You are on page 1of 6

WESTERN MINDANAO STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF LIBERAL ARTS


GRADUATE SCHOOL STUDIES

Pangalan: Myra D. Tabilin


MAFIL – I
FILIPINO 205
Guro: Prof. Nena C. Abdurajak, MA

Pagsubok I. Ipaliwanag/ talakayin ang mga sumusunod na salita o pahayag.

1. Kurikulum

 Ang kurikulum ay disenyo ay isang larangan sa loob ng edukasyon. Ito ang nagsisilbing
disenyo sa pagpapaunlad at pagpapatupad ng mga pagbabago sa mga asignatura
(subjects) na tatalakayin sa mga antas o lebel ng edukasyon. Ang kurikulum ay nagsisilbing
guide upang mapabisa ang pagtuturo sa edukasyon. Humahamon ito sa mga mag-aaral at
mga guro upang mapanatili ang kalidad sa larangan ng edukasyon. Ang kurikulum ay
mapanaliksik sa pagpapabisa sa pagtuon kung paano maututo ang mga estudyante. Ito ay
nagbabago ayon sa pagpapanatili at de kalidad na pagkakatuto.

2. Kaugnayan ng kultura sa kurikulum

 Sinasabing ang ating kurikulum ay kasabay ng ating kultura, maging noon pa man ay
mayroon na tayong kurikulum sa pagpapatupad ng edukasyon. Mahalagang bahagi ng
kurikulum ang kultura naging hanguan ito ng ating kasalukuyang kurikulum. Bagama’t dati
ay kakaunti ang itinuturo at yaong mga pili lamang subalit naging daan ito sa pagtukoy ng
mas mabuting asignaturang tatalakayin sa loob ng disenyo ng pagtuturo. Sa paglipas ng
panahon ang ating kultura ay umuunlad kasabay din dito ang pag-unlad ng ating
kurikulum upang maihanay ito globally.

3. Subject-centered

 Ito ay tinatawag din na tradisyunal na pagtuturo na nakapokus sa pagtuturo ng


karaniwang proseso, estratehiya. Kagaya ng pagtuturo ng matematika ito ay hindi
natutunan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng dula-dulaan ito ay lubusang
naiintindihan kapag itinuturo muna ng guro kung paano ito maintindihan.

4. Student-centered

 Tinatawag na student-centered na pagtuturo ay isang malawakang hamon sa mga mag-


aaral na matututo base sa kung ano ang kanilang mga karanasan na natutunan (real-life
experiences) hamon din ito sa mga guro sa iba’t ibang larangan kung paano ang kanilang
approaches, suportang pang-akademiko interes at marami pang iba na makatutulong sa
mga estudyante sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman. Sa pagtuturo ng Filipino
maraming mga bagay na natutunan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng iba’t ibang
paraan, halimbawa sa Komunikasyon, maaaring ang mga bata ay magbibigay ng isang
maikling dula-dulaan na hahamon sa kanilang galing at tatas sa paggamit ng wastong
salita. Debate, Symposium, o di naman kaya ay speaker na susukat sa kanilang galing sa
pagsasalita.
5. Framework ng K-12

 Ang pagbabago sa kurikulum ng DepEd mula sa K10 ang sampung taon na pag-aaral
patungo sa K12 kurikulum ay naglalayon na maihanda ang mga mag-aaral sa isang globally
competitive na edukasyon. Inihahanda nito ang mga estudyante sa pagsulong patungo sa
isang kapaki-pakinabang na indibidwal local man o international. Ang mga mag-aaral ay
bibigyan ng pagkakataong madiskubre ang kanilang mga kasanayang intelektwal sa iba’t
ibang paraan ng pagkatuto. Hahayaang ang mga mag-aaral na makatuklas ng mga
kaalaman base sa kanilang mga gawain. Kinakailangan ang mga mag-aaral ng K12 ay may
sapat na kaalamang skills, may sariling pag-unawa may mga katangian sa
entrepreneurship na magagamit nila sa kanilang kinabukasan. Ang K12 ay isang
mapanghamong kurikulum. Pinaniniwalaan din na ang K12 ay naglalayong mag-ahon sa
mga Filipino sa kahirapan, maitataas nito ang kakayahang moral, makadedebelop ito ng
kahalagahan sa nasyonalismo ng ating bansa, makadedebelop ng mga kapaki-pakinabang
na indibidwal at maihahanay ang kumpetisyon saang mang parte ng mundo.

6. MTB-MLE

 Ang Mother Tongue-Based of Multilinggual Education ay ang pagtuturo sa unang wika


mula unang taon hanggang ikatlong taon sa elementarya. Naglalayon itong palawakin ang
kaalaman/pag-unawa ng mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura sa unang tatlong taon
sa pag-aaral. Naglalayon din itong palawakin o edebelop ang kognitib at kakayahang
pagpapaliwanag na mga bata sa unang wika. Dahil naniniwala na ang tatas ng kaalaman
ng bata sa unang wika ay magsisilbing mas ganap na nuunawaan ng mga bata ang isang
tapik kapag ito ay ipinaliwanag sa wikang kanilang alam. Layunin din ng pagtuturo ng
MTB-MLE ay ang epreserba ang Kultura ng Pilipinas.
7. Differentiated instruction
 Ang Differentiated Instruction sa edukasyon ay isang framework o pilosopiya para sa
epektibong pagkatuto sa iba’t ibang uri ng estudyante sa loob ng silid-aralan sa
pamamagitan ng pagbibigay iba’t ibang proseso, konstruksyon o estratehiya upang ng
iba’t ibang gawain sa pagtuturo. Halimbawa ang isang silid-arala ay mayroong ibat ibang
uri nga mga mag-aaral, bawat isang mag-aaral ay mayroong iba’t ibang paraan ng
pagkatuto. Upang mas lalong madebelop ang mga pagkatutong ito ang isang epektibong
guro ay gagawa ng mga paraan upang mas malawak na maintindihan/maunawaan ng mga
mag-aaral, o di naman kaya may mga asignaturang di lubusang maunawaan ng mga mag-
aaral subalit sa pamamagitan ng pagbibigay ng estratehiya ng epektibong guro ang
pagkatuto ay mas nagiging malawak.

8. Simbolikong Berbal

 Ang simbolikong berbal ay mga salita, ideya, konsepto, terminolohiyang pangsiyensiya, at


anumang nakasulat sa karanasan ay simbolong berbal. Maraming proseso ang
kumakatawan sa simbolong berbal (Semantic mapping, word network, clining, at
clustering). Sa pamamagitan ng mga prosesong ito ang mga salitang binibigay ay
nabibigyang kahulugan sa iba’t ibang kahulugan na may kaugnayan sa isa’t isa.

9. Ang Kasalukuyang kurikulum sa Kinder/Elementarya/Sekondarya/Tersyarya

 Ang K12 Framework ay nakapokus sa mga mag-aaral bilang tagatanggap ng mga


kaalaman, skills, at values para sa isang magaling o globally competitive sa larangan ng
edukasyon. Ang K12 ay naglalayong mapalago/mapahusay ang kaalaman ng mga
estudyante sa iba’t ibang larangan. Ang K12 Basic Education Program ay pagdaragdag ng
2 taon sa antas sekundarya. K- Kinder ay may isang taon, anim (6) na taon naman sa
Elementarya, apat na taon sa sekundarya (Junior HS) at ang nadagdag na dalawang (2)
taon sa sekundarya (Senior HS), at ang tersyarya. Ang pagtuturo sa kurikulum na ito ay
tinatawag na SPIRAL mula elementarya hanggang sekundarya. Mula sa pagpapakilala sa
isang espisipikong asignatura patungo sa mas malawak na pagkatuto, ito ay dahil ang mga
mag-aaral ay inihahanda para sa pagpasok sa tersyarya. Sa K12 ang mga mag-aaral ay
dapat kakikitaan na ng galing sa iba’t ibang larangan gaya ng Komunikasyon, skills,
matematika at iba pang mga larangan dahil ito ay magsisilbing sandata tungo sa
pagpapaulad pa ng kaalaman sa mas mapanghamon na larangan na tatahakin sa susunod
na mga taon. Ang pagtatapos sa Senior High School ay mayroong dalawang opsyon
maaaring ang mga mag-aaral na kumuha ng Technical Vocational and Livelihood ay
maaaring maghanap ng mga trabaho na akma sa kanilang mga natutunan sa SHS habang
ang iba ay maaaring magpatuloy sa kolehiyo at mas mapalawak pa ang kaalaman sa
kursong kukunin.
10. Mga Sanligan sa Pagbabago ng Kurikulum

 Ang isang kurikulum ay hindi mabubuo kung wala ang mga sanligan nito. Tinatawag na
Stake
 holders ang mga bumubo dito. Kasama ang mga magulang, mag-aaral, DepEd/CHED,
komunidad, mga guro, paaralan ay may malaking papel sa pagbuo ng isang kurikulum.

11. Mga Pamamaraan sa Pagbabago ng Kurikulum

 Ang pagsulong ng kurikulum mula noon ay may maraming pagbabago sa iba’t ibang
pamamaraan. Nagkaroon ito ng ilang pagpapalit at pagbabago sa mga asignatura na ang
mithiin nito ay palaganapin ang isang de-kalidad na edukasyon. Nagkaroon tayo ng
tinatawag na 21st century learners na kung saan ang ating mga mag-aaral ay kinakitaan ng
mapaghamong uri ng mag-aaral.
 Kaagapay sa pagsulong ng kurikulum ang paaralan at guro sa implementasyon ng mga
pagbabagong ito. Ang maituturing na pinakasimple ngunit kapaki-pakinabang na proseso
ay ang paghahambing (curriculum crosswalk) at pagmamapa (curriculum mapping) ng
mga nilalaman nito. Nilalayon nito na (1) malaman ang mga ispesipikong pagbabago; (2)
matiyak ang spiral progression; (3) masuri at maaral ang mga puwang na maaaring
maidulot ng pagbabago at nang sa gayon ay mapunan; at (4) masiguro ang integrasyon
ng mga kinakailangang nilalaman ng partikular na disiplina (Jacobs, 2009).

12. 21st Century Learning

 Tinatawag na 21st century learner’s ang mga mag-aaral sa kasalukuyan sila ay may
kakayahang sa paglinang ng core competencies kagaya ng digital literasi, kritikal na pag-
iisip, may kakayahang matematika, at kakayahang makipagsabayan globally. Ang mga 21st
century learners ay yaong mga estudyante ng kasalukuyan na kung saan ang isang
tradisyunal na pagtuturo ay isang nakakabagot na paraan dahilan sa mas gusto nila ng
paraan na sila ay gumagalaw sa loob ng talakayan sa klase.

13. Lokal na Kayamanan


 Kapag sinabing Lokal na Kayamanan ito ay tinatawag na mga icons ng sarili nating bayan
na may malaking ambag sa paglinang ng pagkatuto. Hindi natin dapat kalimutan ang ating
mga lokal na kayamanan.

Halimbawa: Maria Clara Lorenzo Lobregat

 Maituuturing na icon ng ating bayan sa Zamaboanga. Maaari nating gamitin si Mayor


Caling bilang isang halimbawa sa ating pagkatuto. Sa isang maikling kuwento na
pinamagatang “Ina” gamitin natin si Mayor Caling bilang isang motibasyon sa
pamamagitan ng paglalarawan sa kanya bilang isang ina ng ating bayan.

 Ang ganitong uri ng pagkatuto ay tinatawag na Culture-Based Education.


14. Cone of Experience

 Dale’s Cone of experience ay tumatalakay sa biswal na modelo ng karanasan na binubuo


ng labing-isang hakbang na nagsisimula sa tuwirang mga karanasan at nagtatapos sa
simbolong berbal. Ayon kay Dale ang pagkakaayos ng “cone of experience” ay hindi
nakabatay sa hirap kundi sa abstraksyon at pandamana kasangkot. Ang mga karanasan sa
bawat yugto ay maaaring magkahalintulad at magkakaugnay na nagpapatatag ng mas
makabuluhang pag-aaral.

15. Mga Laro

 Ang mga laro ay paraan o estratehiya upang ang pagkatuto ay mas maunawaan sa ibang
paraan. Ginagamit ito upang maging masigla ang paraan ng talakayan at sabay na natuto.
Ang iba’jt ibang uri ng mga laro sa talakayan ay nag-uudyok sa mga mag-aaral na
makisalamuha at sinasabayan ng pagkatuto.

16. Mock-up

 Ito ay para ding pagmomodelo o panggagaya, subalit ang mock up ay panggagaya lamang
sa ilang bahagi at hindi nlmg kabuuan.

Halimbawa: “Ang Paglilitis kay Padre Salvi”

 Isang maikling dula-dulaan na gagayahin ng mag-aaral kung paano nilitis si Padre Salvi.

17. Ispesimen

 Ito ay mga tunay na bagay o real-facts tulad ng mga antigong barya, na mula sa ibang
bansa, mga bato mga halaman, at iba pa.

Halimbawa:

Hindi natin madadala ang mga bata o mag-aaral sa dating panahon. Maaari nating padalhin ang mga mag-
aaral ng iba’t ibang uri ng barya/perang papel sa iba’t ibang panahon o pera ng ibang bansa at susuriin ito
sa panahon kung kailan ito naiprinta at anong klase ng pera ito, nang sa gayon naipapakita at napapakilala
natin ang kasaysayan ng ating bansa at iba pa.
18. Tableau

 Ang salitang Ingles na Tableau ay nangangahulugan at tumutukoy sa isang grupo ng mga


modelo o mga pigurin na hindi gumagalaw upang ilarawan ang isang eksena mula sa
nakaraan o maaaring mula sa isang kuwento.

Halimbawa:

 Draw me a Picture na nagpapakita ng eksena sa akdang “Ang Lumang Simbahan”

19. Role-playing

 Role-playing/Dramatizing o dula-dulaan, ito ay pagsasadula ng tekstong natalakay upang


lubusang maunawaan.

Halimbawa: Berbal at Di-berbal na Komunikasyon

 Aatasan ang mga mag-aaral na bumuo ng isang maikling dula-dulaan na nagpapakita ng berbal at
di-berbal na komunikasyon.

20. 4A’s

 Isang uri ng pagpaplano ng pagtuturo (Banghay Aralin) na nagtataglay ng iba’t ibang


bahagi. Ang banghay aralin na ito ay dapat taglay ang 4A’s (ACTIVITY, ANALYSIS,
ABSTRACTION, APPLICATION) sinasabing ang ganitong uri ng banghay aralin ay isang
mabisang paraan para sa isang makabuluhan na talakayan sa loob ng klase.

Pagsubok II.

Panuto: Ihanay ang hinihingi ng bawat isa. Siguraduhing tig-5 ang mga hanay napapaloob/naibibigay sa
mga nabanggit sa ibaba.

1. Mabuting maidudulot ng Sabayang Pagbigkas.


 Nakatutulong sa mga mag-aaral na makisalamuha sa kapwa mag-aaral
 Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kakayahang bigyang pansin ang mga talent.
 Nabibigyang pansin ang mga tamang bigkas ng salita.
 Naipapahayag ang damdamin ayon sa pagpapakita ng istilo sa pagperform at bigkas ng salita.
 Isang mabisang paglinang ng pagpapahalaga sa kathang sining.

2. Kabutihang Maidudulot ng mga kagamitang pampagtututro.


 Nakatutulong itong maipamalas ng mga bata ang gawain sa isang talakayan.
 Mas nabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral para sa isang kasiya-siyang pagkatuto.
 Ang paraan ng pagtuturo ay nagiging epektibo.
 Ang talakayan ay nagiging mas masaya sa pamamagitan ng iba’t ibang estratehiya.
 Ang paggamit ng mga kagamitang pampagtuturo ay nagiging mas tiyak at kongkreto ang
daloy ng talakayan.

3. Ang Paglalakbay at ang Exsibit bilang kagamitang pampagtuturo.


 Naipapakita ang iba’t ibang mahahalagang bagay na may kaugnayan sa kasaysayan.
 Nakatutulong sa mga mag-aaral na paglakbayin ang isipan patungo sa isang bagay o paksa
sa pamamagitan ng mga nakikita.
 Nailalarawan ang mga magagandang katangiang may kaugnayan sa kasaysayan.
 Nabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na suriin ang mga bagay na Nakita.
 Naipapakita ang katangian ng iba’t ibang kultura.

You might also like