You are on page 1of 18

MODYUL

SINE SOS

SINE SOSYEDAD

ACADEMIC YEAR 2022-2023

Prepared by:
CARMENCITA C. RESURRECCION
Instructor
GABAY SA PAGTUTURO

A. PARA SA MGA GURO

SINESOSYEDAD (SINESOS) Framework ng SINESOSYEDAD/SINESOS 

• Filipino bilang midyum ng adbokasing panlipunan 


• Filipino bilang wika ng midyang popular at mga kilusang panlipunan
 • Pelikula bilang interesanteng materyal na panturo at daluyan ng kulturang popular 
• Pelikula bilang paraan ng pag-unawa sa iba’t ibang perspektiba, kultura at lipunan

Depinisyon ng Termino 

• Adbokasing panlipunan (social advocacy): anumang positibong pagbabago na


itinataguyod ng mga mamamayan para sa kapakanan ng nakararami sa lipunan 

• Kilusang panlipunan (social movement): (mga) pangkat ng mga mamamayan na


nagtataguyod ng positibong pagbabago para sa kapakanan ng nakararami sa lipunan 

Filipino: Wika ng Midyang Popular 

• Ginagamit na ng buong bayan. 


• Pangunahing wika na rin sa midya. 

Filipino at Adbokasing Panlipunan


 
• Mga awit ng/sa protesta 
• Tulansangan; tulagalag 
• Posisyong papel, resolusyon, manipesto, praymer ng mga kilusang panlipunan 
• Teatrong panlansangan 
• Mga pelikulang may kabuluhang panlipunan (social relevance) at nagpapataas sa
kamalayang panlipunan (social consciousness) 

B. PARA SA MGA MAG-AARAL

Milenyal: Henerasyong Mas Biswal 

• Maikli ang attention span lalo na sa lektura 


• Ipinanganak sa panahong napapaligiran na sila ng gadget atbp. (digital natives sila) 
• (Medyo) tamad magbasa ng teksto 
• KAYA, mabisang materyal na panturo sa kanila ang mga pelikula
PAMBUNGAD

Ang SINESOS ay kurso sa Panitikan na nakatuon sa paglinang sa kasanayan sa kritikal


na panonood at komparatibong pagsusuri ng mga pelikulang makabuluhan sa
konteksto ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng dulog na tematiko ay inaasahang
masasaklaw ng kurso ang mga paksang makabuluhan sa pag-unawa ng
kontemporaryong lipunang lokal, nasyonal at internasyonal, alinsunod sa pagtanaw sa
panitikan bilang transpormatibong pwersa.

Ang modyul na ay ginawa upang higit na maunwaaan ng mga mag-aaral ang


kahalagahan ng ating wika at kung ano ang Sine Sosyedad .Nilalayon nito nahigit na
mapagtibay ang mga Pelikulng Panlipunan na lubhang mahalaga sa ating bansa lalo
na sa panahon ng mga Melenyal.

SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN (SINESOS)

Credits : 3 YUNITS (TATLONG ORAS BAWAT LINGGO


Pre-Requisite : NONE

Inaasahang Matututuhan:

Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang mga


sumusunod:

Kaalaman
1. Maipaliwanag ang piling teorya sa pagsusuri ng pelikulang panlipunan.
2. Matukoy ang mga pelikulang panlipunan na makabuluhan sa kontekstong Pilipino.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa pagsulat ng komparatibong pagsusuri ng pelikulang
panlipunan.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan hinggil sa kabuluhan sa lipunan
ng mga paksang pelikula.
3. Mapanuring maisakatuparan ang makrokasanayang panonood.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa mga positibong aspekto ng kultura ng mga
mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo.
2. Malinang ang adhikaing makapag-ambag sa pagbabagong panlipunan.
3. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan
at mataas na antas ng diskursong pangkultura, pampanitikan, at pampelikula.

AKTIBIDAD:

1.Pagtatala ng talasalitaan mula sa pinanood 


3.Pagbubuod sa isang napanood n Pelikula
4.Pagbibigay ng sariling reaksyon sa napanood na Pelikula
5.Paggawa ng video gamit ang tiktok app.

AKTIBIDAD SA BUHAY:
Interbyu, pananaliksik at pagsisiyasat sa mga tao sa likod at harap ng kamera.

PAGTATASA:
Maikling pagsusulit
Mini Wokshop
(Midterm Module)

PELIKULA

 Kilala rin bilang SINE at PINIKALANG TABING


 Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo
ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan
 Tinatawag ding Dulang Pampelikula ,Motion Picture , Theatrical film o Photoplay
 Ito ai isang sining na may ilusyong optikal pra sa mga manonood
 Isang larawan o mga taong gumalaw sa isang saklaw na lugar.
 Nilikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagkakarecord ng “totong” tao

Kasaysayan ng Pelikula
Mga uri ng tema sa Pelikula

 Romansa/Pag-ibig- umiikot ang kwento sa pagiibigan ng mga taunahan sa


pelikula
 Komedya- pelikula na kung saan nag sasaad ng kasiyahan o lihitimong
pagatawa.
 Musikal- pelikula na kung saan ang bidang lalaki/babae ay nag sisiawitan.
 Pakikipag Sapalaran- pelikula kung saan ang kwento ay nagaganap sa ibat
ibang lugar at tumatalakay sa tao o lunan ukol angkop na pag kakarehistro ng
nangyari sa kwento
 Aksyon –pelikula kung saan ang bida ay gumagamit ng dahas para marisolba
ang problema
 Krimen- pelikula na kung saan tumutukoy sa buhay ng isang krimenal.

 Pantalambuhay – pelikula kung saan tumatalakay sa tunay na buhay ng isang


tao.
 Drama – pelikula kung saan naka depende sa realistikong pag ganap ng bida at
malalamin ng emosyon gaya ng pag tataksil, sekwalidad, kahirpan at bisyo
 Pantasya – pelikula na kung saan tamang pantastiko na pinalolooban ng mahika
at mga kakabang pangyayari.
 Epiko- pelikula kung saan tungol sa paglalakbay ng bida na tumatalakay sa
mahihiwagang pangyayari
 Katatakutan- pelikula patungkol sa mga bagay na nakakatakot at nakakasindak
na pangyayari
 Science Fiction- pelikula na base sa pangyayari na hindi tanggap ng agham.

GAWAIN:
Pumili ng lima (5) sa mga uri ng pelikula at magbigay ng dalawang (2) halimbawa ng
pelikula na iyong napanood na.Ilagay ang ilang detalye tungkol dito.
a. Pamagat ng pelikula _____________________________
b. Tema ng pelikula _____________________________
c. Petsa kung kailan ito ginawa o ipinlabas. ___________________________
d. Pngunahing tauhan ______________________________
e. Direktor ___________________________________

LIPUNAN

 Isang grupo ng mga tao o mamayanan na binibigyan ng katangian o


paglalarawan sa mga huwaran sa mga pgkakaugnay ng mga bawat ndibidwal na
ibinabahagi ang ibat ibang kultura at mga institusyon.
 Ito ay kinapaplooban ng mga pamilya, mga institusyon at ibat ibang istruktura sa
paligid.
 Pagkakaisa ang pangunahing kailnagn ng lipunan.
 Tinatawag na malaking pangkat ng tao na may karaniwang nabubuong pag-
uugali, ideya at mga saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo at
itinunuturing na isang pamayanan o yunit .
 Kinapapaloban din ito ng kultura na nabuo dahil sa wika.
 Dahil sa pagdami ng kultura ng mga tao ay nabuo ang isang lipunan.

GAWAIN

Magbigay ng iyong reaksyon o kuro kuro tungkol s relasyong ng lipunan at pelikula?


______________________________________________________________________
_______
______________________________________________________________________
__________________________________________________________.

Ibigay ang importansya o kahalagahan ng Pelikula sa Lipunan.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________________________________.
MGA DULOG PAMPANITIKAN

TEORYANG PORMALISMO

 Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa o manonood ang nais


ipaabot gamit ang kaniayang tuwirang panitikan.
 Walang simbolo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-
unawa
 Layunin: pagtuklas at pgpapaliwanag ng anyo ng akda . Pisikal na katangian ng
akda.
 Matukoy ang nilalaman ,kaanyuan o kayarian , at praan ng pgkakasulat
 Masuri ang tema o paksa ng akda ,sensibidad ng mga tauhan at pag-uugnayan
ng mga salita ,istruktura ng wika ,metapora,imahen o iba pang elemento.

TEORYANG MARKISMO/MARXISMO ( PROPONENT KARL MARX)

 Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa taong ay


may sariling kakayahan n umangat buhat sa pgdurusang dulot ng png-
ekonomiyang kahirapan at suliraning pnglipunan at pampulitika .
 Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan .
 Sa may akda ay ngsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Halimbawa ng Pelikulng MAkismo


 LION KING
 Cesar Chavez

TEORYANG REALISMO

 Nagpaphayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.


 Layunin: ipakita ang karanasan at kasaksihan ng may akda sa kanyang lipunan
SA MAKATOTOTHANANG PAMAMARAAN.
 Ipinaglalaban ng teoryang ito ang katotohanan kesa kagandahan

Halimbawa ng mga akda:


 AMBO
 BANKANG PAPEL
 MG IBONG MANDARAGAT
 MAGANDA PA ANG DAIGDIG
 DEKADA 70

IBAT IBANG PANGKAT NG PAGSUSURING REALISMO SA PANIKAN


 Pinong (gentle ) Realismo
 Sentimrntal na Realismo
 Sikolohikal na Realismo
 Kritikal na Realism
 Sosyaliatang Realismo
 Mahiwagang (magic ) Realismo

TEORYANG FEMINISMO

 Layunin ng panitikan ay ,aipakita ang mga kalakasan at kakayahang pambabae


at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
 Madaling matukoy an gang isang panitikan ay feminism sapagkat babae o
sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipinamayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan

Halimbawa ng Pelikulang Feminismo


 Everything about her( Vilma Santos at Angel Locsin)
 Suffragette

GAWAIN 1.

Gamit ang internet humanap ng Pelikulang nakabatay s sa apat n nabanggit na


Teorya ,
Ibigay ang iyong reaksyong kung bakit sa palagay mo ito ang nababagay na pelikula sa
bawat Teoryang nabanggit?

Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikulang


Panlipunan
• Karakterisasyon/Mga Tauhan (Sinu-sino ang mga karakter?;
Anu-ano ang positibo at negatibo nilang katangian?)

Karakterisasyon- Ito ang karakter na gumaganap at nag bibigay-buhay sa kwento ng


pelikula
2 katangian ng tauhan
Protagonist(bida) - pangunahing tauhan o bida. Ehemplo o modelo ng kabutihang asal.
Hal. Fernando Poe jr, Coco Martin, Angek Locsin, Vilma Santos atbp.
Antogonist(kontrabida)- Kalaban o pantapat na tauhan sa protgonista. May negatibong
katauhan.
Hal. Max Alvarado, Baron Geisler, Dimple Romana, Eula Valdez atbp.

• Banghay/Plot at/o Sinopsis at/o Buod (Ano ang pokus ng


salaysay at tunggalian? Paano ito nalutas o nanatiling
walang kalutasan? Ano ang kinahinatnan ng mga
pangunahing karakter?)
Banghay
-Ang ibig sabihin ng banghay ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari sa paksa o kaya sa kuwento. Nakaayos ang mga pasalaysay
na pangyayari.

Bahagi ng Banghay
● Simula - dito nababanggit ang kilos, paghubog sa tao, mga hadlang o suliranin.
● Gitna - naglalaman ng sunud-sunod at magkakaugnay na mga pangyayari.
● Wakas - nagkakaroon ng kalutasan ang problema o suliranin.
Elemento ng Banghay

● Panimulang Pangyayari - pinakilala ang mga tauhan sa tagpuan ng isang


kwento.

● Pataas na Aksyon - pinapakita ang pagtaas o pagtindi ng kilos o galaw ng mga


tauhan na maaaring humantong sa sukdulan at nahahati sa dalawang bahagi na
saglit na kasiglahan at tunggalian.

● Kasukdulan - pinapakita rito ang mataas na bahagi ng kapapanabikan na


maaaring dulot ng damdamin o pangyayaring maaksyon sa buhay ng tauhan.

● Pababang Aksyon - dito makikita ang paunti-unting paglilinaw ng mga


pangyayari at hudyat nang pagbaba ng aksyon na nagbibigay daan sa nalalapit
na pagtatapos ng kuwento.

● Wakas at Katapusan - ang kahihinatnan ng mga tauhan ay makikita rito batay


sa mga pangyayaring naganap.

• Sinematograpiya

Cinematography -ito aymula sa Greek word na kinema na nangangahulugan ng pag


galaw at graphein na nangangahulugang mag rekord.

- pag kuha ng wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na


pangyayari sa pamamagitan ng tamang timpla ng ilaw at lente ng camera.
-ang pag-iilaw at pag galaw ng kamera ang dalawang mahalagang bagay sa
sinematograpiya

Uri ng layo ng kamera sa kinukuhanan

 Extreme Long Shot - o sa ibang termino ay scene- setting . Mula sa malayo ay


kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang mga
manonood sa magiging tako ng buong pelikula.

 Long shot- Mga 20 hanggang 150 talampakan naman ang layo ng kamera sa
kinukunan. Nakikita pa rin ang kapaligiran, ngunit may ilang detalye na ng mga
tauhan.
 Medium Shot- Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas.
karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o pagitan ng
dalawang taong nag- uusap.

 Close up- Sa kuhang ito higit na malapit, kita ang buong mukha.
-Hind binibigyang diin ang nasa kapaligiran.
Posisyon ng Kamera

 Eye Level - ginagamit ito sa karaniwang pag-uusap ng mga tauhan sa eksena.

-
Hindi literal na sa mata naka pokus ang kamera
- naka pagitan sa mata at balikat .
 High Angle- sa posisyon ng kamerang ito, mataas sa karaniwan (level) ang
kamera ay nakatungo sa kinukunan . Ito ay kilala din sa tawag na Bird's eye
view.
 Low Angle- Kabaligtaran ng High angle. mas mababa sa karaniwan ang kamera
at nakatingala sa kinukunan. ang isa pang katawagan dito ay Worm's eye view.

Pag-galaw ng Kamera

 Tilt- ito ay ang pagtingala (tilt up) o ang pag tungo (tilt down) ng kamera mula sa
isang posisyon.
 Pan- kung ang tilt ay pag tingala o pag tungo ng kamera ang pan naman ay ang
paglingon ng kamera pakanan (pan right) o pakaliwa ( pan left).
 Zoom- ito naman ay ang pag galaw ng kamera mula malayo ay lumalapit ang
kinukunan sa pamamagitan ng pag galaw ng lens o lente ng kamera Zoom in
ang tawag dito. ang kabaligtaran ng pag layo mula malapitang kuha ay tinatawag
namang zoom out.
 Dolly- ang kuhan ito ay hawig sa zoom pero hindi lang lente ang gumagalaw.
mismong kamera ang lalapit o lalayo sa kinukunan.
 Parallel/ travelling/ Track- Gumagalaw din ang buong kameraupang sumunod o
sumabaybay sa kinukunan. Iba't bang ang tawag depende kung paano dinadala
o nilalakbay ang kamera

Pag -eedit sa Pelikula

-Ang pag-eedit ng pelikula ay ang proseso ng pagpili, pagsasaayos at pag lapat ng


nakunang materyal sa film para maipalabas or maipahayag ang isang tao, bagay o
pangyayari sa pinaka dramatiko at pinaka mabisang paraan.

Tatlong manunulat ng pelikula

-manunulat ng kwento o iskrip

- ang direktor
- editor

Tatlong Yunit ng pelikula

- Shot ( basic yunit ng pelikula, pinag kakaabalahan ng direktor)

-Scene ( upang makagawa ng ng isang sequence o isang mahalagang pangyayari sa


pelikula)

-Sequence ( Ang editor ang pumipili,nagbubungkos,nakatagpi ng mga kuha upang


mabuo ang isang scene)

Tatlong bagay na isinasalang-alang ng editor

- Oras o Panahon

- Ritmo -Ugnayan

Panlipunang Nilalaman/Social Content ng Pelikula (Marxista,

Feminista, o Realistang pagsipat)

SINESOS (thematic)
Kasarian- mga pelikulang may kaugnayan sa kasarian ng mga ng mga pangunahin
tauhan.
Hal• “Everything About Her” (2016); “Suffragette” (2015); “Pride”
(2014); “Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” (2011)

Migrasyon at Diaspora- pelikulang tumatalakay na may kaugnayan sa paglipat ng


tauhan mula sa isang lugar patungo sa ibang byan. Maaaring panloob na migrasyon o
panlabas na migrasyon.
Hal• “Emir” (2010); “Caregiver” (2008); “Transit” (2013); “Cesar
Chavez” (2014); “It’s A Free World” (2007); “Unlucky Plaza”
(2014); “Ilo ilo” (2013); “Sunday Beauty Queen” (2016)

Pamilya, Relasyon, Pag-ibig


Mga pelikulang may kaunayan sap ag-ibig lalong higit sa pag-ibig sa pamilya. Ito ay
mga pelikulang nagpapakita o sumaslamain sa tunay na reyalidad ng buhay.
Hal• “Filipinas” (2003); “Pamilya Ordinario” (2016); “Dagsin” (2016);
“Endo” (2007); “Honor Thy Father” (2015); “Perdiendo el norte”
(2015); “In a Better World” (2010); “Meow” (2017); “The Secret
of the Magic Gourd” (2007); “Comrade Kim Goes Flying” (2012)

Kultura
Tumatalakay ang pelikulang ito sa nakagisnan, nakaugaliaan at tradisyon ng isang
lugar o bansa.
Hal• “Ang Babae sa Septic Tank” (2011); “Debosyon” (2013); “The
Monk” (2014); “También la lluvia” (2010)

SINESOS (thematic)

Kalikasan-\
Ito ay uri ng pelikuka kung saan ang ang piankatinatampok ay mmay kaugnayan sa
kalikasan .

• “Avatar” (2009); “The Lorax” (2012); “Yogi Bear”


(2010); “Muro-Ami” (1999); “Oro” (2016); “Samsara”
(2011); “Okja” (2017); “Pandora” (2011)

SINESOS (thematic)

Ekonomya, Politika at Kasaysayan, mga plikulang tumatalakay sa ekonomiya at


kasaysayan ng isang bansa.

“Where To Invade Next” (2015); “Our Brand is


Crisis” (2015); “The Good Lie” (2014); “Eye in the
Sky” (2015); “Goodbye Lenin!” (2003); “Millions”
(2004); “Voces Inocentes” (2004); “Chakravyuh”
(2012); “The Liberator” (2013); “Selma” (2014);
“Patikul” (2011); “Metro Manila” (2013); “Sigwa”
(2010); “Mandela” (2013); “Orapronobis” (1989);
“The Big Short” (2015); “A Royal Affair” (2012);
“Capitalism: A Love Story” (2009); “The Last
Emperor” (1987); “Amigo” (2010); “I Daniel Blake”
(2016); “Fire at Sea” (2016)

Mini-Workshop

• MAY NAIISIP PA BA KAYONG IBANG TEMA?


Maglista ng 2 pang tema at magtala ng 2
lamang na pelikula kada tema.

Mini-Workshop

• Sumulat ng panimulang Marxista, Feminista,


at Formalistang pagsipat (2 pelikula kada
“ismo”). Hindi pwedeng magkakapareho ng Pekikula

PELIKULANG HINGIL SA ISYUNG PANGKASARIAN


 Dito matutunghayaan ang ibat ibang kasasarian na gumaganap sa pelikula
(lalaki, babae,lgbt at lesbian). At mga suliranin na kinakaharap sa lipiunan ukol
sa kasarian.
 Pagkakaiba ng SEX AT KASARIAN
KASARIAN- tumutukoy sa panlipunan gampanin, kilos, at Gawain na itinakda ng
lipunan para sa mga babae at lalaki.
SEX- tumutukoy sa biyolohikal o pisyolohikal na katangian sa nagtatakda ng
pagkaakiba ng babae at lalaki.
 Pagkakaiba ng sexaual orientation at gender identity(SOGI)
SEXUAL ORIENTATION- tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas
ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba
sa kanya, o kasariang higit sa isa. (GALANG Yogyakarta)
GENDER IDENTIFICATION -• (pagkakakilanlang kasarian) kinikilala bilang
malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na
maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
(GALANG Yogyakarta)

- Kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring


mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin
sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba
pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at
pagkilos.

Uri ng Oryentasyong Sekswal


 Heterosexual
 Homosexual
 Bisexual
ALPABETO NG SOPAS
LGBT/ LGBTIQA- inisyalismo para sa Lsbian Gay Bisexual at Transgender
(LGBT) o Lesbian Gay Bisexual Transgender Intersex Questioning/Queer at
Allies
Ipinagdiriwang tuwing Hunyo ang Pride Month bilang paggunita sa Stonewall riots,
isang mahalagang pangyayaring nagtulak sa pagsulong ng "gay pride" o ang
pagmamalaki ng pagiging miyembro ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT)
community laban sa diskriminasyon.

Ang Stonewall riots ay serye ng mga marahas na protesta ng LGBT community laban
sa mga police raid na nangyari sa Stonewall Inn sa New York noong Hunyo 28, 1969.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month, narito ang ilan sa mga pelikulang Pinoy
na tumatalakay at naglalahad sa mga karanasan ng mga miyembro ng LGBT
community sa bansa.

Halimbawa ng Pelikula:

 Everything About Her


 AngSayawngDalawang Kaliwang Paa

 2 cool 2 be 4gotten (2016)


 Die Beautiful
 Pagdadalaga ni Maximo Oliveros
Pelikulang Hinggil sa Migrasyon at Diaspora

Ano ang Disaspora?


 ito ay ang pagmigrate ng mga tao mula sa kanilang bayang sinilangan patungo
sa ibang lugar o ibang bansa.
Halimbawa : mga OFWs.
Bakit sila umaalis?
 Konti lang ang oportunidad sa knilang bayan
 Mas malaki ang kita sa ibang bansa , kaya mas makakatulong ito sa kanilang
pamilya.
Mga halimbawa nga pelikulang tungkol sa Diaspora:
 Caregiver
 Thelma
 Milan
 Dubai
 Anak
Ang mga Pelikulang ito ay base sa totoong istorya ,makikita ang mga pinagdaan ng
ating mga kababayan sa ibang bansa.

Gawain 1:

Panonood ng piling Pelikula hingil sa Diaspora at pagbibigay ng talasalitaan at aral


mula sa pelikula.( reaction paper).

PELIKULANG HINGGIL SA ISYUNG PAMPAMILYA, PANRELASYON , PAMPAG-


IBIG
 Ipinakikita ditto ang kahalagahn ng pamilya at ang ibat ibang relasyon mayroon
ang mga Pilipino.
 Dito rin tintalakay ang ibat ibang relasyon ,pampamilya ( magulang at anak),
pakikipgakapwa tao , pakikitingo sa ibang kasarian , pakikipagkaibigan sa kapwa
kasarian at maging realasyong may kaugnay sa pag-ibig.
Halimbawa:
Honor Thy Father
 Ang Pelikulang tio ay tungkol sa isang Pamilya na ibat ibang trahedya ang
nangyari. Ipinakita rin dito ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang pamilya
na gagawin ang lahat maprotektahan lang niya ang mga ito.
 Ipinakikita rin ditto ang ibat ibang problema mapa relihiyon , pera, sarili o maging
problema sa tao / sarili.

Iba pang haimbawa ng mga pelikulang hingil sa isyung Pampamiya , relasyong


pampag-ibig :
Ang babae sa septic tank
Pamilya Ordinario(2016)
Shes Dating a Gangters( Kathniel)
Seven Sundays
Filipinas

Gawain:

Panonood ng piling pelikula


Pumili ng PELIKULANG HINGGIL SA ISYUNG PAMPAMILYA, PANRELASYON ,
PAMPAG-IBIG at ibigay ang sumusunod
 5- 10 talasalitaan at kahulugan
 Mga tauhan ng pelikula
 Buod ng pelikula
 Aral mula sa pelikula

SANGGUNIAN:

CHED Memo. No. 57, Series of 2017 at MGA SILABUS SA FILIPINO SA KOLEHIYO
(Nobyembre 2017). Para sa regular updates: www.facebook.com/TANGGOLWIKA

David Michael M. San Juan


Pangulo, PSLLF
Convenor, TANGGOL WIKA
Associate Professor, De La Salle University-Manila

Sa paghahanap ng mga dokyu, suring-pelikula atbp. midyang


makabuluhan, maaaring sipatin ang
• pinoyweekly.org o facebook.com/pinoyweekly.org
• manilatoday.net
• ibon.org
• facebook.com/tudlaproductions
• https://www.youtube.com/user/tudlaproductions
• facebook.com/altermidya
• bulatlat.com
• crossingconnection.com
• www.plarideljournal.org
SlideShare.com
www.youtube.com
Inihanda ni:

Carmencita Resurreccion
Instructor

Checked by: Reviewed by: Noted:

Prof. John Matthew Aquino Mr. Mark Lester Engr.Solita M. Costales


Magsino
Program Chair, (CoE) Dept. Chair (Filipino) Dean (College of Engineering)

Recommended by: Approved by:

Prof. Randall B. MBM Prof. Alvaro T.


Dioquino Jr.
CLAMDEV Focal Person, Director, CLAMDEV
(Engineering)

Module Outline/ Template by: Prof. Randall B. Pasco; Prof. Alvaro T. Dioquino, Jr.; and Prof. Precious De Leon
Other contributors for the development of the Module Outline: Dr. Sigfredo C. Adajar: Prof. Sherwin Quizon: Prof. Jordan Puhawan: Prof, Vivian Asacta; Prof. Danver
Reyes; Prof. Eunice Jamilah De Leon; Jasmin P. Pasco, LPT; Prof. Bibeth Fofue; Prof. Bry May Boongaling; Prof. Cartney Lagaya; Prof. Dominic Florendo; Dr. Lota Q.
Baldemora and CLAMDEV constituents
Cover design by: Prof. Medel Valencia

You might also like