You are on page 1of 10

Bataan Peninsula State University

Balanga Campus
SINESOSYEDAD
Midterm Examination

Pangalan: Waje, Arselia Adora Kurso:BSA - IA Prof. Monic S. Romero

Mga gabay na tanong na gagamitin sa pagsusuri:

1.
Pormat ng Panunuring Pampelikula

I. Pamagat
Anniversary

II. Mga Tauhan


Ang mga tauhan sa napanood na video ay magkasintahan. Sila ay sina Jason at Claire.

III. Buod ng Pelikula


Si Jason at Claire ay matagal nang magkasintahan. Dahil si Jason ay pokus lang sa
kanyang trabaho at career sapagkat gusto niyang maging successful, nakakalimutan na niya ang
mahahalagang pangyayari sa kanya at sa kanyang kasintahan, ang kanilang Anniversary. Para kay
Claire, masakit ang ganito, siya lamang palagi ang gumagawa ng paraan o nakakaalala pa sa
kanilang relasyon. Hindi alam ni Jason na nasasaktan na rin si Claire sa ganoong klaseng
sitwasyon dahil nararamdaman ni Claire na parang wala nang patutunguhan ang kanilang
relasyon. Sobrang hirap iyon para sa kanila hanggang sa muntik nang masira ang kanilang
relasyon na matagal na. Ngunit hanggang sa dulo ng maikling video, sila pa rin ang nagkatuluyan
at umabot sila sa kanilang unang wedding anniversary. Nalampasan nila ang kanilang problema,
parehas silang lumaban para sa kanilang pag-ibig.

IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)

a. Tagpuan
Ang karamihan sa mga eksena ay naganap sa Jollibee, isang fast-food restaurant. Dahil
nga si Jason ay nagtatrabaho, ang ilan sa kanyang mga eksena ay sa loob ng opisina.
b. Protagonista
Ang pangunahing bida na sina Jason at Claire ang protagonista.
c. Antagonista
Walang naipakitang antagonista sa maikling video.
d. Suliranin
Hindi nabibigyang halaga o nakakalimutan ang mga importanteng pangyayari na
napakahalaga sa isang tao tulad ni Claire ng kanyang kasintahan na si Jason dahil na rin sa pagka-
busy at pokus niya sa kanyang trabaho upang maging matagumpay. Sila rin ay muntik nang
maghiwalay dahil hirap na hirap na rin si Claire.
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
Ang kanilang relasyon ay pinagsubok na rin ng panahon. Para sa magkasintihan, oras sa
isa’t isa ay mahalaga. Hindi sumuko agad ang dalawa sa knilang relasyon. Pinaglaban nila ang
kanilang pagibig. Natutuhan ni Jason na mas maglaan ng oras kay Claire kaysa sa kanyang
trabaho.
f. Mga ibinunga
Dahil sila ay parehas na lumaban, sila pa rin ang nagkatuluyan sa huli.
V. Paksa o Tema
Ang kwento ay base sa tunay na buhay. Ang nangyayari kay Jason at Claire ay nangyayari
rin sa ibang magkasinthan. Ipinapakita sa kwento ang mga problemang dumadating sa
magkasintahan. Ang isa ay nawawalan ng oras para sa kanilang relasyon habang ang isa ay patuloy
na lumalaban pa. At sa problemang iyon, natugunan nila iyon at nalamapasan.

VI. Mga Aspektong Teknikal

a. Sinematograpiya
Maganda at maayos ang kuha ng director sa bawat eksena ng kwento. Makikita talaga
kung gaano nakapokus ang kamera sa mga tauhan upang mas lalong mapkita ang emosyong nais
nilang ipakita.
b. Musika
Akma ang musikang nagamit sa kwento. Malungkot ang kwento na hanggang huli ay
naging masaya na kaya naman ganoon ring ang nailapat na musika.
c. Visual effects
Hindi kailangan ng kwento ng matinding visual effects dahil simple lang naming ang
istorya ng video.
d. Set Design
Naka-akma rin ang set design sa lahat ng eksena dahil hindi lang sa loob ng Jollibee
kinuhanan.

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula


Sa lahat ng problema ng bawat magkasintahan, ay may solusyon. Kung parehas na hindi
susuko at ipaglalaban pa ang kanilang relasyon, sila ay magpapatuloy pa rin at mas magiging
maayos pa ang kanilang relasyon. Tulad ni Jason na natutuhan na mas maglaan ng oras kay Claire
kaysa sa kanyang pagiging successful.

Mga Gabay sa Pagsusuri na gagawin:

1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga katangian
ng tauhan upang makilala ang bida (protagonista) at ang kontrabida (antagonista)?

Malinaw na naipakita ang dalawang pangunahing tauhan sa kwento. Malinaw rin na silang
dalawa ay parehas na protagonista dahil sa kanilang katangian at walang kontrabida.

2. Istorya o Kwento – May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o ito’y
isang gasgas na kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa pelikula upang
lubos na maunawaan ng mga manonood?

Sa aking palagay, ito rin ay may kaibahan dahil ito ay nagbase sa tunay na buhay. At dahil
dito maraming tao ang makakarelate sa ganitong istorya. Maayos ang pagkakasunod-sunod ng
pangyayari dahil naunawaan ko ng mabuti kung ano nga baa ng nais iparating ng pelikula.

3. Diyalogo – Matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kauuan ng pelikula. Angkop ba
ang lenggwahe sa takbo ng mga pangyayari?

Akma lamang ang lahat ng salita at lenggwaheng ginamit sa kwento. Hindi ito naging
bulgar at iyon ay tama lamang dahil seryoso ang tema ng pelikula. Mas naintidihan rin ito ng
manonood.
4. Titulo o Pamagat – Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at
nauunawaan ng manonood ang mga simbolismo na ginamit sa pamagat?

May naging impact rin ang pamagat dahil talagang inaabangan ng manonood ang kada
series na ginagawa ng Jollibee sapagkat alam nila na maganda ang bawat istorya nito. At
tagumpay nga sila, dahil marami ang nakapanood ng video. Ang pinaka-titulo nga niya ang akma
rin sa kwento. Mauunawaan ng manonood na ito ay tungkol sa magkasintahan.

5. Sinematograpiya – Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Nakatulong


ba ang paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa kwento?

Ang kulay ng pelikula ay tamang tama lang sa pagpapakita ng mga pangyayari sa kwento.
Naipakita kung ang isang eksena ay malungkot at masaya sa pamamagitan ng tamang kulay na
nailapat. Hindi rin gaanong gumamit ng visual effects dahil simple lang naman ang kwento ng
maikling video.

6. Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at diwang
titimo sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay?

Mararamdaman ng manonood na may puso ang pelikula dahil ito ay hango sa totoong
buhay. Matagumpay nilang naipakita kung ano nga ba talaga ang nais nilang iparating sa bawat
manonood. Nakarelata din ang manonood sa tema ng maikling video.

2.

Pormat ng Panunuring Pampelikula

I. Pamagat
Proposal

II. Mga Tauhan


Ang mga tauhan ay sina Hans, Lianne Rodriguez, Bea at si Sir Joe.

III. Buod ng Pelikula


Si Hans ay mula sa isang bigong pag-ibig. Si Bea na kanyang kasintahan noon ay
tinanggihan ang kanyang proposal sa harap ng maraming tao. Si Hans ay nalugmok sa
kalungkutan dahil kay Bea na rin umikot ang kanyang mundo. Hanggang sa dumating si Lianne,
na kanyang katrabaho na umaalala rin sa kanya. Unti unti ring sumasaya si Hans mula nang sila ay
nagusap ni Lianne. Unti unti na rin siya nakamove-on. Sa pagpapatuloy nilang paguusap at
pagsasama, si Hans nga ay nahulog na ang loob kay Lianne. Bumalik na rin ang dating saya at
itsura ni Hans. Sila nga rin ay nagkatuluyan. Tinanngap ni Lianne ang proposal ni Hans paglipas
ng tatlong taon nilang relasyon.

IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)

a. Tagpuan
Karamihan sa pangyayari sa kwento ay kinunan sa opisina kung saan si Hans at Lianne ay
nagtatrabaho. Ang ibang pangyayari ay naganap sa loob ng Jollibee at sa labas ng bahay.
b. Protagonista
Ang protagonista ay sina Hans at Lianne.
c. Antagonista
Walang naipakitang kontrabida sa kwento.
d. Suliranin
Umikot ang mundo ni Hans sa isang babae lamang kaya siya ay nalugmok sa
kalungkutan. Hindi niya matanggap ang pagtanggi ni Bea sa kanyang proposal.
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
Hindi niya naipaparating sa kanyang sarili na hindi lang si Bea ang babae sa mundo at ito
lang ang mundo niya. Ngunit sa huli, nung dumating si Lianne, mas naintindihan niya na
kailangan niyang pagdaan ang ganoong klase ng suliranin. Unti unti siyang nagbago at bumalik sa
kanyang dating pagkatao.
f. Mga ibinunga
Mas naging masaya siya sa piling ni Lianne. Sinagot ni Lianne ang kanyang proposal
paglipas ng tatlong taon nilang relasyon.

V. Paksa o Tema
Ipinaparating ng maikling kwento na minsan, ang puso ng tao ay kailangan munang
masaktan upang mabuo muli. Kailangan munang pagdaan ang mga ganoong klase ng suliranin
upang mas makilala natin kung anonnga ba tayo at kung sino nga ba talaga ang para sa atin.

VI. Mga Aspektong Teknikal

a. Sinematograpiya
Malinaw at hindi magulo ang kuha ng kamera sa video. Naipakita ng mabuti ang daloy ng
mga pangyayari sa kwento. Naipakita ang bawat eksena kung ito ay malungkot o masaya na.
b. Musika
Naka-akma lamang ang bawat musikang nagamit sa maikling video. Naiparating ang
bawat emosyon na nais nilang ilahad sa kwento.
c. Visual effects
Hindi na rin kailangan ng kwento na magkaroon ng visual effects dahil payak lamang ang
mga pangyayari sa kwento dahil nangyayari lamang ito sa totoong buhay.
d. Set Design
Akma rin ang mga pinangyarihan ng kwento sa daloy ng pangyayaring ipinakita sa
kwento. Parehas na payak ang set design at kwento ng video.

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula


Hindi natin kailangang gawing mundo ang isang tao dahil minsan sila pa ang sisira at
maglulugmok sa atin sa kalungkutan. Marapat lamang na kalimutan na lamang ang nangyari at
maghintay ng tamang tao para sa atin at muling magbubuo sa atin.

Mga Gabay sa Pagsusuri na gagawin:

1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga katangian
ng tauhan upang makilala ang bida (protagonista) at ang kontrabida (antagonista)?

Naipakita ng mabuti ang bawat katangian ng karakter sa video ng mga aktor na gumanap.
Maayos nilang naipakilala ang mga protagonista na sina Hans at Lianne. Magaling ang mga
tauhan sa pagpapalabas ng mga emosyon.
2. Istorya o Kwento – May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o ito’y
isang gasgas na kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa pelikula upang
lubos na maunawaan ng mga manonood?

Oo ito ay parehas lamang sa napanuod kong istorya ngunit hindi ko masasabing ito ay
gasgas na dahil may sariling paraan ang direkor upang mailahad ang kwento. Simula una
hanggang sa huli ay maayos ang pagpapakita ng mga pangyayari, ito ay madaling maunawaan.

3. Diyalogo – Matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kauuan ng pelikula. Angkop ba
ang lenggwahe sa takbo ng mga pangyayari?

Matino ang mga ginamit na salita ang lenggwahe sa pelikula. Ang paggamit ng mga
matitinong mga salita at lenggwaheng ito ay nakakatulong upang maayos na maipakita ang takbo
ng mga pangyayari. Walang bulgar na ginamit na salita dahil kalungkutan at kasiyahan lamang ang
nailahad na emosyon sa kwento.

4. Titulo o Pamagat – Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at


nauunawaan ng manonood ang mga simbolismo na ginamit sa pamagat?

Sa una, akala ng manonood na masaya ang magiging daloy ng video. Ngunit hanggang sa
napanood na ito, mas malalim pala ang kahulugan ng pamagat sa kwento. At duon pa lamang,
naging may impact na iyon sa mga manonood.

5. Sinematograpiya – Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Nakatulong


ba ang paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa kwento?

Angkop ang mga kulay na nagamit sa kwento. Sa parte ng kwento na malungkot na


malungkot si Hans, akma ang paggamit nila ng malamlam at madilim na kulay dahil mas
madadama iyon ng manonood. Payak ang istorya kaya hindi na gumamit ng matinding visual
effects.

6. Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at diwang
titimo sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay?

Mayroon puso ang kwento. Talaga namang nakarelate ang manonood sa daloy ng
kwento. Kapag mas malungkot ang pangyayari sa isang pelikula o kwento, mas dama at
naiintindihan ito ng mga manonood dahil parang ito ay kanila ring nararanasan o naranasan na.

3.
Pormat ng Panunuring Pampelikula

I. Pamagat
Choice

II. Mga Tauhan


Ang mga tauhan ay sina Ann, Paul, at Jay.

III. Buod ng Pelikula


Mahirap para kay Ann ang pumili ng isa sa dalawang lalaki na sina Paul at Jay. Parehas na
naging importante ng dalawa para sa kanya. Si Paul na sumusuporta sa kanya sa lahat ng bagay at
si Jay naman na, mas nakilala pa ni Ann ang kanyang sarili. Ngunit si Paul ay pumanaw na apat na
taon na ang lumipas dahil sa sakit na Anutwerism sila ay magkasintahan. Mahalaga si Paul sa
kanya ngunit may puwang na rin sa puso niya si Jay. Mahirap ang kanyang desisyong gagawin.
Hanggang sa huli, pinili niya pa rin si Jay. Kanyang naisip na kailangan niya nang kalimutan ang
nakaraan at magmove on na sa panibagong buhay.

IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)

a. Tagpuan
Marami ang mga naging tagpuan sa maikling kwento na napanuod. Mayroon sa loob ng
Jollibee, sa loob ng opisina, at sa memorial park kung saan nakapanaw si Paul.
b. Protagonista
Ang protagonista ay ang tatlong pangunahing tauhan na sina Ann, Paul, at Jay.
c. Antagonista
Walang kontrabida ang naipakita sa maikling kwento.
d. Suliranin
Mahirap na desisyon ang ginawa ni Ann dahil siya ay pipili sa dalawang lalaki na sina Paul
at Jay na parehas na importante at mahalaga sa kanya. Hindi niya alam kung sino ang pipiliin sa
dalawa.
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
Kanya ring naisip na kailangan na niyang talikuran at kalimutan ang nakaraan at
magtungo na sa panibagong yugto ng kanyang buhay. Kahit na ito ay napakahirap sa kanya, siya
pa rin ay pumili. Pinili niya si Jay, na bago na dumating sa kanyang buhay.
f. Mga Ibinunga
Tinanggap niya ang panganib na magiging dulot ng kanyang desisyon dahil napakahirap
ng ganoong sitwasyon. Dahil sa kanyang pagpili, kahit ito ay masakit siya naman ay sasaya sa
mahabang panahon sa piling ni Jay.

V. Paksa o Tema
Sa buhay, mayroon tayong mga desisyong kailangan piliin at gawin. Ang mga desisyong
ito ay magpapatunay na kung ang isang tao ay handang harapin ang sakit o kung sasaya man siya
dito. At ito ang ipinakita sa maikling kwento. Nawalan man siya ng minamahal, dahil sa kanyang
pagpili, hindi siya nawalan ng pag-asang magmahal muli.

VI. Mga Aspektong Teknikal

a. Sinematograpiya
Angkop ang mga kuha ng direktor upang maipakita nang maayos ang lahat ng emosyon
ng bawat tauhan. Maganda ang mga kulay na ginamit upang mas lalong madama ito ng mga
manonood.
b. Musika
Akma ang bawat musika sa mga eksena sa kwento. Kapag malungkot ang eksena,
malungkot din ang ginamit na musika. Dahil doon, nakatulong ito upang mas mailabas ang
emosyon ng kwento.
c. Visual effects
Ang kwento ng pelikula ay hindi naman ginamitan ng matinding visual effects dahil hindi
rin naman kailangan. Kahit na walang visual effects, maayos pa ring nailahad ng tunay na kwento.
d. Set Design
Angkop rin ang lahat ng set design sa daloy ng pangyayari ng kwento. Maganda rin ang
mga set design kahit na simple lamang. Isang halimbawa ay ang eksena kung saan sinorpresa si
Ann ni Paul. Maganda ang pagakakaayos ng set doon at angkop sa pangyayari

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula

Mga Gabay sa Pagsusuri na gagawin:

1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga katangian
ng tauhan upang makilala ang bida (protagonista) at ang kontrabida (antagonista)?

Malinaw na naipakita ng mga aktor ang mga katangian ng tauhan. Makikilala ng manood
kung sino ang protagonista o bida sa kwento. Nadama ring ng manonood kung ano ang kanilang
mga katangian.

2. Istorya o Kwento – May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o ito’y
isang gasgas na kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa pelikula upang
lubos na maunawaan ng mga manonood?

Ang kwento ay hindi gamit o gasgas na dahil hindi mo aasahan ang magiging
kakahinatnat ng kwento. Lubos na naunawaan ng manonood ang kwento dahil maayos ang daloy
ng pangyayari kahit na pinakita na lang sa dulo na patay na si Paul. Kahit na ganon, masasabi
kong maganda ang istorya dahil ito ay damang dama ko.

3. Diyalogo – Matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kauuan ng pelikula. Angkop ba
ang lenggwahe sa takbo ng mga pangyayari?

Hindi naging bulgar ang mga salita at lenggwahe sa kwento dahil ito ay angkop lamang sa
pagpapakita ng tunay na kwento ng video.

4. Titulo o Pamagat – Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at


nauunawaan ng manonood ang mga simbolismo na ginamit sa pamagat?

Ang pamagat ang angkop lamang sa pelikula sa pagpapakita kung ano nga ba ang nais
nilang ipahatid. "Choice" sapagkat ang tema ng kwento ay tungkol sa desisyong pagpili.

5. Sinematograpiya – Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Nakatulong


ba ang paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa kwento?

Angkop ang mga kulay na ginamit sa maikling kwento. Sa pagpili ng mga kulay na
ginamit sa maikling kwento, lubos na naipahiwatig kung ano ba talaga ang tunay na emosyon na
ipinapahiwatig nito.

6. Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at diwang
titimo sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay?

Talagang may puso ang kwentong naipalabas. Sadyang malungkot ang kwento, kaya lubos
na dama ng mga manonood. Dama ng manonood na malungkot at masakit ang mawalan ng
mahal sa buhay. Ngunit sabi nga, kapag may nawawala, nagkakaroon ng pag-asa.
4.

Pormat ng Panunuring Pampelikula

I. Pamagat
KPL GRAND FACE-OFF

II. Mga Tauhan


Student, Teacher at Principal

III. Buod ng Pelikula


Ipinakita sa pelikula ang paghaharap ng estudyante at guro na suot lamang ay bra. Unang
nagsalita ang estudyante at inilabas ang kanyang mga saloobin. Sunod naman ang guro na ang
nagsalita. Patuloy silang naglabasan ng sama ng loob sa isat isa. Hanggang sa dulo, ay
pinangaralan sila ng Punong guro.

IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)

a. Tagpuan
Sa loob ng opisina ng punong-guro.
b. Protagonista
Parehas na bida ang guro at estudayante.
c. Antagonista
Masasabi ring kontrabida ang guro at estudyante dahil sila ay nagsasagutan at may kanya-
kanyang ipinaglalaban.
d. Suliranin
Parehas na may ipinaglalaban ang bawat panig. Hindi masasabi na tama ang isa at ang
isa naman ay mali. Ito ay dahil may mga punto ang bawat nilang mga sinasabi.
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
Bandang huli, pinangaralan sila ng punong-guro. Ang kanyang sinabi ay inihalintulad
niya sa napagaralan natin sa Filipino, ang Pangngalan na tumutukoy sa tao, bagay, o hayop.
Kailangan marunong ang bawat isa na maging makatao, makibagay, at hindi mag-asal hayop.
f. Mga ibinunga
Tiyak kong may natutuhan ang bawat panig sa sa sinabi ng punong guro dahil sila ay
natahimik.

V. Paksa o Tema
Tungkol ang kwento sa pagpapakita ng bawat panig ng guro at ng estudyante. Sa
panahon ngayon, ang mga estudyante ay nagiging reklamador na sa lahat ng pinapagawa ng guro.
Minsan din naman, ang mga guro ay hindi rin nagagawang mabuti ang kanilang trabaho. Ngunit
kahit na ganon, may respeto at pakikibagay pa rin dapat sa isa't isa.

VI. Mga Aspektong Teknikal

a. Sinematograpiya
Hindi ganoon ka komplikado ang mga kuha ng kamera dahil dalawang anggulo
lamang ang naipakita sa kwento. Ang anggulo ng estudyante at guro na nakaupo at ang
anggulo ng punong guro sa huli. Ang mga kulay na nagamit ay akma rin sa tema ng kwento
b. Musika
Walang nagamit na musika sa pangyayari sa kwento dahil mas nagpokus ang direktor sa
pagsasalita at pagpapahayag ng mga damdamin ng tauhan.
c. Visual effects
Hindi rin nagamitan ng visual effects ang maikling video dahil hindi komplikado ang
mga anggulo ng kamera ng direktor.
d. Set Design
Dahil payak lamang ang tema, payak lamang din ang set design. Ito ay ang opisina ng
punong guro na angkop para sa kwento.
VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula
Maganda ang pagsasabi ng mga hinanakit sa isat isa pero hindi rin naman maganda
kung magkakaroon ng away sa pagitan ng estudyante at guro. Bagkus, sila ay dapat na
magtulungan upang mas maging maunlad ang ating bansa at ang ating bawat pagkatao.

Mga Gabay sa Pagsusuri na gagawin:

1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga katangian
ng tauhan upang makilala ang bida (protagonista) at ang kontrabida (antagonista)?

Sa pagpapakita ng pangunahing tauhan ng kwento, masasabi ko na parehas silang


bida at kontrabida. Parehas silang may sinasabi at parehas din namang pinnaglalaban ang
kanilang mga paniniwala at hinanakit.

2. Istorya o Kwento – May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o ito’y
isang gasgas na kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa pelikula upang
lubos na maunawaan ng mga manonood?

Unang pagkakataon ko pa lamang makapanood nang ganoong klase ng kwento dahil


ang estudyante ay naging matapang upang ilabas ang kanyang saloobin sa kanyang guro. At
isa pa, ang kanilang kasuotan, ang mga tauhan ay nakabra lamang. Sa aking palagay, ito rin
ay isa sa mga teknik ng direktor upang mas magkaroon ng impact ang pelikula dahil ito ay
kakaiba at bago sa paningin ng manonood.

3. Diyalogo – Matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kauuan ng pelikula. Angkop ba
ang lenggwahe sa takbo ng mga pangyayari?

Kahit na galit ang emosyong ipinakita ng dalawang panig, hindi naman naging bulgar
ang mga nagamit na salita at lengguwahe at ito ay akma lamang sa takbo ng mga pangyayari.

4. Titulo o Pamagat – Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at


nauunawaan ng manonood ang mga simbolismo na ginamit sa pamagat?

Ito ay masasabi kong may impact dahil ito rin ay inabangan ng mga manonood. Dahil
ito ay ang paghaharap ng guro at estudyante. Mayroon na kasing naunang mga video ang
dalawa kung saan sila ay solong kinunan upang ilahad ang kanilang mga saloobin.

5. Sinematograpiya – Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Nakatulong


ba ang paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa kwento?
Angkop lamang ang mga ginamit na kulay sa kabuuang kwento. Ang paglalagay
kulay na medyo madilim ay makabago na angkop sa ipinakitang makabagong isyu sa loob ng
kwento. Dahil nga dalawang anggulo lamang ang video, hindi na nagamitan ng mga visual
effects.

6. Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at diwang
titimo sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay?

Kung susurian ng mabuti ang kwento, nais ipahatid nito na dapat tayong lahat ay may
matutunan, kailangan ng bawat isa ng respeto. Ang tema o paksa ng kwento ay tiyak na
makakarelate ang mga manonood dahil karamihan sa ating populasyon ay bata at estudyante. Mas
madadama nila ang video dahil ayon din ito sa kanilang mga karanasan.

You might also like