0% found this document useful (0 votes)
990 views4 pages

Fil 1

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
990 views4 pages

Fil 1

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

BOARD LICENSURE EXAM FOR PROFESSIONAL TEACHERS (BLEPT)

EXCELLENCE REVIEW CENTER


FILIPINO (General Education)
Direksyon: Basahin at unawain ang pangungusap o pahayag sa bawat aytem. Piliin ang pinakamalapit o
angkop na sagot. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Anong saligang batas ang nagsasaad ng ating Pambansang Lingua Franca?


A. SB 1987 Art XIII, sek 6 C. SB 1987 Art XIV, sek 6
B. SB 1987 Art XVV, sek 5 D. SB 1987 Art XIV, sek 5
2. Alin sa mga sumusunod na salita ang magbabago ang kahulugan kapag inalis ang gitling?
A. may – ari B. pag – ibig C. pag – asa D. tag – ulan
3. Aling pahayag ang tumutukoy sa kalagayan o sitwasyon sa ibaba.
Itinuturo sa pulis ang salarin.
A. Tinyente Magtanggol Luis / siya ang salarin.
B. Tinyente Magtanggol / Luis / siya ang salarin.
C. Tinyente / Magtanggol Luis / siya ang salarin.
D. Lahat tama
4. Ang kauna – unahang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikang Filipino ay si ___________________.
A. Amado V. Hernandez C. Lope K. Santos
B. Virgilio Almario D. Alejandro Roces
5. Aling lawak sa linggwistika ang tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng pag-uugnay-ugnay ng mga salita at parirala upang
bumuo ng pangungusap?
A. Ponolohiya B. Morpolohiya C. Sintaksis D. Semantika
6. Ano ang katangian ng mga sumusunod na salita? Magbasa, umibig, maligaya, paalis. Pare – parehong may ______________.
A. unlapi B. gitlapi C. hulapi D. laguhan
7. Alin sa pangkat ng salita ang ginamitan ng hulapi?
A. lupa, bayani, bandila, langit C. sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa
B. maglaro, umalis, matakot, palayo D. ibigin, sulatan, sabihin, sabihan
8. Ano salitang ugat ng PANITIKAN?
A. tik-an B. Pang C. titik D. panitik
9. Sinasabing dinala ng mga kastila rito ang isang uri ng panitikang hawig kay Miguel de Cervantes na “Don Quijote de la Mancha”.
A. Andante B. Awit C. Kurido D. Dula-dulaan
10. Isang pahayag na sadyang masining at kaakit-akit. Naghahayag ito ng makulay at mabisang pagpapakahulugan.
A. alusyon B. kasabihan C. kawikaan D. tayutay
Para sa aytem 11 - 12. Gawing isang pangungusap ang mga sumusunod na pares ng pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng
angkop na pang-ugnay (pangatnig o transisyunal na ekspresyon).
11. Nagkaroon sila ng pagdiriwang. Ang lahat ay nagalak.
A. sa kabilang dako B. bukod dito C. hanggang D. kung gayon
12. Ang mga masisipag ay nakinabang. Ang mga tamad ay nawalan.
A. ngunit B. sa kabuuan C. sa wakas D. walang duda
13. Pinatay ang pinakamatalik na kaibigan at itinuturing na “anak – anakan” ni Sir Pat. Dahil sa labis na kalungkutan ay nakalikha siya
ng isang tula para sa namayapang kaibigan at iyon ay kanyang binasa sa serbisyong nekrolohikal na hinahandog ng institusyong
pinagtuturuan niya. Ang tulang sinulat ni Sir Pat ay isang __________________.
A. elehiya B. oda C. soneto D. dalit
14. Nais malaman ni Gng. Filomena So kung anu – anong mga akda ang naghatid ng malaking impluwensiya sa kultura at kabihasnan
ng mga mamamayan sa daigdig kaya nagsaliksik siya. Natuklasan niyang hindi kasali ang _______________.
A. Noli Me Tangere B. Mahabharata C. El Cid Campeador D. Koran
15. Ito ay akda ni Graciano Lopez-Jaena na ukol sa masasamang katangian ng mga prayle sa Pilipinas at ayon sa ibang aklat ay
maikling nobela ngunit sa aktwal ay maikling kwento.
A. La Loba Negra B. Fray Botod C. Doctrina Christiana D. Karilyo
16. Ibig ipatanghal ni Sir Kristoffer ang tulang Panata sa Kalayaan ni Amado V. Hernandez sa buong klase, ngunit maikli ang
panahong gugugulin sa preparasyon. Ipapatanghal na lang niya ito sa paraang _________________.
A. reader’s theater B. sabayang pagbigkas C. pagkukuwento D. chamber theater
17. Nahihirapang pumili si Gng. Elizabeth Duran ng estudyanteng ilalahok sa timpalak sa pagtatalumpati. Dahil dito, hiniling niya na
papagpasalitain ang kanyang mga estudyante at mamarkahan niya ng malaking puntos ang ________________.
A. bigkas B. personalidad C. kilos at galaw D. kasuotan
18. Ito ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay at pamahalaan, at sa
kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha.
A. Komunikasyon B. Panitikan C. Divina Comedia D. Banal na Aklat
19. Teorya ng wika na nagsasaad ng matinding damdamin.
A. yoheho B. bow – wow C. ding – dong D. pooh - pooh
20. May mga pagkakataon na maaaring palitan ng ibang ponema/ tunog ang isang ponema nang hindi magbabago ang kahulugan ng
salita tulad ng __________________.
A. ewan – iwan B. diles – riles C. lalaki – lalake D. uso – oso

CAGAYAN DE ORO BUTUAN SURIGAO MALAYBALAY VALENCIA OZAMIZ PAGADIAN TACLOBAN 1


BOARD LICENSURE EXAM FOR PROFESSIONAL TEACHERS (BLEPT)
21. Ito’y mahabang tulang pasalaysay tungkol sa pakikibaka, pakikipagsapalaran at kabayanihan ng isang tauhang may kakaibang
lakas.
A. Satirikal B. Epiko C. Kundiman D. Tayutay
22. Ang aklat ni Homer, batayan ng kaligiran ng mitolohiya o paalamatan ng Gresya.
A. Ang Mitolohiya B. Ang Troy C. Ang El Cid Campeador D. Ang Iliad at Odyssey
23. Isinulat ni Harriet Beecher Stowe, ng Estados Unidos na nakatawag ng pansin sa karumaldumal na kalagayan ng mga alipin at
nagingbatayan ng simulain ng demokrasya.
A. Uncle Tom’s Cabin B. 1001 Tales of Arabian Nights C. 100 Years of Solitude D. El Cid Campeador
24. “Ang pangalan ni Derang ay isang mabangong bulaklak sa kanyang kanayon, at ang kanyang kabuhayan ay isang bukas na aklat
sa Tulikan.” Mula sa: Nagbibihis na ang Nayon ni Brigido C. Batungbakal
Piliin ang uri ng tayutay na ginamit sa akda.
A. pagtutulad B. pagwawangis C. pagmamalabis D. pagbibigay katauhan
25. Kumalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula sa trak.
A. metapora B. onomatopeya C. pagmamalabis D. pagbibigay katauhan
26. Isang kayumanggi ang pinarangalan sa larangan ng boksing.
A. senekdoke B. pagbibigay katauhan C. pagtutulad D. pagwawangis
27. Alin ang pinakatamang pahayag? ________________ niya ang langit.
A. Tinitingala B. Sinulyapan C. Tinitingnan D. tinitigan
28. Ano ang kahulugan ng tagbising panahon?
A. taglagas B. tagtuyot C. tag-araw D. tag-ulan
29. Ipanlalanggas sa sugat
A. ipantatapal B. ipaiinom C. ipanlilinis D. ipanggagamot
30. Pinagkanawan ng tingga
A. pinagtunawan B. pinagsalinan C. pinaglagyan D. pinaglutuan
31. Ang matandang babae ay “pikit matang” tinawid ang alambre.
A. Malapit nang mamatay
B. Tila walang naririnig at walang pakialam sa mga nagaganap sa kanyang paligid
C. May sapat na gulang at karanasan na
D. Buong lakas loob
32. Ang matalik na magkaibigan ay “nagsaulian ng kandila”.
A. nakiisa at sumang-ayon sa nakararami C. nagulo at nagdilim ang isip
B. pagkukunwari D. nagkagalit
Para sa aytem 33 – 34.
Sa pananaliksik, nagsisilbi na ring isang proposal ang konseptong papel na nabuo. Binubuo ito ng apat na bahagi: I – rasyunal
II – layunin III – metodolohiya at IV – inaasahang output o resulta. Ang mga pahayag sa ibaba ay hindi nakaayos batay sa format na
nabanggit sa unahan. alin sa sumusunod ang tama ang pagkakaayos

33. 1. Mag-iinterbyu ng mga hematologist, mga doktor na espesyalista sa pagsusuri ng dugo.


2. Sisiyasatin ang mga sanhi ng leukemia.
3. Batay sa DOH, panlima ang leukemia sa sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino.
4. Bubuo ng modyul kaugnay ng sakit na ito.

A. 3 – 4 – 1 – 2 C. 3 – 2 – 1 – 4
B. 2 – 3 – 1 – 4 D. 2 – 3 – 4 – 1
34.
1. Pakikipanayam sa mga namumuno sa lokal na pamahalaan kaugnay ng kanilang environmental
campaign.
2. Malaking suliranin ang maruruming ilog sa lalawigan ng Bulacan.
3. Tatangkaing sugpuin ang patuloy na karumihan ng mga ilog.
4. Pagpapalabas ng sirkulasyon ng babasahin ukol sa wastong pangangalaga sa kapaligiran.

A. 2 – 3 – 1 – 4 C. 1 – 4 – 3 – 2
B. 3 – 2 – 4 – 1 D. 4 – 2 – 1 – 2
35. Ano ang kasalungat / antonym ng matatag?
A. matibay B. malakas C. mabuway D. mataba
36. Alin sa mga sumusunod na salita ang may klaster?
A. diyes B. diyip C. daram D. drakula
37. Alin sa mg sumusunod ang epiko ng mga Manobo.
A. Tulalang B. Biag Ni Lam Ang C. Haraya D. Tuwaang
38. Isang uri ng dulang pangrelihiyon na palasak noong panahon ng kastila. Ang pinaka diwa rito ay ang paghahanap ng bahay na
matutuluyan ng mag asawang San Jose at Birhen Maria noong bisperas ng Pasko.
A. Senakulo B. Panuluyan C. Panubong D. Moro – moro
39. Isang uri ng komunikasyon gumagamit ng wika na maaring pasulat at pasalita.
A. Komunikasyong Berbal C. Komunikasyong Di – berbal
B. Sining ng Komunikasyon D. Komunikasyong panlahat
40. Abot langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan.
A. metapora B. onomatopeya C. pagmamalabis D. pagbibigay katauhan
41. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
A. pagtawag B. pagbibigay katauhan C. pagtutulad D. pagwawangis

CAGAYAN DE ORO BUTUAN SURIGAO MALAYBALAY VALENCIA OZAMIZ PAGADIAN TACLOBAN 2


BOARD LICENSURE EXAM FOR PROFESSIONAL TEACHERS (BLEPT)

42. Halimbawang ang napili mong paksa mula sa talaang ibinigay ng guro ay – PAGHAHALAMAN. Pinaliit mo ito at ang tiyak na
paksa ay MGA HALAMANG GAMOT. Upang malinang ang pagtalakay sa paksa, kailangang maghanda ng mga katanungang
nagsusuri, tumitiyak, nagbibigay sintesis (pagbubuo) tumutunton sa pinagmulan, naghahambing o kaya’y nagtatatag. Alin sa mga
sumusunod na tanong ang hindi nagsaalang-alang sa patnubay na nabanggit sa itaas?
A. Paano nakikilala ang mga halamang gamot?
B. Ibigay ang kahulugan ng halamang gamot.
C. Anu-anong halamang gamot ang magagamit sa iba’t ibang sakit?
D. Gaano nakatutulong sa ordinaryong mamamayang Pilipino ang mga halamang gamot?
43. Naririto ang mga impormasyong bibliograpikal. Piliin ang tamang pormat.

Simplicio P. Bisa
Retorika para sa mabisa at masining na pagsulat
De La Salle University Press, Inc.
1999
Maynila

A. Bisa, Simplicio P. (1999). C. Bisa, Simplicio P. (1999).


Retorika para sa mabisa at masining na pagsulat. De La Salle University Press, Inc.
Maynila: Retorika para sa mabisa at masining na pagsulat
De La Salle University Press, Inc Maynila

B. Bisa, Simplicio P. (1999). D. Bisa, Simplicio P. (1999).


Maynila: De La Salle University Press, Inc. Retorika para sa mabisa at masining na pagsulat.
Retorika para sa mabisa at masining na pagsulat. De La Salle University Press.

44. Ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng MI ULTIMO ADIOS ni Jose Rizal ay si _________________.
A. Emilio Jacinto B. Apolinario Mabini C. Andres Bonifacio D. Rafael Palma
45. “Tungkol saan ang talakayan ninyo?”
A.pagkuha ng impormasyon C. pagkontrol ng kilos ng iba
B. pagbabahagi ng damdamin D. paglikha
46. “Tena’t may klase pa tayo.”
A. pagpapanatili sa pakikipagkapwa C. pangangarap o paglikha
B. pagbabahagi ng damdamin D. pagkontrol ng kilos ng iba
47. Ito ay tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay. Halimbawa nito ay buwig, kumpol, at tumpok.
A. Basal B. Tahas C. Di – palansak D. Palansak
48. Ang mga sumusunod, maliban sa isa, ay ilan sa mga akdang pampanitikang nagdala ng malaking impluwensiya sa buong daigdig.
A. Ang Divina Comedia B. Ang Mahabharata C. Ang Iliad at Odyssey D. Ang Romeo at Juliet

Para sa aytem 49 – 50. Basahin at unawain ang artikulo. (Mga Proseso/Daynamik na Development ng Grupo)
Artikulo:
Pamumuno (Leadership)
Ano ang pamumuno?
Kapag iniisip mo ang tungkol sa pamumuno, ano ang pumapasok sa iyong isipan? Ang walang takot na tagapag-utos na
opisyales na pinamumunuan ang kanyang tropa patungo sa labanan? Ang president ng Amerika na nagtatalumpati sa kanyang bansa sa
pamamagitan ng telebisyong pangnasyonal? Ang pinuno na representante ng mga estudyante? Maaari ring iniisip mo ang namumuno
ng komite o lupon na iyong kinabibilangan. Kadalasan, ang pag-aaral tungkol sa pamumuno ay nakasentro sa mga taong naging
matagumpay sa pagkakaroon ng posisyong namumuno. Ayun sa mga mananaliksik, sa pamamagitan ng pagtingin sa mga
matatagumpay na mga pinuno ay maaari nilang kilalanin at alamin ang mga kadahilanan o mga indibidwal na katangian na
makapagsasabi ng mga abilidad at kakayahan ng tamang pamumuno. Ang pag – alam sa mga katangiang ito ay malaki ang magiging
kahalagahan sa larangan ng negosyo, gobyerno, o sa military na may responsibilidad sa pagtataguyod o pagbibigay sa ibang tao ng
posisyon ng pagkalider.
Mula sa: Semorlan, et al. (1999) Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina.p . 119 – 120
49. Halimbawa ito ng artikulo/ babasahing may hulwarang ____________________.
A. pag-iisa-isa B. depinisyon C. paghahambing at pagkokontrast D. problema at solusyon
50. Aling salita ang walang kaugnayan sa pangunahing ideya ng artikulo?
A. pinuno B. tagapag – utos C. president D. mananaliksik
51. Gamit ang graphic organizer anu-anong salita ang maiuugnay sa pamumuno?

A. tropa, bansa, komite


pamumuno B. opisyal, president, kinatawan
C. military, gobyerno, negosyo
D. walang tamang sagot

52. Kami ang kabataang siyang magiging pag – asa ng bayan.


A. Pagtula B. Pagtukoy C. Pagtatanong D. Pasasalamat
53. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay ______________.
A. Pilipino B. filipino C. Tagalog D. Filipino

CAGAYAN DE ORO BUTUAN SURIGAO MALAYBALAY VALENCIA OZAMIZ PAGADIAN TACLOBAN 3


BOARD LICENSURE EXAM FOR PROFESSIONAL TEACHERS (BLEPT)
54. Si Francisco Baltazar ang may akda ng Ibong Adarna na isang halimbawa ng _______________.
A. kurido B. elehiya C. oda D. kundiman
Para sa aytem 55 – 56. Tukuyin ang nagpamali sa pangungusap.

55. Ipinagbabawal ang mga protesta sa napaka-konserbatibong kaharian, na umiigting ang tensiyon ng nagsisimula ang pag-aaresto
A B
sa daan-daang illegal immigrant kasunod ng pagpaso ng huling amnestiya noong Nobyembre 4 para ayusin nila ang kanilang mga
C D
estado. Walang mali
E
56. Tahimik rin na lumuluha ang mga pamilya sa isang pamayanan sa kabisera ng Syria noong Martes habang inaayos nila ang mga
A B
bangkay ng apat na bata at ang bus driver ng mga ito na nasawi sa isang mortar attack sa kanilang paaralan sa pamayanan ng mga
C D
Kristiyano noong Lunes. Walang mali
E
57. Alin sa mga sumusunod ang magiging tulong sa pagsasalin ng wikang Filipino?
A. Komersyalisasyon B. Intelektwalisasyon C. Modernisasyon D. Istandardisasyon
58. “Malalim ang bulsa ng kanyang Nanay.” Ang ibig sabihin nito ay ________________.
A. mapera B. walang pera C. mapagbigay D. kuripot
59. Ibigay ang uri ng tayutay na ginagamit sa pahayag na ito.
ANG KANYANG MGA MATA NA WARING NAGMAMAKAAWA SA AKIN.
A. Sinekdoke B. Personipikasyon C. Ironiya D. Apostrope
60. Ang pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang wika ay higit na magiging bias kung gagamit ng ________________.
A. pagsasaulo B. tanong – sagot C. pagkukuwento D. modelo
61. Kaninong tula hango ang sumusunod?
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.”
A. Jose Rizal B. Emilio Jacinto C. Apolinario Mabini D. Graciano Lopez Jaena
62. Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po
ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po ako ay hindi nagbibigay ng kahit isang pinangako kung anihan.
Ang nagsasalaysay ay isang _____________________.
A. empleyado B. magsasaka C. hardinero D. mangingisda
63. Anong uri ng tayutay ito?
Dumadagundong ang tunog ng loud speaker sa mahinang dibdib ng matanda.
A. Onomatopeya o paghihimig C. Alliteration o pag - uulit
B. Apostrophe o pagtawag D. Antithesis o pagtatambis
64. Ang paalala ay gamot sa taong nakakalimot.
A. simile B. pagtatao C. pagmamalabis D. pagwawangis
65. Sumisipol ang hanging amihan.
A. sinekdoke B. Irony C. metonomy D. personification
66. Alin ang kasingkahulugan ng pariralang nagbibilang ng poste?
A. mahusay magbilang C. walang poste
B. mahusay magtrabaho D. walang trabaho
67. dambana: pag-aalay:: __________________
A. entablado: pagtatanghal C. kasalan: simbahan
B. paaralan: edukasyon D. libingan: himlayan
68. kamatayan: pagluluksa:: ___________________
A. kalusugan: kayamanan C. sanduguan: kasunduan
B. trono: kapangyarihan D. kaarawan: pagdiriwang
69. Ang matandang babae ay “pikit matang” tinawid ang alambre.
A. Malapit nang mamatay
B. Tila walang naririnig at walang pakialam sa mga nagaganap sa kanyang paligid
C. May sapat na gulang at karanasan na
D. Buong lakas loob
70. Ang matalik na magkaibigan ay “nagsaulian ng kandila”.
A. nakiisa at sumang-ayon sa nakararami
B. pagkukunwari
C. nagulo at nagdilim ang isip
D. nagkagalit

“Kung kaya mong isipin, kaya mong gawin.” - Joey Ayala

CAGAYAN DE ORO BUTUAN SURIGAO MALAYBALAY VALENCIA OZAMIZ PAGADIAN TACLOBAN 4

You might also like