Professional Documents
Culture Documents
Direksyon: Iayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap sa bawat bilang upang bumuo ng
isang talatang nagtataglay ng malinaw at maayos na kahulugan.
18. A. Ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ay itinatag noong 1989 ng 18 member nations.
B. Ang APEC meeting noong 2004 ay ginanap sa Santiago, Chile.
C. Bago ang taunang pagpupulong, nagkaisa na magdaos ng Ministral Meeting ang bansang host sa
pagtitipon.
D. Ang tuntunin ng APEC ay malayang kalakalan, pagtutulungan pang-ekonomiya, serbisyo,
teknolohiya at iba pa.
1. ABDC 2. ACDB 3. BADC 4. BDCA 5. BCAD
19. A. Isinasagawa ng maunlad na bansa ang pagtulong at pagpapalakas ng balangkas ng kabuhayang-
bansa.
B. Kailangan ng mga bansang huli sa kaunlaran tulad ng Pilipinas na matamo ang kapanatagang
kabuhayang bansa.
C. Ang pagpaplano ng Kabuhayang Bansa ay kinikilalang tungkulin ng mga makabagong
pamahalaan.
D. Sa Pilipinas, tulad ng mga di-maunlad na bansa, ang pamahalaan ay pangunahing tanggapan sa
pagpapaunlad.
1. ADCB 2. ADBC 3. CABD 4. CDBA 5. DABC
20. A. Ang mga pananagutan sa batas ng isang tagapagtuos ay maraming kadahilanan.
B. Tunay na kasiya-siya ang gayong pagtitiwala sa tagapagtuos.
C. Ang tagapagtuos, kung gayon ay kinakailangang katiwala hindi lamang ng kapakanan ng mga
sosyo kundi ng mga mamamayang nakikipagkalakalan sa mga kompanya.
D. Ang mahalaga sa mga ito ay ang katotohanan na ngayon ay tiyak na pangangalakal na malagay
sa anyong korporasyon at hindi batay sa isang pamayanan o sa pagsasamantalahan ng dalawa.
1. ACDB 2. ADCB 3. BCAD 4. CDAB 5. DABC
21. A. Datapwat sa kabila ng sinasabi sa bibliya na ang magpakababa ay itataas at ang nagpapakataas ay
ibababa, higit ang mapagmataas kaysa mapagkumbaba.
B. Ang pagpapakumbaba ay isang magandang katangian na dapat taglayin ng bawat tao.
C. Tunay na napakaganda ng katangiang ito kaya ito’y nabanggit sa Bibliya.
D. Maraming tao ang naniniwala na ang Bibliya ay isang gintong aklat ng buhay.
1. ABCD 2. ACBD 3. DBCA 4. BCDA 5. CBAD
22. A. Ito ay parang ibon na maamo sa mga taong nagpapala sa kanya at mailap sa mga nagwawalang-
bahala.
B. Tagumpay ang hangad ng bawat tao ngunit ang tagumpay nama’y di naipagkakamit sa lahat ng
tao.
C. Sikap at tiyaga ang kailangan upang ito ay matamo.
D. Sino mang magkapalad na magkamit nito ay nagiging tampulan ng paghanga at nagsisilbing
huwaran ng iba.
1. ABCD 2. ACBD 3. BACD 4. BADC 5. CBAD
_____________________________________________________________________________________
IDYOMATIKONG PAGPAPAHAYAG:
26. Mahilig magkuwento si Amor ng mga bagay na tulad ng mga likaw na bituka ng kanyang mga
kapitbahay.
a. Mga karanasan c. kabuhayan
b. Mga lihim o sekreto d. di-mawari
27. Mahirap pakisamahan ang mga taong lumaki sa nuno.
a. Lumaki sa ibang pamilya c. lumaking sunod lahat ang gusto
b. Walang pakialam d. Malaya
28. Batak ang katawan ni Joaquin dahil isa siyang magsasaka.
a. Sanay sa trabaho c. malakas
b. Masakitin d. sanay sa hirap
29. Ako ay kanyang kaututang-dila.
a. Pipi b. kaibigan c. kaaway d. kapatid
30. Tila isang taong tulog na lukan kung kumilos si Simeon.
a. Mabagal b. tamad c. di-maintindihan d. mapagkunwari