You are on page 1of 39

1

KABANATA I
ANG SULIRANIN
Panimula
Isa sa mahahalagang probisyon na nagsisilbing pambansang patakaran
tungkol sa wikang Pambansa ng Pilipinas na nasa 1987 Konstitusyon ay ang
Artikulo XIV, Seksyon 6. Nakasaad dito na, Habang itoy (Filipino) nabubuo,
patuloy itong pauunlarin at pagyayamanin batay sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas at iba pang wika. At kaugnay nito ang tiyak na utos sa Artikulo XIV,
Seksyon 9, sinabi rito na kung mamarapatin ng Kongreso ay gagawa ng hakbang
ang gobyerno upang simulan at maitaguyod ang paggamit ng wikang Filipino
bilang wikang opisyal sa komunikasyon at sa pagtuturo sa sistema ng edukasyon.
Sa pagmoderno ng panahon ay kaalinsabay ring nalilinang at umuunlad ang
ating wika dahil sa ito ay buhay.

Dahil sa makabagong panahon, mga nauusong

gamit, teknolohiya at mga gawi, maraming mga Pilipino ang naiimpluwensyahan.


Kaugnay nito, ang ordinaryong senaryo tulad ng pakikipagtalakayan at pakikipagusap sa kapwa ay nagkakaroon ng suliranin. Kasabay ng pagbabago ng panahon
ay ang patuloy ring pagsulpot ng ibat- ibang salitang hindi ganap na naiintindihan
at nauunawaan tulad ng Balbal ilan sa halimbawa nito ay repapits, bureyser,
denggoy at marami pang iba na nagreresulta sa hindi lubos ng pagkakaunawaan.
Gayundin sa larangan ng pasulat, karamihan sa mga mag- aaral ay nakasanayan na

ang pagsasalita ng mga Balbal na salita sa araw- araw sapagkat ito ang
napapanahon at lantad sa mga kabataan. Ito ay humahantong sa paggamit nila ng
mga salitang ito maging sa mga pormal na sulatin gayong hindi naman
pinahihintulutan ang mga salitang ito sa nasabing larangan. Dahil sa kakulangan
ng kaalaman sa Balbal na salita ay hindi na napapansin ang pagkakaiba nito sa
mga pambansang salita. Nagkakaroon ng kalituhan ang bawat isa kung saan o
kailan lamang nila ito nararapat at tamang gamitin.
Bukod dito, nabahala rin ang isa sa mga mananaliksik sa kanyang
karanasan nang magkaroon sila ng maliit na pagtatalo o di- pagkakaunawaan ng
isa sa mga miyembro ng pamilya na dulot ng salitang nabigkas na hindi naman
naunawaan ng naturang miyembro. Tila inakala nito na siya ay nabastos ng
salitang iyon na sa palagay naman ng mananaliksik ay simpleng salita lamang na
nakagawian nang gamitin lalo na ng mga kabataan.

Pinatutunayan nito na

nagkakaroon ng kagulumihanan sa mga salitang namumutawi ang mga may edad


na at ang mga nakababata.
Bilang mga magiging guro sa hinaharap, nahikayat ang mga mananaliksik
na alamin at itala ang mga salitang Balbal na kalimitang tinuturan ng mga tao
lalot higit ay nang mga mag-aaral. Naniniwala sila na ang pagkasanay ng mga
mag- aaral sa mga salitang Balbal ay may malaking epekto sa kanilang mga
araling pangwika. Dahil sa kakulangan ng kabatiran, nagagamit nila ito nang wala

sa lugar gaya ng paggamit ng mga salitang ito sa mga pormal na komposisyon na


karaniwang gawain sa mga paaralan.
Nakapagdulot din ng pangangailangan sa mga mananaliksik ang
pagkakaroon ng kabatiran sa mga wasto at angkop na salitang gagamitin sa
pagtuturo sa hinaharap. Para sa kanila, mahalagang matutunan nila ito upang
maging gabay sa paghubog ng kasanayang pangwika ng mga susunod pang
henerasyon. Magiging hakbang din ito sa pagtataguyod ng wikang Filipino sa
kabila ng patuloy na modernisasyon at globalisasyon.
Dagdag pa sa mga ito, batid ng mga mananaliksik sa kanilang paunang mga
pananaliksik na limitado lamang ang mga impormasyon at mga pag-aaral na
isinagawa o isinasagawa sa paksang ito. Kung kaya nais ipagpatuloy ng mga
mananaliksik ang pag-aaral upang magkaroon ng ambag at makatulong sa mga
susunod pang mga tagapagtanggol ng wika na nais magsaliksik sa mga paksang
may kaugnayan dito.
Ito ay ang mga susi ng mga mananaliksik sa pagsasagawa nang ganitong
pag- aaral. Nais ng mga mananaliksik na mapayaman ang kanilang kaalaman
tungkol sa kasalukuyang estado ng Balbal na antas ng wika na kalimitang
ginagamit sa naturang piling mga bayan ng Batangas na siyang tinatahanan nila.
Taglay ng wika ang kultura ng lipunang pinag- uugatan ng wikang ito.
Ang pagpapaunlad sa kultura, ang wika ay buklod ng pambansang pagkakaisa at

pahayag ng pagkakakilanlang pambansa. Bunsod ng dakilang pagmamahal sa


sariling kultura at wika, ang mga mananaliksik ay humantong sa pag- aaral na ito.
Nabuo ang damdaming makabansa ng mga mananaliksik na nais patingkarin ang
kanilang pagka- Pilipino sa paglinang ng sariling wika.
Ang pag- aaral na ito ay simple ngunit natatangi sa ibang pag- aaral. Hindi
lamang ito magiging kapaki-pakinabang sa mga mananaliksik ngunit higit sa mga
mag- aaral, mga guro, sa larangan ng akademiko, sa komunidad at sa mga susunod
pang mga mananaliksik para sa pagpapalawak ng kaalaman at kabatiran sa wikang
Filipino na magsisilbing tulay para sa pagtataguyod nito.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makapagtala ng mga salitang
Balbal mula sa tatlong bayan ng Ikaapat na Sangay ng Batangas.
Nilalayon din ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na
tanong:
1. Anu- ano ang mga salitang Balbal ang nagagamit ng mga mamamayan
sa komunikasyon?
2. Anu- anong bahagi ng panalita ang gagamitin sa pagpapangkat ng mga
salitang Balbal?

3. Anu- anong mga alituntunin ang gagamitin upang mabigyan ng


kahulugan ang mga salitang Balbal mula sa piling mga bayan ng Ikaapat
na Sangay ng Batangas?
4. Batay sa kinalabasan ng pananaliksik, anong kagamitang panturo ang
mabubuo ng mga mananaliksik upang maibahagi ang mga salitang
Balbal sa larangan ng akademiko?

Saklaw, Limitasyon at Delimitasyon ng Pag-aaral


Saklaw ng pananaliksik na ito ang pagtatala ng mga salitang Balbal mula sa
mga piling bayan ng Ikaapat na Sangay ng Batangas.
Limitado ang pag- aaral na ito sa mga salitang Balbal sa tatlong piling
bayan ng Ikaapat na Sangay ng Batangas Padre Garcia, Rosario at Taysan. Pumili
ang mga mananaliksik ng limampung (50) respondante bawat bayan na may
kabuuang isandaat limampu (150). Ang kabuuang bilang ng mga salitang balbal
na nakalap ay dalawang daang salita (200). Nilimitahan ang pag- aaral na ito sa
paggamit ng UP Diksyunaryong Filipino ni Virgilio S. Almario (2001).
Hindi lahat ng bahagi ng panalita ay nasakop ng pag- aaral na ito.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pagsasalita ay isa sa pinakamahalagang gawain ng mga tao sa pangaraw- araw.

Ginagamit nila ito sa pakikipagtalastasan.

Mula sa pagbabasa ng

mga mananaliksik, ang wika raw ay mabisang palatandaan ng pagkatao ng isang


indibidwal.

Kung kaya, naniniwala ang mga mananaliksik na mahalagang

maunawaan ng tao ang mga antas ng wika partikular ang salitang Balbal na
laganap saan man magtungo.
Ang wastong pagbibigay ng kahulugan ng mga salita ay nakatutulong sa
pagpili at paggamit ng mga angkop na salita sa pagpapahayag ng mga kaisipan
pasulat man o pasalita.
Sa mga mag-aaral. Ang bunga ng pag-aaral na ito ay mahalaga sa ganap
na

pagkaunawa

ng mga

mag-aaral sa

pang-araw-araw na

sitwasyon.

Makatutulong din ang kabatiran nila sa mga salitang ito upang hindi na nila ito
magamit gaya ng pagsulat ng mga pormal na komposisyon.
Sa mga guro. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa angkop
na pagpili ng mga terminolohiyang gagamitin para sa ikababatid ng mag-aaral. Ito
ay magagamit na gabay sa mga guro sa kanilang pagtuturo na magsisilbing
patnubay sa wastong paggamit ng mga salita. Mapayayabong din ang kanilang
kaalaman sa mga antas ng wika.
Sa larangan ng akademiko. Ang pag-aaral sa tala ng mga salitang Balbal
ay maaaring maging batayan sa paghahanda ng mga kagamitang panturo na
maiuugnay sa interes ng mga mag-aaral hindi lamang sa bayan ng Batangas kundi
sa iba pang lugar.

Sa komunidad. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa pagbubukas


ng isipan ng pamayanan na gumawa ng mga solusyon sa mga suliraning pangestado ng ating bansa. Napakahalaga rin ng pag-aaral na ito na magsisilbing daan
sa pagpapahalaga ng ating lipunan sa wastong paggamit at pagpapaunlad ng ating
wika.
Sa mga mananaliksik. Higit sa lahat, lubos na makatutulong ang pag-aaral
na ito sa mga mananaliksik sa pangangalap ng impormasyon at kaalaman sa mga
gagawing pag-aaral at para mapaghandaan ang mga suliraning maaaring
maranasan pa sa hinaharap.

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng literaturang konseptuwal at mga
kaugnay na pananaliksik upang makatulong sa pag-unawa sa isinagawang pagaaral.
Literaturang Konseptuwal
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga konseptong may kinalamn sa
pananaliksik o nagpapalawig sa mga ideya para sa mambabasa upang lubos nilang
maunawaan.
Ang Wika
Tunay nga na ang wika ay buhay. Ito ay patuloy na nagbabago at umuunlad
sa paglipas ng panahon. Ito ay yumayaman at yumayabong dala ng ibat-ibang
salik na nakaaapekto rito. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay isa sa pangunahing
dahilan sa pagkakalikha o pagkakabuo ng mga bagong salita na tinatanggap at
tinutugunan ng lipunan. Ang mga salitang ito ay nagkakaroon ng kanya-kanyang
kahulugan at kahalagahan sa lipunang pinaggagamitan nito.
Ang wikang buhay ay dinamiko, nahuhubog ito ng panahon upang
makaagapay sa pangangailangan at makatugon sa kaunlaran. Higit na mabisa ang
wika kung ito ay patuloy na umuunlad kasabay sa pagsulong ng kaunlaran ng

bayan,

edukasyon,

lipunan,

pulitika,

pamahalaan,

relihiyon,

kultura,

komunikasyon at iba pang larangan. (Rodrigo, 2001)


Ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago, kasabay ng pagbabago ang
panahon upang makasunod sa pag-unlad ng daigdig.

Ang tao upang

makapagpahayag ng ideya, kaisipan, at anumang larangan ay maaring lumikha,


bumuo, humiram ng mga bagong salita, maaaring katutubo o dayuhang wika.
Ayon kay Benjamin Lee Whorf, binubuo ang wika ng mga payak na
salitang nililikha bunga ng pagtugon ng indibidwal sa kanyang kapaligiran. Halos
ganito rin ang pakahulugan ni Emile Durkheim (1985), ang tao raw ay nabubuhay,
nakikipagtalastasan, at nakikisama sa lipunan o kapaligirang kinabibilangan niya.
Ang lipunan ang nagsisilbing batayan ng wika sa tulong ng mga kodong
binuo ukol dito, ito ay ayon naman kay Basil Bernstein.
Ayon sa Italyanong si Giambattista Vicosa sa aklat na Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ang wika ay natuklasan bilang pagtugon ng tao sa
mga naririnig sa kalikasan partikular ang malalakas at nakayayanig na mga
pangyayari sa kapaligiran.

Kaugnay sa pahayag ni Noam Chomsky na ang

kahusayan sa pagtalima sa tunog ng kapaligiran.


Batay sa prinsipyo ni Ferdinand de Saussure, isang functionalist, mas
kailangan daw pagtuunan ng pansin ang anyo at paraan ng wikang ginagamit sa

10

halip na pagtuunan ang kahulugan nito (Komunikasyon sa Akademikong Filipino


2008).
Ayon naman kay Jose Villa Panganiban, ang wika ay paraan ng
pagpapahayag ng damdamin o opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang
magkaunawaan ang mga tao.
Ang paggamit ng wika ay nakasalalay sa kasarian ng taong gumagamit nito
(sexism), ayon kay Ronald Wardhaugh (Komunikasyon sa Akademikong Filipino
2009). Kaugnay nito, nakasalalay raw ang wika sa mga karanasang natatangi sa
isang nilalang ayon kay Hudson.
Sa pahayag nina Aguilar, et al. (1995) ang wika ay sinasalita higit sa
sinusulat. Ang wikang sinasalita o ginagamit sa kasalukuyan ang siyang wikang
naiintindihan. Ang wikang nakasulat ay maaaring hindi na maging mabisa kung
ang kahulugan ay hindi bahagi ng pang-araw-araw na sitwasyon o karanasan.
Ayon kay Tumangan, Sr. et al. (1997) ang wika ay isang likas na makataong
pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
pasulat at pasalitang paraan.
Ayon kay Archibald A. Hill, Ang wika ang pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolismong isinaayos sa isang kompleks na istruktura at mayroong kahulugang
arbitraryo para sa lipunan.

11

Pinagmulan Ng Wika
Sa aklat na Komunikasyong Epektibo sa Wikang Akademiko nina Bernales
et al. (2013), may ebidensya na nagpapatunay na ang ating mga ninuno, ang Homo
erectus, na nabuhay ng isang milyon hanggang isat kalahating milyon na ang
nakararaan ay may mga wikang nabuo. Gumamit sila ng mga kagamitan sa
pagbuo ng apoy at pangangaso. Ang ganitong mga gawain ay nangangailangan ng
pagpaplano at nakasalalay ang pagbuo ng plano sa isang wika. Gayon pa man,
hindi lubusang maipaliwanag kung kalian at sa kung paanong paraan umusbong at
nagsimulang gumamit ng wika ang mga tao. Dahil sa likas na pagiging mapagisip ang mga tao, nagsimulang magsulputan ang ibat ibang teorya sa pinagmulan
ng wika noong ikalabingdalawang siglo. Nagkaroon ng walong teorya ang ating
mga ninuno hinggil sa pinagmulan ng wika. Teryang Bow-wow ang teoryang
naninindigang ang wika ay nagsimula sa pamamagitan ng paggaya ng tao sa mga
tunog ng kalikasan. Sa Teoryang Yum-yum, sinasabing ginaya ng tao ang mga
galaw sa paligid sa pamamagitan ng kanyang bibig na kalaunan ay may kaakibat
ng tunog. Teoryang Pooh-pooh naman ang nagsasabi na sa kagustuhan ng tao na
maipahayag ang kanilang damdamin, ang mga ito ay nakalikha ng tunog na may
kahulugan. Iminungkahi naman sa teoryang Yo-he-ho na ang tao ay nakalilikha ng
tunog kapag ang mga ito ay gumagamit ng puwersang pisikal. Sa Teoryang
Tarara-boom-de-ay sinasabing ang wika ay nag-ugat sa mga bulong ng mga

12

sinaunang tao kapag nagsasagawa ang mga ito ng ritwal. Sa Teoryang Ta-ta, nagugat ang wika sa paggaya ng dila sa ibat ibang galaw ng kamay. Ang Teoryang
Ding-dong ay may kaugnayan sa teoryang Bow-wow subalit limitado lamang ito
sa tunog ng kalikasan. Ang panghuling teorya ay ang Teryang Sing-song na
nagsasabing ang wika ay nabuo sa pamamagitan ng mga awit at sayaw ng mga
sinaunang tao.
Baryasyon ng Wika
Binaggit sa pagtalakay ng katangian ng wika ang pagiging dinamiko nito.
Sapagkat buhay at nagbabago, makikita ang malaking pagkakaiba ng mga wikang
sumusulpot at nagiging bahagi ng pamumuhay ng mga tao sa ibat ibang larangan
o panig sa bansa.
Ang pagkakaroon ng pagkakaiba o baryasyon ay hindi dapat lumikha ng
ingay ng pagtatalu-talo kung ano ang dapat linangin at maging superyor sa lahat.
Ito ay dapat naituring na kaangkinan ng isang wikang buhay. ( Komunikasyon sa
Akademikong Filipino, De Vera et al. 2010)
Ayon kay Constantino, 2002, mayroong dalawang dimension ng baryasyon
ng wika kung saan makikilala ang mga dahilan ng pagkakaroon ng barayti ng
wika. Ang una ay ang dimensyong heyograpiko o pagkakahiwa-hiwalay ng lugar.
Bunga ng masusing pananaliksik at pag-aaral ng Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) maliban sa pangunahing wikang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon,

13

Bikol, Waray, Pampango, Pangasinan, at wika ng mga Muslim ay mayroon pang


isandaan at limamput limang wika at diyalekto sa Pilipinas.
Pangalawa ay ang dimensyong sosyo-ekonomiko, nabubuo ang mga
sosyolek dahil sa pagkakaiba ng katayuan sa buhay ng tao sa lipunan. May barayti
ng wika ang mga nakatataas, masa, tambay, babae, lalaki at iba pa.
Uri ng Barayti ng Wika
Mula sa ibat ibang wika sa bansa, maiuuri ang mga iyon ayon sa idyolek,
dayalekto at sosyolek.
Ang idyolek ay uri ng barayti ng wika na tangi sa isa o pangkat ng mga tao
na may komon na wika. May mga taong kilometriko at mabubulaklak kung
magpahayag. May mga ilan ding nakagawiang ng malakas o mahina at mayroon
ding mga tao na may isang salitang nakasanayan ng banggitin ng paulit-ulit sa
bawat linya ng kanilang pangungusap.
Ang barayting dayalekto naman ay nauuri ayon sa lugar, panahon at
katayuan sa buhay ng mga tao nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal na
komunidad. Tinatawag din itong pangrehiyunal o wikain.
Huli ay ang barayting sosyolek na wikang ginagamit ayon sa lipunang
ginagalawan ng tao. Maikakategorya rito ang mga jargon o mga salitang gamit sa
isang tiyak na grupo para sa tiyak na pag-unawa ng mga katawagan, argot o
sikretong lingo o mga sagrado sa isang tiyak na lipunan tulad ng mga gay lingo

14

para sa layuning ang mga kapangkat lamang ang magkaunawaan, at euphemism na


ginagamit bilang pamalit sa mga salitang may dalang masakit at sensitibong
kahulugan.
Antas ng Wika
Sa aklat na Komunikasyon sa Akademikong Filipino nina De Vera, et al.
(2010), natutukoy ang kaantasan ng wika ayon sa kung paanong paraan at anong
pagkakataon ito ginagamit na minsan ay nagpapakilala sa pagkatao ng bawat
indibidwal, maaari itong maikategorya bilang pormal at impormal.
Maituturing na kabilang sa pormal na kategorya ang mga sumusunod: (1)
pampanitikan, (2) teknikal, (3) cybernetic,at (4) pambansang wika. Mauuri naman
ang (5) dayalektikal o rehiyunal, (6) kolokyal, (7) bulgar at (8) balbal o slang na
kabilang sa kategoryang di-pormal.
Balbal
Lahat ng tao ay may kakanyahan sa paggamit ng wika. Ginagamit nila ang
wika sa paraang sila ay nagkakaunawaan. Mula sa www.academia.edu, ang wika
ay nahahati sa ibat-ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang
pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon,
katayuan, at okasyong dinadaluhan.

15

Mababakas na kahit saang dako sa ating bansa ay gumagamit ng mga


naturang antas ng wika at hindi natin maitatatwa na lubos na laganap sa mga ito ay
ang paggamit ng salitang balbal o salitang kalye.
Ang balbal na salita ang pinakamababang antas ng wika. May kagaspangan
ang mga salita at maaaring may ibat-ibang anyo gaya ng likas at likha
(Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Rodrigo, 2009).
Sapagkat ang mga kabataan ang siyang lumikha ng ganitong anyo ng wika,
sa kanilang antas ito laganap.

Bunga ito ng impluwensyang pangkapaligiran

katulad ng palengke, sinehan, telebisyon at iba pa. Binigyang taguri ito ni Nick
Joaquin na language of the street. (Komunikasyon sa Akademikong Filipino,
Morong et al., 2009)
Ang mga salita ay dumadaan sa ibat-ibang proseso bago ito
matawag na salitang balbal. Ilan sa mga prosesong ito ay ang sumusunod: una ay
ang paghango sa wikang katutubo, halimbawa, mula sa salitang Bisaya na bayot
ay nabuo ang salitang bakla na nangangahulugang lalaki na may pusong babae.
Ikalawa ay ang panghihiram ng wikang banyaga, halimbawa, ang salitang effect ay
nagiging epek na may ibig sabihing epekto. Ikatlong proseso ay ang pagbibigay
ng bagong kahulugan, halimbawa, mula sa literal na translasyon sa Filipino ng
salitang crocodile na buwaya, nabibigyan ito ng bagong kahulugan na gahaman
sa kayamanan at kapangyarihan. Ikaapat ay ang pagpapaikli ng mga salita tulad

16

ng sigarilyo na nagiging yosi na lamang kapag pinaikli.

Ikalima ay ang

pagbabaliktad ng mga salita, halimbawa nito ay ang bente na nagiging etneb.


Maari ring magbaliktad ng papantig tulad ng salitang hindi na nagiging dehin.
Isa pang proseso sa pagbubuo ng salitang balbal ay ang paggamit ng akronim,
halimbawa nito ay KGB na may kahulugang Kung Gabi Bakla at US na
nangangahulugang under de saya. Ikapito ay ang pagpapalit ng pantig tulad ng
lagpak na nagiging palpak na ibig sabihin ay bigo. Ikawalong proseso ay ang
paghahalo ng wika o salita. Halimbawa nito ay mag-MU na may translasyong
magka mutual understanding na may ibig sabihing dalawang taong
nagkakaintindihan.

Pinaghahalo ang dalawa o higit pang wika o salita.

Ikasiyam na proseso ay ang pagbubuo ng salita sa paggamit ng bilang gaya nang


143 na may ibig sabihing I love you. At ang ikasampu at ikalabing-isang proseso
ay ang pagdaragdag at kombinasyon. (www.senore.com)
Kasaysayan ng Lalawigan ng Batangas
Ang lalawigan ng Batangas ay matatagpuan sa timog-kanlurang parte ng
Luzon at kabilang sa rehiyon ng CALABARZON. Ang kabisera nito ay ang
lungsod

ng

Batangas

ng Cavite, Laguna at Quezon.

at

napapalibutan

ng

mga

lalawigan

Kilala ang Batangas bilang isa sa mga

pinakamagandang destinasyon para magbakasyon dahil sa mga resort at diving


spots na makikita rito. Ilan sa mga pinakakilalang mga resort ay ang Anilao na

17

matatagpuan sa bayan ng Mabini, Matabungkay at Punta Fuego sa bayan


ng Nasugbu, Calatagan, at Laiya. Matatagpuan din ang Bulkan ng Taal, na kilala
bialng isa sa mga Decade Volcanoes sa Batangas. Kilala rin ang lalawigan bilang
Puso ng Katagalugan.
Unang naitala ang pangalan ng lalawigan bilang Kumintang.

Nang

nanirahan ang mga Espanyol sa lalawigan ay tinawag nila itong Bonbon. Naging
kabisera ng lalawigan ang bayan ng Balayan ngunit nailipat sa bayan ng Taal dahil
malapit ito sa lawa at madaling naging sentro ng komersyo. Nagpasya ang mga
namamahala sa lalawigan na ipangalan ito sa kabisera ngunit sa ikatlong
pagkakataon ay pinalitan ito ng mga Espanyol at inilipat ang kabisera sa bayan ng
Batangan, na ngayon ay kilala bilang lungsod ng Batangas.

Pinalitan ang

pangalan ng lalawigan alinsunod sa kabisera nito at noong 1889 ay naging


ikawalong lungsod ng Pilipinas ang Batangas.
Ang salitang batangan ay tumutukoy sa mga taong nakatira sa may lawa
ng Taal na ang ikinabubuhay ay pangingisda gamit ang mga balsa. Ang salitang
ito ay nanggaling sa batang, isang salitang ginagamit para sa mga kahoy na
matatagpuan sa Ilog ng Calumpang.
Ang mga salitang Batangueo o Batanguea ay ginagamit bilang
paglalarawan sa mga tao o bagay na nagmula sa Batangas.

18

Ang mga Batangueo ay kilala sa pagsasalita ng Tagalog na mayroong


punto. Kilala rin sila sa pagdadagdag ng salitang eh sa kanilang pananalita at sa
paggamit ng ga. Isa rin sa kilalang katangian ng mga Batangueo ay ang
tinatawag na Matanda sa Dugo, kung saan nagbibigay respeto ang isang kamaganak hindi dahil sa edad kundi dahil sa konsangginidad. Ang mga Batangueo ay
kilala sa pagiging malapit sa isa't isa. Halimbawa sa isang pagtitipon, mapapansin
na ang mga Batangueo ay magkakasama hanggang sa matapos ang nasabing
pagdiriwang. Ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga Batangueo ay ang
pagsasaka at pangingisda, dahil na rin sa lokasyon ng lalawigan. Kilala rin ang
mga ito bilang malakas sa pag-inom ng alak at pagkain ng matatamis. Isa sa mga
itinuturong dahilan nito ang Central Azucarera Don Pedro, na itinuturing na
pinakamalaking tagagawa ng asukal sa buong bansa. Isa naman sa pinakakilalang
produkto ng lalawigan ang kapeng barako, gayon din ang balisong.
Nahahati sa 32 munisipalidad at dalawang lungsod ang Batangas. Ito ay
may apat na lehistratibong distrito. Kabilang sa munisipalidad ng Batangas ang
Agoncillo, Alitagtag, Balayan, Balete, Bauan, Calaca, Ibaan, Laurel, Lemery, Lian,
Lobo, Mabini, Malvar, Mataas na Kahoy, Nasugbu, Padre Garcia, Rosario, San
Jose, San Juan, San Luis, San Nicolas, Santa Teresita, Santo Tomas, Taal, Talisay,
Taysan, Tingloy, at Tuy. Kabilang sa lungsod ang Batangas, Tanauan, at Lipa.

19

Pigyur 1. Lokasyon ng Batangas sa Mapa ng Pilipinas


Kasaysayan ng mga Piling Bayan
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga kasaysayan at lokasyong
heograpikal ng mga piling bayan ng Batangas na pinagmulan ng mga respondente
ng isinagawang pag-aaral.
Bayan ng Padre Garcia
Sa silangang bahagi ng probinsya ng Batangas, napalilibutan ng
munisipalidad ng San Antonio, Quezon matatagpuan ang bayan ng Padre Garcia,
may sukat na humigit-kumulang 40.93 kilometro kwadrado.

20

Ang munisipalidad ng Padre Garcia ay dating bahagi ng bayan ng Rosario


at kilala sa dating tawag na Lumang bayan o Sambat. Naging ganap na bayan
na munisipalidad ang Padre Garcia noong 1949 sa pamumuno ng dating pangulo
na si Elpidio Quirino sa ilalim ng batas Kautusang Tagapagpaganap Blg. 279.
Naging unang mayor ng nasabing bayan sina Hon. Jose A. Pesigan at Rostico K.
Recto bilang pangalawang mayor. Ang pangalan ng bayan ay hango sa isang
mamamayan sa Barangay Maugat, si Padre Vicente Garcia. Isa siya sa naging
tagapagtanggol ng mga akda ni Rizal noong panahon ng pakikipaglaban ng
Pilipinas para sa kalayaan mula sa Espanya.
Kapayapaan at katahimikan ay laganap sa nasabing bayan. Sa paglalakbay
ng mga Amerikano, si Kapitan Brown at ang kanyang hukbo ay sapilitang
pinalipat ang mga residente at manirahan sa masaganang sustento ng sariwa at
malinis na tubig na nagmumula sa Burol ng Tombol Hill.
Ang Padre Garcia ay isa sa 32 munisipalidad ng bayan ng Batangas na
matatagpuan sa silangan ng lalawigan. Ito ay napalilibutan ng bayan ng Lipa sa
hilaga, munisipalidad ng San Antonio, Quezon sa Silangan, bayan ng Rosario sa
timog at sa kanluran ay bayan din ng Rosario at Lipa. Binubuo ito ng 18 na
barangay, Banaba, Banay-banay, Bawi, Bukal, Castillo, Cawongan, Manggas,
Maugat West, Pansol, Payapa, Poblacion, Quilo-Quilo (North), Quilo-Quilo
(South), San Felipe, San Miguel, Tamak, Tangob.

21

Sa loob ng maraming taon, ang bayang ito ay kilala sa pagiging maunlad sa


ilalim ng Nacionalista at Liberal Administration.
Ang masayang pagsasama-sama ng kalikasan, katangian at kaugalian ng
mga nainirahan sa mga nakapaligid na bayan, ang mamamayan ng Padre Garcia ay
nagtataglay ng aristokrasya at kabutihan ng mga Lipeos, ang pagpupursigi, at
katimpian ang mga taga-San Antonio, Quezon, ang pagiging mapag-bigay at
magiliw sa panauhin ng mga taga-Rosario at pagiging kuntento ng taga-Ibaan.
Dahil sa katangiang ito, ang bayan ay nagtataglay ng kapayapaan at
kaayusan.tulad ng dati, ang mga nanunungkulan at mamamayan nito ay patuloy sa
paggampan ng tungkulin hindi lamang sa mga kalapit bayan na sakop ng Batangas
maging sa ibang mga bayan ng Pilipinas.

Pigyur 2.Lokasyon ng Padre Garcia sa Mapa ng Batangas

22

Bayan ng Rosario
Ang Rosario ay kabilang sa unang antas ng munisipalidad ng Batangas at
nasa ilalim ng rehiyon ng CALABARZON sa Luzon. Ayon sa census 2011, ito ay
may populasyong 101,000. Ito ay itinuturing din bilang kabilang sa mga panloob
na munisipyo ng Batangas Bay Region na binubuo ng labing-isang munisipalidad
at dalawang lungsod na ang dakip lugar alisan ng tubig sa Batangas Bay. Ang
bayang ito ay kilala rin sa taguring Rice Kamalig ng Batangas.
Ang bayan ng Rosario ay binubuo ng 48 na barangay: Alupay, Antipolo,
Bagong Pook, Balibago, Bayawang, Baybayin, Bulihan, Cahigam, Calantas,
Colongan, Itlugan, Lumbangan, Maalas-as, Mabato, Mabunga, Malacamcam A,
Malacamcam B, Malaya, Maligaya, Marilag, Masaya, Matamis, Mavalor, Mayuro,
Namuco, Namunga, Natu, Palakpak, Pinagsibaan, Barangay A (Pob.), Barangay B
(Pob.), Barangay C (Pob.), Barangay D (Pob.), Barangay E (Pob.), Putingkahoy,
Quilib, Salao, San Carlos, San Ignacio, San Isidro, San Jose, San Roque, Santa
Cruz, Timbugan, Leviste (Tubahan), Tulos.
Mula sa pananaw ng mamamayan ng Rosario, ito ay isang maunlad,
malinis, maayos, maganda, at tahimik na pamayanan; isang huwarang bayan at
ganap na lungsod na may pagmamahal sa kanyang kalikasan, nangangalaga sa
kagubatan na maraming tanim na punong kahoy.

23

Ang mga mamamayan ditto ay may pagkakaisa, pagkukusa at takot sa


Diyos, na masaya sa kanilang pamumuhay na masagana bunga ng pagkakaroon ng
sapat na hanapbuhay, maayos na trabaho at sapat na kabuhayang kanilang
pinagkakakitaan.
Kinikilala ang bayang ito sa kanyang masiglang bagong anyo ng
agrikultura, pagnenegosyo, imprastraktura, turismo, edukasyon, transportasyon,
pangangalaga sa kaayusan o kapayapaan, at ganoon din sa kanyang
mapagkakatiwalaan at matatapat na mga namumuno.
Pinahahalagahan ng lokal na pamahalaan ang kapakanan at kagalingan ng
sektor ng mahihirap, kababaihan, may edad, nag-iisang magulang, kabataan at
mga bata, mamamayang may ibang kakayahan at iba pang pangunahing sektor.
Tuwing Hunyo 9, ang Sinukmani Festival ay ginaganap sa Rosario,
Batangas. Ang Rosario ang siyang tinataguriang Rice Granary of Batangas kaya
ang pagdiriwang ay hango sa bigas. May 48 barangay ang Rosario. Lahat sila, sa
pamumuno ng mga opisyal ng kanilang barangay, ay aktibong lumalahok sa
taunang pagtitipon.
May street dance competition na siyang pinakaaabangan ng lahat. Lahat ng
mga kalahok ay nakasuot ng mga kasuotang yari sa bilao at banig, mga gamit sa

24

paggawa ng sinukmani. Ang mga kalahok ay pawing mga estudyante ng ibatibang barangay.
Ang katakam-takam na paligsahan ng pinakamahabang sinukmani ay isa rin
sa pinapanood ng mga tao. Ang sinukmani ay pinagsama-samang gata ng niyog,
asukal, at malagkit na bigas. Ito ay maaari ring lagyan ng latik sa ibabaw, dinurog
na mani at ginadgad na buko. Ang barangay na may pinakamahabang sinukmani
ay siyang magwawagi.

Pigyur 3. Lokasyon ng Rosario sa Mapa ng Batangas


Bayan ng Taysan
Ang bayan ng Taysan ay kilala noon sa tawag na Baryo Mercedes na dating
munisipalidad ng Rosario. Noong 1919, si Don Teodoro M. Kalaw, ang dating
Kalihim ng Interyor at si Don Benito M. Reyes, ang dating representatib ng
Ikatlong Kongreso ng distrito ng probinsya ng Batangas. Noong taon ding yaon,
naitalaga si Manuel H. Viril bilang kauna-unahang pangulong-munisipal, anak ng

25

kilalang si Esteban Viril na isa sa namuno ng rebolusyon. Siya ay nagsilbing


pangunahing tagapagsagawa, isang kamangha-manghang pinuno at naging tao a
likod ng mga aktibidad sa pagpapaunlad ng Taysan bilang munisipalidad.
Kung paano at kung saan galling ang salitang Taysan ay nanatiling
kasaysayan. May nagsasabing ang pangalang ito ay nagmula sa salitang Atisan
na nangagahulugang lugar kung saan maraming atis.

May nagsasaad din ng

kaisipan na nagsimula ang katawagan sa bayan ng katagang Tiis na


nangagahulugang isang matinding determinasyon. Dahil sa paulit-ulit na maling
pagbigkas ng salitang Atisan at Tiisan naging Taysan na ang katawagan sa
bayan at naging opisyal na pangalan ng lugar.
Ang bayan ay may kabuuang sukat na 93.62 kilometro-kwadrado (36.15 sq
mi). napalilibutan ito ng bayan ng Rosario sa hilaga, bayan ng Ibaan sa hilagangkanluran, sa gawing kanluran ay ang Lungsod ng Batangas, sa dakong silangan ay
ang ilang barangay na nasasakupan ng Rosario at sag awing timog ay ang bayan
ng Lobo.
Ang Taysan ay nahahati sa 20 barangay: Bacao, Bilogo, Bukal, Dagatan,
Guinhawa, Laurel, Mabayabas, Mahanadiong, Mapulo, Mataas na Lupa, Pag-asa,
Panghayaan, Pia, Pinagbayanan, Poblacion East, Poblacion West, San Isidro, San
Marcelino, Sto Nio at Tilambo. Sa larangan ng ekonomiya, sagana ang bayan sa
agricultural na kabuhayan at pag-aalaga ng hayop. Kilala rin ang Taysan sa aspeto

26

ng mina at sa paggawa ng semento. Dito matatagpuan ang kilalang Fortune


Cement sa Barangay Mapulo na isa sa pangunahing pinagkukunan ng semento at
graba sa lalawigan ng Batangas.

Pigyur 4. Lokasyon ng Taysan sa Mapa ng Batangas

Literaturang Pananaliksik
Ang ilan sa mga pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik na may
kaugnay sa mga araling pangwika ay binasa at sinuri ng mga ito.
Ang pag-aaral na Diskurso sa Facebook ng mga Mag-aaral ng BatStateURosario nina Alba et al. (2015) ay naglayong sagutin kung ano ang diskurso sa
Facebook na may kaugnayan sa pag-status update at pagkomento ng ayos o
istruktura ng diskurso sa Facebook, ano-anong istrukturang panglinggwistika ang
nalalabag ng mga Facebook users sa kanilang diskurso at batay sa resulta ng pag-

27

aaral, ano ang mungkahing gawain upang mapataas ang antas ng kasanayan ng
mga mag-aaral sa diskurso.
Batay sa kanilang naging pananaliksik, mas mabuti raw na gumamit ang
mga guro at mga guro sa hinaharap ng masusing banghay-aralin sa pagtuturo ng
diskurso. Ayon sa kanila, bagaman ang Facebook ay isang social networking site,
ang mga users, mga mag-aaral man o guro, ay nararapat maging maingat at
responsible sa pagpapahayag ng wastong diskurso.

Iminungkahi rin ng mga

mananaliksik na gamitin ang wastong alituntunin sa pagbuo ng diskurso upang


pamarisan ng iba ang ganitong gawi. Ang pagkakaroon ng mga susunod pang mga
pag-aaral ay iminungkahi rin ng mga mananaliksik upang lalong maging maingat
at responsible ang bawat isa sa pagpapahayag ng kaisipan at saloobin sa social
networking sites.
Sa pag-aaral nina Ayap et al. (2015) na Tala ng mga Archaic na Salita sa
Tagalog-Batangas:Gabay sa Pagtuturo ng Wika ay nakatuon sa pagtatala ng mga
archaic na salita sa Tagalog-Batangas mula sa mga piling bayan ng Batangas.
Nangalap ang mga mananaliksik ng mga matatandang salitang Batangueo sa
pamamagitan ng pakikipanayam sa matatanda na matagal nang naninirahan sa
Batangas. Gumamit ng sarbey-kwestyuner ang mga mananaliksik sa pagkalap ng
mga salita. Itinuturing ng mga mananaliksik na archaic na ang salita kung mababa
sa 50 bahagdan ng respondante ang hindi na nakakaalam nito. Ang pag-aaral na

28

ito ay naglalayong mabigyan ng malinaw na pakahulugan ang mga archaic na


salita sa Tagalog-Batangas na ipinangkat sa tatlong bahagi ng panalita. Nagtala
ang mga mananaliksik ng isandaat limampung salitang Batangueo sa sarbeykwestyuner na pinasagutan sa isandaat dalawampung respondante na may edad na
labinglima hanggang dalawampu.
Upang tuluyang mapayabong at mapayaman ang ating wika, iminungkahi
ng mga mananaliksik na magkaroon ng komprehensibong pagtalakay sa archaic
na salita at kongkretong halimbawa nito, hindi lamang sa lokal maging sa buong
mundo.

Sa susunod naman na magsasagawa ng ganitong pag-aaral, higit na

makabubuti na sumangguni at kapanayamin ang mga kilala at batikang manunulat,


linggwista at tagapagtaguyod ng wika tungkol sa kanilang pananaw sa pagiging
archaic ng isang salita. Sa mga mananaliksik, iminumungkahi na muling
magsagawa ng ganitong pag-aaral sa ibang bahagi naman ng panalita, sa mas
batang respondante at sa ibang dayalekto ng Tagalog.
Sa pag-aaral na Sa Pagsasaling Wika ng Gay Lingo Gamit ang UP
Diksyunaryong Filipino ni Virgilio Almario: Gabay sa Pagpapayaman ng
Talasalitaan nina Caniaberal et al.(2015), nakatuon ang pag-aaral na ito sa
pagsasalin ng Gay Lingo sa salitang Filipino gamit ang UP Diksyunaryong
Filipino ni Virgilio Almario bilang sanggunian sa pagpapakahulugan. Layunin
nito na malaman ang mga pangunahing salitang bakla na ginagamit sa lipunan at

29

ang katumbas nitong salita sa wikang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay gumamit
ng paraang deskriptib-analitik.

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng 500

salitang bakla na hinati sa apat na kategorya: ang tao, bagay, lugar, at elemento ng
kalikasan at isinalin sa wikang Filipino upang maging gabay sa pagkaunawa sa
mga salitang bakla.
Iminungkahi ng mga mananaliksik na muling magsagawa ng mga susunod
na pagsasaliksik ng ganitong pag-aaral upang lalong mapayaman ang wika at
maging pamilyar ito upang magkaroon pa ng sapat na dami ng kagamitang panturo
na nasusukat sa Filipino lalo na sa usapin ng Gay Lingo.
Ang pag-aaral nina Cantre et al. (2015) na Epekto ng Jejemon at Bekemon
sa Makrong Kasanayan ng mga Mag-aaral sa Dalawang Piling Pampublkong
Paaralan sa San Juan ay may layuning malaman ang epekto ng mon language sa
makrong kasanayan.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan at

sarbey bilang pangunahing instrument sa pagkalap ng mga datos na kailangan sa


kanilang pag-aaral na pinasagutan sa 100 mag-aaral.
Ayon sa kanila, makatutulong ang pagdalo sa mga seminar, workshop at
pagsasanay ng mga mag-aaral at mga guro upang magkaroon ng sapat na
kaalaman patungkol sa mga bagong salita at ang pagpapagawa sa mga mag-aaral
ng mga sulatin gaya ng tula, maikling kwento at sanaysay gamit ang

30

matatalinhagang mga salita upang maiwasan ang paggamit ng makabagong salita


sa mga pormal na sulatin.
Sa pag-aaral na Tala ng mga Salitang Batangueo Mula sa mga
Piling Barangay ng Rosario nina Braza et al. (2013), ang pananaliksik na ito ay
naglayong makapagtala ng mga salitang Batangueo na nagkakaiba-iba sa mga
piling barangay ng Rosario, maipakita ang paraan ng pagkakapangkat-pangkat at
paraan ng pagpapakahulugan ng mga salitang ito at tumuklas ng mga kagamitang
panturo upang maibahagi ang mga salitang Batangueo ng akademiko.

Ang

pananaliksik na ito ay limitado lamang sa pag-aaral sa isang bahagi ng panalita.


Ito ay ang pangngalang inihanay sa bagay, pagkain, hayop, at lugar sa
pamamagitan ng pagbabasa ng ibat-ibang babasahin at pag-aaral na hawig sa
kanilang pananaliksik. Gumamit ang mga mananaliksik ng interbyu sa sampung
kabahayan sa bawat piling barangay.
Iminungkahi ng mga mananaliksik na muling maisagawa ang ganitong
pananaliksik sa iba namang antas ng pag-aaral na nakatuon sa iba pang bahagi ng
pananalita. Nais rin nilang mahikayat ang iba pang mag-aaral na magsagawa ng
pag-aaral na nakatuon sa iba pang dayalekto sa Pilipinas para sa higit na
pagpapayaman ng wikang Filipino.

31

Sintesis
Sina Ayap et al. (2015), ay gumamit ng sarbey-kwestyuner sa
pagkalap ng mga salitang archaic sa apat na piling bayan sa Batangas halintulad sa
ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, nagtala ang mga mananaliksik ng
isandaat limampung salitang Batangueo sa sarbey-kwestyuner na pinasagutan sa
isandaat dalawampung respondente na may edad na labinlima hanggang
dalawampu samantalang ang sa kasalukuyang mananaliksik ay naghanay naman
ng dalawandaang mga salitang balbal sa sarbey-kwestyuner na pinasagutan sa
isandaat limampung respondente.
Ang pag-aaral nina Caniaberal et al. (2015) na nakatuon sa pagsasalin ng
Gay Lingo sa salitang Filipino gamit ang UP Diksyunaryong Filipino ni Virgilio
Almario bilang sanggunian ng pagpapakahulugan katulad din ng pag-aaral ng mga
mananaliksik na nagtala ng mga salitang balbal at binigyan din ng pakahulugan.
Ang kanilang rekomendasyon ay katulad ng pag-aaral ng mga mananaliksik
subalit nagkaiba sa estratehiyang ginamit. Ang kasalukuyang mananaliksik ay
gumamit ng paglalarawang quantitative samantalang sina Caniaberal et al. ay
gumamit ng deskriptib-analitik.
Pinakamalapit sa pag-aaral ay ang pag-aaral nina Cantre (2015)
sapagkat binibigyang pokus ng mga ito ang salitang bekemon na maikakategorya
sa paksang balbal ng kasalukuyang pag-aaral. Sa kabilang banda, naiba lamang

32

sila sapagkat ang pag-aaral nina Cantre (2015) ay tumutukoy sa epekto ng mga
bekemon sa makrong kasanayan sa dalawang pampublikong paaralan sa bayan ng
San Juan samantalang ang kasalukuyang pag-aaral ay tumutukoy sa tala ng mga
balbal na salita sa piling mga bayan sa ikaapat na sangay ng lalawigan ng
Batangas.
Sa pag-aaral nina Braza et al. (2013), ang ginamit na paraan ay ang
quantitative na paglalarawan upang makapagtala ng mga salitang Batangueo na
nagkakaiba-iba sa mga piling barangay ng Rosario na maihahalintulad sa
isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik. Pinangkat-pangkat nila ang mga
salitang ito at binigyang-kahulugan at tumuklas sila ng mga kagamitang panturo
upang maibahagi ang salitang Batangueo ng akademiko. Gumamit ang mga
mananaliksik ng interbyu upang mangalap ng mga datos na halintulad ng
kasalukuyang pag-aaral.

Balangkas Konseptuwal
Ang pigyur na ito ay naglalarawan ng mga salitang Balbal ng piling bayan
ng Batangas. Sa unang kahon, ipinakikita ang tatlong piling bayan ng Batangas na
pagmumulan ng mga respondente para sa pananaliksik. Sa ikalawang kahon,
ipinakikita ang pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik sa isinagawang pagaaral. Sa ikatlong kahon, ipinakikita ang awtput na kinalabasan ng pag-aaral.

33

Input

Proseso

Awtput

Awtput

Tala ng mga
Salitang Balbal sa
Tatlong Piling

Interbyu

Bayan ng
Batangas

Sarbey-

Elektronikong

Padre Garcia

kwestyuner

Diksyunaryo

Rosario

Pagtitipon ng

Taysan

mga Salita

Pigyur 5. Riserts Paradim


Tal ng mga Salitang Balbal sa mga Piling Bayan ng Ikaapat na Sangay ng
Batangas
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Upang maging malinaw sa mga babasa ang mga sumusunod na katawagan,
ito ay binigyan ng kahulugan batay sa pagpapakahulugang konseptwal.

34

Balbal.

Ito ang wikang ginagamit sa lansangan.

Ito rin ang wikang

sinasalita ng mga walang pinag-aralan at itinuturing na pinakamababang


antas ng wika. (Marquez et al., 2010)
Barangay.

Ito ay halaw sa salitang banghai o balanghay, na

nangangahulugang isang malaking Bangka na gamit ng mga Malay


(Manacsa, et al. 1990). Sa kasalukuyang pag-aaral, ito ay tumutukoy sa
lupain na napapaloob sa isang bayan na naging respondente ng isinagawang
pag-aaral.
Bayan.

Ito ay tumutukoy sa pook na sinilangan at tinahanan, lupang

tinubuan (Manacsa, et al. 1990). Sa pag-aaral na ito, tumutukoy ito sa mga


lugar na matatagpuan sa loob ng lalawiganin, dito magmumula ang mga
respondente ng kanilang pag-aaral.
Diksyunaryo.

Ito ay aklat na naglalaman ng mga salita ng isang wika

o ng isang tanging uri ng mga salita, ito ay listahan ng mga salita ng isang
wika na nakaalpabetikong hanay (UP Diksyunaryong Filipino ni Almario et
al. 2001). Sa pag-aaral na ito, isa ito sa sanggunian ng mga salitang balbal
na nalikom.
Pakikipanayam.

Ito ay tumutukoy sa pakikipagpulong, pakikipag-usap,

pagtatanong o pag-uusisa sa taong may kaugnayan sa paglilinaw sa paksang

35

napili o isinasagawa (Alcaras, C. et al., 2005). Sa pag-aaral na ito, ito ay


tumutukoy sa isang paraan na ginamit sa pagkalap ng mga datos.
Pil.

Ayon sa UP Diksyunaryo ni Almario et al. (2001), ito ay hirang o

paghirang sa tungkulin. Ito ay nangangahulugang paghirang sa mga bayan


ng Ikaapat na Sangay ng Batangas.
Salita. Ayon sa Komunikasyon sa Akademikong Filipino ni Austero et al.
(2012) ang ibig sabihin nito ay yunit ng wika, binubuo ng isa o higit pang
binibigkas na tunog o nakasulat na representasyon at nagsisilbing
tagapaghatid ng anumang ipinapahayag ng isip, kilos o damdamin.
Tal Ito ang maikling rekord o sulat ng mga katibayan, paksa, naiisip, at
iba pang tulong sa memorya, gamit sa pagsulat, pagsasalita at iba pa
(Almario et al. 2001). Ito ang lista ng mga salita na makakalap at matitipon
ng mga mananaliksik.

36

Kabanata III
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Sa kabanatang ito, inilahad ang disenyo ng pananaliksik, ang instrumentong
ginamit at paraan ng pagkuha ng datos.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang mananaliksik ay gumamit ng palarawang pamaraan o deskriptib at
quantitative na pananaliksik. Ayon kay Astorga Jr. et al. (2010) ang deskriptib na
pananaliksik ay ginagamit upang mabatid ang kasalukuyang nagaganap na
pangyayari, makita ang kaugnayan ng mga paniniwala at kuro-kuro, proseso at
epekto nito at paglulunsad ng kalakaran ng paksang pag-aaralan. Gumamit din ng
sarbey ang mga mananaliksik. Ang sarbey ay isang pamamaraan na mabisang
gamitin sa isang malawak na pag-aaral na nangangailangan ng maramihang
respondent Ang instrumento sa pamamaraang ito ay isang pormularbyong sarbey
na maaaring nasa anyong talatunugan (questionnaire) o kaya ay tseklis kaya ito
ang napiling gamitin ng mga mananaliksik.
Mga Respondente
Ang mga salitang gagamitin sa sarbey-kwestyuner ay yaong mga salitang
balbal na kalimitang naririnig na ginagamit ng mga kabataan na naninirahan sa
Batangas lalot higit sa tatlong piling mga bayan ng Rosario, Padre Garcia at
Taysan. Humingi ang mga mananaliksik ng suhestyon sa punong bayan para sa

37

tala ng kabuuang populasyon ng mga ito. Pure random sampling ang ginamit ng
mga mananaliksik sa pagpili ng mga respondenteng kakapanayamin.

Bawat

barangay ay nagkaroon ng limampung (50) respondent kung kayat nagkaroon ng


kabuuang isandaat limampung respondente.
Instrumentong Ginamit
Upang makuha ang kinakailangang impormasyon, ang mga mananaliksik
ay naghanay ng mga salitang balbal na may kabuuang dalawangdaang (200)
bilang ng mga salita.

Ang mga salitang inihanay ay base sa mga salitang

napapanahon at nauuso sa kasalukuyan. Matapos maisagawa ang paghahanay, ang


mga mananaliksik ay nagsagawa ng interbyu sa mga respondente sa tatlong piling
bayan sa lalawigan ng Batangas: ang Rosario, Padre Garcia at Taysan upang
maitala ang mga balbal na salitang kanilang nalalaman at ang katumbas na salita
nito sa wikang Filipino sa pamamagitan ng binuong tseklis o sarbey-kwestyuner.
Sa instrumentong ito, makikita ang hanay ng mga balbal na salita sa
kaliwang bahagi. Sa sunod na hanay naman itatala kung pamilyar o hindi ang
respondente sa mga salita at sa panghuling hanay naman isusulat ang katumbas
nitong kahulugan sa wikang Filipino.
paalpabetikal na pagkakahanay.

Ang mga salitang balbal ay nasa

38

Pinagmulan ng Datos
Ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga datos na kinailangan para sa
isinagawang pag-aaral sa mga aklatan. Masusi silang naghanap ng mga salitang
balbal sa ibat ibang aklat para makabuo ng tseklis na magsisilbing instrumento
para sa isasagawang sarbey. Ayon sa aklat na Saliksik: Gabay sa Pananaliksik sa
Agham Panlipunan, Panitikan at Sining nina Navarro et al. mas mahalagang
pagtuunan ng pansin ang pananaliksik sa larangan at pananaliksik sa mga aklatan
o institusyong lagakan ng impormasyon sapagkat ginagamit ito hindi lang sa
agham pangkalikasan kundi sa agham panlipunan at humanidades. Sinabi rin sa
artikulo ni Raymund Arthur Abejo (2008) tungkol sa pananaliksik sa mga aklatan
at artisibo na pinahahalagahan ang mga kasanayan sa paghahanap ng mga
babasahin at pagbabasa.
Gumamit din ang mga mananaliksik ng kros-katutubong pamamaraan sa
pananaliksik na ayon sa artikulo ni Enriquez (1979) at monograp ni Pe-Pua (2005)
ay pinalawak ang iskala ng mananaliksik at tinukoy ang mga pamamaraan na gaya
ng

pagtatanong-tanong,

pakikipagkuwentuhan,

ginabayang

talakayan,

nakikiugaling pagmamasid, pagdalaw-dalaw, pakikisama at panunuluyan.


Nag-interbyu at nagsarbey ang mga mananaliksik ng isandaat limampung
respondente mula sa tatlong bayan ng Batangas. Ang mga respondente ay pinili
upang katawanin ang nakararami o kilala sa tawag na sampling.

39

Sa pag-aaral na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng pure random


sampling sa pagpili ng mga respondente sa tatlong piling bayan sa ikaapat na
sangay ng Batangas.

Nagkaroon ng pantay na karapatan sa pagpili ng mga

respondente sa nasabing mga bayan.

You might also like