You are on page 1of 7

PAG-AARAL SA LEBEL NG KOMPREHENSYON SA PAGKATUTO NG ISANG PAKSA

SA WIKANG FILIPINO NG PILING MAG-AARAL NG BAITANG 12 NG HUMANITIES


AND SOCIAL SCIENCES NG CAVITE NATIONAL HIGH SCHOOL - SENIOR HIGH
SCHOOL

Isang pananaliksik na iniharap para kay

G. Charles D. Lota

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng


iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Nina:

Dolio, Ma. Ella C.

Cuartero, Klairish

Marcelino, Christine Karel

Lacson, Zeus

Perbrero 2022
KABANATA 1

PANIMULA

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at
panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at
matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki. Ayon kay Whitehead, isang edukador at
Pilosopong Ingles; Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito. Ayon din kay
Henry Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang abitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan sa nabibilang
sa iisang kultura. Ayon naman sa isang nasaliksik namin, ang wika ay mga simbolong salita ng
nga kaisipan at saloobin. Ito ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa
tulong ng mga salita na maaring pasalita o pasulat. Ang wika ay ginagamit upang
makipagtalastasan ngunit tayo ay may iba't-ibang nakasanayang wika. Kagaya na lamang ng
ginagamit natin sa ating bansang Pilipinas na wikang Filipino at Ingles. Ang ibang tao ay sanay
sa dalawang wika na iyan ngunit maraming tao rin na bihasa lamang sa iisang wika; filipino o
ingles. Mga salik na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng ibang nakasanayang wika dahil sa mga
itinuturo sa atin nung mga bata pa tayo, kung ano ang nakasanayan natin ay ito ang ating
dadalhin kung kaya't mahihirapan tayo isaayos ang wikang nakasanayan natin. Nagkakaroon ng
paghihirap sa komuniskasyon kapag nagkakaroon ng di pagkaka-unawaan sa magkasalungat na
wika.

Ang komprehensyon ay ang pagkaintindi sa aralin ng isang mag-aaral ayon sa


kaniyang narinig mula sa iba o nabasa sa teksto. Ayon kay Pearson, ito ay proseso ng pag-
uugnay ng mga kaalaman sa paksa at kaalaman sa pagkakabuo ng mahahalagang salik sa pag-
unawa. May dalawang uri ng komprehensyon; Ang pagbasang may komprehensyon at
komprehensyon sa pagbasa. Ang pagbasang may komprehensyon ay pagbuo ng mga tulay na
mag-uugnay sa dating kaalaman tungo sa bagong kaalaman. Samantalang, ang komprehensyon
sa pagbasa ay pagproproseso ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong
nakalimbag na binasa. (Pearson at Johnson).

Ayon sa aming obserbasyon ang kasulukuyang kalagayan ng aming pag-aaralan ay


mas natatagalan ang pag proseso ng kaalaman ng isang mag aaral bago maintindihan ang isang
aralin, dahil hinihimay o nananaliksik pa sila kung anong kahulugan ng isang wikang filipino o
higit pa na hindi nila maintindihan. Nahihirapan ang mga mag-aaral na unawain ang paksang
kanilang tinatalakay sapagkat hindi sila bihasa sa wikang ginagamit sa pagpapaliwanag o sa
teksto. Hindi gaanong naibibigay ang buong atensyon ng mga mag-aaral sa kanilang talakayan
dahil ang wikang ginagamit ay hindi nila nakasanayan. Nagkakaroon ng ibang interpretasyon o
pagkakaunawa ang mag-aaral sa isang paksa dahil hindi pamilyar ang mag-aaral sa wika o
terminong ginamit sa pagpapaliwanag. Ayon sa pag-aaral nila Barquilla, et al (2019), Isa sa
nagpapanatiling buhay ang wika ay ang sistema ng edukasyon kung saan nakalagay mismo sa
kurikulum ang pag aaral ng ating wika na kinakailangan para maipasa ang ilang asignatura
bilang isa sa mga kahingian. Ilan sa mgaasignaturang nangangailangan ng paggamit ng wika ay
Pagbasa At Pag Susuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungkol Sa Pananaliksik at Komunikasyon Sa
Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Pilipino, pero nangangailangan rin ng paggamit ng wikang
Filipino ang iba pang asignatura para mas lubos na maintindihan ng mga mag-aaral. Ipinapakita
nito ng malinaw ang kahalagahan ng ating wika sa pag aaral. Ang pagtuturo ng wika sa mga
mag-aaral ay konsistent o tuloy tuloy. Ang inaasahang matamo ng mga mananaliksik sa pag-
aaral na ito ay ang matukoy kung mas nauunawaan ba ng mag-aaral ang isang paksa kung
naipapaliwanag ito sa Wikang Filipino. Malaman kung paano nakaaapekto ang wika sa
pagkakaunawa ng mag-aaral sa isang paksa. Malaman ang iba pang salik na nakaaapekto sa
pagkakaunawa ng mag-aaral sa isang paksa bukod sa wikang ginagamit sa pagtuturo. Ang mga
hakbang na gagawin ng mga mananaliksik upang matugunan ang kakulangan sa pag aaral ay ang
pagbabasa at pagsusuri ng mga naisagawa ng pananaliksik na may kaugnayan sa aming paksa ng
sa gayon ay maging batayan ng magiging interpretasyon at makakalap ng mga impormasyon.
Ang ganitong pamamaraan ay makakatulong upang maging konkreto at may kredibilidad ang
nilalaman ng aming pananaliksik. Masasabi ang pagbabasa ng mga kaugnay na paksa ay
kinakailangan nang masusing pagsusuri upang mahimay ang bawat na detalye at matukoy kung
ano lamang ang mga datos na makakapgbigay at makakatulong sa pananaliksik. Pangalawa,
Pagkakaroon ng interpretasyon sa mga dati ng pananaliksik na may kinalaman sa aming paksa
upang magkaroon ng sapat na hakbang para matugunan ang mga ito. Bilang isang mananaliksik,
mahalaga na magkaroon ng mga kaalaman sa paksang tinatalakay namin sa aming akademyang
pananaliksik. Makakatulong ang pagkakaroon ng interpretasyon ng mga nailimbag na pag-aaral
na may kaugnayan sa aming paksa sa mga nagdaang taon. Ito ay makakapgbigay sa amin nang
sapat na kaaalaman upang matukoy ang mga epektibong at sapat na mga hakbang na tutugon sa
mga kakulangan sa aming pag-aaral. Pangatlo, Pagsasagawa o pagpapasagot ng maikling close
ended na mga katanungan sa ilang mag-aaral ng baitang 12 ng HUMSS ng Cavite National High
School - Senior High School upang magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa lebel
komprehensyon ng bawa't mag-aaral, sa pamamagitan nito ay mas lalo naming mauunawan ang
aming kapwa mag-aaral base sa kanilang isasagot sa aming ilang mga katanungan na ibibigay o
ibabahagi sakanila.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong; matukoy at alamin ang pagganap ng wikang


ginagamit sa pagkomprehenda ng isang paksa sa Wikang Filipino, malaman ang iba pang salik
na nakaaapekto sa pagkakaunawa ng mag-aaral sa isang paksa bukod sa wikang ginagamit sa
pagtuturo, at makapagbigay ng sapat na hakbang sa mga mag-aaral upang mas malinang ang
kanilang abilidad upang makomprehenda ang isang paksa.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay tuklasin at alamin ang Lebel ng Komprehensyon


sa Pagkatuto ng Isang Paksa sa Wikang Filipino ng mga Mag-aaral ng Baitang 12 Humanities
and Social Sciences ng Cavite National High School-Senior High School. Ang pag-aaral na ito
ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Paano nakakaapekto Ang Wikang ginagamit sa pagkokomprehenda ng isang paksa ng


Isang mag-aaral?

2. Naiintindihan ba ng mga mag-aaral ang paksa kung sila ay mas bihasa sa ibang wika?

3. Gaano katagal maintindihan ng mga mag-aaral ang isang paksa sa Wikang Filipino?

4. Ano ano pa ang mga salik na maaaring maging dahilan upang maunawaan ng mag-aaral
ang isang paksa?

5. Paano mas malilinang ng mga mag-aaral Ang kanilang komprehensyon sa isang


talakayan?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang Lebel ng Komprehensyon sa


Pagkatuto ng Isang Paksa sa Wikang Filipino ng mga Mag-aaral ng Baitang 12 Humanities and
Social Sciences ng Cavite National High School-Senior High School. Ang pag-aaral na ito ay
makakatulong sa mga sumusunod:

Sa Mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang malaman ang mga
karagdagang hakbang na maaaring gawin upang mas malinang ng mag-aaral ang kanilang
komrepehensyon sa isang paksa sa wikang filipino.

Sa Mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa kanila upang malaman
kung gaano nakakaapekto ang ginagamit na wika sa pagpapaliwanag sa komprehensyon ng mag-
aaral sa isang paksa.

Sa Mga Susunod na Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring pagkuhan o


maging basehan ng mga susunod na mananaliksik na may kinalaman ang paksa sa aming pag-
aaral.
BATAYANG TEORETIKAL

Ang pag-aaral na ito ay ninanais na matukoy ang lebel ng komprehensiyon sa


pagkatuto ng isang paksa sa wikang filipino ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nakabase
sa mga teorya na may kaugnayan sa pag-aaral ng mga mananaliksik.

Ayon sa teoryang iskima, ang pagkaintindi sa isang teksto ay isang interaktibong


proseso sa pagitan ng kaalaman ng isang mambabasa at ng teksto. Kinakailangan para sa isang
mabisang pagkaintindi ay maiugnay ang nilalaman ng teksto sa kaalaman ng mambabasa. Ayon
din kay Anderson na "every act of comprehension involves one’s knowledge of the world as
well." Ibig sabihin nito na ang bawat pagkomprehenda ng isang bagay ay ginagamitan ng dati na
nitong kaalaman at mas mapapadali ang pagkakaintindi ng teksto ng isang mambabasa kung
maraming kaalaman sa mundo ang isang tao. Sa madaling salita na kung ang isang bagay ay
bago pa lamang sa isang tao maaari nitong unawain batay sa dati na niyang alam, hindi alintana
kung tama ba ito o hindi. Nagkakaroon ng kaniya kaniyang interpretasyon ang isang tao sa bagay
bagay depende sa alam na nito.

Ayon pa sa isang teorya, gumagana ang pag-unawa sa pagbabasa sa dalawang


direksyon, mula sa bottom-up hanggang sa taas at mula sa top-down hanggang sa ibaba ng
hirarkiya. Ang pagpoproseso sa bottom-up ay isinasaaktibo ng partikular na datos mula sa teksto,
habang ang pagpoproseso sa top-down ay nagsisimula sa pangkalahatan upang kumpirmahin ang
mga hulang ito. Ibig sabihin nito sa teoryang bottom-up ang mga kaalaman ng isang mambabasa
o tao ay nagmumula sa impormasyon sa teksto, mas napapalawak ng teksto ang kaalaman nito at
mas magkakaroon ng pagkakaintindi ang isang mambabasa dahil dito. Samantalang sa top-down
ay nagkakaroon ng malawak na pagkakaintindi ang isang mambabasa sa isang teksto sapagkat
mayroon na siyang dating kaalaman na makakatulong sa pag-unawa dito. Ibig sabihin nito na
mas nakokomprehenda ng isang mag-aaral ang isang paksa kung may nakukuha siyang
impormasyon sa teksto at mas nauunawaan niya ang isang paksa kung naiintindihan niya ito o
may kaalaman na siya dito, gayundin sa wika. Mas nauunawan nito ang paksa kung ang isang
mag-aaral ay pamilyar na sa wikang ginagamit sa pagpapaliwanag. Ang dalawang uri ng
pagproseso na ito ay nangyayari nang sabay-sabay at interaktibong nagdaragdag sa konsepto ng
pakikipag-ugnayan o pag-unawa sa pagitan ng bottom-up at top-down na proseso.
BATAYANG KONSPETWAL

Independiyenteng Baryabol Di-Malayang Baryabol

 Wikang  Antas o lebel ng


ginagamit sa komprehensyon
pagpapaliwanag ng isang mag-
aaral sa isang
paksa

Pigura 1. Ang pagkakaugnay ng dalawang baryabol sa pag-aaral

INPUT PROCESS OUTPUT

Pagtataya ng personal na datos Ang prosesong isasagawa ng Ang layunin ng pananaliksik


ng mag-aaral tulad ng: mga mananaliksik ay sa na ito ay maipabatid ang
pagkalap ng impormasyon ay ganap ng wika sa
 Edad sarbey o palatanungan. Ang pagkomprehenda ng isang
 Kasarian uri ng palatangungang paksa ng mag-aaral.
gagamitin ay hindi malayang
 Seksyon palatanungan.

 Wikang ginagamit

- Sa bahay

- Sa Paaralan

Pigura 2. Ang Input-Process-Output Model ng Pananaliksik

Ipinapakita sa paradigma sa taas ang input-process-output model ng pananaliksik, na kung


saan ang input ay tinatalakay ang mga datos o impormasyon na hihingiin ng mananaliksik sa
respondente. Ang process naman ay ang paraan ng mga mananaliksik upang makalap ang mga
datos na sinasabi, at ang huli, Ang Output na kung saan nakasaad ang kalalabasan ng proseso.
SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pangunahing obhetibo ng pag-aaral na ito ay matukoy ang lebel ng


komprehensyon sa pagkatuto sa isang paksa sa wikang filipino. Ang pag-aaral na ito ay hinihingi
ang partisipasyon ng mga piling mag-aaral na kabilang ng ikalabing-dalawang baitang ng
Humanities and Social Science sa Paaralang Cavite National High School - Senior High, Taong
Panuruan (2022-2023. Ang mga mananaliksik ay magpapasagot ng sarbey sa isang daang (100)
mag-aaral ng ikalabing-dalawang baitang ng Humanities and Social Science sa Paaralang Cavite
National High School - Senior High. Ito ay sapat na upang malaman ang impormasyong nais
malaman ng mga mananaliksik.

KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Ang mga sumusunod na terminong ginamit sa pag aaral na ito ay binibigyang


kahulugan nang konseptwal o operasyonal upang matiyak ang kalinawan at mas mahusay na pag
unawa:

arbitraryo. Ang ibig sabihin ng pagiging arbitraryo ay ang hindî pagtunton sa katwiran
o anumang sistema ng pagpapasya. Kung ganoon, masasabi din na minsan ang isang
arbitraryong desisyon ay mabagsik, dahil nga sa nakabatay lamang sa kung ano ang pakiramdam
ng nagpapasya.

behikulo. Ginagamit o pamamaraan ng paghatid ng impormasyon

bihasa. Pagiging sanay, mahusay, marunong o eksperto sa isang bagay.

Kurikulum. Disiplina sa paaralan, mga aklat at mga kagamitang ginagamit, paggawa


ng banghay-aralin, mga pagpapahalaga, mga pagsusulit at kung anu-ano pang itinuturo ng guro
na may kinalaman sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

malinang. Ang pag-unlad o paglago ng isang bagay.

nakalimbag. Naka imprenta sa isang sulatin o papel

tulay- Nag bibigay daan upang maka punta sa panibagong aralin na may koneksyon sa
dating aralin.

Obhetibo- layunin; hangarin, tunguhin; pakay, mithi. Ito ay ang inaasam o ninanais na
gawin ng mananaliksik.

You might also like