panlipunan MISYON • Magkaroon ng matagumpay na kinabukasan ng mga mag-aaral at may takot sa diyos at may tahimik na pamumuhay. • Magpatuloy ang mga pangarap na may kakayahan at may tiwala sa sarili. VISION • Magbigay at itaas ang kalidad ng edukasyon na may natatanging modernong pananaliksik sa kurikulum. • Nag nanais na maisabay ang mga mag aaral sa isang patakaran sa pag aaral. ANO ANG PANITIKAN? •Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA NAGDALA NG MALAKING IMPLUWENSIYA SA BUONG DAIGDIG • BIBLIYA O BANAL NA KASULATAN- naging batayan ng pananampalataya ng mga Kristiyano.
• KORAN- banal na aklat ng mga Muslim.
• UNCLE TOM'S CABIN NI HARRIET BEECHER STOWE-
nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at pinagsimulan ng pandaigdig na paglaganap ng demokrasya. •DIVINA COMEDIA ni Dante- nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng mga Italyano sa kapanahunang yaon.
•CANTERBURY TALES ni Chaucer-
naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya ng mga Ingles. • AKLAT NG MGA ARAW ni Confucius- naging batayan ng pananampalataya at kalinangang Intsik. • ISANG LIBO'T ISANG GABI- naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at Persya. • EL CID COMPEADOR- tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng katangiang panlahi ng mga Kastila • AWIT NI ROLANDO- nagsasalaysay ng panahong ginto ng Kristiyanismo sa Pransya, napapaloob dito ang Ronces Valles Doce Pares ng Pransya • AKLAT NG MGA PATAY- tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan ng Ehipto • MAHABHARATA- ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong mundo na tumatalakay sa pananampalataya sa India MGA AKDANG PAMPANITIKAN NOBELA • Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. PABULA • Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. • Isa itong salaysayin na ang layunin ay makahubog ng ugali at pagkilos. PARABULA • isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na “parable” na nanggaling naman sa Greek word na “parabole” na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon. MAIKLING KUWENTO • Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. • Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". • Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo. SANAYSAY • Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang komposisyon na kadalasan ay naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng may akda. • Sa ganitong paraan, naipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa. • Isa rin itong uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin ay maipabatid ang iyong saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu. TALAMBUHAY • Ang talambuhay (mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na may diwang "tala ng buhay") o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon. TALUMPATI • Ang talumpati ay isang maayos na pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita. • Ang Talumpati ay binibigkas sa harap ng mga tagapakinig, maaaring sa isang kapulungan. • ang talumpati ay isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao napinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layuninnitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay kaalaman oimpormasyon at maglahad ng isang paniniwala. BALITA • Isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. • Isang paglalahad ng mga pang araw-araw na pangyayari sa lipunan. BALAD • Ang balad ay tulang inaawit habang may nagsasayaw. Ginawa ito noong matagal nang panahon. Mayroon itong anim hanggang walong pantig. TULA • Ayon kay LEJANDRO G. ABDILLA “ang tula ay kamalayang nagpapasigasig” • Ayon kay JULIAN CRUZ BALMACEDA “ Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan– ang tatlong bagay na magkakatipon tipon sa isang kaisipan upang mag- angkin ng karapatang matawag na tula” • Ayon kay INIGO ED. REGALADO “Ang tula ay isang kagandahan, dula, katas, larawan, at kabuuan ng tanag kariktang nakikita sa silong ng alin mang langit” MGA URI NG TULA 1. TULANG LIRIKO O TULA NG DAMDAMIN- nagtataglay ng karanasan , kaisipan, guni-guni, pangarap at iba’t ibang damdaming maaaring madama ng may akda o ng ibang tao. Ang uring ito ay maikli at payak. 2. Tulang pasalaysay- naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag- ibig, pagkaibigo, at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma. MGA URI NG TULANG LIRIKO a. AWIT- may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan. b. SONETO- nagtataglay ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod. c. ODA- pumupuri ito sa mga pambihirang nagawa ng isang tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. d. ELEHIYA- tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan. e. DALIT- ito ay tulang nagpaparangal sa dakilang lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay. MGA URI NG TULANG PASALAYSAY a. EPIKO- nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay nya sa digmaan, hindi kapani-paniwala ang ibang pangyayari at maituturing na kababalaghan. b. AWIT AT KURIDO- mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prisipe, prinsesa, duke, konde, at iba pa. c. Karaniwang Tulang pasalaysay- ang mga paksa ay tungkol sa mga pangyayari sa pang-araw-araw na buhay. DULA • Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. • Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo. MGA URI NG DULA a. TRAHEDYA- sa dulang ito’y may mahigpit na tunggalian. Ito’y nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan. b. KOMEDYA- ito’y nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo. Ito ay may layuning pukawin ang kawilihan ng manonood. c. MELODRAMA- gamit ito sa dulang musical, kasama na ang opera. d. PARSA- ang layunin ng dulang ito ay magpatawa sa pamamagitan ng kawil- kawil na pangyayari at mga pananalitang lubhang katawa-tawa. e. SAYNETE- ang pinakapaksa ng uring ito ay mga karaniwang pag uugali ng tao o pook.