You are on page 1of 4

Kabanata I

Suliranin at Kaligiran ng pag-aaral

Panimula

Ang Globalisasyon ang sanhi ng napakaraming pagbabago sa panahon ngayon tunay na


kay layo na ng narating nang ating henerasyon. Mga makabagong bagay na gawa nang
teknolohiya. Maraming ang nagsilabasang mga bagong imbento at mga bagong lihim na
natuklasan. Pagbabago na nga marahil ang natitirang permananteng bagay sa mundong ito.
Kalakip nang pagbabagong ito ay nasasakop na rin nang maraming bagay at isa na dito ang wika.
Ayon kay Gleason (2008) ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na
isinasaaayos sa paraang arbitraryo na pinipili nang isang lipunan. Ang pag-aaral ng wika ay
mahalaga lalo na kung nais mapabilang sa isang kultura. Ang Ortograpiya ng wika kung tawagin
ay nangangailangan nang mas malawak na pagiisip kung nais mapag-aralan at matutuhan.
Kinakailangan munang pag-aralan ang ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantika ng wika
upang malaman kung paano nga ba ito nabuo. Ayon kay Lachicha (1999) mahalaga ang
gampanin nang gramatika at hindi lamang sapat ang tamang pagpapili nang mga salita at
kinakailangan nang proseso upang itama ang gamit nito sa pagkakasulat. Dahil na rin sa
pagbabago na ito nasasaklaw rin ang struktura nang wika, maraming mga bagong salita ang
nailimbag at marami na rin ang unti-unti nang nakakalimutan. Ang bawat wika ay mahalaga, sino
man ay walang karapatan na ang isang wika ay walang halaga maliban nalang kung idineklara na
mismo nang may akda na gumawa at bumuo nang wika.

Ang pag-aaral ng Gramatika ng wika ay mahalaga sapagkat ito ang susi upang mas
mapaunlad pa ang kaalaman ng isang mag-aaral sa kanyang wika. Hindi lingid sa kaalaman ng
mga tao na mas pinipili pa nang iba na pag aralan ang wikang banyaga katulad nang Hanggul sa
Korea, Nihongo sa Japan, Espanyol sa Espanya at marami pang iba. Mas pinipili nilang pagaralan
ang wika ng iba kaya sa wikang sila mismo ang gumagamit. Dahil mas magagamit nila ang Ingles
sa pakikipagkomunikasyon sa ibang lahi, sa pagkat Ingles ang idineklarang pangkalahatang
lenguahe sa daigdig. Ibinibatay nang mga tao ang karunungan ay ang kakayang makapagsalita at
gumamit nang lenguhe nang iba. Ipilit man na itago ay nahahalata parin na kapag marunong
magsalita ng Ingles ang isang pilipino ay babansagan na itong matalino. Filipino ngang
naturingan ngunit tila ba banyaga sa sariling wika. Nang atasan ang mga mag-aaral na sumulat
nang sanaysay gamit ang wikang Filipino, karamihan ay mali ang pagmit nang panlapi. Ang mga
bantas ay nakaligtaang gamitin, maling pagkakasulat ng mga titik, ang iba ay hindi alam o
nakaligtaan ang salin nang salita sa tagalog , mayroon din namang mga mag-aaral na nakakuha ng
mataas na marka sa pagsusulat ng sanaysay. Katunayan lamang ito na kulang ang kaalaman ng
iilang mga mag-aaral sa kanilang sariling lenguahe. Maging ilan sa mga guro ay hirap sa
pagtuturo sapagkat sa mga simpleng katingian palamang ng gramatika ay nangangapa na ang
kanilang mga mag-aaral. Kung kaya’t napakahalagang matutuhan ang sariling atin. Sapagkat ito
ang simbolo nang pagkakakilanlan nang bawat Pilipino.

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa ang amoy sa isang malansang
isda.”
-Dr. Jose Rizal.
Ang pag aaral na ito ay naglalyong maipakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng
gramatika, at malinang ang kakayahanng mag-aaral patungkol sa gramatika

Paglalahad nang suliranin


Ang pagaaral na ito ay naglalayong mabigyan ng karagdagan kaalaman ang
bawat isa patungkol sa gramatika. Ang mga sumusunod ay suliraning hangad na mabigyan ng
sagot
1.Ano ang katangian ng mga respondante.
1.1 Pangalan
1.2 Edad
1.3 Kasarian
1.4 Kurso at taon
2.Ano ang mga suliranin kinakaharap ng mag-aaral sa pagkatuto ng gramatika ng wika.
3.Ano ang maaring hadlang sa pagkatuto ng gramatika
4.Ano ang kaparaanan upang masulusyunan ang mga suliranin at hadlang sa pagkatuto ng
gramatika

Kahalagahan nang pagaaral


Ang pagaaral na ito ay tumitimbang sa kakayahan ng mga mag-aaral maging ng mga
guro. Kung sa paanong paraan nga ba nila masusulusyunan ang suliranin sa pag-aaral ng
gramatika

Mga mag-aaral. Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito sa mga mag-aaral ay upang bigyan ng
karagdagang kaalaman ang bawat Pilipinong mag-aaral patungkol sa tamang pag-gamit at
pagsulat ng mga salita upang bumuo ng pangungusap na nakayon sa paraang gramatikal.
Naglalayon din itong buksan ang kaisipan ng mga mag-aaral patungkol sa kahalagahan ng
pagkatuto ng wikang Fiilipino na pambansang wika nang Pilipinas.

Mga Guro. Ito ay magiging karagdagang tulong sa mga kaguruan upang sa gayon ay mas may
kakayahan silang mas mapadali ang pagtuturo ng gramatika

Mga Mambabasa. Bibigyan kabukasan sa kamalayan ng mga mamamayang makakabasa ng


pag-aaral ang kahalaghan ng pagaaral. At kung paano nga ba ito makakatulong sa mga susunod
na henerasyon.

Mga susunod na mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaring maging batayan ng mga
susunod na mananaliksik na may kaugnayan sa gramatika. Bibigyan ng ilang ideya ng pag-aaral
na ito ang mga mananaliksik na gustong bukasan ang isipan sa gramatika.

Saklaw at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa papel ng gramatika sa pagtuturo at pag-aaral ng
wika sa mga mag-aaral at guro. Maging sa mga mambabasa na magsisilbing karagdagang
kaaalaman at gabay sa pagkatuto. Ang pag-aaral na ito ay upang makakalap ng mg indibidwal na
may kanya kanyang presepsyon at kaalaman ng mga ito sa gramatika pagpapalaganap ng
kaalaman at mga kasagutan sa mga suliranin nais matugunan.
Ang layunin ng pag-aaral ay ibigay ang ilan sa mga simple at komplikadong talakayan sa
gramatika. At upang gabay sa pagsagot sa mga suliraning nag hingi ng mga kanya kanyang
opinsyon ang mga mananaliksik patungkol sa pagkakaunawa ng mga mag-aaral sa gramatika.
Ang bilang nang respondante ay limitado lamang para sa tatltlompung (30) mga mag-aaral sa
kolehiyo ng Concepcion Holy Cross Collage sa Minane, Concepcion, Tarlac.

Depensiyon ng mga katawang ginamit


Ang mga sumusunod na salita ay ang mga salitang ginamit na mag bibigay ng ideya at
kahulugan patungkol sa pag-aaral ng gramatika.

Gramatika. Ito ay ang sining ng wastong paggamit ng mga salita batay sa mga tuntunin ng wika.
Binibigyang din gramatika ang mga panuntunan sa wastong paggamit ng mga salita upang mabuo
ang mga pangungusap at makapagbigay ng diwa o kaisipan. (scribd.com)
Globalisasyon. Ito ay naglalarawan sa lumalawak na ugnayan ng mga ekonomiya, kultura at
populasyon ng mundo lungsod ng mabilis na palitan ng mga prudukto at serbisyo sa pagitan ng
mga bansa, pagunlad ng teknolohiy, daloy ng salapi, migrasyon at mabilis na palitan ng
impormasyon.(Aralipunan.com)

Teknolohiya. Isang produkto o solusyon binubuo ng isang hanay ng mga instrumento,


pamamaraan at diskarte idinisenyo upang malutas ang isang problema. Tumutukoy sa pag-agham
na disiplina na nakatuon sa pag-aaral, pagsasaliksik, pagpapaunlad at pagbabago ng mga diskarte
at pamamaraan, at aparato at tool na ginagamit upang ibahin ang mga hilaw na materyales sa mga
bagay o gamit na kasanayan.(tl.warbletoncouncil.com)

Arbitaryo. Nangangahulugan na ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin
ng mga gumagamit. Isinasaaayos ang mga tunog sa paraang napagkasunduan ng pangkat ng mga
taong gumagamit nito. (dalubwika.wixsite.com)

Ortograpiya. Ang Ortograpiyang Filipino ay sining ng pagsulat ng mga salita na may tumpak na
titik alinsunod sa wastong gamit at wastong baybay.(slideshare.net)

Ponolohiya. Ponolohiya o palatanungan ay sangay ng lingwistika na nag-aaral ng mga tunog o


ponema. (tl.m.wikepedia.org)

Morpolohiya. Ang morpolohiya ay sangay ng lingwistika nag-aaral ng morpema o ang pinaka


maliit nay unit ng salita na may kahulugan.(tl.m.wikepedia.com)

Sintaks. Pag-aaral ng struktura ng mga pangungusap, pagsasama-sama ng mga salita para


makabuo ng parirala o mga pangungusap.(scribd.com)

Semantika. Ang agham ng linwgistika na nag-aaral ng kahulugan ng mga salita at ekspresyon.


(tl.ninanelsonbooks.com)

You might also like