You are on page 1of 10

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/356961725

Makabagong Pamamaraan ng Pagtuturo ng Filipino sa Bagong Kadawyan

Article · December 2021

CITATIONS READS
0 11,975

1 author:

Jaohmi Javier
Bulacan State University
2 PUBLICATIONS   0 CITATIONS   

SEE PROFILE

Some of the authors of this publication are also working on these related projects:

Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng Pandemya View project

Makabagong Pamamaraan ng Pagtuturo ng Filipino sa Bagong Kadawyan View project

All content following this page was uploaded by Jaohmi Javier on 11 December 2021.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Makabagong Pamamaraan ng Pagtuturo ng Filipino sa
Bagong Kadawyan
Jaohmi M. Javier
jaohmi.javier@email.lcup.edu.ph
Disyembre 2021

Abstrak: Ang artikulo na ito ay may paksa tungkol sa “Makabagong Pamamaraan ng Pagtuturo

ng Filipino sa Bagong Kadawyan”. Naglalaman ito tungkol sa pamamaraan na maaaring

magamit ng mga guro sa birtwal na klase. Magbabasa rin dito ang mga danas ng isang guro sa

pagtuturo ngayong panahon ng pandemya kung paano natin patuloy na makukuha ang interes ng

mga mag-aaral sa ating mga talakayan. Makakapulot din ng mg ideya tungkol sa mga laro na

maaari nating gawin sa talakayan nang sa gayon ay magkaroon ng masayang interaksyon ang

bawat estudyante. Sa kabila ng mga kinakaharap nating problema ngayon patuloy pa rin na

ibinibigay ng mga guro ang kanilang buong husay sa pagbabahagi ng mga kaalaman sa klase.

Mga Susing Salita: Wikang Filipino, Quizizz, Put a hand up, Interaksyon, Panitikan, Gramatika

1. Ako Bilang Guro ng Asignaturang Filipino

“Hindi biro ang maging isang guro” ito palagi ang aking naririnig sa mga tao sa tuwing

malalaman nila na ako ay isang guro kagaya ng aking ina. May katotohanan naman ang kanila mga

nasambit dahil sa mga pinagdadaanan na hirap ng mga guro para sa kanilang mga mahal na mag-

aaral. Pangunahing hangarin nila na makintal sa kanilang puso’t isipan ang kanilang ibinahagi para

sa kanila at maging parte ng tagumpay nila.

Isa pang pagsubok ang maging isang guro sa asignaturang Filipino dahil mismong kultura,

wika, pinagmulan at kasaysayan nating mga Pilipino ang ating bibigyan ng bagong paraan upang

1
maituro nang maayos at magkaroon ng interes ang ating estudyante sa pakikinig. Ang pagiging

masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay magbubunga ng ibayong

kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021).

Sa panahon ngayon na mayroong pandemya kinakailangan na maiparating natin sa bagong

henerasyon ang importansya ng sarili nating wika at pagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa

rito. Ito ay magmumula talaga sa dedikasyon at pagmamahal ng guro dahil tayo ang humuhubog

at gumagabay sa mga mag-aaral ukol sa pagpapaunlad ng wika at iba pang usaping nakapaloob

dito. Nagiging parte na rin tayo ng kanilang buhay at naka-ukit na sa kanilang isipan ang mga

salita o payo natin para sa kanila.

Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin

nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng

mga mag-aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng

pagtuturo, alalahanin natin na ang pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay

isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa

mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga magulang

sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014).

Ayon kay Reyno (2018) ang kabataan ang pag-asa ng bayan dahil sila ang tulay upang sa

mga susunod na henerasyon ay kanilang mapagbubuklod ang mga Pilipino at maipakita ang

kakayahan at kahusayan natin. Nasa kanilang palad nakasalalay kung paano tayo makikita ng

ibang bansa bilang isang mayaman na bansa hindi lang sa wika maging sa ating kultura at

kaugalian ng mga mamamayan. Ito ang dahilan kaya kinakailangan na matutuhan ng kabataan ang

kanilang lahing pinagmulan.

2
Idinagdag pa ni Caspar (2021) na bilang mga tagapagturo, mayroon tayong tungkulin sa

paghubog ng kinabukasan ng ating mga mag-aaral. Alam natin na napakaraming tao ang

nababalisa tungkol sa kanilang kinabukasan, ngunit marahil ito ay tulay upang makilala at

maunawaan kung paano ang pag-aaral tungkol sa wika, kultura, at pagkakakilanlan ay maaaring

makatulong sa atin na suportahan, muling itayo, at magkaisa ang mga komunidad.

2. Ang Pagtuturo ng Wika [at Gramatika]

Ayon kay Almario sa panayam ni Bueza (2014) Binanggit niya na kinakailangan nating

mga Pilipino na gamitin nang gamitin ang ating wika dahil ito ang magiging tulay upang lalong

yumabong ang ating wikang pambansa. Kung pag-uusapan ang wikang pambansa batay sa aking

mga naranasan sa loob ng klase karamihan talaga ang kanilang alam ay tagalog ang sagot. Hindi

naman ito mali dahil ito ang pinagbatayan ng ating wikang pambansa noon na Pilipino ngunit

mahalagang mailinaw na batayan lamang ng wikang pambansa ang Tagalog sa panahon na iyon

at ang wikang Pambansa na batay sa Tagalog ay tatawaging Pilipino. Mahalaga na mapalalim ang

kanilang kaalaman tungkol dito lalo na kung ito ay tungkol sa ating wika. Kailangan na ibahagi

natin sa ating mga estudyante kung ano ang pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino at Filipino. Ang

Tagalog ito ay wika na sinasalita ng malaking bahagi ng Luzon habang ang Pilipino naman ay

tumutukoy sa mga tao na nakatira dito sa bansang Pilipinas at ang Filipino ay ang ating opisyal na

wikang pambansa mula 1987 hanggang sa kasalukuyan at ito rin ay bukas sa lahat ng pagbabago

mula sa mga wikang dayuhan. Gampanin nating mga guro na mailinaw ito sa ating mga mag-aaral,

nang sa gayon kung sakaling may magtanong sa kanila alam na nila ang kasagutan dito.

Dagdag pa ni Gannaban (2020) Ang wikang Filipino ang wika ng komunikasyon sa buong

bansa. Ito ang tulay upang magkaroon ng ugnayan ang bawat tao na nasa magkabilang panig ng

bansa. Alinsunod ito sa nakasulat sa ating saligang batas na “ang wikang pambansa ng Pilipinas

3
ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin salig sa umiiral na

mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” (Art. XIV Sek. 6)

Bawat wika ay may mga tuntuning sinusunod na tinatawag na gramatika. Samakatuwid,

dapat na pamilyar ang mga mag-aaral sa mga alituntuning ito upang magamit nang tama ang wika

sa pasalita o nakasulat na mga ekspresyon. Kaya naman, kailangang linangin ang kakayahan ng

mga mag-aaral sa gramatika, dahil ito ay napakahalaga para sa paglinang ng kakayahan ng mga

mag-aaral sa pakikipagtalastasan (Lartec & Perey, 2013).

Kapag ang sistema ng wika ay malalabag, ito ay hahantong sa hindi tama o hindi

maliwanag na mga pahayag, na lubhang nakakaapekto sa katatasan ng komunikasyon. Kasabay

nito ay magiging limitado ang paraan ng pagpapahayag ng mga estudyante sa loob ng klase at

hindi magkakaroon ng epektibong pakikipag-usap. Samakatuwid, kailangang masanay ang mga

mag-aaral sa tamang pagpili at tamang pagsasaayos tungo sa masining nilang pagpapahayag.

Ayon kay Gannaban (2020) bilang mga guro, mas magiging maayos ang ating pagtuturo

kung tayo ay marunong na gumamit ng gramatika. Ang gramatika ang pangunahing balangkas ng

wika at mula rito, mabubuo ng mga mag-aaral ang kanilang gagawin at masusukat ang kanilang

pag-unlad. Nararapat na matukoy ng guro kung anong pamamaraan ang dapat na isulong upang

mas maging interesante ang talakayan tungkol sa wika at gramatika lalo na ngayon ang tanging

kaharap ng mga guro ay ang monitor ng kanilang mga elektronikong kagamitan sa pagtuturo.

3. Ang Pagtuturo ng Panitikan

Ang paggamit ng panitikan ay may mahalagang papel sa pagtuturo ng Filipino. Nagiging

daan ito upang malinang at mapayaman ang karanasan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Sa tulong ng

mga teksto na ating ibinabahagi sa klase makakatulong ito sa paghubog ng kanilang malayang

4
kaisipan, na sa tamang panahon ay magpapakilos sa kaniya upang makapagbigay ng mahalagang

papel sa kaniyang lipunan. (Magahis, 2019)

Ako bilang isang guro paborito ko ang panitikan, lahat ng may kinalaman sa panitikan.

Mula kasi rito ay hindi lang pagbabasa ang nahahasa maging ang kakayahan ng mga mag-aaral sa

pagharap sa klase. Batid ko na hindi mawawala sa isang estudyante ang pagkamahiyain sa tuwing

sila ay matatawag ng kanilang guro upang magbasa. Hindi lang pagtuturo ng mga aralin ang

ginagawa ng guro maging ang paghubog sa kakayahan ng kaniyang estudyante na lumahok sa

talakayan nang hindi nahihiya bagkus ay mas maging kampante sa kanyang pagpapahayag.

Idinagdag pa ni Caspar (2021) ang mga itinuturo ko sa pag-aaral ng wika at multikultural na pag-

aaral ay naglalayong maibahagi ng mga mag-aaral o magkwento tungkol sa kanilang sariling mga

karanasan, paggalugad kung paano hinubog ng kultura at wika ang kanilang pagkakakilanlan.

Ayon naman kay Lucas (2008) binanggit niya na ang kaalaman sa Panitikan ang magiging

tulay sa bawat isa na alagaan, bigyan ng halaga at ipagmalaki ang mga kasanayan, paniniwala at

moral na nakapaloob sa bawat teksto na binabasa. Kung kaya hindi maikakaila ang kahalagahan

ng panitikan sa buhay nating mga Pilipino dahil dito natin natutuklasan ang nakatagong yaman ng

ating lahi.

Sa kalagayan ng ngayon na ang buong mundo ay may kinakaharap na problema at sa

birtwal lamang tayo nagkakaharap ng ating mga estudyante. Alam natin na ang ating mga

estudyante ay nasa kani-kanilang bahay ngunit hindi tayo makakasiguro kung ang lahat ba ay

nakapokus sa ating talakayan. Maraming pwede maging dahilan dito maaaring sila ay may trabaho

na isinasabay o kaya naman ay bantay sa isang tindahan habang patuloy tayong nagpapaliwanag

ay pilit naman silang nakikinig at pinoproseso ang ating talakayan at madalas din na pinipilit nila

talaga na makapagbahagi sa klase ng kaniyang opinyon sa isang paksa.

5
Hiling ko lamang sa aking kapwa guro na dagdagan natin ang ating pasensya at magbigay

ng konsiderasyon sa ating mga mag-aaral. Iwasan natin ang pagiging mainitin ang ulo dahil baka

matakot ang bata na lapitan tayo kapag sila ay may tanong o problema.

4. Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino

Ang pagtatasa at pagtataya ay ang pangunahing bahagi ng mga aktibidad sa pagtuturo at

pag-aaral. Mayroon silang napakalapit na kahulugan ngunit magkaiba ng kahulugan sa ilang parte

ang pagtatasa ay ang pamamaraan, at ang pagtataya ay ang proseso o aktibidad.

Malaking hamon sa panahon ng pandemyang ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga mag-

aaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong COVID-

19 pandemic, binigyang-diin niya ang tatluhang-ugnayan ng mga salik na nakaaapekto sa

pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga ang ugnayan ng (a)

pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning delivery modalities, at

(c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang ugnayang DepEd Vision-

Mission-Core Values, gayundin ang ugnayang Paaralan-Tahanan-Pamayanan, at ang ugnayan ng

tatlong anyo ng pagtataya, ang Assessment For-As-Of Learning. Kung maayos ang ugnayan ng

mga naturang salik, nakatitiyak na ang mga mag-aaral, bilang sentro sa proseso ng pagtuturo at

pagkatuto, ay lubos na matututo at makikinabang nang husto.

Ayon kay Lawrence (2010) inihayag nina Ardiza et al., (2011) ang pagtatasa sa silid-aralan

ay isa sa pinakamahalagang kasangkapan na magagamit ng guro upang maunawaan ang mga

pangangailangan at ang mga mag-aaral. Sa tulong nito nababatid ng guro ang pagkaka-iba ng

kaniyang mga mag-aaral kinakailangan na matukoy natin kung paano mas mailalabas ng isang

estudyante ang kaniyang kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan na ating ibinibigay sa kanila.

6
Ilan sa mga estudyante ay higit na nakakapagpokus sa mga pasulat na pagsusulit. Ang iba

naman ay mas aktibo sa mga interaktibong gawain kagaya ng mga role playing, pag-uulat, at iba

pang aktibidad na kasama ang mga kapwa kamag-aral dito nila lalong naipapalabas ang kanilang

galing. Ito ang nagpapatunay na ang bawat estudyante ay may kaniya-kaniyang kalakasan at

kahinaan pagdating sa ganitong larangan. Dagdag pa ni Yambi (2018) gustuhin man natin o hindi,

karamihan sa mga mag-aaral ay may posibilidad na ituon ang kanilang mga lakas sa

pinakamahusay o pinakamabilis na paraan upang maipasa ang kanilang mga ‘pagsusulit.’ Batay

sa kaalamang ito, magagamit natin ang ating mga diskarte sa pagtatasa upang matukoy ang mga

uri ng pag-aaral na nagaganap.

Tayo ay nasa panahon pa rin ng new normal na may katumbas sa Filipino na Bagong

Kadawyan. Ang salitang Kadawyan ay nagmula sa mga termino ng mga Ilokano na ang kahulugan

ay karaniwan o nakagawian. Maraming mga problemang kinakaharap sa araw-araw sa loob ng

klase. Nariyan ang pagka-ubos ng data o ang hindi magandang koneksyon ng internet ngunit sa

kabila nito marami paring mga paraan upang gawing masigla ang birtwal na talakayan.

Ang paggamit ng mga Kahoot! o Quizizz o kaya naman ay masayang laro kagaya ng nakita

ko sa isang facebook post na tinatawag na “put a hand up” ibang bersyon nito ang sikat na laro sa

tiktok na “put a finger down.” Mayroon kang mga nakahandang tanong na ang sagot ay oo o hindi

lamang. Halimbawa ng tanong ay put a hand up kung kayo ay nakabuo na ng isang tula o kaya

naman put a hand up kung nagawan na kayo ng tula ng ibang tao o ng tao na mahal mo.” Simple

ang panuto ngunit nagkakaroon ng masayang interaksyon ang bawat isa at nakikita rin ng guro

kung sino ang nagtaas ng kamay. Ang mga guro ay patuloy na humahanap ng iba’t ibang

pamamaraan upang hindi mawala ang interes ng kanilang mga estudyante sa pakikinig ng mga

aralin.

7
5. Sanggunian

Ardiza, A. L., Bontilao, V. A., Mata, A. M. T., Pantuan, M. Y. B., & Sombilon, R. J. C. (2011,
Marso 11). Impluwensya ng alternatibong pagtataya sa pagkatuto ng Filipino 2.
https://www.academia.edu/31235680/IMPLUWENSYA_NG_ALTERNATIBONG_PAG
TATAYA_SA_PAGKATUTO_NG_MGA_ESTUDYANTE_SA_FILIPINO_2_ABSTR
ACT_PAMAGAT_IMLUWENSYA_NG_ALTERNATIBONG_PAGTATAYA_SA_PA
GKATUTO_NG_FILIPINO_2?fbclid=IwAR3aHz1s3NNV-
D26XVcVItnOuAM7xnr6APpGuSGtyIEcPdu5nU-FxV1JoT0

Bueza, M. (2014, Agosto 20). Panayam: paano mapauunlad ng Filipino ang kanyang wika?.
https://www.rappler.com/video/66648-almario-pagpapaunlad-wikang-pambansa-filipino/

Cabigao, J. R. (2014). Improving Pupils' Academic Performance Through Strengthened School-


Home Partnership.
https://www.researchgate.net/publication/337111225_Improving_Pupils'_Academic_Perf
ormance_Through_Strengthened_School-Home_Partnership

Cabigao, J. R. (2021). Class Observation Post Conference Framework for Teachers. IJAMR
Volume 5. 256-258.
https://www.researchgate.net/publication/349692651_Class_Observation_Post_Conferen
ce_Framework_for_Teachers

Cabigao, J. R. (2021). School-Based Assessment Framework Version 2.0 (The New Normal).
International Journal of Multidisciplinary Research Review. Volume 5. 106-108.
https://www.researchgate.net/publication/349463546_School-
Based_Assessment_Framework_Version_20_The_New_Normal

Caspar, S. (2021, Pebrero 26). Exploring the pandemic through language learning and
multicultural studies.
https://eric.ed.gov/?q=Importance+of+Language&ft=on&id=ED612180

Gannaban, M. F. E. (2020). Mga teorya sa gramatika at wika, salalayan sa pagtuturo ng Filipino.


https://ejournals.ph/article.php?id=16040

Lartec, N.C., & Perey, G.M. (2013). Kakayahang panggramatika sa Filipino ng mga mag-aaral sa
university of the Cordilleras.
https://www.academia.edu/34737551/Kakayahang_Panggramatika_sa_Filipino_ng_mga_
Mag_aaral_sa_University_of_the_Cordilleras

Lucas, R. D. (2008). Mga mabisang istratehiya sa pagtuturo ng panitikan sa mga mag.aaral sa


kolehiyo. https://www.hau.edu.ph/abstracts-
pdf/Mga%20Mabisang%20Istratehiya%20sa%20Pagtuturo%20ng%20Panitikan%20sa%
20mga%20Mag-aaral%20sa%20Kolehiyo.pdf

8
Magahis, H. L. A. (2019). Panitikang mapagpalaya o mandaraya? isang holistikong kritika sa
kasalukuyang panitikang ginagamit sa pagtuturo ng Filipino sa baitang 7-10.
https://ejournals.ph/article.php?id=13884

Reyno, D. (2018, Agosto 14). Ang kahalagahan ng pagtuturo ng wikang Filipino sa mga bata.
https://www.ateneo.edu/grade-school/news/features/ang-kahalagahan-ng-pagtuturo-ng-
wikang-filipino-sa-mga-bata

Yambi, T. A. C. (2020, Hulyo). Assessment and evaluation in education.


https://www.researchgate.net/publication/342918149_ASSESSMENT_AND_EVALUAT
ION_IN_EDUCATION?fbclid=IwAR0mvk30rjrhHxMTg87xK4xZauTCaVjZCOvKQe6
j-mn2_UQCzvRAKds_T1E

View publication stats

You might also like