You are on page 1of 34

KATANGIAN NG

MAAYOS NA
KURIKULUM
INIHANDA NI:
ELDRIAN LOUIE B. MANUYAG
BSED – 1A (FILIPINO)

3

TANONG:
Kung isa ka sa mga naatasang
bumalangkas ng KURIKULUM, anong
katangian ng KURIKULUM ang iyong
babalangkasin?
4

KURIKULUM
Ito ay ang tawag sa lahat ng mga gawain, kagamitan, paksa at mga layuning
isinasama sa pagtuturo ng mga asignatura sa paaralan. Patuloy na pinauunlad
ang kurikulum upang matugunan ang mga pangangailangan ng lipunan.
5
Sang ayon sa Ikalawang Tuntunin, Seksyon
10 blg. 2 ng Batas Republika Blg. 10533 o ang
Batas
Republika Blg. Mga Tuntunin at mga Regulasyong
10533 Pampatupad ng Batas sa Pinabuting
Batayang Edukasyon ng 2013, susunod ang
DepEd sa mga sumusunod na pamantayan at
prinsipyo, kapag angkop, sa pagbubuo ng
kurikulum ng pinabuting batayang
edukasyon:
6

 (a) Ang kurikulum ay kinakailangang nakasentro sa


mag-aaral, mapansangkot at angkop sa antas ng pag-
MGA unlad;
PAMANTAYAN
7

 (b) Ang kurikulum ay kinakailangang makabuluhan,


tumutugon, at batay sa pananaliksik;
MGA
PAMANTAYAN
 (c) Ang kurikulum ay kinakailangang sensitibo sa kultura; 8

MGA
PAMANTAYAN

 (d) Ang kurikulum ay kinakailangang isakonteksto at


pandaigdigan;
9

 (e) Ang kurikulum ay kinakailangang gumamit ng mga pagdulog na


pedagohikong mapagbuo, batay sa pagsisiyasat, mapagmuni,
nakikilahalok, at mapambuod;

 (f) Ang kurikulum ay kinakailangang umayon sa mga prinsipyo at


balangkas ng Edukasyong Multilingguwal na Batay sa Inang Wika
(MTB-MLE) na nagsisimula kung saan nagmumula ang mga mag-aaral
at kung ano na ang alam nila, umuusad mula sa alam patungong di-
alam; kinakailangang may mga materyales na panturo at mga gurong
may kakayahang ipatupad ang kurikulum na MTB-MLE. Para sa
layuning ito, tumutukoy ang MTB-MLE sa edukasyong pormal o di-
pormal kung saan ay ginagamit sa silid-aralan ang inang wika at
karagdagang mga wika ng mag-aaral;
10

 (g) Ang kurikulum ay gagamit ng pagdulog na spiral na


pagsulong upang matiyak ang pagkadalubhasa sa
kaalaman at kasanayan matapos ang bawat antas; at

 (h) Ang kurikulum ay kinakailangang bukas upang


maaaring isalokal, isakatutubo, at pabutihin pa ito ng
mga paaralan batay sa kanilang mga partikular na
kontekstong pang-edukasyon at panlipunan.
11

MGA KATANGIAN NG
KURIKULUM SA ELEMENTARYA
Ang katangian ng progresibong kurikulum ng Filipino
sa pagtatalakay ni Dr. Ross I. Alonzo ng U.P Diliman.
12
13

 a. Nararapat na may integrasyon.


Ano nga ba ang
katangian ng
 b. Nagsisilbing gabay lamang ang guro sa karanasan ng
isang
progresibong pagkatuto.
kurikulum?
 c. Aktibo ang papel ng mga mag-aaral.

 d. May partisipasyon ang mag-aaral sa pagpaplano ng

kurikulum.
14

 e. Pagkatuto sa pamamagitan ng teknik na pagtuklas


Ano nga ba ang
katangian ng
 f. Pinalalalim ang intrinsikong pagganyak
isang
progresibong
 g. Pantay na binibigyang-diin ang panlipunang
kurikulum?
pakikibahagi at akademikong pagkatuto

 h. Ang tuon ay nasa kooperasyon ng pangkat at

masining na pagpapahayag
15

 i. Pagtuturo maging sa labas ng klasrum.


Ano nga ba ang
katangian ng
 j. Pagsusulit kung kinakailangan (di-tradisyonal at
isang
progresibong iba't ibang pagtataya)
kurikulum?
16

MGA INTEGRATIBO INTERAKTIBO


PRINSIPYO NG
KURIKULUM SA
ELEMENTARYA

KOLABORATIB
17

INTEGRATIBO
 Makikita ang prisipyong ito kung ang klasrum ng Filipino ay nagbibigay daan sa
mga mag-aaral upang sila mismo ang magtalakay ng mga paksa at nagbabahaginan
ng maraming kaalaman na umiikot dito. Hindi lamang pagpapahayag ng sariling
ideya ang mahalaga kundi ang pag-unawa ng mensaheng ipinahahayag ng iba pang
kasangkot sa interaksyon.

 Si Wells (1987), ang nagsabing, ang interaksyon sa klase ay kinapapalooban ng


tatsulok na ugnayan ng tagahatid ng mensahe, tagatanggap nito at ng konteksto ng
sitwasyon, pasulat man o pasalita.
18

INTERAKTIBO
 Sa prinsipyong ito natutuhan ng mga mag-aaral ang paggalang sa kakayahan at
opinyon ng iba. Natututo rin silang magtulungan, magbahaginan ng mga kaalaman,
at natututong tumulong sa mga kamag-aral sa oras ng pangangailangan.

 Sa klasrum, nagakakaisa at nagtutulungan ang guro at mga mag-aaral upang


matamo ang itinakdang gawain. Layunin nitong mabawasan ang kompetisyon at
maragdagan ang kooperasyon ng mga mag-aaral.
19

KOLABORATIB
 Sa prinsipyong ito natutuhan ng mga mag-aaral ang paggalang sa kakayahan at
opinyon ng iba. Natututo rin silang magtulungan, magbahaginan ng mga kaalaman,
at natututong tumulong sa mga kamag-aral sa oras ng pangangailangan.

 Sa klasrum, nagakakaisa at nagtutulungan ang guro at mga mag-aaral upang


matamo ang itinakdang gawain. Layunin nitong mabawasan ang kompetisyon at
maragdagan ang kooperasyon ng mga mag-aaral.
20

KOLABORATIB
 Nahuhubog ang magagandang pag-uugali at pakikipagkapwa ng mga mag-aaral,
napatataas ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa kanilang sariling
kakayahan, napatataas ang pagsulong sa pagkatuto, nalilinang ang matalino at
mapanuring pag-iisip, nagkakaroon ng positibong pag-uugali sa pag- aaral at
mataas na motibasyon, at higit sa lahat, napalalalim ang mabuting relasyon ng guro
at mag-aaral, at ng mag-aaral sa kapwa mag-aaral.
21

MGA KATANGIAN NG
KURIKULUM SA EDUKASYONG
SOKONDARYA 2010
22
23

 1. Nakatuon sa mahahalagang konsepto at


Ano nga ba ang
katangian ng kakailanganing pag-unawa.
KURIKULUM SA
SEKONDARYA?  2. Mataas ang inaasahan (batay sa mga

pamantayan) - Tinitiyak kung ano ang dapat

matutuhan at ang antas ng pagganap ng mag-

aaral.
24

 3. Mapanghamon - Gumagamit ng mga angkop sa


Ano nga ba ang istratehiya upang malinang ang kaalaman at
katangian ng
KURIKULUM SA kakayahan ng mag – aaral.
SEKONDARYA?  4. Inihahanda ang mag – aaral tungo sa

paghahanapbuhay kung di man


makapagpapatuloy sa kolehiyo.

 5. Tinitiyak na ang matututuhan ng mag – aaral

ay magagamit sa buhay.
25

Itinakda ng Batas Republika 232


na kilala rin sa tawag na
Education Act of 1982 ang mga
sumusunod na layunin ng
Kurikulum sa Sekondarya:
26

Maipagpatuloy ang pangkalahatang


edukasyon na nasimulan sa elementarya.
1.
27

Maihanda ang mga mag-aaral para sa


kolehiyo.

2.

“Sabi mo tuturuan mo ako sa RESEARCH pero


bakit tinuruan mo akong magmahal?”
28

Maihanda ang mga mag-aaral sa daigdig


ng pagtratrabaho o empleyo.
3.
29

PAGSASANAY: Tukuyin kung TAMA o MALI


ang mga sumusunod na pahayag.
______ 1. Ang kurikulum ay kinakailangang nakasentro sa guro, mapansangkot at angkop sa antas ng
pag-unlad.
______ 2. Ang kurikulum ay kinakailangang sensitibo sa kultura.
______ 3. Sa kurikulum pang-elementarya, hindi na kinakailangan ang integrasyon.
______ 4. Sa kurikulum pang-sekondarya, inihahanda ang mag – aaral tungo sa paghahanapbuhay
kung di man makapagpapatuloy sa kolehiyo.
______ 5. May 3 katangian o prinsipyo ang progresibong kurikulum ayon kay Dr. Ross I. Alonzo, ito ay
ang INTEGRATIBO, AKTIBO at KOLABORATIB.
30

PAGSASANAY: Tukuyin kung TAMA o MALI


ang mga sumusunod na pahayag.
MALI 1. Ang kurikulum ay kinakailangang nakasentro sa guro, mapansangkot at angkop sa antas ng
pag-unlad.
TAMA 2. Ang kurikulum ay kinakailangang sensitibo sa kultura.
MALI 3. Sa kurikulum pang-elementarya, hindi na kinakailangan ang integrasyon.
TAMA 4. Sa kurikulum pang-sekondarya, inihahanda ang mag – aaral tungo sa paghahanapbuhay
kung di man makapagpapatuloy sa kolehiyo.
MALI 5. May 3 katangian o prinsipyo ang progresibong kurikulum ayon kay Dr. Ross I. Alonzo, ito ay
ang INTEGRATIBO, AKTIBO at KOLABORATIB.

31

Okay lang na sa kanya bumagsak ka, at


least sa school pasado ka!
Aral muna bago LOVE LIFE!!
32
33

Maraming Salamat
sa pakikinig! 
 https://slideplayer.com/slide/14339904/ 34
 https://www.8list.ph/if-you-went-to-a-public-high-school-philippines/
 https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fasiafoundation.org%2F2017%2
F04%2F05%2Fschool-congestion-philippines-breakthrough-
solution%2F&psig=AOvVaw0LHxGt-
U3l47UgwZ648Mg4&ust=1614054789953000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRx
MGA qFwoTCIC9qoTV_O4CFQAAAAAdAAAAABAD
 https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fasiafoundation.org%2F2017%2
SANGGUNIAN F04%2F05%2Fschool-congestion-philippines-breakthrough-
solution%2F&psig=AOvVaw0LHxGt-
U3l47UgwZ648Mg4&ust=1614054789953000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRx
qFwoTCIC9qoTV_O4CFQAAAAAdAAAAABAD
 https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.philstar.com%2Fheadlines
%2F2017%2F06%2F05%2F1707235%2F27-m-students-return-
school&psig=AOvVaw0LHxGt-
U3l47UgwZ648Mg4&ust=1614054789953000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRx
qFwoTCIC9qoTV_O4CFQAAAAAdAAAAABAJ
 https://www.usaid.gov/sites/default/files/styles/732_width/public/success_story/pic1.jpg?
itok=zv_1XsKo
 https://pwc.edu.ph/wp-content/uploads/2017/07/PWC-Davao-College-Students.jpg
 https://lh3.googleusercontent.com/proxy/U2ioI1IW8OgmEETBJUU4HpkV966XYAW2W
mbb4BGAGj5aH4xpRhbXHQq2JLRE4eFhITRk3gueycVxY480IvlxkjOcF1VZKWGHTxyVl
TaHWKmqxyg51mA65uDfISwL2HJBALeIg
 https://philnews.ph/wp-content/uploads/2020/02/kultura-1200x900.jpg

You might also like