You are on page 1of 13

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/356906150

Malikhaing Pamamaraan ng Pagtuturo sa Klasrum Pangwika at Panitikan sa


Panahon ng Pandemya

Article · December 2021

CITATIONS READS

0 8,744

1 author:

Maricris Dionisio
La Consolacion University Philippines
1 PUBLICATION 0 CITATIONS

SEE PROFILE

All content following this page was uploaded by Maricris Dionisio on 09 December 2021.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Paksa: Pagtuturo ng Wika at Panitikang Pilipino sa Panahon ng Pandemya

Malikhaing Pamamaraan ng Pagtuturo sa Klasrum


Pangwika at Panitikan sa Panahon ng Pandemya
Maricris Dionisio
maricris.dionisio@email.lcup.edu.ph
Disyembre 2021

Abstrak: Ang pag-aaral na ito ay may titulong “Malikhaing Pamamaraan ng Pagtuturo sa Klasrum

Pangwika at Panitikan sa Panahon ng Pandemya”. Ang pag-aaral na ito ay may layuning maibahagi

ang mga bagong danas ng guro sa panahon ng pandemya kaugnay ng malikhaing pagtuturo sa

wika at panitikan. Kaakibat ng pandemyang kinakaharap ng ating bansa nagpapatuloy ang

pagtuturo at paglinang ng kaalaman sa mga mag-aaral. Malaki ang hamon na dala ng pandemyang

nararanasan ng ating bansa sa mga guro upang maibalik ang interes at kawilihan ng mga mag-aaral

sa kanilang pag-aaral. Nagpatuloy ang pagiging malikhain ng mga guro upang mabigyan ng

dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral. Ang pagtuturo ay isang sining dahil sa pagiging

malikhain ng mga guro upang makuha ang interes at kawilihan ng mga mag-aaral na matuto sa

paksang aralin. Sinuri sa papel na ito ang mga pamamaraan ng mga guro sa malikhaing pagtuturo

upang makatulong sa mga mambabasa upang mas maging epektibo ang pamamaraan ng pagtuturo

sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito ay maaaring mapalawak ang kaalaman ng mga

mambabasa tungkol sa mga mahahalagang sangkap para sa mabisang pagtuturo at upang maging

basihan ng guro sa kanyang pagtuturo.

Mga Susing Salita: pamamaraan, guro, mag-aaral, pandemya, teknolohiya, asignaturang

Filipino, wika

1
1. Ako Bilang Guro ng Asignaturang Filipino

Ang mga guro sa Filipino ay isang huwarang Pilipino, magulang at katatagpuan ng maalab

na pag - ibig sa bayan. Ang pagtuturo ay hindi lamang ang pagbusog sa kanila sa kaalaman pati na

rin ang paghubog sa kanilang katauhan, Lubhang mahalaga ang papel na ginagampanan ng isang

guro sa Filipino sa pagpapanatili ng isang bansang pinagbigkis ng kultura, wika, pagkakaisa at

pag - ibig sa bayan. Ang isang mabuti at mahusay na guro ay laging may panahon na humanap at

gumawa ng inobasyon para sa pag-unlad ng performans ng isang bata. Lagi siyang handa para sa

kapakanan ng mga bata. Kakitaan mo din siya ng makasining at malikhaing pagtuturo gamit ang

iba’t-ibang kasanayan. Malaki ang gampanin ng isang guro sa paghubog sa mga mag-aaral upang

maging kapaki-pakinabang sa lipunang kinabibilangan. Nasubok ang kakayanan ng mga guro sa

pagpapanatili ng interes at motibasyon ng mga mag-aaral habang sila ay nagtuturo ng paksang

aralin. Sa kabila man ng pandemya ay patuloy ang dedikasyon at kagustuhan ng guro na

makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa pamamagitan ng malikhaing pagtuturo. Gumamit

ang guro ng iba’t ibang platform tulad ng Google Meet, Zoom, Microsoft Teams at iba pa upang

maging aktibo ang mga mag-aaral.

Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay

magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021).

Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin

nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng

mga mag-aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng

pagtuturo, alalahanin natin na ang pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay

isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa

2
mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga magulang

sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014).

1. Ang Pagtuturo ng Wika [at Gramatika]

Sa panahon ng modernisasyon, isang malaking hamon para sa mga guro ng wika na

maikintal sa isipan ng mga estudyante ang mga konseptong nakapaloob dito. Lalong-lalo na ang

pagpapahalaga nito. Hindi madaling tanggapin, tangkilikin at gamitin ng kahit sinuman ang isang

wika at kultura kung hindi niya ito lubos na nauunawaan at hindi rin lubos na nagagamit. Ayon

kay Albay (2020), pangunahing tungkulin ng mga guro sa pagtuturo ng wika ay ang balarila o

gramatika. Ito ay ang pangangalaga sa kawastuhan sa malinaw na pagpapahayag. Ang isang mag-

aaral ay dapat marunong sa mga tuntuning pangwika sa pagpapahayag upang magamit nang wasto

ang wika, pasalita o pasulat man. Samakatuwid, kailangang malinang ang kanyang kakayahang

panggramatika tungo sa pagkakaroon ng kakayahang komunikatibo. Ang kaalaman ng mga mag-

aaral ay maaaring may kinalaman sa kakayahan din ng mga guro.

Ayon naman kay Lumbera (2015), ang wika ay parang hininga sa bawat sandali ng buhay

ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay ang mga taong gumagamit nito at may kakayahan itong

umugnay sa kapwa na gumagamit din nito. Ang guro ng wika ay nabubuhay para magturo ng

wika, at kahit paulit-ulit lamang ang wikang kanyang itinuturo, nananatiling bago at kawili-wili

dahil iba’t ibang sahog (ingredients) ang inihahalo niya sa araw-araw ng kanyang pagtuturo, kung

kaya’t hindi nakasasawa. At upang lubusang maituro ang wikang Filipino ang mga guro ay

nakisabay sa hamon na dulot ng pandemya sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya tulad ng

laptop o kompyuter, tablet at maging cellphone man na maaaring makasagap ng internet upang

maging daan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

3
Ayon kay M. Underwood (2009) Ang patuloy na pag-unlad ng makabagong teknolohiya

ay may pakinabang para sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Malaki ang naidudulot nito

para sa pagpapadali ng pag-aaral at maging isang epektibong mamamayan ang mga mag-aaral.

Upang maging mabisa at mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral kinakailangan ang paggamit ng

mabubuting metodolohiya sa pagtuturo sapagkat nakabatay sa metodolohiya ng pagtuturo ang

matagumpay, kawiliwili at mabisang pagkatuto ng estudyante. Ibig sabihin, lubos na mauunawaan

ng mga estudyante ang kanilang paksa kung ang metodolohiya ay nakaeengganyo at kapantay ng

kanilang lebel sapagkat nakatutulong ito para sa mabilis na pagkatuto. Karamihan sa mga guro ay

gumagamit ng patalakay na pamamaraan (discussion method) sa pagtuturo ng asignaturang

Filipino. Ang pamamaraang patalakay ay madaling ipatupad sa klase sapagkat ito ang karaniwang

pamamaraan na ginagamit kahit sa iba pang mga asignatura. Ang pamamaraang patalakay ay isa

sa pinakatanyag na pamamaraan sa pagtuturo. Sa ganitong paraan masasabing sa pamamagitan ng

talakayan naaabot natin ang ilang kongklusyon sa pamamagitan ng pagalog, pakikipag-uusap at

pagbabahagi ng mga ideya tungkol sa isang paksa sa mga estudyante. Mas naging pamilyar ang

proseso, maaaring maging handa ang guro na isaalang-alang ang mga pamamaraan na umaalis sa

higit na awtoridad sa mga mag-aaral.

Sa pamamaraang patalakay ay binibigyang diin ang gawain ng mga estudyante sa anyo ng

talakayan, sa halip ng simpleng pagsasabi at pagtalakay ng guro. Kaya, ang pamamaraang ito ay

mas epektibo.

Ang paggamit ng mga maiikling bidyo ay isa sa mga pamamaraan na maiiugnay sa

pagbabagong teknolohikal sa larangan ng edukasyon ngayon. Nagiging daan ito upang mapanatili

ang interes ng mag-aaral sa aralin, upang mas mapadali ang pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-

4
aaral. Gumamit ang mga guro ng mga pamamaraan tulad ng larong pangwika, tiktok, quizizz at

iba pa upang makatulong sa mabilis na pagkaunawa ng mga mag-aaral.

Maraming pag-aaral na isinagawa tungkol sa paggamit ng mga pamamaraan sa malikhaing

pagtuturo para sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Lahat sila’y nagkakaisa na mas maraming

kabutihan ang ibinibigay nito kaysa sa di mabubuti. Nagdudulot ito ng mga kabutihang pampisikal,

intelektwal, emosyunal, at sosyal.

Ayon sa pag-aaral ni De Juan (2013), Pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang

pagrereistruktura ng kurikulum sa batayang edukasyon dahil sa mga sumusunod na dahilan:

Higit na magiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga guro sa kanilang mga

estratehiya sa pagtuturo. Higit na mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal

upang mahikayat silang masikap na matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay.

Interaktib ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang disiplina,

sa mga gagamiting kagamitang paturo at multi-media sources.

Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal at ito’y

behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.

Sa kabuuan, maaaring magamit ang mga pamamaraang ito sa pagtuturo ng wika. Kailangan

lamang isaalang-alang ng isang guro ang interes ng mga mag-aaral, ang sitwasyon kung saan

gagamitin ang pamamaraang ito, at ang kanyang layunin upang maitawid ang pagtuturo papunta

sa kasanayan.

2. Ang Pagtuturo ng Panitikan

5
Ang panitikan ay may malaking bahagi sa buhay ng isang Pilipino maging sa pang araw-

araw na gawain man, ito ay nagbibigay ng kaalaman upang malaman ang mga naging buhay ng

sinaunang tao, mga kultura at iba pa. kahit sa kasalukuyang kaganapan.

Kailangan natin itong pahalagahan at may gampanin din tayo na makita sa atin ang

pagpapahalaga natin sa panitikan. Ayon kay De Juan (2013) sa paglalahad niya ng mga suliranin

sa pagtuturo ng Filipino isa rito ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng mga

akdang pampanitikan at ang guro ay hindi mulat sa lahat ng pagbabagong nagaganap sa kapaligiran

lalo na sa larangan ng wika at panitikan para sumunod sa makabagong estilo o teknik sa pagtuturo

ng Filipino ang kanyang mga maituturo.

Kung kaya’t gumagamit na rin ang mga guro ng mga makabagong pamamaran na bunga

ng teknolohiya bilang kagamitang pampagtuturo. Ngunit hindi pa rin maiaalis na may malaking

gampanin pa rin ang guro sa mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Isang pamamaraan din ay ang alamin ang kinahihiligan ng mga mag-aaral at iugnay ang

babasahin sa mga ito. Maari silang gumawa ng sariling paraan upang alamin ang tungkol sa isang

bagay gamit ang kanilang gadgets. Sinasabi na malaki ang maitutulong ng mga makabagong

kagamitang panturo upang maging daan sa motibasyon ng mga mag-aaral.

3. Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino

Malaking hamon sa panahon ng pandemyang ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga mag-

aaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong COVID-

19 pandemic, binigyang-diin niya ang tatluhang-ugnayan ng mga salik na nakaaapekto sa

pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga ang ugnayan ng (a)

pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning delivery modalities, at

6
(c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang ugnayang DepEd Vision-

Mission-Core Values, gayundin ang ugnayang Paaralan-Tahanan-Pamayanan, at ang ugnayan ng

tatlong anyo ng pagtataya, ang Assessment For-As-Of Learning. Kung maayos ang ugnayan ng

mga naturang salik, nakatitiyak na ang mga mag-aaral, bilang sentro sa proseso ng pagtuturo at

pagkatuto, ay lubos na matututo at makikinabang nang husto.

Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang

Filipino. Kaya naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata na magamit

ito araw-araw sa kanilang pamumuhay. Sa paraang komunikatibo kailangang maipagamit ang

wikang Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng mga bata ang mga bahagi ng

pananalita. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa kanyang

pakikipagtalastasan sa iba.

Lumawak ang sinasaklaw ng bawat kurikulum sa iba’t ibang antas. Kasabay ng paglinang

ng limang makrong kasanayang pagsasalita, pakikinig, pagbasa, pagsulat at panunuod,

pinagtuunan ng pansin ang paglinang sa ika-21 siglong kasanayan upang makamtan ang

holistikong pagkatuto. Kabilang dito ang pitong kasanayan (7C’s) - kritikal na pag-iisip (critical

thinking), pagkamalikhain (creativity), kolaborasyon (collaboration), pag-unawa sa ibang kultura

(cross-cultural understanding), komunikasyon (communication), kahusayan sa paggamit ng

elektronikong impormasyon (computing and ICT fluency) at pangmatagalang kaalaman (career &

learning self-reliance) (Partnership for 21st century skills, w.p.).

Ang malikhaing pag-iisip ay kinakailangan lalo na ng mag-aaral upang magtagumpay sa

ika-21 siglo (Salna, 2012). Sakop ng kasanayan ang pagbuo at paggamit ng bagong ideya;

pagtanggap sa iba’t ibang pananaw, posibilidad maging pagtukoy ng bagong ugnayan (Batham,

2014).

7
Ngayong nahaharap tayo sa Blended Learning, maraming paraan ang mga guro kung paano

ituturo at ibabahagi ang iba’t-ibang uri ng pagtataya. Halimbawa na lamang ng mga pagsagot sa

mga nakahandang katanungan sa paksang tinalakay. Maaaring gumamit ang guro ng ibang mga

paraan sa pagsasagawa ng pagtataya o pagsusulit sa paraang synchronous maaring gumamit ng

Online application gaya ng Quizziz, Kahoot, Mentimeter, Memory Game, Bamboozle, Google

Form at maging ang messenger ay nagagamit sa pamamagitan ng mabilisang pagsagot sa tanong

ng guro. Ang mga nabanggit na mga pamamaraang ito ay napapanahon na mga aplikasyon na

ginagamit ng mga guro upang maging interaktibo sa pagsasagawa ng mga pagtataya o pagsusulit.

Sa paraang Asynchronous naman ang guro ay maaring maghanda ng mga gawain tulad ng story

map, crossword puzzle, scrapbook o snapshot collage at iba pa. Upang mas maging interesado ang

mga mag-aaral

Ilang mananaliksik at dalubhasa ang naglahad ng kani-kanilang pamamaraan sa paghubog

ng mga kasanayan lalo’t higit ang paglinang dito. Inilahad nina Oakshott at mga kasama (w.p)

ang pamamaraan sa paglinang ng mga kasanayan tulad ng sumusunod: Pagkamalikhain:

Pagsasagawa ng bagyuhang-isip, pagbuo ng makabuluhang konsepto, pagpapalawak sa kaalaman

sa pamamagitan ng pagsusuri at pagtataya ng sariling ideya; pagiging bukas sa iba’t ibang

pananaw. Kritikal na Pag-iisip: Paggamit ng uri ng pagpapapasya (induktibo at deduktibo) at

paglikha ng desisyon gamit ang pagtataya ng patunay at argumento. Komunikasyon at

Kolaborasyon: Pakikipag-usap nang malinaw sa paraang berbal o pasulat gamit ang iba’t ibang

uri, mahusay na tagapakinig; pakikipagugnayang may layunin (magpabatid, magturo at

manghikayat); pakikiisa sa kamag-aral na may paggalang sa kanilang ideya at pagpapahalaga sa

kontribusyon ng

8
Mga Estratehiyang Magagamit sa Paiba-ibang Pagtuturo ayon kay Pat V. Villafuerte

(2019)

1. Pagtugon sa mga tanong. Ang pagtatanong ay isang sining. Dahil dito, tahasang

masasabing ang bawat guro ay may naiibang estilo o uri ng pagtatanong batay sa kaniyang

pangangailangan sa klasrum. Mataas na antas ng pagtatanong ang dapat magamit ng guro upang

siya’y makatiyak kung naging mabisa ang paglalahad ng kaniyang aralin.

2. Pagtataya sa kurikulum. Ito’y nangangahulugang tinataya ang kaalaman, kasanayan at

saloobin ng mga mag-aaral at hinihikayat silang maghanda ng mga alternatibong gawain matapos

nilang natutuhan ang nilalaman ng kurikulum.

3. Pagsagot sa itinakdang gawain. Ito ang serye ng iba’t ibang gawain na matutugunan ng

mga magaaral bunga ng kanilang masusing pag-unawa at pagsasanay sa mga tinalakay na aralin.

4. Pagpapabilis ng gawain. Ang mga mag-aaral na nagpapakita ng mataas na antas ng

kahusayan ay mabilis na nakasusulong sa mga itinakdang gawain. Ang mga mag-aaral na hindi

gaanong nakasasabay sa kahusayan ng kanilang mga kamag-aaral ay dapat mabigyan ng

katamtamang gawain upang maging matagumpay.

5. Pagpapangkat. Ang kahandaan ng mga mag-aaral sa mga gawaing itinakda ng guro sa

loob ng klasrum ay nag-iiba-iba depende sa kanilang natatanging talento at interes. Hindi lahat ng

mag-aaral ay mahusay magkuwento, umawit, sumayaw o sumulat. Maaari ring sa isang sabdyek

ay mababa ang antas ng magaaral ngunit sa ibang sabdyek ay maaaring mataas naman ang

kaniyang antas ng pagkatuto.

6. Pagtuturong paisa-isa. May mga mag-aaral na may personal na pangangailangan upang

matuto, kaya’t ang mga ganitong mag-aaral ay natuturuan nang paisa-isa. Pagkatapos maging

maalam sa mga natutuhan, maaaring sila ay mabigyan ng oportunidad na maibahagi sa kanilang

9
mga kamagaaral ang kanilang natutuhan. Magiging benepisyo sa lahat ng mga mag-aaral ang

ganitong gawain.

7. Pagkatutong may estilo. Makatutulong nang malaki ang kaligiran sa pagkatuto ng mga

magaaral. Ang tahimik, malinis at maayos na lugar sa pag-aaral ay hinahangad ng bawat mag-

aaral. Isang malaking elemento sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang pangganyak sa kanila upang

matuto. Maaaring gumamit ang guro ng mga bagay na nakikita, naririnig, naaamoy, nalalasahan

at nadarama na makapagbibigay ng interes sa mga bata upang maibigan ang ilalahad na aralin.

8. Pagtukoy sa interes. Ang mga sarbey na pinasasagutan sa mga mag-aaral ay isang

mabisang hakbang upang matukoy ang mga bagay o pangyayaring naiibigan o hindi naiibigan ng

mga mag-aaral. Maaaring maitanong sa sarbey kung ano ang kinagigiliwang basahin at panoorin

ng mga magaaral. Makatutulong ang mga ito upang maisama ng guro sa kaniyang aralin. Bukod

dito, magiging magagandang halimbawa ang mga ito sa pagdaraos ng talakayang pangklase.

9. Pag-aaral nang may pagtutulungan. Sa estratehiyang ito, pinapayagan ng guro ang mga

mag-aaral na gumawa ng proyekto sa paraang pandalawahan o pantatluhan. Ang layunin nito ay

upang maibahagi at maipaghambing ang natapos na gawain ng bawat isa. Nakasalalay sa bawat

miyembro ng nabuong pangkat ang sariling pagpaplano, pamamahala at pagpapasya sa natapos na

proyekto na sasang-ayunan ng bawat isa bago isumite sa guro.

Sa gitna ng pandemya, patuloy ang sakripisyo sa pagbibigay ng kaalaman ng mga

guro dahil para sa bata at para sa bayan isusulong ang edukalidad.

4. Sanggunian

Albay (2021). Kakayahan ng mga guro sa Filipino: Susi sa pagpapayaman ng Kaalaman Sa


Gramatika ng mga mag-Aaral.
https://www.researchgate.net/publication/348349990_Kakayahan_ng_mga_Guro_sa_Fili
pino_Susi_sa_Pagpapayaman_ng_Kaalaman_sa_Gramatika_ng_mga_Mag-aaral

10
Bergonia, (2020). Teknolohiya sa Gitna ng Pandemya
https://sdo-meycauayan.com/2020/08/27/teknolohiya-sa-gitna-ng-pandemya-ni-dennis-
bergonia/

Cabigao, J. R. (2014). Improving Pupils' Academic Performance Through Strengthened School-


Home Partnership.
https://www.researchgate.net/publication/337111225_Improving_Pupils'_Academic_Perf
ormance_Through_Strengthened_School-Home_Partnership

Cabigao, J. R. (2021). Class Observation Post Conference Framework for Teachers. IJAMR
Volume 5. 256-258.
https://www.researchgate.net/publication/349692651_Class_Observation_Post_Conferen
ce_Framework_for_Teachers

Cabigao, J. R. (2021). School-Based Assessment Framework Version 2.0 (The New Normal).
International Journal of Multidisciplinary Research Review. Volume 5. 106-108.
https://www.researchgate.net/publication/349463546_School-
Based_Assessment_Framework_Version_20_The_New_Normal

De Juan (2013), Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika At Ang Pamaraang Komunikatib Sa
Pagtuturo Ng Wika
https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/ang-mga-estratehiya-sa-pagtuturo-ng-wika-
at-ang-pamaraang-komunikatib-sa-pagtuturo-ng-wika/

Guinto, (2010). Paggamit ng Teknolohiya sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino


https://www.coursehero.com/file/73211201/Researchdocx/

Gurdiel, C., Pallarca, A.P. Et, Al (2015). Mga Salik Tungo sa Epektibong Paraan ng Pagtuturo
sa mga Estudyanteng Nag-aaral ng Edukasyong Pangsekundarya.
https://www.academia.edu/23015371/MGA_SALIK_TUNGO_SA_EPEKTIBONG_PA
MAMARAAN_NG_PAGTUTURO_SA

Oakshott, S., McNeely, T., Klattenhoff, B., Dorn, R., Kanikeberg, K at Burke, A. 21st century
skills in career and technical education resource manual.
http://www.k12.wa.us/CareerTechEd/pubdocs/21stCenturySkillsinCTEResourceManual.
pdf

Reyno (2018). Ang Kahalagahan ng Pagtuturo ng Wikang Filipino sa mga Bata | Ateneo de Manila
University
https://www.ateneo.edu/grade-school/news/features/ang-kahalagahan-ng-pagtuturo-ng-
wikang-filipino-sa-mga-bata

Salna, L. (2012). Creativity as a 21st century skill: Training teachers to take it beyond the arts.
http://digitalcommons.buffalostate.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1167&context=creati
veprojects

11
Saul et., al. (2019). Manipestasyon ng Ika-21 Siglong Kasanayan at Mungkahing Gawaing
Makalilinang ng Kasanayan sa Kurikulum ng Filipino ng Ikasampung Baitang
https://po.pnuresearchportal.org/ejournal/index.php/apherj/article/download/1547/461

Villafuerte P. (2019). Epektibong Pagtuturo


https://www.pressreader.com/philippines/liwayway/20190701/282364041256406

12

View publication stats

You might also like