You are on page 1of 3

Pangalan: Lilian B.

Ganancial Petsa: September 25, 2021


Section/Sched: BEED 2E (MWF 5:00-6:00)

GAWAIN 5
PANUTO: Basahing mabuti ang sumusunod na mga katanungan at sagutin
ito nang buong ingat. Ilahad ang iyong sagot sa loob ng kahon.

1. Ano ang teoryang constructivism?

● Ang paniniwala sa teorya ng Constructivism ay isang saligan sa bagong


kurikulum ng kagawara. Ang mga mag-aaral ang siyang tagabuo ng
kahulugan sa tulong ng kaniyang dating kaalaman at karanasan.
✔ Isinasaalang-alang sa pagtuturo ng Filipino
✔ Nakikipag-ugnayan ang mag-aaral sa isa’t isa at ibinabahagi ang
kanilang nauunawaan, nararamdaman, at karanasan para makabuo
ng bagong kaalaman.
✔ Ang guro na man dito ay nagiging facilitator o tagapagdaloy ng
kaalaman.
✔ Brader-Araje at Jones (2002) - ang constructivism ay ang pagbuo
ng isang kaalaman batay sa pang-unawa at nangangailangan ng
aktibong pakikilahok sa pagbuo ng kahulugan.
✔ Sinasabi sa constructivism na sa pagkatuto ng isang tao, ang mag-
aaral ang tagabuo ng impormasyon.
⮚ Ang mag-aaral ang aktibong nakikilahok at bumubuo ng
bagong ideya
✔ Nabuo ito sa pamamagitan ng ugnayan ng dating kaalaman at
bagong kaalaman.
2. Bakit mahalaga ang contructivism sa pagtuturo ng FIlipino? Ano-ano
ang mga kasanayan na maaaring malinang kung gagamitin ito ng isang guro
sa kaniyang pagtuturo?

Ang teoryang konstruktibismo ay mahalaga sa pagtuturo ng


asignaturang Filipino. Halimbawa na lamang sa pagbabasa ng iba’t
ibang kwentong pampanitikan, nalilinang ang kakayahan ng mga mag-
aaral makapag-isip ng may pag-unawa upang makabuo ng
makabuluhang repleksyon mula sa nabasa. Naiiugnay din nila ang
kanilang dating mga karanasan kung kaya’y mas madaling
nauunawaan at higit na niintindihan ng mga mag-aaral ang kwento o
aralin. Sa pamamagitan ng teoryang konstruktibismo, napapaunlad
ang kasanayang interaksyon sa pagkat nilalayon ng teoryang ito na
mag kakaroon ng atibong partisipasyon ang mga mag-aaral sa iba’t
ibang uri ng pang-akademikong gawain. Inaasaha ding malilinang ang
kritikal na pag-iisip lalo na’t naiuugnay nila ang kanilang mga
karanasan sa mga araling tinatalakay. Higit na epiktibo ang pag
kakaruon ng pangkatang gawain,pinalalalim pinalalawak nito ang
kaisipin ng mga mag aaral gamit ang kaalaman at karanasan ng
kanyang kapwa mag aaral. Mahalagang magamit ang teoryang
kontruktibismo nang aayun at nahahanay sa layunin ng aralin upang
epektibong makamit ang tungkulin nito. Malaking tulong ang dulog na
ito sa pag hubog ng kasanayan ng mga mag-aaral maging sa proseso
ng pagkatuto ng mga mag-aaaral sa daloy ng pag tuturo ng mga guro.

GAWIN NATIN!
PANUTO: Mag-interbiyu ng isang guro mula sa pampubliko o pampribadong
paaralan. Magtanong ng mga detalye kung paano nila inilalapat ang teoryang
constructivism sa pagtuturo ng Filipino. Itanong kung ano-ano ang kabutihang
dulot nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral at bahagi sa klase.

 Hikayatin at tanggapin ang awtonomiya at pagkukusa ng mag-aaral.


 Payagan ang mga tugon ng mag-aaral na humimok ng mga aralin,
ilipat ang mga diskarte sa pagtuturo, at baguhin ang nilalaman.
 Magtanong tungkol sa pag-unawa ng mga mag-aaral ng mga
konsepto bago ibahagi ang [iyong] sariling pag-unawa sa mga
konseptong iyon.
 Hikayatin ang mga mag-aaral na makipag-dayalogo, kapwa sa guro at
sa isa't isa.
 Hikayatin ang pagtatanong ng mag-aaral sa pamamagitan ng
pagtatanong ng maalalahanin, bukas na tanong at hikayatin ang mga
mag-aaral na magtanong sa bawat isa.
 Humingi ng pag-elaborasyon sa paunang tugon ng mga mag-aaral.
 Pahintulutan ang oras ng paghihintay pagkatapos mag-posing ng mga
katanungan.
 Magbigay ng oras para sa mga mag-aaral upang makabuo ng mga
ugnayan at lumikha ng mga talinghaga.
 Pangalagaan ang natural na pag-usisa ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng madalas na paggamit ng modelo ng pag-ikot ng pag-
aaral.

Mahalaga ito sa proseso ng pag-iisip dahil nahahasa nito ang


kakayahang maging matandain (remembering), mapagbantay at kritikal
sa bandang huli, nabibigyang-diin dito ang pagtimbang ng mga ideya
para makamit ang bagong konsepto o ang kasagutan sa iang partikular
na problema. Ang paraan ng pagtuturong ito ay kung papaano
tutuklasin ng mag-aaral ang kanyang kakayahan o angking galing na
nakasubaybay lamang ang kanyang guro sa kanya. Sa panahon
ngayon ay mayroon ng isang malaking pagbabago ang nagaganap sa
dimensyon ng pagtuturo. Dahil na din sa nasa makabagong panahon
na tayo,, naniniwala ang mga eksperto na ang mga mag-aaral sa
panahon ngayon ay hindi na mababansagan na na mabagal o mahina
sa pagkatuto. Ngayon ang simula ng pagtuturo ng mga guro ng ayon
sa kaalaman nila na angkop sa makabagong panahong kanilang
ginagalawan.

You might also like