You are on page 1of 2

Pilosopiyang Pang-ekonomiya nina

Recto, Tañada, at Diokno: Isang


Paghahabi

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka na maghain ng mga prinsipyong pang-


ekonomiya na maaaring pagsandigan ng kaunlarang pang-ekonomiya para sa
mga Filipino. Hinabi natin ang mga kaisipan sa ekonomiya at kaunlarang pang-
ekonomiya nina Claro M. Recto, Lorenzo M. Tañada, at Jose W. Diokno, tatlo sa
mga kinikilalang kontemporaring makabayang Filipino. Ipakikita natin na kahit
isinulat nila ang kanilang mga diwa noong ikalawang bahagi ng nakaraang siglo,
maaaninag pa rin ang kadalisayan at pagiging kontemporari ng kanilang mga
pilosopiya. Datapwat maaari pa ring pagsandigan ang mga nasabing diwa ng mga
patakarang pang-ekonomiya sa kasalukuyang panahon.

Ito ay isang ideolohikal na kasaysayan ng mga pang-ekonomiyang diwa nina


Recto, Tañada at Diokno na gumamit ng teorya ng mga pagsubok at pagtugon ni
Arnold Toynbee. Ipakikita natin na ang mga diwang ilalarawan ay ang mga naging
pagtugon ng mga nasabing makabayan sa mga pang-ekonomiyang pagsubok na
hinarap ng sambayanang Filipino noong panahon nila. Ang pangunahing salik ng
datos ay ang kanilang mga isinulat na sanaysay at talumpati.

Nahahati sa tatlong bahagi ang paglalahad. Ang una ay tungkol sa konsepto ng


ekonomiya, ang mga katangian nito gayundin ang mga magpapatakbo nito o mga
ekonomista. Ang ikalawa ay tungkol sa konsepto ng kaunlarang pang-ekonomiya,
mga patakaran nito gayundin ang papel dito ng mga banyagang mamumuhunan.
Ang panghuli ay paghahain ng ilang mga hamon at mungkahi batay sa mga
prinsipyong pang-ekonomiyang ilalarawan.

Mga salitang malalim at kahulugan nila:

1. Kadalisayan - kalinisan ng damdamin.


2. Pagtugon – pagsagot
3. Paglalahad _ pagpapaliwanag ng maayos o pagtuturo upang lubos na
maintindihan ang isang bagay.
4. Mungkahi – suhisyon
5. Sandigan – maasahan
6. Hinabi – tinahi
7. Maghain - ipaghanda
8. Maaninag – para Makita lahit kunti
9. Ideolohiya – kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos
10. Salik – mga bahagi

Miyembro:

Florence Joy Fernandez


Jerome Abalos Manuel
Lynsy Quisao
Ray Vincent Soriano

You might also like