You are on page 1of 19

KABANATA 1

ANG SULIRANIN

PANIMULA

Alam naman nating ang wika ay ang medium na ginagamit sa araw-araw na

pakikipagkomunikasyon ng mga tao upang magkaroon ng pagkakaintindihan sa bawat

isa. Bawat bansa’y may kani-kaniyang wika, ito ang nagsisilbing daan upang sila’y

madaling magkaintindihan. Tulad ng ating bansa na gumagamit ng Wikang Filipino na

nahahati sa dalawang antas ng pananalita, ang mga pormal at impormal na pananalita at

ito rin ay nahahati sa iba’t-ibang diyalekto tulad ng Tagalog, Ilokano, Kapampangan,

Bicolano at iba pa. Sa patuloy na paglipas ng panahon, kasabay nito ang pag-usbong ng

modernisasyon na nagdulot ng pagkakaroon ng iba’t-ibang estilo ng pananalita tulad ng

kolokyal, gaylingo, at ang madalas gamitin ng karamihan, ang balbal na salita o mga

salitang kanto, at ang mga ito ay nagsilbing impormal na salita sa Wikang Filipino.

Ang mga balbal na salita ay ang pinakamababang antas ng wika sa ating

lipunan, halimbawa nito ay ang mga kabastusan o mura, kilala rin ito sa tawag na slang

sa ingles. Ang mga balbal na salita ay naging laganap sa mga Pilipino lalong-lalo na sa

mga kabataan dahil ito ay nagdulot ng malaking impluwensya sa kanilang pamumuhay,

pananalita, pag-aaral at mga ito ay mas madaling gamitin sa pakikipag-komunikasyon.

Ang mga balbal na salita ay nakaimpluwensya sa nakararami sapagkat sa karamihan ay

ang mga kabataan ang gumagamit at umaayon sa mga salitang kanto at kalimitang

ginagamit ng mga nakatatanda ang mga balbal na salita dahil hindi lahat ng mga mas
naunang henerasyon ay sumasang-ayon at nakikisabay sa ganitong paraan ng pananalita.

Bagamat mayroong epekto ito sa mga kabataan lalong lalo na sa mga minor de edad na

nasa ika-7 grado pababa na nagkukulang at nakakaligtaan ang pagkakaroon ng limitasyon

sa paggamit nito, madalas ay nawawalan sila ng paggalang o respeto at kontrol sa mga

salitang kanilang binibitawan sa mga mas nakatatanda sa kanila o kahit ka-edad man nila.

Ang paggamit ng mga balbal na salita ay nagkakaroon ng parehong positibo at

negatibong epekto sa mga Pilipino, negatibo kung nawawalan ng limitasyon sa paggamit

nito at positibo naman kung ito ay ginagamitan ng may paggalang.

Hindi maipagkakaila na tayong mga Pilipino sa panahon ngayon ay mas

pamilyar pa sa salitang balbal. Ayon sa pagsasaliksik, may mga salitang kapag itananong

sa mga kabataan ngayon ay hindi alam ang kahulugan at kahit matanda ay hindi din alam

ang mga salitang ito. Ang mga salita tulad ng “anluwage”, “batubalani”, “beranda”,

“kapalaluan”, “kaulayaw”, “salipawpaw”, “sapantaha”, “papagayo”, at

“nagugulumihanan.”

Ano? Nakakadugo ba ng ilong? Ngayon niyo lang din ba narinig ang mga

iyan? Sa dumaan na henerasyon, maraming salita na ang nagbago kaya nagkulang na

tayong mga Pilipino ng sapat na kaalaman sa ating sariling wika maging sa paggamit ng

pormal. Kung tutuusin, ang mga salitang iyon ay hindi naman ganoon kalalalim, iyon nga

lang ay hindi natin sila nagagamit sa araw-araw na pakikipag-usap natin sa ating kapwa.

Kumbaga sila na ang mga unfamiliar words sa diksyunaryong tagalog.

Ayon sa mga sinaunang manunulat, “Ang wikang ating sinasalita ay ang

siyang nagpapakilala ng ating pagkatao” nangangahulugang ay ang mga salitang

lumalabas sa ating mga bibig ay siyang nagiging repleksyon kung anong katauhang
mayroon tayo. Ang wika ay lubhang makapangyarihan kung kaya naman dapat ay

maging maingat tayo sa paggamit nito.

Huwag natin hayaan na makasanayan ang mga salitang balbal o mga

salitang kanto. Palagi nating tatandaan na ang lahat ng bagay ay dapat mayroong

limitasyon. Ating alamin kung saan at kailan lamang nararapat gamitin ang mga ganitong

uri ng salita.

ANG SULIRANIN

1. Ano-ano ang mga balbal na salita na ginagamit ng mga mag-aaral na nasa ika-7

grado ng Tarlac National Highschool?

2. Gaano kadalas ginagamit ng mga mag-aaral na nasa ika-7 grado ng Tarlac

National Highschool ang mga balbal na salitang ito?

3. Ano ang silbi ng iyong pananaliksik?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang mga balbal na salita sa panahon ngayon ay kinikilala bilang impormal

na estilo ng wika sapagkat ito ang mga salitang ating ginagamit na akala natin ay ayos
lang at maganda para sa atin ngunit ito ay hindi kaaya-aya sa pandinig ng iba kaya

narararapat nating alamin ang epekto nito sa bawat mamamayang Pilipino.

Sa mga Generation Z. Ang thesis na ito ay magsisilbing gabay nila sa

paghubog ng maayos pakikipagkomunikasyon sa mga nakakatanda o ka-edad nila.

Karamihang kabilang dito ang mga mag-aaral, ang ganitong pananalita ay maaaring

magdulot ng malabong komunikasyon o di pagkakaintindihan at pagkakaroon ng away,

ito rin ang nagpapahina sakanila sa pananalita ng pormal na kailangan sa kanilang

Paaralan. Halimbawa nalang ng mga pagkakamali ay sa pagsulat at sa ispeling, ito din ay

nagiging malaking hadlang sa pagpapaunlad ng tamang paggamit ng pormal na mga

salita at sa gramatika, maging na rin sa pagsulat ng komposisyon o pakikipagtalastasan.

Ang kasanayan sa paggamit ng ganitong uri ng salita ay tunay lamang na

nakakapagpababa ng kaalaman, kasanayan at saloobin ng mga mag-aaral.

Sa mga Millennial. Magiging halimbawa ang thesis na ito sa kanila upang

iayon ang kanilang pakikipag-usap kung kailan gagamitin ang mga pormal at di pormal

na salita. Ang mga Millennial ang may pinakamalaking parte sa pagkakaroon at paggamit

ng mga balbal na salita sapagkat, madalas kung ano ang naririnig nilang mga bagong

salita ay ginagaya nila dahil sa tingin nila’y iyon ay maganda sa pandinig at sumasabay

sa uso. Ngunit hindi lamang mga kabataan ang dapat umiwas sa pagsasalita nito kundi na

rin ang mga Millennial dahil ang kasanayan sa paggamit ng ganitong uri ng salita ay

tunay lamang na nakakapagpababa ng kaalaman at kasanayan sa paggamit ng pormal na

salita.

Sa mga Baby Boomers. Ang mga nakatatandang henerasyon nalang ang

kadalasang gumagamit ng Wikang Filipino ngunit ang iba sa mga ito ay nakasanayan
naring gumamit nito. Marami sakanila ang hindi sangayon sa paggamit ng balbal na salita

dahil sa kanilang pananaw ito ay nakakabastos sakanilang kapwa bagkus ito ay mga

salitang kanto. Ngunit ang iba ay nakikiuso na din upang matawag lamang na "bagets"

kung tawagin, para sa kanila kung magtutuloy-tuloy pa ang mga ito baka tayo'y maging

banyaga pa sa ating sariling wika.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang layunin ng pagaaral na ito ay upang malaman kung ano ang

epektong maidudulot ng paggamit ng mga balbal na salita sa pang-araw araw na

pamumuhay ng mga Pilipino. Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang iba pang uri ng

impormal na salita tulad ng gay lingo, salitang kolokyal, at iba pa.

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga magaaral na nasa ika-7 na

baitang ng Tarlac National High School (Main) at hindi sa pangkalahatan.


KABANATA 2

“KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL”

LITERATURA

Ayon kay Dr. Batang at sa kanyang artikulo na pinamagatang “Kabayan”


(2001). Ang PIlipinas ay multi-cultural at multi-lingual, na nagbubuklod ang watak-
watak na isla ng isang mithiin na ipahayag ang ating iisang midyum ng wikang Filipino.
Nagiging multicultural an gating bansa sapagkat maraming kultura an gating tinatangkilik
tulad na lamang ng kultura ng Korea, China, Japan, America, atbp ang mga bansang
kalapit o nagdudulot ng malaking impluwensya sa mundo ay siya na ring kulturang
tinatangkilik natin. Tulad na lamang ng pagtangkilik natin sa mga imported goods kaysa
sa local goods o kaya nama’y mga naiwan na kultura ng mga Kastila sa atin tulad ng
relihiyon, sa mga Amerikano’y edukasyon, sa mga Tsinonaman ay pagkain o tela at iba
pa. Multi-lingual sapagkat ang mga ibang paaralan ngayon ay nagtuturo na rin ng wikang
French, Mandarin, Spanish, Japanese at Korean.

Batay naman sa libro ni Morong "Komunikasyon sa Akademikong Filipino"


(2009) ang mga kabataan ang nagiging sanhi ng pagbuo ng ganitong klase ng pananalita.
Sinasabing tayong mga kabataan ang nagiging sanhi ng ganitong suliranin sa wika
sapagkat tayong mga kabataan sa henerasyon ngayon ang mas tumatangkilik ng ibang
kultura kung tayo ay may iniidolo sa ibang bansa, minsan ay mas niyayakap pa natin ang
ibang bansa kaysa ang sariling bansa natin.
Sinalaysay ni Mabanta (2011) Ang Wikang Filipino ay may iba't-ibang antas
na nahahati sa pormal at impormal. Ang pormal at binubuo ng mga salitang pambansa at
pampanitikan o yaong mga salitang ginagamit sa pormal na lugar tulad ng
paaralan,opisina atbp. Samantala ang impormal naman ay maaaring gamitin sa pakikipag-
usap sa kaibigan,kapatid,pinsan atbp. Sa impormal nakapaloob ang mga Balba na salita.
Sa patuloy na pag-usbong ng modernisasyon ay nakakalimutan na nating sanayin an
gating mga sarili sa paggamit ng mga pormal na salita dahil nasanay na tayo sa impormal.
Tiyak na mas madaling gamitin ang impormal na mga salita sapagkat maikli lamang ito
at hindi kumbaga awkward gamitin sa pakikipag-usap ngunit hindi pa rin dapat tayo
masanay na ganitong uri ng pananalita dahil minsan ay nakakalimutan natin ang
limitasyon ay minsan ay nakakasakit na tayo ng damdamin ng iba.

PAGAARAL

Ayon sa pag-aaral ni Rodrigo (2009). Ang balbal na salita ang

pinakamababang antas ng wika. Dahil ito ay walang aktuwal na batayan o wala sa mga

reperensya tulad ng diksyunaryo. Ang mga ito rin ay gawa-gawa lamang ng mga taong

tulad ng mga tambay,bakla,at mga iba pa. May spangan ang mga salita at maaring may

iba’t-ibang anyo gaya ng likas na likha. Kung gagamit man tayo ng mga salitang ito ay

dapat maingat tayo lagi at alamin muna ang ibig sabihin bago tayo magbitaw ng mga

salita sapagkat hindi natin alam kung ang kausap natin ay sensitibo at mayroong hindi

magandang pananaw tungkol sa mga salitang ito.


Ayon naman kay Gette (2010). Ang mga balbal na salita o islang na salita

ay ang di mapantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na

lipunan. Sapagkat laganap na ngayon ito ay masasabing mas gusto itong gamitin ng mga

kabataan sapagkat maikli at walang pormal o dahil din patok ito sa kanilang henerasyon.

Bawat panahon ay nagbabago kaya naman ang Wikang Filipino na dating puro pormal ay

nagging impormal ay napaikli ang mga salita.

Batay kina Bautista at Kazuhiro(2009) Ang balbal na salita ay isang wika

ng isang grupo ng lipunan. Sapagkat hindi lamang isa o dalawa ang gumagamit nito

kundi halos buong bayan dahil sa nakasanayan na natin ang pagsasalita ng impormal na

salita ngunit kung maaari ay iwasan natin ito dahil baka dumating ang panahon na hindi

na tayo o mga susunod na henerasyon magiging pamilyar sa ating sariling wika.


KABANATA 3

PINAGMULAN NG DATOS

Ang mga mananaliksik ay pumili ng 50 mag-aaral na ika-7 baitang ng

Tarlac National High School (Main) upang malaman ang impluwensya ng mga balbal na

salita sa pamamagitan ng pagpili sa nasuri.

INSTRUMENTONG GINAMIT

1. Ano-ano ang mga salitang Balbal ang ginagamit mo?

Salita Oo Hindi Total


Pabibo
Hokage
Hakdog
Lodi
Pokmaru
Edi Wow
Jowa
Kupal
Chicks
Epal

Ginamit ang talahanayang ito upang masuri at makita ang mga salitang

balbal na ginagamit ng mga mag-aaral.


2. Gaano kadalas mo ito ginagamit?

Salita Madalas Paminsan- Madalang Hindi Total


minsan
Pabibo
Hokage
Hakdog
Lodi
Pokmaru
Edi Wow
Jowa
Kupal
Chicks
Epal

Ginamit ang nasa talahanayang itaas upang makita at masiyasat kung


gaano kadalas ginagamit ng mga mag-aaral ang mga salitang balbal.

3. Ano ang silbi ng inyong pananaliksik?


KABANATA 4

PAGLALAHAD NG SAGOT

Ang kinalabasan ng aming pananaliksik ay ilalahad namin sa mga sumusunod na

talahanayan.

1. Ano-ano ang mga balbal na salita ang ginagamit mo?

SALITA OO HINDI TOTAL


PABIBO 23 27 50
HOKAGE 12 38 50
HAKDOG 41 9 50
LODI 31 19 50
POKMARU 13 37 50
EDI WOW 43 7 50
JOWA 31 19 50
KUPAL 21 29 50
CHICKS 15 35 50
EPAL 33 17 50

Sa aming indikasyon, kami ay nagsagawa ng survey sa piling 50 estudyante na

nasa ika-7 baitang na mag-aaral ng Tarlac National High School upang maipakita kung

gaano na kalaganap ang mga salitang balbal sa mga murang edad kagaya nila.

Unahin natin sa salitang “Edi Wow” na mayroong pinakamaraming porsyento

kung saan ito ay mayroong 86% na magaaral ang gumagamit nito sa kasalukuyan,

sinusundan naman ito ng salitang “Hakdog” na mayroong 82%, at sa pangatlong

pinakamaraming porsyento ang salitang “Epal” ay mayroong 66%, sa pangapat na


pinakamaraming porsyento, nagkaroon ng dalawang magkasingraming bilang, ito ang

mga salitang “Lodi” at “Jowa” na mayroong 62%, sinundan ng salitang “Pabibo” na

mayroong 46%, sumunod naman ang salitang “Kupal” na mayroong 42%, kasunod nito

ang salitang “Chicks” na mayroong 30%, ang pangalawa sa pinakahuli ay ang salitang

“Pokmaru” na mayroong 26%, at ang may pinakamababang bilang ng porsyento ay ang

salitang “Hokage” na may 24%.

2. Gaano kadalas mo ito ginagamit?

SALITA MADALAS PAMINSAN- MADALANG HINDI TOTAL


MINSAN
PABIBO 7 6 10 27 50
HOKAGE 4 4 4 38 50
HAKDOG 26 10 5 9 50
LODI 9 13 9 19 50
POKMARU 6 3 4 37 50
EDI WOW 25 14 4 7 50
JOWA 16 9 6 19 50
KUPAL 4 8 9 29 50
CHICKS 4 3 8 35 50
EPAL 8 18 7 17 50

Ayon sa aming pag-aaral, natuksalasan namin kung gaano kadalas

ginagamit ng mga mag-aaral sa ika-7 baitang ang mga salitang balbal na ito. Mayroong

iba’t ibang antas kung kailan ginagamit ang mga balbal na salita. Ito ang mga madalas,

paminsan-minsan, madalang, at hindi.


Ang mga kabataan na madalas ng gumagamit ng salitang pabibo ay

mayroong 14% lamang, ang hokage naman ay mayroong 8%, sumunod dito ang hakdog

na may pinakamataas o nangunguna sa pinakamadalas gamitin na mayroong 52%,

sinundan naman ng lodi na mayroon lamang 18%, ang salitang pokmaru naman ay

mayroong 12%, at ang pumangalawa sa may pinakamataas na pursyento ng madalas ay

ang salitang edi wow na mayroong 50% na sinusundan naman ng jowa na mayroong

32%, at ang kupal at chicks naman ay mayroong parehas na 8%, at ang pinakahuling

salita ay ang epal na mayroong 16%.

Ang mga kabataan naman na paminsan-minsang gumagamit ng salitang

pabibo ay mayroong 12% lamang, ang hokage naman ay mayroong 8%, sumunod dito

ang epal na may pinakamataas o nangunguna sa pinakamadalas gamitin na mayroong

36%, sinundan naman ng lodi na mayroon lamang 26%, ang salitang pokmaru naman ay

mayroong 6%, at ang pumangalawa sa may pinakamataas na pursyento ng madalas ay

ang salitang edi wow na mayroong 28% na sinusundan naman ng jowa na mayroong

18%, ang kupal naman ay mayroong 16%, at hakdog naman ay mayroong parehas na

20%, at ang pinakahuling salita ay ang mga salitang chicks at jowa na mayroong

magkatulad na 6%.

Ang mga kabataan naman na madalang na gumagamit ng mga salitang epal

ay mayroong 14%, sumunod dito ang pabibo na may pinakamataas na porsyento ay

mayroong 20%, sinundan naman ng mga salitang kupal at lodi na mayroon 18%, ang

mga salitang pokmaru, hokage, at edi wow naman ay mayroong 8%, at ang salitang jowa

ay mayroong 12% na sinusundan naman ng salitang hakdog na may 10%, at ang saltang

chicks naman ay may 16%.


3. Ano ang silbi ng iyong pananaliksik?

“Ang pag-aaral na ito ay nakatutulong sa ating mga kabataan upang malaman at

magkaroon ng limitasyon sa mga salitang nauuso sa panahon ngayon. Sa aking opinyon,

walang masama sa paggamit nito ngunit ang lahat ng bagay ay kailangan nating limitahan

tulad ng pagbitaw ng mga salita sa kung minsan ay mayroong hindi magandang dulot sa

ibang tao.”

Dizon, 2019

“Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay para malaman kung gaano kalawak ang

kaalaman ng mga kabataan sa mga salitang ginagamit o ang mga salitang balbal, mas

mainam din na alam nila ang mga salitang kanto.”

Garcia, 2019

“Ang silbi o kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang makita at malaman natin kung

gaano na kadami ang alam ng kabataan na mga balbal na salita at kung kailan nila ito

pwedeng gamitin dahil hindi sa lahat ng pagkakataon dapat gamitin ang mga balbal na

salita at kailangang itama ang paggamit nila rito.”

Hipolito, 2019

“ Ang kahalagan ng pananaliksik na ito ay para malaman ang mga epekto ng salitang

balbal sa kabataan upang mamulat sila sa kung ano mang nangyayari sa henerasyong ito.

Makakatulong ito sa mas epektibong komunikasyon sa kapwa.”

Juatco, 2019
“Ang pananaliksik na ito ay patunay na gumagamit ang kabataan ng mga balbal na salita

na nakaimpluwensiya sa kanila at sa kanilang pananalita sa panahon ngayon na kanila

nang nakasanayang gamitin. Ang isa ring kahalagahan nito ay para malaman kung ito ba

ay dapat gamitin ng mga kabataan lalo na ang mga nasa murang edad na dapat ay

inosente pa ang pag-iisip”

Martinez, 2019

“Ang kahalagahan ng ginawa naming pananaliksik ay para malaman kung tama ba ang

mga salitang balbal na ginagamit sa panahon ngayon at kung maaari ba itong gamitin sa

pangaraw-araw na pamumuhay. Napatunayan namin na ang ibang balbal na salita ay

hindi nakabubuti sa kabataan.”

Paras, 2019

“Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay para ipakita sa mga bagong henerasyon kung

paano unti unting nagbabago ang ating mga salita at kung gaano nila kadalas gamitin ang

mga ito upang sila ay mamulat sa kung ano ang kahalagahan ng paggamit ng pormal na

salita kaysa sa mga impormal.”

Patdu, 2019

“Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay para malaman o makita kung ilang mag-

aaral na ang may kaalaman at mulat tungkol sa salitang balbal at kailangan alamin kung

hanggang saan ang limitado sa paggamit ng mga balbal na salita at sa tamang tao na

bagaynsa antas at prinsipyo.”

Salonga, 2019
KABANATA 5

LAGOM AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ayon sa pag-aaral, ang ating wika ay may mga antas ilan sa mga halimbawa nito

ay ang wikang pampanitikan, lalawiganin, kolokyal at ang wikang Balbal. Isa ang wikang

Balbal na dapat nating unawain at alamin kung ano ba ang kahulugan nito. Ang wikang

ito ay ating ginagamit sa kasalukuyan lalo na ng mga henerasyon ng mga kabataan

ngayon.

Ang salitang Balbal ay isang uri ng antas ng ating pananalita na ibig sabihin

ay mga salita ng “Taong walang pinag-aralan, o salitang kalye”

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay nangalap ng impormasyon sa

mga kapwa estudyante. Ang pag aaral na ito ay isinasagawa upang malaman kung gaano

nila kadalas gamitin ang mga salitang balbal. Ikalawa ay kung ano ano ang mga salitang

balbal na madalas nilang gamitin. Panghuli, upang matukoy kung maganda bang isama

natin ang salitang balbal sa pang araw araw na pakikipag komunikasyon.

Upang malaman ang mga ito, ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang

talatanungan o survey questionnaire para sa mga piling mag aaral ng ika-7 grado.

Ang datos na nakalap ay magsisilbi bilang pangunahing nakalap na kasagutan sa

pag aaral na kung saan ay maingat na iniharap at nasuri ng maayos.


REKOMENDASYON

Batay sa nakalap naming impormasyon patungkol sa aming pananaliksik o

survey, nais naming iparating sa aming mambabasa ang nahanap naming kasagutan sa

mga tanong na aming hinanap. Pumasok sa aming isipan na hindi masama ang makiuso

at makisabay sa mga moderno at balbal na mga salita ngunit kailangan natin itong

gamitinbaa tamang panahon, tamang oras,at tamang tao na bagay sa antas at prinsipyo.

Kailangan pa rin nating pagyamanin ang ating tradisyunal at nasyonal na wika upang sa

gayo'y hindi tayo makalimot sa ating kinagisnang wika.

Nirerekomenda namin para sa lahat na mas bigyang halaga ang bawat salita

na sinasabi ng mga kabataan sa panahon ngayon. Hindi lamang sa pormal kundi pati na

rin sa di-pormal na mga salita. Dahil isang bagay ito na makakatulong saatin upang mas

mapalawak at magkaunawaan ang bawat isa. Isa rin itong paraan upang magkaintindihan

ang mga kabataan sa paggamit ng mga balbal na salita. May kahalagahan rin sa paggamit

ng mga balbal na salita dahil ito ay nakasanayan na at naging parte ng tradisyon ng

bawat isang mamamayang pilipino. Maaari itong gamitin ng mga mag-aaral kung sila

lamang ay nakikipag-usap sakanilang mga kaklase, kaibigan o kaclose..

Makikita natin na masyadong limitado ang mga taong ginamit para sa

pagsusuring ito kaya para sa mga susunod na mananaliksik nito, mas mainam na mas

palawigin nila ang mga taong tatanungin at mas maganda kung mas elaboreyt at mas

maraming taong isasali. Mas mainam din na mapag-aralan ito sa iba pang paaralan para

malaman nila ang kahalagahan ng pananaliksik na ito.


REPUBLIKA NG PILIPINAS

TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL

“IMPLUWENSYA NG MGA BALBAL NA SALITA SA MGA MAG-AARAL NG

TARLAC NATIONAL HIGH SCHOOL NA NASA IKA-7 GRADO”

ISANG THESIS NA INILAHAD SA MGA GURO NG TARLAC NATIONAL

HIGH SCHOOL

ISINALIKSIK NINA:

DIZON, PHOEBE SOFIA

GARCIA, VIENNA JAQUES B.

HIPOLITO, LOUELLA VERA B.

JUATCO, HUZZAIRA DV.

MARTINEZ, NICOLE ANNE S.

PARAS, EXEKIEL B.

PATDU, DAYANNARA M.

SALONGA, GABRIELLA MARIE C.

SY 2019-2020

You might also like