You are on page 1of 4

FILIPINO 2023

NEW CURRICULUM
BASED NEW TOS

1. Ang Wikang Pambansa ay patuloy na nalilinang upang patuloy na umunlad sa edukasyon.


Aling Kautusang Pangkagawaran ang nakapagbibigay ng pinakamalaking pagkakataon
upang sumulong ang wikang Filipino?
A. Kautusang Pangkagawaran Blg 7. s. 1959
B. Kautusang Pangkagawaran Blg 24. s. 1962
C. Kautusang Pangkagawaran Blg 81. s. 1987
D. Kautusang Pangkagawaran Blg 25. s. 1974
2. Ang Batas Komonwelt Blg. 184 (1936) ay lumikha ng isang lupon at itinakda na siyang pipili ng
isang katutubong wika na pagbababatayan ng wikang pambansa. Nagpatuloy ito sa
tungkulin ng pagpapaunlad ng wikang pambansa at nakilala sa iba’t ibang pangalan ang
tanggapang ito. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod na pagbabago sa pangalan nito
hanggang sa kasalukuyan?
A. Lupon → Surian ng Wikang Pambansa → Linangan ng mga Wika sa Pilipinas → Komisyon
sa Wikang Filipino
B. Surian ng Wikang Filipino → Linangan ng mga Wika sa Pilipinas → Komisyon sa Wikang
Filipino
C. Linangan ng mga wikang Filipino → Surian ng Wika sa Pilipinas → Komisyon sa Wikang
Filipino
D. Komisyon sa Wikang Filipino → Surian ng Wikang Pambansa → Linangan ng mga Wika
sa Pilipinas
3. Bilang pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap sa wikang pambansa
ang alpabeto ng wikang Filipino ay umaagapay rin sa pagbabago. Alin ang nagpapakita ng
wastong pagbabagong naganap sa alpabetong Filipino?
A. Alifbata → abakada → alpabetong Filipino
B. Alifbata → abakada → abecedario → alpabeto
C. Alifbata → alpabeto → abakada → alpabeto
D. Alifbata → abecedario → abakada → alpabeto

4. Ang kautusang pangkagawaran blg.81, s.1987 na may pamagat na “Ang Alpabeto at


Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” ay nagsasagawa ng reporma sa alpabeto at sa mga
tuntunin ng ortograpiyang Filipino. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa gawaing
ortograpiya ng isang wika?
A. Kung paano ang pagbasa at pagsulat sa wikang ito
B. Kung ilan ang mga letrang binubuo sa alpabeto nito.
C. Kung paano tatawagin o ngangalanan ang mga letrang ito.
D. Kung ano ang mga tuntunin dapat sundin sa ispeling gamit ang mga letra ng alpabeto

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa katangian ng komunikasyon?


A. Ang komunikasyon ayisang sining ng paghahatid o paglilipat ng impormasyon.
B. May prosesong dinamiko, tuloy-tuloy at nagbabago.
C. Ito’y pasalita lamang na nagpapahayag o nagpapabatid ng iniisip o nadarama ng isang
tao.
D. Kumikilos ng taong kasangkot sa komunikasyon.

6. Ano ang tawag sa kalagayan kung saan magaganap ang komunikasyon?


A. Partisipant C. tsanel
B. Mensahe D. konteksto

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa pagbabagong ipinasok na reporma sa


ortograpiyang Filipino noong 1987?
A. Ang pagbaybay sa Filipino ay di papantig kundi patitik
B. Ang bigkas ng letra ay bigkas Ingles maliban sa enye (ῆ) na bigkas kastila.
C. Ang 8 letrang hiram ay gagamitin sa pagbaybay ng mga karaniwang salita na bago pa
lang ginamit.
D. Ang 8 letrang hiram ay gagamitin sa pantanging ngalan, salitang
teknikal at mga salitang may unikong katangiang kultural mula sa iba’t ibang
katutubong wika.

8. Alin dito ang makaagham na pag-aaral na tumutukoy sa patern o


kumbinasyon ng mga tunog sa loob ng isang wika.
A. Ponolohiya
B. Morpolohiya
C. Ponema
D. Sintaksis

9. Ano ang tawag sa mga tunog na ginagamitan ng katumbas na letra o titik upang mabasa at
mabigkas?
A. morpema
B. Ponema
C. Ponemang segmental
D. Ponemang suprasegmental

10. Anong ponema ang ipinakikita batay sa paraan at punto ng artikulasyon?


A. Patining
B. Katining
C. Ponemang segmenta
D. Ponemang suprasegmental

11. Alin sa mga pangkat ng salita ang mga diptonggo?


A. Reyna, luya, aywan, dilaw
B. Tayo, aruy, balay, bayley
C. Alay, kawayan, ayon, saway
D. Bahay, aliw, gewgaw, hukay

12. Alin sa mga nabanggit ang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat kundi ang simbolo
lamang?
A. Ponema
B. morpema
C. Ponemang segmental
D. Ponemang suprasegmental

13. Alin sa mga salitang naglalaman ng notasyong ponemik ang may katumbas sa Ingles na
“thief”?
A. /magnanakaw/
B. /magnana.kaw/
C. /magna.nakaw/
D. Mag.nanakaw/

14. Kausap ang isang lalaki na Juan Carlo ang pangalan. Ipinakikilala sa kanya si Jose.
A. Juan/ Carlo Jose ang pangalan niya.//
B. Juan Carlo Jose ang pangalan niya.//
C. Juan Carlo/ Jose ang pangalan niya.//
D. Juan Carlo Jose/ ang pangalan niya.//

15. Ilan ang makahulugang tunog ng Filipino?


A. 20 B. 21 C. 27 D. 28

16. Ano ang silabikasyon ng salitang ekstra?


A. KPP B. PKK C. KPK D. PKP

17. Anong makaagham na pag-aaral ang may kinalaman sa pagbuo ng salita?


A. morpema C. ponema
B. morpolohiya D. ponolohiya

18. Ano ang pinakamaliit nay unit o bahagi ng wika na nagtataglay ng sariling kahulugan?
A. morpema C. ponema
B. morpolohiya D. ponolohiya
19. Anong uri ng paglalapi ang ipinakikita sa salitang pinagsumikapan?
A. Unlapi-gilapi C. Kabilaan
B. Gitlapi-hulapi D. Laguhan

20. Alin sa mga nabanggit ang may gantihang kilos ng nilapiang salitang-
ugat?
A. binigyan C. anihan
B. laruan D. tulakan

21. Alin dito ang halimbawa ng tambalang ganap?


A. Amoy-araw C. kapitbahay
B. Bahaghari D. dalagang-bukid

22. Alin ang HINDI kabilang sa mga salitang may panlaping makadiwa?
A. Magsaing, bumili, igisa C. artistahin, tuparin, pangarapin
B. Balatan, tuklasin, harapin D. pagsalangan, ikagulat, puntahan

23. Ano-ano ang panuring ng mga salitang pangnilalaman sa Filipino?


A. Pangngalan at panghalip C. pandiwa at pangatnig
B. Pang-abay at pang-uri D. pang-angkop at pang-ukol

24. Alin dito ang halimbawa ng asimilasyon?


A. Bukas + an = bukasan = buksan
B. Yaya + in = yinaya = niyaya
C. Tamad + in = tamadin = tamarin
D. Mang + daya = mangdaya = mandaya

25. Ang ba, yata, kasi, daw/raw, man at naman ay anong bahagi ng pananalita nabibilang?
A. Pangatnig C. paningit o ingklitik
B. pantukoy D. pang-ukol

26. Ilegal ang pagbabawal sa pagdaraos ng rali. Anong bahagi ng pangungusap ang salitang
may salungguhit?
A. Simuno C. panaguri
B. Paksa D. pang-uri

27. Alin dito ang karaniwang anyo ng pang-uring ginagamit sa paglalarawan?


A. Katamtaman C. masidhi
B. lantay D. pahambing

28. Anong kayarian ng pangungusap ang sinisimulan sa mga pangatnig na na, nang, kung,
samantala, kapag, kaya at iba pa?
A. Sugnay na makapag-iisa
B. Sugnay na di-makapag-iisa
C. Hugnayang pangungusap
D. Langkapang pangungusap

29. Alin ang hindi kabilang sa mga salitang inuulit?


A. Araw-araw, pana-panahon, ano-ano
B. Sari-sari, sino-sino, baha-bahagi
C. Oras-oras, sasaya, malaki-laki
D. Bahay-bahayan, didiretso, balik-balikan

30. Ako ay naghangad ng iyong pagmamahal na tapat at panghabambuhay. Anong gamit ng


panghalip ang may salungguhit?
A. Paukol C. panuring
B. Paari D. palagyo

31. Pinagsalukan ng bata ng tubig ang balon. Anong pokus ito ng pandiwa?
A. Layon C. direksyunal
B. Ganapan D. tagaganap

32. Aling pahayag ang nagtataglay ng pariralang pang-abay kundisyunal?


A. Tumaas siya nang dalawang pulgada.
B. Mag-uminom ka palagi ng maraming tubig.
C. Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa kanya.
D. Pag sumapit na ang gayong panahon, giginhawa na tayo.

33. Alin dito ang halimbawa ng pares-minimal?


A. Babae : babai C. eto : ito
B. Mesa : misa D. daw : raw

34. Anong bantas ang ginagamit kapag isinusulat nang patitik ang mga yunit ng praksyon?
A. Kudlit C. tuldik
B. Gitling D. gatlang

35. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng positibong pahayag?


A. Huwag kang makalilimot na dalawain ang iyong inang maysakit.
B. Huwag mong kalimutang dumalaw sa iyong inang maysakit.
C. Huwag na hindi ka dadalaw sa iyong inang maysakit.
D. Huwag kang dadalaw sa iyong inang maysakit.

36. Aling pahayag ang nagtataglay ng pang-uring panaguri?


A. Palakad-lakad at pagala-gala na lamang siya sa kalye.
B. Lumakad-lakad at gumala-gala na lamang siya sa kalye.
C. Iniiwasan niyang sumama sa masamang barkada.
D. Kumukulo-kulo na ang tubig sa kapitera.

37. Sa kanyang pahayag, binibigyang-diin niya ang lugar na ibig pagtayuan ni Rosa ng bahay.
Alin ang sinabi ni Rosa?
A. Magtatayo si Rosa ng bahay dito.
B. Si Rosa ay dito magtatayo ng bahay
C. Dito magtatayo ng bahay si Rosa.
D. Magtatayo ng bahay dito si Rosa.

38. Binibigyang-diin ni Robert sa kausap kung kalian niya nakita ang Santo Papa. Ano ang dapat
niyang sabihin?
A. Kahapon, nakita ko ang Santo Papa sa Luneta.
B. Nakita ko ang Santo Papa sa Luneta kahapon.
C. Sa Luneta, nakita ko ang Santo Papa kahapon.
D. Nakita ko sa Luneta kahapon ang Santo Papa.

39. Ipinahahayag ni Rosa kung saan inilagay ng titser ang aklat. Aling pangungusap ang angkop
gamitin?
A. Inilagay ng titser sa mesa ang aklat.
B. Inilagay ang aklat ng titser sa mesa.
C. Inilagay sa mesa ng titser ang aklat.
D. Inilagay sa mesa ang aklat ng titser.

40. Binibigyang-diin sa pangungusap kung para kanino ang alahas na binili. Alin ang dapat
niyang sabihin?
A. Ibinili niya ng alahas si Alice kay Aling Lucy.
B. Binili niya ang alahas kay aling Lucy para kay Alice.
C. Bumili siya ng alahas kay Aling Lucy para kay Alice.
D. Binilhan niya ng alahas si Aling Lucy para kay Alice.

--Wakas--

You might also like