nang dumami ang mga mamamayang natutong bumasa’t sumulat dahil sa pagbubukas ng mga paaralang pagbubukas ng mga paaralang publiko. Ang mga tauhan ay naghahanap ng kapayapaan ng sarili sa pamamagitan ng pagbaling sa kalikasan upang makadama ng kalayaan sa sarili. Sapanahong ito hindi naglayong magbukas ng isipan ng magbabasa ang nobela upang makilahok sa pagbabago. Ang mga nobelang lumitaw at nabasa noon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naglayong umaliw. Sa istilo at paraan ng pagkakasulat ay mababakas pa rin ng pagtradisyunal - mabulaklak at karaniwang sentimental. Pag-ibig pa rin ang lumutang na paksa. Sinikap ng mga manunulat na ang mga pananalita ng mga tauhan ay maging maganda. Angmga nobelistang nakilala sa panahong ito ay sina Julian Cruz Balmaseda, Lope K. Santos, Antonio H. Sempio, Faustino Aguilar, Fausto Galaruan, Hilaria Labog, Jose Esperanza Cruz at marami pang iba.