You are on page 1of 3

iii

ABSTRAK

Pamagat: PAGBUO AT BALIDASYON NG


INTERAKTIBONG MODYUL
SA PAGTUTURO NG WIKA
Mananaliksik: Gwyn Mae L. Magpili

Kurso: Master sa Sining sa Edukasyon

Medyor: Filipino

Institusyon: Tarlac State University

Rasyunale ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagbuo ng isang interaktibong modyul

bilang kagamitan sa pagtuturo ng wika para sa mga mag-aaral ng Ikawalong grado.

Layunin nitong matugunan ang kakulangan sa kagamitang panturo at maiangkla ang

kompitensi sa bawat paksa ng ikawalong grado partikular sa wika. Gayundin upang

matukoy ang kabisaan ng paggamit ng interaktibong modyul sa eksperimental na grupo at

mailarawan ang kabuluhan ng ginawang pag-aaral sa pagtuturo at pagkatuto ng mag-

aaral.

Isinagawa ang pamamaraang Research and Development Method sa pag-aaral na

ito upang mabuo at mapaunlad ang interaktibong modyul gayundin ang pamamaraang

ekperimental nang matukoy ang kabisaan nito sa pagtuturo ng wika.


iv

Sa kabuuang resulta ng balidasyon ng mga ekspertong guro, ang interaktibong

modyul ay nakakuha ng kabuuang weighted mean na 4.91 at may interpretasyong berbal

na pinakamataas na katanggap-tanggap. Ito ay nagpapatunay na ang interaktibong

modyul ay matagumpay na nabuo at nasuri upang mapaunlad ang antas ng pagkatuto ng

mga mag-aaral.

Sa kabilang banda, lumabas sa resulta ng eksperimental na grupo na ang nabuong

interaktibong modyul ay naging instrumento upang magkaroon ng pag-unlad sa kanilang

kasanayang pang-unawa. Batay sa resulta ng pre-test ng kontroladong grupo, ito ay

nakakuha ng weighted mean na 22. 03 samantalang ang eksperimental na grupo ay

nakakuha ng weighted mean na 20. 97 Samantala, batay naman sa resulta ng post-test, ng

kontroladong grupo ay nakakuha ng mean na 22.50 habang ang eksperimental na grupo

ay nakakuha ng weighted mean na 30.03.

Napatunayan na ang interaktibong modyul ay higit na epektibo sa pagtuturo kung

ihahambing sa tradisyunal na pagtuturo. Ito ay higit na makatutulong sa mga guro at mga

mag-aaral na magsisilbing kasagutan upang makapagdukal ng kaalaman at ang

inaasahang kasanayan na dapat makamit.

Mula sa lagom at kongklusyon ng ginawang pag-aaral, iminumungkahi ng

mananaliksik na mahikayat ang ilang guro sa wika na gumawa pa ng ibang alternatibong

kagamitang pampagtuturo upang lalong malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa

iba’t ibang paksang pang-wika; gamitin ang interaktibong modyul sa mga mag-aaral

dahil naging maganda ang balidasyon mula sa mga ekspertomg guro; makiisa at dumalo
v

sa mga palihan ukol sa paggawa ng mga alternatibong kagamitang pamagtuturo sa mga

mag-aaral; makabuo ng interaktibong modyul para sa ikalawa, ikatlo at ikaapat na

markahan; mapalawak ang sakop ng balidasyon sa iba pang mga dalubhasa.

You might also like