You are on page 1of 28

KAUGNAY NA

LITERATURA AT
PAGAARAL
Fernando P. Ferrer
Jr.
KAUGNAY NA LITERATURA

• Binub uo ng mg a d iskusy o n ng mg a imp o r masy o n,


prinsipyo at katotohanan na kaugnay sa pag-aaral na
isinasagawa.
• Ito ay isang pormal na pangangalap ng propesyunal na
literature na may kaugnayan sa isang partikular na
sulir aninng pananaliksik. Sa pamamar aang ito
matutuklasan ng tiyak ang mga natutunan ng ibang
nanaliksik na may kaugnayan saiyong paksa.
• Pag-aaral, pag-iimbestiga o imbestigasyon na isinagawa
na at may kaugnayan o pagkakat ulad sa paksa ng2
KAUGNAY NA LITERATURA

• Ang mga materyal na ito ay nasa klasipikasyon ng:\


A. Lokal, kung ito ay inilathala sa Pilipinas
B. Dayuhan, kung ito ay inilathala sa ibang bansa.

3
Sanggunian Ng Kaugnay Na
Literatura
• Libro, ensayklopedia, almanak at iba pang kaparehong
referensya.
• Artikulo sa mga propesyunal na dyornal, magasin,
peryodiko, at iba pang publikasyon.
• Ang mga batas at konstitusyon sa kabuuan ng bansa.
• Rekord ng paaralan, partikular ang mga report ng kanilang
mga programa at gawain.
• Mga theses at disertasyon

4
Sanggunian Ng Kaugnay Na
Literatura
• Kopya ng mga pananaliksik mula sa mga pang-edukasyon
journal.
• Report at papeles mula sa mga pang edukasyong seminar
at kumprensya.
• Lahat ng uri ng opisyal na report ng pamahalaan, pang
edukasyon, panlipunan, pang-ekonomiya, siyentipiko,
teknolohikkal atbp.

5
Kahalagahan Ng Kaugnay Na
Panitikan 
At Pag-aaral
• Tinutulungan ang mga mananaliksik na mas malalim na
maunawaan ang kanyang paksa.
• Makakasiguro na walang duplikasyon ng ibang nagawa
ng pananaliksik. May duplikasyon kung ang pananaliksik
ay naisagawa na sa kaparehong lokal na may
pagkakapareho sa mga respondate.
• Tinutulungan at ginagabayan ang mga mananaliksik na
makahanap ng iba pang pagkukunan ng mahahalagang
impormasyon.
6
Kahalagahan Ng Kaugnay Na
Panitikan 
At Pag-aaral
• Malaki ang naiaambag sa mga mananaliksik upang
ikumpara ang resulta ng pag-aaral ng dalawang
pananaliksik na siyang magiging daan upang higit na
maunawaan ang mga suliranin n tinalakay sa paksa at ang
mga rekomendasyon na maaaring maibigay dito.

7
KATANGIAN NG MGA
MATERYAL NA GAGAMITIN
• Ang materyal na gagamitin kung maaari ay makabago at
napapanahon.
-naisulat ng di hihigit sa sampung taon na ang
nakakaraan.
Ang nagalugad na materyal ay nararapat na bago (10 yrs.
Ago to present)
• Ang materyal ay kinakailangan ay obhetibo at walang bias.
• Ang materyal ay kinakailangang may kaugnayan sa paksa
ng pag-aaral.
8
KATANGIAN NG MGA
MATERYAL NA GAGAMITIN

• A n g m g a m a t e r y a l a y n a r a r a p a t n a n a k a b a se sa
makatotohanang impormasyon at may kredibilidad ang
sangguniang ginamit.
• Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay hindi
nararapat masyadong marami o kakaunti.

9
TANDAAN!

Hindi kailangang kopyahin o kuhanin ang kumpletong laman


ng binasang teksto kundi ang mahalagang ideya lamang na
nabanggit sa binabasa at makakatulong sa pagsasagawa ng
pananaliksik.

10
TANDAAN!

Makakatulong ang paggamit ng mga index card upang


maging maayos ang pagtatala. Isulat sa nasabing index card
ang mga kaisipan o impormasyong kailangan sa pagtalakay
sa sulating pananaliksik.Tandaan na huwag kalimutan itala
kung saang sanggunian hinango ang nasabing impormasyon
at kung sino ang may-akda nito.

11
PAGGAMIT NG
DOKUMENTASYON
• Ang pananaliksik ay batay lamang sa mga gawa o ideya
ng iba kaya’t nararapat na mabigyan sila ng angkop na
pagpapahalaga.
• Anumang siniping mga pananalita ng may akda na
nakalap bilang mga talang gagamitin ay kinakailangan ang
pangalan ng awtor at taon sa talaan ng sanggunian.
• Kung ang isang tao ay inagkinang isang ideya o teksto ng
ibang tao at pinalabas na ito ay sa kanya, sa teknikal na
salita ito ay plagiarism.
12
PAGGAMIT NG
DOKUMENTASYON
• Kasama rito ang hindi paglalagay ng panipi o quotation
mark kung saan ito nararapat ilagay, kawalan ng pag-
iingat sa paghahanda ng mga listahan ng sanggunian,
kabiguan na kumuha ng mga permiso sa paggamit ng
mga pigura, talahanayan, maging ilustrasyon.

13
Mga Alituntunin Sa Paggamit Ng
Parentikal Na Sanggunian
• Pahina na lamang ang babanggitin kung nabanggit na ng
awtor sa mismong teksto.
• Kung higit sa isa ang awtor (ngunit hindi sosobra sa tatlo)
banggitin ang lahat ng pangalan ng may akda.
• Kung may apat na o higit pang may akda, banggitin na
lamang ang apelyido ng unang may-akda at sundan ng et
al.
• Kung may babanggiting dalawa o higit pang may akda na
pareho ang huling pangalan, banggitin ang mga pangalan.
14
Mga Alituntunin Sa Paggamit Ng
Parentikal Na Sanggunian
• Kung pamagat lamang ang naibigay, banggitin ang
pinaikling bersiyon ng pamagat at sundan ng pahina.
• Kung may babanggitin dalawa o higit pang akda ng iisang
awtor, banggitin ang mga akda.

15
URI O ANYO NG TALA

• Direktang Sipi
• Buod ng Tala
• Paraphrase
• Sipi ng Sipi
• Salin o Sariling Salin

16
DIREKTANG SIPI
Eksaktong salita o pahayag ng isang awtor. Kinopya nang
direkta, salita-sa-salita, mula sa sanggunian. Ginagamit ito
ng mananaliksik kapag nais niyang:
• Idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang
suportahan ang argument
• Nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang argument ng 
awtor
• Bigyang-diin particular ang isang malinaw o
makapangyarihang pahayag o sipi
• Naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista 17
DIREKTANG SIPI
Makikita din sa bawat paaralan ang mga suliranin na
dapat bigyang pansin sa pagtutur o ng asignatur ang
Matematika lalong-lalo na kung ang mga estudyante ang
pag-uusapan. Una, nakakawalang gana sa mga estudyante
ang pag-aaral ng asignaturang Matematika, sapagkat wala
silang interes na matutunan ito. Pangalawa, pinagwawalang
bahala nila ang pag-aaral ng asignaturang Matematika
sapagkat para sa kanila, ito’y hindi napapakinabangan
pagkatapos ng kanilang pag-aaral, lalong-lalo na sa mga
estudyante na nais pumunta sa ibang bansa. 18
BUOD NG TALA

Ginagamit ito kung ang nais lamang gamitin ay ang


pinakamahalagang ideya ng isang tala, tinatawag din itong
synopsis. Layunin ng buod na mabigyan ng
pangkalahatang ideyaang mambabasa.

19
BUOD NG TALA
Makikita din sa bawat paaralan ang mga suliranin na
dapat bigyang pansin sa pagtutur o ng asignatur ang
Matematika lalong-lalo na kung ang mga estudyante ang
pag-uusapan. Una, nakakawalang gana sa mga estudyante
ang pag-aaral ng asignaturang Matematika, sapagkat wala
silang interes na matutunan ito. Pangalawa, pinagwawalang
bahala nila ang pag-aaral ng asignaturang Matematika
sapagkat para sa kanila, ito’y hindi napapakinabangan
pagkatapos ng kanilang pag-aaral, lalong-lalo na sa mga
estudyante na nais pumunta sa ibang bansa. 20
SIPI NG SIPI

Maaari n g gam i t i n an g si n i p i m ula sa i san g


mahabang sipi. Ang ganitong uri ay ginagamitan
din ng panipi.

21
SIPI NG SIPI
Mula naman sa pag-aaral ni Fox-Keller (1985), binanggit niyang
kahit madali na lamang ngayon para sa mga kababaihan na pumasok sa
mga la ra nga n na ma y ka ugna y a n sa ma te ma ti ka a t a gha m
nagingibabaw pa din sa lahat ang kaisipan na ang mga kalalakihan pa
rin ang lubos na magtatagumpay at mahuhusay sa mga larangan ng
matematika at agham at ang mga kababaihan ay walang lugar para sa
mga ganitong propesyon. Inilahad din niya na bukod sa oras, pera,
pakikisalamuha saiba, isa ring malaking suliranin ng mga mag-aaral ang
pag-unawa sa asignaturang matematika. Madalas ang mga asignatura
na may kinalaman sa asignaturang Matematika ang iniiwasan ng mga
mag-aaral lalo na sa hayskul at kolehiyo.
22
SIPI NG SIPI
Mula sa pag-aaral ni Fox-Keller (1985), inilahad niya
kahit madali na lamang ngayon para sa mga kababaihan na
pumasok sa mga larangan na may kaugnayan sa
matematika at agham nagingibabaw pa din sa lahat ang
kaisipan na ang mga kalalakihan pa rin ang lubos na
mag t at ag ump ay at mahuhusay sa mg a lar ang an ng
matematika at agham at ang mga kababaihan ay walang
lugar para sa mga ganitong propesyon.

23
PARAHRASE 0 HAWIG
Pagsasabing muli ng nakuhang ideya mula sa ginamit
ng sangguniangamit ang sariling pangungusap. Ginagawa
ang pagpaparapreys kapag:
• Nais gumamit ng mga impormasyon sa nowtkard at
umiwas sa panggagaya opangongopya
• Nais iwasan ang masyadong paggamit ng direktang sipi
• Nais gamitin ang sariling boses sa paglalahad ng
impormasyo

24
PARAHRASE 0 HAWIG
“Mathematics is everywhere”. Ang sikat na kasabihan na yan
ang dahilan kung bakit isa sa mga itinuturo sa atin mula sa ating
pagkabata ay ang Matematika. Sa simula ay mga simpleng numero
lamang ang ating nakikita, ngunit habang patagal ng patagal ang ating
pag-aaral ng Matematika, ito ay nadadagdagan ng mga letra at ng mga
kumplikadong numero na siyang nagiging dahilan kung bakit ito
humihirap. Subalit may mga mangilan-ngilan na estudyante ang tila di
nahihirapan sa asignaturang ito. Karamihan ng mga estudyanteng ito ay
binubuo ng mga kalalakihan kung kaya’t nabuo ang kaisipan na ang
mga kalalakihan ay higit na magaling sa mga babae pagdating sa
Matematika.
25
SALIN/SARLING SALIN
Sa mga pagkakataong ang tala ay nasa wikang
banyaga, ginagamitan ito ng pagsasalin. Ito ay
paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba
pang wika.

26
SALIN/SARLING SALIN
Based on the study following conclusions were drawn. The Junior
High School students have positive and high motivational level towards
literature. The students’ gender do slightly affect their attitude towards
literature. They also generally showed a positive attitude towards their
literature teachers and have demonstrated a optimistic attitude towards
the subject itself and the instructional media used in the subject thus
these were factors influencing students’ attitudes toward the subject.
Thus, cited factors in the study influence Junior High School students’
attitudes toward the subject, Literature.

27
Kung may mga katanungan ay mag-email lang sa
Fernando.ferrer@clsu2.edu.ph o magpadala ng
mensahe sa aking
FB Messenger Fher Pusta Ferrer.

Maraming salamat po.


Padayon!
28

You might also like