You are on page 1of 6

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/357147319

Paghubog sa Kasanayan ng Pagkatuto sa Wika at Panitikang Pilipino

Article · December 2021

CITATIONS READS
0 23,395

1 author:

Jobelle Pollero
La Consolacion University Philippines
1 PUBLICATION 0 CITATIONS

SEE PROFILE

Some of the authors of this publication are also working on these related projects:

Paghubog sa Kasanayan ng Pagkatuto sa Wika at Panitikang Pilipino View project

All content following this page was uploaded by Jobelle Pollero on 18 December 2021.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Paksa: Pagtuturo ng Wika at Panitikang Pilipino sa Panahon ng Pandemya

Paghubog sa Kasanayan ng Pagkatuto sa Wika at


Panitikang Pilipino
Jobelle A. Pollero
Jobelle.pollero@email.lcup.edu.ph
Disyembre 2021

Abstrak

Ang pagbabasa ay isa sa mga pangunahing kasanayan sa wika na dapat

pinagkadalubhasaan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagbabasa, naipababatid ang

mensahe ng isang teksto. Kaya naman nahaharap pa rin sila sa maraming mga kahirapan sa

pag-unawa ng teksto. Ang teksto ay tumutukoy sa kaisipan ng isang manunulat na naisasalin

sa anumang babasahin na naglalaman ng mga ideya at nabibigyan ng kahulugan sa

pamamagitan ng pagbabasa. Sa panahon ngayon, maraming mag-aarl ang may pagkabigo sa

pag-unawa ng mga teksto na nagiging dahilan sa kawalan ng interes sa pag-aaral. Ilang

halimbawa ay ang pagbabasa ng mga babasahin gamit ang ibang midyum kung saan hindi

masyadong nauunawan sapagkat hindi ito ang nakasanayang wika. Ang mga problema sa pag-

unawa sa pagbabasa ay kadalasang nangyayari dahil sa kakulangan ng karanasan at kaalaman

ng mga mag-aaral. Ang mga tungkulin sa pag-unawa sa pagbabasa ay maaaring maglagay ng

napakalaking puwersa sa kapasidad ng memorya ng isang mag-aaral higit kung ito ay may

mga mahihirap na kasanayan sa wika. Mahalaga ang pag-unawa sa teksto sapagkat madali nitong

naiibigay ang kinakailangang ideya sa mga bagay na nais mong maintindihan. Napauunlad

nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga

mahahalagang detalye at pagpapakahulugan ng impormasyon. Kaya naman ang paghubog

sa bawat kasanayan sa wika at pagbasa ay marapat na matutunan ng bawat mag-aaral sa tulong

1
ng pagpapakilala ng iba’t-ibang babasahin na lilinang sa kompetensi na dapat matamo ng mga

mag-aaral.

Mga Susing Salita:

Midyum- Tumutukoy ito sa daluyan o daanan ng inihahatid na mensahe

Teknikal- Ito ay ang proseso ng pagsusulat at pagbabahagi ng impormasyong teknikal sa isang

propesyonal na setting

Komisyon- Tagapangasiwa ng wikang pambansa

1. Ako Bilang Guro ng Asignaturang Filipino

Ang pagkatuto sa panahon ng pandemya ay magpapatuloy, kasabay kung paano natin

pinagtitibay ang pagsugpo sa pandemya. Gumagawa ng hakbang ang mga guro ng wika na

magpatuloy at higit na ipabatid ang kahalagahan ng pagkatuto. Sa pamamagitan ng mga

akdang pampanitikan na kanilang binabasa at kung paano nito hinahayang makapg isip ng

kritikal ang mga mag-aaral gabay ang mga tanong at gawain.

Higit sa lahat, ang pagbibigay ng konkretong tugon sa kanilang kaisipan o ideyang

ibinabahagi sa onlayn man o modular ay higit na kailangan para makamit ang inaasahang

layunin ng bawat aralin. Ang layunin na humubog ng isang batang Pilipino na mahusay sa

larangan ng komunikatibo ay tunguhin sa bawat takbo ng mga aralin na inihahain sa mga

mag-aaral.

2. Ang Pagtuturo ng Wika [at Gramatika]

2
Sa panahon ng pandemya, mas napapaigting ang kahalagahan ng ating pambansang wika,

pati na rin ng iba't ibang mga wikang katutubo, upang manatiling ligtas at maalam sa gitna ng

malawakang krisis.

Kung babalikan natin ang nakasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas tungkol sa wika ng

ating sistemang pang-edukasyon ay malinaw na isinasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang

ganito: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat

payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga

wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng

Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang

itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang

wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon”. At sa Seksiyon 7, isinasaad naman ang

ganito: Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng

Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga

wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na

pantulong na mga wikang panturo roon. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng ganitong

probisyon sa wikang Filipino ay nanatili itong malayo sa aplikasyon sapagkat kung susuriin

ay wikang Ingles pa rin ang pangunahing midyum sa pagtuturo ng iba’t ibang sabjek sa

anumang antas ng edukasyon sa bansa. Sa katunayan, patuloy ang kasalukuyang pamahalaan

sa pamamagitan ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon sa pagbabalewala sa

nasabing probisyong pangwika ng 1987 Konstitusyon. Ang mga hakbang na

ipinapatupad ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon ay patunay na mababaw ang

pagtingin nila sa kakayahan ng Filipino sa kabila ng iba’t ibang patunay na may

kakayahan ito na maging wika ng pananaliksik at teknikal na edukasyon.

3
3. Ang Pagtuturo ng Panitikan

Ayon kay Gonzalio Jr. May dalawang dahilan sa pagbabasa. Ito ay para matuto at para

maglibang. May limang dahilan kung bakit may mga babasahing hindi nauunawaan.

Una, hindi pamilyar sa mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pangalawa, hindi pamilyar

sa mga nakatitik na sagisag ng lenggwahe. Maaaring hindi ito napagaralan gamitin. Pangatlo,

hindi sapat ang kaalaman pagdating sa mga talasalitaan. Pang apat hindi sapat ang kaalaman

sa uri ng wika ginamit sa pagsulat. Pang huli, hindi talaga nauunawaan ang mga nakasulat

dahil hinde marunong magbasa. Sinasang-ayunan ng mga mananaliksik na ang pagbabasa at

pagsusulat ay parehong kumplikadong gawain na ginagamit ang kritikal na pag-iisip. Ang

mga mambabasa at manunulat ay nagsisimulang magplano tungkol sa gawain na gagawin nila.

Karaniwan, ang pagbabasa ay nakakaapekto sa pagsulat at ang pagsusulat ay nakakaapekto sa

pagbabasa. Natuklasan ng pananaliksik na kapag ang mga bata ay malawakan na bumabasa ay

nagiging mas mahusay silang mga manunulat. Ang pagbabasa ng iba't ibang kategorya

ay tumutulong sa mga bata na matuto ng mga istrakturang teksto at wika na maaari nilang

ilipat sa kanilang sariling pagsulat. Samakatuwid ang pagbabasa ay may malaking papel sa

pagsulat. Kasabay ng pagsasanay sa pagsusulat ay tumutulong sa mga bata na bumuo ng

kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

4
4. Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino

Ang pagtataya ay panukat sa antas na pagkatuto sa isang tiyak na kasanayan. Ang bawat

tanong ay marapat na maingat na hinabi sa susukat sa kritikal na pag-iisip ng mag-aaral. Ang

mga tanong ay nakalinya sa kakayahang makapag isip sa mataas na lebel ng pagkatuto. May

katiyakan ng aplikasyon sa buhay. Sa bawat pagtataya na pagsukat sa pagkatuto, nararapat na

nagiging paghahanda na rin ito sa isang batang Pilipino na maging mahusay sa pakikipag

komunikasyon pasulat man o pasalita. Ang pagtataya na ihahanda ay hindi lamang naka

kahon sa papel at panulat, bagkus nariyan ang iba’t-ibang gawain o awtput na may

pamantayang luminang ng isang mahusay na mamayang Pilipino. (Pollero)

5. Sanggunian

USTHiraya, http://www.ejournals.ph/article.php?id=7993

JC Mangahis - MALAY, 2011 - Ang Makrong-kasanayan sa Filipinolohiya= The Macro-skills in


Filipinology

Wennielyn Fajilan at Reynele Bren Zafra Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa
Pagtuturo ng Agham: Panayam kay Prop. Fortunato Sevilla III

View publication stats

You might also like