Professional Documents
Culture Documents
1. This test questionnaire contains 120 test questions. Examinees shall manage to use 2
hours and thirty minutes.
2. Read INSTRUCTIONS carefully.
3. Shade only one (1) box for each question on your answer sheets. Two or more boxes
shaded will invalidate your answer.
4. AVOID ERASURES.
5. Write the subject title “FILIPINO” on the box provided.
MULTIPLE CHOICE:
1. Ano ang naging pangalan ng wikang pambansa noong 1959?
a. Pilipino c. Tagalog
b. Filipino d. Wikang Pambansa
5. Ito ay saligang batas na nagsasaad na ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
paglikha ng isang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
a. Batas Komonwealth Blg. 184
b. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
c. 1935 Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksyon 3
d. 1987 Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksyon 6-9
1
BEEHUB LEARNING CENTER GENERAL EDUCATION – FILIPINO
9. Ito ay patunay na ang Wikang Filipino ay umaagapay rin sa pagbabago. Alin ang nagpapakita
ng angkop na pagbabagong naganap sa alpabetong Filipino?
a. alibata-abecedario-abakada-alpabeto
b. alibata-alpabeto-abakada-abecedario
c. alibata- abakada-alpabeto Filipino
d. alibata-abakada- abecedario-alpabeto
11. Ito ay teorya ng wika na naniniwala na ang wika ay nailkha bunga ng masidhing damdamin.
a. Teoryang Tata c. Teoryang Yoheho
b. Teoryang Bow-wow d. Teoryang Pooh-pooh
13. Ito ay antas ng wika na ang mga salitang ginagamit ay istandard dahil ito ay kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami.
a. Impormal c. Sosyolek
b. Pormal d. Linggua Franca
15. Anong uri ng panaguri ang ginamit sa pangungusap na “siya ay huwarang guro”?
a. Pangngalan c. Panghalip
b. Pandiwa d. Pang-uri
17. Dulog pampanitikan na nagbibigay ng diin ng sariling panlasa ng bumabasa. Kilala rin ito
bilang reader-response theory.
a. Impresyonista c. Antropolohiya
b. Pansikolohiya d. Patalambuhay
20. Ito ang tamang baybay ng katawagan sa pinaghalong pagkain na madalas binibili kung
tag-init.
a. Halo-Halo c. Halu-halu
b. Halu-Halo d. Haluhalo
2
BEEHUB LEARNING CENTER GENERAL EDUCATION – FILIPINO
21. Si Marta ay nakita kong lakad ___ lakad kagabi.
a. ng c. na
b. nang d. pa
25. Ano ang ibig ipakahulugan ng idyomang nakasalungguhit sa pangngusap na ito; “Dapat
nating iguhit sa noo na di dapat magtiwala kaagad”.
a. tandaan c. kopyahin
b. ipinta d. kalimutan
26. Anong uri ng tayutay ang nakapaloob sa pangungusap na ito; “Hiningi ni Berto ang kamay
ng dalaga sa mga magulang nito”.
a. Pagpapalit-tawag c. Pagpapalit-saklaw
b. Pagbibigay-katauhan d. Pagwawangis
29. Ito ay tumutukoy taas-baba ng bigkas ng pantig ng isang salita upang maging mabisa ang
pakikipag-usap.
a. Diin c. Tono
b. Antala d. Segmental
30. Sa pangungusap na “Malakas ang boses mo” ang salitang malakas ay isang ____________.
a. Pang-uri c. Panghalip
b. Pangatnig d. Pandiwa
33. Ito ay isang probinsya sa Pilipinas na tinawag na “Ma-yi” ng mga Instsik noong ikalabing-
apat na siglo.
a. Ilocos c. Cavite
b. Mindoro d. Palawan
3
BEEHUB LEARNING CENTER GENERAL EDUCATION – FILIPINO
34. Ang Gintong Panahon ng Panitikan ng Pilipinas ay ang panahon ng ______________.
a. Amerikano c. Kastila
b. Hapones d. Kontemporaryo
37. Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito; “Ibigay sa kanya ang korona ng pagka-pangulo”.
a. Pagpapalit-tawag c. Pagpapalit-saklaw
b. Pagbibigay-katauhan d. Pagpapalit-wika
38. Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito; “Sumasayaw ang dahoon sa ihip ng hangin”.
a. Pagpapalit-tawag c. Pagpapalit-saklaw
b. Pagbibigay-katauhan d. Pagpapalit-wika
4
BEEHUB LEARNING CENTER GENERAL EDUCATION – FILIPINO
48. Ang nobelang El Filibusterismo ay inialay ni Rizal sa ________________.
a. Inang Bayan c. Mga Prayle
b. GomBurZa d. Kilusang Propaganda
52. Ito ay barayti ng wika na ang tanging bokabularyo ng isang particular na pangkat ng
Gawain.
a. Jargon c. Sosyolek
b. Dayalekto d. Idyolek
53. Ang tamang baybay ng hiram na salitang Ingles na “XEROX” sa wikang Filipino ay
_________________.
a. Seroks c. Xerox
b. Ceroks d. Siroks
54. Nasa anong uri ng pangungusap ang pangungusap na ito?; “Si Jose Rizal ay an gating
pambansang bayani”.
a. Patanong c. Padamdam
b. Pautos d. Pasalaysay
56. Ito ay isang mabilis sa pagbasa na nakakaya ng isang tao na kung saan ang hinahangad ng
mamababasa ay ang makuha ang buong kaisipan ng isang teksto.
a. Scanning c. Bootom-Up
b. Top-Down d. Skimming
5
BEEHUB LEARNING CENTER GENERAL EDUCATION – FILIPINO
64. Ibigay ang aspekto ng pandiwa ng pangungusap na ito. KASUSULAT LANG NIYA NG
KWENTO.
a. Pawatas c. Kontemplatibo
b. Perpektibo d. Imperpektibo
65. Ang saging kailanman ay di magbubunga ng santol. Ang salawikain ay nagpapahiwatig na:
a. Walang pagbabago ang anuman
b. Walang bungang di galing sa sariling puno
c. Ang bunga ng isang kahoy ay galing sa sariling lahi
d. Maaaring magbunga ng bayabas ang isang punong santol
66. Ang paggamit ng PUTING KALAPATI bilang sagisag ng kapayapaan ay tinatawag na:
a. Imahinismo c. Naturalismo
b. Simbolismo d. Realismo
67. May pulong na gaganapin at isinulat na ang lugar, petsa at oras. Isinulat din ang “agenda.”
Ano ang maaaring salin nito?
a. Pagtatalunan c. Paghahandaan
b. Pag-uusapan d. Pagkakaisahan
77. Aling pamamaraan ang ginagamit ng guro na nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa
paglalahat?
a. Pabalak c. Patuklas
b. Pasaklaw d. Pabuod
78. “Ikaw ang aking mahal”. Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
a. Payak c. Karaniwan
b. Tambalan d. Di-karaniwan
79. Ano ang angkop na salita sa pangungusap na ito? “___________ mo ng palaman ang
tinapay”.
a. Pahiran c. Pahirinin
b. Pahirin d. Pahirinan
80. Ano ang angkop na salita sa pangungusap na ito? “_____________ si James sa tiyan sa
Sabado”.
a. Opera c. Ooperahin
b. Ooperahan d. Ooperahanin
81. Mayaman ang nakaupo sa gobyerno ngunit nagdildil ng asin ang mga mahihirap.
a. natutuwa c. umaalat
b. naghihirap d. nagtitinda ng asin
7
BEEHUB LEARNING CENTER GENERAL EDUCATION – FILIPINO
85. “Heto na,heto na,/wahh!/ Doo bidoo bidoo, bidoo, bidoo”. Alin ang nabuong salita o tunog
sa linya na nabuo ayon sa teoryang pooh-pooh?
a. Heto c. Na
b. Wahh d. Doo bidoo
87. Ano ang mali sa pangungusap na ito? Ilang taon ring namahinga sa pag-awit ang sikat na si
Houston”.
a. Ilang Taon c. ang sikat
b. sa pag-awit d. ring
89. Si Lolo JM ay malakas pa kahit alog na ang baba. Ang kahulugan ng may salungguhit ay
__________________.
a. Malabo ang Mata c. Masakit ang baba
b. Matanda na d. Masakitin na
Basahin ang seleksiyon. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga katanungang sumusunod.
Ang tunay na pag-ibig ay walang binubunga kung hindi ang tunay na ligaya at
kaginhawaan. Kailan pa ma’t sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani. At ang kanyang
buhay ay nalipas ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag-ibig
ang naghahari kung hindi ang taksil na pita sa yama’t bulaang karangalan.
92. Kung gagamitan ng paghihibla sa mga konsepto sa talata. Alin ang pinakagitna?
a. Pag-ibig c. Ligaya
b. Kaginhawaan d. Kabayanihan
94. Maiibsan ang hirap mo sa pagtatrabaho kung may magpapasaya sayo. Ang salitang maibsan
ay nangangahulugan na __________________.
a. madagdagan c. maging masama
b. maging matindi d. mababawasan
95. Kapag ang isang tao ay maraming alam sa wika, siya ay _______________.
a. tagasaling-wika c. polyglot
b. informant d. linggwista
96. Galit ako sa mga estudyanteng parang kampana ang bibig sa loob ng klase.
a. tulad ng tunog ng kampana ang boses c. malakas ang boses
b. mukhang kampana d. Malaki ang bukas ng bibig
8
BEEHUB LEARNING CENTER GENERAL EDUCATION – FILIPINO
97. Madali siyang napakagat sa pain ni Meowk.
a. naloko c. napahanga
b. napakain d. nakilala
102. “Ayokong magtapon ng basura kahit saan”. Ano ang nais ipahayag ng pangungusap na ito?
a. Babala c. Pagtanggi
b. Pagmungkahi d. Pakiusap
103. “Tumawid sa tawiran at iwasan ang multa”. Ano ang nais ipahayag ng pangungusap na
ito?
a. Babala c. Pagtanggi
b. Pagmungkahi d. Pakiusap
105. Lumapit ka sa isang matandang lalaki upang magtanong ng oras. Ano ang pinakaangkop
sabihin?
a. Mama, anong oras na?
b. Tama po ba ang oras ninyo?
c. Patingin nga ho ng oras ninyo?
d. Pwede ho bang malaman kung anong oras na?
106. Halalan ng pamumuno sa iyong klase. Kung ikaw ang mamumuno, ano ang dapat mong
sabihin?
a. Magandang umaga. Sino ang gusto ninyong maging pangulo?
b. Bukas na ang hapag sa pagpapasok ng pangalan ng pagkapangulo?
c. Humanda na kayo sa pagpili ng ating pamunuan.
d. Tumahimik na kayo at magpasok na kayo ng pangalan ng pamunuan.
107. Tinawagan mo ang iyong kaklase sa telepono. Ina niya ang nakasagot. Paano ka
magtatanong sa kanya?
a. Pakisabi nga kay Joy, si Gabriel ito.
b. Pwede po bang makausap si Jay?
c. Nariyan ba si Jay?
d. Pakibigay nga po ang telepono kay Jay.
9
BEEHUB LEARNING CENTER GENERAL EDUCATION – FILIPINO
109. Ito ang kauna-unahang nobelang nasusulat sa Tagalog bagamat salin lamang.
a. Urbana at Feliza c. Doctrina Cristiana
b. Barlaan at Josaphat d. Florante at Laura
111. Aling pangungusap ang nagsasabi na siya ang pumatay at hindi ang nasasakdal?
a. Hindi, ako ang pumatay
b. Hindi ako, ang pumatay
c. Hindi ako ang pumatay
d. Hindi ako ang, pumatay
112. Aling pahayag ang nagsasaad ng pagtutol ni Ruben sa sinasabi ng kaniyang kausap na pera
ang mahalaga sa kaniya at hindi ang kaniyang bayan?
a. Hindi mahalaga para sa akin ang bayan ko
b. Hindi mahalaga para sa akin, ang bayan ko
c. Hindi mahalaga, para sa akin ang bayan ko
d. Hindi, mahalaga para sa akin ang bayan ko
Basahin ang seleksiyon. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga katanungang sumusunod.
Alam mo, noong nasa restawrant kami at kumakain, pinagmasdan ko siyang mabuti. Lalo siyang gumaganda
habang tinititigan. Pino ang kanyang kilos; kitang-kita ito habang siya ay kumakain. Maya-maya, may nakita
akong kakaibang kilos sa kanya. Nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Parang nahihirapan ngunit pilit
pa rin siyang ngumingiti na parang may itinatagong kung ano at pasulyap-sulyap sa kanyang inumin. Nahalata
ko na lamang na nahihirapan siyang lumunok dahil nabulunan. Nilapitan ko siya at binatukan, sabay abot sa
softdrinks at winikaan kong, MAGPAKATOTOO KA, SISTER.
115. Mahaba ang pahayag ni Paolo kaya kailangang iyong mahalaga na lamang ang dapat na
mabasa kaya gumamit siya ng _________________.
a. sintesis c. abstrak
b. ellipsis d. direktang sipi
116. Alin ang pinakamalakas ang dating na pahayag kapag kabataan ang nag-uusap sa isang
kuwento?
a. Ang ganda ng kanyang kasuotan!
b. Astig talaga ang ayos niya!
c. Katulad niya ang isang bathala!
d. Ang porma niya talaga!
10
BEEHUB LEARNING CENTER GENERAL EDUCATION – FILIPINO
Basahin ang seleksiyon. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga katanungang sumusunod.
Seleksyon – Ang sumusunod ay isang talumpati na may pamagat na SA KABATAAN
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay salitang NABANSOT. Kapag ang isang bagay daw ay dapat
pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay NABANSOT. Marami raw uri ngpagkabansot ngunit ang
pinakamalungkot na uri raw ay ang ng isipan, ng puso at ng diwa.
Ang panahon ng kabataan ay panahon ng pagklaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating
buong katauhan. Hindi lamang ng atinmg sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating at ga-pison man angating bigat ngunit
kung ang pag-iisip namat nati’y ga-kulisap lamang kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan at
bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo nama’y tulad ni “bondying” ay di pagkatiwalaan anong laking kakulangan.
Kung magkakatawan tayong katawang “Tarza” at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating
kalooban nama’y itim na duwende ng kasamaan anong kapinsalaan para sa kinabukasan.
Kinabukasan, kabataan, tayo raw ang pag-asa ng inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa lagnit ng kaganaan
at karangalan o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa
isang taon. Araw-araw ay tumatawid tayong palangit o bumabaluktod tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga
ninunong kung ano
raw ang kinamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at
sa araw ng bukas ay bigla tayong maging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapaglulublob
tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.
Kabataan, tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pagnarap wala rin sa pagpag ng
dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.
11