang isasamang lahat ni Bulan ang mga anak na bituin at

hindi na pakikita sa kanya ang mag-iina.

Kaya mula noon, makikitang nag-iisang sumusikat si Adlaw (Araw) sa araw at sa gabi

naman ay lumilitaw si Bulan (Buwan) kasama ang mga anak na bituin. Kapag ang dating mag-

asawa'y nagkakatagpo ay lalong tumitindi ang poot ni Adlaw kay Bulan kaya hinahabol niya ito

na nagiging dahilan ng eklipse.


Panahon ng Epiko

Napakaraming epiko ang nagsilitaw ng panahon ito, subalit walang sinumang

makapgsabi kung alin sa mga epiko ang pinakamatanda sapagkat maging sa Ingles at Kastila at

sa iba pang wika, ang pagkakasalin nito ay hindi pa naluluma. Maging ang panahon ng

pagkakasulat nito ay maaring hula-hula lamang.

Ang “Hudhud” at “Alim” daw ng mga Ipugaw ay maaring sa panahon pa nang ang bakal

ay hindi nakikilala ng tao at ang kanilang mga kagamitan ay yari pa sa bato.

Epiko

Ito ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang

tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang

makababalaghan at di-kapani-paniwala.

Halimbawa:

“Ang Biag ni Lam-Ang”

(epiko ng mga Iloko)

Sa Nalbuan ay may nakatirang mag-asawa na nagngangalang Don Juan at Namongan. Si

Don Juan ay napasa-bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorot. Nagsilang ng

sanggol na lalaki si Namongan at ang sanggol ay nagsalita agad at hininging “Lam-Ang” ang

ipangalan sa kanya. Nang siyam na buwan na si Lam-ang siya’y sumunod sa kabundukan para

hanapin ang kanyang ama. Napanaginipan niyang ipinagdiriwang ng mga Igorot ang pagkamatay

ng kanyang ama. Galit siyang nagising at mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorot. Pinatay

ni Lam-ang ang mga Igorot, maliban sa isang pinahirapan muna bago pinawalan.
May naibigang si Lam-ang na isang babaing nagngangalang Ines Kanoyan, sa bayan ng

Kalunatian. Dumayo siya sa bayan nito upang manligaw na kasama ang isang putting tandang at

isang aso. Nakasalubong niya si Sumarang na manliligaw rin kay Ines at madaling napatay si

Sumarang. Sa harapan ng bahay ni Ines ay nakatagpo ni Lam-ang iba pang lumiligaw rito.

Pinatilaok ni Lam-ang ang tandang at bumagsak ang isang bahay sa tabi. Dumungaw si Ines at

pinatahol ni Lam-ang ang aso, at sa isang iglap, ang bahay na natumba ay tumindig uli. Sila’y

ikinasal at nagkaroon ng malaking pagdiriwang.

Ilang panahon ang lumipas, pinagsabihan ng apo ng bayan si Lam-ang na turno nito ang

manghuli ng raring(isda). Ipinagtapat ni Lam-ang kay Ines na may kutob siya’y makakagat at

mapaptay ng berkakan kapag nanghuli ng raring. At nagkatotoo nga. Namatay si Lam-ang.

Sa lungkot ni Ines ipinatapon ang mga buto ni Lam-ang. Nang mapagbuo-buo ang

kalansay sa pangagalaga ng tandang at sa tahol ng aso, si Lam-ang ay muling nabuhay. Ganap na

nagging maligaya ang mag-asawang Lam-ang at Ines at namuhay ng payapa.

Alim

(Epiko ng mga Ipugaw)

Noong unang panahon ang mga tao ay may masagana, maligaya at tahimik na

pamumuhay sa gitna ng dalawang bundok, ang bundok Amuyaw sa silangan at bundok

Kalawitan sa kanluran. Walang suliranin ang mga tao tungkola sa kabuhayan. Ang mga pagkain

ay nasa paligid lamang nila at ang inumin ay nanggagaling sa katas ng tubo na kung tawagin ay

bayak. Kahit ano ang maisipan nilang pagkain ay mayroon at sagana.

Dumating sa kanilang buhay ang isang napakalungkot na pangyayari. Nagkaroon ng

tagtuyot. Namatay lahat ng mga halaman at hayop. Namatay rin ang ilang tao sa uhaw at gutom.
Naisip ng iba na hukayin ang tubig. Dahil sa lakas ng pagbalong ng tubig nalunod ang lahat ng

mga tao maliban sa magkapatid na Wigan at Bugan. Naglakbay sila sa ibat’t ibang pook upang

maghanap nga mga tao subalit wala silang natagpuan isa man.

Lumipas ang panahon at naramdaman ni Bugan na siyay nagdadalang tao. Dahil sa

kahihiyan naisip niyang magpatiwakal subali’t hinadlangan siya ng kanilang Bathala na si

Makanungan. Ikinasal silang magkapatid at nagkaanak sila ng siyam – apat na babae at limang

lalaki. Ikinasal ang unang apat na babae sa unang apat na lalaki. Sumapit ang panahong nakaroon

ng tagtuyot. Naisip nilang dumulog kay Makanungan at naghandog sila ng isang daga ngunit

hindi sila kinaawaan ng Bathalang Makanungan.

Iginapos nila si Igon at pinatay upang ihandog sa Bathalang Makanungan. Nilunasan ni

Makanungan ang tagtuyot. Dahil sa ginawa nilang iyon kay Igon ay pinarusahan sila, ang angkan

nila ay magkakahiwalay at sa pagkakataon sila’y magkatagpu ay mag-aaway at magpapatayan

sila.

Mga Awiting Bayan

Ang mga awiting bayan ay isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino na lumitaw

bago dumating ang mga Kastila. Ito’y mga naglalarawang ng kalinangan ng ating tinalikdang

panahon. Karamihan sa mga ito ay may lalabindalawahing pantig. Tunghayan ang mga

sumusunod:

Kundiman
(Awit ng Pag-ibig)
Noong unang panahon ako ay bata pa,
Natisod mo na ay di pa alintana,
Nang ako ay lumaki at maging dalaga,
Tila sa wari ko ay may pagbabanta pa.

Pagsinta mo sa akin ay di ko tatanggapin,


Pagkat akong ito ay alangan sa tingin,
Ako ay mahirap, pangit pa sa tingin,
Bakit naman ngayon ay iyong iibigin.

Kumintang o Tagumpay
(Awit ng Pandigma)
Ang nuno nating lahat,
Sa gulok di nasisindak,
Sa labanan di naaawat,
Pinuhunan buhay, hirap,
Upang tayong mga anak,
Mabuhay nang mapantag.

Ang Dalit o Imno


(Awit sa Diyos-diyosan ng mga Bisaya)
Pumanaog, pumanaog si Mansilatan,
Saka si Badla ay bababa,
Mamimigay ng lakas,
Pasayawin ang mga Baylan,
Paligiran ang mga Baylan.

Ang Oyayi o Hele


(Awit sa Pagpapatulog ng Bata)
Tulog na bunso
Ang ina mo ay malayo
Di ka niya masundo
Pagkat ang daa’y maputik
At mabaho

Diona
(Awit sa Kasal)
Umawi tayo at ipagdiwang,
Ang dalawang pusong ngayon ay ikakasal,
Ang daraanan nilang landas,
Sabuyan natin ng bigas.

Suliranin
(Awit ng mga Manggagawa)
Hala gaod tayo, pagod tiisin,
Ang lahat ng hirap pag-aralang bathin,
Kahit malayo man, kung aking ibigin,
Daig ang malapit na ayaw lakbayin.

Kay-pagkasawing palad ng
Ianak sa hirap,
Ang bisig kundi iunat,
Di kumite ng pilak.

Talindaw
(Awit sa Pamamangka)
Sagwan, tayo ay sumagwan,
Ang buong kaya ay ibigay,
Malakas ang hangin,
Baka tayo ay tanghaliin,
Pagsagway pagbutihin.
ANG KARUNUNGANG BAYAN

Noon pa man ang tao ay mayroon ng panitikan na nagpapahayag ng kanilang damdamin

tungkol sa ibat ibang bagay sa daigdig,sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa

kaugnayan ng kanilang kaluluwa. Ang panitikan din ang nagiging daan upang mabatid ang

kaugalian, tradisyon at kultura. Mayroog ibat-ibang uri ng panitikan isa sa mga ito ang

karunungang bayan.

Ang ibig sabihin ng karunungang bayan ay ang sumusunod:

 Ito isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga

kaisipan na napapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.

 Ito ay tumutukoy sa isang klase o uri ng panitikanng idinadaan sa pamamagitan ng

pagsasagot o paghuhula.

 Kailangan din ng karunungang bayan malalim na pag iisip

 Ginagamit ito bilang idyomatiko na may malalim na kahulugan kesa sa literal na

kahulugan nito.

 Ito ay ginagamit upang mapatalas ang kaisipan.

 Ito ay hango sa karanasan ng mga matatanda

 Nagbibigay ng payo tungkol sa kagandahang asal at mga paalala.

Mga halimbawa ng mga karunungang bayan

1. Bugtong – ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat o tugma.

Ang pantig naman nito ay maaaring apat o hanggang labing dalawa. Ito ay uri ng laro na
may kaugnayan sa pagpapahula sa isang bagay na inilalarawan. Ito ay nagsimula pa bago

dumating ang mga kastila kung ang pag-uusapan ay ang kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay

ginamit upang libangin ang mga tao sa mga oras na wala silang ginagawa. Dahil dito

nakasanayan na itong gawin ng mga taong pagkakatipon sa patay o sa gabi. Hanggang sa

kasalukuyan mayroon paring mga tao na nagsasagawa nito. Iyon nga lamang hindi na

kasindami ng mga tao noon. Patugmang pahayag upang ipasagot sa iba.

Halimbawa:

1. Isang balong malalim, puno ng patalim

2. Ito namang pinsan ko, Saka lng kikilos kung pinapalo

3. Isang princesa, Nakaupo sa tasa

4. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa

5. Pag - aari ko na mas madalas gamitin ng ibang tao

2. Salawikain- Ito naman ay ang pagpapahayag ng mga matatalinghagang aral na batayan

sa magandang pag-uugali. Ito ay nakaugaliang sabihin sapagkat ito ay nagsisilbing

tagapagpaalala ng mga tuntunin ng kagandahang asal. ang salawikain nagmumula sa

Pilipinas bilang makapangyarihan at makatang pagpapadama at payak na anyo ng mga

pahiwatig. Kapag ginamit sa pang-araw-araw na pag-uusap, gumaganap ang mga

salawikain bilang mga pagbibigay-diin sa isang punto o isang kaisipan ng paliwanag o

dahilan. Ayon sa iba, ito’y parang parabulang patalinghaga at nagbibigay ng aral lalo na

sa mga kabataan

Halimbawa
1. Kung walang tiyaga, walang nilaga

2. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.

3. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.

4. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili.

5. Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.

3. Sawikain – Ito’y mga kasabihang walang natatagong kahulugan, mga salitang

eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging magada ang paraan ng

pagpapahayag. Ito ay nagpapahayag ng kaisipan o magandang mensahe sa buhay. Ang

kaibahan lang nito, ito ay tiyak at madaling matukoy ang mensahe nais nitong tukuyin.

Ito ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal, sa ibang salita,

hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay

di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

Halimbawa:

1. Ang sakit kapag naagapan madali itong malulunasan.

2. Minsan kang pinagkatiwalaan wag mong pababayaan.

3. Sa pagsisikap ay nakasalalay ang tagumpay sa buhay.

4. Ang taong matiisin, nakakamit ang mithiin.

5. Huwag mong ipagpaliban ang magagawa mo sa kasalukuyan.

4. Kasabihan - Ito ay ang katangian,ugali,gawa/gawi, kilos. Ito ay patalinghagang pahayag

na kinapapalooban ng makabuluhang pilosopiya sa buhay. Ito ay ginagamit ng mga

matatanda noong unang panahon para akayin ang mga kabataan sa wastong pag-uugali at
kilos. Ayon naman sa iba, ang kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso o

pagpuna sa mga mali ng iba.

Halimbawa:

1. Putak, putak batang duwag, matapang ka’t nasa pugad.

5. Kawikaan – Ito ay kauri ng sawikain na ang kaibahan lamang ay lagging nagtataglay ng

aral sa buhay.

Halimbawa:

1. Ang panahon ay samantalahi, sapagkat ginto ang kahambing.

2. Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.

3. Ang di marunong magbata, di makakamit ang ginhawa.

4. Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga.

5. Ang katamaran ay kapatid, kapatid ng kagutuman.

6. Palaisipan - Ito ay isa sa paraan ng pagpukaw ng isipan ng tao. May suliraning

binibigkas ng tuluyan at naghahanap ng kasagutan.  Ito rin ay laro na humahamon sa

isipan ng tao upang mag-isip ng kasagutan.Ito ay karaniwang nasa anyong tuluyan

bagamat mayroon din palaisipan na nasa anyong patula.

Halimbawa:

1. Paano tatawa ang dalaga ng hindi nakiita ang kanyang ngipin?

Sagot: tatakpan nya ng kanyang palad ang kanyang bibig.


2. May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian, pambihirang

ganda, bawal tumingala upang sya’y makita, ano ang gagawin ng binatang

sumisinta?

Sagot: iinom ng tubig upang kunwa’y mapatingala at Makita ang prnsesa.

3. May isang bola na tinakpan ng sombrero, paano nakuha ang bola nang hindi

nagagalaw ang sombrero?

Sagot: may butas ang tuktok ng sombrero.

7. Bulong - ito ay mas kilala na ginagamit bilang pangkulam o pang engkanto.

Halimbawa:

1. Ikaw na nag nakaw ng bigas ko

lumawa sana ang mata mo.

Mamaga sana ang katawan mo.

Patayin ka ng mga anito

2. Dagang malaki, dagang maliit,

ayto ang ngipin kong sira na’t pangit,

sana ay bigyan mo ng bagong kapalit.

3. Huwag magagalit, kaibigan, aming pinuputol

lamang ang sa ami’y napag utusan.


Sinasabing bago pa man dumating sa Pilipinas ay mayroon nang panitikan ang mga

Pilipino. Isa sa mga ito ay ang karunungang bayan. Ang mga nasabing karunungang bayan noon

ay pasalin-dila lamang. Mayroon ring nakasulat sa piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at

makikinis na bato. Iilan lamang ang natagpuan ng mag arkeologo sapagkat ayun sa kasaysayan

pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang sila ay dumating sa bansa sa paniniwalang ang mga

ito ay gawa ng masama.

You might also like