You are on page 1of 4

Implikasyon ng paggamit ng wikang balbal sa mga mag aaral na nasa unang

taon na kumukuha ng kursong bs social work sa plm

1. 1. Implikasyon ng Paggamit ng Wikang Balbal sa mga Mag-aaral na nasa Unang


Taon na Kumukuha ng Kursong BS Social Work sa PLMPanimula Alam naman natin
na sa komunikasyon ay mahalaga kung saan angwika ay ang medyum na
ginagamit upang makamit ito. Wika, kung saan angmga tao ay nagkakaunawaan
at nagkakaroon ng pagkakaisa. Ang wika rinang dahilan kaya nagbubuklod ang
ibat-ibang bansa. May ibat-ibang antasang wika, una ay ang pormal na binubuo
ng mga salitang pambansa atpampanitikan. Kumbaga, ang mga pormal na mga
salita ay kalimitangnakikita sa mga libro o ginagamit ng mga tao sa loob ng
paaralan at opisina.Samantala, ang huling antas naman ay ang impormal na
binubuo nglalawiganin, kolokyal, at balbal. Ang lalawiganin ay ginagamit sa
isangpartikular na lugar, halimbawa na lamang ay Waray na ginagamit
saBisayas. Ang kolokyal naman ay ang araw-araw nating ginagamit, ang
mgahalimbawa nito ay sakin (sa akin), sayo (sa iyo), at marami pang iba.
Angbalbal naman ay ang pinakamababang antas ng wika halimbawa nito ay
mgakabastusan o mura. Ito rin ay tinatawag na slang sa Ingles. Ito aynagmumula
sa mga pangkat-pangkat na nagiging sariling codes nila. Anghalimbawa ng mga
balbal na salita ay tol, pre, yosi, jokla, at marami pangiba na kalimitang
ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Sabalbal din pumapasok ang
mga gay lingua na kadalasang ginagamit na rinngayon. Maaari mo rin itong
tawaging salitang panlansangan.
2. 2. Sa pagsusuring ito ay binibigyang diin ang implikasyon ng paggamitng wikang
balbal sa mga mag-aaral na nasa unang taon na kumukuha ngkursong BS Social
Work sa PLM. Kakailanganin ng mananaliksik ang lahat ngestudyante na nasa
unang taon at may kursong BS Social Work. Ang mganasabing kalahok ay
bibigyan ng mga katanungan na naka-survey format,ito ay naglalaman ng mga
katanungang ukol sa kung ano nga ba angimplikasyon ng paggamit ng wikang
balbal ng mga estudyante.Nakakatulong ba ito o hindi? Kailangan ba talaga nila
itong gamitin? Ilan basa kanila ang gumagamit nito at ang mga hindi
gumagamit?
3. 3. Kaugnay na pag-aaral o panitikanPanimula Ang balbal o islang ay ang
pamantayang paggamit ng mga salita saisang wika ng isang partikular na grupo
ng lipunan. Tinatawag din itongsalitang kanto o salitang panlansangan. Ito ang
mga salitang nabuo onalikha sa inpormal na paraan. Ito rin ang mga salitang
nabuo sa mgapinagsama-sama o pinagdugtong na salita na maaaring maging
maikli omahaba lamang. Erpat at ermat salitang malimit nating marinig sa
tsismisan, satahanan at maging sa mga kabataan. Salitang panlansangan na
usung usongayon sa mga kabataan, kasama-sama ito sa araw-arawna
pamumuhaysa hapagkainan, sa kuwentuhan at maging sa pakikipagtalo sa
lansangan.Salitang panlansangan na kaaya-aya ang tunog sa mga
kabataangnaninirahan sa mababang antas ng lipunan at makabasag tenga
naman sahanay ng mga mayayaman. Ang antas ng lipunan na lalong
nanghihikayat sa mga kabataan namakasanayang bigkasinng madalas ang mga
salitang ito. Kalunus-lunos angmagiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan
ng sapat na lunas sasuliraning ito.
4. 4. Kilalanin ang suliranin Ang pangunahing suliranin ang kinakaharap ng mga
mag-aaral ay angpagkasanay nitong gamitin ang salitang panlansangan na
napupulot nila salipunang kinalakihan. Ang mga salitang ito ay ginagamit rin nila
sa pag-aaralna nagbubunga ng di-wastong paggamit ng salita. Halimbawa na
lamang nalamang ang pagsulat ng isang komposisyon, ang mga mag-aaral na
malimitginagamit nitong salita ay siguradong ang kalalabasan ng isang
komposisyonay may mga salitang tulad ng erpat, ermat, utol at iba pa.
pinanghahalili nilaang mga ganitong salita kaysa sa tamang paggamit ng ina at
ama na salita.Isa pang suliranin ay ang paggamit ng salitang ito sa
pakikipagtalastasan atpakikikapwa tao. Kung ang mag-aaral ay gumagamit mg
salitangpanlansanganay makikipag-usap sa isang mataas na opisyal ng paaralan
aysiguradong ay hindi sila magkakaintindihan sapagkat ang mga salitangginamit
ay kapwa di pamilyar sa isat-isa. Nariyan rin ang madalasang pagtatalo sa ibat
ibang baranggay. Angmga salitang panlansangan ay ginagamit nila sa pakikipag-
away at magingsa pakikipagasaran sa kapwa kamag-aral. Halimbawa na lamang
ang linyangito, Hay naku totoy nageskapo ka na naman sa haybol niyo ng hindi
panaggogoli mukha ka tuloy tsimay, gobas ka talaga ang linyang ito
kapagnarinig ay tataas ang dugo at magkakaroon ng salpukan sa pagitan ng
nang-aasar at inasar. Nagpapatunay lamang ang halimbawang ito na maaring
sasalitang panlansangan ay makakagawa ka ng mga salitang magdudulot ng di
5. 5. kaaya-ayang reaksyon sa kapwa mo na matutuloy sa
maduguangpakikipagtalo. Ang mga salitang malimit marinig sa mag-aarala
gasmati,goli, tsekot, buwaya, tsimay, praning, ka-kosa, sikyo, gobas, shode lulu
atscout royale.Balangkas konseptwalMga suliraning kinakaharap ng mga mag-
aaral sa paggamit ng salitangpanlansangan ng dalawamput limang kabataang
naninirahan sa mababangantasng lipunan 2008 2009Balangkas na di- nakapag-
iisapaggamit ng salitang panlansangan ng dalawamput limang
kabataangnaninirahan sa mababang antas ng lipunan 2008-2009 May mga
taong hindi nakaka-intindi ng salitang ginagamit Maling pagsulat ng isang
komposisyon Malabong pakikipagkomunikasyon na nagiging sanhi ng
madalasang pag-aaway. Ginagamit ang salitang panlansangan sa pag-angkat ng
pinagbabawal ng gamot. Palaging napupuna ng guro sa kanilang pamamaraan
ng pagsasalita.Balangkas na nakapag-iisamga sulurinan kinakaharap ng mag-
aaral Pinanghahalili sa mga wastong salita
6. 6. Kahirapan sa pakikipagtalastasan Impluwensiya ng maling lipunan.Resulta at
Konklusyon Sa aming nakalap na mga impormasyon nakikitang karamihan sa
mgakabataaan ngayon ay naiimpluwensiyahan lang kanilang nababasa sa
mgainternet sites. Isa sa mga tanong namin ay Sa internet ko lang nakuha
angsalitang ito at makikitang halos lahat ng aming mga kalahok ay iyon
angsinagot. Mayroon din na binabanggit lang ang isang salitang
panlansangandahil sa palagi nila itong naririnig ngunit di alam ang kahulugan.
Karamihandin sa mga sagot na aming nakalap ay sadyang nakasanayan na nila
iyon atnaging expression na salita na lamang; karamihan sa mga expression
naiyon ay mga mura. Nakakalamang naman ang mga tawagan na binibigay
ngmga kabataan sa bawat isa. Halimbawa nito ay ang mga sumusunod: bes,tol,
dre, pre, mare, at iba pa. Nakita rin namin na di naman halos lahat ngestudyante
ay gumagamit ng balbal na salita sa pakikipag-usap sa mga guroat nakakatanda,
karamihan lamang ay sa mga tulad, kaedad, o masnakababata sa kanila.
Kumuha rin kami ng ilang kalahok sa mga social networks kung saandoon nila
sasagutin ang survey na aming ginawa. Ngunit, makikita na halosparehas
lamang ng porsyento ng mga sagot sa bawat katanungan.
7. 7. Para sa mga saloobin naman ng mga guro, marami sa kanila angnalulungkot
dahil sa nangyayari sa mga kabataan ngayon ngunit ginagawanila ang lahat ng
paraan para mapabuti ito. Ika nga ng isa sa mga guro, diman ito tuluyang
mawala, magamit lang ito sa wasto at mabawasan;mainam na iyon. Matapos
ang pag-aaral nalaman namin halos lahat ng tao aygumagamit ng balbal o
salitang kalye karamihan dito ay mga kabataan. Angiba ay di alam ang mga
kahulugan ng kanilang mga sinasabi ngunitmapapansin pa rin na kahit papaano
ay may komunikasyon na makikita.Para sa amin, maiiwasan lamang ang
paggamit ng mga salitang kanto kunglahat ay mabibigyan ng magandang
kalidad ng edukasyon, sabi nga nila;Kaalaman ay yaman na kailanman ay di
maipagpapalit sa kahit na ano.Sanggunian na ginamit:http://annalea-
elava.blogspot.com/2009/03/thesis-in-filipino.html?
showComment=1348658589346#c8752902006823750295
8. 8. Mga Natuklasan Sa pagsusuring ito, may 43 katao na kalahok, ito ang bilang
ng buongmag-aaral sa Unang Taon na kumuha ng kursong BS Social Work na
nag-aaral sa PLM. Binubuo ito ng 8 na lalaki at 35 na babae. Lahat sila
aybinigyan ng tig-iisang kopya ng survey na kanilang sasagutan. Ang surveyna
ito ay binubuo ng sampung tanong na masasagot lang ng oo, hindi, atminsan. Sa
aking nakalap, karamihan sa kanila ay gumagamit ng mga balbalna salita ngunit
di naman ganoon kalala o di naman sila gumagamit sobrangbalbal na mga salita.
Kalimitan nilang ginagamit ay ang mga tawagan nila ngkanilang mga kaibigan
tulad ng bes, tropapipz, pre, tol, at marami pang iba.May iilan din na
nagmumura. May ilan din na naging expression na angmga salitang balbal
(kalimitan dito pumapasok ang mga mura). Napansin ko rin na kalimitan
ginagamit lamang nila ang mga salitangbalbal sa pakikipag-usap sa kanilang
mga kaibigan o mga kaklasengitinuturing nilang ka-close. Hindi nila kadalasang
kinakausap ang kanilangmga propesor sa pabalbal na paraan. At kung mayroon
mang pangyayari napabalbal nilang kinakausap ang mga ito, ito ay iyong mga
panahon napinahintulutan sila o di kaya sobrang close na sila na parang
kaibigan angturingan ngunit may mga limitasyon pa rin.
9. 9. Kapasiyahan Batay sa nakalap o nakuha kong impormasyon sa aking mga
tanong osurvey, nakita ko na parte talaga ng buhay mga estudyanteng
kumukuha ngkursong BS Social Work ang paggamit ng mga balbal na salita kung
saan diako lubusang nagulat sa naging resulta. Nakakatulong ang salitang balbal
sa kanila upang mas maunawaanang isat-isa, ngunit may limitasyon ang mga
ito. Ginagamit lamang nila angmga balbal na salita sa mga taong matagal na
nilang kakilala o mgaitinuturing nilang kaibigan. Kumbaga, makikita natin na
ginagamit lamangnila ito sa pansariling pakikipag-komunikasyon sa mga kilalang
kaibigan athindi sa mga taong kakikilala lamang o sa ang kliyente o mga
taongmakakasalamuha nila ng di ganoon katagal sa trabaho. At kokonti
langnaman sa mga mag-aaral ang gumagamit nito para makipag-usap sa
mgataong nagkakataas at nakakatanda sa kanila, halimbawa nito ay ang
mgaguro. Masasabing mahalaga nga paggamit ng balbal na salita para sa
mgamag-aaral sa PLM na kumuha kursong BS Social Work ngunit ito aykalimitang
ginagamit lamang nila para sa pakikipag-usap sa kanilang mgakaibigan at kapwa
nila estudyante na maituturing nilang ka-close.
10. 10. Tagubilin Mapapansin na ang paggamit ng wikang balbal ay nasa pang-araw-
araw na buhay na ng mga estudyanteng nasa Unang Taon na kumuha ngkursong
BS Social Work sa PLM. Nakita rin natin na marami sa kanila anggumagamit ng
mga salitang balbal sa mga taong kilala na nila ng lubusan osa kanilang mga
kaklase lamang. At kaunti lamang sa kanila ang ginagamitrin ito sa mga sa mga
taong nakakatanda o nakakataas sa kanila tulad ngmga guro, janitor, librarian at
marami pang iba. Makikita natin na masyadong limitado ang mga taong ginamit
para sapagsusuring ito kaya para sa mga susunod na mananaliksik nito,
masmainam na mas palawigin nila ang mga taong tatanungin at mas
magandakung mas elaboreyt at mas maraming tanong silang isasali. Mas
magandarin na hindi lamang sa nasabing kurso sila mag-pokus ngunit sa iba
ringkurso na nasasakupan ng PLM. Mas mainam din na mapag-aralan ito sa
ibapang paaralan ngunit iyon ay kung kakayanin sa nasabing nabigay na
oras.Ipinasa ni: Adrian CauinianInayos ni: Amy DeliviosAll Rights Reserved 2012

You might also like