You are on page 1of 16

MGA SAGABAL SA PAG-AARAL NG WIKA NG MGA MAG-AARAL NA NAGPAPAKADALUBHASA

SA FILIPINO NG THE NATIONAL TEACHERS COLLEGE

Isang Pamanahong Papel na iniharap kay Gng. Gemma Roxas Escultor sa Pamantasan ng
Lungsod ng Surigao

Isang Pananaliksik ng Bachelor of Arts in English Language

Bilang Pagpatupad sa Pambahaging Pangangailangang sa Asignaturang Filipino: Introduksyon


sa Pananaliksik sa Wika at Pananaliksik

Nina:

Diaz, Rynelyn A.

Jornales, Angie P.

Salon, Lenneth A.

Alemania, Rosalyn D.

Escultor, Jeric N.

Poras, Ganie

DESYEMBER 2020
DAHON NG PAGTITIBAY

Bilang pagtupad sa pangangailangan ng asignaturang Filipino, ang pamanahong papel


na ito na pinamagatang Mga Sagabal sa Pag-aaral ng Wika ng mga Mag-aaral na
Nagpapadalubhasa sa Filipino ng The National Teachers College ay inihanda at iniharap nina:
Rynelyn A. Diaz, Angie P. Jornales, Lenneth A. Salon, Ganie Poras, Rosalyn D. Alemania, Jeric N.
Escultor.

PASASALAMAT

Ang mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat una sa mahal na panginoon sa kaalaman


at mabuting kalusugan upang mabuo at matapos ang pananaliksik na ito. Hindi matapos Ang
pananaliksik na ito lung wala ang mga taong nasa likod upang maisagawa at mapabuti itong
panaliksik kaya taos puso po kaming nagpapasalamat .

 Sa aming guro sa Filipino na gumabay at umunawa sa amin sa simula hanggang


matapos ang pananaliksik na ito maraming salamat po Gng. Gemma Escultor hanggang
sa susunod namin na Gawain .
 Sa aming mga kasamahan na nag tulong-tulong upang mabuo namin ang pananaliksik na
ito, maraming salamat po sa kaalaman at ambag pinansyal man o moral.
 Sa aming mga magulang na gumabay sa amin at nagbigay ng pinansyal at payo
maraming salamat hindi po namin matapos ito kung wala ang mga sakripisyo at tiwala.

Pasasalamat, naway lagi tayong gabayan nang ating Panginoon, hingiin natin na
dagdagan ang ating kaalaman upang marami pang mga pananaliksik ang ating maisagawa. At sa
aming guro na walang sawang pag-subaybay, pagturo, may malasakit, at maunawain,
maramiNg salamat Gng. Escultor, naway marami pang mga studyante kayong matuturoan ng
magkaroon ng mabuting asal.

TALAAN NG NILALAMAN

 KABANATA I, Ang Suliranin at Kapaligiran Nito


1. Introduksyon
2. Mga Layunin
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
4. Saklaw at Limitasyon
5. Delinisyon ng mga Terminolohiya
 KABANATA II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
 KABANATA III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
1. Disenyo ng Pananaliksik
2. Mga Respondente
3. Instrumentong Pampananaliksik
 KABANATA IV, Presentasyon at Interpretasyon
 KABANATA V, Kongklusyon at Rekomendasyon
1. Kongklusyon
2. Rekomendasyon
 Listahan ng Sanggunian

KABANATA I

Ang Suliranin at Kapaligiran Nito

Introduksyon

Ang wika ay isang bahagi sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan ng wika ay


naipahahayag natin ang mgakaisipang nais nating iparating. Ito rin ay mabisang kasangkapan ng
tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa. Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng
tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapwa tao. Ayon kay
Papa (2006), wika ang pangunahing instrumento ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
kapaligiran, gayon din sa mga taong nasa kanyang paligid.

Ayon naman kay Badayos (2008), ang wika ay nakaugat sa ating karanasan. Ang mag-
aaral na may sapat na kabatiran sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran ay inaasahang
magiging matatas sa paglalahad ng kanyang mga ideya o kaisipan tungkol sa kapaligirang ito. Sa
pagtuturo ng wika, nararapat lamang na ihantad ang mga mag-aaral sa iba’t ibang
makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika.

Ayon kay Chomsky (sa Badayos, 2008),ang wika ay matutuhan lamang sa pamamagitan
ng pagpapatibay, magiging mahirap para sa isang taal na tagapagsalita ng wika (W1) ang pag-
unawa sa mga pangungusap na hindi pa niya naririnig. Idinagdag din ni Chomsky na hindi
lamang sa mga proseso ng pagmememorya at pag-uulit natutuhan ang wika. Ang ating isipan ay
may taglay na isang aktibong prosesor ng wika, ang Language Acquisition Device (LAD), na
nakalilikha ng mga tuntunin sa pamamagitan ng walang-kamalayang pagtatamo ng pansariling
pagbabalarila.
Samakatuwid, ang wika ay nabuo ayon sa batas ng pangangailangan upang mabuhay
ang isang tao at sa ganitong paraan ay mabisa niyang maipahayag ang kanyang mga saloobin sa
larangan ng kominikasyon. Kailangan ng taong matutunan ang isang wika hindi lamang upang
makapagsalita bagkus kailangan niya itong magamit sa wasto at tamang paraan.

Mga Layunin

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang malaman ang nararanasang sagabal sa
pag-aaral ng wika ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa ng Filipino sa The National
Teachers College.

Layunin nitong masagot ang sumusunod na tiyak o espesipik na katanungan:

a. Ano-ano ang mga naranasang sagabal sa pag-aaral ng wika ng mga mag-aaral na


nagpapakadalubhasa ng Filipino sa The National Teachers College?

b. Paano nakakaapekto sa kanilang pag-aaral ng wika ang mga naranasang sagabal?

c. Paano nila hinawan ang mga naranasang sagabal sa pag-aaral ng wika?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay naniniwala na napakasignipikant ng mga pag-aaral na ito. Maaari


itong pakinabangan ng mga gurong nagtuturo at magtuturo ng wika sa hinaharap hindi lamang
sa The National Teachers College (NTC), kundi sa iba pang pamantasan. Ang mga datos na
natuklasan sa pag-aaral na ito ay maaring maging gabay ng mga guro upang malaman ang mga
maaaring maging sagabal sa pag-aaral ng wika at mahawan ito. Higit sa lahat, nainiwala ang
mananaliksik na ang lubos na makikinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na
nagpapakadalubhasa ng Filipino upang malaman ang ilan sa mga estratehiya na maaaring nilang
magamit sa hinaharap sa higit pang pag-aaral at sa pagtuturo ng wika.

Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay sa mga tagapangasiwa ng kabatirang sa kung


alin ang lalong higit na mabisang estratehiya ang maaaring makatulong sa mga mag-aaral. Sa
pamamagitan din ito, sila ay makapaghahanda ng mga angkop na programa at pagsasanay ayon
sa natuklasang suliranin upang mabigyan ng kalunasan ang pangangailangan at pagkatuto ng
wika ng mga mag-aaral.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga pagsusuri ng mga sagabal na naranasan sa pag-
aaral ng wika. Saklaw ng pag-aaral na ito ang iba't ibang uri ng sagabal sa pag-aaral ng wika na
maaaring linggwistik, sikolohikal, emosyonal at pisikal. Saklaw din ng saliksik na ito ang mga
suliranin sa pag-aaral ng iba't ibang paksa ng wika tulad ng ortograpiya, ponolohiya,
mopolohiya, sintaksis at bahagi ng pananalita.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Para sa layunin ng kombensyon at ganap na pag-unawa, ang mga sumusunod na


terminolohiya ay binigyan ng kaukulang operasyunal na depinisyon, kung gayon, batay sa kung
paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong papel na ito:

Morpolohiya. Tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng mga kabuluhang yunit ng isang salita


or morpema (Bernales, et al., 2009)

Ntc. Akronim na kumakatawan sa The National Teachers College, isa sa kilalang paaralan sa
larangan ng edukasyon ng pilipinas.

Ortograpiya. Representasyon ng mga tunog ng wika na nakalimbag na mga simbolo tulad ng


mga alpabeto. (https://www.slideshare.com).

Pragmatiks. Tumutukoy sa mga kaalamang extrelinguistic na dapat na taglayin ng isang


nagsasalita upang makapagtamo ng kahulugan mula sa isang sitwasyong komunikado (Badayos,
2008).

Ponolohiya. Ang pag-aaral ng sistema ng palatunugan ng isang wika ang paraan kung paanong
ang mga tunog ay makabubuo ng mga hulwaran (Badayos, 2008).

Sintaksis. Tumutukoy sa istruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning nagsisilbing


patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap (Santiago, 1979).

Wika. Tumutukoy sa isang sangay o bahagi ng asignaturang Filipino. Isa ito sa pinag-aaralan ng
mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Ilan sa mga aralin na nakapaloob dito ay ang
ponolohiya o palatunugan, morpolohiya o palabuuan, sintaksis o palaugnayan, mga bahagi ng
pananalita at iba pa (https://www.slideshare.com).

KABANATA II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang sumusunod na literature at mga pag-aaral upang masuportahan ang pag-aaral at


makatawag ng ibayong pag-unawa sa pag-aaral ng wika. Ang mananaliksik ay nakakalap ng mga
mangilan-ngilan na mga kaugnay na literature at mga pag-aaral mula sa mga nailimbag na aklat
sa The National Teachers College (NTC), pamanahong papel, disertasyon, tisis at mga datos
mula sa internet.

Mga Kaugnay na Literatura

Sa pag-aaral ng wika ay hindi natin maiiwasan na makaranas ng mga sagabal. Ang


kasanayan sa paggamit ng wika ay nasa mga arena ng kumonikasyon. Sa pamamagitan ng
pagtuturo nalilinang at nahuhubog ang kaalamang taglay ng bawat mag-aaral.

Ayon kay Bernales, et al.(2009), napakahalaga ng wika sa sangkatauhan. Kung walang


wika, maaaring matagal nang pumanaw ang sangkatauhan at ang sibilisasyong ating tinatamasa
sa ngayon.

Ayon naman kayo Tompkins (1990; sa Badayos, 2008) ang pagsulong at pag-unlad sa
pagsulat ng mga bata ay maoobserbahan habang unti-unti nilang naipapahayag ang kanilang
mga kompleks na ideya o kaisipan sa kanilang sulatin.

Wika naman ni Badayos (2008), ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamikong
pag-aaral ng wika sa palaging nangangailangang mag-isip at gawing may saysay ang mga bagong
tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin at mailapat ang mga ito upang
makabuo ng orihinal na pangungusap. Habang isinasagawa ang prosesong ito. Malimit na
nagkakamali sa pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mga mag-aaral ng wika o di kaya
nama'y nailalapat nang mali ang mga ito. Dagdag pa niya:

Hindi mapasusubalian ang naging papel ng pag-aaral sa sikolohiya hinggil sa proseso


ng pagkatuto. Malaki ang naging impluwensya na mga teoryang behaviorist, innative at
kognitib hinggil sa mga ginagawiang paraan sa pagtuturo ng wika.

Binigyan naman diin ni Skinner, isang pangunahing behaviorist, na kailangang alagaan


ang pag-unlad ng intelekwal sa pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagtitibay sa
anumang mabuting kilos o gawi. May paniniwala rin si Skinner maaaring isagawa ng bata ng
anumang gawain kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon.
(https://introduksyonsapagaaralngwika.blogspot.com).

Ang teoryang behaviorist ay tungkol sa pagkatuto na nagbibigay ng mga guro ng set ng


mga simulain at mga pamamaraang madaling isagawa ang pagtuturo. Ang audio-lingual method
(ALM) ay binatay sa teoryang behaviorist.

Ipinaliwanag naman ni Chomsky (sa Badayos, 2008). Ang teoryang innative sa


pagkatuto ay batay sa paniniwala ng lahat ng bata ay ipinanganak na may likas na salik sa
pagkatuto ng wika at ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong nalilinang
habang ang mga bata ay nakikipag-interakasyon sa kanyang kapaligiran.
Ang pananaw ng toeryang kognitib ay nakapokus sa pagtuklas na pagkatuto sa
pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at pagbuod. Sa dulog na pabuod, ginagabayan ng guro
ang pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang
makatuklas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw naman ay kabaliktaran ng dulog na
pabuod. Kung ang dulog pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o sa
pagbubuo ng tuntunin ang dulog pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin
patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa. (https://filipinotek.wordpress.com).

Samakatuwid, marami nang mga pagpapaliwanag at nabasa hinggil sa kung paano


natutuhan ang wika. Isang kampo ang naniniwala na ang pagkatuto raw ng wika ay isang likas
na kakayahan. May naniniwala naman na ang pagkatuto ng wika ay bunga ng paggagaya sa
pagsasalita ng mga matatanda at mayroon din nananalig na ang pagkatuto ng wika ay isang
proseso ng interaksyon sa kapwa at dapat bigyang pansin ang aktibong tungkulin ng mga bata
upang maranasan at matamo ang wika.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Sa pamanahong papel ni Taeza (2012), kanyang inalam kung ano-ano ang solusyon at
mga paraan upang matugunan ang mga suliranin na kinahaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita
ng Filipino. Sa pag-aaral na ito ang mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang deskriptib-
analitik at instrumentong ginamit ay talatanungan. Ang mananaliksik ay humantong sa
kongklusyon na kinakailangan ng guro na maging mapagmasid sa mga mag-aaral upang
mabigyan ng kaukulangang pansin ang mga mag-aaral na may kahirapan sa Filipino, magkaroon
ng remedial class o tutorial na klase upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral.

Sa pamanahong papel namn ni De Castro (2017), inalam niya ang mga antas ng
kaalaman sa gramatika ng mga mag-aaral na nagpakakadalubhasa sa Filipino ng The National
Teachers College. Gumamit ang mananaliksik ng paraang deskriptib-anlitik. Napatunayan niya
na lubos na lubos na kasiya-siya ang antas ng kaalaman ng mga respondente sa Pangngalan,
Panghalip, Pandiwa, Pang-uri, Pang-abay, Pangatnig, Pang-angkop, Pang-ukol, Pantukoy at
Pangawing. Natuklasan din ng mananaliksik ang mga pamamaraan upang maitaas ang kaalaman
sa gramatika ng mga mag-aaral sa Filipino ng The National Teachers College tulad ng
pagdaragdag ng mga asignatura sa gramatika, ikalawa pagsasaliksik kaugnay ng gramatika sa
mga aklatan, at peer teaching tungkol sa gramatika .

Sa pananaliksik ni Cornejo (2001), inalam niya kung ano-ano ang mga pamamaraan at
estratehiya na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa mataas na paaralan. Minabuti
ng mananaliksik na gumamit ng paraang normatibsarbey. Napatunayan niya na ang pagtugon,
pagganyak sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa paggawa gaya ng papuri at
pagdagdag na taas ng marka at pag-aaral sa pagsasagawa sa mga hakbang ng iba't ibang
estratehiya na nasaliksik.

KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptib-analitik na


pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang mga sagabal na naranasan sa
pag-aaral ng wika ng mga respondente.

Mga Respondente

Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na


nagpapakadalubhasa sa Filipino ng The National Teachers College at naka-enroll man ngayong
tag -init o hindi.

Limampung (50) mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino ang mga respondente at


natapos na sa asignaturang Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika at Panimulang Linggwistika.

Makikita sa Talahanayan 1 kung kailan hindi kinuha ng mga respondente ang


introduksyon sa wika.

Talahanayan 1

Semestre at Taong Aralan Kung Kailan Kinuha ang Introduksyon sa Wika

N %

Unang Semestre 2016-2017 41 82%

Unang Semestre 2017-2018 9 18%

Kabuuan 50 100%
Apatnapu't isa (41) o 82% ng mga respondente ang kumuha ng Introduksyon sa Wika
noong unang semestre ng taong aralan 2016-2017. Samantala, siyam (9) o 18% sa kanila ay
kumuha ng Introduksyon sa Wika noong unang semestre ng taong aralan 2017-2018.

Makikita naman sa Talahanayan 2 kung kailan kinuha ng mga respondente ang


Panimulang Linggwistika:

Talahanayan 2

Semestre at Taong Aralan Kung Kailan Kinuha ang Panimulang Linggwistika

N %

Unang Semestre 2016-2017 42 84%

Unang Semestre 2017-2018 8 16%

Kabuuan 50 100%

Apatnapu't dalawa (42) o 84% ng mga respondente ang kumuha ng Panimulang


Linggwistika noong unang semestre ng taong aralan 2016-2017. Samantala, walo (8) o 16% sa
kanila ay kumuha ng Panimulang Linggwistika noong unang semestre ng taong aralan 2017-
2018.

Instrumentong Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mananaliksik ay


naghanda ng isang sarbey-kwestyoner na naglalayong makapangalap ng mga datos upang
masuri ang mga sagabal sa pag-aaral ng wika ng mga respondente. Nagsasagawa rin ng
pangangalap ng mga impormasyon ang mananaliksik sa iba't ibang mga haguan sa aklatan tulad
ng mga aklat, tisis, pamanahong papel at kumuha rin ang mananaliksik sa ilang mga
impormasyon sa internet.

KABANATA IV

Presentasyon at Interpretasyon

Mapapansin sa Talahanayan 3 ang mga naranasang sagabal sa mga respondente sa


pag-aaral ng wika hinggil sa Ortograpiya:

Talahanayan 3

Mga Naranasang Sagabal Hinggil sa Ortograpiya


N % Ranggo

Kakulangan sa Kaalaman sa

tuntunin sa pagbaybay 23 46% 1

Kakulangan sa Kasanayan sa

pagbaybay ng iba't ibang salita 16 32% 3

Kakulangan ng Kaalaman sa gamit

ng gitling 17 34% 2

Kakulangan ng Kaalaman sa gamit

ng malaki at maliit na titik 3 6% 4

Dalawampu't tatlo (23) o 46% ng mga respondente ang nakaranas ng kakulangan sa


kaalaman sa tuntunin sa pagbaybay. Labing pito (17) o 34% ng mga respondente ang nakaranas
ng kakulangan ng kaalaman sa gamit ng gitling. Labing anim (16) o 32% ng mga respondente
ang nakaranas ng kakulangan sa kasanayan sa pagbaybay ng iba't ibang salita. Tatlo (3) o 6% ng
mga respondente ang nakaranas ng kakulangan ng kaalaman sa gamit ng malaki at maliit na
titik.

Sa Talahanayan 4 ay mapapansin ang mga naranasang sagabal ng mga respondente sa


pag-aaral ng wika hinggil sa Ponolohiya:

Talahanayan 4

Mga Naranasang Sagabal Hinggil sa Ponolohiya

N % Ranggo

Kakulangan ng Kaalaman sa

mga ponemang katinig at pantinig 6 12% 3

Kakulangan ng Kaalaman sa
mga ponemang supra-segmental 13 26% 2

Kakulangan ng kasanayan sa

transkripsyong ponemiko 32 64% 1

Tatlumpu't dalawa (32) o 64% ng mga respondente ang nakaranas ng kakulangan ng


kasanayan sa transkripsyong ponemiko. Labintatlo (13) o 26% ng mga respondente ang
nakaranas ng kakulangan ng kaalaman sa mga ponemang supra- segmental. Anim (6) o 12% sa
kanila ay nakaranas ng kakulangan ng kaalaman sa mga ponemang katinig at pantinig.

Mapapansin sa Talahanayan 5 ang mga naranasang sagabal ng mga respondente


hinggil sa Morpolohiya:

Talahanayan 5

Mga Naranasang Sagabal Hinggil sa Morpolohiya

N % Ranggo

Kakulangan sa iba't ibang anyo ng salita 10 20% 2

Kakulangan ng kaalaman sa mga salitang ugat 4 8% 3

Kakulangan ng kaalaman sa mga panlapi 1 2% 4

Kakulangan ng kaalaman sa mga pagbabagong 32 64% 1

morpoponemiko

Tatlumpu't dalawa (32) o 64% ng mga respondente ang nakaranas ng kakulangan ng


kaalaman sa mga pagbabagong morpoponemiko. Sampu (10) o 20% ng mga respondente ang
nakaranas ng kakulangan sa iba't ibang anyo ng salita. Apat (4) o 4% namn ng respondente anv
nakaranas ng kakulangan ng kaalaman sa mga salitang ugat. Isang (1) o 2% respondente ang
nakaranas ng kakulangan sa kaalaman sa mga panlapi.

Mapapansin sa Talahanayan 6 ang mga naranasang sagabal ng mga respondente hinggil


sa Sintaksis:

Talahanayan 6
Mga Naranasang Sagabal Hinggil sa Sintaksis

N % Ranggo

Kakulangan ng kaalaman sa bahagi ng 13 26% 2

pangungusap

Kakulangan ng kaalaman sa pagbuo ng 8 16% 3

pangungusap

Kakulangan ng kasanayan sa pag- 31 62% 1

papalawak ng pangungusap

Tatlumpu't isa (31) o 62% ng mga respondente ang nakaranas ng kakulangan ng


kasanayan sa pagpalawak ng pangungusap. Labintatlo (13) o 26% ng mga respondente ang
nakaranas ng kakulangan ng kaalaman sa bahagi ng pangungusap. Walo (8) o 16% naman ng
mga respondente ang nakaranas ng kakulangan ng kaalaman sa pagbuo ng pangungusap.

Sa Talahanayan 7 mapapansin ang mga naranasang sagabal ng mga respondente sa


pag-aaral ng wika hinggil sa Bahagi ng Pananalita.

Talahanayan 7

Mga Naranasang Sagabal Hinggil sa Bahagi ng Pananalita

N % Ranggo

Kakulangan ng Kaalaman sa 29 58% 1

mga salitang pangnilalaman

(Pangngalan, Panghalip,

Pandiwa, Pang-abay at Pang-uri)

Kakulangan ng Kaalaman sa mga 21 42% 2

salitang pangkayarian (Pangatnig,

Pang-angkop, Pang-ukol, Pamatlig

at Pantukoy)
Dalawampu't siyam (29) o 58% ng mga respondente ang nakaranas ng kakulangan ng
kaalaman sa mga salitang pangnilalalaman (pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-abay, at
pag-uri). Dalawampu't isa (21) o 42% sa kanila ay nakaranas ng kakulangan ng kaalaman sa mga
salitang pangkayarian (pangatnig, pang-angkop, pang-ukol, pamatlig at pantukoy).

Mapapansin sa Talahanayan 8 kung paano nakaapekto sa mga respondente ang mga


naranasang sagabal sa pag-aaral ng wika.

Talahanayan 8

Epekto ng mga Naranasang Sagabal sa Pag-aaral ng Wika

N % Ranggo

Nahirapan sa pag-aaral ng wika 19 38% 2

Sumuko sa pag-aaral ng wika 0 0 4.5

Inayawan ang pag-aaral ng wika 0 0 4.5

Nahamon sa pag-aaral ng wika 27 54% 1

Nagganyak sa pag-aaral ng wika 14 28% 3

Dalawampu't pito (27) o 54% sa mga respondente ang nahamon sa pag-aaral ng wika.
Labing siyam (19) o 38% sa mga respondente ang nahirapan sa pag-aaral ng wika. Labing apat
(14) o 28% sa mga respondente ang naganyak sa pag-aaral ng wika. Walang respondente ang
sumuko sa pag-aaral o umayaw na lamang ang pag-aaral sa wika.

Mapapansin sa Talahanayan 9 kung paano nilutas ng mga respondente ang mga


naranasang sagabal sa pag-aaral ng wika.

Talahanayan 9

Pag-aaral ng Wika

N % Ranggo

Nagpatulong sa mga kamag-aral 19 38% 2

Nagpatulong sa mga guro 9 18% 4


Nagpatulong sa kamag-anak 1 2& 5

Gumamit ng internet 10 23% 3

Nagsikap pa ng mag-aral ng wika 36 72% 1

Tatlumpu't anim (36) o 72% ng mga respondente ang nagsikap pa na mag-aral ng wika. Labing
siyam (19) o 38% sa kanila ay nagpatulong sa mga kamag-aral. Sampu (10) o 23% naman sa
kanila ang gumamit ng internet. Siyam (9) o 18% sa kanila ay nagpatulong sa mga guro. Isang (1)
o 2% respondente ang nagpatulong sa kamag-anak.

KABANATA V

Kongklusyon at Rekomendasyon

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mananaliksik ay humantong sa sumununod na


kongklusyon:

a. Ang mga respondente ay nakaranas ng mga pangunahing sagabal sa pag-aaral ng wika:

 Hinggil sa Ortograpiya, kakulangan sa kaalaman sa tuntunin sa pagbaybay.


 Hinggil sa Ponolohiya, kakulangan ng kaalaman sa mga ponemang katinig at pantinig.
 Hinggil sa Morpolohiya, kakulangan sa iba't ibang anyo ng salita.
 Hinggil sa Sintaksis, kakulangan ng kaalaman sa bahagi ng pangungusap.
 Hinggil sa Bahagi ng Pananalita, Kakulangan ng Kaalaman sa mga salitang
pangnilalaman (Pangngalan, Panghalip, Pandiwa, Pang-abay at Pang-uri)

b. Nahamon sa pag-aaral ng wika ang pangunahing epekto sa mga respondente ang mga
naranasang sagabal sa pag-aaral ng wika.

c. Nagsikap pa sa pag-aaral ng wika ang kanilang pangunahing paraan sa paglutas ng mga


naranasang sagabal sa pag-aaral ng wika.

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang inirekomenda ng


mananaliksik ang sumsunod:
 Para sa mga administrador ng mga mataas na paaralan, pampubliko man o pribado,
patatagin ang mga programang nakatuon sa pagpapataas ng antas ng mga kasanayan sa
wika ng mga mag-aaral sa Filipino sa hayskol.
 Para sa mga guro sa Filipino ng mataas na paaralan, pagtuonan ng pansin ang kasanayan
at kakayahang sa wika ng mga mag-aaral sa Filipino sa hayskol upang maihanda sila sa
pagpasok sa kolehiyo.
 Para sa mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, isaalang-alang ang
mga resulta ng pag-aaral na ito sapagkat ang pagbibigay-tuon o pansin sa kaalaman sa
wika ng mag-aaral ay lubos na makatutulong sa kanila sa pagpapabuti ng kanilang
pagtuturo.
 Para sa mga administrador ng mga kolehiyo at unibersidad, patatagin at palawakin ang
mga programang makapag-papataas ng antas ng kaalaman sa wika ng mga mag-aaral sa
Filipino, at lalo na para sa mga nagpapakadalubhasa sa Filipino.
 Para sa iba pang mga mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito
tungo sa pagtuklas ng mas marami at higit pang relevant ng mga datos o impormasyong
maaaring makatulong sa paglutas ng mga sagabal sa pag-aaral ng wika.

Listahan ng Sanggunian

Badayos, Paquito B 2008. Metodolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ng/sa Filipino mga


toerya, simulain, at estratehiya. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Bernales, Rolando A.,Abenilla, Gerry S., Abesamis, Norma R., Acosta, Slyia B., Celebre,
Roberto Baltazar S., Dela Cruz, Merly P., Gantala, Remedios A., Gonzales, Emmanuel S.,
Manalang, Vergilio F. & Quijano, Ma. Lourdes R. 2009. Mabisang komunikasyon sa wikang pang-
akademiko. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Cornejo, Corazon N. 2001. Mga pamamaraan at istratehiya sa pagtuturo ng wikang


filipino sa tatlong mataas na paaralang publiko sa Lungsod ng Pasay: isang masusing pag-aaral.
Di-nalathalang tesis, The National Teachers College.

De Castro, Rachel A. 2017. Antas ng kaalaman sa gramatika ng mga mag-aaral na


nagpapakadalubhasa sa Filipino ng The National Teachers College. Di-nalathalang pamanahong
papel, The National Teachers College.

https://filipinotek.wordpress.com. Abril 21, 2018

https://introduksyonsapagaaralngwika.blogspot.com. Abril 22, 2018

https://www.slideshare.com. Abril 22, 2018


Papa, Nenita P. 2006. Wikang Filipino tungo sa globalisasyon. Guro mula tsok hanggang
internet, pp. 1-3.

Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika sa Filipino. Quezon City: Rex


Printing Company, Inc.

Taeza, Jeyson T. 2012. Mga suliraning kinakaharap ng mga Kalinga sa pag-sasalitang


wikang Filipino. Sa https://www.academia.edu/4016854. Oktubre 8, 2018.

You might also like