You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Bohol Island State University


Candijay Campus
Cogtong, Candijay, Bohol

Vision : A premier Science and Technology university for the formation of a world class and virtuous human resource for sustainable development of Bohol and the country.
Mission : BISU is committed to provide quality higher education in the arts and sciences, as well as in the professional and technological fields; undertake research and development and
extension services for the sustainable development of Bohol and the country.
________________________________________________________________________________________________

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Unang Semestre
T.P. 2019-2020

MIDTERM NA EKSAMINASYON
SA
SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN

I. PAGPIPILI
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik at salita/pangungusap ng iyong
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Pagbubuo ito ng mga pahayag sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o
bilang ng pantig at pagtutugma nga mga salita sa hulihan ng bawat taludtod sa mga saknong.
A. Patula B. Tuluyan K. Padula D. Pagpapahayag
2. Sila ang unang taong nanirahan sa ating pulo, tinatawag din silang Baluga.
A. Indonesyo B. Malay K. Negrito D. Intsik
3. Ang layunin ng panitikang ito ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda at ipinahiwatig rin dito ang lahat
ng “pinaka” ng may-akda.
A. Humanismo B. Bayograpikal K. Realismo D. Klasismo
4. Sila ang sumunod na pangkat ng tao na dumating sa Pilipinas, may lahing Hakka na tinatawag ding manggugusi sa pagkat
nilalagay nila sa gusi ang bangkay ng kanilang mga mahal sa buhay.
A. Indonesyo B. Malay K. Negrito D. Intsik
5. Ayon kay____, “Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan ng makata.”
A. Pedro L. Ricarte B. Ruben Vega K. Dr. Soledad S. Reyes D. Aljendro G. Abadilla
6. Sila ang ang isa pa sa pangkat ng tao na dumating sa ating pulo at nagdala ng pananampalatayang Muslim.
A. Malay B. Indonesyo K. Arabe D. Kastila
7. Siya ang tinaguriang “makata ng pag-ibig.”
A. Jose Dela Cruz B. Jose Corazon De Jesus K. Lope K. Santos D. Ildefonso Santiago
8. Ano ang pangunahing hangarin ng Espanya sa pananakop ng ating pulo?
A. Angkinin ang bansang Pilipinas? K. Ibahagi sa mga Pilipino ang kanilang mga dasal at paniniwala?
B. Magpalaganap ng relihiyong katoliko? D. Magbahagi ng kanilang panitikan at kultura?
9. Ito ay katipunan ng mga akda na likha ng damdamin at kaisipan ng isang tao, lipi o ng isang lahi sa iba’t ibang panahon ng
kasaysayan ng isang bayan at ng isang bansa sa kabuuan.
A. Kultura B. Panitikan K. Paniniwala D. Kasabihan
10. Layunin ng panitikang ito ang ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; binibigyang tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao gaya ng talino, talent, atbp.
A. Eksistensyalismo B. Humanismo K. Realismo D. Klasismo
11. Ayon sa kanya, “Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa
pamumuhay sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang Lumikha”.
A. W.J. Long B. L. Tiamzon-Rubin K. Del Rosario G. D. Azarias
12. Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng
may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa.
A. Teorya B. Panunuring pampanitikan K. Kritisismo D. Teoryang pampanitikan
13. “Ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng mga pinakamabuting kaisipan at damdamin”.
A. Azarias B. L. Tiamzon-Rubin K. W.J. Long D. Del Rosario G.
14. “Salamin ng kultura ang panitikan, nakalarawan dito ang kahapon, ngayon at maging ang bukas ng isang bansa”.
A. Azarias B. L. Tiamzon-Rubin K. W.J. Long D. Del Rosario G.
15. Ito ay maluwag na pagsasamasama ng mga salita sa katutubong takbo o karaniwang anyo ng pangungusap.
A. Panulaan B. Tuluyan K. Paladulaan D. Kapwa A at B
16. Pagtatanghal ito ng isang bahagi o tagpo ng buhay o isang pangyayari na humahantong sa kasukdulan.
A. Panulaan B. Tuluyan K. Paladulaan D. Wala sa nabanggit
17. Ayon sa kanya, “Ang Tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, at ng kadakilaan.”
A. Azarias B. Del Rosario G.K. Julian Cruz Balmaceda D. Edgar Allan Poe
18. Ayon sa kanya, “Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang tanang kariktan makikita sa silong ng alinmang
langit.”
A. Julian Cruz Balmaceda K. Alejandro G. Abadilla
B. Iñigo Ed Regalado D. Del Rosario G.
19. Karaniwan itong masasaksihan sa mga baryo lalo na paglalamay sa patay. Kawiwili-wili itong pakinggan sa dahilang ito’y
paligsahan sa pangangatwiran sa patulang pamamaraan.
A. Balagtasan B. Duplo K. Tulang Pasalaysay D. Tulang-dula
20. Siya ay tinaguriang “ama ng maikling kwenton.”
A. Jose Corazon De Jesus B. Alejandro G. Abadilla K. Edgar Allan Poe D. Lope K. Santos
21. Ito ay may himig na awit sa dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw noong unang panahon.
A. Kurido B. Awit K. Soneto D. Balad
22. Ang panitikang ito ay may layuning ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.
A. Humanismo B. Eksistensyalismo K. Realismo D. Historikal
23. Ito ay may masiglang nilalaman na pumupuri sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao.
A. Awit B. Balad K. Elehiya D. Oda
24. Ang layunin ng panitikang ito ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o mag desisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo.
A. Humanismo B. Realismo K. Eksistensyalismo D. Bayograpikal
25. Madamdamin ang nilalaman nito sa dahilang ang karaniwang pinapaksa ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan,
kalungkutan, pag-asa, pangamba, kaligayahan.
A. Oda B. Awit K. Balad D. Dalit
26. Ang nilalaman nito ay tungkol sa isang singsing na sadyang inihulog ng prinsesa sa dagat sa hangarin niyang mapangasawa
ang kasintahang mahirap.
A. Balagtasan B. Duplo K. Karagatan D. Epiko
27. Isinalaysay nito ang kagitingan ng isang tao: ang mga tagumpay niya sa digmaan, pakikipagtunggali sa mga kaaway ngunit
may mga pangyayaring hindi kapani-paniwala.
A. Karagatan B. Epiko K. Kurido D. Awit
28. Taglay nito ang mga paksang may kinalaman sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian tulad ng
mga hari, prinsipe, duke, reyna at prinsesa na ang layunin ay palaganapin ang relihiyong katoliko.
A. Awit B. Kurido K. Epiko D. Karagatan
29. Ayon sa kanya, ang pagtula’y paggagad at ito’y lubhang kahawig sa sining ng pagguhit, paglililok at pagtatanghal.
A. Julian Cruz Balmaceda K. Alejandro G. Abadilla
B. Iñigo Ed Regalado D. Fernando B. Monleon
30. Nagtataglay ito ng karanasan, guni-guni, kaisipan at mga pangarap na maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao.
A. Tulang Liriko o tula ng damdamin K. Tulang pasalaysay
B. Tulang Patnigan D. Tulang dula o pantanghalan
31. Ang layunin ng panitikang ito’y maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang
nag-iibigan.
A. Romantisismo B. Klasismo K. Humanismo D. Realismo
32. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Akdang Klasiko?
A. Pagkamalinaw B. Pagkamarangal K. Pagkamatimpi D. Walang Hangganan
33. Ang akdang “Florante at Laura” ay halimbawa ng anong teoryang pampanitikan?
A. Romantisismo B. Realismo K. Klasismo D. Humanismo
34. Alin sa mga sumusunod na katangian ang HINDI dapat taglayin ng ng isang kritiko.
A. matapat sa sarili K. tigas ng puso
B. laging bukas ang pananaw sa pagbabago . D. iginagalng ang desisyon ng iba.
35. Ayon kay ______, “Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin.”
A. Pedro L. Ricarte B. Ruben Vega K. Dr. Soledad S. Reyes D. Alejandro G. Abadilla
36. Pormulasyon ito ng mga palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng malinaw at sistematikong
paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ng mga bagay.
A. Panunuri B. Kritisismo K. Teorya D. Panitikan
37. Layunin ng panitikang ito’y ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng
kanyang pagkahubog.
A. Bayograpikal B. Realismo K. Humanismo D. Historikal
38. Ayon sa teoryang ito, “ang wika at panitikan ay hindi maaaring paghiwalayin.”
A. Istrukturalismo B. Realismo K. Historikal D. Eksistensyalismo
39. “Nasa paghahanapbuhay ang tugon upang lasapin ang sarap ng buhay.” Ang pahayag na ito ay nagsasaad ng anong teoryang
pampanitikan?
A. Pormalismo B. Sosyolohikal-panlipunan K. Siko-analitiko D. Realismo
40. Ito ay may layuning ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
A. Humanismo B. Realismo K. Eksistensyalismo D. Dekonstruksyon

Para sa aytem 41-50, isulat ang Kritisismo kung ang sumusunod na katangian ay nagsasaad ng pagiging kritisismo at Panunuri
naman kung ang katangian ay nanunuri. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

41. Naghahanap ng kung ano ang pwede.


42. Kongreto at tiyak.
43. Naghahanap ng kulang.
44. May katangiang seryoso.
45. Nagtatanong upang maliwanagan.
46. Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya maunawaan.
47. Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig.
48. Nakalahad sa mabuti, matapat at obhetibong tinig.
49. Tumitingin lamang sa kung ano ang nasa pahina.
50. Malabo at malawak.

Inihanda ni:

JOSEPHINE M. OLACO
Guro

You might also like