You are on page 1of 5

KABANATA I

Rasyunale ng Pag-aaral
Masasabing ang kultura ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa. Ito ay nag pasalin-

salin na paniniwala, kaugalian, kasabihan, awit ,at pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Patuloy

itong umuunlad at nagbabago sa pagdaan ng panahon. Ang pagbabagong ito ay hindi maiiwasan

kung kaya at ang mga tao ay tuluyan na lamang umaangkop sa mga pagbabago.

Ang bayanihan ay maituturing na isang konbensiyonal na kaugalian na bahagi na nga ng

ating kultura bilang mga Pilipino. Inirerepresenta ng tradisyong ito ang pagbubuklod-buklod at

sistema ng pagkakaisa upang maisakatuparan ang isang layunin. Ang kasanayang ito ay likas at

natibo sa atin kaya naman isa ‘tong malaking bahagi ng ating historya.

Naisip ng mga mananaliksik na magsagawa ng isang pag-aaral tungkol sa ‘Antas ng

Kasanayan ng mga Mag aaral ng 11 ABM ng PHINMA-University of Pangasinan sa Pagsasabuhay

ng Pagbabayanihan’ upang malaman kung naisasabuhay pa rin ba ng mga mag-aaral sa senior

highschool ng PHINMA University of Pangasinan ang mga kaugalian ng Pilipinas.

Mahalagang malaman kung naisasabuhay pa rin ba ang mga kaugaliang Pilipino sa

Pilipinas upang malaman kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng ating kultura at kaugalian at

mabuksan ang isipan ng mga kabataan sa pagsasanay na isagawa ang ating mga kaugalian.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng paksang ito ay ang kasanayan ukol sa pag sasabuhay ng

pagbabayanihan bilang kulturang filipino. Sa pananaliksik na ito ating tutuklasin ang kaalaman ng

mga 11 ABM na mag-aaral ng PHINMA University of Pangasinan sa pag sasabuhay ng ating


kultuta. Susubukin kung sila nga ba ay nag papatunay na ang kulturang bayanihan ay pawang

nakakaligtaan na o ito ay nananatili sa puso nino man.

Ang mga tiyak na katanungan sa ibaba ang ginawang basehan sa pagkuha ng mga datos

upang malaman ang mga sagot ng ating isipan.

1. Ano ang kahalagahan ng pagiging bihasa o lubos ang kasanayan sa pagsasabuhay ng

pagbabayaihan

2. Lingit sa kaalaman ng iba kung ano nga ba ang kaugaliang pagbabayanihan ng Pilipino

ang iyong opinion tungkol dito?

3. Bilang Pilipino paano mo maipakikita na ikaw ay bihasa o may masidhing kaalaman sa

kasanayan sa pag babayanihang Pilipino

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na to ay makatutulong upang mamulat natin ang ating mga kababayan

tungkol sa kasanayan ng ating kabataan sa pagsasagawa at pagsasabuhay ng mga kinagisnang

kultura ng bansang Pilipinas tulad na lamang bayanihan’. Importanteng malaman ng bawat

mamamayan ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng mga kaugaliang Pilipino at pagyamanin ito.

Ang pananaliksik na ito ay kapakipakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga kabataang Pilipino. Upang mabuksan ang kanilang isipan sa pagsasanay na

isagawa ang ating mga kultura’ kinaugaliang gawain dahil sila ang tagapagmana ng mga

nakasanayan at kinagisnang kultura at gawi ng ating mga ninuno. Nakasalalay sa kanila ang

pagpapayamin nito upang mapanatili at muling maipasa sa mga susunod na henerasyon.


Sa mga guro at school administrators. Upang lubusan pa nilang malinang ang mga mag-

aaral sa pagsasagawa ng mga kulturang Pilipino sa pagturo at pagpapaalala kung ano ang

kahalagahan nito sa ating kasaysayan at lahi bilang isang mamamayang Pilipino.

Sa mga miyembro o samahang sumusuporta sa paglinang at pagpapayaman ng

kuluturang Pilipino. Makatutulong upang malalaman kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng

ating kultura. Kung ito ay nasasabuhay pa ba o hindi na at upang magkaroon ng hakbang upang

mas masiwalat ang importansya ng pagsasabuhay ng kultura ng bansang Pilipinas.

Sa mga susunod pang mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring mging basehan

ng mga susunod pang mananaliksik na nais palawakin ang kanilang kaalaman ukol sa nasabing

paksa.

Konseptwal Framework

Habang patuloy ang daloy ng panahon, sumasabay rin dito ang pagbabago ng kultura.

Ating napapansin na ang ating sariling kultura ay nagtratransisyon sa pagbabago sapagkat patuloy

tayong naiimpluwensiyahan ng mga dayuhan na siyang aming nakikitang dahilan kung bakit

pabago-bago ang ating kultura.

Napansin ng mga mananaliksik na sa pagdaan ng panahon unti-unting nagkakaroon ng

ebolusyon ang ating kultura at kaugalian. Inilalahad sa Batayang Konseptuwal na ito ang

kinahaharap at prosesong ginamit upang makapaghinuha ng kasagutan sa aming pag-aaral at

makapaglapag ng resolusyon o matugunan ang nasabing suliranin.

INPUT: PROSESO: OUTPUT:


Mga studyante ng 11 ABM Pagsasagawa ng sarbey at Malaman ang result ng ginawang
sa PHINMA-University of questionnaire upang malaman ang sarbey ukol sa ‘Antas ng Kasanayan
Pangasinan ‘Antas ng Kasanayan ng mga Mag ng mga Mag aaral ng 11 ABM ng
aaral ng 11 ABM ng PHINMA- PHINMA-University of Pangasinan sa
University of Pangasinan sa Pagsasabuhay ng Pagbabyanihan ng
Pagsasabuhay ng Pagbabyanihan mga Pilipino
ng mga Pilipino
Theoritikal Framework

Ang mga teoryang tumutulong sa pagpapatibay ng pag-aaral na ito ay umiikot sa kasanayan

sa pagsasabuhay ng mga kaugalian tulad na lamang ng pagbabayanihan

Ayon sa librong "Ethics in Business" ni Raymond Baumhart, ang etika ay nagsisilbing

personal na basehan sa aksiyon na siyang humuhusga kung tama o mali ba ito. Subalit sa ginawang

pag-aaral nina Manuel Velasquez, Claire Andre, Thomas Shanks, S.J., at Michael J. Meyer, ang

usaping ito ay inaasahang may mas malawak na sentimento. Isinasaad na ang etika ay pamantayan

na nag-iimplementa ng mga resonableng dahilan, kahihinatnan at obligasyon na pumipigil sa

paggawa ng krimen. Ang kultura naman ay isang talaksan ng paniniwala, gawi at ideya na

pinagkakasunduan ng pangkat ng mga tao (Daft, 2010).

Maiuuganay ang etika sa kultura sa pamamaraan na ang pamantayan sa kultura at kaugalian

ay parehong nakaaapekto sa etikal na sitwasyon, mga kahalili nito, resulta at posibilidad (Hunt &

Vittel, 1986). Ang usaping to ay sumasalamin sa tao, pagbati, wika ng katawan, hapagkainan,

pananamit, regalo, implikasyon at kababaihan. Sa modernong panahon kung saan nagsiliparan na

ang makabagong teknolohiya at mga pamamaraan ng pamumuhay, matutuklasan kung patuloy

pang naisasakatuparan at nananalantay sa atin ang mga gawing ito. Ang sistema ng kaugalian sa

ating bansa ay nagpapakita kung paano naapektuhan ang ating pamumuhay ng impluwensiya ng

isang kultura sa nakalipas na panahon o milenyum, ito ay lipon na pinanghahawakan natin na

nagpapamalas ng ating mga ideolohiya, prinsipyo at personal na moral (Norilyn, 2015).

Mahihinuha dito ang mga bagay na bumubuo sa imahe ng isang Filipino katulad na lamang

ng pagkakabuklod-buklod, galang, balikatan, utang na loob, pagkarelihiyoso at malasakit.


Magsisilbi ang mga ito na gabay sa pag-aaral kung talaga ngang naisasabuhay pa ng mga studyante

ang nabanggit at iba pang saklaw nito.

Iskop at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa loob ng PHINMA-University of Pangasinan. Ito ay

nakapaloob sa ika-22 ng Setyembre hanggang ika-8 ng Oktubre sa taong 2019. Ang mga mag-

aaral baitang 11-ABM ang magiging respondante sa pag-aaral na ito sapagkat . Questionnaire ang

magiging daan upang masagot o malaman ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral ng 11-ABM

ng PHINMA-University of Pangasinan sa pagsasabuhay ng mga kaugaliang Pilipino.

Terminolohiyang Ginamit

Antas – tumutukoy sa katayuan, bilang o posisyon ng tao o bagay.

Kabataan – mga mag-aaral ng 11ABM ng PHINMA- University of Pangasinan

Kasanayan – kakayahang gwin ang isang bagay nang mahusay

Kaugalian – mga nakasanayang gawain sa pang araw-araw

Pagsasabuhay – isinasagawa sa kaniyang pang araw-araw na gawain at buhay

You might also like