You are on page 1of 20

Your most preeminent and comprehensive BLEPT Reviewer!

2020 EDITION | PPST BASED

MGA BATAYANG TEORETIKAL: Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika; Panimulang Linggwistika


NILALAMAN: Wika; Panitikan; Metodolohiya, Pagtataya at Ebalwasyon, at Kagamitang Panturo

VOLUME 1

JHESTONIE P. PACIS, LPT


Author/BLEPT Lecturer

, ACE LET!
MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

MAJORSHIP (FILIPINO) – 150 items

GENERAL INSTRUCTIONS:

1. This test booklet contains 150 test questions. Examinees shall manage to use the 3 hours.
2. Read INSTRUCTIONS TO EXAMINEES printed on your answer sheet.
3. Shade only the box that corresponds to your answer. Two or more boxes shaded will
invalidate your answer. There is only one answer to each question.
4. In case you find no correct answer, please shade option “E”.
5. AVOID ERASURES.

INSTRUCTIONS:

1. Detach one (1) answer sheet from the bottom of your Examinee ID/Answer Sheet Set.
2. Write the subject title “MAJORSHIP - FILIPINO” on the box provided.
3. Shade Set Box “A” on your answer sheet if your test booklet is Set A; Set Box “B” if your
test booklet is Set B.
4. After you have finished answering, submit your Answer Sheet to your Room Watchers.

MULTIPLE CHOICE:

1. Ang ________ ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng damdamin at kaisipan sa


mga titik at simbulong nakalimbag sa pahina.
a. pagbasa c. pakikinig
b. pagsasalita d. pagsulat

2. Pagpapalitan ng ideya o pakikipag-usap upang makapagbahagi ng impormasyon ukol sa


isang bagay.
a. Pagsasalita c. Pakikinig
b. Pagsulat d. Pakikipagtalastasan

3. Uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paano


isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
a. Tekstong Naratib c. Tekstong Prosidyural
b. Tekstong Impormatib d. Tekstong Persweysib

4. Naglalahad ng katotohanan o impormasyon tungkol sa mga pangyayaring naganap,


nagaganap o magaganap pa lamang.
a. Tekstong Impormatib c. Tekstong Persweysib
b. Tekstong Naratib d. Tekstong Deskriptib

5. Ang Ale!, Ate!, Ikaw! ay mga halimbawa ng ________.


a. parirala c. sugnay
b. sambitla d. grapema

JHESTONIE P. PACIS, LPT 2


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

6. Ideya ng paggamit ng iba’t ibang wika dahil sa magkakaibang mga indibidwal at grupo na may
magkakaibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.
a. Teoryang Sosyolinggwistik c. Teorya ng akomodasyon
b. Teoryang Heterogenous d. Teoryang Interference Phenomenon

7. Nakatuon ang mga mata ng bumabasa sa partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina
ng materyal.
a. Iskaning c. Iskimming
b. Prebyuwing d. Kaswal

8. Panandang ginagamit upang magsaad ng pansamantalang pagtigil sa pagbasa o sa daloy ng


idea at sa pagdidiin sa paliwanag.
a. Gatlang en c. Gatlang 3 em
b. Gitling d. Gatlang em

9. Ang ________ ay isang yunit ng tunog na binubuo ng isang patinig o kambalpatinig at isa o
mahigit pang katinig.
a. ponema c. morpema
b. pantig d. klaster

10. Isinasaalang-alang ang payapa at positibong saloobin ng mag-aaral sa klasrum upang


maging lubos ang pagkatuto niya ng wika.
a. Teoryang Kognitib c. Teoryang Humanist
b. Teoryang Innative d. Teoryang Beheybyorist

11. Baka, Damit, Lapis, Baboy, Tandang.


a. Panlalaki c. Di-tiyak
b. Pambabae d. Walang kasarian

12. Florante at Laura : Awit : : Ibong Adarna : ________.


a. Sarswela c. Awit
b. Korido d. Duplo

13. May magulang bang nagpapabaya ng kanilang anak?


a. Tanong Retorikal c. Aliterasyon
b. Onomatopeya d. Pagtawag

14. Ano ang tinataglay ng sayaw, aliw, sigaw, at kalabaw.


a. Klaster c. Diptonggo
b. Digrapo d. Tono

15. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa : Andres Bonifacio : : Kartilya ng Katipunan : ________.


a. Emilio Jacinto c. Marcelo H. del Pilar
b. Apolinario Mabini d. Herminigildo Flores

16. Palitang ‘di nagbabago ang kahulugan.


a. S at T b. D at R c. P at B d. wala sa nabanggit

JHESTONIE P. PACIS, LPT 3


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

17. Binibigyang-halaga ang nadarama ng mag-aaral na kabilang sa isang komunidad ng mga


mag-aaral.
a. Dulog Sitwasyunal c. Community Language Learning
b. Dulog Istruktural d. Dulog Audio-Lingual

18. Ang ________ ay itinuturing na mapa o balangkas ng mga inihandang gawain upang
maisakatuparan ang mga layuning nais matamo ng mga mag-aaral.
a. daily lesson log c. modyul
b. banghay-aralin d. talahanayan ng ispesipikasyon

19. Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagtuturo ng panitikan na nasa ibaba:


I. Pagsagot ng mga Tanong sa Komprehensyon
II. Paglinang ng Kasanayan
III. Paghahawan ng Balakid
IV. Pagbasa ng Teksto

a. I, II, III, IV c. I, IV, II, III


b. III, IV, I, II d. II, IV, I, III

20. Binibigyang-pansin ang pagsusuri sa bisa ng panitikan na itaas ang kaasalan, kaisipan at
damdamin ng tao.
a. Pagdulog Sosyolohikal c. Pagdulog Moralistik
b. Pagdulog Historikal d. Pagdulog Istaylistiko

21. Ang ortografía y reglas de la lengua tagalog ay akda ni ________.


a. Trinidad H. Pardo de Tavera c. Fray Francisco Lopez
b. Fray Gaspar de San Agustin d. Don Pedro Andrés de Castro

22. Nagmula ang wika sa panggagaya ng tao sa tunog mula sa kalikasan at paligid gaya ng ihip
ng hangin.
a. Coo coo c. Yoheho
b. Bow-wow d. Ding dong

23. Madaling iwasto at kumilala ng ugnayan ng mga impormasyon ngunit mahirap buuin at
maaaring hulaan.
a. Tama o mali c. May Pagpipilian
b. Pagtatapat-tapat d. Akrostiks

24. Nangangailangan ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang


binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.
a. Kaswal c. Pagbasang pang-impormasyon
b. Muling Pagbasa d. Matiim na pagbasa

25. Tumatalakay ito ng mas malalim, mas malawak at nasusulat sa malikhaing paraan sa isang
balita, bagay, pangyayari o kaganapan.
a. Lathalain c. Balita
b. Tudling d. DevCom

JHESTONIE P. PACIS, LPT 4


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

26. Isang dulog pampanitikan na ang pagpapakahulugan sa isang tekstong binasa ay nakapokus
sa sariling panlasa ng mambabasa at kilala rin sa tawag na reader-response theory.
a. Impresyonista c. Antropolohiya
b. Patalambuhay d. Pansikolohiya

27. Binibigyang-diin ang pagpili ng tiyak na salita, may kalayaan sa pagpili ng mga paksa, porma
at ang paggamit ng mga salitang karaniwang ginagamit sa araw-araw.
a. Humanista c. Imahismo
b. Eksistensyalismo d. Naturalismo

28. Kumpas ng kamay sa pagtatalumpati na nagsasaad ng pagtanggi o hindi pagsang-ayon.


a. Kumpas sa paraang itinuturo
b. Kumpas na ang kamay ay nakasuntok
c. Kumpas na ang palad ay nakatihaya
d. Kumpas na ang kamay ay nakataob at ayos na patulak

29. Tumutukoy sa mga sining na biswal katulad ng musika, arkitekto, pintura, eskultura, teatro o
dula at panitikan.
a. Humanidades c. Ekonokiks
b. Bokasyon d. Museyo

30. Alin ang mungkahing istratehiyang gagamitin ni G. Pacis sa pagtuturo ng mga pangatnig na
nang at ng?
a. Gagamit si G. Pacis ng tulang may mga pangatnig na nang at ng bilang lunsaran sa
kanyang klase.
b. Ipasaliksik ni G. Pacis sa mga mag-aaral ang mga pangatnig na nang at ng at pag-
aralan na lamang sa bahay.
c. Dapat gumamit si G. Pacis ng mga larawan upang ituro ang mga ito.
d. Hindi na gagamit ng kahit na anong istratehiya si G. Pacis dahil madali lang naman
itong ituro.

31. Ang salitang pinakanakakapagngitngitngitngitang-pagsisinungasinungalingan ay mayroong


ilang pantig?
a. 21 c. 20
b. 23 d. 22

32. Ano ang salitang-ugat ng PANITIKAN?


a. Titik c. Panitik
b. Itik d. Panitikan

33. Epiko ng Ilocano : Biag ni Lam-ang : : Epiko ng Mindanao : ________.


a. Maragtas c. Bantugan
b. Hinilawod d. Si Biuag at Malana

34. Ang mga salitang klima, krimen, prinsipe at trabaho ay mga halimbawa ng ________.
a. Kaltas c. Diptonggo
b. Klaster d. Pandiwa

JHESTONIE P. PACIS, LPT 5


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

35. Bantas na ginagamit sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang


magkaka-uri.
a. Tuldok-kuwit c. Kuwit
b. Ellipsis d. Tutuldok

36. Alin ang hindi mahalagang salik ng pagtatalumpati?


a. Manlibang c. Magbigay kabatiran
b. Magyabang d. Manghikayat at makapagpaganap

37. Tinaguriang Makata ng Manggagawa.


a. Amado V. Hernadez c. Florentino Collantes
b. Jesus Balmori d. Jose Corazon de Jesus

38. Tinatawag na ________ ang koleksyon, interpretasyon at paggamit ng impormasyon ng guro


upang makagawa ng mabubuting desisyong pangklasrum.
a. pagmamarka c. pagtataya
b. pagtuturo d. pagsusulit

39. Isang masalimuot na prosesong pangkaisipan kung saan ang mambabasa’y aktibong
nagpaplano, nagdedesisyon at nag-uugnay ng mga kasanayan at istratehiyang nakatutulong
sa pag-unawa.
a. Pagsulat c. Pakikinig
b. Pagsasalita d. Pagbasa

40. Ang ________ ay katagang isinisingit sa pangungusap upang higit na maging malinaw ang
kahulugan nito.
a. ingklitik c. pangatnig
b. sambitla d. pang-ukol

41. “Nahuhubog at napapa-unlad ang mga kasanayang mag-iisip at kakayahang mangatwiran sa


pamamagitan ng pakikinig tungkol sa mga kaalamang pangwika at pampanitikan.” Ang nasa
panipi ay halimbawa ng kasanayang dapat malinang sa Filipino sa SEDP kurikulum sa
kakayahang ________.
a. pagsulat c. pagsasalita
b. pakikinig d. pagbasa

42. May diin sa ikalawang pantig buhat sa huli at maluwag ang bigkas ng huling pantig at ito'y
maaaring magtapos sa patinig o katinig.
a. Malumay c. Malumi
b. Maragsa d. Mabilis

43. Isang tsart na naglalahad ng mga layunin, bilang ng aytem na isinama sa pagsusulit, bilang
na katatagpuan ng aytem at bahagdan ng aytem na isinama sa pagsusulit ang ________.
a. Holistic Rubriks c. Daily lesson Log
b. Banghay-aralin d. Talahanayan ng Ispesipikasyon

JHESTONIE P. PACIS, LPT 6


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

44. Pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng


pag-iisip o pag-unawa.
a. Teoryang Iskema sa Pagbasa c. Kaalaman sa Pagbasa
b. Metakognisyon sa Pagbasa d. Mapanuring Pagbasa

45. Higit na madaling ihanda, lumilinang ng kasanayang magpahayag, binubuo, hindi nagbibigay-
puwang sa panghuhula at nakapagtataya ng maraming bagay ang mga ________.
a. pagsusulit na pasanaysay c. pagsusulit na may pagpipilian
b. pagsusulit na pagtatapat d. pagsusulit na tama o mali

46. Malaki ang nagagawa ng mga grapikong pantulong sa integrasyon at paglalagom ng


kaisipang nakapaloob sa isang tekstong binasa. Alin sa mga grapikong pantulong sa ibaba
ang mabisang nagagamit sa paghahambing ng katangian ng dalawang bagay, paksa,
pangyayari o tauhan?
a. Hirarkikal na Dayagram c. Klaster ng Konsepto
b. Venn Dayagram d. Sayklikal na Tsart

47. ________ ang tawag sa gawaing pagsasaling sumasaklaw sa paghahanap ng katumbas na


salita para sa simulaang lenggwahe hanggang sa pagsisikap na gayahin ang anyo at himig
ng orihinal na akda.
a. Imitasyon c. Reproduksiyon
b. Pagtutumbas d. Paghihiram

48. Mga salitang iisa ang anyo subalit nagtataglay ng dalawa o mahigit pang kahulugan.
a. Polysemy c. Denotasyon
b. Konotasyon d. Hyponym

49. Aktibong proseso ng paghahatid at pagkuha ng mensahe at tugon sa pamamagitan ng


interaksyon ng tagahatid at tagatanggap.
a. Pagsasalita c. Pakikipagtalastasan
b. Komunikasyon d. Konteksto

50. Koleksiyon ng mga proyekto, pagsusulit, at mga awtput ng mga mag-aaral na ginagamit ng
guro bilang isa sa mga batayan sa pagmamarka.
a. Portfolio c. Komposisyon
b. Dyornal d. Pamanahong Papel

51. Sinusuri ang mga lantad na katangian ng akda tulad ng anyo, pamagat, bilang ng mga
taludtod, bilang ng mga kabanata, atbp.
a. Sikolohikal c. Formalistik
b. Moral-Filosopikal d. Istaylistik

52. Kurikulum ng edukasyong nagbibigay-diin sa pagtataya bilang kagamitang panturo tungo sa


pagkatuto sa halip na isang paraan para sa layunin ng pagmamarka.
a. SEDP Kurikulum c. K+12 Kurikulum
b. BEC d. RBEC

JHESTONIE P. PACIS, LPT 7


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

53. “Ang bato sakdal man ng tigas, tubig na malambot ang nakaaagnas.” Ito ay isang ________.
a. Kasabihan c. Kawikaan
b. Salawikain d. Panudyo

54. Tinagurian siyang “Ama ng Tuluyang Klasika sa Tagalog.”


a. Padre Modesto de Castro c. Felipe de Jesus
b. Tomas Pinpin d. Jose de la Cruz

55. Isang sangay ng panitikang naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa


buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.
a. Tula c. Maikling Kuwento
b. Nobela d. Sanaysay

56. Uri ng sanaysay na higit na kaaliw-aliw basahin dahil sa ang mga salitang ginamit ay madaling
maintindihan at ang paksa ay karaniwan.
a. Maanyo b. Mabulaklak c. Pormal d. Malaya o di-pormal

57. Naglalahad ng kuru-kuro ng patnugot ng isang pahayagan hinggil sa isang isyu na aprubado
ng lupong patnugutan.
a. Lathalain c. Balita
b. Pangulong Tudling d. Anunsiyo Klasipikado

58. Nakatutulong sa pag-unawa ng binabasa ang pagkabatid ng iskema ng mag-aaral, ang


motibasyon sa nais nilang malaman at pagproseso ng kanilang nabatid matapos bumasa.
Nilalagom ang mga natutuhan sa binasa sa mga grapikong pantulong. Ginagawa ito sa
istratehiyang ________.
a. Pag-iisip na Pabigkas c. Ugnayang Tanong-Sagot
b. Story Grammar d. ANNA (Alam na, Nais malaman, Nabatid)

59. Isinasailalim sa pagsusuri ang mga kilos, pananalita, paniniwala at gawi ng mga tauhan sa
akda.
a. Formalistik c. Historikal
b. Sikolohikal d. Moral-Filosopikal

60. Kilala rin sa tawag na: Supling ng matandang duplo.


a. Nobela c. Bukanegan
b. Pasyon d. Balagtasan

61. Ginagamit sa pagtukoy sa pagkaka-ayos o pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan.


a. Panuruan c. Patakda
b. Panlarawan d. Pamilang

62. Layunin ng Bagong Kurikulum na makalinang ng mga mag-aaral na nakagagamit ng mga


kasanayang pangwika sa pagkatuto ng iba pang asignatura. Nagbigay daan ito sa aling
istratehiya ng pagtuturo ng wika?
a. Pagtuturong Gramatikal c. Pagtuturong Batay sa Nilalaman
b. Kasanayang Komunikatibo d. Batayang Interpersonal na Komunikasyon

JHESTONIE P. PACIS, LPT 8


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

63. Paham ng Wika : Lope K. Santos : : Makata ng Bayan : ________.


a. Jose Corazon de Jesus c. Amado V. Hernandez
b. Aniceto F. Silvestre d. Florentino Collantes

64. Ang unang dapat isaalang-alang kapag naghahanda ng banghay-aralin ay ang ________.
a. Layunin c. Kagamitan
b. Mag-aaral d. Estratehiya

65. Ito ang tawag sa lahat ng mga gawain, kagamitan, paksa at mga layuning isinasama sa
pagtuturo ng mga asignatura sa paaralan.
a. Dulog at Estratehiya c. Layuning Pampagtuturo
b. Kagamitang Pampagtuturo d. Kurikulum

66. Magbibigay ng hula ang mga mag-aaral tungkol sa teksto batay sa karanasan at
impormasyong galing na rin sa teksto.
a. Pinatnubayang Pagbabasa-Pag-iisip c. Ugnayang Tanong-Sagot
b. Pinatnubayang Pagbasa d. ANNA (Alam na, Nais Malaman, Nabatid)

67. Binibigkas ng mabilis at may impit sa huling pantig. Nagtatapos sa patinig at gumagamit ng
tuldik na pakupya (^).
a. Mabilis c. Maragsa
b. Malumay d. Malumi

68. “Naipapakita ang kakayahang pumili ng pamamaraan at batayang panretorika upang


maipahayag ang saloobin sa pamamagitan ng paglilimbag ng mga titik.” Ang tinutukoy na
kasanayang dapat linangin sa Filipino sa SEDP kurikulum ay ________.
a. Pagsulat c. Pagbasa
b. Pakikinig d. Pagsasalita

69. Itinadhana na ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglikha ng isang Wikang
Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
a. Kautusang Tagapaganap Blg. 134
b. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
c. 1935 Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksyon 3
d. 1987 Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksyon 6-9

70. Sa isinagawang pagtataya ni Bb. Llanes sa kanyang mag-aaral sa Baitang 10, gumamit siya
ng pagsusulit na ang sinusuri ay mga mababang antas ng kognitibong kasanayan, pare-
pareho ang tanong, panuntunan at ang inaasahang sagot. Ito ay pagtatayang ________.
a. Pagsasagawa c. Tradisyunal
b. Pormal d. Di-tradisyunal

71. Ang ________________ ay tumutukoy sa mga tono, diin, haba at antala na ginagamit upang
makapaglinaw ng kahulugan.
a. Ponemang segmental c. Morpolohiya
b. Pagbabagong morpoponemiko d. Ponemang suprasegmental

JHESTONIE P. PACIS, LPT 9


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

72. Anong pagbabagong morpoponemiko ito: -in-+lipad = nilipad.


a. Asimilasyon c. Pagpapalit ng Ponema
b. Metatesis d. Reduplikasyon

73. Itinatag niya ang La Solidaridad at ang may-akda ng Fray Botod, isang maikling nobelang
mapang-uyam na naglalarawan sa “kasibaan ng mga prayle.”
a. Graciano Lopez Jaena c. Inigo ed Regalado
b. Marcelo H. Del Pilar d. Antonio Luna

74. Sangay ng lingwistika na tumutukoy sa pag-aaral ng istruktura ng mga salita at ng relasyon


nito sa iba pang mga salita.
a. Morpema c. Ponema
b. Ponolohiya d. Morpolohiya

75. Pinakamababang uri wikang ginagamit ng tao na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na
grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.
a. Kolokyal c. Lalawiganin
b. Balbal d. Pidgin

76. Suriin ang uri ng tayutay: “Maririnig ang langitngit ng kawayan habang lumalagaslas ang ulan
sa bubungan.
a. Pagsasatao c. Oksimoron
b. Onomatopeya d. Balintunay

77. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit,
saya at iba pang bugso ng damdamin.
a. Teoryang Pooh-Pooh c. Teoryang Bow-Wow
b. Teoryang Sing-Song d. Yoo He Ho

78. Mariano Ponce : Tikbalang : : Marcelo H. del Pilar : ________.


a. Dimas-ilaw c. Dolores Manapat
b. Dimas-alang d. Huseng Sisiw

79. Ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-


usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino.
a. Pampanitikan c. Kolokyal
b. Balbal d. Lalawiganin

80. Ginagamit ang bantas na ito sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na
nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
a. Tandang Padamdam c. Pananong
b. Tuldok d. Panaklong

81. Ang mga dalaga ay bulaklak at ang mga binata naman ay bubuyog.
a. Analohiya c. Alusyon
b. Pagtutulad d. Pagwawangis

JHESTONIE P. PACIS, LPT 10


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

82. Barayting kaugnay sa panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng


pagpapahayag. Tumutukoy sa ispesyalisadong paggamit sa wika upang makilala ang
ispesipikong domeyn o gawain.
a. Idyolek c. Rejister
b. Sosyolek d. Dayalek

83. Mas mapadadali ang pagtatanghal ng anomang kagamitang tanaw-dinig na kailangang


ipakita sa harap ng klase kung ito ang gagamiting kagamitang pampagtuturo.
a. Poster c. Timeline
b. Takbord d. Bulitin Bord

84. Si G. Bitamog ay gumamit ng maliit na bahay-kubo, maliit na bangka, eroplano at ginayang


bulkan sa pagtuturo ng isang aralin sa Filipino. Saan maihahanay ang mga kagamitang
pampagtuturong ginamit ng guro?
a. Ispesimen c. Mock-Up
b. Modelo d. Tunay na Bagay

85. Anong ayos ng pantig and ginagamit sa salitang “daigdig”?


a. KPPKKPK c. KPPPKPP
b. KKPKPPK d. KKPPKPP

86. Mala-porselana ang kutis ng mga gumagamit ng sabon na ito.


a. Pagtutulad c. Pagwawangis
b. Pagsasatao d. Pagmamalabis

87. Ginagamit ang bantas na ito sa loob ng panaklong upang maipahiwatig ang pag-aalinlangan
sa diwa ng pangungusap.
a. Tuldok-kuwit c. Padamdam
b. Gatlang d. Pananong

88. Pananalitang ipinapalit sa mga salita o pariralang kapag ipinahayag sa tuwirang kahulugan
ay nagdudulot ng pagkalungkot o pagdaramdam, pagkarimarim, pagkalagim o ibang ‘di
kanais-nais na damdamin sa pinagsasabihan o nakakarinig.
a. Eupemistikong Pananalita c. Patayutay na Pananalita
b. Pahayag Idyomatiko d. Lahat ng nabanggit

89. Kauna-unahang nagsalin ng Noli Me Tangere sa Tagalog.


a. Andres Bonifacio c. Pascual Poblete
b. Jose Rizal d. N.V.M Gonzales

90. Napansin ng guro ang pagiging mahiyain ni Onyx sa kanyang klase. Nag-iisip siya kung ano
ang maaaring ipagawa sa mga mga mag-aaral upang magkaroon sila ng tiwala sa sarili. Ano
ang mungkahing estratehiyang pampagtuturo ang maaari niyang gamitin?
a. Tableau c. Sabayang Pagbigkas
b. Role-Playing d. Pantomina

JHESTONIE P. PACIS, LPT 11


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

91. TILA imposible na magkatotoo ang iyong mga pangarap. Nasa anong uri ng pang-abay ang
bahaging may malalaking titik?
a. Pang-abay na Pamaraan c. Pang-abay na Pang-agam
b. Pang-abay na Panlunan d. Pang-abay na Kondisyunal

92. Kauna-unahang nobelang Tagalog na ipinalimbag sa anyong aklat na akda ni Valeriano


Hernandez Peña.
a. Nena at Neneng c. Barlaan at Josaphat
b. Doctrina Cristiana d. Walang Sugat

93. Nais ni Gng. Casco na makilala ng mga mag-aaral ang kaugnayan ng mga salita ayon sa
antas o tindi ng kahulugan na ipinapahayag. Ano ang maaari niyang gamiting kagamitan?
a. Huwaran o Pattern c. Collocation o Kolokasyon
b. Clustering d. Clining

94. Sa ganitong paraan ng pagtuturo nagagamit ng mag-aaral ang kanilang limang pandama na
matatamo nila tungkol sa bagay na kanilang makikita.
a. Paglalakbay c. Madulang Pakikilahok
b. Pakitang-turo d. Tuwirang Karanasan

95. Paraan ng pagsasalaysay ng kuwento ayon sa paningin na kung saan ang tagapagsalaysay
ay nagsisilbing isang kamera na malatang nakalilibot subalit maitatala lamang nito ang
tuwirang nakikita at naririnig.
a. Paningin sa Unang Panauhan c. Paningin sa Ikatlong Panauhan
b. Itinakdang Obhetibong Paningin d. Obhetibong Paningin

96. Ano ang uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag na nasa ibaba?
Kapalaran, kumampi ka naman sa akin!
a. Pagmamalabis c. Palit-tawag
b. Pagtawag d. Palit-saklaw

97. Wikang nabubuo kapag ang mga taong nagtatangkang mag-usap ay parehong may
magkaibang unang wika kaya’t 'di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.
a. Pidgin c. Register
b. Archaic d. Creole

98. Anong pamamaraan ang dapat gawin ni Bb. Lucido kung nais niyang ipakita ang simulain ng
pakikipagsapalaran sa loob ng klasrum?
a. Isama sa teknik ang mga gawain o kagamitang naglalarawan kaugnay ng wika at
kultura
b. Lumikha ng isang kaligiran sa loob ng klasrum na gaganyak sa mga mag-aaral na
subuking masalita ang wika at mahimok silang sumagot anumang oras nilang naisin.
c. Iparamdam sa mga mag-aaral na hindi “masama” ang pagkakamali sa halip ito’y
magandang hudyat na may bagong nagaganap na pagkatuto sa wika.
d. Maglaan ng sapat na drill sa pagsasalita

JHESTONIE P. PACIS, LPT 12


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

99. Ayon sa kanya, ang mag-aaral na saklaw ng Programang K+12 ay ibibigay ng libre sa mga
nais pumasok sa pampublikong paaralan.
a. Pang. Noynoy Aquino c. Dr. Juan L. Manuel
b. Kalihim Bro. Armin Luistro d. Lourdes R. Quisumbing

100. Aklat na binabasa upang makakuha ng tiyak na impormasyon tulad ng diskyunaryo,


ensayklopedya at iba pa.
a. Batayang aklat c. Larawang aklat
b. Sangguniang aklat d. Sanayang aklat

101. Nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ang isang gumagamit


ng wika upang bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikisama at pagmamalaki na siya ay
kabahagi ng pangkat.
a. Linguistic Divergence c. Linguistic Convergence
b. Konsepto ng Varyabilidad d. Teorya ng Akomodasyon

102. Nakapagsasalaysay ng mga narinig o nabasang karanasang may kaugnayan sa mga


pangyayari sa kwento. Ito ay layuning nasa domeyn na ________.
a. Kognitib c. Apektib
b. Saykomotor d. Linggwistik

103. Is it ok na magturo ang isang teacher nang walang license? Nasa anong antas ito ng wika?
a. Balbal c. Pidgin
b. Kolokyal d. Pampanitikan

104. “Bumabagyo.” Anong uri ito ng pangungusap na walang tiyak na paksa?


a. Temporal c. Penomenal
b. Eksistensyal d. Modal

105. Anong uri ng maikling kwento ang “Suyuan sa Tubigan?”


a. Tauhan c. Katutubong Kulay
b. Sikolohiko d. Madulang Pangyayari

106. Salik ng varyasyon ng wika na nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa


pamamagitan ng kaangkupan sa lugar o komunidad na kinabibilangan ng tagapagsalita o
gumagamit ng wika.
a. Okyupeysyunal c. Sosyal
b. Moda d. Heograpikal

107. Dahil sa kakarampot na sahod ng mga nars sa Pilipinas kung kaya’t pinipili nilang
mangibang bansa para makaahon sila sa kahirapan. Ito ay halimbawa ng ________.
a. Problema/Solusyon c. Sanhi at Bunga
b. Tama o Mali d. Paghahambing at Pagkokontrast

108. A wika ay pinagkakasunduan ng isang lahi kaya naman ito ay naunawaan ng lahat.
a. Masistema c. Arbitraryo
b. Likas d. Dinamiko

JHESTONIE P. PACIS, LPT 13


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

109. “Nahulog ang bata!” Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito?
a. Padamdam c. Patanong
b. Pasalaysay D. Sambitlang Panawag

110. Akdang naglalaman ng mga pangaral tungkol sa kagandahan asal at dapat ugaliin sa iba’t
ibang pagkakataon.
a. Barlaan at Josaphat c. Dasalan at Tocsohan
b. Indarapatra at Sulayman d. Urbana at Feliza

111. Ang mga salitang parak, yorme, erpat at jetlag ay nasa anong antas ng wika?
a. Jargon c. Kolokyal
b. Pidgin d. Balbal

112. Sa akdang Noli Me Tangere ni Jose Rizal, gumamit siya ng mga salitang malalalim at ang
iba ay hindi na ginagamit sa panahon ngayon. Ang mga salitang ito ay mga ________.
a. Jargon c. Pidgin
b. Archaic d. Creole

113. Hangarin nitong makapagbigay nang wasto at epektibong pakikipag-ugnayan gamit ang
mga sagisag pangwika?
a. Talastasan c. Pagsasalita
b. Bokabularyo d. Linggwistika

114. Anong uri ng pangungusap ang “Magandang araw po sa inyo”?


a. Temporal c. Sambitla
b. Pormulasyong Panlipunan d. Pamanahon

115. Nangingibabaw ang bisa ng panitikan sa isip kaysa damdamin.


a. Klasisismo c. Maxismo
b. Romantisismo d. Feminismo

116. Sang-ayon sa DepEd Order no. 8 Series 2015, ang pagtataya batay sa performans ng K+12
ang may pinakamalaking bahagdan sa pagmamarka. Ito ay may ________ bahagdan.
a. 30 bahagdan c. 20 bahagdan
b. 40 bahagdan d. 50 bahagdan

117. Ang mga mag-aaral na may kabuoang marka o general average na 97% ay kinikilala bilang
mga mag-aaral na ________.
a. With high honors c. With highest honors
b. With honors d. With distinction

118. Ang wastong salin ng “Schools Division Superintendent” ay ________.


a. Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan
b. Pansangay na Tagasubaybay ng mga Paaralan
c. Punong guro ng mga Paaralan
d. Pansangay na Tagapagmasid ng mga Paaralan

JHESTONIE P. PACIS, LPT 14


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

119. Ang panubaybay na pagsusulit na isinagawa ni Bb. Balmes sa kanyang klase sa Filipino ay
maihahanay sa ________.
a. Written works c. Performance task
b. Quarterly Assessment d. Portfolio Assessment

120. Unang dapat isaalang-alang sa pagpili ng kagamitang pampagtuturo ni Gng. Campani sa


kanyang klase.
a. Halaga/Presyo c. Layunin
b. Availability d. Mag-aaral

121. Dalawang malalaking melon ang ibinigay niya sa akin. Anong uri ng pang-uring pamilang
ang sinalangguhitang salita?
a. Patakaran c. Pamahagi
b. Panunuran d. Pamatlig

122. Ibigay ang pagbabagong morpoponemiko ang nangyari sa mga sumusunod na salita:
TAKPAN, DALHAN, BUKSAN.
a. Pagkakaltas c. Reduplikasyon
b. Metatesis d. Asimilasyon

123. Ano ang wastong pagpapakahulugan sa idyomang “My bank account is in the red?”
a. Nakapag-ipon c. Nanakawan nang pera
b. Malapit nang maubos d. Bale-wala

124. Alin sa mga sumusunod ay sadyang isinulat upang ibigkas sa harap ng madla?
a. Anekdota c. Talambuhay
b. Pabula d. Talumpati

125. Hermogenes Ilagan : Dalagang Bukid : : ________ : Ninay


a. Pedro Paterno c. Alejandro Abadilla
b. N.V.M. Gonzalez d. Patricio Mariano

126. Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos, galaw at pangyayari.


a. Pangngalan c. Pang-uri
b. Panghalip d. Pandiwa

127. Narinig mong ipinagmamapuri ng inyong kapitbahay sa iyong ina ang nabili niyang blusa sa
Robinsons Mall. Nang tanungin ang nagmamapuri kung maraming tao, ganito ang kanyang
naging tugon sa iyong ina:

"Ang nagkakagulong grupo ng mga tao sa midnight sale ng Robinsons Mall ay


nagpapaalala sa hitsura ng mga pukyutang nabulabog sa kanilang taguan.’’

Ang pahayag na nabanggit ay isang anyo ng _________.


a. Paglalarawan c. Pangangatuwiran
b. Pagsasalaysay d. Paglalahad

JHESTONIE P. PACIS, LPT 15


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

128. Nagbibigay ang mga salitang nilalapian ng kahulugang tila, para o halos. Aling salita ang ‘di
dapat maisama sa pangkat?
a. Malapot c. Malarosas
b. Malasutla d. Malakanin

129. Pamamaraang ginagamit sa pagtalakay ng mga isyu at naoorganisa ang mga argumento.
a. Discussion Web c. Pamaraang Pasaklaw
b. Pamaraang Sitwasyunal d. Argumentasyon

130. Alin sa pangkat ng salita ang ginamitan ng hulapi?


a. lupa, bayani, bandila, langit c. sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa
b. maglaro, umalis, matakot, palayo d. ibigin, sulatan, sabihin, sabihan

131. Pagpapaliwanag sa tao ng mga kaalamang hindi niya maunawaan.


a. Pagsasalaysay c. Paglalahad
b. Paglalarawan d. Pangangatuwiran

132. Layunin nito na linangin ang aktibong pag-unawa sa pagbasa ng mga bata sa pamamagitan
ng pagbuo ng mga tanong, pagbuo ng layunin sa pagbasa, at pag-uugnay ng mga
impormasyon.
a. Ugnayang Tanong-Sagot c. DRA o Pinatnubayang Pagbasa
b. ReQuest o Tugunang Pagtatanong d. GMA o Group Mapping Activity

133. Isang uri ng tekstong naglalarawan ng isang biswal na konsepto tungkol sa tao, bagay,
pook, o pangyayari. Maaaring nagbibigay rin ito ng mas malalim na paglalarawan sa
kabuuan ng bagay o ng isang pangyayari.
a. Informative c. Narativ
b. Deskriptiv d. Argumentativ

134. Ang tugon ng tagatanggap ng mensahe sa komunikasyon ay tinatawag na _________.


a. tsanel b. fidbak c. midyum d. saloobin

135. Ang representasyong biswal ng mga kaalaman na nagbabalangkas sa mga impormasyon


sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mahahalagang aspeto ng mga konsepto o paksa sa
isang hulwaran o disenyo ay tinatawag na _________.
a. Graphic Organizer c. Concept Map
b. Brain Storming d. Spider Web

136. Kathang ang pinakadiwa ay mga bagay na makasaysayan subalit ang ibang pangyayari’y
likhang isip lamang ng maykatha.
a. Alamat c. Maikling Kuwento
b. Pabula d. Parabula

137. Isang kolaboratibong estratehiya na nagiging eksperto tungkol sa isang bahagi ng teksto.
a. Jigsaw c. Panel Discussion
b. Round Table Discussion d. Meet the Press

JHESTONIE P. PACIS, LPT 16


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

138. Pagpapalawak sa kapasidad ng kaisipan na lumilikha o bumubuo ng mga ideya.


a. Mapanuring pag-iisip c. Sensitibong pag-iisip
b. Malikhaing pag-iisip d. Lubusang pag-iisip

139. Ang biswal na representasyon ng ugnayan ng mga salita at konsepto ng isang paksa ay
makikita sa paggamit ng _________.
a. habing semantika c. salitang laro
b. etimolohiya d. komprehensyon

140. Kapag ang wika ay humahantong sa pagsasanib ng kaalamang ginagamit sa lahat ng uri
ng transaksyon o kalakaran, ang istilo ng wika ay _________.
a. intimeyt c. kaswal
b. pormal d. konsultatibo

141. Kung isasalin ang AU sa wikang Filipino, ito ay magiging _________.


a. AU c. Ginto
b. Palamutti d. Pilak

142. Kapag inugnay ang kahulugan ng bagong salita sa pamilyar na konsepto at karanasan
gayundin ang mga salitang alam na ng mga mag-aaral, ito’y tinatawag na _________.
a. integrasyon c. interpretasyon
b. pakikisangkot d. holistic

143. Akdang pampanitikan na nagsasaad ng mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na


pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon na kinasasangkutan ng
maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.
a. Nobela c. Dula
b. Sanaysay d. Maikling Kuwento

144. Kung may temang nag-uugnay sa lahat ng mga kasanayan ng iba’t ibang disiplina o
asignatura, ang pagtuturo’y _________.
a. batay sa nilalaman c. may maparaang pag-iisip
b. patuklas d. tematik

145. Ang ispeling o palabaybayan ay lalong kilala sa tawag na _________.


a. grafema c. sintaks
b. ortograpiya d. cognates

146. Pagdulog na kakikitaan ng ugnayan ng mga araling pinag-aaralan sa wika, agham,


matematika, araling panlipunan, musika at sining.
a. Integratibo c. Kolaboratibo
b. Interaktibo d. Komunikatibo

147. Manunulat na may sagisag-panulat na Tikbalang, Nanding at Kalipulako.


a. Mariano Ponce c. Jose Corazon de Jesus
b. Emilio Jacinto d. Lope K. Santos

JHESTONIE P. PACIS, LPT 17


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

148. Alinman sa mga gagamiting pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum upang


maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin ay tinatawag na __________.
a. teknik c. estratehiya
b. teorya d. pagdulog

149. Nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa bagay at pangyayari at tumutugon sa mga


tanong na nagsisimula sa Ano, Sino at Saan.
a. Argumentatib c. Naratib
b. Ekspositori d. Deskriptib

150. Tulang may bilang ng pantig sa bawat saknong na 5-7-5.


a. Duplo c. Haiku
b. Tanaga d. Soneto

***END***

SUBMIT THIS TEST BOOKLET TOGETHER WITH THE ANSWER SHEET TO YOUR ROOM
WATCHER/S. BRINGING THE TEST BOOKLET OUT OF THE ROOM WILL BE A GROUND
FOR CANCELLATION OF YOUR EXAMINATION.

*This is only a practice test booklet and is not a property or leakage from the PRC however, all instructions and
directions are synonymous to the actual board examination to drill the teacher examinees.

JHESTONIE P. PACIS, LPT 18


MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

MGA SANGGUNIAN

Abueg, Efren R., et al. 1998. Komunikasyong Filipino (Para sa mga Kolehiyo at Unibersidad).

Badayos, Paquito B. 1999. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika: Mga Teorya, Simulain at


Istratehiya, Grandwater Publications and Research Corp. Makati.

Bisa, Simplicia P. at Paulina B. Bisa. 1984. Lahing Kayumanggi. Quezon City: National
Bookstore, Inc.

Finocchiaro, Mary & Christopher Brumfit. 1986 The Functional-Notional Approach: From Theory
to Practice, Oxford University Press.

Komisyon sa Wikang Filipino. 2013. Ortograpiyang Pambansa

Panganiban, J. V. 1954. Panitikan ng Pilipinas. Quezon City: Bedes’ Publishing House.

Papa, Nenita P. 1991. Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. National Book Store, Maynila

Resuma Vilma Mascarina. 2002. Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino Komunikatibong


Modelo.

Royo, Ramero B. 2002 “Integrasyon ng mga Kasanayang Metakognitiv sa Pagtuturo ng Filipino:


Isang Mungkahing Modelo.” M.A. Thesis, Pamantasang Manuel L. Quezon.

________________. 2003. The National Artist of the Philippines 1999-2003. Pasig City: Anvil
Publishing, Inc.

________________. 1982. Matalinghagang Mga Pananalita. Manila: Surian ng Wikang


Pambansa.

Temple, Charles & Jean Wallace. 1996 Language and Literacy: A Lively Approach. Gillet, Harper
and Collins.

Tompkins, Gail E. 1998. Language Arts Content and Teaching Strategies, Prentice Hall: Simon
and Schuster, 4th ed.

This material is protected with Copyright Laws. No part of this review-material covered
by the copyrights hereon may be reproduced or copied in any form or by any mean-
graphic, electronic, or mechanical, including photocopying, taping, or information
storage and retrieval systems-without permission in writing from the Author.

JHESTONIE P. PACIS, LPT 19


TUNGKOL SA MAY-AKDA MAJORSHIP (SECONDARY) – FILIPINO

Si G. Jhestonie Peria Pacis, LPT ay nagtapos ng kursong


Bachelor of Science in Secondary Education major sa Filipino sa
Cagayan State University kampus ng Lal-lo noong Hunyo, 2019 at
pumasa sa Board Licensure Examination for Professional Teacher
o BLEPT (self-review/study) sa parehong taon.

Siya ay isang manunulat ng mga kagamitan sa pagbabalik-aral


para sa paghahanda sa BLEPT sa mga asignaturang Filipino
antas dalubhasa at General Education.

Siya ay nakadalo na rin sa ilang pambansa at pandaigdigang seminar-workshop. Ilan sa


mga ito ang mga sumusunod; BINHI 2019: Pambansang Seminar ng mga Guro at
Nagpapakadalubhasa sa Filipino (PNU-Maynila), International Seminar-Workshop on
Language Teaching and Research for Teachers in All Levels, 2nd International
Conference and 39th Annual National Convention and Seminar-Workshop and Training
for Campus Advisers, at 38th Annual National Convention & Seminar-Workshop for
Campus Advisers.

This material was contributed to NON-STOP TEACHING.


www.nonstopteaching.com

JHESTONIE P. PACIS, LPT 20

You might also like