You are on page 1of 4

Ang layunin ng kontekstwalisasyon ay bumuo ng mga kundisyon

para sa mas makabuluhang pag-aaral, na makikita sa pamamagitan ng

pagkakaroon ng mas matataas na grado at pagpapanatili sa mga

kurso, at sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa mas mataas na antas

ng mga gawaing pang-akademiko. Ang paggamit ng kontekstwalisadong

komunikasyon ay malaking tulong sa mga mag-aaral upang lalong

maging handa sa pagtupad ng mga gawaing kaugnay ng kanilang

kurso. Mas magiging epektibo sila sa kanilang pagpapahayag at

pakikipagtalastasan kung bihasa sila sa paggamit ng

kontekstwalisadong komunikasyon saan mang lugar o anumang panahon

(Saqlain et al., 2016).

Ayon kay Verra (2016), may angking katangian ang pakikipag-

ugnayan nating mga Pilipino sa kapwa at ating lipunan kaya may

matatawag tayo na sariling mga gawing pangkomunikasyon na tayo

lang ang lubos na makakagaganap. Sa kabila ng bugso ng

modernisasyon sa bansa at sa impluwensiyang kanluranin sa anyo

at pamamaraan ng pakikisalamuha natin sa kapwa, matingkad pa rin

ang sariling kaakuhan ng komunikasyong Pilipino na nakahabi sa

mga pag-iral ng ating kultura, nakaugnay sa ekonomik, at

dumadaloy sa mga katutubong wikang Pilipino, lalo na sa wikang

pambansa.

Ayon kina Berns & Erickson (2015), hindi gaanong mataas ang

kasanayan ng mga mag-aaral sa kontekstwalisadong komunikasyon

dahil sa hindi palaging pagkahantad ng mga ito sa mga gawaing


nangangailangan ng ganitong uri ng pakikipagtalstasan. Mas

pinipili rin ng mga mag-aaral na gumamit ng banyagang mga salita

kaysa gumamit ng sariling wika o mga katawagan. Dahil dito,

kinakailangan ang maigting na pagpapaunlad at paggabay sa mga

mag-aaral upang maging bihasa sa kontekstwalisadong komunikasyon

na malaking tulong sa pang-araw araw nilang pakikipagtalastasan.

Ang pag-aaral na ito ay ibinatay sa Contextual Learning

Theory (Berns & Erickson 2015). Ayon sa teoryang ito, ang

pagkatuto ay nagaganap lamang kapag ang mga mag- aaral ay

nakapagproseso ng bagong impormasyon o kaalaman sa kaparaanang

makabuluhan sa kanilang sariling batayan. Ang isipan ay

naghahanap ng kahulugan sa konteksto sa pamamagitan ng pag-uugnay

nito upang lalabas na makabuluhan. Sa pamamagitan ng

konstekstwalisadong kurikulum nakagagamit ang guro ng mga

awtentikong gawain na maaring malapit sa interes, kultura,

karanasan at buhay ng mag- aaral kaya’t madali niyang maiuugnay-

ugnay ang mga ito dahil sa malapit na relasyon ng kanyang buhay

sa tinatalakay ng guro. O dili kaya’y nagagamit niya ang

kalikasan ng kanyang buhay sa kanyang madaling pagkatuto at

kabaliktaran nito. May kahalagahan din ang nilokalized na

kurikulum sapagkat nagkakaroon ng makabuluhang pagkatuto ang mga

mag- aaral dahil nasa palibot niya mismo ang kagamitan at

laboratoryo ng kanyang pagkatuto. Bukod dito nahihikayat rin ang

paggamit ng limang paraan ng pagkatuto una dito ay Pag-uugnay


(Relating), Pagpaparanas (Experiencing), Paglalapat (Applying),

Pakikilahok (Cooperating) at Paglilipat (Transferring). Sa

paraang ito higit na marami ang nalilinang na kasanayan at

kaalaman sa mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay ibinatay rin sa teorya ng

constructivism. Sa teoryang ito, ang mga mag-aaral ang lilikha ng

sarili nilang pagkatuto. Mababasa dito ang lumang ideya at

nagsasanga ng panibagong pag-unawa dahil sa kanilang mga bagong

karanasan at kapaligiran. Sa ganitong proseso, umuunlad ang pag-

iisip ng mga mag-aaral, at higit sa lahat, nadaragdagan ang

kanilang mga kaalaman na magtutulak sa kanila upang unawain ang

mga darating pang mga ideya o problema. Dagdag pa rito, ang

pagtuturo ay batay sa paniniwala na ang pag-aaral ay mangyayari

kung saan ang mga mag-aaral ay kasangkot sa isang proseso ng

kahulugan at kaalaman sa isang konstruksiyong pamamaraan na

taliwas sa passive na pagtanggap ng mga impormasyon. Ang teoryang

constructivism ay nagsusuporta sa kritikal na pag-iisip, at

lumilikha ng motibasyon at malayang pagkatuto.Ang teoryang ito ay

nagmumungkahi na ang pag-aaral ay mabisa kapag ang isang mag-

aaral ay aktibong nakatuon sa pag-aaral ng proseso sa halip na

tumanggap lamang ng kaalaman. Sinasabi rin dito na magkakaroon

ng pagkatuto ang tao at gagawa ng kabuluhan (meaning) batay sa

kaniyang mga karanasan. Maipamamalas ito sa pagtuturo sa

pamamagitan ng pagbibigay ng tuon sa pag-aaral. Magkakaroon siya


ng mga bagong pagkatuto sa pamamagitan ng mga tanong ng guro at

ng kaniyang malikhaing pamamaraan.

You might also like