You are on page 1of 13

“EPEKTO NG PAGGAMIT NG BALBAL NA SALITA NG MGA MAG-

AARAL SA IKATLONG ANTAS NG SEKONDARYA NG ST. THOMAS


ACADEMY”

Kristine Marie M. Baybay


Jomhesty Jane H. Leal
Ma. Alyannah P. Lim
Hazel C. Monzones

Ika- ng Pebrero , 2012


“EPEKTO NG PAGGAMIT NG BALBAL NA SALITA NG MGA MAG-
AARAL SA IKATLONG ANTAS NG SEKONDARYA NG ST. THOMAS
ACADEMY”

Kristine Marie M. Baybay


Jomhesty Jane H. Leal
Ma. Alyannah P. Lim
Hazel C. Monzones

Gng.Anatacia Mulawin-Ilagan
Guro sa Filipino III

Gng.Lilibeth M. Enriquez
Punong-guro

Ika- ng Pebrero , 2012


DAHON NG PAGPAPATIBAY

An g p a g - aa r al n a i t o n a m a y p am a ga t na , “EPEKTO NG PAGGAMIT NG
BALBAL NA SALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKATLONG ANTAS NG
SEKONDARYA NG ST. THOMAS ACADEMY” ay iniharap at inihanda ng mga mag-aaral
na sina Kristine Marie M. Baybay, Jomhesty Jane H. Leal, Ma. Alyannah P. Lim, at Hazel
C. Monzones sa Komunikasyong Pangmadla bilang b ah a gi n g p a gt up ad s a kahingi an s a
as i gn at ur a n g P a gsu l at n g T es i s.
PASASALAMAT

Buong pusong pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang PANGINOONG DIYOS na


walang sawang sumusubaybay at gumagabay sa bawat kasapi upang matapos ang pag-aaral na
ito. Salamat sa ibinibigay mong karunungan, pag-ibig, at pananampalataya sa bawat isa.Salamat
sa pakikinig sa bunga ng aming pawis at salamat sa mga puna at mungkahi na malaki ang
naitulong para ganap na maging maayos ang aming pananaliksik.

Lubos ding pinasasalamatan namin si Gng. Anatacia Mulawin-Ilagan, ang tagapayo at


nanagsilbing ina at patuloy na kumalinga sa bawat problemang dumarating sa
mga mananaliksik. Salamat sa napakalawak na pag-unawa at matalinongpag-iisip sa
pangaraw-araw na gawain sa paaralan. Pangalawa sa Lumikha , wagas na pagpapasalamat sa aming mga
magulang na nagsailbing tubig kapag kami’y nauuhaw, nagsilbing damit sa aming kahubdan, kasing halaga ng
hanging ating nalalanghap.

Maramimg maraming salamat, ama, papa, tatay, ina, mama, nanay at sa mga kapatid na mapagmahal at
handang tumulong .Maraming salamat sa mga kaibigan, kakilala at sa mga taong nakasalamuha habang binubuo
ang pananaliksik na ito.At sa huli, salamat sa edukasyon at wika na nagsisilbing pal amuti
saating katauhan at ang nagbabantayog sa karunungan.
TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I 1
Panimula 1
Paglalahad ng Suliranin 2
Kahalagahan sa Pag-aaral 3
Paglalahad ng Layunin 4
Saklaw at Limitasyon 5
Kahalagahan ng mga Katawagan 6

Kabanata II 7
Mga Kaugnay na Pag-aaral 7
Mga Kaugnay Na Literatura 8
KABANATA I

KAPALIGIRAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Tunay ngang wala ng permanente sa mundo kundi ang pagbabago. Ang lahat ng bagay ay
sumasailalim sa pagbabago. Pagbabago na naayon sa ating panahon na maging ang ating wika ay
tumutugon sa mga pagbabagong ito.

Ang pananaliksik na ito ay sumasailalim sa makabagong direksyon at inobasyon na


naglalarawan ng ating wika sa kasalukuyan. Salitang balbal, ito ang mga salitang nabuo sa
impormal na paraan, mga salitang nabuo sa mga pagsama-sama o pinag-dugtong-tugtong na
salita na maaaring maging mahaba o mailkli lang. Ano kaya ang epekto nito sa mga mag-aaral
ngayon?

Lumalabas sa isinasagawang pag aaral na ang likhang salitang kanto, likhang salitang
bakla at likhang salitang sosyal ay madalas gamitin ng mga mag-aaral sa kanilang pang araw-
araw. Ang paggamit ng salitang balbal ay nagdudulot ng kahinaan sa ispeling, malabong
pakikipag komunikasyon at pinang hahali sa mga wastong salita.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

a.) Ang paggamit ng mga salitang balbal ng mga kabataan na nagdudulot ng kahinaan sa
ispeling.
b.) Nakakasanayan na ng mga kabataan ang paggamit ng salitang balbal na nakakaapekto sa
tamang paggamit n gating wika.
KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL

Sa mga kabataan. Upang hindi na makasanayan pa ng mga kabataan ang paggamit ng


salitang balbal.

Sa mga mananaliksik. Upang magamit ng ayos ang ating sariling wika at hindi ang mga
salitang balbal.

Sa mga mag-aaral. Kapag naiwasan ito, ay magagamit ng ayos ang ating sariling wika at
ng hindi mahirapan sa ating pag-aaral tulad ng kahinaan sa ispeling at paggamit ng ating
tamang wika.
PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong:

 Mahikayat ang mga kabataan na iwasan ang paggamit ng salitang balbal, na


maaaring maging dahilan ng kahinaan sa paggamit ng wastong salita.
 Magamit ng wasto ang ating wika.
 Maiwasan ang paunti-unting paggamit ng salitang balbal sa pakikipag-usap.
 Kilalanin at ipagmalaki ang ating sariling wika.
SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng limampung mga piling mag -aaral


sa ikatlong antas ng sekondarya sa mataas na paaralan ng St. Thomas Academy sa
taong panuruan 2011-2012, tungkol sa epekto ng pagkasanay sa paggamit ng salitang
balbal sa mga kabataan ngayon.
KAHALAGAHAN NG MGA KATAWAGAN

Konseptwal- ito ang pansariling kahulugan ng isang salita. Bawa't salitang ginagamit sa
texto ay may ibig sabihin. Maaaring maging payak o komplikado ang kahulugan ng salita. Ang
konseptwal na kahulugan ng mga salita sa texto ang isang batayan ng iba pang mga kahulugan.

Proposisyunal- ito ay ang pansariling kahulugan ng isang pangungusap. Ang mga


pangungusap ay may kahulugang taglay kahit na hindi ginagamit sa isang kontexto. Nakatayo ito
sa kanyang sarili.

Kontekstwal- ito ay ang kahulugang taglay ng pangungusap kung nasa isang kalagayan o
konteksto. Makukuha ang kahulugang kontextual batay sa ugnayan ng mga pangungusap sa
texto. Makukuha rin ang kahulugan nito ayon sa paraan ng pagkakagamit ng awtor sa mga
pangungusap.

Pragmatiko- ito ang kahulugan ng pangungusap batay sa interaksyon ng awtor at ng mga


mambabasa. Ang kahulugang ito ay naglalaman ng damdamin, saloobin, pananaw ng awtor na
ipinararating sa mga mambabasa.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon kay Gette (2010), anb balbal o islang na salita ay ang di-pamantayang paggamit ng
mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang
kanto o salitang kalye. Halimbawa nito ay parak, lespo (pulis), iskapo (takas), atik (pera), erpats
(tatay), jokla (bakla), tiboli (tomboy), at marami pang iba.

http://www.oppapers.com/essays/Gette/376738

Ayon naman kina Bautistaa,Kazuhiro et al.(2009), ang balbal o islang na salita ay ang di-
pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Ang
antas ng lipunan na lalong nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang bigkasing madalas
ang mga salitang ito. Kalunos-lunos ang magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan na
sapat na lunas o solusyon ang suliraning ito.

http://annalea-eleva.blogspot.com/2009/03/thesis-in-filipino.html
MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon sa Wikipedia, ang balbal o islang ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa
isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang
kalye. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o pinagdugtong na salita, maaari itong
mahaba o maikling salita lamang.Ang salitang balbal ay maiugnay sa salitang bakla.

http://tl.wikipedia.org/wiki.Balbal

You might also like