You are on page 1of 8

Paglalarawan/Pagpapakahulugan ng Dulog/Lapit at Paraan/Estratehiya sa

Pagtuturo ng Wika at Panitikan sa Filipino


MARK BATAS GALDO
______________________________________________________________________
Introduksyon

Kaakibat na ng isang guro ang tungkulin na paigtingin ang kasanayan at

kakayahan niya sa pagtuturo. Kaugnay rito ay ang tunguhin ng kurikulum na makamit

ang ninanais na resulta para sa mga mag-aaral. Isang napakalaking hamon ito ng mga

guro sa Filipino na maghasik ng kahusayan sa pagtuturo upang magampanan ng maayos

ang tungkulin para sa pagpapaunlad ng mga mag-aaral at sa pagkamit ng tunguhin ng

kurikulum.

Sa pagtuturo ng Filipino, kinakailangan ang dedikasyon at adhikain sa pagtuturo

upang maipamalas ng mga mag-aaral ang kagalingan sa wika at panitikan pati na rin ang

pagyakap ng kultura at lahing Pilipino. Mula rito, ang kaalaman sa lapit o dulog at paraan

o estratehiya sa pagtuturo ng Filipino ay nararapat na bigyang-tuon upang mas lalong

mapatingkad ang ugnayan ng pagtuturo at pagkatuto sa klase.

Ang pagkamit ng ganitong uri ng kaalaman ay may nakaatang na pagsusulong sa

adbokasiya ng guro sa pagpapayabong ng wika at panitikan. Dagdag pa, maging hudyat

ito na magkaroon ng interaktibong partisipasyon ang mga mag-aaral sa klase. Sa

katunayan, ang epektibo at episyenteng proseso sa kaalaman ay matutunghayan kung

ang interaksyon ng klase ay masigla at masigasig dahil sa isinasagawa ng guro.

Ang papel na ito ay tumutugon sa pangangailangan ng mga guro sa kasalukuyan

sa paglahad ng kahulugan ng lapit o dulog at paraan o estratehiya sa pagtuturo ng

1
Filipino. Nabuo ito dahil sa ninanais ng mananaliksik na pag-ibayuhin ang lebel ng Filipino

sa mataas na antas.

Layunin

Layunin ng pag-aaral na ito na mailarawan at mabigyan ng kahulugan ang

dulog/lapit at paraan/estratehiya ng pagtuturo ng wika at panitikan.

Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakaangkla sa konsepto ni Badayos (2008) sa kanyang

pakahulugan sa lapit o dulog at paraan o estratehiya sa pagtuturo ng wika at panitikan

sa Filipino. Ang paraan at dulog ng pagtuturo ng Filipino ay nakapokus sa kung papaano

tutuklasin ng mag-aaral ang kanyang kakayahan o angking galing na nakasubaybay

lamang ang kanyang guro sa kanya. Sa panahon ngayon ay mayroon ng isang malaking

pagbabago ang nagaganap sa dimensyon ng pagtuturo na siyang maging susi upang

makamit ang minimithi ng K12 kurikulum na 21st century na mag-aaral.

Buo at ganap na Mag-


SIMULAIN LAPIT / PARAAN / aaral na napapalooban
G TEORYA DULOG ESTRATEHIYA ng 21st Century na
kasanayan

2
Makikita na ang simulating teoryang pangwika at pampanitikan ay mahalaga dahil

nakabatay sa teorya ang sakop o lawak ng paghubog ng mag-aaral. Pagkatapos nito ay

ang lapit o dulog na set ng mga paniniwala o simulaing hango sa mga teoryang pangwika

at may malaking kaugnayan ito sa tinatawag nating estratehiya o paraan na siyang

panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika at batay ito sa

isang dulog.

Ang makabagong paraan ng pagtuturo ay ang mga paraan ng pagtuturong

makabago sa ating nakasanayan na umuusbong sa 21st century alinsunod sa isinaad sa

Kagawaran ng Edukasyon. Ang pagkaroon ng mahigpit at maayos na pagpapatupad ng

dulog at paraan sa pagtuturo ng Filipino ay mahalagang aspeto sa buhay ng isang mag-

aaral na maging buo at ganao na mamamayan sa hinaharap.

Metodolohiya

Deskriptibong pagdodokumento ang ginamit ng mananaliksik batay sa nabasang aklat at

sa karanasan. Ang uring ito ay sumasalaw sa paglalarawan ng mga impormasyon na

nakalap ng mananaliksik. Dagdag pa, ang ugnayan ng datos sa isa’t isa upang

magkaroon ng kalinawan sa pagkakaiba nito maging ang kaligiran at kaakuhan nito.

Idinodokumento ng mananaliksik sa iba’t ibang datos na nakuha mula sa mga

sanggunian.

Resulta at Diskusyon

Matutunghayan sa bahaging ito ang nakalap na datos ng pag-aaral. Nilalayon nito

na sagutan ang mga katanungang may kaugnayan sa pag-aaral.

3
Nagiging mabilis at mabisa ang pagkatuto ng mag-aaral kung ang proseso ng

pagkatuto ay gumagamit sa katalinuhan ng mag-aaral. Nararapat kung gayon na gumawa

ang guro ng iba’t ibang dulog at pamamaraan upang matugunan ang nagkakaibang

katalinuhan ng mga mag-aaral sa proseso ng pagkatuto at pagtuturo.

Kalikasan ng Lapit o Dulog sa Pagtuturo ng Filipino

Ang guro ang namamahala sa paghahanda ng mga makabuluhang gawain sa

pagkatuto, karagdagang motibasyon sa mga mag-aaral at regular na pagtaya ng kanilang

pag-unlad sa pag-aaral. Bukod sa mga nabanggit, napakahalagang may malawak na

kabatiran ang guro sa asignaturang kanyang itinuturo. Wika nga, “Hindi maibabahagi ng

guro ang anumang bagay na hindi niya taglay.”

Isang responsibilidad ng tagapagturo ang magkaroon ng malawak na kaalaman

sa pagtuturo lalong-lalo na sa lapit o dulog nito. Isinasaad sa teksto mula sa Teacher

Education Council ng Kagawaran ng Edukasyon na ang lapit ay set ng mga paniniwala o

simulaing hango sa mga teoryang pangwika. Sa bawat lapit o pagdulog ay may set ng

mga istratehiyang magagamit sa pagtuturo. Patunay ito na ang nakaangkla ang dulog sa

simulating teoryang pangwika. Kinakailangan kilalanin ng guro ang teoryang

pinagbatayan bago makalikha ng angkop na dulog sa pagtuturo.

Mahalagang tingnan din sa dulog ang simulating nakapukos sa mag-aaral kung

saan ang bawat klase sa wika ay binubuo ng mag-aaral na taglay ang kanilang iba’t-ibang

katangian: kognitib, pandamdamin, at kagulangang sosyal, kaalaman sa wika;

motibasyon, kakayahan sa pagkatuto ng wika, istilo sa pagkatuto, mga mithiin at mga

4
pangangailangang subhetibo. Sa simulaing ito, itinuturing ang bawat mag-aaral na may

taglay na sariling pangangailangan at interes.

At sa pamamagitan nito mabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na

makisangkot sa klase upang sa gayon may matutunan siya na batay sa gusto niyang

ninanais.

Kabilang sa mga lapit o dulog sa pagtuturo ng Filipino ay ang mga sumusunod:

Tuwiran o Direct Method, Dulog na Pagbasa, Dulog Istruktural, Dulog Audio-Lingual,

Dulog Sitwasyonal, Community Language Learning, Dulog Total Physical Response,

Dulog Suggestopedia, at Dulog Natural.

Kalikasan ng Paraan o Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino

Sa buhay ng isang mag-aaral at para na rin sa isang guro, mahalaga na may

partikular na estilo ang pamamaraan ng pagtuturo o ang pagkatuto. Hinihingi ng mabisa

at mabilis na pagkatuto ang paggamit ng mabubuting pamamaraan ng pagtuturo.

Nakasalalay sa mabuting paraan ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang

pagkatuto ng mag-aaral. Gayunpaman, nasa guro pa rin ang pagpapasya sa

pamamaraang kanyang gagamitin na alam niyang magiging angkop sa bunga ng

pagkatuto na nais niyang makamtan ng kanyang mga mag-aaral, angkop sa sitwasyon,

angkop sa kakayahan ng mag-aaral at gayon din sa uri ng paksang-aralin at asignaturang

kanyang itinuturo. Maraming pagbabago ang nangyayari sa larangan ng edukasyon

maging ang mga pamamaraan at estratehiya ng pagtuturo na nagsisilbing malaking

hamon na kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya at agham.

5
Kawili-wili at nakapupukaw ng interes ang paggamit sa klasrum ng mga

kontemporaryong estratehiya sa pagtuturo ng wika. Mahalaga ang antas ng propesyunal

na kaalaman ng isang guro sa mga estratehiya o pamamaraan ng pagtuturo ng wika at

panitikan. Mapauunlad ng bagong gurong tulad mo ang iyong kasanayan sa paggamit ng

mga makabagong istratehiya sa pamamagitan ng obserbasyon, pananaliksik, pagdalo sa

mga seminar, pagsali sa mga intrabisitasyon at panonood ng mga pakitang-turo.

Ang estratehiya o paraan ay isang panlahat na pagpaplano para sa isang

sistematikong paglalahad ng wika at batay ito sa isang dulog.

Binibigyang halaga ng paraang ito sa pagtuturo na kailangang bigyan ng guro ang

mga mag-aaral ng mga estratehiya sa pagtuturo na abot ng kanilang pang-unawa at

makabuluhan para sa sarili nilang pangangailangan at interes. Magagawa lamang ito ng

isang guro kung lilikha siya ng isang sitwasyon kung saan mararamdaman ng mag-aaral

na nagagamit niya ang target na wika ng natural at hindi pilit upang mas magkaroon ng

maayos na paglalahad ng konsepto.

Ilan sa mga pamamaraang estratehiya na ibinahagi ni Villafuerte (2016) mula sa

palihan na naganap ay ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo sa iba’t ibang antas. Ito

ang sumusunod: Clicker Use in Class, brainstorming, critical thinking, active learning,

game/simulation, experiential learning, cooperative learning, inquiry-guided learning,

problem-based learning, service learning at mobile learning.

Konklusyon

Bilang pangkalahatan, anumang paraan ang ginagamit ng mga guro, ang

mahalaga ay ang istilo ng pagkatuto ng mag-aaral na siyang tumutukoy sa kaparaanan

6
nila ay mas higit sa gusto ng mga mag-aaral para sa kanilang pag-aaral dahil sila ang

nagkaroon ng pagkatuto sa anumang mabisang estratehiya na ginagamit ng guro

Badayos (2008). Isang malaking hamon sa guro sa kasalukuyan ang magsulong ng

adbokasiya sa mga mag-aaral sa 21st century na mahalin at lalong paigtingin ang

paggamit ng wika at panitikang Filipino sa kasalukuyan.

Mga Sanggunian

Agno, Lydia N.,Ed.D. (2005). Mga Modelong Estratehiya sa Pagtuturo ng Makabayan


(para saPaaralang Sekundarya), Unang Edisyon. Sampaloc, Manila: Rex Book Store.

Badayos,

Dodge, Bernie,Ph.D. Department of Educational Technology, San Diego State


University.(2007). WebQuest.Org. November 22, 2009. http://www. webquest.org/index.
resources.php.

Manahan, Evelyn R. (2008). Epekto ng ICT-Enhanced Lesson sa Performans ng mga


Mag-aaral saFilipino II.Cebu Normal University, Cebu City.

Module. (2006). A Collaboration Between Philippines and Singapore: Pil Partners in


LearningPhilippines Version 1. Cebu Normal University, Cebu City.

Module. (2006) Philippine ICT Mentoring and Integration Training 2006. University of
ImmaculateConception. Davao City.

Pestolante, Leodegaria, Ph.D. (2002). Hango sa Estratehiya sa Pagtuturong Integrado.


Papel naBinasa ni Dr. Vilma M. Resuma ng UP Integrated School, College of Education,
Diliman, Quezon City.

Rowan, Kelly Jo. (1996-2007), Glossary of Instructional Strategies. November 20,2009.


http://glossary.plaslink.com/glossary.htm/#digits.

Santos, Bernie C., et.al. (2002). Patnubay ng Guro sa Paglinang ng Kasanayan sa Wika
at Literatura,Unang Edisyon. Sampaloc, Maynila: Rex Book Store.

7
Villafuerte, Patricinio (2016). Iba’t ibang estratehiya sa Filipino sa iba’t ibang antas.
Retrieved date: April 25, 2018 at
file:///C:/Users/Mark%20Galdo/Documents/Doctoral%20Class%20Summer/villafuerte-
mga-estratehiya-psllf-oktubre-28-2016.pdf

You might also like